Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-04-10 20:50:26

Hindi naging madali kay Juday ang maging Yaya ng kanyang anak lalu na sa batang si Aiken dahil kakaiba ang ugali nito na tila namana sa side ng tatay ang ugali. Madalas itong magwala at sobrang pmakulit. 

Si Angelo lang ang natatanging nakakapag pakalma dito at kabaligtaran naman sa batang babae na si Chloe sobrang sweet nito at mabilis makaintindi. Gayonpaman ay kakayanin nya ang lahat para sa mga anak.

"Andyan ba si Angelo? tinatawagan ko kasi sya hind nya sinasagot." Wika ng isang matangkad na babae na basta basta nalang sumusulpot sa garden ng araw na iyon habang nagliligpit sya ng mga kalat ng mga bata habang natutulog ang mga ito.

"Nasa office po siguro." Sagot nya rito.

"Siguro? bat di mo alam?" maarte at inis na tanong nito.

"Kong sinu ka man hindi ako asawa ng hinahanap mo! bakit  'di mo hanapin kong nasan? at wag mo saakin  itanong dahil hindi ako tanungan ng nawawalang kalabaw." Iritang sagot nya.

"Aba masyadong matalas ang dila mo ah!" Akmang sasampalin sya nito. Nang magsalita mula sa likuran si Angelo.

"Amber! dont hit her!" Galit na wika nito.

Lumingon ito at mula sa mabalasik na muka ay naging maamo ng makita nito si Angelo.

"Angelo hon, why don't you call me? kanina pa ako tumatawag sayo!" Wika nito at yumakap pa sa lalaki.

Napaismid sya sa eksena sa kanyang harapan. Mabilis nyang tinalikuran ang mga ito.

"Hey, you!" tawag ni amber sa kanya ng makita sya nitong tumalikod.

Nilingon nya ito "Bakit?" iritang tanong nya rito.

"Nauuhaw ako, can you bring me some juice here?" wika nito na lalung ikinairita nya.

Naiinis sya rito kaya hindi nya pinansin utusan ba naman sya? hindi naman sya maid sa bahay na ito noh.

"Hey bingi kaba? angelo anu ba naman tong maid mo,hindi mautusan?"Inis na wika pa nito.

"Amber she is not maid here, maraming maid dito sila nalang ang utusan mo! teka nga bat kaba nandito?" Takang tanong nito.

"Tinatanong paba yun? e syempre namimiss kita!" Kumapit pa ito sa leeg nya.

"Matagal na tayong wala, diba? ayuko pumpunta ka dito saka tigilan muna ako pwede ba?" wika ni Angelo habang tinatanggal ang mga kamay nito na nakapulupot sa kanya.

Buti nga sayo! sa isip ni Juday ng makitang pinapaalis ito ni angelo. Nang makaalis ito ay lumapit sa kanya si Angelo.

"Pasenya kana Juday,  sadyang ganun lang talaga yon!" Paumanhin nito.

"Mga ganung babae ba ang gusto ng ng mommy mo para sayo?" Tanong nya rito na tila nanguuyam.

"Gustong gusto sya ng mommy for me but kahit anung gawin ko hindi ko sya magustuhan, noong kami pa ay nakita kong sinaktan nya si Aiken dahil sa sobrang kulit ng bata. At iyon ang pinakaayaw ko ang saktan ang anak ko kaya nakipaghiwalay ako sa kanya." wika pa nito.

"Thank you sa pagiging ama at ina sa mga anak natin, alam ko kahit wala ako ay naging mabuti ka para sa kanila. Sana makatagpo ko ng babaeng mamahalin din ang mga bata at ituturing na parang tunay na anak." Wika nya na ikinatahimik ni Angelo.

Tumikhim ito "Ah panhik nako sa kwarto." wika nito naiwan syang nakatunganga.

Sa totoo lang simula ng makita nyang muli ang lalaki ay muli siyang umasa na babalikan sya nito hindi lang dahil may anak sila kundi dahil kahit kelan hind ay hindi nakakalimot ang puso.

Pero alam nyang imposible na iyong mangyari dahil hindi na katulad ng dati si Angelo. Mas matured na ito ngayon sinu ba naman ang gusto makapangasawa ng katulad nya? ulilang lubos? walang maayos na pamilya. Ayaw nyang umasa dahil sobrang sakit masaktan.

"Hi tita Juday, why are you crying?" Napalingon sya sa anak bago mabilis na pinahid ang mga luha.

"Wala Chloe, anu kasi napuwing

ako! hindi ako umiiyak." Wika nya rito na ipinagpatuloy ang pagligpit ng mga nagkalat na laruan.Nakita naman nyang dinampot din nito ang iba pang nakakalat na laruan at iniligpit saka ito ngumiti sa kanya.

"Pwede ba kitang yakapin Chloe?"Tanong nya rito.

"Yes po tita, siguro po ay namimiss nyo na ang anak nyo?" tanong nito.

"Oo."Maikling tugon nya at mahigpit itong niyakap.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay kahit paano ay nakapag adjust na sya. Kasalukuyan syang nasa laundry at naglalaba ng ilan nyang maruruming damit ng dumating si Angelo.

"Kumusta ang mga bata?" Tanong nito sa kanya. Gabi na iyon at kadarating lang nito mula sa trabaho tumayo sya at pinunas ang mga kamay sout na damit bago sumagot.

"Natutulog na sila hindi kana nahintay napagod sa paglalaro." wika nya.

"Wag mong hayaan matuyuan ng pawis ang mga bata dahil medyu mahina ang baga nila, noong pinanganak kasi sila ay may pneumonia sila hindi ko sila hinahayaang na magpagod." Wika nito.

"Oo!" wika nya nalulungkot sya sa isiping tinanggalan sya ng karapatan sa mga anak at kahit sa sitwasyon ng mga ito noon na sya ang dapat na unang makakaalam ay itinago sa kanya.

Magsasalita pa sana si Angelo ng biglang tumunog ang cellphone nya nakita nyang si Miguel iyon. Anu nanaman kaya ang kailangan nito.

"Oh bakit hindi mo sagutin?" Untag ni Angelo sa kanya.

"Ah si-si Miguel,hayaan muna mambubwisit lang to!" Wika nya.

"Matagal na kayo?" tanong nito sa kanya.

"Sya ang naging kanlungan ko ng mga panahong itinapon ako na parang basura ng mommy mo!" wika nya bago muling isinilid sa bulsa ang cellphone.

"Mahal mo?" Tanong nito.

"Ewan ko, siguro," sagot nya pero ang totooy nagtitiis lamang sya rito.

" Sinasaktan ka nya?" tanong nito.

"Hindi mabait maman sya." Pagsisinungaling nya.

"Wag ka ng magkaila alam kong sinasaktan ka nya nong nagkita tayo sa mall, nakita ko ang mga pasa mo sa braso.Bakit ka nagtitiis?" tanong nito.

"wala akong ibang mapupuntahan sya lang, binangon nya ako mula sa pagtapon  sakin ng mommy mo!" wika nya na hindi maitago ang sakit.

Muling nagring ang cellphone nya. naiinis sya kaya sinagot nya ito.

"Hello, Miguel? bakit ba anu bang kailangan mo benenta mo na ako diba anu pa bang gusto mo. please lang wag na wag muna akong tatawagan!" sigaw nya kahit naryan at nakatingin si Angelo.

"wow siguro naliligo kana sa pera dyan no? ambunan mo naman ako kailangan ko ng pera be." malambing na wika nito sa kabilang linya.

"Wala akong pera!" Saka nya tuluyang  inioff ang cellphone.

"Manghihingi ng pera? kanina lang ay humingi sa akin sa opisina karagdagang bayad para sa pagkuha ko sayo!" wika nito.

"Anu? ang kapal ng muka ng lalaking yon!" Inis na wika nya.

"Hindi ko binigyan, nainis ako kaya tinanggal ko sa trabaho kanina lang. Tingin ko ay may bisyo dahil laging wala sa sarili kapag nasa trabaho!" wika nito habang naglalakad paalis sa laundry area.

"Pasensya kana, Angelo wag kang magalala at kakausapin ko!" Nakasunod na wika nya.

Sandaling huminto ito sa paglalakad na tila nagisip bago lumingon sa kanya. " Makikipagkita ka sa kanya?" tanong nito.

"Oo baka o kaya tatawagan ko!" aniya

"Ayukong nakikipagkita ka sa kanya dito ka lang sa bahay ayukong lumalabas ka ka, kong may gusto kang bilhin ay utusan mo ang isa sa mga maid dito o kaya naman ay tawagan mo ako." wika nito at kumuha ng limang libo sa wallet at inabot sa kanya. Napakurap sya sa sinabi nito at napatitig sa perang inaaabot sa kanya.

"Wala naman akong gustong bilhin, wag na!" tanggi nya rito.

"Kailangan mo yan, wag kang magalala barya lang yan galanti ako sa mga nagalalaga sa anak ko at hindi yan sahod. Baka lang may gusto kang bilhin para sa sarili mo!" pilit nito.

"Angelo, hindi ako nagpapabayad sapat na sa akin ang malalagaan ang mga anak ko." tila nakaramdam siya ng habag sa sarili ganito na lang ba talaga ang papel nya sa mga anak nya kahit papaano ay gusto nya na makilala sya nga mga ito bilang Ina.

"kapag tumagal ka dito ay mangangailangan ka pera. Hindi naman pwedeng nagalalaga ka ng walang pera diba?" wika nito.

Hindi sya umimik. Kinuha nito ang kamay niya at niligay ang malutong na limamg libo. Saka ito tumalikod.

"When will you leave our house? nanny donna is the only one i want to be a nanny. I do not like you!" Boses na kanyang ikinalingon niya habang inaasikaso ang pagkain ng dalawang bata ng umagang iyon.

"Sorry, Aiken matatagalan pa si yaya Donna mo,sa ngayon ako muna ang magalalaga sa inyo!" wika nya na tila naiiyak masakit pala magmula ang ganitong salita sa sarili mong anak.

"Noo! I don't like you, umalis kana dito!" Sigaw nito at ipinagtatapon sa kanya ang mga laruan na hawak nito. Tumama ang isa sa noo nya at dumugo iyon.

"Aiken,stop! daddy will be angry! look, tita Juday's forehead is bleeding,lagot ka kay dad!"wika no chloe.

"Umalis kana dito! umalis kana dito!" Sigaw ni aiken habang tumatakbo paakyat sa silid ng mga ito.

"Tita Juday, pasensya kana ganun po talaga si Aiken kaya nga nasakan sya ni tita amber noon dahil hinampas nya ng mga laruan mabuti po hindi nyo pinatulan si Aiken. Pero mabait yon at malambing mas mabait nga lang po ako kesa sa kanya." wika nito na nakangiti.

"Okay lang Chloe, walang kaso saakin yon may mga anak din kasi ako kaya naiintindihan ko." wika nya na nagbabadya nanaman sa luha sa kanyang mga mata. Hindi dahil sa sugat sa kanyang noo kundi dahil sa sakit na nararamdaman sa turing sa kanya ng anak.

"Eh nasaan po ang mga anak nyo?" tanong ni Chloe.

"Ah,e na-nasa malayo kasi sila." Aniya

"Kambal din po ba sila?" Tanong nito.

"Oo kambal din sila at katulad nyo din bibo."wika nya.

"Kasama po ba nila ang daddy nila?" muling tanong nito.

Diosko mauubusan yata sya ngisasagot sa napaka bibong batang ito.

"Umakyat kana sa taas maglaro nalang kayo ni Aiken at ihahanda ko ang almusal nyo saka wag mo intindihin itong noo ko gasgas lang ito saka hindi naman masakit." Nakangiting wika nya sa anak. Mabilis naman itong tumalima.

Tumingin muna sya sa salamin nakita nyang may bukol sya sa noo. Ayos lang bata e kailangan intindihin. Nakangiti nyang wika bago muling pumunta sa kusina.

"Ate Mona okay na po ba ang pagkain ng mga bata?"  tanong nya sa cook.

"Oo ,okay na ito." wika naman nito.

Mabilis naman nyang kinuha ang mga gamit sa pagkain ng mga bata na inihanda nya kanina. Ganito ka selan si angelo ayaw nito na sinasama ang mga gamit ng mga bata sa kanila at maging dito sadyang nakabukod ito. Katwiran nya ay uso ang mga virus ngayon kailangan magingat lalu na para sa mga bata.

Pagkatapos pakainin ang mga bata nakatanggap sya ng mensahe mula kay Miguel.  Ayon dito ay kapag hindi sya magbibigay ng pera dito ay sapilitan syang babawiin nito kaya minabuti nyang tawagan ito.

"Miguel pwede ba,tigilan muna ako somosobra kana!"

"Relax manghihingi lang naman ako ng pera e!"

Hindi man nya ito nakikita pero ramdam nyang nakangisi ito na parang demonyo.

"Wala kang mapapala sa akin!" inis na wika nya at agad na pinatay ang cellphone. Nang sumapit ang gabi ay dumating si Angelo galing sa opisina pagdating nito ay naligo at nagbihis lang ito at muling umalis. San kaya pupunta ito? kay amber kaya? dahil sa isiping iyon ay nakaramdam siya ng selos. Inaamin nyang mahal parin nya ang lalaking ito na tila walang pakiramdam.

Samantala, nang gabing iyon ay dumeretso sa bar si Angelo kasama ang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Marco.

"Wait bro, ang ibig mong sabihin ay nasa bahay mo ang nanay ng mga anak mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo bro, ewan ko ba parang wala lang ako sa kanya. Ng muli ko syang nakita parang bumalik ang dati kong nararamdaman para sa kanya." Pagamin nya sa kaibigan.

"Oh bakit hindi mo aminin o sabihin sa kanya ang totoo." sagot ng kaibigan nya.

"Natatakot ako,malaki ang kasalan ng pamilya ko sa kanya lalu na ang mommy. Hindi ko alam baka hanggang ngayon ay galit parin sya saakin!" wika ni Angelo habang ininom ng deretso ang laman ng kopita.

"Bro alam mo may anak kayo kailangan ng ina ng mga anak nyo!" wika ng kaibigan nya na muling nagsasalin ng alak.

"May iba na ngmamayari ng puso nya yong dati kong janitor."kita ang pait sa muka ni Angelo.

"Sure kaba na mahal nya talaga iyon? e nakita ko yon ah laging wala sa sarili mukang nag aadik pa ata!" Tumatawang wika nito.

Sunod sunod na paginom ng alak ang sinagot nya sa kaibigan bago tinitigan ang hawak na kopita habang tila nagiisip.

"Ipaglaban mo kong anung nararamdaman mo bro, ang mga anak nyo ay bunga ng pagmamahalan nyo at hindi bunga ng pagkakamali kausapin mo sya. Sabihin mo kong anung nararamdaman mo bigyan mo ng maayos na pamilya ang mga anak mo kailangan nila ng ina." Muling wika nito.

Marahas na paghinga mula kay Angelo bago muling uminom ng alak.

Related chapters

  • Wife For Sale    Chapter 4

    Ala-una ng madaling araw ng maisipan niyang umuwi kahit alam nyang medyu lasing na sya ay alam parin nya ang ginagawa. Nang makarating sa bahay ay tumingin sya sa kwarto ni Juday bago sya tuluyang umakyat hindi nya mapigilan ang sariling puntahan ito bahala na.Himbing sa pagtulog si Juday ng makita nya hindi nito nailock ang pinto kaya madali syang nakapasok. Dahan dahan syang pumasok at umupo sa kama. Gusto nyang hawakan ang muka nito damhin ang muka nito na dati ay malaya nyang nadadama at sinasamba. Nagtalo ang kanyang isip sa gustong manyari ng kaniyang puso.Tumayo si Angelo upang lisanin ang silid nito nilock nya iyon bago umalis.Kinabukasan ng magising si Juday, paglabas ay naabutan nyang nasa sala si Angelo na umiinom ng kape nakita pa nyang may kausap ito sa cellphone na agad naman nitong ibinaba ng makita sya. Saka ito biglang tumayo kinuha ang attache case bago nagmamadaling lumabas.Pumanhik sya upang silipin ang kambal. Nakahiga pa ang mga bata sa magkahiwalay na kama.

    Last Updated : 2023-04-10
  • Wife For Sale    Chapter 1

    "Lasing ka nanaman wala ka na ngang trabaho puro paglalasing pa yang inaatupag mo e kong maghanap ka kaya ng trabaho, Miguel?" Nakapamewang na sermon ni Judyann sa kinakasamang si Miguel."Ako wag mong bwinibwesit ha puro ka sermon wag kang magalala magkakaroon din ako ng trabaho at di manghihingi sayo nakakainis." Inis na wika nito sa kanya bago pasuray na naglakad bitbit ang bote ng gin.Naiinis man ay walang magawa si Judy Ann, ganito nalang lagi ang nadadatnan niya kapag umuuwi siya galing sa pinapasukan trabaho sa mall . Minsan ay naiisip niyang napakamalas niya sa mga nakakarelasyon madalas sinasabi ng mga kaibigan nya na maganda siya pero walang utak sa pagpili ng lalaking mamahalin.Nong una ay inanakan lang siya pero sa malas ay hindi siya pinaglaban at ang masaklap pa ay pagkatapos niyang manganak ay hindi binigay o kahit ipakita manlang sa kanya ng pamilya nito ang kanyang anak. Halos limang taon na pala ang lumipas.At sa isiping iyon ay tumulo ang kanyang luha kumusta na

    Last Updated : 2023-04-10
  • Wife For Sale    Chapter 2

    Lumipas ang mga araw ay palaging ganun at mas lalu pang lumala ang mga bisyo nito. Hanggang isang gabi ay umuwi ito mula sa trabaho."Magbihis ka, ligpitin mo lahat ng gamit mo!" Wika nito."Ha? bakit?" Takang tanong nya rito."Basta! wag ka nang maraming tanong sundin mo ang mga pinagagawa ko!" Utos nito."Bakit lilipat naba tayo ng bahay? Nagtataka parin na tanong nya."Oo kaya bilisan mo!" Inis la na wika nito habang nasa pintuan at nakatingin sa labas habang naninigarilyo."Bakit naman biglaan saka bakit ako lang?" "Bukas nalang ako mauuna ka ron!" Paliwanag pa nito.Hindi sya umimik hndi nya alam kong anung binbalak ni Miguel. "Bilisan mo dyan!" muling sigaw nito."Oo eto na nga oh nag mamadali na, san ba tayo lilipat ha?" Usisa nya habang isinilid ang mga damit sa bag."Wag ka ng maraming tanong malalaman mo rin!" inis na wika nito.Wala siyang imik na sumunod kay Miguel. Nang makasakay sila sa taxi ay nakaupo nang binasag nito ang katahimikan ng magsalita ito."Kailangan

    Last Updated : 2023-04-10

Latest chapter

  • Wife For Sale    Chapter 3

    Hindi naging madali kay Juday ang maging Yaya ng kanyang anak lalu na sa batang si Aiken dahil kakaiba ang ugali nito na tila namana sa side ng tatay ang ugali. Madalas itong magwala at sobrang pmakulit. Si Angelo lang ang natatanging nakakapag pakalma dito at kabaligtaran naman sa batang babae na si Chloe sobrang sweet nito at mabilis makaintindi. Gayonpaman ay kakayanin nya ang lahat para sa mga anak."Andyan ba si Angelo? tinatawagan ko kasi sya hind nya sinasagot." Wika ng isang matangkad na babae na basta basta nalang sumusulpot sa garden ng araw na iyon habang nagliligpit sya ng mga kalat ng mga bata habang natutulog ang mga ito."Nasa office po siguro." Sagot nya rito."Siguro? bat di mo alam?" maarte at inis na tanong nito."Kong sinu ka man hindi ako asawa ng hinahanap mo! bakit 'di mo hanapin kong nasan? at wag mo saakin itanong dahil hindi ako tanungan ng nawawalang kalabaw." Iritang sagot nya."Aba masyadong matalas ang dila mo ah!" Akmang sasampalin sya nito. Nang mag

  • Wife For Sale    Chapter 2

    Lumipas ang mga araw ay palaging ganun at mas lalu pang lumala ang mga bisyo nito. Hanggang isang gabi ay umuwi ito mula sa trabaho."Magbihis ka, ligpitin mo lahat ng gamit mo!" Wika nito."Ha? bakit?" Takang tanong nya rito."Basta! wag ka nang maraming tanong sundin mo ang mga pinagagawa ko!" Utos nito."Bakit lilipat naba tayo ng bahay? Nagtataka parin na tanong nya."Oo kaya bilisan mo!" Inis la na wika nito habang nasa pintuan at nakatingin sa labas habang naninigarilyo."Bakit naman biglaan saka bakit ako lang?" "Bukas nalang ako mauuna ka ron!" Paliwanag pa nito.Hindi sya umimik hndi nya alam kong anung binbalak ni Miguel. "Bilisan mo dyan!" muling sigaw nito."Oo eto na nga oh nag mamadali na, san ba tayo lilipat ha?" Usisa nya habang isinilid ang mga damit sa bag."Wag ka ng maraming tanong malalaman mo rin!" inis na wika nito.Wala siyang imik na sumunod kay Miguel. Nang makasakay sila sa taxi ay nakaupo nang binasag nito ang katahimikan ng magsalita ito."Kailangan

  • Wife For Sale    Chapter 1

    "Lasing ka nanaman wala ka na ngang trabaho puro paglalasing pa yang inaatupag mo e kong maghanap ka kaya ng trabaho, Miguel?" Nakapamewang na sermon ni Judyann sa kinakasamang si Miguel."Ako wag mong bwinibwesit ha puro ka sermon wag kang magalala magkakaroon din ako ng trabaho at di manghihingi sayo nakakainis." Inis na wika nito sa kanya bago pasuray na naglakad bitbit ang bote ng gin.Naiinis man ay walang magawa si Judy Ann, ganito nalang lagi ang nadadatnan niya kapag umuuwi siya galing sa pinapasukan trabaho sa mall . Minsan ay naiisip niyang napakamalas niya sa mga nakakarelasyon madalas sinasabi ng mga kaibigan nya na maganda siya pero walang utak sa pagpili ng lalaking mamahalin.Nong una ay inanakan lang siya pero sa malas ay hindi siya pinaglaban at ang masaklap pa ay pagkatapos niyang manganak ay hindi binigay o kahit ipakita manlang sa kanya ng pamilya nito ang kanyang anak. Halos limang taon na pala ang lumipas.At sa isiping iyon ay tumulo ang kanyang luha kumusta na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status