Share

Chapter 4

Author: Opacarophile26
last update Huling Na-update: 2024-11-28 19:56:08

Kanina pa ako nagpupuyos sa galit sa lalaking 'to. Masakit na ang panga ko sa kagagalaw dahil kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Darwin.

Ako ang boss tapos ako ang makikiusap sa babaeng 'to para lang maging mekaniko sa shop ko? Ha! Sabi ko never kong gagawin, e!

Pero ito at nandito ako sa shop ng hayop na lalaking ito para raw tulongan siyang kumbinsihin ang nag-iinarting babaeng ito. Akala mo naman bagay! Tss. Yung mukha kang gangster sa kanto tapos nag-iinarte? The fuck?!

"Ayoko nga, Darwin. Bakit ba pinipilit mo ako na pumasok sa shop ng lalaki na 'yan?" saad ng babae habang masama ang tingin sa akin.

Problema nito? Palagi na lang galit, para akong kakainin ng buhay. Tss.

"Kasi nga pansamantala ko ngang isasara ang shop na 'to. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo na aalis ako? May aasikasuhin ako sa ibang bansa, Kael."

"Oh? Pansamantala lang naman pala. Edi, maghihintay na lamang ako kung kelan ka ulit magbubukas. Problema ba 'yon?" Maangas na sagot ng babae bago naupo sa hood ng kotse na kanyang ginagawa.

Mayabang talaga!

Napabuntonghininga si Darwin na parang nauubusan ng pasensya bago tumingin sa akin. Prente akong nakaupo sa kaniyang lumang sofa habang naka de kwatro. Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil hindi ko gusto ang tingin niya habang nakatingin ito sa akin. Parang may iba siyang naiisip na gusto ipagawa sa akin.

Tangina, Darwin! Ipupulupot ko talaga sa leeg mo ang silver chain na nakalawit d'yan sa pants mo!

"Alam mo kasi, Kael, kailangang-kailangan nitong si Crius ng kagaya mo sa shop niya."

Nasamid ako sa sarili kong laway matapos marinig 'yon. Nang lingunin ko silang dalawa ay pareho ng masama ang tingin nila sa akin. Si Darwin na parang nakikiusap na sang-ayunan siya. At si Kael ay parang gusto na akong sunggaban para gilitan.

Oo kailangan ko pero hindi siya ang kailangan ko. Asa! Hindi ko kailangan ng mala dragon sa shop ko.

"Talaga ba?" Sarkastikong tanong ni Kael, nakatingin sa akin nang patagilid. "Parang hindi naman? Kayang-kaya na niya 'yon, Darwin, kaya hihintayin na lang kita."

"Kailangan mo siya, 'di ba, Dude?" tanong sa akin ni Darwin na may makahulugang tingin. Pilit ako nitong pinatatango.

"Ha? Oo, sabi mo, e."

Napatampal si Darwin sa kanyang noo.

"Alam mo, Darwin, 'wag na. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo."

"Makakapaghintay naman pala siya, Dude. Hayaan mo na," agad naman na sagot ko.

"Mas mabuti pang maghintay kaysa naman payamanin kita dahil sa galing ko!"

Napataas ang aking kilay sa kayabangan nito. Nang makita niyang apektado ako sa kanyang sinabi ay mas niyabangan pa niya ang tingin sa akin. Bahagyang kumurba patagilid ang labi nito.

"Ha! Baka lang hindi mo alam, Miss, mayaman na ako. Kahit wala ka ay mas yayaman ako!" pagyayabang ko pero mukhang hindi siya apektado.

"Talaga ba? Sa yaman mong 'yan, hindi ka makapagpahanap ng magaling na mekaniko?" she smirked.

Kung ibang babae 'to ay maangas ang datingan niya pero dahil SIYA 'yan, mukha lang siyang mayabang para sa akin!

Sinusubukan talaga ng babaeng 'to ang pasensya ko. Magsasalita na sana ako nang bigla muli itong magsalita.

"Sabagay, iisa lang kasi ako sa mundo kaya mahihirapan ka talaga." Mayabang pa nitong dugtong. Tumalon ito para makababa sa hood ng kotse at mayabang na naghalukipkip. Napaupo ako ng maayos.

The nerve of this woman! Ang liit-liit na babae pero ang kaniyang yabang ay mataas pa sa kaniya!

"Masyado kang bilib sa sarili mo, babae. Napuri ka lang nitong kaibigan mo, akala mo naman ganun na ang tingin ng lahat sa 'yo?"

"Hindi lang siya ang nagsabi at nakakaalam na magaling ako. Marami!" Bawat kilos niya ay may yabang na dating... O, sa akin lang?

Saan ba niya hinuhugot ang napakadami niyang baon na yabang?

"Maybe they're those people who were your clients. Of course they would say that."

"Luh! Ba't nag-e-english? Pangit mo naman ka bonding, boy!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Me? A boy?"

"Oh, bakit? Ano ba ang gusto mo? Girl? E, bading naman pala ang isang 'to, e!" sabay tingin nito sa katabi nitong kanina pa ata nagpipigil ng kanyang tawa. Namumula na ang mukha ni Darwin at panay ang tikhim.

"Ako? Bading? Are you out of your mind?! Kanina kapa, a!" Napatayo na ako dahil sa nararamdaman kong inis sa babaeng ito. Agad naman na gumitna si Darwin.

"E, maligalig ka palang kausap! Tinawag kitang boy, ayaw mo. Ngayon, tinatanong kita kung gusto mo girl, nagagalit ka pa rin? Ano? Sa edad mong 'yan hindi ka pa rin ba sigurado sa kasarian mo? Tanda mo na, oy!"

"The fuck?! What is wrong with you?!"

"Dude dude dude! Wait! Kalma! Babae 'yan!" awat sa akin ni Darwin nang akmang lalapitan ko ang kaibigan niya.

"Babae? Sino? Yan?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "saang banda?"

Mukhang siya naman ngayon ang nagalit at susugod sa akin kaya agad siyang niyakap ni Darwin.

"Aba'y gago 'to, a!"

"Kael, tama na! Ano ba!"

Kailangan ba talagang payakap ang awat kapag sa babae? Tss.

"I'm done, Darwin. Hindi siya ang kailangan ko sa shop ko."

"Dude, wait. Pag-usapan natin ng maayos." Tumingin naman ito sa babae. "Kael, please... Kumalma muna kayong dalawa. Paano tayo magkakausap ng maayos kung puro kayo bangayan? Para kayong aso't-pusa."

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, Darwin. Ako pa rin ang boss sa shop na gusto mong pasukan niya. Hindi naman pwedeng mas matapang pa siya sa boss niya. Kung sa 'yo okay lang 'yang ganyan, sa akin hindi."

"At sino naman ang may sabing magiging boss kita? Hindi nga ako sang-ayon na maging mekaniko mo—"

"Kael!"

Natigilan ang babae sa bahagyang pagtaas ng boses ni Darwin. Seryosong-seryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa kaibigan. Samantalang ang babae ay nakasalubong pa rin ang kilay na nakatingin sa akin at unti-unting bumabaling ang tingin sa mukha ni Darwin na parang nagulat.

Napalunok si Darwin nang unti-unting naging malamig ang paraan nang pagtingin ng babae. Ang kaninang galit at mapang-asar niyang mukha ay hindi ko na makita ngayon. Kahit ang kanyang mga mata na sumasabay sa pagngiti ng labi niya ay naging walang buhay.

"Kael, please... Kailangan kong umalis at kailangan mo ng trabaho—"

"Kailangan ko ng trabaho, oo. Pero hindi ko kailangan maki-fit in sa mundong hindi naman ako nababagay. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa 'kin." Malamig nitong tugon. Tinignan ako nito mula sa gilid ng kanyang mga mata bago padarag na umalis sa shop na yon.

"Kael!" tawag pa sa kanya ni Darwin pero hindi niya ito nilingon.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang nakaramdam ako ng hiya sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko may malalim na hugot ang binitawan niyang salita.

Wait... Bakit parang kasalanan ko na ngayon? Siya ang unang nang-away sa aming dalawa, a?

"Pasensya kana, dude. May trauma kasi siya sa mga taong... inayawan siya. Pero sana huwag mo muna ibigay ang posisyon na 'yon sa iba. Kakausapin ko na lang muna siya. Pasensya na talaga." Nagtatakbo na ito para siguro sundan si Kael.

Sa haba ng kanyang sinabi, ang tumatak sa akin ay ang trauma raw ni Kael. May ganoong trauma pala? Pwede pala talagang ma trauma ang isang tao sa ganoong treatment ng iba sa kanila? And she's the living proof. She was traumatized by how people treat her... That was... sad...

Kahit na naiinis ako sa yabang niya, nakakaramdam pa rin ako ng awa. Pero mas napansin ko ang mabilis na pagpapalit niya ng mood.

She's moody. Talent ba 'yon ng mga babae? Tss.

Kaugnay na kabanata

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 5

    Dahil naiinip na ako sa kahihintay sa dalawa ay umalis na lamang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan kong pumunta sa bar ni Cassian. At kung minamalas ka nga naman ay nandoon din pala ang dalawang mokong na si Rio at Gav."Hey, lover boy! Long time no see!" agad na bati sa akin ni Gav. Nakipag fist bumped ako sa mga ito nang makalapit na ako."Oo nga. Ano ang pinagkakaabalahan mo at hindi kana nakikipag date sa amin, ha?"Napalingon ako kay Rio dahil sa narinig."Date your ass!" Tinawanan lang ako ng mokong.Natigilan si Cassian na sana ay dadaanan lamang ang table namin nang makita ako."Hello my friend!" bati ni Rio rito. "Sabi ni Kurt!" dugtong pa nito sabay ngisi. Napailing na lamang si Cassian at nilingon muli ako."Problem?" he asked."Nothing...""Then, what bad air brought you here?" he asked again then looked into his metal wrist watch. "It's too early, dude.""Bakit kami ni Gav hindi mo tinatanong ng ganiyan? Favoritism na ba tayo rito?" naghihimutok na saad ni Rio."Oo n

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Prologue

    "What?" I asked the girl in front of me."Naku! Huwag mo ako ma-english english ispekening d'yan at baka mapalaban ka sa 'kin! Sinasabi ko sa 'yo!" mayabang nitong tugon. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa babae."Are you crazy? What are you talking about?""Oh, bakit? Hindi ba may gusto ka sa 'kin kaya panay ang tingin mo? Naku! Huwag ako, boy! Alam ko na ang mga galawang gan'yan!""You're unbelievable! Have you seen yourself?""Aba! Alangan! Lagi ko kayang kinakausap ang sarili ko sa salamin! Magkasundong-magkasundo nga kami, e!"Nagpapatawa ba sya? She's really something... Baliw ba 'to?"Never akong magkakagusto sa kagaya mo! Look at you! Mas mukha ka pang lalaki sa 'kin! You're not my type!" I said while looking at her from head to toe."Wow!" sarkastiko niyang sabi. "Grabe naman 'yon! Sagad hanggang balunbalunan, boy! Pogi yarn? Gagi 'to, a!"Para talaga siyang lalaki kung umasta. Tss. And she thinks I like her? Fuck! I'm not insulting her, but for fuc

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 1

    "Hey! Dude, tulala ka na naman d'yan," ani Rio."Oo nga. Iniisip mo na naman ba 'yong naka one night stand mo na virgin?" Gavriel asked while grinning."Woah! Gusto mo umulit?" Sinamaan ko nang tingin si Rio dahil sa tanong nito.Bakit ba silang dalawa pa ang available sa mga kaibigan ko? Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito."Tumigil nga kayo! Nasaan ba si Cassian?" Tanong ko sa dalawa habang nilalaro ang yelo sa aking baso na may alak."Busy. May meeting pa sa mga empleyado niya." Si Gavriel.Napaka hands on talaga ng isang iyon sa business niya. "Si Kurt?""Busy din.""Saan?""Sa pagpapantasya sa secretary niya!" sagot ni Rio at sabay silang tumawa ni Gavriel."Tss.""Baka nakabaon pa!" ani Rio.Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naging sagot ng dalawa. Wala talaga akong mapapala sa dalawang ito. Puro kalokohan ang alam."Hindi nga, Dude, ito seryoso na. Bakit mo ba iniisip 'yong naka-one night stand mo?" Biglang sumeryoso ang boses ni Rio."Naisip ko lang, paano kung nabunt

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 2

    I've been busy these past few days. Minsan ay hindi ako nakakasama sa mga kaibigan ko. I help my mom manage our business. But most of the time I let her rest and let her enjoy her day with her friends. She also has her own business...a jewelry store. "Sir, we're lacking mechanics in our main branch. None of the applicants are passing our standards for this position." One of my staff said while I was checking with the new car. I sighed. I think I have no choice. Isang tao na lamang ang kilala kong maraming kilala na mekaniko. "Okay. I'll talk with one of my friends to help us." "Okay, sir."Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang taong 'yon. Dati siyang may malaking shop kaya marami siyang kilala. Pero dahil sa problema sa pera dahil sa kanyang ama ay nagtayo na lamang ito ng kanyang sarili. Maliit kumpara sa dati. Pero dahil magaling din naman siya ay marami pa rin siyang client.Sa pagsagot niya ng tawag, ingay agad ng sasakyan ang bumungad sa pandinig ko."Hey! Ano an

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 3

    "Napakayabang! As if it's not tsamba!" Inis kong sabi habang nagmamaneho paalis sa lugar na iyon. That woman! She's getting into my nerves! Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa babae—wait, babae ba 'yon? Parang hindi naman. Tss. Dumiretso na lamang ako sa bahay para maaga rin makapagpahinga. Pagkarating ko ay tinignan ko agad ang oras para malaman kung nakauwi na ba si Mommy. It's already 9:30. I expected that my mom was already in her room, sleeping peacefully with her eye mask. Tahimik na ang buong bahay. Wala na rin ang maids sa kusina, siguro ay nagpapahinga na sa maids quarter. Dumiretso ako sa taas kung nasaan ang room namin ni Mommy. When I turned the doorknob slowly and opened it, a dark room welcomed me. When mommy sleeps, there is light somehow from her lampshade that is on the side table of the bed. However, you can't really see anything now. "Mom?" I called softly at the same moment as there was a soft knock on her room. I can't hear anything."Oh, shit! It's already

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 5

    Dahil naiinip na ako sa kahihintay sa dalawa ay umalis na lamang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan kong pumunta sa bar ni Cassian. At kung minamalas ka nga naman ay nandoon din pala ang dalawang mokong na si Rio at Gav."Hey, lover boy! Long time no see!" agad na bati sa akin ni Gav. Nakipag fist bumped ako sa mga ito nang makalapit na ako."Oo nga. Ano ang pinagkakaabalahan mo at hindi kana nakikipag date sa amin, ha?"Napalingon ako kay Rio dahil sa narinig."Date your ass!" Tinawanan lang ako ng mokong.Natigilan si Cassian na sana ay dadaanan lamang ang table namin nang makita ako."Hello my friend!" bati ni Rio rito. "Sabi ni Kurt!" dugtong pa nito sabay ngisi. Napailing na lamang si Cassian at nilingon muli ako."Problem?" he asked."Nothing...""Then, what bad air brought you here?" he asked again then looked into his metal wrist watch. "It's too early, dude.""Bakit kami ni Gav hindi mo tinatanong ng ganiyan? Favoritism na ba tayo rito?" naghihimutok na saad ni Rio."Oo n

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 4

    Kanina pa ako nagpupuyos sa galit sa lalaking 'to. Masakit na ang panga ko sa kagagalaw dahil kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Darwin.Ako ang boss tapos ako ang makikiusap sa babaeng 'to para lang maging mekaniko sa shop ko? Ha! Sabi ko never kong gagawin, e!Pero ito at nandito ako sa shop ng hayop na lalaking ito para raw tulongan siyang kumbinsihin ang nag-iinarting babaeng ito. Akala mo naman bagay! Tss. Yung mukha kang gangster sa kanto tapos nag-iinarte? The fuck?!"Ayoko nga, Darwin. Bakit ba pinipilit mo ako na pumasok sa shop ng lalaki na 'yan?" saad ng babae habang masama ang tingin sa akin.Problema nito? Palagi na lang galit, para akong kakainin ng buhay. Tss."Kasi nga pansamantala ko ngang isasara ang shop na 'to. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo na aalis ako? May aasikasuhin ako sa ibang bansa, Kael.""Oh? Pansamantala lang naman pala. Edi, maghihintay na lamang ako kung kelan ka ulit magbubukas. Problema ba 'yon?" Maangas na sagot ng babae bago naupo sa hood ng k

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 3

    "Napakayabang! As if it's not tsamba!" Inis kong sabi habang nagmamaneho paalis sa lugar na iyon. That woman! She's getting into my nerves! Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa babae—wait, babae ba 'yon? Parang hindi naman. Tss. Dumiretso na lamang ako sa bahay para maaga rin makapagpahinga. Pagkarating ko ay tinignan ko agad ang oras para malaman kung nakauwi na ba si Mommy. It's already 9:30. I expected that my mom was already in her room, sleeping peacefully with her eye mask. Tahimik na ang buong bahay. Wala na rin ang maids sa kusina, siguro ay nagpapahinga na sa maids quarter. Dumiretso ako sa taas kung nasaan ang room namin ni Mommy. When I turned the doorknob slowly and opened it, a dark room welcomed me. When mommy sleeps, there is light somehow from her lampshade that is on the side table of the bed. However, you can't really see anything now. "Mom?" I called softly at the same moment as there was a soft knock on her room. I can't hear anything."Oh, shit! It's already

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 2

    I've been busy these past few days. Minsan ay hindi ako nakakasama sa mga kaibigan ko. I help my mom manage our business. But most of the time I let her rest and let her enjoy her day with her friends. She also has her own business...a jewelry store. "Sir, we're lacking mechanics in our main branch. None of the applicants are passing our standards for this position." One of my staff said while I was checking with the new car. I sighed. I think I have no choice. Isang tao na lamang ang kilala kong maraming kilala na mekaniko. "Okay. I'll talk with one of my friends to help us." "Okay, sir."Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang taong 'yon. Dati siyang may malaking shop kaya marami siyang kilala. Pero dahil sa problema sa pera dahil sa kanyang ama ay nagtayo na lamang ito ng kanyang sarili. Maliit kumpara sa dati. Pero dahil magaling din naman siya ay marami pa rin siyang client.Sa pagsagot niya ng tawag, ingay agad ng sasakyan ang bumungad sa pandinig ko."Hey! Ano an

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 1

    "Hey! Dude, tulala ka na naman d'yan," ani Rio."Oo nga. Iniisip mo na naman ba 'yong naka one night stand mo na virgin?" Gavriel asked while grinning."Woah! Gusto mo umulit?" Sinamaan ko nang tingin si Rio dahil sa tanong nito.Bakit ba silang dalawa pa ang available sa mga kaibigan ko? Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito."Tumigil nga kayo! Nasaan ba si Cassian?" Tanong ko sa dalawa habang nilalaro ang yelo sa aking baso na may alak."Busy. May meeting pa sa mga empleyado niya." Si Gavriel.Napaka hands on talaga ng isang iyon sa business niya. "Si Kurt?""Busy din.""Saan?""Sa pagpapantasya sa secretary niya!" sagot ni Rio at sabay silang tumawa ni Gavriel."Tss.""Baka nakabaon pa!" ani Rio.Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naging sagot ng dalawa. Wala talaga akong mapapala sa dalawang ito. Puro kalokohan ang alam."Hindi nga, Dude, ito seryoso na. Bakit mo ba iniisip 'yong naka-one night stand mo?" Biglang sumeryoso ang boses ni Rio."Naisip ko lang, paano kung nabunt

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Prologue

    "What?" I asked the girl in front of me."Naku! Huwag mo ako ma-english english ispekening d'yan at baka mapalaban ka sa 'kin! Sinasabi ko sa 'yo!" mayabang nitong tugon. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa babae."Are you crazy? What are you talking about?""Oh, bakit? Hindi ba may gusto ka sa 'kin kaya panay ang tingin mo? Naku! Huwag ako, boy! Alam ko na ang mga galawang gan'yan!""You're unbelievable! Have you seen yourself?""Aba! Alangan! Lagi ko kayang kinakausap ang sarili ko sa salamin! Magkasundong-magkasundo nga kami, e!"Nagpapatawa ba sya? She's really something... Baliw ba 'to?"Never akong magkakagusto sa kagaya mo! Look at you! Mas mukha ka pang lalaki sa 'kin! You're not my type!" I said while looking at her from head to toe."Wow!" sarkastiko niyang sabi. "Grabe naman 'yon! Sagad hanggang balunbalunan, boy! Pogi yarn? Gagi 'to, a!"Para talaga siyang lalaki kung umasta. Tss. And she thinks I like her? Fuck! I'm not insulting her, but for fuc

DMCA.com Protection Status