"Congratulations" "Congratulations...awoo..awoo..," hindi ko alam kung paano ako sisingit para makalapit sa mahal ko dahil sa siksikan dito sa auditorium kung saan ginanap ang kanilang graduation ceremony. Dahil sa wakas nakapagtapos narin ang boyfriend ko ng senior high, masaya at the time ay malungkot kasi wala ng Cloud na lagi kong kasama sa next ko na pasukan, masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi naman habang buhay nasa high school ka lang, one year pa ang tatapusin naming batch bago kami naman ang tumuntong sa stage para kunin ang diploma namin. One year ang hihintayin ko bago kami magkasama muli ni Cloudy ko kung doon nga ako mag-aaral kung saan naisipan ni Cloud na University sa Dumaguete.Ang tatay lang ang nakasama ni Cloud ngayon na umuwi sa probinsya dahil ang nanay niya ay may business meeting daw ito sa Manila na hindi kailangan ipagliban dahil malaking investor ang nakasalalay kapag nilampas ang ganoong pagkakataon. Mabuti na lang nandito si sir Richard da
Kay ganda ng gising ko sa umagang ito. Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may bagong pinadala si Cloud na message sa akin. Binuksan ko ang messenger ko at ang last ko nabasa ay ang see you tomorrow niya na pinasa bandang ala una ng maaga, kahit gabi na nagtatawagan pa kami kung hindi lang namin alam na may lakad kami sa araw ngayon ay hindi namin titigilan. Kinekwento lang naman niya kung anong ginagawa niya sa school, walang oras na hindi siya nagbabasa ng libro kasi yun lang paraan niya na hindi maboring ang araw niya. Kaysa daw sumama palagi sa dalawa niyang makukulit na anak na si Vincent at Carlos ay puro naman chicks ang binabantayan kapag may dumadaan sa gawi nila kaya sa libro na lang tinutuon ang mga mata niya. Good boy. Good boy talaga ang Cloudy ko. Mahal talaga niya ako.Tenext ko na lang siya baka kasi tulog pa ito ngayon, intindihin ko lalo at galing pa ito sa mahabang biyahe kahapon, nagdala kasi siya ng sarili niyang sasakyan hindi na ang kanyang motorcycle dahi
Sinuntok ko sa braso ng mahina lang naman si Ignacio ng makaupo na ako sa upuan wala naman akong choice kundi tumabi sa lalaking ito dahil sa tabi lang naman niya ang may bakante na upuan."Ako ang unang nakakita sa libro kaya dapat ako ang unang gumamit niyan," nagpipigil na galit sa mahinang boses para kami lang ang makakarinig.Tinabingi niya ang katawan niya para makaharap ako. "Ayoko nga, who get first, read first," ngisi nitong sabi habang kinindatan ako. Hinahanap ng mga mata ko si Mica baka lang mapagsabihan niya itong mokong na ito pero wait, sila na ba? Parang hindi ko na nakikita na nakatingin o nang aasar tong Ignacio na ito sa kaklase namin. "Sige.. I'll give you 10 minutes para hanapin mo ang pinapahanap sa atin then after that ibigay mo sa akin iyan at ako naman ang gagamit," mungkahi ko sa kanya, baka lang naman ibigay niya. Nag-iisa lang kasi yan na book na nakita ko, may nakahiram na ata na ibang students."Luh! One hour mas okay yun sa akin," nagpadagdag pa nga. G
Kahit anong gawin natin hinding-hindi na natin talaga mababalikan ang ating nakaraan para ibalik kung gaano tayo kasaya, itama ang pagkakamali, hindi na. Ang tanging magagawa na lang natin ay alalahanin natin kung ano tayo dati, kung anong mga karanasan ang napagdaanan natin kung may natutunan ba tayo o wala. Katulad na lang noong nag pasko at bagong taon na hindi ko na naman kasama ang mahal ko dahil sa hindi inaasahan na nangyari sa kanyang ama. Oo, malakas naman si sir Richard pero nagbago ang lahat ng ito dahil lang sa isang aksidente na kamuntikan ng niyang ikamatay. Hindi talaga natin malalaman kung ano ang mangyayari sa atin every tick tock of the clock is really surprising, kahit segundo pwede magbago ang iyong buhay. Hihintayin mo na lang kung ano ang naghihintay sa'yo, masaya ba o maging malungkot. Swerte o malas.Kahit Valentines day ay wala siya sa aking tabi. Noong inuwi ang dad niya sa probinsya hindi na siya nakasama dahil may business meeting. Inaalala ko na lang ang m
Nagmamadali akong lumabas ng auditorium para hanapin ang mama ko nagtataka nga lang ako kung bakit uuwi siya agad. Nagtampo ba siya dahil iba ang nagkabit ng medal ko. Galit ba si mama dahil hindi ko man lang siya hinihintay? Pero hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay mama. Alam ko na sasabihin niya sa akin na ayos lang iyon dahil baka mamaya aabotan kami ng gabi. Alam ko yan ang gustong sabihin ni mama ko. Pero kailangan ko paring humingi ng tawad sa kanya. Pero bakit siya umalis at parang nagmamadali?Alam kong bastos na bigla na lang akong lumabas kung saan ako kanina, for sure maintindihan nila kapag pinaliwanag ko sa kanila. Mas kailangan ako ng mama ko ngayon kung nagtatampo nga siya sa akin para makahingi agad ako ng sorry.Palabas na ako ng gate ng paaralan ng may bigla na lang humawak sa aking kaliwang braso."Ikaw ba si Shemaia?" tanong nito sa akin."Opo," I nodded habang nagtataka kung bakit niya ako nilapitan."Ikaw nga..Ineng may sasabihin sana ako sa'yo 'wag ka sanang m
( WARNING: Trigger scene)"Shemaia!!" narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Hindi ako lumingon, nakayuko lang ang ulo ko, hindi ko sila kayang tingnan. Ayokong kaawaan nila ako."Sorry Oh my God, sorry Rey ngayon lang kami nakapunta, kanina lang namin nabalitaan ang nangyari kaya pumunta agad kami para makasiguro kung tama ba ang narinig namin tapos tinatawagan ka namin sa cellphone mo ay hindi ka sumasagot," paliwanag ni Cathy habang hinihimas ang aking likod saka si Gail. Si Sophia and Mercy ay sa aking ulo ng makalapit sila, pinapakalma nila ako."Pagsubok lang itong lahat Rey, 'wag kang mag-alala malalampasan mo rin lahat ng ito," si Mercy habang yinayakap ako ng mahigpit. "Tahan na please, Gosh! Shemaia may sugat ka," pag-alala nito at tiningnan ang mga galos ko. Walang tigil ang luha ko, naramdaman ko sa mga oras na ito na hindi ako nag-iisa, may karamay ako at ito ang mga kaibigan ko. Nandito sila hindi para kaawaan ako kundi samahan ako sa kalungkutan."Drink this," may in
Pahalagahan…bawat segundo ang buhay natin habang nabubuhay pa tayo sa mundong hiram lang sa atin. Darating ang araw na isa-isa tayong kukunin. Walang pinipili ang panahon mapa bata man o matanda, may mauuna. Masaya ka man o malungkot ay may mauuna parin. Mabait ka man o may masamang nagawa kung panahon muna, paalam na, iba na ang mundo ang mararanasan mo. Ma swerte na lang ang iba na nabigyan ng panahon para magpaalam sila sa mundo na ito dahil sa katandaan. Atleast naranasan nila ang dekada na nagdaan. Ang masakit lang na isipin na mamamatay ka sa isang iglap lang. Hindi ka man lang nakapagpaalam ng maayos. Yun ang pinakamasakit sa lahat katulad na lang sa nangyari sa mama ko. Kung hindi nangyari yun hindi ko man lang malalaman na may mas matagal na pala siyang may nararamdaman na sakit sa katawan na akala ko simpleng sakit lang ng paa at balikat pero may iba pa pala. Nakakalungkot lang kasi, nabangga pa siya, may cancer at namatay siya dahil sa cardiac arrest. Maswerte na lang ako
Maingay na electronic dance music, amoy ng alak at sigarilyo ang malalanghap mo sa club lalo ngayon na nag-uumpisa na ang ibang mga tao na magsaya, sumayaw at umandayog sa musika. Pagtitipon ng magbabarkada o kamag-anak o di kaya katrabaho na hindi na nagawang magpalit ng uniform at pumunta na dito para magsaya at dito napili sa club na ito, usap-inuman, usap-inuman at kung mawala na ang hiya sa katawan dahil sa alak na nainom ay kanya-kanya ng punta sa gitna para sumayaw at sabayan ang tugtugan.Sa limang taon ko dito na nagtatrabaho bilang waitress ay hindi madali lalo at may mga customers na bastos. Kahit ganito man ang trabaho ko ay napag-aral ko ang sarili ko at para mas madali at hindi masayang ang oras ko sa kakacommute lalo at ma traffic sa Manila, lalo kapag nagmamadali ka, saka pa mas bumagal ang usad ng sasakyan kaya online class na lang ang kinuha ko. Suggestion din nong kaibigan ng kaibigan ni Mercy na dito rin nagtatrabaho na si Rica ang pangalan 'pag gabi pero Rico ka