“L-Lander” sabi ko ng makita ko ang asawa ko sa labas ng pintuan namin. Nanatili siyang tahimik saka diretchong pumasok sa loob. Kukunin ko sana ang gamit niya pero baka magalit na naman siya kapag hinawakan ko siya o ano mang gamit niya. “Kakauwi lang nila Mama at Papa, May tinabi akong pagkain para sayo. Kumain ka muna.”
“Kumain nako” malamig na sabi niya. Natahimik nalang ako ng diretso siyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. Ayaw niya talaga tumabi saakin kahit sa pagtulog.
Mabilis akong kumilos at naglagay ng gatas sa baso. Kumatok pa muna ako bago pumasok, naghuhubad na siya ng kanyang coat ng maabutan ko. Inilapag ko sa side table ang baso ng gatas at tiningnan siya.
“Hinahanap ka pala ni Papa kanina tinatanong niya kung kaylan ka darating dahil kakausapin ka niya. Ganon din si Mama, dadaan daw sila dito pag-uwi nila galing sa Canada” maingat kong kwento. “Kung nagugutom ka, katukin mo lang ako sa kwarto ko para maipag init kita ng pagkain. Siya nga pala nandito rin si Kuya Lhinell kanina. Nakaka-inis yun dahil sinisiraan ka niya kila Mama at Papa kahit ilang beses kona sinabi sakaniya na busy ka lang sa trabaho.” Patuloy ko pero wala parin akong nakuhang sagot sakaniya. Tumikhim pa ulit ako bago mag salita muli. “ Maglaan ka ng oras para kila Mama at Papa dahil mukang maysasabihin sila sayo. Wag kang mag-alala sasabihan kita kapag dumating na sila galing sa Canada.”
“Tapos ka na ba? Kung tapos ka na pwede ka ng lumabas.” Aniya. Nagulat man ay wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sakaniya.
“Inumin mo ang gatas mo bago ka matulog.” Sabi ko bago tuluyang lumabas sa kwarto niya. Nang maisarado ko iyon ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigat nanaman na nararamdaman ko. Tatlong beses ko pa iyon hinampas bago magpakawala ng malalim na hininga saka ako bumalik sa dining area para magpatuloy sa paglinis.
“Manang” Gulat kong sabi ng makita ko si manang Cristina sa kusina habang nasa harap ng lababo. Mabilis ako lumapit sakaniya at kinuha ang mga hugasan na pinggan sakaniya. “Ako na po, ang sabi ko magpahinga na kayo hindi ba.”
“Tulog na si Cristel at hindi pa naman ako inaantok. Hayaan mo nako na tulungan ka dito.” Naka ngiting aniya saka nagsimulang maghugas. Tinitigan ko lang siya. Bakas na ang katandaan sakaniya dahil lumalabas na ang mga kulubot sa balat niya, pero hindi ko maitatanggi na malakas at maasahan pa rin siya sa mga gawain sa bahay. “Dumating na ang asawa mo?” Biglang tanong niya. Napa-ayos ako ng tayo at sinimulang mag walis sa sahig.
“Opo, kumain na daw po siya kaya matutulog na siya dahil na rin ata sa pagod.”
“Muka nga, mahirap din ang trabaho ng asawa mo kaya hindi mo rin siya masisisi kung gabihin man siya ng uwi.” Sabi ni manang na siyang kinangiti ko. Siya lang talaga ang nakakaintindi saamin ni Lander.
“Kaya nga po ginagawa ko ang responsibilidad ko bilang asawa. Gustuhin ko man tulungan siya sa kumpanya pero ayaw niya.” Sagot ko naman. Nang matapos ako magwalis ay tumabi ako kay Manang para banlawan ang mga sinabon niyang pinagkainan.
Kita ko ang pagngitu ni manang, “Ang swerte ng asawa mo sa’yo. Dahil hindi ka lang maganda, mabait at ma-a-asahan ka pa.” Papuri niya saakin. Hindi ko maiwasan mapangiti ng mapait dahil sa katotohanang hindi ganyan ang tingin saakin ni Lander. “Pero Katulad ng sinabi ko sayo kanina… Walang perpektong tao, lahat tayo ay nagkakamali. Kaya piliin mo ang tama at makakabuti sayo…” Dagdag pa ni Manang saka tiningnan ako ng seryoso. “Iwan mo ang nagpapasakit sa puso mo….”
°°°°°°°°°
“Ang swerte ng asawa mo saiyo. Dahil hindi ka lang maganda, mabait at ma-a-asahan ka pa.” Papuri ni Cristina sa Alaga. Hindi nila alam ay bumaba si Lander upang ilagay sa lababo ang baso na ininuman niyang gatas. Napatigil ito ng makita ang asawa at ang katulong na matanda na nag-uusap habang nagtutulong sa paghuhugas ng pinggan.
“Pero Katulad ng sinabi ko sayo kanina… Walang perpektong tao, lahat tayo ay nagkakamali. Kaya piliin mo ang tama at makakabuti sayo…” Dagdag pa ni Cristina saka tiningnan ng seryoso ang alaga. Akmang papasok na si Lander ng muling magsalita si Cristina. “Iwan mo ang nagpapasakit sa puso mo.” Ani nito na siyang nagpatigil kay Lander. Iniisip nito kung siya ba ang tinutukoy ng matanda.
“Ano ka ba manang ayos lang po ako.” Sagot ng asawa niya at may pilit na tawa.
“Pinapa-alalahanan lang naman kita, dahil napapabayaan mo na ang sarili mo. Kapag hindi mo na kaya ay sumuko kana, kapag nasasaktan kana, magsabi ka, Kapag nahihirapan kana, matuto kang humingi ng tulong sa iba. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya mong dalhin ito mag-isa. Tao ka rin nahihirapan, nasasaktan, sumusuko, at pwedeng bumitaw.” Dagdag ng matanda. Natahimik naman si Lorie at may pilit na ngiti sa labi, pilit mang pigilan pero isa-isa nang nagbagsakan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
“M-Madami na ang nagsabi saakin na iwan ko si Lander. Kahit gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil sobrang mahal ko siya at umaasa ako na mabubuksan niya ang puso niya para saakin.” Paunang sabi ni Lorie saka nagpunas ng luha at hinarap ang tagapag-alaga na may ngiti sa labi.
“Kaya ko pa naman po, mahirap, pero ganon naman po talaga diba? Bago mo makuha ang gusto mo dapat paghirapan mo. Atsaka nangako ako sa simabahan na mamahalin at aalagaan ko ang asawa ko hangga’t nabubuhay ako. Kaya ayon ang gagawin ko.” Wika ni Lorie. Agad na pumasok si Lander sa kusina na siyang kinagulat ni Lorie.
“K-Kanina ka pa ba jaan?” Kabadong tanong nito sa asawa.
“Kakababa ko lang. Matutulog na ako” Malamig pa rin nitong sabi saka muling tinalikuran ang asawa.
Nang makahiga sa sariling kama ay pilit mang ipikit ang mata ay hindi makatulog si Lander dahil gumugulo ang isipan niya ang mga binitawang salita ng asawa. Naiinis siya dito dahil hindi naman niya sinabi dito na maghirap ang asawa niya para sakaniya.
“Mas gugustuhin ko pa nga na mawala ka.” Bulong ni Lander sa sarili. Pilitin man niya ang sarili ay wala siyang ibang nararamdaman para sa asawa kundi ang poot at pagkamuhi. Dahil sa katotohanang nawala ang lahat sakaniya at nasira ang buhay niya simula ng magpakasal sila. Hindi niya naman ito kagustuhan at napilitan lamang siya upang masagip ang papalubog nilang kumpanya.
Sa kabilang banda ay natapos na sa paglilinis si Lorie at Manang Cristina. “Magpahinga na po kayo, sisilipin ko lang po si Lander.” Paalam ni Lorie saka umakyat papunta sa kwarto ng asawa. Hindi na siya nag-abala pang kumatok at dahan dahan lang na binuksan ang pintuan. Naka pikit na si Lander, at mukang mahimbing na ang pagkakatulog. Pumasok si Lorie upang isara ang bintana sa kwarto nito. Dahil sa liwanag ng bwan ay nakikita niya ang gwapong muka ng asawa. Saglit siyang napatitig dito pero agad ding kumilos upang hindi na magising ang asawa. Nang maisarado ang bintana ay agad siyang lumabas sa kwarto nito. Bago isarado ang pinto ay nagpakawala muna si Lorie ng malamin na hininga at tinitigan ang muka ng asawa. “Gustuhin ko mang titigan ka buong araw ay hindi ko naman magawa. Gusto kong alalahanin ang bawat detalyo ng muka mo dahil natatakot ako na baka isang araw ay malimutan ko ang itsura mo dahil hindi naman kita nakikita oras-oras at gabing gabi kana kung umuwi,” Ang mahinang bulong ni Lorie.
“Pero kahit na ganoon, ay nagpapasalamat parin ako sa Diyos dahil dininig niya ang araw araw kong dasal na ligtas kang dumating dito at naalala mopa ang daan pauwi. Goodnight Lander, I still love you the most” wika ni Lorie gamit ang mahinang boses. Gustuhin niya mang sabihin ito sa asawa ay hindi niya magawa. Kaya naman ay dahan- dahan niya nalang isinara ang pinto.
Sa pagkakatanong iyon ay muling minulat ni Lander ang kanyang mga mata at napatitig sa nakasaradong pinto ng kwarto niya. Inisip niya ang mga salitang binitawan ng asawa, pero sa huli ay mas pinili niya ang ipikit ang mata at napagdesisyonang matulog nalang.
Habang si Lorie naman ay pumunta sa kwarto nila ng asawa niya at umupo sa may veranda. Inaataki na naman siya ng insomnia niya at nahihirapan nanaman siyang matulog kahit naka inom naman na siya ng dalawang baso ng malamig na gatas.
Sariwang hanging ang nalalanghap niya, laking pasasalamat sa mga haman na itinanim niya sa kanilang hardin. Napa angat ng tiningin si Lorie sa kalangitan kung saan puno ito ng mga bituin at maliwanag at bilog na bwan. Tahimik na gabi ang nagpapakalma sakaniya pero ito rin ang nagbibigay sakaniya ng labis na kalungkutan. Muli nanaman pumasok sa kaniyang isipan ang mga salitang binitawan ng taga pag-alaga at ni Lhinell na labis na nagpapasakit sa puso niya dahil lahat ng ito ay puro katotohanan.
“Pano ko magagawang iwan ang taong matagal ko ng pinagdasal? Paano ko magagawang iwan ang taong minamahal ko ng lubusan?”
KINABUKASAN, maagang nagising si Lorie upang ipaghanda ng almusal ang asawa, katulong sina Manang Cristina at ang anak nitong si Cristel.
“Ang tamlay mo ate, masama ba ang pakiramdam mo?” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Cristel. Ngumiti naman si Lorie upang maipakita na ayos lamang siya.
“Napuyat lamang ako kagabi dahil nahirapan na naman ako matulog.” Aniya saka nagtimpla ng paburitong kape ng asawa.
“Anong oras po umuwi si Sir Lander kagabi ate?” Tanong ni Cristel habang abala sa pagbabaliktad ng pancake na niluluto.
“ala’s nuebe, Nagkasalisi sila nila Papa at Mama dahil halos magkasabay lang sila.” Sagot naman ni Lorie.
“Mabuti naman at maaga-aga siyang umuwi, at least nawala na ang paghihinala nila ate Feli at kuya Cristoff” diretso na sabi ni Cristel na kinatigil ni Lorie. Siniko naman ni Cristina ang anak at pinandilatan ng mata dahil sa kadaldalan ng anak at hindi iniisip ang mga binibitawan nitong mga salita.
“Anong paghihinala?” Naguguluhang tanong ni Lorie. Napakagat naman sa ibabang labi si Cristel at napayuko.
“N-Nakita daw po kase ni Ate Feli si Sir Lander na lumabas po sa isang condo.” Kwento ni Cristel. Napa ngiti naman si Lorie at pinagpatuloy ang ginagawa.
“Ayon lang naman pala, baka naman ay may binisita lang si Lander sa condo na iyon.” Sabi ni Lorie.
“Sabi din po ni Ate Feli ay Babae daw po ang may-ari ng condo na nilabasan ni Sir Lander.” Dagdag ni Cristel. Naalala niya ang nakita niyang mapulang bahagi sa leeg ng asawa ng titigan niya ito kagabi.
Pilit man ay ngumiti parin si Lorie at sinimulang magsalin ng mainit sa tubig sa tasa. Sasabihin niya sana na baka kaibigan o kakilala lang ng asawa niya ang pinuntahan nito ng biglang magsalita muli si Cristel.
“A-Ayon din po kay Ate Feli, Kiesha Harriet daw po ang pangalan ng babaeng may ari ng condo.” Huling sabi ni Cristel. Tuluyang nawala sa sarili si Lorie at natulala sa kawalan.
“LORIE!” Sigaw ni Manang Cristina at nabalik sa katinuan si Lorie ng maramdaman niya ang pagdampi ng mainit na tubig sa kamay niya. Agad niya iyong binitawan dahilan upang magkalat ang basag na baso sa sahig. “Ayos ka lang ba? Halika Gagamutin ko ang paso mo.” Sabi ni Manang Cristina nang i-iwas ni Lorie ang kamay niya.
“Ayos lang po ako, sadyang napuno ko lang ang baso na hawak ko.” Pagdadahilan niya saka kinuha ang walis at daspan. Akmang lilinisin na niya ang nagkalat na bubog, nang kunin ni Cristel ang walis at daspan sakaniya.
“A-Ako na po” Naiiyak na sabi nito. Hinarap ni Lorie si Cristel ng may ngiti sa labi.
“Ayos lang ako, hindi naman kita sinisisi kaya ibalik mo na ang mga ngiti sa labi mo.” Sabi nito sa bata. Naluluha man ay napangiti nalang si Cristel habang tumatango.
Hinarap naman ni Lorie ang taga pag-alaga upang magpaalam. “Kayo na po ang bahala sa almusal, Maliligo lang po ako, upang maihatid si Cristel sa School niya.” Aniya saka mabilis na umakyat sa kwarto niya.
“Ang daldal mo kase!” Rinig ni Lorie na pinapagalitan ni Manang Cristina ang anak.
“Hindi ko naman po sinasadya inay” dipensa naman ni Cristel sa kaniyang sarili.
“ilang beses ko ba sa-iyo sasabihin na masama ang makinig sa usapan ng matatanda at masama ang pakiki-alam sa buhay ng ibang tao! Humingi ka ng tawad sa ate Lorie mo mamaya!” Dagdag pa ni Cristina, napa tango naman si Cristel at bumalik na sa kwarto nila upang makapag handa sa pagpasok.
Nangmatapos maligo si Lorie ay nagsoot lamang siya ng simpleng navy blue dress at naglagay ng konting make up upang matakpan ang namamaga niyang mata dahil sa pag-iyak habang naliligo. Nilagyan din niya ng gamot ang balat niyang natapunan ng mainit na tubig. Kumikirot parin iyon pero walang wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa puso, dahil sa katotohanang nakikipagkita ang asawa niya sa tunay nitong minamahal.
Pilit mang iwasan ni Lorie ang katotohanan pero hindi niya maiwasang isipin ang katotohanan na mayroon pang masmalalang ginawa ang asawa niya at ang una nitong pag-ibig.
Lumabas na siya ng kwarto at bumaba sa dining. Naabutan niya si Lander na bihis na bihis na at abala sa pagkain ng almusal. Umupo siya sa tapat ni Cristel at tahimik na sinimulan ang pagkain.
“Saan ka pupunta?” Biglang salita ni Lander. Nagulat man ay tumikhim si Lorie at sumagot.
“Ihahatid ko si Cristel sa School at May dadaanan lang ako saglit” sagot ni Lorie. Hindi na muling nagsalita si Lander. Akala niya ay magtatanong pa ito kung saan ang dadaanan niya. Tahimik silang kumakain, pero ramdam niya ang pagtitig ni Manang Cristina sa asawa niya. Binalewala niya iyon ng tumayo si Lander, akala niya ay aalis ito ng walang sinasabi ng bigla muli itong magsalita.
“Ako na ang maghahatid kay Cristel,” Sabi nito saka tiningnan ang kamay ni Lorie. Agad namang naalarma si Lorie at mabilis na tinago ang kamay niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Lander at tiningnan si Cristel. “Hihintayin kita sa labas” wika nito saka mabilis na lumabas. Mabilis na Tinapos ni Cristel ang kinakain niya saka tumayo.
Bago ito maka-alis ay hinawakan ni Lorie ang kamay niya. “Huwag mong babanggitin sakaniya ang mga nalaman mo. Kapag tinanong ka niya kung anong nangyari sa kamay ko ay sabihin mong napaso lang ako dahil iyon naman talaga ang nangyari.” Paalala niya kay Cristel. Napatango naman si Cristel at nagpa-alam sa ina at kay Lorie bago tuluyang lumabas. Nang mawala sa paningin nila si Cristel ay agad na nagsalita si Manang Cristina.
“Saan mo dapat balak na pumunta?” Biglang tanong nito.
“I-Ihahatid kopo sana si Cristel, tapos may dadaanan ako” muling sagot ni Lorie.
“At sino naman ang dadaan mo?” Tanong ulit nito na nagpatahimik kay Lorie.
“Gusto ko lang po daanan si Daddy.” Sabi ni Lorie, hindi siya makatingin ng deretcho kay Manang Cristina.
“O baka gusto mong kumpirmahin ang mga sinabi ni Cristel at gusto mong hugasan at pagtakpan ang kasalanang ginawa ng iyong asawa?” Dugtong ng matanda na kinatahimik ni Lorie. “Nakita ko rin ang mapulang bahagi si leeg ng asawa mo habang nakain tayo ay pinagmamasdan ko ang asawa mo at nakita ko ang hindi ko dapat makita. Hindi lang normal na pula iyon Lorie kundi pula ng pagtataksil.” Dagdag nito, kita ni Manang Cristina ang panginginig ng alaga at ang mga namumuong luha sa mata nito.
“Manang…”
“Oo. Alam kong hindi ko dapat pag-isipan ng masama ang iyong asawa pero sa nakita kong ebidensya sa katawan niya ay hindi ko maiwasan na isipin na totoo ang aking mga nasa-isip.” Patuloy na sabi ni Manang Cristina saka hinawakan ang muka ng alaga.
“Ngunit mas lalo iyang sasakit, Anak. Ang sugat na hindi pinapansin at pinabayaan lamang ay mas lalong lumaki at kahit maghilom iyon ay nag-iiwan parin ng peklat na siyang nagpapa-alala sa masakit na kahapon.” Dagdag ng matanda. “Lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sa’yo. Sabihin mo lang kung nahihirapan kana, tutulungan kita na muling bumangon.”
Lumuluha man ay nagawa pa rin ni Lorie ang ngumiti at magpasalamat sa taga pag-alaga.
“Wag po kayo mag-alala, pupunta lang po ako sa simbahan, upang mag-abot ng donasyon.” Sabi nito saka tinalikuran ang taga pag-alaga.
Sa kabilang banda ay pigil hinga si Cristel habang na sa daan sila ni Lander papunta sa eskwelahan na pinapasukan niya. Hindi niya alam kung paano kakausalin ang amo na walang kinakalimutan sa ano mang bilin ng ate Lorie niya. Hindi naman siya magsisinungaling pero bakit kinakabahan siya ng matindi.
“Pwede mo bang sabihin saakin kung anong nangyari sa kamay ng Ate Lorie mo?” Pagbubukas ng usapan ni Lander. Seryoso itong nakatingin sa daan hindi nahihimigan ang galit sa tono bagkus ay kalmado lang itong nagsalita.
“A-Ah, Pinagtitimpla niya po kayo ng kape kanina, nang a-aksidente siyang matapunan ng mainit na tubig.” Utal na paliwanag ni Cristel.
“That’s it?” tanong ulit ni Lander kaya naman napalunok ng matindi si Cristel.
“Kaninang umaga po, matamlay po si ate Lorie. Kulang lang daw po siya tulog. Nakakaranas po kase ng insomnia si Ate Lorie” kagat labi niyang sagot. “W-Wag niyo nalang po sabihin kay Ate Lorie na sinabi ko sainyo. A-Ayaw niya po kase sabihin sayo lahat ng nangyayari sakaniya.” Huling sabi ni Cristel, nagpasalamat pa muna ito saka mabilis na lumabas ng sasakyan. Muli nanamang kinain ng isipin si Lander dahil sa mga nalalaman. Hindi niya mawari kung bakit ayaw ipaalam sakaniya ng asawa ang mga nangyayari sakaniya.
MAAYOS na nakarating si Lorie sa simbahan at tahimik na pumasok sa loob at umupo sa pinakaharapan. Nakatitig lamang si Lorie sa harapan habang lumuluha ang mga mata. Gustuhin niya mang mag tanong ay hindi niya ginawa dahil hindi iyon maganda. Maling-mali ang kwestyunin ang Diyos dahil lamang sa mga problemang pinagda-daanan natin.Habang lumuluha ay hindi mawala sa isip ni Lorie ang mga sinabi ni Cristel, hindi niya lubos na maisip na kahit anong gawin niya para sa asawa ay hindi niya magagawang palitan si Kiesha sa puso nito.“Hindi ko na po kaya” Sa unang pagkakataon ay nasabi ni Lorie ang mga katagang iyon. Hindi man sa harap ng asawa o sa harap ng ibang tao, kundi sa harap ng Diyos na siyang sinasandalan niya oras-oras. “Hindi ko din po alam kung hanggang kaylan ko panghahawakan ang mga pangako na binitawan ko sa harapan ninyo ng maikasal ako.” Mahinang bulong ni Lorie sa sarili. Patuloy siyang lumuha hanggang sa
ORAS ng agahan, Halos walang kibo at tulala lang si Lorie na nakatanaw sa bintana ng kanilang silid. Wala na siyang balak na lumabas ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang kaniyang asawa.“Ate nakahanda na po ang agahan” Boses ni Cristel sa labas ng pinto ng kwarto.“Wala akong gana,” wika ni Lorie ng hindi lumilingon. Ayaw niyang makita ang asawa sa kadahilanang ayaw niya maalala ang mga binitawan nitong salita.Nang mawalan ng malay si Lorie ay agad na sumaklolo si Manang Cristina at hiningi ang tulong ni Lander. Maingat nila itong inilapag sa kama at pinalitan ni Manang Cristina ang alaga ng damit. Inaapoy ito ng lagnat dahil sa ulan at pagod na kaniyang nararamdaman.Hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam ni Lorie at nilalagnat pa rin siya ngunit mas pinili niya ang mag kulong sa kwarto kesa makasabay sa hapag ang sariling asawa. Hindi niya matanggap na hanggang ng
KINABUKASAN. Tulala lang sa hardin si Lorie habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Umalis na naman si Lander at wala siyang kasiguraduhan kung kaylan ulit ito uuwi. Siya ang tunay na asawa pero parang siya pa ang nakikihati sa oras ng asawa. Ano nga ba ang aasahan niya sa asawa, tingnan nga siya sa mata ay hindi nito magawa.Ilang oras pa siyang nanatili doon bago napag pasyahan pumunta sa hospital upang magpatingin kay Dr. Galvez. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na may iba pang paraan para gumaling siya.Nang makarating sa hospital ay agad siyang dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez. May katandaan na ito at napag-alaman niya rin na malapit na ito mag retiro at ang anak naman nitong babae ang papalit sa posisyon nito. Malaki ang utang na loob niya sa Doctor dahil simula bata ay ito na ang gumagamot sakaniya.“Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sakaniya ng doctor. Mapait namang napangiti s
TULALA na pinagmamasdan ni Lander ang asawa na walang malay at langong lango sa alak. Pinupunasan ito ni Manang Cristina dahil basang basa ito sa ulan. Naabutan ni Lander si Lorie sa gitna ng daan na wala sa sarili.Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ito din ang unang beses na nagtagal si Lander sa silid nila ng asawa.Ngayon niya lang din nakita ng buo ang silid na iyon. Hindi siya makapaniwala na puno ng libro at iba’t-ibang klase ng instrumento sa pagtutog ang laman ng silid na iyon.“Ikaw ba ay may kailangan pa?” Tanong sakaniya ni Manang Cristina. Bakas ang galit sa boses nito. Hindi makapaniwala na muntik ng masagsaan ng rumaragasang sasakyan ang alaga.Kakaalis lang din ni Dr.Galvez na sa kabila ng malakas na ulan ay nagmamadali paring pumunta sa bahay nila Lorie ng malaman ang nangyari sa pasyente. Sinabi din ni Dr. Galvez ang tunay na nangyayari kay Lorie na
NAG-AAGAW dilim na nang makarating si Lander sa tahanan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Bulacan. Tatlong araw din siyang nanatili sa Canada para ayusin ang ibang nga gusot sa trabaho ng kaniyang ama. Ngayon naman ay nasa Bulacan siya dumeretcho upang asikasuhin ang ilang lupa na pinagbibili nila.Inilapag ni Lander ang bagahe na dala niya at umupo sa dulo ng kaniyang kama. Tinanggal isa-isa ang soot niya, hanggang sa matira nalang ang puting polo at pants.Napatingin siya sa mga kupol ng papel na nakalagay sa lamesa. Iyon ang mga kontrata ng lupain na pinapa-asikaso sakaniya ng aniyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit sakaniya pinapagawa ang lahat ng iyon, kung nanjan naman ang nakakatanda niyang kapatid na si Lhinelle na wala namang ginagawa kundi gambalain ang buhay nila ng kaniyang asawa.Napatulala si Lander sa isiping iyon. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang mga pangyayari na gumugulo sa kaniy
5 years later… MAAGANG gumising ang Pamilya ni Lander, upang sama sama na pumunta sa simenteryo para sa ika-limang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie. Umaga pa lang ay pumunta na si Lacey simabahan upang mag-alay ng dasal. Habang si Trisha naman, kasama ang asawa at dalawang anak ay maaga ring nag tungo sa Simenteryo upang mag-alay ng paburitong bulaklak ni Lorie—ang rosas. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie at maagang pumupunta sa simenteryo ang pamilya ni Lander dahil gusto ni Lacey na suklian ang kabutihan na pinakita ni Lorie sa pamilya nila. Kung gaano kaaga gumising si Lorie upang ipag handa ng pagkain si Lander ay ganon din ang oras din sila gumigising upang bisitahin ang puntod ni Lorie sa Makati—kung saan nakalibing din ang katawan ng yumaon nitong ina. Dahil sa pagkawala ni Lorie ay labis ang nagdamdam si ama nitong ni Marvy. Napabayaan nito ang Kumpanya, at halos
WALA nang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ni Lorie ngayon. Dahil ngayong araw na sila uuwi ng ina sa Maynila. Sabik na sabik na siyang makita ang matalik na kaibigan na si Tifany. Dalawang taon na silang magkaibigan at nakilala niya ito ng lapitan siya nito upang magpakilala. Mas bata si Tifany ng isang taon kay Lorie. Mabait at maganda si Tifany dahil may lahi itong Chinese. Ilang bwan din silang hindi nag kita ng matalik na kaibigan dahil umuwi ito sa China upang ipadiwang ang bagong taong, kung saan nagaganap tuwing bwan ng febrero. Maagang umalis sa Makati si Lorie at Dein upang maaga ding makabalik sa maynila. Kahit na may katandaan na ay malakas pa rin si Dein at nagagawa pang makapag trabaho bilang Physiatrist. Ilang oras na ang nilagi nila sa daan bago tuluyang makarating sa malaking bahay. Mabilis na niligpit ni Lorie ang mga gamit niya ng makatanggap ng text mula kay Tifany at sinasa
LINGGO na ang lumipas. Naging maayos ang takbo ng nagdaang araw para kay Lorie. Maging ang hawak niyang project ay natapos ng maayos. Kaya naman ay napag pasyahan niyang magkaroon ng konting salo salo. “It’s all settled!” Masayang anunsyo ni Tifany ng matapos ang pag-aasikaso sa pagdarausan nila ng muntinh salo-salo. “I’m going to update, Trish. Ngayon mo din sila kakausapin tungkol sa project L diba?” Tanong niya. Napangiti naman si Lorie saka tumango. “Oo, excited na din akong simulan ang project L. Feel ko kase connected ako sa drawing na iyon. Sobrang familiar sakin.” Aniya. “Baka, nakita mo na iyon sa France, by coincidence.” Wika ng kaibigan. Muling napa tango si Lorie bilang pag sang-ayon. Hindi niya maalala kung saan at kailan niya nakita ang sketch pad na iyon. Pero sigurado siya sa kaniyang sarili na Familiar siya sa sketch pad na iyon.
Maagang gumising si Lorie upang maghanda ng almusal. Soot ang isang manipis na pantulog, at kulay pink na apron. Hotdog, ham and bacon ang kaniyang niluto, syempre hindi mawawala ang pancake na may chocolate syrup sa ibabaw. Kape ang paboritong inumin ng asawa sa umaga, habang gatas naman ang sakaniya. Lorie was the happiest woman when she married Lander. At sa mga araw, buwan at taong nagdaan, masasabi niyang wala siyang pinagsisihan na binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon at pinakasalan niya ito. Lander is caring, loving and thoughtful. Palagi siya nitong iniisip bago ito magdesisyon sa isang bagay at palaging kinukuha nito ang pagsangayon niya kapag may gagawin ito. But was he said before was true, he isn't perfect. They have a happy marriage life but its not always rainbows and happiness. Nag-aaway sila minsan sa mga bagay na hindi nila maintindihan parehas, lalo na kapag nagseselos ito sa mga kliyente niyang mayama
Unfortunately, love does not always provide you with the happy ending you desire.You might be deeply in love with someone and still know in your heart that they will never offer you the kind of attention and effort that you deserve. Knowing that you were merely supposed to make the other person better for the next person is one of the most difficult things to accept in life. It doesn't imply there was something wrong with you; it just means they lacked the tools to assist you to continue the healthy and happy relationship you desired. You may have had every intention of staying with this person for the rest of your life, you may even have plans with them, and you may have believed you'd discovered the love of your life, but you must understand that sometimes that is the only reason you cross paths with some individuals. Yes, you and that person we're meant to be together, but you weren't meant to stay together because they were simp
How difficult is to trust in God’ Timing and Blessing? Sometimes we want certain things and want it right now. But everything is awarded at the right time by God. Have patience, faith, and trust in God’s Actions! He has a plan for you and you will get it at the perfect time! Alas tres na ng madaling araw, tulog na si Cristel sa sofa habang tahimik na pinagmamasdan ni Lorie ang kulubot na muka ni Aling Cristina. Hindi niya maiwasang maluha sa tuwing naiisip niya ang pag mga pagkukulang niya sa tagapag- alaga. Itinuring siya nitong tunay na anak, at ito na rin ang naging pangalawa niyang ina. Si Aling Cristina na ang nagpalaki, pagbigay payo at nagpamulat sakaniya kung gaano kalupit ang mundo para sa mga taong mahihina. Si Cristina din ang gumabay sakaniya noong natututo pa lamang siya lumakad hanggang sa tahakin niya ang landas ng buhay may asawa. Ang tagapag-alaga na ang kasangga niya sa lahat ng bagay at nagiging unan niya sa oras ng ka
The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well and death refers to the end of life, we all go through this sad occurrence, and it is unavoidable. We have to accept death, but for as long as you are alive, you should live your life to the fullest and make sure to enjoy it. Buong gabi na hindi nakatulog si Lorie, sa kadahilanang iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya, daig niya pa ang taong uminom ng dalawang tasa ng kape. Ang paghalik sakaniya ni Lander ay nararamdaman niya parin hanggang ngayon. Ang malambot nitong labi ay nararamdaman niya parin sa kaniyang labi hanggang ngayon. Ang paghawak nito sa kaniyang pisngi ay nagbibigay kilabot sa kaniyang buong sistema. Para bang kinuryente ang buong niyang katawan. "AHHHHHHH! KUM
The decisions we make have a significant impact on our lives. Make the proper decisions every day so we may live an authentic life that reflects who we want to be. Make decisions that are gutsy and bold. Making decisions is difficult, especially when the choice is between where you should be and where you want to be. Choices, Chances, and Changes are the three Cs of life. You must decide whether or not to take a chance, or your life will remain unchanged. Linggo na ang lumipas, naging maayos ang takbo ng buhay ni Lorie, sa wakas ay nakumbinsi na niya ang kaniyang sarili na muling buksan ang kaniyang puso at muling bigyan ng pagkakataon si Lander upang patunayan nito ang sarili. Wala namang sinayang na oras at panahon si Lander sa nagdaang mga araw. Nang gabing iyon ay naging maingay ang pag-uusap nila dahil sa pag-iyak ni Lorie. Madilim na gabi, malamig na simoy ng hangin. Kasabay ng pagsayaw ng mga sanga ng puno sa
The life cycle of a rose can be related back to our own lives. We go through phases of growth, pruning and rough winters that can leave us bare but in the end, we (like roses) will regrow and prosper again. MAAGANG gumising si Manang Cristine upang mag handa ng kanilang almusal, ganon na rin ang dadalin nilang pagkain—ngayong araw na kase magaganap ang plinano ni Lorie at Cristel na magiging bonding nilang tatlo. Sabay sabay silang nag salo-salo sa hapag. Wala namang mapaglagyan ang saya ni Cristel dahil sa wakas sa hinaba-haba ng taon ay muli niyang nakasama si Lorie sa hapag kainan maging sa mga galaan. Kung dati ay hanggang sa mall lang silang gumagala ngayon naman may balak silang pumunta sa Laguna upang mamasyal at magsaya sa Enchanted kingdom. Habang maiiwan naman si Marvy upang asikasuhin ang kumpanya. Ngayong bum
MALAYO pa lamang ay tanaw na ni Lorie ang isang malaking bahay kung saan nakatira ang tunay niyang magulang na si Marvy. Dalawang araw na ang lumipas, bago tuluyang makalabas ng hospital si Lorie. Habang naiwan naman ang pamilya ni Lander doon upang tapusin ang ilan pang mga test na isasagawa sa katawan ni Lander, dahil si Lander ang mas napuruhan sa nangyaring aksidente."May surpresa ako sa'yo." Wika ni Marvy. Napangiti naman si Lorie sa sinabi ng ama."Hindi na po ako makapag hintay." Sagot niya na may malalaking ngiti sa labi. Gusto niya agad malaman kung ano ang surpresang iyon."Naghihintay si Manang Cristina at Cristel sa bahay" sagot ng ama. Bahagya namang ngumiti si Lorie kahit na ang totoo ay hindi niya maalala ng itsura ng pangalang binanggit ng ama.Samantala, wala namang mapaglagyan ang halo-halong emosyong nararamdaman ni Cristina ng matanggap ang mensahe galing kay Marvy. Nung una ay h
KABANATA XIX: FLASHBACKS TULALA si Lorie na nakatingin sa pigura ng lalaking matagal na niyang gustong makita. Pagkamulat pa lang ng mata niya ay hindi na niya malaman kung ano ang nararamdaman. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman niya. Tuwa,lungkot,panghihinayang at kasabikan. Kahit na masama at panget ang mga ala-ala na bumalik sakanya,hindi niya masasabing lahat iyon ay panget. May mga suportado,mapagmahal at tunay siyang kaibigan at meron siyang Ama na mabait,naunawain at higit sa lahat ay maunawain. "D-Daddy" Unang banggit niya Hindi napigilan ni Marvy ang maging emosyonal habang nakatitig sa muka ng anak. Isa-isang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at saka maibilis na niyakap ang anak. Hindi maluwag,hindi rin mahigpit. Sakto lang upang maramdaman ni Lorie ang pagmamahal ng isang ama. Puno ng pananabik at kasiyahan ang puso ni Marvy. Binalewala niya ang mga katanungan sa isipan. Ang
ABALA ang lahat ng trabahador ng Esperro group of company, sa pamamalakad ni Lhinelle. Ngayong araw na kase ang ika-limang anibersaryo ng tagumpay nila sa industriya. Puno ng iba't-ibang kulay ng ilaw na nagpapadagdag sa ganda ng paligid. Ang mga upuan at lamesa at presentableng naka-ayo. Rosas ang ginamit na bulaklak na siyang nakalagay sa isang vase na nakapatong sa bawat gitna ng lamesa.Samantala,abala din sa pag-aayos si Lander— naghahanda sa pagpunta sa hotel kung saan gaganapin ang 5th year anniversary ng kumpanyan ng pamilya niya. Ganon rin si Marvy,masaya siya sa tagumpay na narating ng kaniyang kaibigan. Walang halong hinanakit o kahit na inggit. Dahil naniniwala siya darating din ang araw na magtatagumpay siya,kahit hindi kahit tayog at kasing bilis ng iba. Ang mabuting puso pa rin ang nagtatagumpay sa huli.May isang oras pa sa paghahanda. Lander is wearing a with polo and a black slacks and coat. Sim