Maingay na electronic dance music, amoy ng alak at sigarilyo ang malalanghap mo sa club lalo ngayon na nag-uumpisa na ang ibang mga tao na magsaya, sumayaw at umandayog sa musika. Pagtitipon ng magbabarkada o kamag-anak o di kaya katrabaho na hindi na nagawang magpalit ng uniform at pumunta na dito para magsaya at dito napili sa club na ito, usap-inuman, usap-inuman at kung mawala na ang hiya sa katawan dahil sa alak na nainom ay kanya-kanya ng punta sa gitna para sumayaw at sabayan ang tugtugan.Sa limang taon ko dito na nagtatrabaho bilang waitress ay hindi madali lalo at may mga customers na bastos. Kahit ganito man ang trabaho ko ay napag-aral ko ang sarili ko at para mas madali at hindi masayang ang oras ko sa kakacommute lalo at ma traffic sa Manila, lalo kapag nagmamadali ka, saka pa mas bumagal ang usad ng sasakyan kaya online class na lang ang kinuha ko. Suggestion din nong kaibigan ng kaibigan ni Mercy na dito rin nagtatrabaho na si Rica ang pangalan 'pag gabi pero Rico ka
(Warning: Trigger warning)Nagising ako sa magandang panaginip. Binuksan ko ang dalawang mata ko ng dahan-dahan, pero medyo nanibago sa paligid kaya binalik ko ulit ang pagpikit ng aking mga talukap."Hey? How are you feeling right now? Feeling better?" tanong ni Ignacio, nagtataka man ay tumango lang ako. Nandito siya? Bakit hindi ko matandaan na pinapasok ko siya? Babangon na sana ako ng pinigilan ni Ignacio ang isa kong balikat, "Dahan-dahan, what do you want? Gusto mo bang kumain? O anything that you want to eat? Naiihi ka ba? Magbabanyo ka?" sunod-sunod na naman na tanong niya, nagtataka sa kanyang kinikilos pero dahil hindi ako makapagsalita ng maayos dahil feeling ko ilang araw akong dehydrated at hindi pa talaga umiinom ng tubig."Water please," sa mahina ang boses habang tinuturo ang plastic bottle."Alright! I'll be the one na," kinuha niya ang water bottle sa maliit ko na folding table at binuksan. Ng makalapit siya ay tinulungan niya ako na maiangat ang kalahating katawan
Giving a second life ay yun ang bagay na mas mabibigyan mo ng halaga ang buhay mo. Maraming pagsubok na dumating pero hindi ibig sabihin na susuko kana. Manalig ka lang at magtiwala walang mawawala, saka mo na sabihin sa sarili mo na hindi mo talaga kaya kung nangyari na. Marahil kung hindi ako naglakas loob na subukan na makalayo at lumaban baka sa isang iglap lang hindi ko na masilayan muli ang mundo. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay nabigyan ako muli ng pag-asa kahit mahirap titiisin kong mamuhay ng normal."Run and don't look back," yun ang malalim na boses na narinig ko pagkatapos kong marinig ang pagputok ng baril. Akala ko para yun sa akin ang bala pero no'ng pagdilat ng mga mata ko ay doon ko lang nalaman na si Manong Danny pala ang sadyang pinatamaan. May tama ito sa ulo at may tumalsik sa mukha ko na tangkain niya akong hulihin.Umiiyak at nagmamakaawa na h'wag akong patayin dahil wala naman akong kasalanan sa isang estranghero. Mabuti na lang at nakinig pero. "Ako na ang
Kanina pa ako pinagmamasdan ni Ignacio, for sure naghahanap ito ng way na may sasabihin ako sa kanya na hindi maganda. Hindi madaling makalimot sa nakaraan lalo at naging trauma iyon sa akin pero dahil ayoko namang laging nag-alala ang mga kaibigan ko ay dapat magkunwari ako na walang nangyari at masaya ako sa araw na ito.Nasa apartment ako ngayon, nagpaalam ako kay nanay Berta na kunin ko na muna ang lahat ng gamit ko at mamaya na ako uuwi. Baka ihahatid ako ni Ignacio kung okay sa kanya kung hindi ayos lang at magtataxi na lang ako lalo at dala ko ang laptop ko at ibang mga gamit. Mahirap na baka hindi ko mabitbit lahat kapag sumakay ako ng jeep o bus ba pauwi ng condo unit."Sure ka na walang nangyari sa'yo na masama, Shemaia?" kanina pa itong nagtatanong sa akin ng ganyan. Nagluluto siya ngayon dito sa apartment ko at ako naman nandito lang sa silya ko at nakaupo. Tinawagan ko siya kagabi na uuwi ako dito kaya nagpabook agad siya ng ticket na pupunta din siya nanggaling parin siy
Chapter 30"Hello beautiful ladies," unang bungad sa amin ni sir Edziel sa umagang ito. Nasa kusina kami ni Nanay Berta para asikasuhin ang kanyang agahan."Kumain kana iho, may lakad kaba mamaya at maaga kang nagising?" tanong ni nanay Berta. Kumuha ang amo namin ng mug para magtimpla ng kape, sabi ni manang kusa na lang itong nagtitimpla ng sariling kape basta naka on na yung pang brewed coffee."Wala naman po… dito lang po ako sa bahay, masakit pa kasi yung hampas ng alaga mo manang Berta, sabay na po pala tayong kumain," binalingan niya ako na may kasamang ngiti ang mga labi. Ngumuso ako nang-aasar eh, nilapitan ko siya at inangat ang panga na nahampas ko kagabi, nagulat man ito pero nakangisi na lang habang nakatingin sa akin. "Masakit dito oh…ouch!" hinawakan niya ang kamay ko para maperma kung saan ang masakit. "There…ouch!" tinaasan ko siya ng kilay, kung matagal ko na itong kakilala binatukan ko na ito eh.Paano ba naman kasi kung saan-saan na niya nilalapat ang kamay ko sa k
Nagising ako kinaumagahan dahil sa masamang panaginip. Kinuha ko ang picture na nasa ilalim ng unan ko at kinakausap siya. "Hanggang ngayon galit ka parin sa akin mahal ko? The way you look at me sa aking panaginip ay parang gusto mo na talaga akong saktan para lang hindi mo ako makita, h'wag kang mag-alala hindi naman kita gagambalain kapag nagkita tayo muli. Hihingi lang ako ng tawad sa'yo, sa lahat na sinabi ko. "Maniwala ka man o hindi mahal na mahal kita hanggang ngayon nandito parin sa puso ko nakaukit ang isang ikaw. Bukas anniversary na natin pero ito yung araw na nasaktan kita. Ito yung araw na pinakawalan kita. Sana mapatawad mo ako Cloudy ko. Patawad mahal ko…patawad. Kung may namamagitan man sa inyo ni Karen habang tayo pa ay wala akong magagawa kung mas pinili mo siya kaysa sa akin. Basta sa mga panahon na iyon ay sobrang mahalaga ka sa akin, mahal na mahal kita."Pagkatapos kung kausapin ang kanyang larawan ay bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo. Ginagawa k
Nakatitig lang ito sa cake na hanggang ngayon ay nasa kamay ko parin at hindi niya nilapitan para hipan ang kandila at hindi na niya ako tinapunan ng tingin sa mga mata o mukha man lang.Ibang-iba na siya ngayon kaysa dati. Alam ko naman na magbabago talaga ang kanyang pangangatawan at porma pero hindi ko maisip na ganito pala kaganda ang hubog ng kanyang katawan kahit may suot pa itong simpleng t-shirt at jean pants. Siya parin ito ang matangos na ilong, thin lips, low fade haircut at ang kanyang mga mata na kulay abo na ngayon ay malamig ang tingin hindi man sa akin kundi sa cake. Katawan na hapit na hapit sa kanyang damit at mas lalo siyang tumangkad. Ibang-iba na siya sa nakikita ko sa mga pictures namin na lagi kong tinititigan kapag namimiss ko siya.Gusto ko mang ngumiti at batiin siya pero walang lumalabas sa aking mga labi, dahil siguro hindi rin ito ngumingiti at nakaigting lang ang kanyang panga. Titig na titig parin ako sa mukha niya, sinisigurado ko na tama ang nakikita
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Gumulong-gulong muna ako sa kama para mawala ang sakit pero parang lalo tuloy akong nasasaktan. Bakit nagkaganito? Sumasakit naman minsan ang ulo ko pero hindi katulad ngayon na parang binibiyak yata ang utak ko. Unti-unti ko ng dinilat ang mga mata at nakatitig sa kisame.May naalala ako. Uminom pala ako kagabi at hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Basta ang natatandaan ko lang na nagkasagutan kami ni Cloud at nagtago ako sa cabinet pagpasok ko sa loob ng kwarto. Hindi ko maalala kung kailan ako nagising at napunta sa kama. Inangat ko ang damit ko na kulay white at hindi ko rin maalala kung anong oras ako nagbihis at talagang nakapag bihis pa ako ng bagong damit. Siguro sa kalasingan ko kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa ko at hindi ko maalala ang mga pinaggagawa ko."Gosh! Ayoko na talagang uminom pa. Ang sakit pala sa ulo…" Mabuti na lang at ako lang ang nakakaalam sa mga pinaggagawa ko kahit hindi ko naman talaga maalala kung ano pa