Home / Romance / Wild Plan: CEO's Desire / Chapter 46- She badly needed money

Share

Chapter 46- She badly needed money

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-01-05 23:53:13
NAPUKAW ANG ATENSIYON NI CRASSUS dahil sa inilahad ni Athelios. Kung ganoon ay may hinanakit pala ito sa kapatid nito. Hindi nga lang ito pinansin ng asawa niya. Kung siya nga naman ang nasa estado ni Raine ay natitiyak din niyang mas masahol pa ang matatamo nito. Ginagamit nitong sangkalan ang sarili nitong kapatid para makaahon ito sa kahirapan.

Para malaman pa niya ang mga plano nito ay sumakay siya sa pakulo nito.

"Alam mo kasi, Sir o Kuya, naintindihan ko naman kung bakit mas pinili ninyong manahimik. Pero hindi ko matatanggap ang ginawa ng Ate ko. Isipin mo, nag - iisang kapatid niya ako pero noong nakaraang ko lang nalaman na kasal na siya." Umiling - iling pa ito. "Tapos siya, sa mansion na siya nakatira. Eh ako?" Tinuro pa nito ang sarili. "Ni hindi man lang niya ako binigyan ng desenteng tirahan. Paano nalang kung malalaman ng tao na kapatid ako ng asawa mo? Di masisira ang reputasyon mo."

Tumango - tango pa siya. May point naman ito kahit papaano pero alam niya ang ga
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 47 - Submission and good behavior, always works

    UMIIGTING ANG PANGA NI CRASSUS HABANG hawak ang kanyang telepono na nasa kanang tainga niya. Ang kanyang pagkadismaya ay hindi niya mapangalanan dahil sa kanyang nalaman. Kung ganoon ang matagal - tagal na rin pala siya nito pinaikot. "Sir?" Pagpukaw ni Jimmy sa kabilang linya. "Sir?"Napabuntonghininga siya. "Yes, is that all?""Y- yes, Sir.""Okay." Ibibaba niya ang telepono at itinapon ito sa la mesa. Naisuklay niya ang kanyang mga palad sa kanyang buhok.Kung pagbabasehan ang mga kilos ni Raine nitong nakaraan ay ito lang talaga ang sadya nito sa kanya. Ang kanyang pera. Sa dinami - dami ng problema nito ay mukha wala na itong mapagpipilian kung hindi tanggapin ang offer niya.Nagdududa na siya rati sa iniasal nito. Alam naman niya na pera talaga ang habol nito noong una pero hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili. Parang sinampal siya ng katotohanan para magising siya sa sitwasyon ngayon. Na wala itong nararamdaman sa kanya. Hindi niya alam kung nagbulag - bulagan lang ba s

    Last Updated : 2025-01-07
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chpater 48 The hidden diary

    NAKATAKDA ANG PAGSUSULIT ng Economic Law sa araw ng sabado. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang durasyon ng naturang exam. Nang makarating si Raine sa examination room ay hinanap niya ang kanyang pwesto. Pineprepara niya kaagad ang kanyang mga kailangan para wala siyang maging problema. Ang huli nalang niya kailangan ay ang kanyang ID. Binuksan niya ang compartment ng kanyang bag kung saan niya sinuksok ang kanyang ID. Napaawang ang kanyang bibig. Nang makita na wala roon ang kanyang pakay ay mabilis niyang hinalungkat ang iba pang parte ng bag. Napatda siya nang hindi niya ito mahanap.Natakpan niya ang kanyang bibig. Wala sa bag ang kanyang ID. Kung ganoon ay naiwan ito sa bahay. Ang masama pa ay nakalimutan niya kung saan niya ito nalapag.Naipatong niya ang kanyang siko sa mesa. Kinagat niya ang kuko. Saka niya inaalala kung saan niya nailagay ang kanyang ID.Pumalatak siya. Hindi pa naman siya makapag - exam kung wala ang kanyang ID. Mahalaga iyon dah

    Last Updated : 2025-01-08
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 49 Raina the queen, Raine the raine

    NAPAKO ANG PANINGIN NI CRASSUS sa hawak na diary. Gamit ang kanan n hintuturo ay hinaplos niya ito. Nakasulat ang pangalan nito sa front cover ng diary. Maging ang address kung saan ito nakatira ay nakalathala rin sa pabalat.Kinain siya ng kyuryosidad nang mabasa niya ang pangalan. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalan na ito.Binuklat niya ito at binasa kung ano ang nakasulat.'Tatlong taon ang nakararaan ay may nakilala ako na isang babae, at dahil sa awra nito ay mahihimbing ko siya sa isang anghel. Puro, maliwanag, na kung sinuman man ang makakasaluha nito ay matatangay sa kaliwanagan nito.Mapilantik at makapal ang pilik - mata nito. Sing liwanag naman ng araw ang ngiti nito. Na bawat pagsilay nito ng kasiyahan ay naghahatid ito ng isang mainit na pakiramdam. Bawat tinig nito ay parang isang musika sa tainga ang boses nito. Nakakahipnotismo, animo'y hinihili ka upang mahulog ka sa bitag nito.Nagpakilala ako sa kanya. Iyong galak ko sa mga oras na iyon ay hindi

    Last Updated : 2025-01-09
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 50 -Asking for money for her Dead Boyfriend

    SA NABABASA NIYANG TALAARAWAN NI ULLYSES ay masasabi niyang may simpatya rin ito sa mga bata. Kasi kung hindi ay hindi nito pipiliin pa na mag - turo sa bulubundukin na lugar. Ramdam din niya na may malasakit ito sa mundo. Na kung iisipin ay bihira na lamang ang mga taong may pakialam sa mundo ngayon. Sa huli pahina ng talaarawan ay kalahati lamang ang naisulat nito. At iba na ang dumugtong niyon. Kung pagbabasehan ang sulat - kamay ay parang galing ito sa isang babae. Malinis at tuwid na tuwid. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino dahil alam na niya kung kanino ito. Minsan na niya nakita na niya ang penmanship ni Raine. Lalo na noong pumirma ito sa ginawa niyang kontrata. Napaisip siya nang mabasa niya ang isinulat nito. 'May plano sana ako pagkatapos ko ng graduation. Inaantay kita pero hindi ka na bumalik.' *** Nakita ko ang sitwasyon ng aking pinagtatrabahuan. Malungkot, nakakapanghinayang. Pursigidido sila sa kanilang pag - aaral pero ang kakulangan ng paaralan

    Last Updated : 2025-01-10
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 51 - Business Trip

    NAGKIBIT - BALIKAT SI RAINE. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain at ang Lolo nito. Para naman ito ang unang pagkakataon na hindi siya nito pinansin. Malapit na nga siya maging immune sa pagtrato nito sa kanya."Don't flatter me." Grandpa smiled.Umiling naman siya. "Hindi po, totoo po talaga iyong sinasabi ko." Umupo siya ng maayos at ngumuya muna bago magsalita," Kung hindi mo po inalok sa akin na aralin ang tungkol sa International Commercial Law ay wala akong malalaman tungkol doon. Tiyak na mangangamote ako kung ano ang isasagot ko."Napatawa si Lolo Faustino. "Hindi naman siguro, hija. Matalino ka kaya alam kong kaya mo ang exam."Bumunsagot si Raine. "Hindi pa rin po, Lolo." Tinuhog niya ang beef steak at nginuya iyon. Tinapos niya muna ang pagkain bago siya nagsalita." Nasasabi mo lang po na matalino ako dahil masipag akong magbasa. Para siyang bundok sa gitna ng dalawang magkaibang field. "Nakapag - aral si Lolo Faustino ng Civil and Commercial Law. Parte nito ang Internat

    Last Updated : 2025-01-11
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 52 - Athelios Theory

    KAHIT NA PINAPANTANSIYA NI RAINE si Crassus ay hindi naman siya nag - iilusyon tungkol sa kanilang kasal. Marahil ay dahil hindi siya nito binigyan pansin kaya malaki ang epekto niyon sa kanilang dalawa.Kung pinapaalis siya nito, aalis naman siya. Wala naman siya dapat na ipag - alala dahil wala namang mawawala sa kanya.Pinadalhan niya ng mensahe si Athelios sa messenger. [Tignan mo ang ginawa mo. Binlack - mail mo si Crassus kaya ako ang napagbuntunan niya ng kanyang galit. Pinaalis niya ako sa bahay.Nag - iisip ka ba talaga? Kahit nga masaya siya ay sinusuklian niya ako ng kabutihan. Ni hindi ko nga siya iniisturbo kung busy siya tapos ikaw basta ka nalang pumasok sa bahay niya, at binalack - mail mo!]Ginawa niya ang hakbang na ito upang iwaksi ang ideya ni Athelios na patuloy na i-blackmail si Crassus. Ito lang ang naisip niya na paraan para tumigil ito. Gusto niyang iparating dito na hindi madaling makabangga ang isang Crassus Adam Almonte.Nang mabasa ni Athelios ang kanyang

    Last Updated : 2025-01-11
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 53 - He stood in front of her

    NITONG NAKARAAN LANG AY HINDI NAGING MAGANDA ang sitwasyon ni Raine sa opisina. Kung anuman ang puno't - dulo nito ay hindi na siya natutuwa.Kapag naging ordinaryo siyang empleyado sa kompanya ay walang nagkokomento o namamansin sa kanya. Pero kung nalilink na naman siya kay Crassus ay bumabango siya sa paningin ng mga tao. Na para bang nakalaklak sila ng sabong panlaba. Mabango at mabula ang lumalabas sa bibig ng mga ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis. Lantaran kasi ang kaplastikan nila. Naiilang na siya kung minsan dahil alam niyang minsan ng walang gusto ang mga ito sa kanya.Baka nga kapag nakita nilang nadapa siya sa gitna ng building ay pagpipiyestahan pa ng mga ito ang itsura niya.Ngunit espesyal ang kanyang sitwasyon ngayon. Mula sa pagiging unknown employee ay bigla ay naging hot topic siya ng madla. Ramdam niya na anumang oras ay mawawala na ang kinang niya at magiging delubyo na naman ang lahat. Parang nasaulo na niya ang mangyayari. Ganito rin kas

    Last Updated : 2025-01-11
  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 54- Specially for him

    Kunin mo. Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."Napatingin si Crassus sa mga mata ni Raine."Pansin ko kasi na hindi ka gumagamit ng payong kapag umuulan. Paano kung magkasakit ka?"Nilahad ulit ni Raine ang payong sa harap nito. Nang makitang hindi gumalaw ang mga kamay ni Crassus para kunin ang payong ay nagsalita ulit siya. "Mr. Almonte, iniisip mo siguro kung bakit kita binibigyan nito. Sa tuwing umuulan po kasi, naalala lang po kita. Hindi ka po kasi mahilig magkapute. Kaya binilhan kita nito." ani pa niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Raine. "Espesyal po ang payong na ito. Pinasuyo ko pa ito sa dati kong classmate na nag - aaral sa abroad. Hindi po ito cheap. Mariotalarico ang brand nito. Galing pa ito sa ibang bansa. Pinasadya ko talaga ito para sa'yo.""Specially for me?" Crassus took the umbrella.Tinitigan niya ang payong. Itim ang kulay nito at walang ibang kulay na nakahalo. Nang dumako ang kanyang mata sa handle nito ay bahagyang napatagilid ang m

    Last Updated : 2025-01-12

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 60 - He wants to trick Raine

    PARA IBAHAGI ANG MAGANDANG BALITA AY TINAWAGAN ni Amalia si Raine. Eksakto naman na papauwi na sa apartment si Raine dahil kakatapos lang niya sa trabaho. "Raine? Hija?" Bungad kaagad ni Amalia nag sagutin na ni RAine ang tawag niya. "May ginagawa ka ba?""Papauwi pa lang po ako ng apartment, Tita. Kakalabas ko lang po sa elevator." Napatingin siya sa suot na relo. Nakita niyang alas singko - bente pa lang ng hapon. "Napatawag ka po, Tita. May problema po ba?"Tumikhim muna si Amalia sa kabilang linya. Habang hawak ang telepono ay napatingin siya sa kanyang asawa na nasa kabilang sofa. Nakatitig din ito sa kanya. Tumango pa ito ng isang beses at sumenyas pa ng okay sign.Simula nang pumanaw ang kanilang anak ay mas lalong napalapit ang kanilang loob sa dalaga. Kung anuman ang plano nila tungkol kay Ulysses ay gusto rin nila na updated ito. "Hija, ano kasi. May sasabihin sana kami sa'yo."Bumagal ang paglalakad ni Raine. "Ano po iyon?"Tumingin ulit si Amalia kay Apollo. Saka pa ito

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 59 - Part of the Plan

    NAGLIWANAG ANG MUKHA NI AMALIA. Ngumiti siya at lumapit kay Crassus. Iniumang niya ang kanang kamay para kamayan ito."Ako nga pala si Amalia. Ako ang Mama ni Ulysses."Tumaas ang kilay ni Crassus. Biglang kumurba ang kanyang labi. Sumilay roon ang isang tipid na ngiti. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Crassus Adam Almonte po." Hindi naglaon ay siya ang naunang nagbawi ng kamay. "Matagal ko na po kayong gusto makausap. Gusto ko po sanang mag - sponsor ng kompyuter para sa mga batang tinuturuan ni Ulysses dati. Kaso lang ay hindi natuloy.""Talaga, Hijo? Kung ganoon ay pasok ka muna."Lumapit si Amalia kay Crassus at hiniwakan niya ang kanang braso nito. Iginaya niya ito papunta sa loob ng kanilang bahay.Hindi mawala - wala ang ngiti ni Tita Amalia. Kahit nang pinaupo niya sa sala si Crassus ay malaki pa rin ang ngiti niya.Simula noong pumanaw ang kanyang anak na si Ulysses ay ninais niya na mapalapit sa mga kaibigan nito. Gusto niyang malaman kung ano ang ugali ng kanyang a

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 58 Being plastic and creepy

    KINABUKASAN, HALOS TUMAYO ANG BALAHIBO SI RAINE dahil sa ibang pakikitungo ng mga empleyado sa kanya. Kasalukuyan niyang tinatahak ang hallway kaya hindi maiwasan na may makasalubong siya.Iyon nga lang ay parang lumikot ang paa niya nang makita ang asal nila. Gusto niyang tumakbo pero nahihiya naman siya. Nakakailang kasi ang kilos nila. Kung malakas lang talaga ang kanyang loob ay napagsabihan na niya ang mga ito. Minsan kasi ay kinikilabutan siya kapag alam niyang nagpapakitang - tao lang ang isang empleyado. Lalo na kung napaplastikan siya.May iba pa na kapag lilingon siya ay kusa silang ngingiti. Sobrang pilit pa at labas talaga ang lahat ng ngipin na para bang mapupunit na iyong labi. Parang mga de - remote ang mga emosiyon nila. Ang bilis na magsipalit ng mga nararamdaman. Parang noong isang araw lang ay inulan siya nito ng kutya at pang-iinsulto. Ngayon naman ay yumuyuko pa ang ilan sa mga ito. Kulang nalang ay halikan nito ang dinadaanan niya. Nang makapasok siya sa office

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 57 - Gave her a thumbs up

    DALA NG EMOSIYON AY UMAKYAT SI CRASSUS sa pangalawang palapag ng bahay. Pumunta siya sa kanyang kwarto at doon ay nagpasiyang magkulong. Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang tahimik na kwarto. Gamit ang kanang kamay ay pinihit niya ang siradura nang hindi inaalis ang paningin sa kabuuan ng silid. Pagkalagapak ng pinto ay umugong ang tinig nito. Nanatili siyang nakatayo.Nang mahagip ng kanyang paningin ang kanilang higaan ay napameywang si Crassus. Ewan niya pero mayroon siya naramdamang kakaiba roon. Lalo na nang maalala niya na minsan na silang magtabi kung matulog ni Raine. Napadpad ang kanyang paningin sa conjoint room. Nilapitan niya ito at binuksan ang pinto. Nabungaran niya ang kanyang office room. Lumapit siya sa swivel chair at nang nasa harap na niya ito ay tumalikod siya. Dahan - dahan siyang umupo sabay kawala ng isang buntonghininga. Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Nang mahimasmasan ay sumandal siya sa swivel chair.Hindi malaman ni Cra

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 56- Not chatting to him

    HINDI NAKAPAGPIGIL SI LOLO FAUSTINO kaya hinubad niya ang suot na reading glass. Nilapag niya ito sa mesa na katabi mismo ng kanyang inupuan na sofa. Tumayo siya at lumabas ng kanyang kwarto.Tinungo niya ang kanyang apo. Bitbit ang cellphone ay naglakad siya papunta'ng sala kung saan nakatambay ang kanyang apo. Inabot siya ng ilang minuto para makababa lang doon dahil sa kanyang kabagalan dulot na rin ng kanyang katandaan.Nang makalapit na siya rito ay kaagad siyang nagtanong. "Kailan ba babalik si Raine? Sampung araw na siyang hindi umuuwi rito, Crassus. Mind telling me?""What did she tell you?" Crassus was flipping through a financial magazine.Dahan - dahan umupo sa sofa si Lolo Faustino. "She send me photos of the South City. Sinabi niyang mahirap ang kanyang hinawak na account kaya hindi niya alam kung kailan siya makakauwi. Hindi mo ba mapaki - usapan ang kanyang leader? Alam kong bawal siyang isturbuhin sa kanyang trabaho pero intindihin mo naman sana ako. Kapag hindi ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 55 - Warming Heart

    "Where is your brain, Ms. Potterton? Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?" Naka - ekis ang dalawang braso ni Direktor Zaragosa habang binato ng masamang tingin si Diana. Siya naman ay nangitngit ang loob dahil sa panenermon ng kanyang Direktor.Gaya ng sinabi nito ay pumunta siya sa opisina. Alam na niya na tatalakan siya nito kaya hinanda na niya ang sarili. Hindi naman niya inaasahan na pagkaupo palang ay makakatikim na siya. Akala niya kasi ay may opening speech pa ito, iyon pala ay iba ang opening nito. Walang paliguy - ligoy na inisang bagsak nito ang panenermon sa kanya."Alam kong ipinagtanggol mo lang ang kaibigan mo pero hindi sana ganito ang ginawa mo. I know you are smart but I did not expect that you will do this dense moves. Posting on the forum? For what? Para makaani ka ng simpatya sa mga empleyado? Napabuntonghininga si Direktor Zaragosa."Totoo naman ang sinabi ko, Ma'am. Talagang hindi lang ako nakapagtimpi kanina dahil naaawa ako kay Raine.""Pero hindi ito an

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 54- Specially for him

    Kunin mo. Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."Napatingin si Crassus sa mga mata ni Raine."Pansin ko kasi na hindi ka gumagamit ng payong kapag umuulan. Paano kung magkasakit ka?"Nilahad ulit ni Raine ang payong sa harap nito. Nang makitang hindi gumalaw ang mga kamay ni Crassus para kunin ang payong ay nagsalita ulit siya. "Mr. Almonte, iniisip mo siguro kung bakit kita binibigyan nito. Sa tuwing umuulan po kasi, naalala lang po kita. Hindi ka po kasi mahilig magkapute. Kaya binilhan kita nito." ani pa niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Raine. "Espesyal po ang payong na ito. Pinasuyo ko pa ito sa dati kong classmate na nag - aaral sa abroad. Hindi po ito cheap. Mariotalarico ang brand nito. Galing pa ito sa ibang bansa. Pinasadya ko talaga ito para sa'yo.""Specially for me?" Crassus took the umbrella.Tinitigan niya ang payong. Itim ang kulay nito at walang ibang kulay na nakahalo. Nang dumako ang kanyang mata sa handle nito ay bahagyang napatagilid ang m

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 53 - He stood in front of her

    NITONG NAKARAAN LANG AY HINDI NAGING MAGANDA ang sitwasyon ni Raine sa opisina. Kung anuman ang puno't - dulo nito ay hindi na siya natutuwa.Kapag naging ordinaryo siyang empleyado sa kompanya ay walang nagkokomento o namamansin sa kanya. Pero kung nalilink na naman siya kay Crassus ay bumabango siya sa paningin ng mga tao. Na para bang nakalaklak sila ng sabong panlaba. Mabango at mabula ang lumalabas sa bibig ng mga ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis. Lantaran kasi ang kaplastikan nila. Naiilang na siya kung minsan dahil alam niyang minsan ng walang gusto ang mga ito sa kanya.Baka nga kapag nakita nilang nadapa siya sa gitna ng building ay pagpipiyestahan pa ng mga ito ang itsura niya.Ngunit espesyal ang kanyang sitwasyon ngayon. Mula sa pagiging unknown employee ay bigla ay naging hot topic siya ng madla. Ramdam niya na anumang oras ay mawawala na ang kinang niya at magiging delubyo na naman ang lahat. Parang nasaulo na niya ang mangyayari. Ganito rin kas

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 52 - Athelios Theory

    KAHIT NA PINAPANTANSIYA NI RAINE si Crassus ay hindi naman siya nag - iilusyon tungkol sa kanilang kasal. Marahil ay dahil hindi siya nito binigyan pansin kaya malaki ang epekto niyon sa kanilang dalawa.Kung pinapaalis siya nito, aalis naman siya. Wala naman siya dapat na ipag - alala dahil wala namang mawawala sa kanya.Pinadalhan niya ng mensahe si Athelios sa messenger. [Tignan mo ang ginawa mo. Binlack - mail mo si Crassus kaya ako ang napagbuntunan niya ng kanyang galit. Pinaalis niya ako sa bahay.Nag - iisip ka ba talaga? Kahit nga masaya siya ay sinusuklian niya ako ng kabutihan. Ni hindi ko nga siya iniisturbo kung busy siya tapos ikaw basta ka nalang pumasok sa bahay niya, at binalack - mail mo!]Ginawa niya ang hakbang na ito upang iwaksi ang ideya ni Athelios na patuloy na i-blackmail si Crassus. Ito lang ang naisip niya na paraan para tumigil ito. Gusto niyang iparating dito na hindi madaling makabangga ang isang Crassus Adam Almonte.Nang mabasa ni Athelios ang kanyang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status