Pabalik na si Raine sa kompanya pero hindi pa rin maampat ang kany ag kasiyahan. Habang tinatahak ni Raine ang hallway ay kumakanta siya ng mahina. Napatingin pa sa kanya ang mga nakasalubong na empleyado. Pagdating niya sa mesa ay ngumiti muna siya ng matamis at saka sinimulan sa pagsusuri ang mga nakasalansan na folder. Nasa kalagitnaan na siya sa pagsusuri nang tumunog ang selpon niya. Hinugot niya ito mula sa bulsa habang nagbabasa pa rin sa folder.Nang makuha na niya ito ay binasa niya ang notification. Napaayos siya ng upo. May email na ang HR Department. Dala ng pagkasabik, mabilis niya nitong binasa. ...[Greetings! We appreciate your hard work for qualifying for our new applicants. Thank you for submitting your resume to us. Upon checking the information, we discover that there is still an inadequacy between your resume and our requirements for auditors. We hope you will continue to work hard.]Naglaho ng parang bola ang ngiti ni Raine. Tulalang inilapag niya sa mesa ang
Mahina ba ako?"Parang may bumara sa lalamunan ni Crassus at hindi siya makapagsalita. Nagtanong lang naman ito pero ang hirap nitong sagutin. "Mahina?" tanong pa ni Crassus. "Ano bang tinutukoy mo?"Pait na ngumiti si Raine. "Ewan ko rin." Yumuko ito. "Naguguluhan na rin ako."Saka lumawak ang ngiti nito pero hindi umabot sa mga mata ang kasiyahan nito."Siguro nga, ambisyosa lang ako." Pagak na tumawa si Raine."Raine."Muli itong ngumiti. "Huwag mo akong intindihin. Okay lang ako." Saka nito inayos ang bag. "Medyo naapektuhan lang ako sa resulta kanina. Umaasa kasi ako. Paano ba naman kasi, alam ko naman na may kakayahan ako pero siguro hindi pa sapat ang galing ko. Magaling ako pero hindi sapat ang galing ko."Crassus couldn't help but curled up the corners of his lips, "Why do you say that?"Napatingin si Raine sa labas. "Kanina ay nakatanggap ako ng reply galing sa HR Department. Sinabi nila na hindi pa raw sapat ang kakayahan ko para sa hinahanap nila na qualifications." Kinal
Pagpasok nina Raine at Crassus ay nagse - set up nasa mesa si Manang Lena. Nasa sala na rin si Lolo FaustinoNang makita ni Lolo Austin si Raine ay napangiti ito. Naibaba nito ang hawak na diyaryo."Tina, Hija. Nandiyan ka na pala. Nasaan ang asawa mo? Tamang - tama, inihanda na ni Lena ang hapunan. Sabay na tayo kumain," paanyaya pa ni Lolo Faustino.Tipid na ngumiti si Raine. "Pasensiya na po, Lolo pero wala po ako ganang kumain. Kayo na lang po," ani niya. Nilingon niya muna si Crassus saka nagsalita, "papanhik na po ako sa itaas." Sabay alis at nagpunta sa hagdan.Naiwang nagtataka si Lolo Faustino. Tinanaw niya si Raine, at nang tuluyan na itong makaakyat papunta sa ikalawang palapag ay binalingan niya si Crassus. Kumunot ang kanyang noo. Pansin na niya ang kakaibang awra ng dalawa ."Crassus, what's going on?"Hindi kaagad ito nakasagot. Ni hindi rin ito makatingin sa kanya."Señor, nakahanda na po ang pagkain," anunsiyo ni Manang Lena.Lumapit sa kanya si Crassus. "Tara na po,
"Nako, hindi ako ang naghanda niyan. Si Señorito Crassus. Siya po ang nagluto niyan." Natameme si Raine. Napatingin siya sa pagkaing niluto ni Crassus. "Po?" Ngumiti si Manang Lena. "Pinahatid niya lang sa akin 'yan. Siya talaga ang nagluto niyan." Saka ito tumalikod. Bago ito lumabas ng kwarto ay muli itong lumingon kay Raine. "Masaya ako dahil nagustuhan mo ang luto niya. Sa totoo lang ay ngayon lang ulit namin siya nakitang nagluto." Saka pa ito tuluyang lumabas. Tulalang napatitig si Raine. Nang maanalisa niyang wala na ito ay saka siya tumingin ulit sa pagkain. Naguluhan si Raine. Napatingin siya sa itlog na hinalo sa mismong sabaw ng noodles. Napansin niya na wala na itong egg yolk. Parang hinaplos ang puso niya dahil sa pagiging attentive ni Crassus. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang Papa niya. Noong kabataan ni Raine ay madalas siya nilulutuan ng spicy noodles ng kanyang Papa. Lalo na kung galing siya sa school at pagod ang katawang diwa niya. Ito na mismo ang ma
Bumalatay ang hiya sa mukha ni Raine. Nang tumambad sa kanya ang dibdib ni Crassus ay umakyat ang dugo niya sa mukha. Ganoonpaman, pinilit pa rin niyang kumalma kahit na sing pula na ng kamatis ang kanyang mukha. "S-sige," sagot ni Raine at pinagpatuloy ang pagdebutones sa long sleeve ni Crassus. Unti - unting pinigilan ni Raine ang kanyang hininga. Sinikap niya na hindi sasagi ang daliri niya sa katawan nito. Pero kahit anong ingat niya ay nangangatal ang kanyang kamay kaya dumadapo pa rin ang daliri niya sa dibdib nito. Sa tuwing magdikit ang balat nila ay iba ang epekto kay Raine. Parang sinisilaban ang katawan niya. Nanginginig pa ang kamay niya dahil sa kaba. Nang mapatingin siya kay Crassus ay natigilan siya. Nakatitig din ito sa kanya. Mas mabilis pa sa alas kuwatro na itinuon niya sa suot nito ang kanyang mata. Dalawa nalang ang hindi pa natanggal kaya minadali niya. Para mawakasan ang torture niya. Nang matanggal na ang huling butunes ay tumambad sa kanya ang katawan n
Nakabihis na si Crassus. Nakaupo na rin ito sa kama habang nagbabasa ng libro pero si Raine ay parang hindi man lang maka move - on sa mga sinabi ni Crassus kanina. Sana pala ay binalik na lang niya sa closet ang damit nito nang hindi siya tinukso. Kinuha nga nito pero nilapag lang sa sofa at sa huli ay siya pa rin ang nagbihis dito. Kunot ang noo habang napapikit si Raine. Nang sumagi sa isip niya ang sinabi nito na brief ay tumindig ang balahibo niya. Nasa imahe niya nga lang yon pero nabaliw na ang parang kinikiliti ang sistema niya.Tumayo si Raine. Lumapit siya sa study table at kinuha ang librong binasa niya kanina. Saka siya umupo sa harap ng mesa.Binuklat na niya ang libro pero bago siya nagbasa ay tinapunan niya ng tingin si Crassus. Napagawi ang mata niya sa suot nito. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang may naanalisa.Ngayon lang niya napansin na bagay pala kay Crassus ang dark blue na damit. Mas lalong tumitingkad ang balat nito. "Why don't you come here in bed to rea
Pagkatapos ng trabaho ay inaya ni Raine si Diana sa mall. Nagpaunlak naman ito. Nang sinabi ni Raine na sagot niya ang hapunan ay ngiting - ngiti ang kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi masisiyahan. Kaya nga sila naging kaibigan dahil pareho sila ng hilig sa buhay, ang lumamon. Tuwang - tuwa na naman si Raine, dahil matapos ang isang buwan ay nakapasyal na siya. Para siyang ibon na nakawala sa hawla. Malaya, at walang iniintindi kung hindi ang kasiyahan niya. Napadpad sila sa Almira Mall, isang tanyag na mall sa dahil sa laki at high end na mga products. Dito madalas dinadaus ang mga fan meeting ng mga artista at iba pang sikat na personalidad. Nagtingin - tingin sina Raine at Diana sa madadaanan nila na mga stall, pero wala sila mapipili na damit. Sa tuwing tinitignan nila ang presyo ay napapaatras sila. Mahal kasi at katumbas na niyon ang kalahating buwan na sweldo niya. Sinabi pa naman ni Crassus na bilhan siya ng damit. Sinabi nito na few, ibig sabihin ay hindi lang i
Nagmamadaling pumila si Raine para bayaran ang pinamili niya na facial mask. Ayaw niyang makita siya ni Tia. Pakiramdam niya ay panibago na naman itong pakulo. Hindi pa siya naka - move on mula sa nangyari noong nakaraan kaya hangga't maaari ay gusto niya muna na iwasan ito.Iyon nga lang, pakarating niya sa counter ay maraming nakapila. Pasado alas saiz na kasi ng gabi at kaunti na lang ang natira na cashier. Pinagmasdan niya mula sa malayo si Tia. Nakita niyang pumasok ito sa isang tindahan.Napaisip tuloy siya kung ano ang sadya nito sa mall. Malabo naman siguro na may fan meeting ito ngayon. Malapit ng magsara ang mall. Pwedeng may gusto lang itong bilhin pero ...Napakunot ang noo ni Raine habang nag - iisip. Posible kayang suki rin ito ng mall dahil alam nitong pagmamay - ari rin din ito ni Crassus? Naisip niya pa lang ay iyon ay sumama na ang mukha niya. Muli siyang tumingin sa gawi nito pero pumasok na ito sa boutique kasama ang alalay nito.Ang Almira Mall ay isa lang sa mg
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyadona angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili.Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa salitan
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya