Share

Chapter 4

Author: ROSENAV91
last update Huling Na-update: 2023-03-18 21:25:51

Chapter 4

"Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week. 

Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko.

May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok.

Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mga mata nila ang pagduda na baka hindi ko kaya. Pero nung sinubukan ko at nanalo noong second year kami kaya natuwa sila na kaya ko pala na marunong ako sa bagay na ganyan.

Uupo ka lang naman at utak mo na ang paganahin mo para hindi ka matalo sa kalaban mo. Pero kung mas magaling ang kalaban ko, well talo ako. Kaya dapat ko pang igihan ang pag-eensayo dahil sobrang malapit na lang talaga.

Nasa pinakadulo ako ngayon ng bench nakaupo malapit sa exit para madali lang akong makalabas ng gym after nina Ignacio maglaro. Wala kaming pasok ngayong hapon para makaensayo ang lahat, isa pa may meeting ang mga guro namin. Wala naman akong ibang gagawin dahil ang ibang kaklase may mga practice rin kaya dito ko naisipang pumunta.

Isa pa, hindi pa kami pwedeng umuwi hangga't hindi pa sumapit ang alas kwatro.

"Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa sa mukha mo at dito kapa rin nakaupo?" singit ni Evan sa akin na kaklase namin at ako lang daw ang sinabihan niya ng kanyang sekreto. Tumabi siya ng upo sa bench kung saan ako at sino ba naman ako na hindi pwede. Kahit dito sa banda namin ay rinig na rinig  pa rin namin ang mga hiyawan ng mga estudyante na nag papa practice pa lang naman. Ganito ba sila ka fan ng basketball? O dahil nasa court at talagang member ng basketball team ang mga crush nila? 

Oo Mica, tama sa dalawa ang mga katanungan ng utak mo.

"Hindi naman, ayaw ko lang makipag siksikan mamamaya paglabas.  Ano na! Nakaready na ba ang mga gagamitin mo tungkol sa fashion design na gagawin mo next week?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan dahil alam niya rin kung ano ang sikreto ko at yun ang pagkagusto kay Ignacio.

Lumapad ang ngiti niya sa'kin, for sure magandang balita ang tinanong ko sa kanya.

"Yes na yes lang talaga Inday, hindi na nga ako makapaghintay na darating din ang next  week na yan dahil ngayon pa lang ang dami ko ng gustong gawin sa mga damit." saad ni Evan. Natawa ako dahil pareho pala kami na gusto na dumating ang araw ng intramurals. 

"Ang galing mo Ignacio! galingan mo pa lalo!" sigaw ng kabilang section. Hinagip ng mga mata ko kung nasaan ang sinisigaw ng babae.

With his blue jersey na may numero 8 sa likod ay panigurado ako na sa ngayon ay pawis na pawis na ito. Gusto ko siyang lapitan para punasan dahil may dala ako na extra na maliit na tuwalya kaso nga lang baka ayaw niya at hindi tanggapin ang towel o itabig niya lang ang braso ko, lalo at ako ang gagawa unless siguro kung crush niya ay hindi siya aangal.

Ayoko rin na may sasabihin pa na iba ang ibang makakakita.

Nang matapos na ang kanilang practice ay kanya-kanya na ang lapit ng mga estudyante para makipag kamay o bumati kahit hindi pa naman final. Mabuti pa ako chill lang sa upuan at ako lang ang nakakaalam na may crush ako sa isa sa mga ka teammate ng basketball.

 Dahil kuntento na ako na makita lang siya sa di kalayuan lalo ngayon na marami rin ang nagpapapicture sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang ako. Selos? Ramdam ko yun pero hindi pwede dahil walang kami, pero kung magkasama parang may kami…sabi mo yan Michaella.

"Let's go!" Yaya ni Evan sa akin. Ayaw ko pa sana kaso ayoko naman na makahalata itong kasama ko na may hinihintay ako na mga mata para sulyapan din ako pero mapaglaro nga naman ang tadhana na makita ko ang lalaking pinapantasya ko ay nakaakbay siya kay Shemaia.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na at hinabol si Evan na naglalakad na ngayon papuntang labas ng gym. 

"Uuwi na ako, ikaw? May dadaanan ka pa ba o hihintayin mo pa si Tuko?" tanong nito sa akin. 

"Hihintayin ko siya sa may waiting shed then kung wala pa rin siya. Uuwi na lang akong mag-isa," saad ko sa kanya. Tumango lang si Evan at nag paalam na mauna na ito.

Dahil nakaramdam ng pagkaihi ay pumunta muna ako ng public cr. May nakasalubong pa ako na mga estudyante. Nakasalubong ko pa sina Shemaia at ang kanyang boyfriend na si Devi na taga fourth year student. Marami nga ang nkakacrush dito dahil iba ang kulay ng kanyang mga mata na nagugustuhan ng mga babaeng estudyante. Pano ba naman kasi na may lahing half Italiano ang Valentino na ito.

"Hindi ka pa uuwi? Sabay ka na sa amin Mica kung uuwi kana? Dadaan kami sa inyo para maihatid ka, di ba Cloudy?'' alok ni Shemaia sa akin, kahit na papayag pa ang kanyang kasintahan ay umiling na agad ako.

"Huwag na! May hinihintay ako na kaibigan at sa kanya ako sasama," saad ko sa kanila.

Ngumuso si Shemaia at may pilyong mga ngiti na nakatitig sa akin. "Ayeehh! Si Ignacio yan noh? Nasa boys locker pa yata yun para magbihis, don't know!" kibit balikat nito.

Nginitian ko sila ulit at umiling, "hindi naman siya ang hinihintay ko at sa ibang kaibigan ako sasabay sa pag-uwi." sagot ko.

"Ganun ba, sige mauna na kami sa iyo," aniya at kumaway na rin ako sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang banyo habang hinihintay si Tuko.

Nang matapos kong gumamit at lalabas na sana ako ng banyo na may narinig ako na pumasok sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob na may narinig ako na tinatawag ang pangalan ko, ako ba talaga?

"Mica, Mica.. Mica… I know na nasa loob ka ng banyo ngayon. Wag kang mag-alala,  I'll make sure na tayo lang ang nakakarinig sa palikuran na ito." sabi ng boses babae na nasa labas. Habang pinupukpok ng isang bagay ang mga pintuan. Kinabahan ako kaya para akong estatwa na halos paghinga ay pinigilan ko na.

Umabot pa ng ilang minuto na nakatunganga lang ako sa loob ng cr habang hawak ko ng mahigpit ang bag ko at ang doorknob, baka bigla na lang itong pumasok kung nasaan ako. 

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa loob ng restroom kaya pipilitin ko na lang na umalis dito at tumakbo para hindi niya ako maabotan.

Kinakabahan ako, ayoko namang sumigaw dahil baka bago pa niya ako mahanap ay nakahandusay na ako sa loob. Hindi ko naman matext si Tuko dahil wala akong cellphone. Ang mga magulang ko lang naman ang meron dahil sa trabaho nila, kung magtetext man ako ay hihiram lang ako sa kaklase ko para matawagan o matext sila.

Maya-maya lamang nakarinig ako na may nag-uusap sa labas ng banyo, pwede talaga akong tumakbo pagkalabas ko agad, kung hindi man atleast sisigaw ako para marinig nila at mag-iwan na lang ako ng mga habilin para sa mga magulang ko at sa dalawang kambal bago ako magpaalam sa mundo at hindi na umabot pa ng hospital.

Hinanda ko ang sarili ko para buksan ang pinto at tatakbo ng mabilis. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko na makita ang kaklase ko na nandoon at kalalabas lang galing sa kabilang banyo.

"Karen?" tumingin ito sa akin na may pagtataka.

"Anong nangyari sayo? Parang takot na takot ka?" tanong nito sa akin. Nginitian ko siya habang umiiling. Pero natuon ang mga mata ko sa nakasulat sa salamin.

"I will kill you," basa ko. Nagtataka man ang kasama ko at lumayo sa akin kaya tinuro ko ang binabasa ko. "Alam mo ba sino ang may gawa niyan?" umiling ito sa akin.

"Hindi…nandiyan na yan pagpasok ko palang kaya binabalewala ko na lang dahil alam mo na hindi na bago yan na maraming nakasulat na mga ganyan sa cr natin na gawa ng ibang mga estudyante." paliwanag ni Karen. Tumango ako dahil naiintindihan ko ang kanyang sinabi.

"Pero bakit may pa ganito pa na sulat? Ayos na sana kung ang mababasa ko ay about sa number na crush  ng estudyante pero hindi naman, I will kill you.. sobrang creepy nito." sabi ko.

"Kaya nga, halika kana Mica baka mamaya bumalik ang may gumawa niyan. Pero baka prank lang yan. Sino namang pumapasok dito sa loob kung ganun na strict itong school natin. Unless kung hala di kaya estudyante rin Mica, pero sino at para kanino ito?" aniya. 

Napaisip ako sa sinabi niya. "Isumbong kaya natin sa school? Baka matulungan nila tayo? " mungkahi ko pero umiling lang siya sa akin.

"Huwag… sa tingin ko naman na nagpaprank at feel lang gawin ng student kung sino mang may gawa nito." paliwanag niya. Aangal pa sana ako pero pinunasan na niya ng wet wipes ang salamin at madali lang itong matanggal dahil lipstick lang naman ang ginagamit.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala ng magawa at wala pang ebidensya. Hindi familiar ang boses na yun sa akin kaya hindi ko alam kung sino. Hinayaan ko na lang at lumabas na ng cr kasama si Karen pero dahil may sundo siya kaya dumaan siya kung saan ang parking lot ng school.

Lumabas ako ng gate ng school at diretso na ng waiting shed. Hindi nga ako nagkamali at nandoon na nga si Tuko pero may kasama siyang iba, si Ignacio.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila at ayon sa kanilang mga mukha na parang kanina pa nila ako hinihintay wow nama–wait, baka iba naman ang hinihintay ni Ignacio Mica 'wag kang assuming diyan. Maktol ko sa sarili ko. Nang mahagip nila ako kaya sabay silang pumunta sa akin para salubungin ako. Huh? Anong meron?

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay dito pero sabi ni manong guard na bumalik ka raw sa loob, why?" tanong ni Tuko sa akin.

"Nagbanyo lang sorry," sagot ko. Binalingan ko si Ignacio, nagtatanong ang mga mata ko kung bakit narito siya. "May kailangan ka?" 

"Hindi ka ba sasabay sa akin? Remember? Diba sabi ko na sabay na tayo umuwi pag uwian,'' napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko joke lang yun o baka makalimutan niya na yun dahil hindi naman ako pumayag that time. Totoo pala yun. "Pero parang naunahan na yata ako," aniya at matalim itong nakatingin kay Tuko.

Patay paano ba ito ayoko naman na humindi sa dalawang ito baka wala ng next time. 

"Uhmm… so—"

"Gusto mo bang sumabay sa kanya Tiki? Ayos lang sa akin dahil nasira kasi ang motor ko na ng tanghali, pinaayos ko muna, kaya magtatrycyle lang sana tayo o maglalakad kung gusto mo, pero kung nagyaya na ang kaklase mo ay ayos lang," sabi ni Tuko. No hindi pwede, nakakaawa naman talaga kapag iiwan ko lang si Tuko dito.

Isip-isip Mica…

"Sumabay ka na lang sa amin kung nasiraan ka ng motor, ida drop-off na lang din kita," narinig ko na sabi ni Ignacio. Nababasa niya yata ang nasa isip ko.

"Wag na pare, maglalakad na lang ako.."

"Tuko!" tawag ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso,"Kahit ngayon lang ayoko namang na naglalakad ka, tapos hinintay mo pa ako rito para ipaalam na nasiraan ang motor mo, nag-alok na si Ignacio kaya samahan mo na ako, okay lang ba?" pagmamakaawa ko sa kanya.

Pero ang Tuko na ito pinindot pa talaga ang pimples ko kaya nahampas ko siya sa braso. Lumapit na kami sa sasakyan na ngayon binuksan niya ang pintuan sa front seat, uupo na sana ako sa likod ng sumenyas siya na doon ako sa tabi niya kaya doon ako. Sino ba naman ako para tumanggi. Ang crush ko na ang nag-alok sa akin.

Habang nasa biyahe ay panay kwentuhan kami ni Tuko habang si Ignacio naman ay nagsasalita lang kapag may itatanong kami. "Bukas sure na maayos na ang motor ko kaya pwede na kitang sunduin at ihatid Mica." saad ni Tuko sa akin. 

Nilingunan ko siya sa likod at ngumiti, ''okay, make sure na wala ng sira ha. Baka mamaya yan matilapon ako na wala sa oras. Sige ka, ban ka na talaga sa bahay namin," sabi ko at natawa na lang siya sa sinasabi ko.

"Dito na lang pre, salamat sa paghatid." sabi ni Tuko. "Bye Mica, susunduin kita bukas ng maaga kapag maayo–"

"Ako na ang susundo sa kanya bukas, may assignment pa kasi kami na tatapusin," huh? Ano raw? Meron ba? Bakit hindi ko alam? Nagtatanong ang mga mata ko kay Ignacio "Meron Mica, hindi mo lang narinig ang guro." nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung ano yun. Baka nga meron.

Binalik ko ang atensyon sa kaibigan na nasa labas na, "Meron pala Tuko, ikaw ano plano mo? Sasabay ka nalang ulit sa amin." suggestion ko pero umiling lang ito.

"Kung ganun pala, sa susunod na lang na araw Mica. Tapusin niyo na lang muna ang assignment niyo kung ganun at mauna na ako sa inyo," paalam nito sa amin. Kinawayan ko siya at nagpasalamat.

Pinaandar na ni Ignacio ang sasakyan niya. Hinarap ko siya. "Saan banda na may assignment tayo, yung nakatulog ako kaninang umaga o yung inutusan ako ni ma'am?" tanong ko sa kanya. 

Pero ang loko tumawa pa at umiiling. Anong meron at masaya itong lalaking ito?

"Wala pala tayong assignment, sa kabilang teacher ko pala iyon narinig pero 'wag kang mag-alala dahil susunduin pa rin kita bukas kahit araw-arawin ko pa," huh? Tama ba ang narinig ko…araw-araw niya akong susunduin? Tama ba ang narinig ko?

"Are you sure na susunduin mo ako at ihahatid sa amin bukas? Wag na kaya Ignacio. Baka mamaya niyan ay malaki na ang gastos sa pang gas mo yan dahil di ba, isang highway lang ang daan mo pauwi sa inyo tapos tulad ngayon  lubak-lubak pa itong kalsada, baka malaki ang nababawasan ng pang gasolina mo." paliwanag ko.

"Hindi naman, isa pa sarili ko naman ito na pera. Ito ang mga kinikita ko sa pag momodel, binabayaran nila ako kaya ayos lang naman na hatid-sundo kita." saad niya.

"Ano kasi..uhmm..wag na kaya?" 

"Why? Boyfriend mo na ba siya?" tanong niya sa akin. Umiling agad ako sa kanya dahil hindi naman totoo na may relasyon kami ni Tuko. "Yun naman pala at ayos naman sa mga magulang mo, di ba? Nagpaalam na rin ako sa kanila na ako ang maghahatid sayo at sundo. Gusto ko ring bisitahin ang mga kambal, meron akong mga pasalubong sa kanila ngayon." aniya. Binalingan ko ang back seat at wala naman akong nakita. "Nasa trunk Mica," 

"Okay, salamat," sabi ko. Ilang araw naba na lagi siyang mabait at kinakausap niya ako . Simula yata nung nangyari sa canteen at doon nagsimula ang lahat? Hmm.. wag assuming Mica please lang maawa ka sa kaluluwa mo. Hinatid ka lang dahil gusto ka niyang ihatid. Yun lang at wala ng ibang kahulugan. Kastigo ko sa sarili ko.

Nang makarating kami sa street namin ay talaga namang nag sitaasan na naman ang mga leeg ng mga kapitbahay dahil sa kanilang nakikita lalo at may magara pang sasakyan ang kasama ko ngayon.

Dahil may regalo siya sa mga kambal kaya bumaba rin ito ng sasakyan. Binuksan niya muna ang trunk at may kinuha doon. Sinundan ko siya para makita iyon. Lumaki ang mata ko na matanto kung ano ang mga ibibigay niya sa mga kambal. Isang malaking teddy bear at toy car?

"Binili mo? Kailan lang?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang teddy bear para ako na ang magdadala sa loob ng bahay.

"Noong linggo lang, pumunta kasi kami ni dad sa Bacolod at naalala ko ang mga bata kaya bumili na ako." sagot niya. Hinarap ko siya dahil nasa bakuran na kami ng bahay.

"Hala paano yan, malaki na ang utang ko sa'yo niyan. Sana hindi kana nag-abala." pinitik niya lang ang noo ko.

"At sino naman ang nagsabi sayo na may utang ka sa akin? Gusto kong mag bigay Mica kaya hayaan mo na ako, okay? Isa pa, ang cucute nilang bigyan kasi nagte thank you agad at wala ng explain explain at katanungan," aniya. Sumimangot ako dahil double meaning ang huling sinabi niya. 

Dahil naramdaman niya na na gets ko ang sinabi niya kaya tumawa siya kaya tuloy hinampas ko ng mahina ang braso niya. Kulit eh.

May narinig kami na may bumukas sa pinto kahit wala pa kami sa tapat mismo ng bahay. Lumabas ang kambal at tumakbo silang dalawa papunta sa gawi namin. Lumuhod kami ni Ignacio at walang pakialam kung madumihan ng putik ang P.E uniform namin sa baba para lang salubungin ng yakap ang mga kapatid ko pero pati ang tadhana hindi sa akin kumampi dahil ang dalawang makukulit ay na kay Ignacio unang nagpayakap. Grrr.

"Ay ganun…ganyan na pala tayo ngayon. Hindi niyo na love si ate dahil wala akong dalang regalo at alam niyo talaga na sa kasama ko na ito ang mga regalo na bitbit namin ha." sabi ko habang nakatingin sa kanila gamit ang sign language.

Hinarap nila ako at umiling tatayo na sana ako na lumapit sila sa akin at punugpog ako ng mga halik sa mukha. Sino ba naman ako para tumanggi sa mga batang ito. Ang kasama ko napapangiti lang na nakatitig sa amin. 

Pinalapit ni Kimmy si Ignacio para sa isang group hug. Muntik na kaming mag kahalikan ni Ignacio dahil sa biglaan na pagkayakap ng dalawa sa amin.

Nagpasalamat sila pagkatapos maibigay ni Ignacio ang mga regalo sa mga kambal, hindi man masyadong alam ni Ignacio ang sign language na sinasabi nila kaya ako na ang nag-explain sa kanya.

"Kailangan ko pala talagang matoto kung paano ang mga sign language para madali na lang sa akin makipag communicate sa kanila everyday." aniya. Napanganga ako sa sinabi niya bago siya nagpaalam at umalis. 

Ano raw? May next time pa? Wow naman Michaella Gomeza.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GLORIA GINA CALANOG
...kakainLOVE...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 5

    Chapter 5Nasa locker room kami ng mga babae at naghahanda na para sa laro namin maya-maya lamang. Ngayon araw magsisimula ang intramurals namin kaya heto kami at todo practice pa ang iba at ako naman ay nag-aayos lang ng buhok na tuwid at mahaba at ginawa kong lang ay ponytail."Sana manalo tayo mamaya sa cheerdance at volleyball para naman malaki na grades ang matanggap natin," sabi ni Cathy kaya sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kahit hindi naman ako kabilang dahil inaasam ko rin na manalo ako, lalo at ako lang sa mga kaklase namin ang sumali sa chess.Wala akong talent sa pagsasayaw, meron naman sa boses pero sakto lang. Sa chess lang yata ako pwede at taga cheer ng mga ka teammate."Goodluck sa laro mo mamayang hapon Mica, manunuod kami sa'yo. Kaya go go ka lang at magchecheer lang kami sayo." ani ni Sophia at nginitian ko siya."Salamat…kayo rin goodluck alam kong kaya niyo yan," sabi ko naman. Sino ba naman ang nagtutulong-tulungan kundi kami-kami rin.Nauna ng lumabas sa

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 6

    Chapter 6Kay bilis naman ng panahon, hindi mo namamalayan nasa huling year ka na ng highschool journey mo. Tapos ngayon, kung gaano kabilis ang panahon, ganun din kabilis ang pangyayari na sa isang iglap naging boyfriend ko na ang katabi ko at girlfriend na niya ako. Sarap pala sa pakiramdam na ganito. Wala ng ligaw-ligaw, kami na agad ni Ignacio. For eleven months lagi kaming magkasama, hatid-sundo niya rin ako sa bahay. Sobrang sweet niya pala na klase na boyfriend. Mas clingy din kaysa sa akin.Higit sa lahat, binago ko ang sarili ko at naging mas maalaga. Kaya ang dating maraming loyal na friend sa mukha ko ay nag sisialisan na sila kasi mga fake friends sila. Meron pa naman pero hindi na gaano karami tulad ng dati. May ginagamit na sabon si Sophia sa akin dahil maganda raw yun sa balat, hindi naman siya pampaputi kundi pang-alis lang ng mga masasamang nilalang sa mga mukha natin. "Here... kumain kapa love, hindi pa nangangalahati ang pagkain mo." ani ni Ignacio."Busog na ako,

    Huling Na-update : 2023-03-24
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 07

    Chapter 7One month and a half na lang ang hihintayin namin at sa wakas patapos na kami sa high school life na ito. Nakakalungkot kasi iiwan na namin ang paaralan na naging tahanan na namin ng apat na taon at hindi lang iyon ito rin ang panahon na magkahiwalay kayo ng landas ng mga kaklase at kaibigan mo.Merong iba dito na makakapag-aral agad ng kolehiyo, meron naman kagaya ko na baka hihinto muna ako ng isang taon sa pag-aaral at magtatrabaho muna. Pero kapag natuloy ang sinabi ng Tita ko na nasa Maynila na paaaralin niya ako ay igagrab ko na talaga ang ganyang opportunity kasi sayang naman.May scholarship naman daw at ayun naman sa performance ng grado ko ay acceptable naman ako na maging scholar. Kakausapin pa ni papa ang kapatid niya para malaman kung tuloy pa ba? Two years pa kasi noong nabanggit niya na paaralin ako kaya hindi ko alam kung naalala pa kaya yon ngayon."Anong oras ka aalis anak?" tanong ni mama sa akin. Kakatapos ko lang mag laba ngayon at aalis ako mamayang h

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 8

    Chapter 8Nag-iisa akong naglakad ngayon papuntang school, maaga pa naman kaya ayos lang. Hindi kasi ako nasundo ni Ignacio dahil absent ito ngayong araw dahil nasa hospital ang kanyang mommy dahil bigla na lang daw itong nadulas sa banyo. Nasa Maynila si Ignacio at noong isang linggo pa naroon baka daw bukas ay pwede na siyang umuwi dahil stable na ang kanyang mommy. Hindi ako sure na gagawin yan ni Ignacio lalo at mommy niyan hindi niya kayang iwan. Gusto sanang pauwiin ni Ignacio sa probinsya ang kanyang ina pagka labas agad ng hospital ngunit ayaw naman niyang pumayag dahil may inaasikaso pa na business sa Maynila. Hindi naman daw kaya ng mom niya na iiwan ang kanyang asawa roon na mag-isa kaya sasabay na silang mag-asawa. Pero sure na uuwi sila sa darating na graduation namin, 3 weeks from now on. Tanaw ko na ngayon ang paaralan namin, kahit nag-iisa lang akong naglalakad ay hindi naman nakakabagot dahil marami namang estudyante na naglalakad kahit hindi nila ako kasama o kat

    Huling Na-update : 2023-03-29
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 9

    Chapter 9Kakatapos lang ng practice namin para sa graduation ceremony sa darating na Sabado. Last na namin ngayon at babalik na lang kami sa araw para tumanggap ng diploma. Hindi ko mararating ang ganito kundi dahil sa pamilya ko kaya sobrang saya ko na sa wakas malapit na akong makapagtapos. Masaya ang lahat dahil sa wakas malapit na kami sa finish line, isa na lang at ito ang college life. Lahat naman kami makapag graduate na sa wakas ng secondary. Thursday ngayon at nagkayayaan ang mga ka batch ko na magparty sa bahay nina Domingo. Kaklase namin. Doon ang napili nila na lugar na halos lahat ng mga kaklase ko ay sumang-ayon at ibang kaklase ko dati. Pumayag kami ni Ignacio at nakapag paalam na kami sa mga magulang namin. Advance reunion na raw namin ito dahil hindi namin alam kung kailan kami ulit magkikita after ng graduation. May kanya-kanyang buhay o landas na kasi kaming tatahakain. Ibang school, ibang kurso, ang iba hihinto muna raw dahil gusto munang maghanap ng trabaho ba

    Huling Na-update : 2023-03-31
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 10

    Chapter 10Mugto ang mga mata ko habang umaakyat sa stage dahil sa walang tigil ko na pag-iyak nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon, hindi parin ako pinapansin ni Ignacio. Iniiwasan niya na ako. Ni sulyap wala man lang siyang ginawa para tumingin sa gawi ko. Gusto ko siyang lapitan kanina pero ang mga mata ng ibang kaklase ko na nakasaksi sa nangyari sa araw na yon ay alam kong hinuhusgahan na agad ako. After noong nangyari sa party at hinahabol ko siya sa kalsada ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Bakit ayaw niyang makinig sa akin? Kahit ako nabigla sa pangyayari kung bakit yun ginawa ni Ronald sa akin.Habang nakaupo sa gitna ng kalsada at tinatawag ang pangalan niya kahit hindi ko na natatanaw ang sasakyan niya ay nadatnan ako nina Singko at ibang mga kaklase, pinasakay nila ako sa sasakyan niya para iuwi sa bahay namin. Pero tumanggi ako dahil pupuntahan ako sa bahay nina Ignacio. Ayaw man ng mga kaklase ko ay wala silang magagawa dahil panay iyak ko sa harapan nila.Per

    Huling Na-update : 2023-04-04
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 11

    Chapter 11"Honey!" Tawag ng lalaki sa kanyang asawa. "Uhmm, sorry ma'am but we're not allowed to give any information about our personal details to others. Hoping for your kind consideration." saad ko. Hindi ako sure kung tama ba ang pagka english ko. Bahala na. " Oh! I see. Sorry about that miss. You look familiar that's why. Sorry again." aniya at kinuha na ng asawa nito ang pinamili nila."Sorry for that." hingi ng paumanhin ng lalaki."It's ok sir, thank you for shopping and have a nice day po." wika ko sa kanila habang nakangiti."Likewise, let's go hon.""Because she looks familiar, that's why I'm asking.""I know. Tinakot mo tuloy ang bata," rinig ko pa sa sinabi ng asawa ng ginang. Ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga information tungkol sa amin unless if necessary.Baka mamaya niyan kilala nila ako tapos oh no wag naman sana Lord God, nanginginig ako habang sina scan ang items ng kasunod na customer. Hanggang natapos na lang ako ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kaya?

    Huling Na-update : 2023-04-17
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 12

    Chapter 12"Ayos ka lang?" bigla kong nilingon si Tuko na nasa harapan ko na pala. Binalik ko ang tingin sa itaas pero wala na ang bulto niya doon.Hindi kaya guni-guni ko lang ang lahat ng yun?"Michaella!" tawag ulit niya sa akin na ngayon nakahawak na sa braso ko. Nasa dance floor parin kami at wala na sa tabi ko ang mga kaibigan, may lumapit sa kanila kaya napunta sila kung saan."Ayos lang ako, bigla yata akong nahilo dahil kanina pa ako nagsasayaw na puro kaliwa ang mga paa. You know, at saka ang sakit sa mata ang mga ilaw." sabi ko sa kanya."Gusto mo na bang umuwi tayo?" tanong niya.Umiling ako dahil ayoko pa,"mamaya na, hintayin na muna natin ang mga kaibigan ko, bigla na lang akong iniwan dito eh. Nakakainis," saad ko. Inalayan niya ako para makabalik sa upuan namin."Sana nagdala pala tayo ng extra slipper mo, baka sobrang sakit na ng mga paa Mica," concern talaga itong lalaking ito.''Kaya nga eh, di bale mamaya maglalakad na lang akong nakapaa papunta sa sasakyan mo, pwe

    Huling Na-update : 2023-04-17

Pinakabagong kabanata

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (SPECIAL CHAPTER)

    YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE ( SPECIAL CHAPTER)Michaella Gomeza POV:Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio. Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon. Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko.Narinig kong bumukas ang pinto."Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natataw

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02

    IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02:Sa daming tao sa mundo na pwedeng gawing secretary ay ex ko pa talaga, mapaglaro nga naman ang tadhana. "Really? Meant to be kayo kung ganun Ignacio, ayeehh" pang-aasar ni Shemaia sa akin habang sinusundot ng daliri niya ang gilid ng bewang ko. Kaya matalim ang ipinukol ko na tingin sa kanya pero ang isang 'to, hinampas lang ako. Ang hilig nitong manghampas.Binisita ko ang fake ko na kapatid na ito sa Manila dahil sa ilang araw ng walang paramdam at ang sabi nagbabakasyon lang. Bakasyon my ass, tapos maya-maya ako na naman kukulitin ni mommy na hindi ko na pinuntahan at binisita itong kapatid ko raw."Sa tingin ko kayo talaga ang itinadhana na dalawa kapatid kaya ihanda mo na at ilabas ang mga kayamanan mo sa isang magarbong kasalan. Okay!" umirap ako at nakita niya yun kaya panay tawa ni Shemaia. Kung ito ang inaasar, ang lakas ng toyo."Sorry boss!" Hingi niya ng tawad pero bakit ako naiinis sa tinawag niya sa akin. Why Gomeza? "Next time, do

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Epilogue

    IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV:Pagod galing sa studies at kakatapos lang ng photoshoot nitong gabi. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang umuwi na ng maaga at makapag pahinga ng maaga. I have a lot of things to do tomorrow. Pagkarating sa bahay ay naabutan ko sa sala si mommy. For sure galing na naman si mom sa pag-iyak dahil sa nakikita kung umaapaw na ng maraming tissue ang trash bin.Nilapitan ko siya at hinagkan sa kanyang noo. "Good evening, mom!" I greeted her. Nasa trabaho pa si daddy at baka mamayang ten or eleven ng gabi siya makakarating ng bahay. We own one of the larger malls in this province. Kaya alam ko na kung anong kurso ang kukunin ko kapag nasa college na. Tumingala si mommy para makita niya ako, nginitian ko siya. "I'll go up first to change my clothes," paalam ko sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya na pinigilan niya ako gamit sa paghawak sa aking siko."How's your school?" tanong ni mama habang umiinom ng wine sa kanyang wine glass. Nginitian ko siya.

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 32

    Chapter 32"Mama, Ikaw po ba yan?" mahinang tanong ng anak ko sa akin."Anak? Anak ko…nandito na si mama anak. Ano ang ginawa nila sa'yo ha, anak? Sinaktan ka ba nila? Saan ang masakit sa'yo? Saan baby?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.Binuksan ko ang flashlight sa aking cellphone at nakita ko ang anak ko na nasa gilid at nakayuko. May nakalatag na maliit na kumot doon. Meron din upuan at plato at plastic na baso.Agad ko siyang nilapitan at sinuri pero wala naman akong nakitang pasa sa katawan niya o hindi ko lang makita ngayon lalo at madilim pa."Mama…natatakot po ako. May mga kumuha po sa akin na mga lalaki. Ang sabi lang nila na huwag lang akong pumiglas at sumigaw para hindi nila ako patayin mama. Kaya sa sobrang takot ko, hindi po ako gumagawa ng ingay mama. Hindi rin po ako umiiyak at hindi rin po ako sumisigaw, dahil may mga baril po sila na dala mama!" sumbong ni Saul sa akin.Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit, gusto kong maramdaman niya na nandito nga ako sa ka

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 31

    Chapter 31"Kakain ka na ba? Nagdala ng ulam si Bethy?" ani ni Claire sa akin."May dinala rin kami ng fruits ni Cloud Mica, gusto mo?" sabi naman ni Shemaia habang hinahaplos ang buhok ko.Nasa kwarto sina mama, Marie, Yana, Shemaia, Claire at Bethy na galing pa mismo ng Samar at pumunta lang dito sa Negros para mapuntahan ako.Hindi ako umimik, tulala habang nakatingin sa kisame, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko ay iiyak lamang ako sa harapan nila. Ayokong makita nila ako na kawawang-kawawa, hindi ako ito. Malakas ako, matapang ako, matatag ako pero ngayon na wala pa rin sa piling ko ang anak ko para akong baliw sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito?Wala pa ring balita, ang bagal naman ng sistema nila.Wala si papa at Tuko dahil nasa presinto, yun ang narinig ko sa usapan nila kanina. Pero ang isang 'to nandito lang sa loob ng kwarto at walang ginagawa kundi palagi lang nakatutok sa cellphone niya. Maayos naman daw ang kalagayan ko

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 30

    Chapter 30Ang sakit ng ulo ko ng idilat ang mga mata ko. Agad akong bumangon galing sa pagkahiga dahil may naalala. Sa amoy pa lang ng kwarto alam ko na kung nasaan ako.Bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ko na nag-alala, ngayon lang siguro nalaman kaya ngayon lang nakarating."Mica… anak!" tawag ni mama sa akin at niyakap ako pagkalapit niya. Sa pagyakap niya pa lang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Umiyak agad ako. "M.. ma.. ma si Saul ma… kailangan kung iligtas ang anak ko mama. May kumidnap sa anak ko baka..baka hindi siya pinapakain..baka nauuhaw ang anak ko mama, tulong ma..papa…ang anak ko, " hagulhol ko sa kanila habang hinahaplos ni papa ang likuran ko."Anak huminahon ka anak!" Ani ni papa na mas lalong nagpahikbi sa akin. "Late na namin nabalitaan anak, wag kang mag-alala hinahanap na siya ng mga kapulisan. Humingi na rin kami ng tulong kay mayor para sa agarang pagligtas ni Saul. Tumulong na rin ang principal nung nalaman ang balita," sabi ni mama.Bababa

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 29

    CHAPTER 29Hanggang nakasakay kami ng sasakyan ay tulala pa rin ako sa nalaman ko. Buntis? Ako? Ang bilis naman kumalat ang ano niya sa akin.Ngayon ko lang din napansin na hanggang ngayon hindi ko pa pala nagagamit ang napkin ko na binili ko pa nung isang buwan. Wala sa isip ko. Wala rin akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba kundi ang takaw ko lang sa pagkain kahit ano pa yang klase na pagkain. Kaya siguro hindi na magkasya ang mga skirt ko dahil may baby na ako sa aking sinapupunan. "May gusto ka bang kainin bago tayo pumunta ng office o uuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ni Ignacio sa akin habang inaayos ang seatbelt ko. Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko sa mga oras na ito."Pupunta pa tayo ng office? O sa condo na tayo? You need to rest Mica. Yan ang sabi ng doctor at dapat nakainom ka ng mga gamot na ni resita ng doktora."Sa office tayo Ignacio, may tatapusin lang ako na project niyo na hindi ko pa natapos nung nakaraan. Ayokong tumatamb

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 28

    Chapter 28"Talaga! May anak kayo Mica?" tanong ni Eula sa akin. Nasa cafe shop kami ngayon at umiinom ng kape habang tinatapos ang proposal projects nila ni Ignacio sa Batangas at Makati sa Manila. Nag comfort room lang muna siya saglit kaya ako naiwan na kasama si Eula. Umirap na naman ako sa isipan ko dahil sa palagay ko ay mas mahaba na naman ang kanilang pagsasama kapag magsimula na ang business nila na isang mall din. Kalma Mica, remember? Wala na kayo ni Ignacio? Ni minsan hindi mo nadinig galing sa kanya na mahal ka pa niya at ganun ka rin sa kanya kaya wag ka nang umasa. "Oo, yung nangyari that time, hindi ko alam na may nabuo pala ako sa sinapupunan ko. Late ko na nalaman nung time na sobrang stress na ako." Ani ko sa kanya dahil gusto ko siyang sumbatan at ipaalala sa kanya na kung hindi dahil sa dalawang tao na ito ay hindi yun mangyayari sa akin . Trauma, stress and anxiety ang naramdaman ko sa mga panahon na yun. Tumango lang siya sa sinabi ko. Walang bahid ng simpat

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 27

    Chapter 27Nasa airport pa lang kami ay gusto ko ng bumalik agad sa Cebu dahil sa may naalala. Ayokong alalahanin pero kusa naman itong bumabalik sa isipan ko kung bakit o paano kami umalis sa tinagurian na naming unang tahanan, ang Negros.Binalingan ko si Ignacio na kinukuha ang maleta namin. Ano kayang nasa isip niya? Hanggang ngayon ba ay nagpapanggap pa rin siya na wala siyang ginawang masama sa akin. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong napahamak dati.Pero ano bang nangyayari sa akin na kahit ilang beses man niya akong saktan ay ito parin ako, lalo ngayon, baliktarin ko man ang mundo, may anak kaming dalawa. Kahit hindi man sabihin ni Saul ay nakikita ko kung gaano siya kasabik sa isang ama. Paano siya nangungulila. Paano niya ipagsigawan na may papa siya na matatawag. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Ignacio dahil akala ko hindi na magkikita pa ang landas namin o ang anak ko pero mapaglaro ang tadhana dahil siya na ang gumawa ng

DMCA.com Protection Status