Kahit anong gawin natin hinding-hindi na natin talaga mababalikan ang ating nakaraan para ibalik kung gaano tayo kasaya, itama ang pagkakamali, hindi na. Ang tanging magagawa na lang natin ay alalahanin natin kung ano tayo dati, kung anong mga karanasan ang napagdaanan natin kung may natutunan ba tayo o wala. Katulad na lang noong nag pasko at bagong taon na hindi ko na naman kasama ang mahal ko dahil sa hindi inaasahan na nangyari sa kanyang ama. Oo, malakas naman si sir Richard pero nagbago ang lahat ng ito dahil lang sa isang aksidente na kamuntikan ng niyang ikamatay. Hindi talaga natin malalaman kung ano ang mangyayari sa atin every tick tock of the clock is really surprising, kahit segundo pwede magbago ang iyong buhay. Hihintayin mo na lang kung ano ang naghihintay sa'yo, masaya ba o maging malungkot. Swerte o malas.Kahit Valentines day ay wala siya sa aking tabi. Noong inuwi ang dad niya sa probinsya hindi na siya nakasama dahil may business meeting. Inaalala ko na lang ang m
Nagmamadali akong lumabas ng auditorium para hanapin ang mama ko nagtataka nga lang ako kung bakit uuwi siya agad. Nagtampo ba siya dahil iba ang nagkabit ng medal ko. Galit ba si mama dahil hindi ko man lang siya hinihintay? Pero hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay mama. Alam ko na sasabihin niya sa akin na ayos lang iyon dahil baka mamaya aabotan kami ng gabi. Alam ko yan ang gustong sabihin ni mama ko. Pero kailangan ko paring humingi ng tawad sa kanya. Pero bakit siya umalis at parang nagmamadali?Alam kong bastos na bigla na lang akong lumabas kung saan ako kanina, for sure maintindihan nila kapag pinaliwanag ko sa kanila. Mas kailangan ako ng mama ko ngayon kung nagtatampo nga siya sa akin para makahingi agad ako ng sorry.Palabas na ako ng gate ng paaralan ng may bigla na lang humawak sa aking kaliwang braso."Ikaw ba si Shemaia?" tanong nito sa akin."Opo," I nodded habang nagtataka kung bakit niya ako nilapitan."Ikaw nga..Ineng may sasabihin sana ako sa'yo 'wag ka sanang m
( WARNING: Trigger scene)"Shemaia!!" narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Hindi ako lumingon, nakayuko lang ang ulo ko, hindi ko sila kayang tingnan. Ayokong kaawaan nila ako."Sorry Oh my God, sorry Rey ngayon lang kami nakapunta, kanina lang namin nabalitaan ang nangyari kaya pumunta agad kami para makasiguro kung tama ba ang narinig namin tapos tinatawagan ka namin sa cellphone mo ay hindi ka sumasagot," paliwanag ni Cathy habang hinihimas ang aking likod saka si Gail. Si Sophia and Mercy ay sa aking ulo ng makalapit sila, pinapakalma nila ako."Pagsubok lang itong lahat Rey, 'wag kang mag-alala malalampasan mo rin lahat ng ito," si Mercy habang yinayakap ako ng mahigpit. "Tahan na please, Gosh! Shemaia may sugat ka," pag-alala nito at tiningnan ang mga galos ko. Walang tigil ang luha ko, naramdaman ko sa mga oras na ito na hindi ako nag-iisa, may karamay ako at ito ang mga kaibigan ko. Nandito sila hindi para kaawaan ako kundi samahan ako sa kalungkutan."Drink this," may in
Pahalagahan…bawat segundo ang buhay natin habang nabubuhay pa tayo sa mundong hiram lang sa atin. Darating ang araw na isa-isa tayong kukunin. Walang pinipili ang panahon mapa bata man o matanda, may mauuna. Masaya ka man o malungkot ay may mauuna parin. Mabait ka man o may masamang nagawa kung panahon muna, paalam na, iba na ang mundo ang mararanasan mo. Ma swerte na lang ang iba na nabigyan ng panahon para magpaalam sila sa mundo na ito dahil sa katandaan. Atleast naranasan nila ang dekada na nagdaan. Ang masakit lang na isipin na mamamatay ka sa isang iglap lang. Hindi ka man lang nakapagpaalam ng maayos. Yun ang pinakamasakit sa lahat katulad na lang sa nangyari sa mama ko. Kung hindi nangyari yun hindi ko man lang malalaman na may mas matagal na pala siyang may nararamdaman na sakit sa katawan na akala ko simpleng sakit lang ng paa at balikat pero may iba pa pala. Nakakalungkot lang kasi, nabangga pa siya, may cancer at namatay siya dahil sa cardiac arrest. Maswerte na lang ako
Maingay na electronic dance music, amoy ng alak at sigarilyo ang malalanghap mo sa club lalo ngayon na nag-uumpisa na ang ibang mga tao na magsaya, sumayaw at umandayog sa musika. Pagtitipon ng magbabarkada o kamag-anak o di kaya katrabaho na hindi na nagawang magpalit ng uniform at pumunta na dito para magsaya at dito napili sa club na ito, usap-inuman, usap-inuman at kung mawala na ang hiya sa katawan dahil sa alak na nainom ay kanya-kanya ng punta sa gitna para sumayaw at sabayan ang tugtugan.Sa limang taon ko dito na nagtatrabaho bilang waitress ay hindi madali lalo at may mga customers na bastos. Kahit ganito man ang trabaho ko ay napag-aral ko ang sarili ko at para mas madali at hindi masayang ang oras ko sa kakacommute lalo at ma traffic sa Manila, lalo kapag nagmamadali ka, saka pa mas bumagal ang usad ng sasakyan kaya online class na lang ang kinuha ko. Suggestion din nong kaibigan ng kaibigan ni Mercy na dito rin nagtatrabaho na si Rica ang pangalan 'pag gabi pero Rico ka
(Warning: Trigger warning)Nagising ako sa magandang panaginip. Binuksan ko ang dalawang mata ko ng dahan-dahan, pero medyo nanibago sa paligid kaya binalik ko ulit ang pagpikit ng aking mga talukap."Hey? How are you feeling right now? Feeling better?" tanong ni Ignacio, nagtataka man ay tumango lang ako. Nandito siya? Bakit hindi ko matandaan na pinapasok ko siya? Babangon na sana ako ng pinigilan ni Ignacio ang isa kong balikat, "Dahan-dahan, what do you want? Gusto mo bang kumain? O anything that you want to eat? Naiihi ka ba? Magbabanyo ka?" sunod-sunod na naman na tanong niya, nagtataka sa kanyang kinikilos pero dahil hindi ako makapagsalita ng maayos dahil feeling ko ilang araw akong dehydrated at hindi pa talaga umiinom ng tubig."Water please," sa mahina ang boses habang tinuturo ang plastic bottle."Alright! I'll be the one na," kinuha niya ang water bottle sa maliit ko na folding table at binuksan. Ng makalapit siya ay tinulungan niya ako na maiangat ang kalahating katawan
Giving a second life ay yun ang bagay na mas mabibigyan mo ng halaga ang buhay mo. Maraming pagsubok na dumating pero hindi ibig sabihin na susuko kana. Manalig ka lang at magtiwala walang mawawala, saka mo na sabihin sa sarili mo na hindi mo talaga kaya kung nangyari na. Marahil kung hindi ako naglakas loob na subukan na makalayo at lumaban baka sa isang iglap lang hindi ko na masilayan muli ang mundo. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay nabigyan ako muli ng pag-asa kahit mahirap titiisin kong mamuhay ng normal."Run and don't look back," yun ang malalim na boses na narinig ko pagkatapos kong marinig ang pagputok ng baril. Akala ko para yun sa akin ang bala pero no'ng pagdilat ng mga mata ko ay doon ko lang nalaman na si Manong Danny pala ang sadyang pinatamaan. May tama ito sa ulo at may tumalsik sa mukha ko na tangkain niya akong hulihin.Umiiyak at nagmamakaawa na h'wag akong patayin dahil wala naman akong kasalanan sa isang estranghero. Mabuti na lang at nakinig pero. "Ako na ang
Kanina pa ako pinagmamasdan ni Ignacio, for sure naghahanap ito ng way na may sasabihin ako sa kanya na hindi maganda. Hindi madaling makalimot sa nakaraan lalo at naging trauma iyon sa akin pero dahil ayoko namang laging nag-alala ang mga kaibigan ko ay dapat magkunwari ako na walang nangyari at masaya ako sa araw na ito.Nasa apartment ako ngayon, nagpaalam ako kay nanay Berta na kunin ko na muna ang lahat ng gamit ko at mamaya na ako uuwi. Baka ihahatid ako ni Ignacio kung okay sa kanya kung hindi ayos lang at magtataxi na lang ako lalo at dala ko ang laptop ko at ibang mga gamit. Mahirap na baka hindi ko mabitbit lahat kapag sumakay ako ng jeep o bus ba pauwi ng condo unit."Sure ka na walang nangyari sa'yo na masama, Shemaia?" kanina pa itong nagtatanong sa akin ng ganyan. Nagluluto siya ngayon dito sa apartment ko at ako naman nandito lang sa silya ko at nakaupo. Tinawagan ko siya kagabi na uuwi ako dito kaya nagpabook agad siya ng ticket na pupunta din siya nanggaling parin siy
SPECIAL CHAPTER (The Last Farewell)Devi Cloud Valentino POV"Baby, I miss you so much! Ilang years na ba ang nakalipas, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, kung nasaan ka man ngayon I hope masaya ka kasama sina tatay at nanay Carmelita. Tay..nay…kayo na po bahala sa kanya. Baby… I love you always and forever. Like what I always say everyday, hmm and don't forget na ako parin ito si Devi Cloud Valentino, the handsome creature in our Valentino's family, always remember that baby!""Dad, let's go! Let's go dad!" kahit kailan talaga panira ng moments itong batang ito."Wait Deimos, I'm not done talking here," sabi ko sa kanya."We're going to be late! Paulit-ulit lang naman ang binabanggit mo na gwapo ka!" sinungitan ko siya."Totoo naman ah." "Ako kaya daddy, period.. let's go, we're going to be late sige ka.""Sus! sabihin mo namimiss mo lang si Aelia," binatukan ni Deimos ang kakambal niyang si Arnoux."Wee, nagsalita ang nabastid!" ani naman ni Perseus. Napabu
DEVI CLOUD VALENTINO POV 3Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hindi ako makahinga na nasa harap ko lang ang babae na kanina ko pa iniisip. Siya ba talaga ito? Baka nanaginip lang ako at hallucination lang itong lahat. Baka kung hawakan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala katulad na lang kapag napapanaginipan ko siya.My beautiful wife is here in front of me while holding? Bakit may hawak siya na cake? Bakit ang baby ko ang may hawak niyan? Bigla yatang kumulo ang lahat ng dugo ko sa loob ng katawan dahil pinahirapan nila ang mahal ko, ang kakapal ng mga apog nitong mga nilalang na mga ito na panay ngisi lang."Who are you?" nagulat ito dahil sa tanong ko at hindi ko alam na sa dami-dami kung gustong sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil narito na siya sa harapan ko, pinili niya ako kaysa sa boyfriend niya o asawa na ba dahil magkasama sila sa isang bubong?"Sorry parekoy. By the way, this is Shemaia Rey. Siya ang kapalit ni
Devi Cloud Valentino POV 02"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko sa aking lalaking secretary. "Yes sir, malinis na po lahat sa loob at labas ng bahay po," aniya sa akin. Alam ko na malayo pa pero sobrang excited na ako na makapiling ko ulit ang nag-iisang baby ko. Dito siya sa Manila mag-aaral ng College kaya ito ako. Halos araw-araw lagi kong pinapalinis ang bagong tahanan nila. Mabuti na lang at pumayag si manang Carmelita noong tinawagan ko siya habang nasa mansion pa ito."Sige salamat Dado. You can go home now." sabi ko bago pinatay ang tawag.Nagising ako dahil sa sa alarm clock, bumangon agad ako para pumunta muna ng opisina dahil may meeting ako sa isa sa mga clients ko. Bandang 9 ng umaga pa ang pasok ko kaya kailangan ko munang kausapin ang mga empleyado sa kumpanya na tinatawag na Valentino Design & Craft Arts Corp. Dahil sa hanggang ngayon na comatose pa si dad kaya ako na muna ang mamamahala at mabuti na lang noong bata pa ako ay sinasama na ako ni Dad sa opisina kaya ki
Author Gratitude: From 0 words to 200k words plus. Hanggang ngayon hindi pa rin na sisink in sa utak ko na nagsusulat na ako ngayon na ganito kahabang novel. Dati lahat ng scenes pinapagana ko lang at tinatapos sa utak ko at ngayon sinimulan ko na siyang isulat at pinakilala ang sarili kong akda. Nakakatawa lang na may nagbabasa at humihingi ng Update. Ganito pala ang feeling kaya maraming salamat sa mga mahilig magbasa ng mga novel at naisama niyo itong story ko na inaabangan niyo. Abangan niyo na lang po ang ibang stories ko at sana magustuhan niyo parin, ayeeh-ROSENAV91EPILOGUEDevi Cloud Valentino POV 01Baby...I miss you so much! How are you there? Kung nasaan ka man ngayon sa kabilang buhay, lagi mong tatandaan na ma..hal na ma..hal kita. Always remember that. Ni kailanman hindi ka nawawala, lagi kang nasa puso at isipan ko,I love you! Keep smiling baby kung saan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo. Always smile!" matagal kong tinititigan habang sinusunod ng mga dal
Kanina pa ako nakikiliti dahil sa pinanggagawa ng asawa ko habang nakatagilid akong nakahiga. Nasa likod ko siya at hinahaplos niya ang hubad ko na katawan ng kanyang mga daliri. Lalo na sa bandang likod. "Baby!'' tawag nito sa malambing na boses sa akin."Hmm,''"I miss you so much," napapangiti ako dahil sa paglalambing niya."Lagi naman tayong nagkikita ah, ilang oras ka lang namang mawawala dahil pumupunta ka ng opisina mo," sabi ko sabay haplos sa kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko."Yeah! But my buddy misses you!" tinampal ko ang braso niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi ng hindi muna pwede."Ano ang sabi ng doktor? Bawal na daw kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nanganak na ako at maging maayos na sa akin then you can have me all night." pangako ko sa kanya. Kahit sa totoo niyan kinakabahan ako kung ano ang mangyari dahil ang isang to, kahit pagod na gusto paring umisa hangga't hindi na ako makalakad kinabukasan."And all day, promise? Then
"Nanay Berta!""Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta.Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi sila makauwi ng ulam mamaya kapag kinancel ang kasal at ang sa kainan." saad ni Cathy.Natawa na lang si manang Berta sa pinagsasabi ni Cathy. Dahil ako na lang yata ang wala pang ayos kaya bumangon na ak
"Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon."Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin."Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya."Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!""Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami na ang mga puting buhok niya at kulubot na rin ang balat sa mukha dahil sa katandaan ay makikita mo parin ang taglay niyang kagandahan noong kabataan ni manang."Nanay si Cloud po, asawa ko," pakilala ko k
"Mama! Kumusta na po kayo? Papa! Hello po. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy lang po sa school at sa trabaho. Konting tiis na lang po at malapit na po akong matapos ng kolehiyo." Kausap ko sa puntod ng mga magulang ko."Mama...papa… matutuwa po kayo kung sino ang kasama ko, si Cloud po. Sana hindi nyo pa po siya nakakalimutan ma. Boyfriend niya po ako at ngayon asawa ko na po siya. Sana hindi po kayo galit na nauna pa ang anak at pakasal namin kaysa pagtatapos ko po ng pag-aaral, sorry ma.. sorry talaga po," hinawakan ako sa bewang ni Cloud para bigyan ako ng suporta bago ako hinalikan sa noo."Hello po nanay at tatay, tulad po ng pinangako ko sa inyo na babalik ako dito na kasama ko na po ang anak niyo. Kumpleto na po ulit ako nanay at tatay, nandito na ang babaeng papakasalan ko this coming Sunday na po yun. Bago po sumikat ang araw ay ikakasal na po kaming dalawa ng asawa ko po. Kung dadalo po kayo huwag niyo lang po akong kakalabitin para hindi po ako makas
"Babe! Are you done?" tawag ni Cloud sa akin. Hindi ko siya pinapasok sa banyo noong inabot niya sa akin ang pregnancy test dahil nahihiya ako na nasa harapan ko siya habang umiihi. Hindi ko muna ito tiningnan at para sabay na naming makita na dalawa ang resulta."Y..yeah! Come in," tawag ko sa kanya. Itinago ko ang pregnancy test sa likod ko habang hawak ng kamay ko, hindi ko pa ito tinitingnan para hindi ko mabasa o makita anong nakalagay, sabi sa instructions na kapag dalawang guhit ay patunay na buntis na ang tao. Sana nga..sana nga."Anong lumabas, positive ba babe?" tanong nito agad ng makapasok sa loob ng banyo. Umiling agad ako. Ang saya ng mukha niya ay napalitan ng pagkadismaya. Nilapitan niya at niyakap ng mahigpit. "That's okay, that's okay..hindi tayo titigil hangga't hindi tayo makabuo pero sa ngayon that's okay babe, hmm tahan na, stop crying. Makakabuo rin tayo hindi man ngayon pero sa marami pang paraan," pag-aalo niya sa akin. Umiiling ulit ako naiiyak na, natakot sa