Painting.Kabado ako habang paulit-ulit na dinadial ang cellphone ni Gabriella. Naka-pirmi sa hita ko ang kamay ni Carlo habang ang isa naman ay gamit niya sa pagmamaneho.Dalawa na ang napuntahan naming bar at lahat 'yon ay walang anino ni Gabriella. Nangingilid na ang luha ko habang paulit-ulit na tinitipa ang number niya sa cellphone ko."Babe, we'll see her. Calm down, please?" Ani Carlo.Hinawakan niya ang kamay ko saka iyon hinalikan. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ako umiyak sa mga sinabi ng parents ko dahil sanay ako roon pero ibang usapan ang kaibigan ko. I do treasure her a lot.Sabay kaming tumingin sa cellphone ni Carlo nang tumunog ito. Si Cartier... Nanginginig kong sinagot iyon."She's with me now," sabi ni Cartier.Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko kahit na narinig ko iyon kay Cartier. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko para pakalmahin ako. Humikbi ako."Alright," si Carlo ang sumagot no'n."I'll keep her for tonight. She's so drunk, and I
Date.Pagod ako sa mga sumunod na araw dahil tuloy-tuloy ang practice namin for cheerleading. Na-delay rin tuloy ang ilang endorsements ko dahil doon. Peke akong ngumiti matapos ang final stunt namin. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Maingat akong binaba ng mga kasama ko. Ang sabi ko, hindi ako papayag na buhatin pero pinilit nila. Nakakainis talaga sila! Hindi na talaga ako uulit dito. "Great performance, guys!" Pumalakpak ang choreographer namin matapos naming mag-kalasan.Kinuha ko ang tubig ko na nasa loob ng duffel bag ko saka iyon pinangalahatian. Saglit pa kaming nagpicture pagtapos no'n. Kating-kati na akong umalis dahil naiirita talaga ako sa kanilang lahat.Hindi na ako magpapanggap na masaya akong kasama sila dahil alam naman nilang lahat na masama ang ugali ko. I even have an argument with our choreographer during our practice."Thank you for joining the team, Ms. Moran," bati sa akin ng prof namin nang makitang mag-isa ako.Umiling ako habang pinupunasan ang p
Bodyguard.Natutuwa ako habang nire-review ang pictures ko sa Instagram. Si Carlo ang naging photographer ko. Ineedit niya rin muna ang pictures ko bago iyon ipakita sa akin, kapag satisfied ako saka ko iyon inu-upload sa Instagram.Mula nang magmodel kasi ako, nirecover ko lahat ng social media accounts ko. In-open ko sila ulit. Marami ngang nagme-message sa akin pero hindi ko na nire-replyan. Wala naman akong pakialam sa kanila."May lakad ka ngayon?" Tanong niya habang pinupunasan ang buhok niya."Oo pero hapon pa," sagot ko.Ngayon kami magkikita ni Ms. Fritzy. Wala pa akong kasama rito dahil may ginagawa pa raw sa school ang assistant ni Tyra. Hindi ko naman siya kailangan."Do you want to come with me?" Tanong niya. "Ihahatid na lang kita mamaya sa lakad mo.""Edi sana kanina mo pa sinabing isasama mo ako..." Sabi ko.Nakahilata pa ako sa kama habang siya ay nakaligo at nakabihis na. Naupo siya sa kama saka hinawakan ang braso ko. Hinatak niya ako palapit sa kaniya bago puluputi
Unprofessional.Parehas kaming tamad na gumising ni Carlo. Nagpahatid siya ng breakfast namin dito kahit na ang madalas naming gawin ay bumaba sa restaurant ng hotel para roon kumain. Nasa terrace kami at doon nagpasyang kumain habang tinatanaw ang mga New York.Nakaupo ako sa hita niya habang nakapulupot na naman sa bewang ko ang braso niya. Nagkakape na lang kaming parehas. Sumandal ako sa balikat niya nang ibaba ko ang cup of coffee ko.I can stay like this forever if I'm with him.Carlo and I were not really vocal about our feelings for each other. Maybe for us, action can speaks all of our untold feelings. Ayaw ko ring dumating kami sa punto na tanungin niya ako tungkol sa kung ano kami. I'm scared that I might reject him...If only my parents are not into his riches, I might consider it. Takot ako sa kung anong iisipin ng family niya sa akin dahil doon, especially Charlynn, she is my best friend.Nasa gano'n kaming sitwasyon nang tumunog ang cellphone niya. Sabay naming nilingon
Swimming pool.Nauna pa siyang makarating sa labas ng apartment namin. Masamang masama ang tingin niya sa akin na para bang sasabog siya sa susunod na sagutan namin. Aba! Siya pa itong galit? Nagta-trabaho ako tapos susugod sa akin bigla!Mabilis akong pumasok ng gate ng apartment namin matapos siyang irapan. Nakasunod naman siya sa akin, halata pa sa yabag na galit."Reisha!" Madiin niyang sabi sa likod ko.Umirap ako. "Nakakainis ka! I told you not to go to my workplace!" Galit na sabi ko nang makapasok ng bahay."I told you, I don't like your manager! He's creep—" "He is not! You're just jealous!" Singhal ko kahit na alam kong sa aming dalawa, ako lang ang nakakaramdam ng gano'n."And, so what if I am?"Nagulat ako sa sagot niya. What?"B-baka nakakalimutan mo kung ano tay—"Are we still fuck buddies?"You were engaged to me," sagot niya.Natahimik ako roon. Humarap ako sa kaniya at kumurap nang ilang beses bago mariing lumunok."S-shut up!" Singhal ko bago nagmartsa paakyat ng k
Numb."Kuya Vlad!" Malakas na tili ko nang makita siyang hatak-hatak ang kaniyang malaking luggage.Kuya called me last week and told me that he'll go home. Ayaw kong makita sina Mommy at Daddy pero dahil kay Kuya Vlad, napauwi ako. Umuwi kaming Cebu ni Carlo para sunduin si Kuya Vlad.Nagcheck-in kami sa isang hotel malapit sa amin. Ayaw ko kasing umuwi sa bahay nang hindi kasama si Kuya Vlad. Ayaw ko ngang makita sina Mommy at Daddy! "Rei!" Humalakhak si Kuya saka ako niyakap nang mahigpit."Oh my gosh, Kuya! I missed you," sabi ko habang nananatiling nakayakap sa kaniya."I missed you, too."Kinalas ko ang pagkakayakap sa kaniya saka siya pinagmasdan. Ginulo niya ang buhok ko bago bumaling kay Carlo na tahimik sa gilid ko."Bodyguard suits you, Carlo," sabi ni Kuya sabay halakhak.Tumawa rin si Carlo sa sinabi ni Kuya. Tinapik ni Kuya Vlad ang balikat nito. Carlo told me that he knew my Kuya. They are friends daw kaya siguro magaan ang tungo nila sa isa't isa."Kuya, Carlo and I c
Trigger Warning: Rape, Strong-words, Physical abuseTears."You're awake."Halos kilabutan ako sa malamig na boses na iyon. Nakahiga ako sa isang malambot na kama at naka-tali ang dalawang kamay ko sa dulo nito. Pilit kong inaalis ang pagkakagapos sa akin pero masyado iyong mahigpit.A sweat formed on my forehead. Kahit na alam kong bukas ang aircon, wala akong maramdaman bukod sa takot ko sa kaniya. At ang kagustuhan kong maka-takas dito."Mapa-pagod ka lang, Reisha. You know that you can't escape from me," naka-ngising sabi niya sa akin.Matalim ko siyang tiningnan. Prente siyang nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama."What are you doing? Pakawalan mo ako rito!" Malakas na sigaw ko habang pilit na hinahatak ang kamay ko.Malakas siyang humalakhak. Nilapag niya ang cellphone niya sa gilid ng bedside table saka naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko saka dinampian ng halik ang labi ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya. "Aw!" Halos mangilid ang luha ko sa sakit ng sampal niya
Trigger Warning: Suicide attempt Rope.Nagising ako sa malamig na kwarto. Ramdam kong wala na ang pagkakagapos sa akin kaya mabilis akong tumayo. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang sakit no'n. Pinalibot ko ang paningin ko sa kwarto at doon ko lang narealize na nakauwi na ako.Napaupo ako sa kama ko at tahimik na umiyak. Tinabunan ko ng comforter ang katawan ko bago humagulgol. Gusto kong isuksok sa isip kong panaginip ang lahat ng nangyari sa akin pero alam kong hindi.Pinilit kong kaladkarin ang paa ko para pumasok sa bathroom. Mabagal akong naligo pero pakiramdam ko kahit anong ligo ko, marumi ako.Nagbihis ako ng puting pajama saka sinuot ang hoodie ko. Muli akong bumalik sa kama at nagpahinga roon. Dilat na dilat ako at mahigpit ang kapit sa comforter. Pakiramdam ko kapag nakatulog ako, may mangyayari na naman sa aking masama.I flinched when the door opened. Mariin kong naipikit ang mga mata ko at nagtakip ng kumot."Rei, are you okay?" Ang marahang boses ni Gabriell
Trigger Warning: Mention of Rape, Self-harm, Suicide, and Trauma.Wakas."I said, he's not yours! I was raped."Para akong nabingi nang marinig iyon sa kaniya. Hindi maproseso ng utak ko, hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.Umiiyak siya habang nakatingin sa aking mga mata. Kilala ko siya, kabisado ko siya kaya kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at hirap na sabihin sa akin ang nangyari sa kaniya. Nanghihina ako. Putangina! Gusto kong isisi sa lahat ang nangyari sa kaniya. How could they do this to her?Kaya ba takot na takot siya noong hinawakan ko siya noon? Kaya ba tumitili at mabilis siyang magulat sa tuwing may lalapit sa kaniya? Kaya ba siya umalis? Kaya niya ba ako iniwan? Ano? Tangina! Ito ba ang sagot na hinihintay ko? Ang tagal kong gustong marinig sa kaniya ang paliwanag niya kung bakit takot na takot siya sa akin noon pero ang marinig ito sa kaniya... Hindi ko yata kaya. I witnessed her being brave, being strong. She'll do whatever she wan
Finally.After almost 2 weeks of staying in Pontevedra, bumalik kami sa Manila. Nauna na nga roon sina Gabriella at Cartier dahil sila raw muna ang mag-aasikaso sa kompanya habang inaayos namin ang kaso rito.Nasasaktan ako para kay Charlynn. I know that she loves him a lot and sending him to jail will hurt her even more. I don't want to sound selfish but I really think that he deserves it. Hindi ko alam kung paano ang relasyon nila pero alam kong grabe rin ang sugat na iniwan sa kaniya ni Louis.Tuloy-tuloy ang pag-iimprove ng mental health ko, salamat sa psychiatrist na tumulong sa akin doon. Carlo and Rouge were always outside whenever I'm in my therapy. They helped me a lot, too. But, I should thank myself more raw dahil tinulungan ko ang sarili ko para mapabilis ang pag-improve ng mental health ko."Where do you want to eat?" Tanong ni Carlo nang makalabas kami ng clinic.I rolled my eyes. "Nakakalimutan mo na ba?" Sagot ko."Hindi, Rei. Next week pa naman iyon. Let's eat for now
De Dios.We stayed in Pontevedra after Gabriella and Cartier's wedding. Binisita ko ang rin ang bahay ko. Yes, I really claimed that this is my house kahit na pera ni Carlo ang pinanggastos niya para bilhin iyon. Inayos ko lang ang ilang gamit ko roon at kumuha ng iilang damit na hindi ko man lang nagamit."Reisha."Palabas na ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang harapin ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin."I'm so sorry," bulong niya."Please, don't appear in front me again," matapang kong sagot kahit na kabadong-kabado ako."Y-Your son..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sa akin ba siya?""Ang kapal ng mukha mo," mariin kong sabi. "Ang kapal-kapal ng mukha mo matapos mong sirain ang buhay ko!""I'm sorry, Rei. I really do. H-hindi ko sinasadya. I was blinde—""There is no fucking excuse to do that! You treat me like your toy! You're in a relationship with my friend and yet you fucking violated me!" Malakas na sigaw
Wedding.Hindi naman marami ang nainom ko pero siguro dahil matagal na akong hindi nakakainom kaya mababa na ang alcohol tolerance ko. Ilang shots lang 'yon ng Hennessy X.O pero halos umikot na ang paningin ko."You know that we have party to attend tomorrow and yet you're partying," sermon niya sa akin."Saka mo na ako pagalitan. Masakit ulo ko," I answered while smiling."You're having fun just a minute ago tapos no'ng nakita mo ako, masakit na ulo mo?" Marahas niyang tanong.Inayos niya ang seatbelt ko bago ko naramdaman ang pag-andar ng sasakyan. Nakatulog ako sa byahe. Nagising lang ako nang maramdaman ang pag-angat ko mula sa inuupuan ko. "I can manage," sabi ko."Huwag kang malikot," madiin niyang saway sa akin.Wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. Halata pang pikon na pikon sa akin dahil umiigting ang panga."Trina, ayos na. Paki-iwan na lang si Rouge," ani Carlo."May kailangan po ba si Ma'am, Sir?" Tanong niya."Paki-handaan n
Mad."Ang OA mo," natatawang sabi ko nang yakapin niya ako."I love you so much," bulong niya sa akin. "Once you're ready, we'll get married," sabi niya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Carlo, it's early for that. Maraming nagbago sa atin sa nagdaang taon," I answered.Baka rin magbago pa isip niya. Baka kapag nakasal kami, isipin niyang hindi niya pala talaga ako mahal o magsawa siya. Maybe I'll give him time to think about us."Maraming nagbago sa nagdaang taon pero iyong nararamdaman ko sa'yo, hindi..." Sigurado niyang sagot. "Sigurado na ako, Rei. I'll talk to your family. We'll get married.""Carlo, hindi pa tayo, okay?" Sagot ko. "Sinabi ko lang na hindi ko gusto si Vincent.""You indirectly confessed, tho. Alam ko naman talagang mahal mo ako noon pa man, Rei, pero 'yong marinig ko ito galing sa'yo..." Malakas siyang humalakhak bago ako muling yakapin."Bumangon na tayo. Aalis pa tayo mamaya," sabi ko na lang para maiba ang topic namin.Inunahan ko na siyang tumayo. Inayos
Jealous.Gusto kong magtampo dahil kahit narinig niya ang sinagot ko kay Kuya Leo, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin nang pumasok siya ng sasakyan tapos na kay Rouge na ang atensyon niya, hindi na ako pinansin.Silang dalawa lang ang magkausap ni Rouge, maski ang anak ko hindi ako binibigyan ng pansin dahil talagang tuwang-tuwa siya sa pag-alis namin. Nakapunta naman na siya sa Cebu pero hindi siya ganitong kasaya.Sinalubong kami ng panibagong driver ni Carlo nang makarating kami sa NAIA. May mga bodyguards pa na nakapalibot sa amin kaya sa tingin ko, hindi pa rin maayos ang problema nina Gabriella kay Ms. Janah."Kuya..." Biglang sabi ni Carlo sa gilid ko.Binalingan ko siya kaya napatingin din siya sa akin bago binalik ang tingin sa bintana. Sinubukan kong kuhanin sa kaniya si Rouge na natutulog sa kaniyang hita pero binalingan niya lang ako at binigyan ng masamang tingin.Anong problema nito?"Nasa Manila na kami..." Kumunot pa
Father."Gabriella's stepmother is wanted."Nanlaki ang mga mata ko sa bungad ni Carlo sa umaga ko. "W-what happened?" Kinakabahan kong tanong."She hired a gunman to kill Ate Ayla before..."Napasinghap ako. What the fuck? Paanong nangyari iyon? Gabriella told me before that she is a good person and she is like her second mother na. Hindi naman daw mapapalitan nito ang si Tita Ayla pero mahal niya rin daw si Ms. Janah Bernal. Alam ko at sigurado akong nasasaktan si Gabriella ngayon."Nagkabarilan sila ni Kuya sa bahay nila sa Cebu. Nasa Pontevedra sila ngayon. Galit na galit si Kuya dahil ngayon lang niya nalaman na may anak sila ni Gabriella. Alam mo ba 'to?"Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya."Kuya wanted us to go in Pontevedra. But, I told him that we're safe here. We have bodyguards outside your house already," sabi niya."Hindi naman yata tayo madadamay. She doesn't know us," I answered."Mabuti nang sigurado, Rei. I won't risk your safety lalo na dahil nandito ang anak nat
Volcano.Mabilis akong napabangon nang mapanaginipan ang pamilyar na pangyayari. Kahit na air-conditioned ang kwarto, pawis na pawis ako. Kasabay nang paghigpit ko ng hawak sa comforter ang pagbangon ni Carlo. He gave me a glass of water na agad kong pinangalahatian nang bumangon ako."Luwas tayong Manila, okay?" Marahan niyang bulong. "Let's have you check, R-Rei."I nodded before closing my eyes for a silent prayer. Ni hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko kung hindi lang ako niyakap ni Carlo. My silent crying became loud. Humagulgol ako sa balikat niya at ang tanging ginawa niya lang ay hagurin ang likod ko para aluhin ako na siyang kailangan ko.Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, tinitigan niya ako. He wiped my tears that made me cry for another reason again. What the heck did I do to deserve him? Bakit ganito niya ako kamahal? Hindi ko maintindihan!"The day that I was in Tingloy for a shoot—"I saw how Carlo shook his head while looking at me. "Let's not talk about i
Birthday."You really prepared for this, Dude," bati ni Kuya kay Carlo nang makitang nakahanda sa isang mahabang lamesa ang mga pagkain."Reisha, doesn't want a big celebration for our son that's why I beg her to agree for this," ngumisi si Carlo.Today is Rouge's second birthday. I invited Gabriella but she's busy with something that I don't know. I also called Charlynn but she's asleep yata. Carlo forced me to call my family kaya wala akong nagawa kundi imbitahan sila. They immediately book a flight to go here. He ordered lots of food for us. It's like a boodle fight."Your house is nice, anak, but this is far from your hometown. Sa mansyon na lang kayo tumira ni Rouge. His room is already done," singit ni Mommy habang buhat si Rouge.Umiling ako habang inaayos ang balloons na inayos ko para sa photo booth backdrop ni Rouge. "We're fine here, Mommy. I want a peaceful life.""Hindi ba peaceful sa mansyon?" Tanong ni Mommy.Ngumuso ako at umirap. Siguro? Hindi ko alam kung nagbago na