PARA MAIWASAN ANG GALIT NI CRASSUS ay mabilis na ibinaling ni Raine ang kanyang paningin sa libro. Sa buong hapon na klase ay hindi niya ito binigyan pansin. Iniwasan din niya na magtagpo ang kanilang mga mata para hindi ito makahanap ng paraan na lumapit pa sa kanya. Nang matapos ang kanilang klase ay mabilis din siyang lumabas ng silid para iwasan ito.Pagkababa ni Raine sa building ay nakita siya ni Manang Lena. "Napagod ka ba, Ma'am Raine?" Ngumiti pa ito nang nagmano siya.Umiling naman siya. "Hindi naman po. Isang klase lang po iyon," magalang niyang sagot dito. "Tara na po."Hindi sa pagiging walang modo pero pinili niyang mauna na pumasok sa kotse. Gusto lang niyang iwasan si Mr. Xhun. Ang hindi alam ni Raine ay nakamatyag na ito sa likod nila. Kumunot ang noo ni Mr. Xhun nang makitang may kasama na Ginang si Raine. Naguguluhan na siya. Noong huli ay sinabi ni Raine ang relasyon nito kay Mr. Almonte. Nang tanungin naman niya ang kapatid nito ay taliwas naman sa sinabi ni R
NAPUKAW ANG ATENSIYON NI CRASSUS dahil sa inilahad ni Athelios. Kung ganoon ay may hinanakit pala ito sa kapatid nito. Hindi nga lang ito pinansin ng asawa niya. Kung siya nga naman ang nasa estado ni Raine ay natitiyak din niyang mas masahol pa ang matatamo nito. Ginagamit nitong sangkalan ang sarili nitong kapatid para makaahon ito sa kahirapan. Para malaman pa niya ang mga plano nito ay sumakay siya sa pakulo nito. "Alam mo kasi, Sir o Kuya, naintindihan ko naman kung bakit mas pinili ninyong manahimik. Pero hindi ko matatanggap ang ginawa ng Ate ko. Isipin mo, nag - iisang kapatid niya ako pero noong nakaraang ko lang nalaman na kasal na siya." Umiling - iling pa ito. "Tapos siya, sa mansion na siya nakatira. Eh ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Ni hindi man lang niya ako binigyan ng desenteng tirahan. Paano nalang kung malalaman ng tao na kapatid ako ng asawa mo? Di masisira ang reputasyon mo." Tumango - tango pa siya. May point naman ito kahit papaano pero alam niya ang ga
UMIIGTING ANG PANGA NI CRASSUS HABANG hawak ang kanyang telepono na nasa kanang tainga niya. Ang kanyang pagkadismaya ay hindi niya mapangalanan dahil sa kanyang nalaman. Kung ganoon ang matagal - tagal na rin pala siya nito pinaikot. "Sir?" Pagpukaw ni Jimmy sa kabilang linya. "Sir?"Napabuntonghininga siya. "Yes, is that all?""Y- yes, Sir.""Okay." Ibibaba niya ang telepono at itinapon ito sa la mesa. Naisuklay niya ang kanyang mga palad sa kanyang buhok.Kung pagbabasehan ang mga kilos ni Raine nitong nakaraan ay ito lang talaga ang sadya nito sa kanya. Ang kanyang pera. Sa dinami - dami ng problema nito ay mukha wala na itong mapagpipilian kung hindi tanggapin ang offer niya.Nagdududa na siya rati sa iniasal nito. Alam naman niya na pera talaga ang habol nito noong una pero hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili. Parang sinampal siya ng katotohanan para magising siya sa sitwasyon ngayon. Na wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi niya alam kung nagbulag - bulagan lang ba s
NAKATAKDA ANG PAGSUSULIT ng Economic Law sa araw ng sabado. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang durasyon ng naturang exam. Nang makarating si Raine sa examination room ay hinanap niya ang kanyang pwesto. Pineprepara niya kaagad ang kanyang mga kailangan para wala siyang maging problema. Ang huli nalang niya kailangan ay ang kanyang ID. Binuksan niya ang compartment ng kanyang bag kung saan niya sinuksok ang kanyang ID. Napaawang ang kanyang bibig. Nang makita na wala roon ang kanyang pakay ay mabilis niyang hinalungkat ang iba pang parte ng bag. Napatda siya nang hindi niya ito mahanap.Natakpan niya ang kanyang bibig. Wala sa bag ang kanyang ID. Kung ganoon ay naiwan ito sa bahay. Ang masama pa ay nakalimutan niya kung saan niya ito nalapag.Naipatong niya ang kanyang siko sa mesa. Kinagat niya ang kuko. Saka niya inaalala kung saan niya nailagay ang kanyang ID.Pumalatak siya. Hindi pa naman siya makapag - exam kung wala ang kanyang ID. Mahalaga iyon dah
NAPAKO ANG PANINGIN NI CRASSUS sa hawak na diary. Gamit ang kanan n hintuturo ay hinaplos niya ito. Nakasulat ang pangalan nito sa front cover ng diary. Maging ang address kung saan ito nakatira ay nakalathala rin sa pabalat.Kinain siya ng kyuryosidad nang mabasa niya ang pangalan. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalan na ito.Binuklat niya ito at binasa kung ano ang nakasulat.'Tatlong taon ang nakararaan ay may nakilala ako na isang babae, at dahil sa awra nito ay mahihimbing ko siya sa isang anghel. Puro, maliwanag, na kung sinuman man ang makakasaluha nito ay matatangay sa kaliwanagan nito.Mapilantik at makapal ang pilik - mata nito. Sing liwanag naman ng araw ang ngiti nito. Na bawat pagsilay nito ng kasiyahan ay naghahatid ito ng isang mainit na pakiramdam. Bawat tinig nito ay parang isang musika sa tainga ang boses nito. Nakakahipnotismo, animo'y hinihili ka upang mahulog ka sa bitag nito.Nagpakilala ako sa kanya. Iyong galak ko sa mga oras na iyon ay hindi
SA NABABASA NIYANG TALAARAWAN NI ULLYSES ay masasabi niyang may simpatya rin ito sa mga bata. Kasi kung hindi ay hindi nito pipiliin pa na mag - turo sa bulubundukin na lugar. Ramdam din niya na may malasakit ito sa mundo. Na kung iisipin ay bihira na lamang ang mga taong may pakialam sa mundo ngayon. Sa huli pahina ng talaarawan ay kalahati lamang ang naisulat nito. At iba na ang dumugtong niyon. Kung pagbabasehan ang sulat - kamay ay parang galing ito sa isang babae. Malinis at tuwid na tuwid. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino dahil alam na niya kung kanino ito. Minsan na niya nakita na niya ang penmanship ni Raine. Lalo na noong pumirma ito sa ginawa niyang kontrata. Napaisip siya nang mabasa niya ang isinulat nito. 'May plano sana ako pagkatapos ko ng graduation. Inaantay kita pero hindi ka na bumalik.' *** Nakita ko ang sitwasyon ng aking pinagtatrabahuan. Malungkot, nakakapanghinayang. Pursigidido sila sa kanilang pag - aaral pero ang kakulangan ng paaralan
NAGKIBIT - BALIKAT SI RAINE. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain at ang Lolo nito. Para naman ito ang unang pagkakataon na hindi siya nito pinansin. Malapit na nga siya maging immune sa pagtrato nito sa kanya."Don't flatter me." Grandpa smiled.Umiling naman siya. "Hindi po, totoo po talaga iyong sinasabi ko." Umupo siya ng maayos at ngumuya muna bago magsalita," Kung hindi mo po inalok sa akin na aralin ang tungkol sa International Commercial Law ay wala akong malalaman tungkol doon. Tiyak na mangangamote ako kung ano ang isasagot ko."Napatawa si Lolo Faustino. "Hindi naman siguro, hija. Matalino ka kaya alam kong kaya mo ang exam."Bumunsagot si Raine. "Hindi pa rin po, Lolo." Tinuhog niya ang beef steak at nginuya iyon. Tinapos niya muna ang pagkain bago siya nagsalita." Nasasabi mo lang po na matalino ako dahil masipag akong magbasa. Para siyang bundok sa gitna ng dalawang magkaibang field. "Nakapag - aral si Lolo Faustino ng Civil and Commercial Law. Parte nito ang Internat
KAHIT NA PINAPANTANSIYA NI RAINE si Crassus ay hindi naman siya nag - iilusyon tungkol sa kanilang kasal. Marahil ay dahil hindi siya nito binigyan pansin kaya malaki ang epekto niyon sa kanilang dalawa.Kung pinapaalis siya nito, aalis naman siya. Wala naman siya dapat na ipag - alala dahil wala namang mawawala sa kanya.Pinadalhan niya ng mensahe si Athelios sa messenger. [Tignan mo ang ginawa mo. Binlack - mail mo si Crassus kaya ako ang napagbuntunan niya ng kanyang galit. Pinaalis niya ako sa bahay.Nag - iisip ka ba talaga? Kahit nga masaya siya ay sinusuklian niya ako ng kabutihan. Ni hindi ko nga siya iniisturbo kung busy siya tapos ikaw basta ka nalang pumasok sa bahay niya, at binalack - mail mo!]Ginawa niya ang hakbang na ito upang iwaksi ang ideya ni Athelios na patuloy na i-blackmail si Crassus. Ito lang ang naisip niya na paraan para tumigil ito. Gusto niyang iparating dito na hindi madaling makabangga ang isang Crassus Adam Almonte.Nang mabasa ni Athelios ang kanyang
Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsalita si Crassus. Hindi na nakapagtimpi si Raine. Siya na ang nagbukas ng usapan. "May problema ba, Crassus?" Hinila ni Raine ang kamay ni Crassus Dahan - dahan naman nitong binawi ang kamay. Napatingin siya kay Crassus. "Galit ka?" "Huwag kang maingay. Nagbabasa ako. Don't make me angry," malamig na sagot nito. Natigilan siya. Pinagmasdan niya si Crassus pero kagaya kanina ay hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Mukhang tinupak na naman ito. Umaandar na naman ang pagiging Julio nito. Dahil ba sa hindi siya umuwi? Yumuko si Raine. Mabagal siyang tumalikod para hindi maistorbo si Crassus. Hindi pa man tuluyang lumapat ang katawan niya sa kama ay bigla siyang hinila nito. Tumama ang likod niya sa matipunong dibdib nito. Nahigit niya ang kanyang hininga. Naramdaman niya ang marahas na hininga nito sa leeg niya. "Sinabi ng huwag mo akong galitin. Sinusubok mo talaga ang pasensiya ko." Dumilim ang mukha ni Crassus. Marahas niyang niyakap
Mariin na tinitigan ni Crassus ang hawak na balot. Tinanggal niya ito. Bumungad sa kanya ang tatlong damit.Sa porma pa lang nito ay alam na niyang galing ito sa Montenera. Madalas siyang bumibili ng damit doon dahil sa magandang kalidad. Nagpapa - custom made rin siya roon. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Ang tibay talaga ng apog nito. Ni hindi man lang nito pinalitan ng balot. Pareho lang ang plastic na pinabalot nito sa damit. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kita niya ang logo nito.Talagang wala itong pakialam sa kanya. All she cares is his money. Dumidikit lang ito sa kanya dahil sa kayamanan niya.Ginalaw ni Crassus ang kanyang panga. Ayaw niyang ipakita kay Raine ang kanyang galit. Ayaw niya muna na mag - away sila kaya siya na mismo ang umiwas.Nilapag niya sa mesa ang mga damit. Saka niya pinasadahan ng tingin ang asawa.Umupo siya sa sofa nang nakadekwatro. Tinabingi niya ang kanyang ulo. Saka niya napansin ang bahagyang pagbabago ng hubog ng muk
Araw ng Biyernes, bumalik sina Raine at Diana sa Lè Confe Shop. Isang dressmaking services na tanyag at may kalumaan na sa Ero Vierde. Dinadayo ito ng mga tao dahil sa pagiging authentic nito sa pagtatahi. Ani pa raw ni Diana, ang may - ari raw nito mismo ay mula sa angkan ng mga mananahi noong panahon pa ng giyera. Pinasa - pasa ang karunungan ng mga ninuno nito hanggang sa kasalukuyang panahon. Kaya marami ang nagpapagawa rito dahil subok na kalidad ng serbisyo nito. Nakuha na nina Raine at Diana ang damit. Si Raine na mismo ang nagdala ng kahon papunta sa apartment nila. Dumaan ang kinse minuto ay nasa harap na sila ng apartment. Si Diana na ang nagbukas ng pinto. Tahimik niyang nilapag sa carpet ang kahon. Umupo siya sa sofa. Mamaya ay babalik na siya sa villa ni Crassus. Nasasabik siya na nalulungkot. Nasasabik siya dahil makikita na niya uli si Lolo Faustino. Pero may parte pa rin ng puso niya na nalulungkot. Iiwan na naman niya rito si Diana ng mag - isa. Kung pwede lang
Nang matanggap ni Tia ang mensahe na successfully delivered na ang kahon ay ngumiti siya ng nakakaloko."Ang dali lang talaga mauto ang isang 'yon," pahayag ni Tia habang nakatingin sa selpon niya.Naging hudyat iyon. Chinat niya si Crassus na kasalukuyan naman na naka - online....[Crassus?]Umangat ang gilid ng labi ni Tia. Nilapag niya muna ang selpon sa la mesa at mabagal na ininom ang kopita ng wine.Biglang tumunog ang selpon niya. Dinampot niya 'yon habang nasa kanang kamay ang wine....[?]Inikot ni Tia ang kanyang mata. Napaismid siya. Hindi niya kasi nagustuhan ang paraan ng pag - chat ni Crassus. Ganoonpaman, itinaas lang niya ang kanyang kilay habang nagtitipa ng reply....[Hi, I know that you are busy pero gusto ko lang na kamustahin ka. How are you? Anyway, nagpadala nga pala ako ng damit. Galing kasi ako ng Monterena last month dahil may shooting ako roon. I bought three clothes for you. One long sleeve and two t - shirt. Kulay dark blue an
"Awat ka nga! Hindi ako si Tia at hindi ako kaaway mo," bulalas ni Diana nang mapansin ang pagiging pikon ng kaibigan. Hindi kumibo si Raine pero hindi na maipinta ang kanyang mukha. Muli niyang sinipat ang mga binigay na damit ni Tia. Nang magawi ang kamay niya sa likod ng kwelyo ay napakunot ang noo ni Raine. Hinaplos niya ang tatlong letra na nakatahi sa likod ng kwelyo. Napansin ni Diana ang pagiging matahimikin ni Raine. Tinignan niya kung ano ang nakaagaw ng atensiyon nito. Napakurap siya. Nakita niya kasi na may nakaimburdang tatlong letra sa likod ng kwelyo. Binase sa kung anong kulay ng damit ang kulay ng burda kaya hindi ito mapapansin kapag hindi titignan ng maigi. "C.A.A?" patanong na ani pa ni Diana. "Crassus Adam Almonte," walang emosiyon na sagot pa ni Raine. Napipilan si Diana. Napatingin din siya sa hawak na long sleeve. At kagaya nang kay Raine, may nakaburda rin na tatlong letra sa likod ng kwelyo. "Anong meron? Bakit niya nilagyan pa ng ganito?" bulalas pa n
Pasado alas kuwatro na nang hapon. Malapit ng matatapos ang oras ng trabaho ni Raine. Wala na siyang ginagawa kaya nagpasya siyang i - chat si Crassus. Hawak na niya ang kanyang selpon pero blangko pa rin ang kanyang message box. Wala pa siyang natipa ni kahit isang letra. Iniisip niya kasi kung paano humingi ng pahintulot kay Crassus. May naisip na siya pero hirap na hirap siyang igalaw ang kanyang kamay. Tinapik ng kanang daliri niya ang likod ng kanyang selpon. Napabuntonghininga pa siya sabay tabingi ng kanyang ulo. Nang makakuha na siya ng bwelo ay mabilis na gumalaw ang kamay niya para magpadala ng mensahe....[Crassus, hindi muna ako uuwi sa bahay ngayon. Maghahanap pa ako ng damit mo.]Mabilis niyang sinent ang message. Baka kasi ibubura na naman niya ang chat dahil sa duwag. Pinalubo niya ang kanyang bibig. Saka niya nilapag sa mesa ang selpon. Inayos niya ang kanyang bag habang naghihintay ng reply nito.Mayamaya pa ay tumunog ang chat ringing tone niya....[You care so
Raine had a good night sleep. Walang gumagambala sa kanya at walang nanggigising. Tirik na ang araw nang magising siya kinabukasan. Pagtingin niya sa wall clock ay pasado alas nuwebe na ng umaga. Lalo na sa mga sumunod na araw. Malapit na mag tanghalian nang siya ay magising. Kaya pagkarating ng araw ng lunes ay masayang masaya si Raine. Pakiramdam niya ay maraming siyang naimbak na energy. Bahagya pa siyang nakangiti habang dinadaanan ang mga empleyado.Nang makarating siya sa kanyang cubicle ay ngumiti si Raine. Napabuntonghininga pa siya. Tinapik niya ang mesa at saka isa - isa tiningnan ang mga papeles doon. Saka siya nagsimulang magtrabaho.Hindi pa man siya nakatagal mula sa kanyang ginagawa ay may kumatok na sa mesa niya. Napaangat ng tingin si Raine. Napakurap siya nang makitang nakapameywang na si Crassus sa harap niya at hindi na maipinta ang mukha.Namumutok ito sa mamahalin na perfume. Naamoy rin niya ang sabon pangligo na humalo sa pabango nito. Amoy mint na rin ito at n
Napangisi si Raine. Hindi siya sumagot at nilantakan ang pagkain.Naramdaman niya pa rin ang kakaibang tingin ni Diana kaya nag - angat siya ng mukha. Nagtaka siya. Paano at nakaawang pa ang labi nito."Kakain ka o ipapasak ko mismo sa bunganga mo iyang plato?" Napipikang tanong pa ni Raine.Napakurap si Diana. "Ikaw..." ani pa nito. Palipat ang lipat ang tingin nito sa pitaka at sa mukha niya. "Hala ka."Hindi na maipinta ang mukha ni Raine. "Ano na naman?"Natutop nito ang bibig. "Congrats, be."Natigilan si Raine sa paghiwa ng karne. "Para saan?"Nakagat nito ang labi. "Hindi ka na naghihirap."Kumunot ang noo ni Raine. "Ano bang pinagsasabi mo?""Kasi..." Ngumiti ito ng matamis. "Dati, may laman iyang wallet mo pero alam ko na may pinaglaanan ang pera mo. Hindi katulad ngayon, may card ka na. Napansin ko rin kanina iyong pera binayad mo sa cashier, puro bago." Hinawakan ni Diana ang kamay niya. "Masaya lang ako kasi hindi ka na naghihirap."Nang maanalisa niya ang sinabi ni Diana
Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Tia. Napataas ang kilay niya pero kaagad din yon nabura. Napalitan iyon ng pekeng ngiti.Peke itong tumawa. "Ano ka ba. Kalimutan mo na 'yon. Nakaraan na 'yon, Raine," sagot pa ni Tia sabay sampal sa ere.Ngumiti rin si Raine pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Nababaliw na yata ang isang 'to. Akala siguro ni Tia ay magaan lang ang ginawa nitong kasalanan sa kanya.Hangga't nakikita ni Raine si Tia ay nabubuhay ang pagkamuhi niya sa babaeng ito. Ilang beses na siyang inaway ni Crassus dahil lang sa mga kwento nito. Ilang beses na rin siyang naparusahan at umiyak dahil sa kagagahan nito."Miss Tia. Baka po pwede na tayo umalis, andiyan na naman po ang mga fans mo," sabi pa ng bakla sabay nguso sa kabilang kanan.Napatingin sila roon. Kagaya nga ng sinabi nito ay nagsitakbuhan na naman papunta sa kanila ang fans ni Tia. Lumapit sa kanila ang mga security guards. Iginiya sila sa sekretong daan.Napilitan silang Raine na sumunod. Napadpad sila sa sa