Home / All / Who Are You? (TAGALOG) / WAY IX: SHELTER OF LIES

Share

WAY IX: SHELTER OF LIES

Author: JJOYXSPIRIT
last update Last Updated: 2021-07-25 14:40:19

TULALA na pinagmamasdan ni Lander ang asawa na walang malay at langong lango sa alak. Pinupunasan ito ni Manang Cristina dahil basang basa ito sa ulan. Naabutan ni Lander si Lorie sa gitna ng daan na wala sa sarili.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ito din ang unang beses na nagtagal si Lander sa silid nila ng asawa.Ngayon niya lang din nakita ng buo ang silid na iyon. Hindi siya makapaniwala na puno ng libro at iba’t-ibang klase ng instrumento sa pagtutog ang laman ng silid na iyon.

“Ikaw ba ay may kailangan pa?” Tanong sakaniya ni Manang Cristina. Bakas ang galit sa boses nito. Hindi makapaniwala na muntik ng masagsaan ng rumaragasang sasakyan ang alaga.

Kakaalis lang din ni Dr.Galvez na sa kabila ng malakas na ulan ay  nagmamadali paring pumunta sa bahay nila Lorie ng malaman ang nangyari sa pasyente. Sinabi din ni Dr. Galvez ang tunay na nangyayari kay Lorie na kinabigla ni Lander at Manang Cristina.

Hindi na nakasagot si Lander. Ang totoo ay matapos ihatid si Kiesha sa condo nito ay mabilis siyang umuwi sa bahay nila upang malaman ang kalagayan ng asawa. Nang makauwi ay hindi niya naabutan ang asawa sa bahay kaya naman ay nagsimula na siyang maghanap sa mga posible nitong puntahan. Pero maski isa sa mga pinuntahan niya ay walang bakas ng asawa ang naiwan don. Nararamdaman din ni Lander ang galit kay Manang Cristina na tumayong nanay ni Lorie. Gusto niyang humingi ng tawad, ngunit, parang hinila ang dila niya para hindi makapagsalita.

Napatigil si Manang Cristina sa ginagawa at seryosong tiningnan si Lander. “Ipagpaumanhin mo Ijo ang mga sasabihin ko. Hindi ko gusto na makialam sa pagsasama niyo ng alaga ko pero hindi kona kayang manahimik pa.” Pauna nitong sabi.

Napayuko naman si Lander at hinihintay ang mga sasabihin sakaniya ng matanda. “Alam ko ang mga dahilan kung bakit ganito ang inyong pagsasama. Nababalot ang puso mo ng galit kung kaya’t kahit pagtingin sa mga mata ng iyong asawa ay hindi mo magawa. Alam natin na hindi din ginusto ni Lorie ang matali sayo. Parehas kayong nagulat sa mga desisyon ng magulang niyo. Alam ko din na iyon ang dahilan kung bakit sagad sa buto ang galit mo kay Lorie, pero sana ilugar mo ang iyong galit dahil ginagawa naman ni Lorie ang tungkulin niya bilang iyong asawa.”

“Hindi kasalanan ni Lorie ang mga nangyayari sa’yo. Mabuti ang puso ng aking alaga, kahit na kanino mo siya ipakilala ay magiging kasundo niya dahil sa galing niya makisama. Dahil sa taglay niyang kabaitan ay inuuna niya palagi ang iba kesa sa kaniyang sarili, maging ang iyon kasalanan ay kaniyang hinuhugasan upang manatili ang malinis at maganda mong pangalan sa iyong mga magulang.” Dagdag pa nito saka nilabas ang puting bagay na nakuha niya sa basurahan. Inabot naman ni Manang Cristina ang pregnancy test kay Lander. “Nakita ko iyan na tinapon ni Lorie sa basurahan. Agad ko siyang kinompromta tungkol sa bagay na iyan, alam mo ba ang sinabi niya saakin…?” Tanong nito saka hinaplos ang muka ni Lorie. Napatitig naman si Lander sa muka ng asawa. Ngayon lamang niya nakita na bumagsak na pala ang timbang nito at bakas sa muka ang pagod at hirap.

“ Tutulungan niya ang iyong nabuntis, at gagawan niya ng paraan upang hindi masira ang iyong pangalan sa iyong mga magulang. Sa totoo lang ay nais ko ng ipagtapat kay Don Marvy ang mga pinaranas ng kaniya anak sa pamamahay na ito, ngunit pinigilan ako ni Lorie at hayaan ko daw siyang ayusin ang sariling problema. Hanggang sa huli ay kapakanan pa rin ng iba ang kaniyang iniisip. Kahit na mali ang kaniyang pinapanigan at kaniyang kinakalimutan ang kaniyang sariling kapakanan.” Batid ni Manang Cristina na labis ang mga salitang binitawan niya. Pero para sa alaga ay gagawin niya ang lahat upang mabalik ang maayos at payapa nitong buhay. Hindi niya pinalaki at inaalagaan si Lorie mula pagkabata para lamang maging misirable ang buhay nito.

Nanatiling tahimik si Lander at nagsisisi sa mga nagawa niya sa asawa. Nais niyang humingi ng tawad at bumawi, ngunit pinangungunahan siya ng takot at kaba. Lalo na ngayon ay may malaki siyang problema na kinakaharap.

NALIMPUNGATAN si Lorie dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mata. Agad siyang napahawak sa kaniyang ulo ng maramdaman ang pagsakit non. Panatingin siya sa pamilyar na silid at kisame, at agad na nailipat iyon sa pintong bumukas at pumasok si Manang Cristina at Cristel na may dalang almusal.

“Gising ka na pala. Kamusta ang iyong pakiramdam? Inumin mo ito Ija.” Wika ni Manang Cristina sabay abot sa alaga ng mainit na gatas. “Tawagan mo si Dr. Galvez anak.” Utos nito. Akmang aalis na si Cristel ng hiwakan siya ni Lorie at pigilan.

“Wag na po. Maayos na ang pakiramdam ko. Wag na natin istorbohin si Dr. Galvez.” Sabi nito saka nagsimulang kumain.

Nagtataka si Cristel na napatingin kay Lorie dahil sa unang pagkakataon ay hindi niya narinig na binanggit ng amo ang pangalan ng asawa nito. Nagtataka man ay mas pinili ni Cristel ang manahimik dahil baka masama lang ang pakiramdam ng kaniyang amo at mahigpit na bilin sakaniya ng kaniyang ina na huwag manghihimasok sa buhay na may buhay.

“Nakarating na rin kay Lhinelle ang nangyari at sinabihan ko siya na wag muna sabihin sa daddy mo ang lahat ng nangyari.” Dagdag ni Manang Cristina. Napangiti si Lorie ng maalala niya ang mga nangyari kagabi, muntik na siyang masagasaan ng sasakyan ngunit saktong tumigil ito sa kaniyang harapan. Akala niya ay Matatapos na ang kaniyang buhay.

Hindi na nagtanong si Lorie kung paano siya nakarating sa kanilang tanahan. Ang mahalaga ay maayos ang kaniyang lagay. “Anong oras po dadating si Kuya?” Tanong niya.

“Sigurado, ano mang oras ay darating na siya.” Sagot sakaniya ng tagapag-alaga, nang may busina silang narinig sa labas.

“Nanjan na si Kuya Lhinelle!” masayang anunsyo ni Cristel at patakbong bumaba upang pagbuksan ng gate si Lhinelle.

Akmang bababa na si Lorie sa kama ng pigilan siya ni Manang Cristina. “Magpahinga ka nalamang jan, kami na ang bahala sa hapunan. Papaakyatin ko na lamang si Lhinelle dito.” Sabi nito. Napatango naman si Lorie bilang pagsang-ayon.

Lumabas ng kwarto si Manang Cristina na sakto namang dating ni Lhinelle. May sinabi pa ang tagapag-alaga kay Lhinelle bago ito tapikin sa balikat at tuluyan silang iwan na dalawa.

Ngumiti si Lhinelle kay Lorie, “Kamusta? Kaya pa ba?” Tanong nito sakaniya. Panangiti ng mapait si Lorie ng mapagtanto na double meaning ang pinaparating sakaniya ng bayaw. “Mag pakatatag ka dahil nay malaking problema ka pang kakaharapin.”

“Buntis si Kiesha…” Aniya, gulat na napatingin sakaniya si Lhinelle. Hindi makapaniwala na nalaman agad niya ang problemang tinutukoy niya. “Nakita ko sila ni Lander na pumasok sa hospital, kaya sigurado akong si Lander ang ama ng pinagbubuntis niya.” Nakayukong sabi ni Lorie. Gusto niyang mamangha sa sarili dahil sa pagkakataong ito ay walang luha na lumabas sa kaniyang mga mata. Mukang wala na siyang luha na mailalabas pa dahil naubos na iyon dahil sa labis niyang pagluha sa mga nagdaan tao, bwan at araw.

“What’s your plan then?” Tanong ni Lhinelle. Nag-angat naman ng tingin si Lorie at tiningnan ng walang emosyon ang bayaw. Gulat man ay hindi na nagsalita si Lhinelle dahil baka ay natauhan na sa katotohanan si Lorie.

“Hindi ko alam. Blangko ang isip ko ngayon.” Aniya saka ngumiti. “Magpapa-alam din sana ako. Gusto ko muna mag isip-isip kaya mawawala muna ako bg ilang linggo.” Patuloy niya. Napangiti naman si Lhinelle dahil sa wakas ay sarili naman ni Lorie ang inisip nito.

“Sure. Tell me where you’re going baka makapag book ako ng flight.” Wika ni Lhinelle, isang ngiti namaj ang sinukli ni Lorie saka inaya ang bayaw sa baba upang kumain.

Tahimik na kumain si Lorie. Masyadong inuukupa ang utak niya ng iba’t-ibang problema. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa asawa at sa magiging anak nito sa iba. Mas mabuti nang lumayo muna siya sa problema at bigyan ang sarili niya ng pahinga. Nang matapos kumain ay agad na nagpaalam si Lorie na aakyat muna sakaniyang kwarto upang magpahinga, habang sila Manang Cristiba, Cristel, at Lhinelle ay naiwan sa sala.

“Nay, bakit po hindi hinanap ni Ate Lorie si Kuya Lander?” Agad na tanong ni Cristel sa kaniyang nanay.

“Huwag na muna natin banggitin ang pangalan ni Kuya Lander mo sa harapan ni ate Lorie mo. Hayaan natin na siya ang mag bukas ng usapan tungkol sa kaniyang asawa.” Paliwanag ni Manang Cristina sa anak.

“Nasan pala si Lander Manang?” tanong ni Lander.

“Maaga umalis ang isang yon. Kailangan niya sumunod sa magulang niyo sa Canada para ayusin ang mga kailangan niyang gawin don.”

“Sabi pala ni Lorie na may balak siyang magbakasyon. Hindi ako sigurado kung kaylan. Pinaalam mo lang sainyo para hindi na kayo mag-alala pa.” Dagdag ni Lhinelle. Napatango naman si Manang Cristina.

“Mabuti naman ay naisip din niya ang sarili niya.” Wika ni Manang Cristina, hanggang sa marinig nila ang tunog ng piano mula sa silid ni Lorie. “Madalas na tugtugin iyan ni Lorie noong bata pa siya sa tuwing nalulungkot siya o kaya namimiss niya ang mommy niya.” Mulungkot na sabi ng matanda.

“Human ang title ng kantang iyan nanay. Narinig ko na iyang kantang iyan isang beses na kinakanta ni ate Lorie.” Singit ni Cristel saka umupo sa tabi ni Lhinelle. “Masakit ang kantang iyan dahil ang mensahe ng kantang iyan ay paghihirap at pagsuko.” Dagdag pa nito saka pangalumbaba. Walang alam si Cristel sa nangyayari sa paligid, pero alam niya kung ano ang trato ni Lander kay Lorie. Nalulungkot siya para kay Lorie pero wala naman siyang karapatan na manghimasok sa buhay ng mag-asawa. Malaki ang utang na loob niya kay Lorie dahil kung hindi kay Lorie ay sigurado na natigil na siya sa pag-aaral.

Sa kabilang banda, nang matapos si Lorie sa pagtugtog ay agad siyang naglagay ng damit sa bagahe. Sapat na damit lamang ang dinala niya dahil wala naman siyang balak mag tagal kung saan man ang pupuntahan niya. Nang matapos sa pag-iimpake ay nag ayos siya ng kaniyang sarili upang puntahan ang daddy niya upang magpaalam ng maayos.

Umuwi na din si Lhinelle at hindi na nag-abala pang magpaalam kay Lorie sa kaalamang natutulog ito.

“Bibisitahin ko muna po si Daddy.” Paalam niya kay Manang Cristina. Agad namang pumayag si Manang Cristina at sinabihan pa siyang mag-ingat dahil madulas ang daan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakarating si Lorie sa kumpanya na pagmamay-ari ng daddy niya. Ilang pagbati pa ang ginawa niya sa mga nakakasalubong niya bago makasakay sa elevator na maghahatid sakaniya sa opisina ng daddy niya.

“Come in.” Boses ng daddy niya ng kumatok siya. Agad niya binuksan ang pinto at pumasok. Abala ang daddy niya sa harap ng computer at may binasa, hindi ata naramdaman ang presensya niya.

“Dad.” Aniya. Gulat na napa-angat ng tingin si Marvy sa anak ng marinig ang boses nito. Napa ngiti naman si Lorie dahil sa naging reaksyon ang daddy niya.

“Anak…” wika nito saka mabilis na tumayo at nilapitan siya. “Upo ka… What brings you here?” tanong nito ng maka-upo siya.

“Magpapa-alam lang po sana ako.” Aniya habang naka ngiti. Nawala naman ang ngiti ng daddy niya at napalitan ng pagtataka.

“Magpapa-alam saan?” Nagtataka nitong tanong.

“Nakatanggap po kase ako ng tawag galing kay Trish. Malapit na po siya mangank. Gusto ko po sana pumunta sa Laguna para bisitahin siya .” Paalam niya. Totoong nakatanggap siya ng tawag mula kay Trisha na pinsan ni Lander. Gusto nito na bisitahin siya nito bago o pagkatapos nitong manganak. Ginamit na din ni Lorie ang pagkakataon na iyon upang magpahinga at lumayo sa problema. Ayaw niya ding makita si Lander kahit na ilang linggo lang.

Napatango naman si Marvy sa sinabi ng anak. “Ilang araw ka mawawala?” Tanong nito. Kahit talaga may asawa na siya ay hindi nawawala ang pag-aalala sakaniya ng kaniyang ama. Dahil para kay Marvy kahit na pumuti ang pumuti na ang buhok ng anak ay mananatili pa rin itong bata sa paningin niya.

“Siguro dalawang linggo. O kaya isang bwan .” Sagot niya. “Gusto ko din po kasing tulungan sa pag-aalaga ng bata si Trish. Para na din po matuto ako kung sakaling magkaanak kami ni Lander.” Pagsisinungaling niya. Napangiti naman ng malaki si Marvy dahil sa sinabi ng anak. Tatlong taon na din siyang naghihintay ng apo. At sa pagkakataong ito ay mukang mangyayari na ang inaasam niya.

“Kaylan ang alis mo?” Tanong ulit nito.

“Sa sabado po. Tatlong araw po mula ngayon.”  Aniya. Madami pang pinag-usapan si Lorie at Marvy tungkol sa iba’t-ibang bagay, tungkol sa planong pag-aanak ni Lorie— Walang ideya sa tunay na nangyayari sa anak.

Ayaw man magsinungaling ni Lorie sa ama, pero wala din siyang balak na sirain ang kasiyahan ng ama. Hindi din niya maiwasan malungkot dahil, apo lang naman ang hinihingi sakaniya ng ama ngunit hindi niya mabigay. Paano sila magkaka-anak ni Lander kung hindi ito natabi sakaniya sa pagtulog. Sa ibang babae pa may anak ang asawa niya, dahil ibang babae ang tinatabihan nito sa kama.

Hindi mapigilan ni Lorie na mapangiti ng mapait sa isiping iyon. Wala na siyang luha na ilalabas pa kaya wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat na nangyayari sa buhay niya at umaktong malakas.

Matapos bumisita sa ama ay sunod naman siyang pumunta sa simbahan upang mag-abot ng konting donasyon. Nag paalam din siya sa mga madre na hindi siya makakadalo sa darating na anibersaryo ng simabahan dahil isang bwan siyang mawawala papunta sa Laguna. Nalungkot man ay naintindihan naman siya ng mga madre at nagpasalamat sa dala niyang donasyon at mga regalo para sa mga bata. Hindi na rin siya nag-abala na magpakita sa mga bata dahil oras ng siyesta—lahat ng bata ay nagpapahinga. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan dahil sa bagyo na tumama sa lugar nila.

Nang sumapit ang ala’s singko ay saka lang naisipan ni Lorie ang umuwi sa bahay nila. Katulad ng dati ay si Manang Cristina lang ang naabutan niya at si Cristel na abala sa ginagawang proyekto.

Dumeretso si Lorie sa silid ay nag-iwan ng mensahe kay Lhinelle… na wag na itong mag-abala pang maghanda ng ticket dahil sa laguna lang naman siya pupunta. Alam niya sa loob ng ilang bwan ay marami ng mangyayari sa buhay niya at kay Lander, maraming pagdadaanan na problema. At sa unang pagkakataon ay gusto niyang takasan ang mga iyon.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Athena Anne Osibro
pa unlock plss
goodnovel comment avatar
Andy Soberano
pa inlock naman po please🥹🥹🥹🥹🥹
goodnovel comment avatar
Julieta Delos Santos
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY X: TRAGEDY

    NAG-AAGAW dilim na nang makarating si Lander sa tahanan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Bulacan. Tatlong araw din siyang nanatili sa Canada para ayusin ang ibang nga gusot sa trabaho ng kaniyang ama. Ngayon naman ay nasa Bulacan siya dumeretcho upang asikasuhin ang ilang lupa na pinagbibili nila.Inilapag ni Lander ang bagahe na dala niya at umupo sa dulo ng kaniyang kama. Tinanggal isa-isa ang soot niya, hanggang sa matira nalang ang puting polo at pants.Napatingin siya sa mga kupol ng papel na nakalagay sa lamesa. Iyon ang mga kontrata ng lupain na pinapa-asikaso sakaniya ng aniyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit sakaniya pinapagawa ang lahat ng iyon, kung nanjan naman ang nakakatanda niyang kapatid na si Lhinelle na wala namang ginagawa kundi gambalain ang buhay nila ng kaniyang asawa.Napatulala si Lander sa isiping iyon. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang mga pangyayari na gumugulo sa kaniy

    Last Updated : 2021-08-01
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XI: NEW BEGGINING

    5 years later… MAAGANG gumising ang Pamilya ni Lander, upang sama sama na pumunta sa simenteryo para sa ika-limang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie. Umaga pa lang ay pumunta na si Lacey simabahan upang mag-alay ng dasal. Habang si Trisha naman, kasama ang asawa at dalawang anak ay maaga ring nag tungo sa Simenteryo upang mag-alay ng paburitong bulaklak ni Lorie—ang rosas. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie at maagang pumupunta sa simenteryo ang pamilya ni Lander dahil gusto ni Lacey na suklian ang kabutihan na pinakita ni Lorie sa pamilya nila. Kung gaano kaaga gumising si Lorie upang ipag handa ng pagkain si Lander ay ganon din ang oras din sila gumigising upang bisitahin ang puntod ni Lorie sa Makati—kung saan nakalibing din ang katawan ng yumaon nitong ina. Dahil sa pagkawala ni Lorie ay labis ang nagdamdam si ama nitong ni Marvy. Napabayaan nito ang Kumpanya, at halos

    Last Updated : 2021-08-02
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XII: PROMISES OF FAITH

    WALA nang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ni Lorie ngayon. Dahil ngayong araw na sila uuwi ng ina sa Maynila. Sabik na sabik na siyang makita ang matalik na kaibigan na si Tifany. Dalawang taon na silang magkaibigan at nakilala niya ito ng lapitan siya nito upang magpakilala. Mas bata si Tifany ng isang taon kay Lorie. Mabait at maganda si Tifany dahil may lahi itong Chinese. Ilang bwan din silang hindi nag kita ng matalik na kaibigan dahil umuwi ito sa China upang ipadiwang ang bagong taong, kung saan nagaganap tuwing bwan ng febrero. Maagang umalis sa Makati si Lorie at Dein upang maaga ding makabalik sa maynila. Kahit na may katandaan na ay malakas pa rin si Dein at nagagawa pang makapag trabaho bilang Physiatrist. Ilang oras na ang nilagi nila sa daan bago tuluyang makarating sa malaking bahay. Mabilis na niligpit ni Lorie ang mga gamit niya ng makatanggap ng text mula kay Tifany at sinasa

    Last Updated : 2021-08-05
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XIII: GARDEN OF ROSES

    LINGGO na ang lumipas. Naging maayos ang takbo ng nagdaang araw para kay Lorie. Maging ang hawak niyang project ay natapos ng maayos. Kaya naman ay napag pasyahan niyang magkaroon ng konting salo salo. “It’s all settled!” Masayang anunsyo ni Tifany ng matapos ang pag-aasikaso sa pagdarausan nila ng muntinh salo-salo. “I’m going to update, Trish. Ngayon mo din sila kakausapin tungkol sa project L diba?” Tanong niya. Napangiti naman si Lorie saka tumango. “Oo, excited na din akong simulan ang project L. Feel ko kase connected ako sa drawing na iyon. Sobrang familiar sakin.” Aniya. “Baka, nakita mo na iyon sa France, by coincidence.” Wika ng kaibigan. Muling napa tango si Lorie bilang pag sang-ayon. Hindi niya maalala kung saan at kailan niya nakita ang sketch pad na iyon. Pero sigurado siya sa kaniyang sarili na Familiar siya sa sketch pad na iyon.

    Last Updated : 2021-08-09
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XIV: TEARS

    MALALIM ang isip ni Lander nakatitig sa kawalan. Isang araw na ang lumipas ng mangyari ang araw na iyon—kung saan niya nakita ang babaeng kahawig ng kaniyang asawa. Hindi siya makapaniwala na anak ng kilalang doctor ang babaeng kahawig ni Lorie. Naalala niya ang pangalang binaggit nito noong, una silang magkita. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang nakakatandang kapatid. “I’m busy.” Agad na bungad sakaniya ni Lhinell ng sagutin nito ang tawag. “I need your help.” Seryosong aniya. “Spill, but make it fast.” Wika ng kapatid. Napabuntong hinibga si Lander bago tuluyang sabihin ang tunay na pakay. “Invistigate Paige Morris Identity. I need a reply AS SOON AS POSSIBLE.” Nang natapos ang tawag, at tinoon naman ni Lander ang sarili sa laptop niya at sinimulang hanapan ang ilang basic informat

    Last Updated : 2021-08-10
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XV: CONFESSION

    MAAGANG sinalubong ng mga empleyado ng MARQUEZ CORP. ang umaga. Habang abala ang iba, hindi naman mapakali si Lander sa tabi. Ngayong araw nakatakda ang muli nilang pagkikita ni Lorie. Lumapit sakaniya si Cassey upang i-abot ang isang sobre na may lamang contrata para sa Project L. Ilang beses na pinagdasal ni Lander na tanggapin ni Lorie ang Propossal niya, ito na rin ang pagkakataon niya upang makakuha ng ebidensya na magpapatunay na buhay pa ang kaniyang asawa. “Lander” Gulat na napatingin sa harapan si Lander ng marinig ang boses ng babae na hindi niya inaasahan na muli niyang makaka-usap. “F-Feli” utal niyang wika saka mabilis na tumayo at inaya itong umupo. “What do you want? Coffee or Juice?” Tanong niya pa ulit. Nakangiti namang umiling si Feli. Bakas ang kalungkutan sa muka nito, halatang walang maayos na tulog. Agad na umupo si Lander sa tapat ni Feli at nag salin ng tubig saka binigay ka

    Last Updated : 2021-08-12
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XVI: SCENE OF MEMORIES

    WALANG gana na nakatingin si Lorie sa pagkain niya sa hapag. Kasalukuyan siyang nasa condo unit niya. Ilang text at missed calls na din ang natanggap niya galing kay Dein at Tifany, pero maski isa doon ay hindi niya nagawang sagutin o basahin manlang. Gusto niyang makapag-isip ng maayos bago siya gumawa ng hakbang na hindi niya pagsisisihan sa huli. Hindi niya malaman ang dapat gawin, simula pa lang ang lahat, ngunit nanghihina na agad siya. Wala siyang alam tungkol sa sarili maliban sa ala-alang pumasok sa kaniyang isipan. Tila pati ang ang kaniyang sarili ay isang estranghero na lamang para sakaniya. Tunay na edad, kaarawan, tirahan, at buong pangalan… maski isa doon ay hindi niya alam. Gusti niya mang humingi ng tulong sa iba, ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang alamin ang lahat sa paraan na alam niya. Mahirap man at least wala nang halong kasinungalingan. Agad na tumayo si Lorie saka nagsoot ng jack

    Last Updated : 2021-08-17
  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XVII: HOME-SWEET-HOME

    ISANG linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang kaganapan na iyon sa pagitan ni Lorie at Lander sa sementeryo. Tuluyan nang napatawad ni Lorie si Dein kapalit ang katotohanang pinagkait sakaniya ng kinikilalang ina. Halos wala ng paglagyan sa kaniyang sistema ang mga nalalaman. Kung saan sila nagkakilala hanggang sa sagipin siya nito sa isang aksidente. Kahit na may konting galit pa rin sakaniya ay mas pinili niya ang magpatawad dahil ang pusong marunong magpatawad ay ang pusong malaya at tunay na sasaya. Malaki din ang pasasalamat niya sa kinilalang ina, dahil kung hindi dahil dito ay siguro tuluyan na siyang nawala.Kasalukuyan siyang nasa simbahan upang bumisita at mag sindi ng kandila at mag-alay ng dasal. Isang oras pa ang nilagi niya doon bago tuluyang dumating ang kaibigan na si Tifany."Are you ready?" Tanong nito sakaniya. Nakakingiti namang tumango si Lorie bilang sagot. Tuluyan silang lumabas ng simbahan at dumeretcho sa

    Last Updated : 2021-08-19

Latest chapter

  • Who Are You? (TAGALOG)   SPECIAL CHAPTER

    Maagang gumising si Lorie upang maghanda ng almusal. Soot ang isang manipis na pantulog, at kulay pink na apron. Hotdog, ham and bacon ang kaniyang niluto, syempre hindi mawawala ang pancake na may chocolate syrup sa ibabaw. Kape ang paboritong inumin ng asawa sa umaga, habang gatas naman ang sakaniya. Lorie was the happiest woman when she married Lander. At sa mga araw, buwan at taong nagdaan, masasabi niyang wala siyang pinagsisihan na binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon at pinakasalan niya ito. Lander is caring, loving and thoughtful. Palagi siya nitong iniisip bago ito magdesisyon sa isang bagay at palaging kinukuha nito ang pagsangayon niya kapag may gagawin ito. But was he said before was true, he isn't perfect. They have a happy marriage life but its not always rainbows and happiness. Nag-aaway sila minsan sa mga bagay na hindi nila maintindihan parehas, lalo na kapag nagseselos ito sa mga kliyente niyang mayama

  • Who Are You? (TAGALOG)   UNCONDITIONAL LOVE

    Unfortunately, love does not always provide you with the happy ending you desire.You might be deeply in love with someone and still know in your heart that they will never offer you the kind of attention and effort that you deserve. Knowing that you were merely supposed to make the other person better for the next person is one of the most difficult things to accept in life. It doesn't imply there was something wrong with you; it just means they lacked the tools to assist you to continue the healthy and happy relationship you desired. You may have had every intention of staying with this person for the rest of your life, you may even have plans with them, and you may have believed you'd discovered the love of your life, but you must understand that sometimes that is the only reason you cross paths with some individuals. Yes, you and that person we're meant to be together, but you weren't meant to stay together because they were simp

  • Who Are You? (TAGALOG)   THE PERFECT PLAN AND TIME

    How difficult is to trust in God’ Timing and Blessing? Sometimes we want certain things and want it right now. But everything is awarded at the right time by God. Have patience, faith, and trust in God’s Actions! He has a plan for you and you will get it at the perfect time! Alas tres na ng madaling araw, tulog na si Cristel sa sofa habang tahimik na pinagmamasdan ni Lorie ang kulubot na muka ni Aling Cristina. Hindi niya maiwasang maluha sa tuwing naiisip niya ang pag mga pagkukulang niya sa tagapag- alaga. Itinuring siya nitong tunay na anak, at ito na rin ang naging pangalawa niyang ina. Si Aling Cristina na ang nagpalaki, pagbigay payo at nagpamulat sakaniya kung gaano kalupit ang mundo para sa mga taong mahihina. Si Cristina din ang gumabay sakaniya noong natututo pa lamang siya lumakad hanggang sa tahakin niya ang landas ng buhay may asawa. Ang tagapag-alaga na ang kasangga niya sa lahat ng bagay at nagiging unan niya sa oras ng ka

  • Who Are You? (TAGALOG)   IMPORTANCE OF LIFE

    The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well and death refers to the end of life, we all go through this sad occurrence, and it is unavoidable. We have to accept death, but for as long as you are alive, you should live your life to the fullest and make sure to enjoy it. Buong gabi na hindi nakatulog si Lorie, sa kadahilanang iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya, daig niya pa ang taong uminom ng dalawang tasa ng kape. Ang paghalik sakaniya ni Lander ay nararamdaman niya parin hanggang ngayon. Ang malambot nitong labi ay nararamdaman niya parin sa kaniyang labi hanggang ngayon. Ang paghawak nito sa kaniyang pisngi ay nagbibigay kilabot sa kaniyang buong sistema. Para bang kinuryente ang buong niyang katawan. "AHHHHHHH! KUM

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XXII: CHOICES AND DECISION

    The decisions we make have a significant impact on our lives. Make the proper decisions every day so we may live an authentic life that reflects who we want to be. Make decisions that are gutsy and bold. Making decisions is difficult, especially when the choice is between where you should be and where you want to be. Choices, Chances, and Changes are the three Cs of life. You must decide whether or not to take a chance, or your life will remain unchanged. Linggo na ang lumipas, naging maayos ang takbo ng buhay ni Lorie, sa wakas ay nakumbinsi na niya ang kaniyang sarili na muling buksan ang kaniyang puso at muling bigyan ng pagkakataon si Lander upang patunayan nito ang sarili. Wala namang sinayang na oras at panahon si Lander sa nagdaang mga araw. Nang gabing iyon ay naging maingay ang pag-uusap nila dahil sa pag-iyak ni Lorie. Madilim na gabi, malamig na simoy ng hangin. Kasabay ng pagsayaw ng mga sanga ng puno sa

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XXI: ROSES HAVE THORNS BUT WILL REGROW AND PROSPER AGAIN

    The life cycle of a rose can be related back to our own lives. We go through phases of growth, pruning and rough winters that can leave us bare but in the end, we (like roses) will regrow and prosper again. MAAGANG gumising si Manang Cristine upang mag handa ng kanilang almusal, ganon na rin ang dadalin nilang pagkain—ngayong araw na kase magaganap ang plinano ni Lorie at Cristel na magiging bonding nilang tatlo. Sabay sabay silang nag salo-salo sa hapag. Wala namang mapaglagyan ang saya ni Cristel dahil sa wakas sa hinaba-haba ng taon ay muli niyang nakasama si Lorie sa hapag kainan maging sa mga galaan. Kung dati ay hanggang sa mall lang silang gumagala ngayon naman may balak silang pumunta sa Laguna upang mamasyal at magsaya sa Enchanted kingdom. Habang maiiwan naman si Marvy upang asikasuhin ang kumpanya. Ngayong bum

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XX: NEW CHAPTER

    MALAYO pa lamang ay tanaw na ni Lorie ang isang malaking bahay kung saan nakatira ang tunay niyang magulang na si Marvy. Dalawang araw na ang lumipas, bago tuluyang makalabas ng hospital si Lorie. Habang naiwan naman ang pamilya ni Lander doon upang tapusin ang ilan pang mga test na isasagawa sa katawan ni Lander, dahil si Lander ang mas napuruhan sa nangyaring aksidente."May surpresa ako sa'yo." Wika ni Marvy. Napangiti naman si Lorie sa sinabi ng ama."Hindi na po ako makapag hintay." Sagot niya na may malalaking ngiti sa labi. Gusto niya agad malaman kung ano ang surpresang iyon."Naghihintay si Manang Cristina at Cristel sa bahay" sagot ng ama. Bahagya namang ngumiti si Lorie kahit na ang totoo ay hindi niya maalala ng itsura ng pangalang binanggit ng ama.Samantala, wala namang mapaglagyan ang halo-halong emosyong nararamdaman ni Cristina ng matanggap ang mensahe galing kay Marvy. Nung una ay h

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XIX: MEMORIES OF PAST

    KABANATA XIX: FLASHBACKS TULALA si Lorie na nakatingin sa pigura ng lalaking matagal na niyang gustong makita. Pagkamulat pa lang ng mata niya ay hindi na niya malaman kung ano ang nararamdaman. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman niya. Tuwa,lungkot,panghihinayang at kasabikan. Kahit na masama at panget ang mga ala-ala na bumalik sakanya,hindi niya masasabing lahat iyon ay panget. May mga suportado,mapagmahal at tunay siyang kaibigan at meron siyang Ama na mabait,naunawain at higit sa lahat ay maunawain. "D-Daddy" Unang banggit niya Hindi napigilan ni Marvy ang maging emosyonal habang nakatitig sa muka ng anak. Isa-isang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at saka maibilis na niyakap ang anak. Hindi maluwag,hindi rin mahigpit. Sakto lang upang maramdaman ni Lorie ang pagmamahal ng isang ama. Puno ng pananabik at kasiyahan ang puso ni Marvy. Binalewala niya ang mga katanungan sa isipan. Ang

  • Who Are You? (TAGALOG)   WAY XVIII: REVELATIONS

    ABALA ang lahat ng trabahador ng Esperro group of company, sa pamamalakad ni Lhinelle. Ngayong araw na kase ang ika-limang anibersaryo ng tagumpay nila sa industriya. Puno ng iba't-ibang kulay ng ilaw na nagpapadagdag sa ganda ng paligid. Ang mga upuan at lamesa at presentableng naka-ayo. Rosas ang ginamit na bulaklak na siyang nakalagay sa isang vase na nakapatong sa bawat gitna ng lamesa.Samantala,abala din sa pag-aayos si Lander— naghahanda sa pagpunta sa hotel kung saan gaganapin ang 5th year anniversary ng kumpanyan ng pamilya niya. Ganon rin si Marvy,masaya siya sa tagumpay na narating ng kaniyang kaibigan. Walang halong hinanakit o kahit na inggit. Dahil naniniwala siya darating din ang araw na magtatagumpay siya,kahit hindi kahit tayog at kasing bilis ng iba. Ang mabuting puso pa rin ang nagtatagumpay sa huli.May isang oras pa sa paghahanda. Lander is wearing a with polo and a black slacks and coat. Sim

DMCA.com Protection Status