Home / All / Wide Awake / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: KuyaSen
last update Last Updated: 2021-04-27 15:34:40

Race's POV

...

So they end up being in the guidance office. It's not my problem if Zena defended herself to Gail. Nasuntok lang naman si Gail sa mukha ng tatlong beses dahil sa mga pinagsasabi niya patungkol kay Zena. I couldn't blame her. If I were Zena, baka hindi lang 'yon ang natamo niya galing sa akin.

When the class ended, it's time for me to transfer to other room. Last subject ko 'to ngayong araw at may pasok naman ako sa part time job ko mayamaya bilang isang crew.

"Race! I've heard what happened! Kakaiba ka talaga!" Lorenzo said as I approached them. They are my friends way back when we were in high school.

"You make two girls fought over you. It was awesome!" Ace said.

"Patay na patay talaga sa 'yo si Gail, Race." Singit naman ni Aaron.

I shrugged my shoulder then sat on my chair.

"And who's this mystery girl Gail had a fight with? Muntikan na raw mabungian nito si Gail ah!" Humahagikhik na sabi ni Ace.

"Zena, Zena Alonte. I met her near the cliff last night." Seryoso kong paliwanag sa kanila. They all looked amused.

"Something fishy!" Said Aaron.

"Then? 'Yon lang? You just met her? Walang balak magkwento, gano'n?" Pangongonsensiya ni Lorenzo.

Napangiwi ako. Should I tell them?

I sighed, "Okay! Okay! It's not good! The first encounter was a disaster!"

"Oh? Bakit naman?" Nakakunot-noong tanong ni Aaron.

Napabuntong-hininga na naman ako. "Long story. Basta sinuntok niya ko sa mukha at 'yon na 'yon. Tapos ang kwento. Oh, happy?"

I heard their 'ows' and made fun of me afterwards. Hindi ko na lang sila pinansin.

***

Wala na akong balita kay Zena at Gail hanggang sa matapos ang klase ko. I bid my friends goodbyes then went to parking just to get my motorcycle.

Mabilis lang ako nagmaneho patungo sa Jimmy Restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Malapit lang din kasi 'to sa University.

"Yow!" Bati sa akin ni Seth. Isa sa mga katrabaho ko. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

I went to the staff room and changed my cloathes. Hanggang 6 pm lang ang trabaho ko rito. Okay na rin 'yon kesa wala akong ginagawa.

"Hijo!" Napalingon ako sa tumawag. It was one of our costumer. An old woman and she was just alone. She was three tables away from me. Parang hindi pa siya nakaka-order ng pagkain.

"Yes madam?" I asked her the moment I reached her place.

"Pasuyo naman ako ng isang baso ng tubig. Salamat." Pakiusap niya.

"Okay po." Sambit ko't nagtungo sa loob ng kitchen upang kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Weird.

Pabalik na sana ako sa kinaroroonan niya nang mapahinto ako. She was gone.

When I turned around to head back in the kitchen, I am so startled upon seeing her. Para siyang kabute na biglang sumulpot na lang bigla. It brought me goosebumps.

"May mga parating pero may mga aalis din. Hijo, tatagan mo ang loob mo dahil marami ka pang pagdaraanan. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang kapalarang naghihintay sa 'yo. Ingatan mo siya pero dapat mas mag-ingat ka." She said that made my eye brows creased.

"Tubig niyo po." Sabi ko sabay lapag nito sa kalapit na lamesa.

Nagpaalam na ako sa matanda saka bumalik sa pagtatrabaho. She left me a big question mark. It was like a riddle that's needed to understand. A puzzle to solve before the time runs out. Kahit abala sa trabaho, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga katagang binitawan niya. It was jumping in all side of my head. Parang mababaliw na ko kakaisip kung para saan ang mga 'yon.

Tapos na ako sa trabaho pero naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga salitang iniwan niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapaisip.

Inihinto ko ang motorsiklo ko sa harapan ng isang bilihan ng inihaw na manok. I bought a whole chicken.

Imbes na sa apartment ako magdiretso, nagtungo ako ro'n sa cliff.

I parked my motorcycle and looked for the red strings. Hindi pala madaling hanapin 'yon.

Hawak ang plastic na naglalaman ng ulam na binili ko kanina. I held the strings and began to walk 'til I got to the other side.

Nag-uumpisa nang mag-agawan ang liwanag at dilim. Sinamantala ko ang pagkakataon upang masilayan ang mga halaman sa harapan ng dati nilang bahay.

My jaw dropped when I saw the different kinds of flowers. May daisy, tulips, sunflowers at 'yong iba hindi na gaanong pamilyar pa sa akin pero sobrang ganda nila sa mga mata. They all smell so good.

Even though the house itself looked so haunted, the front yard proved that there's still beauty in the darkest places. Kitang-kita na inaalagaan pa rin ang mga halaman at patuloy na dinidiligan.

"Hey?"

Napalingon ako sa nagsalita. It was Zena and her left shoulder was leaning at the door frame. Her arms were crossed together while looking at me furiously.

"What are you doing here?" She asked. Itinaas ko naman 'yong bitbit ko saka ngumiti nang malapad.

"Bought some food." I said.

Inirapan niya lang ako saka siya nagtungo papasok sa loob ng bahay. I just followed her.

"Sana 'di ka na lang pumunta. Pinapagod mo lang ang sarili mo." She said without looking at me. Nakaupo siya ngayon sa sofa.

"Mas okay naman kumain nang may kasabay kesa solo, 'di ba?" I uttered and sat beside her. Napabuntong-hininga naman siya.

Do'n ko lang napansin ang ilang kalmot sa leeg at mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng dismaya. Ako kasi ang may kasalanan kung bakit siya inaway ni Gail kanina.

"Sorry 'bout what happened—"

"Wala kang dapat ihingi nang tawad. Ang mahalaga nakasapak ako kay Gail kanina." Seryoso niyang sambit. "One week suspension. It's okay. Pabor sa akin." Sabi niya pa.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa katahimikan na ito.

"Zena?" Pagkuha ko nang atensiyon niya. She looked at me, "Pwede ko bang malaman kung bakit dito ka nagpapalipas ng magdamag? Alam ko may mas maayos kang tinitirhan. This place is not good to stay overnight. It can bring you harm if you continue to stay here."

Umiwas siya nang tingin.  She heaved a sigh then closed her eyes.

"This is my first time to share this to someone and I hope you're trust-worthy enough to keep my secret." Sambit niya saka ako taimtim na tiningnan sa mga mata.

"Naaalala mo pa no'ng nakita mo ko ro'n sa convenience store malapit sa gasoline station?" Tanong niya kaya tumango-tango ako. "The cashier staff was my auntie." Napabuntong-hininga ulit siya. Napansin ko ang biglang pagkawala niya ng kontrol sa sarili. Her hands were trembling. Tila ba hindi siya 'yong Zena na kilala ko. All I could see in her was fear and weakness. She was like a glass. Napakadaling mabasag.

"I tried t-telling her that h-her husband was trying to—" at tuluyan nang nag-unahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. I don't know what to do. It was like I am paralyzed for a minute.

"R-rape me. Ilang beses lang akong nakawala mula sa kanya and I don't want to be caught by him ever again. I don't want to be—"

"Ssshhh. Tama na. Please. Don't cry." I told her as I hugged her tight. This is the only way that I know how to make her calm. I just want her to feel that everything is going to be okay. That somehow, someone's there for her. That she's not alone.

Namayani na naman ang nakakabinging katahimikan. Tanging hikbi lang ni Zena ang naririnig ng magkabila kong tenga.

Nang makabawi ay kumalas si Zena sa pagkakayakap ko. Sinamaan niya ko nang tingin sabay punas ng mga luha niya sa magkabila niyang pisngi.

"T'yansing ka." She said that made me laugh.

"Asa ka naman!"

***

Nang magdilim ang buong paligid, napagpasiyahan namin ni Zena na kumain na. Kumpleto pala sa kagamitan ang lumang bahay nila. Kuryente lang talaga ang kulang at suplay ng tubig pero meron naman kaming tubig na maiinom dahil may napagkukuhanan si Zena malapit dito sa lugar.

"Hmm? How long you've been here?" Tanong ko sa kanya nang matapos namin maligpit ang pinagkainan.

"Simula nang mawala ang mga parents ko dito na ko sa lugar na 'to tumutuloy. Unfortunately, the lot has been bought by a business tycoon and is about to demolish for the next few months." Malungkot niyang sagot sa akin.

"Pero teka? Binili 'to ng isang business tycoon? So you were the one who let them have this place since your parents had passed away, am I right?" I asked curiously.

She shook her head, "My auntie, it was her fault."

Napakuyom ako ng aking mga kamao dahil sa sobrang pagkainis. Why don't she fight for her rights?

Napansin ko ang paghikab ni Zena. Moments later, I saw her sleeping. Unbelievable. Just that fast? Parang pumikit lang ako tapos pagkadilat tulog na agad siya. Unbelievable!

I looked for a blanket. I saw one on the second floor. Medyo natagalan pero nakakuha pa rin ako. I took it and went downstairs. I tucked Zena with the blanket and stared at her face afterwards. Napakaganda niya talaga.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ko ang sitwasiyon na kinakaharap niya ngayon. Hindi madali ang pinagdaraanan niya. She tried to tell what happened to her auntie but her aunt chose to get mad at her. She did not believe her. Napakahirap no'n. Siya pa tuloy ang naging kontrabida sa sarili niyang kwento.

Umusod ako papalapit sa kanya sa sofa. I rested by back against it and closed my eyes, hoping to fall asleep.

Minutes later, I felt something wrapped around my belly.

It was Zena and she was hugging me.

Related chapters

  • Wide Awake   Chapter 4

    Race's POVI don't know what brought me here. Maybe I'm loosing my mind to attend for Gail's party, way too crazy!May biglang lumapit sa akin. 'Yong tatlong gunggong; Lorenzo, Ace and Aaron."Tara na sa loob! Kanina ka pa namin hinihintay!" Aaron exclaimed."Daming chicks! Matutuwa ka!" Lorenzo smiled sheepishly.Sinamaan ko siya nang tingin, "Not like you bro.""More foods! This party made my day!" Wika naman ni Ace habang nakataas ang dalawang kamay sa tuwa. 

    Last Updated : 2021-04-28
  • Wide Awake   Chapter 5

    Race's POVNawala sa isip ko na one week nga palang suspended si Zena sa school dahil sa nangyaring away sa pagitan nila ni Gail. Hinihintay ko pa naman ang pagdating niya kanina sa geometry class namin. 'Yon lang kasi ang tanging subject na magkasama kami.When the class ended, I drove to the nearest hardware store and bought a padlock with keys.Sinundo ko si Zena at pinagmaneho patungo sa bahay nila Gail.Nasa harapan pa lang kami ng gate nila, nakita ko na agad si Gail.Agad siyang napangiti at agad din naman itong nawala nang makita na kasama ko si Zena.

    Last Updated : 2021-05-02
  • Wide Awake   Chapter 6

    Race's POVNakabalik na si Gail at Zena sa school. I don't know but I could feel the tension between the two of them. I thought they are finally fine with each other but I was wrong, parang mas tumindi pa ang galit ni Gail kay Zena.It's our geometry class, Zena was sitting beside me while listening to our prof."Race." Bulong niya.I did not look at her, afraid to get caught by our professor."Yes?" I asked."Samahan mo ko sa bahay nila Gail. I packed my things last night. I'm ready to leav

    Last Updated : 2021-05-03
  • Wide Awake   Chapter 7

    Race'S POVThe whole garden was broken, all the plants has been smashed like there was a typoon landed here and destroyed the whole place.Hindi pa demolished ang bahay pero ang garden sa harap, lahat ng halaman sira at halatang sinadiya ang pagkasira ng mga ito.Napahakbang ako papalapit kay Zena.She was just sitting on the grass while crying her eyes out.I offered my hands as I reached her.Napatingala siya sa akin. Her eyes were full of sorrow. Her tears continued to fall freely."Let's go." I told her.Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko. Minutes later, she took my hand so I pulled her up.Hinila ko siya nang marahan at inalalayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa motorsiklo ko.I drove to the nearest seven-e

    Last Updated : 2021-05-04
  • Wide Awake   Chapter 8

    Race's POVThe moment I saw her entered the room, that's the cue for me to stand up, walked towards her and held her arm.The smile on her face faded as I dragged her away."Race, I'm hurting!" Protesta ni Gail pero hindi ko siya pinansin.Nang makarating sa harap ng theater room, I slammed the door open. There is no one inside. Just only the two of us.I let go of her arm and stared at her afterwards."Race..." She looked at me, there was a tint of fear in her eyes. I could sense it."What

    Last Updated : 2021-05-25
  • Wide Awake   Chapter 9

    Race's POVDays have passed and I just couldn't sweep off my mind what Gail told me about her proposal.Until now, I am still undecided of what should I do. I am not superman nor batman to save Zena from harm. But I just can't sleep at night thinking Zena will always stay miserable just because of Gail—and the heck I can sleep at night? I am literally sleepless!I am like a fool staring at the ceiling. Its already dawn but I'm still wide awake.I woke up and grabbed my jacket and helmet then went outside.The night breeze embraced me. Ramdam ko ang lamig kahit na nakajacket na ako. Paano pa

    Last Updated : 2021-05-26
  • Wide Awake   Chapter 10

    Race's POV"Race, thank you! My parents really likes you. Ingat ka sa pag-uwi." She then hugged me and kissed my cheeks. Pudpod na siguro ang pisngi ko kakahalik niya simula pa kaninang umaga.I jumped on my motorcycle and drove away. Finally, natapos na rin ang oras ko kasama ang mga Trinidad. I couldn't really breathe properly thinking the person I am sitting with before were the ones who treated Zena as a garbage.Nang maiparada ko ang motor ko sa gilid, napansin ko ang isang pulang kotse na nakaparada lang din hindi kalayuan sa pinagparadahan ko. Sino naman kaya ang may-ari nito? Baka sa bisita lang ng isa sa mga kapit-bahay namin.I walked towards my apartment instead. Nahinto pa ko matapos makita si Zena. She was laughing and she wasn't alone. Kasama niya na naman 'yong lalaki kanina sa school. The heck! Sino ba 'yang lalaki na 'yan

    Last Updated : 2021-05-26
  • Wide Awake   Chapter 11

    Race's POVI'm struggling inside a labyrinth. The walls is somewhat like made of grass. Kanina pa ko paikot-ikot pero tila ba wala akong malalabasan sa lugar na 'to. I'm stucked.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na napakadilim sa buong paligid. Hindi ko rin matandaan kung paano ako nakapunta sa lugar na 'to. Wala akong kasama, tanging sarili ko lang.I squinted my eyes when I saw a source of light. I didn't know where it was coming but I guess it's a way out of here. Kailangan kong malapitan 'yon!My walk turned to pace and then goes to a wild run.Malapit na ko ro'n sa lagusan nang bigla n

    Last Updated : 2021-05-27

Latest chapter

  • Wide Awake   Epilogue

    6 years later...Zerena's POV"Anak. Bid your Dad good bye. Tell him you're going to school." Sabi sa akin ni Mommy. Nasa kusina kami at inaayos niya 'yong lunch box ko. I nodded and went upstairs.Naglalakad pa lang ako patungo sa silid nila Mommy at Daddy unti-unti nang namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. They were verging to fall. I just fought hard not to let them fall again.I knocked on the door and smiled. Dad told me before to always knock on the door before entering a room. It was just an alarm for the elderly that someone would just want to come inside. Bad daw kasi ang pu

  • Wide Awake   Chapter 67

    Race's POVI was standing on my spot, my knees were shaking uncontrollably while facing all the guests and invited persons in our wedding.One week ago, I planned everything out. I told myself when she woke up, I'll be asking her to marry me and proceed to the latter part.The whole place was a combination of white and sky blue in colours. Instead of rose, I told Alexsha about sunflowers and how Zena love them. Yes, Alexsha was our wedding planner. The color white chairs and the sky blue catering table cloth complemented together. The white ribbon was arrangely tied to the chairs near the pathway to give those who'll walk there a little guide towards my direction. Well, Alexsha impressed me with her bright ideas. H

  • Wide Awake   Chapter 66

    Race's POVThe Ruined City played couple of their songs then went all inside the house afterwards. Napakaraming tao sa labas dahil sa kanila. Nakahatak sila ng napakaraming tao sa buong nayon.Abala kami nila Alexsha, Aaron at Jillian sa kusina. We were preparing food for the dinner.Zerena and Loud came rushing in. Kasunod nila ang apat, Lorenzo, Drift, Burn at Chandler."Anak, baka magkasakitan kayo ni Zerena." Babala ni Lorenzo sa dalawang bata na naghahabulan sa loob ng kusina."Anak, enough na." Sambit ko kay Zerena. The two of them stopped. Zerena whispered something to Loud and they both agreed to it

  • Wide Awake   Chapter 65

    4 years later...Race's POV"Thank you, sir! Please come again." Sabi sa akin no'ng babae sa counter matapos maiabot sa akin ang sukli ko. I smiled at her and turned to look at my daughter. She's missing!Holding the bouquet of tulips and dozen of sunflowers in my arms, I went out of that flower shop. My heart was racing so fast and eventually turned calm when I saw my daughter with a guy wearing a long coat and cap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita kung sino ang kasama ng anak ko. They were waiting patiently at the guy who was making the cotton candy on that pink push stall."Zerena, anak." Pagtawag ko sa 'king munting prins

  • Wide Awake   Chapter 64

    Race's POV"I know you can do it. Just keep calm. Breathe." Pagpapakalma ko kay Zena habang sinasabayan ang stretcher sa pagtakbo nito. Her hand was intertwined to mine. She was breathing deeply and I know she was filled with tension inside.I kissed her forehead. "You and our baby will be safe. Don't worry.""Sir, hanggang dito na lang po kayo." Sabi sa akin no'ng nurse saka ako hinarang at saka ipinasok si Zena sa operating room ng St. Luke's. I even smiled at her before the door shut.Naupo ako sa bleachers at saka napasapo sa mukha. Jace and Ace came, both gasping air as they arrived.

  • Wide Awake   Chapter 63

    Race's POVHindi na ko nagsayang pa ng oras. Right after graduated college, I went to Dimitria's company and gave the attache case Alexsha wanted me to use as a ticket to enter the said company. Pinalabas namin na isa akong shareholders upang makapasok sa kompanya sa mataas na posisiyon. At first, it was kinda hard to adjust but when I learned the environment inside the company, hindi na ko nahirapan pa. Maaayos din naman katrabaho ang mga tao sa loob. I am overwelmed by their welcome party and that was enough of me to fuel myself to work harder for Zena.I'm not telling her that I'm saving money to buy the lot. Titriplehin ko ang presiyo makuha lang 'yon mula sa business tycoon na bumili nito. Mahalaga ang lugar na 'yon para kay Zena at makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako. Even if it means of me to tire

  • Wide Awake   Chapter 62

    Race's POV"Clemente, Race M."Wearing my black toga and black converse shoes, I walked straight to that stage.A round of applause and cheering people heard all around the place. The thought of me graduating college was enough to make my eyes watered. I glanced at the crowd and saw Zena with the rest of the gang including their parents. Jace and Lucas was also here as well. They were clapping and screaming so loud."Congratulations, Race. I know there's a better future ahead of you." The dean said as he handed me my diploma.I smiled. "Thank you, sir." Then I faced the crowd and raised my hand with my diploma in it.They were cheering for me and that made me feel somewhat proud of myself. After the long wait, this piece of paper was finally in my ha

  • Wide Awake   Chapter 61

    Race's POVDay by day, mas lalo ko pang minamahal si Zena. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin. Hindi naman ako nabagok simula no'ng makilala ko siya. Hindi rin naman ako nagayuma pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit mahal na mahal ko ang isang Zena Alonte. I prayed to God for her to wake up. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang matulog siyang muli at hanggang ngayon tila ba wala siyang balak gumising. Kasama kong bumibisita si Jillian sa kanya araw-araw. I am hoping one day to see her eyes open again. "Mahal mo talaga siya, ano? No wonder why girls envies Zena." Komento ni Jillian sa akin. Nandito na kami sa ospital sa loob ng silid ni Zena. It was 4 pm at the afternoon. Nakaupo siya sa bangko sa gilid ng side table. Ako naman ay nakasandal lang sa pader at

  • Wide Awake   Chapter 60

    Race's POVI called Alexsha through phone and handed it to Enzoy after a while. Hinayaan ko silang mag-usap saka ako bumalik sa loob ng VIP room ng Dimitria's. Doon sa loob naabutan ko si Aaron na nagse-sexy dance habang kinakanta ang careless whisper. Tawa nang tawa ang lahat kaya naman hindi ko maiwasang mapangiwi. Matindi na ang tama ng isang 'to.Zena turned to look at me here on the door way. She smiled so did I. I even waved my hand and tried to look cute. Hope I succeed though.Tumayo siya saka lumapit sa akin. She held my hand and pulled me out of the club. Dinala niya ko sa isang bench. She was the first one to sit there and gestured me to sit on the space beside her. Ginawa ko naman 'yon.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status