Home / Romance / Wide Awake / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: KuyaSen
last update Last Updated: 2021-04-27 14:33:40

Race's POV

Nagising ako dahil sa mumunting patak ng ulan sa aking mukha.

I am lying under a broken roof. Tanaw na tanaw ko mula sa kinahihigaan ang mga bituin na nakapalibot sa buwan. Madilim na sa buong paligid at hindi ko alam kung nasaan ako. Mabuti na lang at may nakasinding isang maliit na kandila ro'n sa mesa 'di kalayuan sa kinalulugaran ko ngayon.

Nakaramdam ako ng kirot sa bandang kaliwang bahagi ng kilay ko. Medyo hilo pa ko't nag-aagaw ang antok at kamalayan.

Napabangon na lang ako mula sa pagkakahiga, takot na mabasa ng papalakas na ulan.

Napalibot ako nang tingin at napansin na nandito ako sa isang abandonadong bahay. Teka? Sino naman ang magdadala sa akin sa lugar na 'to?

Sa pagkakatanda ko may sumapak na lang bigla sa mukha ko kaya ako, saglit. Did I just fell asleep?

Napangiti ako bigla. Tama! Nakatulog nga ako!

Tatlong araw na kong gising at 'yong babae lang pala na 'yon ang makakatulong sa akin para makatulog! I must thank her! Kailangan ko siyang hanapin! She's my answer to my prayers!

"You're finally awake."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"You—" She cut me off.

"Yeah. Gusto mo ba ulitin ko 'yon nang makatulog ka ulit?" She said while walking towards me.

"You should! If that is the only way to fall asleep again, go and punch me once more!" I told her which made her eyes wide open.

"Are you okay? Baliw ka ba?" Sabi niya habang natatawa-tawa pa. She crossed her arms and sat at the old long sofa beside the candle on the table.

"I'm not insane. I'm sick and I am needing time to sleep or else I die. Pababa na nang pababa ang dugo ko." I told her. Halata namang nabigla siya.

"Only if I could share you my disease then I will do it." Tugon niya naman sa akin na ikinagulat ko rin.

"If you have an insomia and was having hard time to make some sleep, meron naman akong Kleine Levine Syndrome or Hypersomia. I can easily fall asleep. Sobra ang oras ng tulog ko kumpara sa isang ordinaryong tao. Minsan nga dalawa hangang tatlong araw pa kong tulog. And it sucks! Really!" Paliwanag pa niya.

"Why are you telling me this?" I asked.

"I don't know. Masama ba? At kung hindi ako nagkakamali, You're my blockmate in some subjects in Dimson University, right?" She said. Maayos naman pala siya kausap. Medyo maangas lang at talagang 'di bagay sa kanya dahil napaka-amo ng mukha niya. She's like an angel that acts like a ninja.

Tumango lang ako.

"Pahinain lang natin ang ulan bago tayo umalis dito. Pasensiya na pala sa pagsuntok ko bigla sa 'yo. You just creep the hell out of me. Nagself-defense lang ako." She explained.

"As if I am look like a bad guy." Bulong ko naman.

"Malay ko ba. I don't know what's going on your mind, mamaya pinagnanasahan mo na pala ako?"

"You're pretty but you're not my type, sorry." I told her then rolled my eyes.

"Akala mo rin. Psh!" She murmured. Napangiti na lang ako.

Nakaupo siya samantalang nakatayo naman ako sa gilid 'di kalayuan sa kanya.

"Wait." I heard her say.

Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. When she came back, she was holding something.

She walked towards me. Napaatras naman ako ng ilang hakbang. Natawa siya sa ginawa ko sabay hampas sa braso ko. Brute.

"Umayos ka nga! Hindi naman ako nangangain ng tao!" Sabi niya habang tinatanggal ang balot ng band aid.

"Stand still." She ordered and tip toed to reach my brow. Somehow, she made me smile a little.

Nang mailagay 'yon sa akin, bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa.

"Paano mo pala ako nadala rito saka nasaan ba tayo?" Tanong ko sa kanya saka naglakad papalapit sa pinto.

"Kinaladkad kita papasok. Balak pa sana kitang dalhin sa attic para ikulong kaso naawa naman ako bigla—kabayo ka!" Napatayo siya bigla at mabilis na napatakbo pabalik sa akin.

Natawa naman ako kasi napahawak pa siya sa braso ko. "So I assume you are afraid of the thunders." Natatawa kong sambit. Inirapan niya lang ako't dumistansiya kaunti sa akin.

"Nagulat lang ako." Palusot niya.

"Teka nga? Nasaan ba tayo?" I asked.

"We're in our old house. Actually, Malapit lang 'to ro'n sa cliff na pinagtatambyan mo."

Tumango-tango na lang ako.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na siya bumalik pa sa kinalulugaran niya kanina. She was just standing right next to me. Tila ba pinakikiramdaman ang kalangitan. Parehas kaming nakatanaw sa labas habang dinadama ang malamig na simoy ng hanging dala ng ulan.

"What's your name again?" I asked her.

"Kaklase mo ko sa ibang subjects mo pero hindi mo alam ang pangalan ko? Bangag ka nga." She replied. Daming sinabi. "I'm Zena, Zena Alonte."

"And I'm—" She cut me off again.

"Race Clemente." She boringly said.

"How did you know?"

"For pete's sake! Everyone knows who you are! You're everyone's crush! Hindi ko nga maintindihan kung bakit napakaraming kababaihan ang nababaliw sa 'yo gayong siraulo ka naman." Sinamaan niya pa ko nang tingin. "Roaming around at the middle of the night, looked like a drugged old man. So crazy."

Hindi na ko sumagot pa. What am I supposed to say? Wala. Alam ko matatalo't matatalo niya pa rin ako. She's fearless.

"Kahit na makapal ang eye bags mo crush na crush ka pa rin nila. Mapababae o mapabakla. Nakakapagtaka hindi ba?" Sabi niya saka natawa pero agad naman siyang napatabi sa akin nang biglang kumulog nang malakas. "shitty!" She cussed.

Natawa na lang ako. Sinamaan niya lang ako nang tingin at saka lumayo nang kaunti sa akin.

"Sana tamaan ka ng kidlat diyan! You're so mean!" She yelled at me.

"There's no meaner than a girl who punched a guy's cutie face. And now she was just saying bad things to me. Hindi na ko magtataka kung bigla na lang siya tamaan ng kidlat." Pang-aasar ko.

"Do you want me to do it again?" She threatened me as she raised her fist.

"Pabor!"

We spent the rest of our time chatting. Napagtanto kong medyo may pagka-high blood din pala 'tong si Zena. She loved to shout at me. The thunders were there to reply. Natatawa na lang ako sa kanya sa tuwing napapakapit siya sa braso ko dahil sa matinding gulat.

When the rain stopped pouring, both of us decided to go out. Do'n ko lang napansin ang iba't-ibang klase ng bulaklak na nakatanim sa harapan ng lumang bahay nila. I'm just so amused. Siguro mas maganda sila kung umaaga't pasikat ang araw.

"They are my mother's." Bigla niyang komento nang mapansing abala ako sa pagtingin sa mga bulaklak ng munti nilang hardin. "And now she's gone, I am the one taking care of all of them."

Napalingon ako sa kanya. Even though it was too dark, I've seen the sadness in her eyes.

"We have the same situation, Zena. I've lost them too. A total orphan I guess." I said and smiled, "they died when I was just fourteen. We were chasing a car but suddenly an accident happened, I am the only one who survived."

Nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa akin. I really don't want to look so vulnerable to others. Nakakakainis 'yon! Ayoko nang kinakaawaan ako.

"Let's go. Lumalalim na ang gabi. We better get going. We need to rest." pag-iiba ko na lang ng usapan.

Naunang maglakad sa akin si Zena. Dumaan kami sa butas ng isang bakod at doon tumambad sa akin ang mga nagtataasang mga damo. Ewan ko at napangiwi na lang ako nang makita sila. Mahapdi kasi masiyado sa balat ang mga dahon nila. Makati na nakakasugat pa.

"I put some strings in here. Baka kasi mamaya sa bangin tayo pulitin." She said and then I saw the red strings she was holding. Ka-lebel lang nito ang bewang ko.

Nang makalabas sa mga nagtatasang damo. Agad akong napahawak sa binti kong puno ng mga maliliit na sugat. I got them from the tall grasses. Miski yata sa mukha't leeg meron ako. May nararamdaman pa kasi akong hapdi rito lalo na sa paa.

"Where do you live. Ihahatid na kita." I told her.

"I live here." Seryoso niyang saad.

"You must be kidding—"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Walang kagatol-gatol niyang sabi.

"but—"

"Now go and leave. Alis! Shoo!" Pagtataboy niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin saka ko binuhay ang makina ng motor ko.

Ayoko sana siyang iwan mag-isa pero siya na mismo ang nagtataboy sa akin palayo. 'Di bale, siya naman 'yong tipo ng tao na walang inuurungan. I know I can trust her. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kan'ya diyan. Besides, She was just pushing me away! Hindi naman ako tanga para ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

"Keep safe." I told her and started to drive away. I hope she's safe here.

***

Like what I've expected, I did not fall asleep. I am just looking at the ceiling, trying hard to snap even just a minute of sleep. Ending? Mukha akong sira na nakapikit lang at pagulong-gulong sa higaan.

I just prepared to go on school when clock strikes 5 in the morning. May pasok din ako mamaya sa trabaho ko. I need money to survive. For pete's sake, no one's there to give me money.

When I arrived at school, I am welcomed by those stares from the entrance 'til I got in the parking. Nang maiayos ang sasakyan ko ay may isang dalagitang bigla na lang lumapit sa akin hawak ang isang kahon na kulay pula.

"Please take my gift. I hope you'll like it." She said shyly.

"T-thanks." wika ko na lang sabay tanggap nang binibigay niya sa akin saka naman siya umalis palayo.

Sinigurado ko muna na hindi na ako nakikita no'ng babae saka ko iniabot sa isang nerd na lalaki 'yong maliit na box. "May nagpapabigay. May crush yata sa  'yo."

I saw how his brows furrowed. Napangiti na lang ako saka pinagpatuloy ang paglalakad.

Good thing, I'm not late so no more dramas to start my day. I'm tired but I just couldn't sleep. Sad life.

Nang makaupo, may bigla na lang tumabi sa gilid ko. I knew who she was so I did not bother to pay some attention. Nakakasawa na rin.

"Good morning, Race!" She greeted me. It was Gail. The one who confessed her feelings to me. She's pretty and she's every guys' dream. Ewan lang kung bakit siya naghahabol sa akin. I don't know what's on her mind to chase me the way she do?

When the professor arrived, lahat natahimik. It's two hours of our science class. Nakakatamad.

...

Time flies really fast. Namalayan ko na lang na bioligy na namin.

"Race?" Gail said from my side.

"What?" walang kabuhay-buhay kong tanong sa kanya.

"Are you free this coming sunday?" tanong niya pa.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"I'm inviting you to my house at 7pm. It's a party and I don't take no for an answer." She said then stood up. "Bye." saka siya naglakad palayo.

Dumating na rin ang ibang estudyante galing sa ibang department. Nagsasama-sama kasi 'yong mga estudyante para pag-isahin na lang ang klase. Less hassle for those fuckyards profs.

Napansin ko ang pagpasok ni Zena ng silid. She was looking for a chair to sit so to get her attention, I raised my hand. Napatingin siya sa direksiyon ko. Tutal wala pa namang nakaupo sa tabi ko, it's free for her.

"Thanks." bungad niya at saka inilapag ang bag sa bangko.

"How are you? How was your sleep?" tanong ko nang makaayos siya nang upo.

"I should be the one asking you that. How's your sleep?"

"I need your punch to fall asleep. Do it later, okay?" Nakangisi kong sambit.

"You bitch!"

Nawala ang ngisi sa mukha ko't nabaling sa taong tumatakbo papunta sa direksiyon namin ng katabi ko.

"This is for being a slut! Race is mine!" saka niya sinabunutan si Zena.

~*~

Related chapters

  • Wide Awake   Chapter 3

    Race's POV...So they end up being in the guidance office. It's not my problem if Zena defended herself to Gail. Nasuntok lang naman si Gail sa mukha ng tatlong beses dahil sa mga pinagsasabi niya patungkol kay Zena. I couldn't blame her. If I were Zena, baka hindi lang 'yon ang natamo niya galing sa akin.When the class ended, it's time for me to transfer to other room. Last subject ko 'to ngayong araw at may pasok naman ako sa part time job ko mayamaya bilang isang crew."Race! I've heard what happened! Kakaiba ka talaga!" Lorenzo said as I approached them. They are my friends way back when we were in high school.

    Last Updated : 2021-04-27
  • Wide Awake   Chapter 4

    Race's POVI don't know what brought me here. Maybe I'm loosing my mind to attend for Gail's party, way too crazy!May biglang lumapit sa akin. 'Yong tatlong gunggong; Lorenzo, Ace and Aaron."Tara na sa loob! Kanina ka pa namin hinihintay!" Aaron exclaimed."Daming chicks! Matutuwa ka!" Lorenzo smiled sheepishly.Sinamaan ko siya nang tingin, "Not like you bro.""More foods! This party made my day!" Wika naman ni Ace habang nakataas ang dalawang kamay sa tuwa. 

    Last Updated : 2021-04-28
  • Wide Awake   Chapter 5

    Race's POVNawala sa isip ko na one week nga palang suspended si Zena sa school dahil sa nangyaring away sa pagitan nila ni Gail. Hinihintay ko pa naman ang pagdating niya kanina sa geometry class namin. 'Yon lang kasi ang tanging subject na magkasama kami.When the class ended, I drove to the nearest hardware store and bought a padlock with keys.Sinundo ko si Zena at pinagmaneho patungo sa bahay nila Gail.Nasa harapan pa lang kami ng gate nila, nakita ko na agad si Gail.Agad siyang napangiti at agad din naman itong nawala nang makita na kasama ko si Zena.

    Last Updated : 2021-05-02
  • Wide Awake   Chapter 6

    Race's POVNakabalik na si Gail at Zena sa school. I don't know but I could feel the tension between the two of them. I thought they are finally fine with each other but I was wrong, parang mas tumindi pa ang galit ni Gail kay Zena.It's our geometry class, Zena was sitting beside me while listening to our prof."Race." Bulong niya.I did not look at her, afraid to get caught by our professor."Yes?" I asked."Samahan mo ko sa bahay nila Gail. I packed my things last night. I'm ready to leav

    Last Updated : 2021-05-03
  • Wide Awake   Chapter 7

    Race'S POVThe whole garden was broken, all the plants has been smashed like there was a typoon landed here and destroyed the whole place.Hindi pa demolished ang bahay pero ang garden sa harap, lahat ng halaman sira at halatang sinadiya ang pagkasira ng mga ito.Napahakbang ako papalapit kay Zena.She was just sitting on the grass while crying her eyes out.I offered my hands as I reached her.Napatingala siya sa akin. Her eyes were full of sorrow. Her tears continued to fall freely."Let's go." I told her.Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko. Minutes later, she took my hand so I pulled her up.Hinila ko siya nang marahan at inalalayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa motorsiklo ko.I drove to the nearest seven-e

    Last Updated : 2021-05-04
  • Wide Awake   Chapter 8

    Race's POVThe moment I saw her entered the room, that's the cue for me to stand up, walked towards her and held her arm.The smile on her face faded as I dragged her away."Race, I'm hurting!" Protesta ni Gail pero hindi ko siya pinansin.Nang makarating sa harap ng theater room, I slammed the door open. There is no one inside. Just only the two of us.I let go of her arm and stared at her afterwards."Race..." She looked at me, there was a tint of fear in her eyes. I could sense it."What

    Last Updated : 2021-05-25
  • Wide Awake   Chapter 9

    Race's POVDays have passed and I just couldn't sweep off my mind what Gail told me about her proposal.Until now, I am still undecided of what should I do. I am not superman nor batman to save Zena from harm. But I just can't sleep at night thinking Zena will always stay miserable just because of Gail—and the heck I can sleep at night? I am literally sleepless!I am like a fool staring at the ceiling. Its already dawn but I'm still wide awake.I woke up and grabbed my jacket and helmet then went outside.The night breeze embraced me. Ramdam ko ang lamig kahit na nakajacket na ako. Paano pa

    Last Updated : 2021-05-26
  • Wide Awake   Chapter 10

    Race's POV"Race, thank you! My parents really likes you. Ingat ka sa pag-uwi." She then hugged me and kissed my cheeks. Pudpod na siguro ang pisngi ko kakahalik niya simula pa kaninang umaga.I jumped on my motorcycle and drove away. Finally, natapos na rin ang oras ko kasama ang mga Trinidad. I couldn't really breathe properly thinking the person I am sitting with before were the ones who treated Zena as a garbage.Nang maiparada ko ang motor ko sa gilid, napansin ko ang isang pulang kotse na nakaparada lang din hindi kalayuan sa pinagparadahan ko. Sino naman kaya ang may-ari nito? Baka sa bisita lang ng isa sa mga kapit-bahay namin.I walked towards my apartment instead. Nahinto pa ko matapos makita si Zena. She was laughing and she wasn't alone. Kasama niya na naman 'yong lalaki kanina sa school. The heck! Sino ba 'yang lalaki na 'yan

    Last Updated : 2021-05-26

Latest chapter

  • Wide Awake   Epilogue

    6 years later...Zerena's POV"Anak. Bid your Dad good bye. Tell him you're going to school." Sabi sa akin ni Mommy. Nasa kusina kami at inaayos niya 'yong lunch box ko. I nodded and went upstairs.Naglalakad pa lang ako patungo sa silid nila Mommy at Daddy unti-unti nang namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. They were verging to fall. I just fought hard not to let them fall again.I knocked on the door and smiled. Dad told me before to always knock on the door before entering a room. It was just an alarm for the elderly that someone would just want to come inside. Bad daw kasi ang pu

  • Wide Awake   Chapter 67

    Race's POVI was standing on my spot, my knees were shaking uncontrollably while facing all the guests and invited persons in our wedding.One week ago, I planned everything out. I told myself when she woke up, I'll be asking her to marry me and proceed to the latter part.The whole place was a combination of white and sky blue in colours. Instead of rose, I told Alexsha about sunflowers and how Zena love them. Yes, Alexsha was our wedding planner. The color white chairs and the sky blue catering table cloth complemented together. The white ribbon was arrangely tied to the chairs near the pathway to give those who'll walk there a little guide towards my direction. Well, Alexsha impressed me with her bright ideas. H

  • Wide Awake   Chapter 66

    Race's POVThe Ruined City played couple of their songs then went all inside the house afterwards. Napakaraming tao sa labas dahil sa kanila. Nakahatak sila ng napakaraming tao sa buong nayon.Abala kami nila Alexsha, Aaron at Jillian sa kusina. We were preparing food for the dinner.Zerena and Loud came rushing in. Kasunod nila ang apat, Lorenzo, Drift, Burn at Chandler."Anak, baka magkasakitan kayo ni Zerena." Babala ni Lorenzo sa dalawang bata na naghahabulan sa loob ng kusina."Anak, enough na." Sambit ko kay Zerena. The two of them stopped. Zerena whispered something to Loud and they both agreed to it

  • Wide Awake   Chapter 65

    4 years later...Race's POV"Thank you, sir! Please come again." Sabi sa akin no'ng babae sa counter matapos maiabot sa akin ang sukli ko. I smiled at her and turned to look at my daughter. She's missing!Holding the bouquet of tulips and dozen of sunflowers in my arms, I went out of that flower shop. My heart was racing so fast and eventually turned calm when I saw my daughter with a guy wearing a long coat and cap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita kung sino ang kasama ng anak ko. They were waiting patiently at the guy who was making the cotton candy on that pink push stall."Zerena, anak." Pagtawag ko sa 'king munting prins

  • Wide Awake   Chapter 64

    Race's POV"I know you can do it. Just keep calm. Breathe." Pagpapakalma ko kay Zena habang sinasabayan ang stretcher sa pagtakbo nito. Her hand was intertwined to mine. She was breathing deeply and I know she was filled with tension inside.I kissed her forehead. "You and our baby will be safe. Don't worry.""Sir, hanggang dito na lang po kayo." Sabi sa akin no'ng nurse saka ako hinarang at saka ipinasok si Zena sa operating room ng St. Luke's. I even smiled at her before the door shut.Naupo ako sa bleachers at saka napasapo sa mukha. Jace and Ace came, both gasping air as they arrived.

  • Wide Awake   Chapter 63

    Race's POVHindi na ko nagsayang pa ng oras. Right after graduated college, I went to Dimitria's company and gave the attache case Alexsha wanted me to use as a ticket to enter the said company. Pinalabas namin na isa akong shareholders upang makapasok sa kompanya sa mataas na posisiyon. At first, it was kinda hard to adjust but when I learned the environment inside the company, hindi na ko nahirapan pa. Maaayos din naman katrabaho ang mga tao sa loob. I am overwelmed by their welcome party and that was enough of me to fuel myself to work harder for Zena.I'm not telling her that I'm saving money to buy the lot. Titriplehin ko ang presiyo makuha lang 'yon mula sa business tycoon na bumili nito. Mahalaga ang lugar na 'yon para kay Zena at makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako. Even if it means of me to tire

  • Wide Awake   Chapter 62

    Race's POV"Clemente, Race M."Wearing my black toga and black converse shoes, I walked straight to that stage.A round of applause and cheering people heard all around the place. The thought of me graduating college was enough to make my eyes watered. I glanced at the crowd and saw Zena with the rest of the gang including their parents. Jace and Lucas was also here as well. They were clapping and screaming so loud."Congratulations, Race. I know there's a better future ahead of you." The dean said as he handed me my diploma.I smiled. "Thank you, sir." Then I faced the crowd and raised my hand with my diploma in it.They were cheering for me and that made me feel somewhat proud of myself. After the long wait, this piece of paper was finally in my ha

  • Wide Awake   Chapter 61

    Race's POVDay by day, mas lalo ko pang minamahal si Zena. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin. Hindi naman ako nabagok simula no'ng makilala ko siya. Hindi rin naman ako nagayuma pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit mahal na mahal ko ang isang Zena Alonte. I prayed to God for her to wake up. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang matulog siyang muli at hanggang ngayon tila ba wala siyang balak gumising. Kasama kong bumibisita si Jillian sa kanya araw-araw. I am hoping one day to see her eyes open again. "Mahal mo talaga siya, ano? No wonder why girls envies Zena." Komento ni Jillian sa akin. Nandito na kami sa ospital sa loob ng silid ni Zena. It was 4 pm at the afternoon. Nakaupo siya sa bangko sa gilid ng side table. Ako naman ay nakasandal lang sa pader at

  • Wide Awake   Chapter 60

    Race's POVI called Alexsha through phone and handed it to Enzoy after a while. Hinayaan ko silang mag-usap saka ako bumalik sa loob ng VIP room ng Dimitria's. Doon sa loob naabutan ko si Aaron na nagse-sexy dance habang kinakanta ang careless whisper. Tawa nang tawa ang lahat kaya naman hindi ko maiwasang mapangiwi. Matindi na ang tama ng isang 'to.Zena turned to look at me here on the door way. She smiled so did I. I even waved my hand and tried to look cute. Hope I succeed though.Tumayo siya saka lumapit sa akin. She held my hand and pulled me out of the club. Dinala niya ko sa isang bench. She was the first one to sit there and gestured me to sit on the space beside her. Ginawa ko naman 'yon.

DMCA.com Protection Status