Matagal na pinagmasdan ni Juancho si Lola Zonya bago nagsalita gamit ang malumanay na boses, “Lola, hindi mo na po ba ako mahal?“Agad na hinawakan ni Lola Zonya ang kamay ni Juancho pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito.“Anong pinagsasabi mo, apo? Simula noong bata ka pa ako na ang nag-alaga sa'yo. Paanong hindi na kita mahal? Ang hinihiling ko lang naman sa kanya ay magkaroon na kayo ng anak dahil gusto kong maging masaya ka, hindi para ipahamak siya o anuman. Ngayon, malusog pa ako kahit papaano kaya maalagaan ko pa ang magiging apo ko sa'yo. Pero paano kung dumating iyong panahon na nanghihina na talaga ako, edi hindi ko na siya maalagaan pa.““Lola, puwede po bang bigyan niyo pa ako ng sapat na oras para sa hinihiling ninyo?“ Malamlam ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniyang lola.Tiningnan ni Camila si Juancho. Ang totoo, hindi niya lubusang maunawaan kung bakit ayaw pa rin ni Juancho na magkaroon sila ng anak.Subalit hindi na niya hinayaan na magtagal pa ang
Hindi na hinintay pa ni Camila si Juancho na lumabas mula sa silid at tapusin ang pagpapagaan sa damdamin ni Lola Zonya. Tanging sina Kenneth at Dominique lamang ang naiwan sa pasilyo.Napatayo si Dominique mula sa kaniyang kinauupuan at agad na nilapitan si Juancho nang makita niya itong lumabas mula sa silid. “Juancho, kumusta na si Lola?“ nag-aalalang tanong niya.“No big deal. And you are not allowed to contact my grandma again next time.“ Malamig ang mga mata ni Juancho ngunit ang kaniyang tono ay nananatiling hindi nagbago.Naramdaman ni Dominique ang kaunting pagkirot ng kaniyang puso. “Juancho, matanda na si Lola, baka kailangan niya ng taong makakausap. Nandito lang ako lagi para samahan siya...“Napukaw ng kaniyang mga salita ang atensyon ni Juancho. Ang seryoso at masusi nitong pagsisiyasat ay nagdulot ng kaba sa kanya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at kinakabahang tiningnan sa mga mata si Juancho. “B-bakit?“ mahinang tanong niya.Nakatayo si Kenneth sa malapi
Ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Juancho sa malapit."You’re being too formal again. I’ve invested a lot in this drama, and of course, I hope it will have a good reputation once it airs.“ Ngumiti si Marco.Nakaramdam ng kaginhawaan si Camila pagkatapos ng buong araw na marami siyang nagawang makabuluhan. “Ililibre kita ng meal sa susunod na araw kapag may libreng oras ako,” sambit niya sa malumanay na boses.“Paano ba 'yan, dalawang meals na ang utang mo sa akin? Ilibre mo na ako bukas ng gabi. Simpleng bonding lang. Kumain tayo ng street foods at manood ng firework displays,” mungkahi ni Marco habang sabay silang naglalakad pababa sa hagdan na mayroon lamang ilang mga hakbang hanggang sa tabi ng kalsada. “Ihatid na kita inyo. Sinadya ko talagang hindi uminom ng alak ngayon para maihatid ka. Kaya wala kang dapat ipag-alala,” dagdag niya.“Uh, okay lang. Puwede naman akong mag-taxi na lang pauwi. Salamat,” pag-aalinlangan ni Camila.“Are you being too formal again, my junior s
Sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nakipagtalik si Juancho kay Camila.Hindi siya makatulog. Ginugulo ni Camila ang kaniyang isipan. Alas tres na nang madaling araw subalit gising na gising pa rin ang diwa niya. Hindi niya lubusang maunawaan kung bakit biglang nagbago si Camila sa pakikitungo sa kanya. Matagal nang nagtratrabaho si Camila sa ilalim ng pangalan ni Sunshine. Tatlong taon pa lamang silang kasal, kaya ang pagbabago niya ay hindi nangyari pagkatapos niyang magsimula sa trabaho. Pagkaraan nang ilang oras na pagninilay-nilay, napagtanto niya na biglang nagbago si Camila magmula noong lumitaw si Dominique.Nagseselos ba siya kay Dominique?Hanggang sa unti-unti niyang naintindihan kung ano marahil ang dahilan ng mga kinikilos ni Camila kamakailan. Bumalikwas siya at tumagilid upang makaharap kay Camila na mukhang mahimbing ang tulog. Pinagmasdan niya ang mukha nito at lalo pang lumapit.Naramdaman ni Camila ang banayad na mga haplos ni Juancho sa kaniyang muk
Paghinto ng sasakyan sa harap ng store, hindi pa rin in-unlock ni Juancho ang mga pinto. Sa halip, bumaling siya kay Camila at sinabing, “Ang kooperasyon sa pagitan ng V&L House of Fashion at ni Marco Santos ay dapat na ma-terminate agad sa lalong madaling panahon. At iha-handle ni Kenneth ang liquidated damages.““Kung magdadagdag ka rin lang ng mga kondisyon para gumawa ng mga konsesyon, 'wag ka nang mag-abalang magsabi pa,” sagot ni Camila sabay abot sa door handle ng sasakyan para mabuksan ito.Nang mapagtanto niyang naka-lock ito ay tinapunan niya ng tingin si Juancho at huminga nang malalim.Samantalang si Juancho naman ay nanatiling mahinahon.“Camila, it’s pointless to cause such trouble. You’ve been talking about divorce repeatedly but never followed through. What are you doing now?"“Buksan mo ang pintuan, may trabaho pa ako,” utos ni Camila.“The cooperation with Marco Santos—”“Hindi ako ang may desisyon sa bagay na 'yon. Isa lang akong empleyado,” malamig na putol ni Cami
Pagkatapos ibaba ni Camila ang tawag ay nginitian niya ang assistant na may hawak ng kaniyang cellphone sa oras na iyon. “Kapag tumawag ulit siya, 'wag mo nang sabihin sa akin. Ikaw na ang bahalang sumagot.“ Ibinalik niya ang cellphone sa assistant at saka siya bumalik sa loob ng opisina kung saan sila nag-uusap ni Marco, naantala lamang sandali dahil sa tumawag.Narinig ng assistant ang pag-uusap ni Camila at ng taong nasa kabilang linya kanina. Napailing-iling siya sa kawalan.“Wala pa namang asawa si Miss Villarazon. Bakit niya ito tinatawag na sister-in-law? Lakas ng trip,” bulung-bulong niya sa kaniyang sarili.Sumulyap siya kay Marco na nakikipagkuwentuhan kay Camila sa loob ng opisina at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Bagaman ang show ay ginawang sikat na loveteam sina Camila at Juancho, ang assistant naman ay isang die-hard romantic. Mas gusto pa rin niya ang totoong pag-ibig, hindi iyong palabas lang. Iyong tungkol sa ginawa ni Juancho na binilihan niya pala ng
“Juancho, bro, bakit hindi mo na lang hayaan si Assistant Villarazon na sumakay sa sasakyan ni Mr. Santos? Bukod sa sila ang magti-treat sa atin, mas makakapag-usap din sila tungkol sa trabaho habang nasa biyahe.“Sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Kenneth ang magsalita.Tinapunan ni Juancho ng tingin ang kaniyang kaibigan at napansin niya ang desperado nitong tangkang pagbibigay ng senyas. Kalaunan ay binitiwan niya ang kamay ni Camila.Sinalubong ni Camila ang kalmado niyang tingin bago sinundan si Marco sa labas.Bahagyang napaawang ang bibig ni Kenneth sa nasaksihan. Hindi niya inaasahang ganoon na lang kabilis umalis si Camila para sumunod sa ibang lalaki. Nang tuluyan nang makalabas si Camila ay bumalik ang tingin niya kay Juancho.Ang mukha ni Juancho ay nanatiling walang nakabakas na emosyon, tila tinatago ang tunay na damdamin. At dahil dito, hindi maiwasan ni Kenneth ang makaramdam ng pagkabahala.“Juancho...“ mahinang tawag niya.“Sa sasakyan na lang tayo mag-usap,” m
Tumayo si Camila hawak ang kaniyang pinagkainan at ang mukha ay malamig.“Paano mo malalaman? Juancho, sa loob ng nakalipas na tatlong taon na nagkasama tayo, ang dami dami ko nang sinabi sa'yo, pero kailanma'y hindi ka nagkaroon ng pakialam. Pagod na ako at ayaw ko nang magsabi pa. Gusto mong malaman ngayon, pero alam mo sa tingin ko wala na rin namang silbi pa.“Naglakad siya patungo sa loob ng kusina at sinimulang hugasan ang kaniyang pinagkainan, pati na rin ang mga iba pang nagamit sa pagluluto kanina.Patapos na siya sa ginagawa nang bigla niyang naramdaman na pumulupot ang mga braso ni Juancho sa kaniyang baywang at marahan siyang niyakap mula sa likuran.Masuyong hinalikan ni Juancho ang kaniyang tainga na bahagyang nagpakiliti sa kanya ngunit hindi niya pinahalata.“Camila, sabihin mo nga sa akin, sa nakalipas na tatlong taon—““Kung gusto mong makipag-sex, dalian mo na. Huwag mong i-delay ang pagtulog ko. Kailangan ko pang bumangon nang maaga bukas,” putol ni Camila gamit an
Nagulat sina Erah at Linda.“Hindi mo kailangang humingi ng sorry sa akin, basta aminin mo lang ng malinaw na hindi ka nasiyahan at hindi mo nagustuhan ang mga kasuotan na gawa ng V&L, at na ang makeup ng mga kababaihan ng Hu ay makeup gaya ng geisha, at na sinasabi mong ipinagpipilitan ko lang ang sarili kong mga ideya.““Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Kung hindi kaya ng V&L na magdisenyo ng mga kasuotan, sana hindi niyo na lang ginawa una pa lang. Bakit kailangan niyo pang maghanap ng authoritative na propesor para magdisenyo ng ganito? Hindi naman ganito kapangit ang makeup ng mga Hu People ayon sa na-research ko!“ galit na tumayo si Erah.Umpisa pa lang, mababa na talaga ang tingin niya kay Camila. Isa lang naman kasi itong assistant. Kung hindi lang dahil kina Juancho at Marco, mayroon man lang ba siyang mga kwalipikasiyon upang mapabilang sa crew?“Wala kang alam sa mga kasaysayan kaya 'wag kang magsalita ng walang kabuluhan,” malamig na saad ni Zaldy, na hindi na napigilang m
Sa loob lamang ng dalawang oras, si Juancho ay personal nang gumawa ng aksiyon laban kay Erah Alfonso.Unang na-expose ang ginawang pagtapak ni Erah sa kaniyang dating assistant gamit ang suot na high heels at sumunod naman ang ginawa nitong pananampal sa isang menor de edad na nagtratrabaho bilang mutsatsa sa set.Mayroong video na kalakip kasama ang post mula sa isang witness sa oras na iyon, bilang suporta sa pahayag.Nang nakita ni Camila na personal na nag-post si Juancho patungkol kay Erah, ay kaagad niya itong tinawagan.“How is it?“Sa sandaling kumonekta na ang tawag, ang boses ni Juancho ay nagdala ng medyo mataas na tono.“Bakit nag-post ka online gamit mismo ang sarili mong account? Ngayon, iisipin na tuloy ng mga tao na tinutulungan mo ako...““Ano namang masama kung tinutulungan nga kita?“ malamig na saad ni Juancho. “Nagawa kang apihin at ipahiya ni Erah, eh umaasa lang naman siya sa management niya at sa mga tagahanga niyang walang mga utak.““This isn't good for you i
Maraming tao na ang nakasalamuha ni Juancho na nasa industriya ng entertainment.Ang ilang mga indibidwal na lumilitaw na mayroong disiplina sa sarili ay nagpapakasasa sa mas malalaki pang kalayawan nang palihim kaysa sa mga mayayamang tagapagmana.Samantala, ilan naman sa mga batang aktres, na siyang nagpapakita ng magandang reputasyon at mukhang magalang kapag nakaharap sa publiko, ay palihim na minamaltrato ang kanilang mga tauhan—binubuhusan ng mainit at kumukulong tubig o 'di kaya naman ay binabato ang mga ito ng masasakit na mga insulto, na para bang higit pa silang mas mababa bilang tao.Naniniwala si Juancho na kung natuklasan na ni Erah ang mga puwede at kayang gawin ni Camila, ang assistant nitong si Linda ay hindi magsasabi ng ganoong mga salita sa harap ni Direk Zaldy.Dahil hindi pa rin matawagan ni Juancho si Camila, si Direk Zaldy na ang direkta niyang tinawagan.Kakatapos lamang makipag-usap ni Elizalde Castro sa kaniyang katawagan sa telepono nang nakita niyang nag-fl
Sa unang eksena pa lamang, hindi na agad maipinta ang mukha ni Erah sa kadahilanang hindi siya natutuwa sa kaniyang kasuotan, kaya't paulit-ulit din siyang nagkamali sa pag-arte sa harap ng kamera. At dahil dito, hindi na napigilan ni Direk Zaldy ang sarili na makaramdam ng galit. Sa sobrang galit niya nga ay padarag niyang ibinagsak ang script na nasa kaniyang kamay.“Erah, anong klaseng acting 'yan?! Ang sinabi kong dapat mong maramdaman sa eksena ay galit at lumbay kasi nga ang ginagampanan mong karakter ay namatayan ng mga mahal sa buhay, pero anong ipinakita mo?! Galit lang! Nasaan doon iyong kalungkutan mo sa pagkawala ng iyong mahal sa buhay?! Hindi ko makita. Hindi ko maramdaman!“Dumagundong sa buong paligid ng set ang galit na galit na boses ni Direk Zaldy. Kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa matinding galit, pati halos pumutok na rin ang kaniyang mga ugat dahil sa ginawang pagsigaw.Namula ang mga mata ni Erah. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi at
Napalingon bigla si Camila kay Marco, medyo nagulat. Ngunit mayamaya ay binawi niya ang kaniyang tingin at tumingin sa harapan.“Ah, ganoon ba. Wala, e. Wala akong alam sa kanila. At ano pa man ang mayroon sa kanilang dalawa ngayon ay wala na akong pakialam doon,” simpleng sagot niya.Kahit pa paulit-ulit na hinahagupit ng malalakas na bagyo ang kaniyang puso, alam niyang kalaunan ay titila rin ito at babalik sa kaniyang dating katahimikan at kapayapaan.Tinanggap na niya ng buong puso sa kaniyang sarili na hindi niya kayang basta-basta lang pakawalan ang malalim na pag-ibig na mayroon siya para kay Juancho sa loob ng tatlong taon o higit pa, sa isang tulugan lamang.Pagkatapos marinig ni Marco ang naging tugon ni Camila ay agad siyang nagpakita ng isang nasisiyahang mukha.“Siyang tunay.“Magmula noong unang araw na sumali si Camila sa crew ay naging sobrang abala na siya. Mula sa mga mutsatsa hanggang sa mga bidang lalaki at babae, at pati ang mga beteranong aktor ay kinailangan niy
Nagtaas ng kilay si Juancho.“Jealous again?”“Para mo na rin sinabing nangarap ka nang gising.“Muntik nang paikutin ni Camila ang kaniyang mga mata habang nananatiling malamig ang ekspresyon.Mariin ang titig na ipinukol sa kanya ni Juancho. “It must have been exhausting for you to pretend to be a good wife for the past three years.”Sandaling nakaramdam ng hiya si Camila sa sinabi nito.Upang makamtan ang pagmamahal ni Juancho, tunay ngang umasta siyang birtuoso at mahinhin.Nang mapansin ni Juancho ang naging reaksiyon ni Camila ay napangisi siya dahil alam niyang tama siya. Camila's true personality was nothing like the facade she had maintained. Now, she was finally being herself.Isang waiter ang mabilis na lumapit sa kanilang mesa, at iniabot ni Camila ang menu.Pagkatapos sabihin ang order, tumahimik siya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang manood ng mga video, sinadya pa niyang i-full ang volume nito.Na-gets ni Juancho na kaya ito ginawa ni Camila ay dahil wala na siy
Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Camila patungo sa puwesto ni Juancho ay bigla siyang napahinto dahil sa narinig. Imbes na lumapit, tumalikod siya at akmang lalabas na lang sa kuwarto.“Kasi naman, bakit hindi mo na lang ako tulungan na mamili ng isusuot ko? Magaling kang mag-match ng mga damit, 'di ba?“Sinundan pala siya ni Juancho upang pigilan sa pag-alis.Mariin siyang pumikit ng ilang sandali at pagkatapos ay saka siya nagmartsa pabalik sa harap ng maleta. Nag-squat siya at inilabas ang isang smoky gray na suit.“Kung sasama ka sa akin, magsuot ka ng mga may light na kulay. Ina-absorb kasi ng mga may dark na kulay ang init kaya magiging sobrang mainit kapag titingnan,” payo niya.“Okay,” sagot ni Juancho na puno ng ngiti ang mga mata sa oras na iyon.Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay sabay na silang bumaba ni Camila para mag-almusal. Habang kumakain, nakatanggap si Camila ng screenshot mula kay Leila. Ito ay isang post mula kay Dominique, na kung saan nilinaw nito sa mga ne
Hindi na nag-isip pa si Camila, kaagad niyang pinatay ang location sharing.Ilang sandali siyang nagpabalik-balik sa paglalakad habang iniisip kung tatawagan ba si Juancho o hindi, ngunit bago pa man siya makapagpasya, tumunog na ang kaniyang telepono dahil tumatawag na ang huli.Humugot siya ng malalim na buntonghininga tapos ay pinindot ang answer button at sinubukang maging tunog mahinahon. “What?““You knew that I'm gonna call you, right?“ Dinig na dinig sa tono ng pananalita ni Juancho ang inis.Halatang nagalit ito dahil pinatay ni Camila ang location sharing.“Uh... ano ba kasi 'yon? May problema ba?“ tanong ni Camila habang pinapanatili ang pagiging mahinahon.“Bakit mo pinatay ang location sharing? I-send mo sa akin ang address kung nasaan ka ngayon at hintayin mo ako riyan.““Anong ginagawa mo rito?“ Lalong na-frustrate si Camila at bumakas iyon sa kaniyang pananalita.Ayaw niyang makita si Juancho. Bakit ba narito ang lalaking iyon kung nasaan siya? Ang layo layo na nga ng
Camila truly didn't want to serve him anymore.Not only did she stop caring about his face, but she no longer took her grandmother's words to heart either.“Ang sinabi mo wala siyang ginagawa, pero bakit nasa business trip daw siya ngayon? May asawa siyang katulad mong sobrang yaman, ngunit pinipili pa niyang maghanap-buhay para lang kumita ng kakarampot na pera. Talaga nga namang laki sa bukid ang babaeng 'yan. Hindi na nakapagtataka kung bakit napakababaw lamang ng kaniyang pananaw sa buhay.“Umismid si Lola Zonya.Hindi naman talaga gusto ni Juancho si Camila noon at binabalewala niya lamang ang mga sinasabi ng kaniyang lola patungkol sa asawa. Gayon pa man, ngayon, pagkatapos niyang mas makinig pa nang maigi sa mga salitang binitiwan ng matanda, kung pagsasama-samahin niya ang lahat, para itong mga tinik na tumutusok sa kaniyang puso.“Lola, ganito mo ba lagi pagsalitaan si Camila?“ bigla niyang naitanong.“Ano naman ngayon, masama ba? Hindi ba totoo ang sinabi ko? Milyon milyon n