MARCO
Hindi s'ya umimik sa sinabi ko. Yumuko lang s'ya habang sinusuklay-suklay ng mga daliri ng kamay niya ang kanyang buhok.A few minutes passed but I recieved no answer from her. "What? You have nothing to say?" untang ko sa kanya.Ngunit hindi pa rin s'ya umimik. Parang binging inayos naman n'ya ang nagusot na damit. Inunat pa ang mga binti at marahang hinilot-hilot.Napatitig ako sa makinis niyang mga binti.Sh*t. Bakit ba dumudumi ang utak ko sa babaing 'to?Kaagad kong iniwas ang aking mga mata. I hate this strange feelings. It shouldn't be like this. Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan. Siguro dahil palaban siya, matapang. Bihira ako makatagpo ng gano'n. Matigas pa ang ulo.How about that Jillian girl who called you budol gang and manyak? Damn--conscience tumigil ka!Napailing ako saka ipinilig ang ulo para itaboy ang anag-ag ng kahapon na matagal ko ng ibinaon sa hukay.<MARCOKaagad kong hinablot ang braso n'ya ng maabutan ko siya. "And where do you think you're going?" halos hindi bumuka ang bibig kong tanong sa kanya sa subrang inis ko."Get off your hands on me." asik niya sa akin.I sighed. "Look Sam, pagod ako. May meeting pa ako mamaya. I have no time with this drama. Will you just go back home? I already called Mom and--"Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "You told them?!" sabad n'ya kaagad sa akin at malakas na piniksi ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.Nabitawan ko siya. Napahilamos pa ako ng kamay sa aking mukha. Damn... amazona talaga! "What can I do?" frustrated na tanong ko sa kanya. "They're worried sick about you and--""No! I'm not going home and I don't want to hear your damn excuses!" galit n'yang sigaw muli sa akin.Napatulala ako sa kanya. Hindi ko akalain ganun s'ya katapang. Kaliit na babae... grabe! Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin ng layasan
MARCOIlang oras din ang tinagal ng byahe bago ko hininto ang aking kotse sa isang Mall sa bayan ng San Agustin. Matagal ko ng pinapangarap akyatin ang bundok ng Mt. Quasinta ngunit dahil sa lintik na paghahanda ko sa proposal ko kay Mr. Chua na nauwi din sa wala ay ngayon ko lang magagawa.I heaved out a deep sighs to calm myself. Well maybe baka may dahilan kaya ganun. Pero ayaw ko pa rin tanggapin ang katotohanan that he turn down my proposal. Anong dahilan bakit bigla s'yang umatras sa contract signing namin? Nahalata niya kaya ako? Kaagad din akong umiling sa aking tanong. Imposible. There must be something else. Pero ano?! I released a pissed groaned.Bwesit siya... 'wag na 'wag s'ya makalapit-lapit pa sa akin muli at masasapak ko na talaga s'ya. Pabago-bago ng utak. Nakakadalawa na s'ya sa akin. Ang pangatlo, kamao ko na ang dadapo agad sa mukha n'ya.Damn..!Kaagad akong napahilot sa aking sentido. I felt exhausted and damn furious. Biglang nawala lahat ng antok ko sa tambak na
JILLIAN"Ano pong nangyayari sa kanya Nay?" kinakabahan na tanong ko sabay lingon kay Inay.Napanganga pa siya habang nakatitig sa lalaking panay daing sa higaan pagkapasok sa kwarto matapos ko siyang tawagin."Baka magkakamalay na siya..." sabi ni Inay sabay talikod. "...sandali lang tatawagin ko si Pio!" sigaw niya habang tumatakbo palabas ng bahay.Si Tay Pio ay ama ng kaibigan kong si Cheena. Sabi niya nag-aral siya noon ng MBBS (Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery) ngunit dala ng kahirapan ay hindi siya nakapagtapos. Kaya kahit papaano ay may alam siya sa mga gamot panlunas. Lalo na pagdating sa mga herbal, eksperto siya doon.Sa tuwing may nagkakasakit or aksidenteng nangyayari dito sa lugar namin ay sa kanya kami tumatakbo. Libre ang serbisyong binibigay niya sa aming lahat kaya mas nakakatipid kaysa pumunta pa kami ng Hospital sa bayan lalo't mahirap lang kami. Sa awa ng Diyos lahat naman gumagaling ang mga nagpapagamot sa k
JILLIAN"Ah..."Napakurap-kurap ako ng marinig ko muli ang daing ng lalaki. Bigla akong napabalik sa kasalukuyan sabay lingon sa labas ng kwarto.Nasaan na ba kasi sila? Bakit ang tagal ni Inay?Hindi mapakaling tanong ko pa sa aking sarili saka tiningnan muli ang lalaki. Napatayo ako ng makita kong dahan-dahan siyang dumidilat. Natumba pa ang upuan sa ginawa kong pag-atras. Malakas pa akong napasinghap ng magtama ang aming mga mata. Biglang lumukso ang puso ko na para bang kilala nito ang lalaki. Natigilan ako. Parang familliar...? Saan ko ba nakita ang mga matang 'yon? Tanong ko pa sa aking isip habang nakatitig sa kanya.Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil bukod sa maraming mga pasa, marami ring sugat.Umiwas siya ng tingin saka sinubukang bumangon. Napangiwi ito saka malakas na dumaing.Natatarantang kaagad ko siyang dinaluhan. "'W-Wag ka munang
JILLIAN"Jillian...?" tawag sa akin ni Inay. Kaagad ko siyang nilingon. "Kunin mo 'yong maliit na mesa doon sa labas. Dalhin mo dito sa loob, ipapatong ko itong pagkain." sabi niya habang pinapakita sa akin ang hawak na mangkok na may umuusok na chicken vegetable soup. "Ikaw na rin magpakain sa kanya ha."Kaagad akong tumalima. Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang folding table sa labas. Muli akong bumalik sa loob ng kwarto saka inayos ang mesa sa gilid ng higaan malapit kay Marco. Nilapag doon ni Inay ang mangkok at isang basong tubig. Nginitian niya ito bago ako binalingan at makahulugan na tinitigan saka lumabas ng kwarto. Napakunot noo pa ako sa kanyang ginawa.Mukhang... napapadalas ata ang pag ngiti ngayon ni Inay ah.Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Marunong na rin siyang makipagbiruan sa mga kaibigan ko. Masigla rin ang kanyang mga kilos lately. Nakikihalubilo na rin sa ibang tao. Panay ng labas n
JILLIANInabot ko ang cream at sinimulan namang lagyan ang bawat sugat niya. Pagkatapos binitbit ko ang palanggana papunta sa kusina. Naghugas ako ng kamay saka muling bumalik sa loob ng kwarto. Nag-alcohol muna ako bago ko sinimulang tanggalin ang benda sa kanyang ulo. Maliit lang naman ang sugat doon pero kung makadugo wagas. Akala mo naman subrang laki. Mas malaki pa nga 'yong hinliliit ko e."Ano nga palang nangyari sayo? Bakit ka napadpad doon sa sapa? Pa'no ka naanod? Umakyat ka ba ng bundok?" sunod-sunod na ulit kong tanong sa kanya sa tanong ni Inay na hindi niya sinagot kanina.Nagbabakasakaling baka magsabi siya sa akin. Ngunit natapos ko na lahat-lahat linisan ang sugat at pinalitan ang benda sa kanyang ulo ay hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Nag-aalalang hinawakan ko ang kanyang mukha."Okey ka lang ba? May... masakit ba sayo?""H-Hindi ko alam. W-Wala akong maalala sa n-nangyari."Napangang
JILLIAN"Marco?" mahinang tawag ko sa kanya ng makita ko siyang gising at nakatingin sa akin ng maalimpungatan ako. Nakaupo na siya sa kanyang higaan, nakasandal sa headrest ng papag. Kaagad akong bumangon sabay tingin sa orasan. Two o'clock. Tumayo ako saka naglakad palapit sa kanya. "Bakit gising ka na? Ang aga pa ah. May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Naupo ako sa gilid ng higaan niya.Tinitigan niya ako bago nilingon ang higaan ko at muli rin akong tinitigan. "Bakit... bakit doon ka natutulog?""Ha?" sabi ko saka nilingon rin ang mahabang upuan na yari sa bamboo."Bakit doon ka natutulog?" ulit niya."Anong bakit doon ako natutulog? Syempre binabantayan kita.""Alam kong binabantayan mo ako.""O alam mo naman pala.""Ang ibig kong sabihin, bakit sa upuan ka lang natutulog?""Dalawa lang naman ang papag namin dito e. Itong sayo saka 'yong isa sa kwarto ko na hinihigaan ni Inay."
JILLIANNapakurap-kurap ako sabay tikom ng aking bibig. Wala sa sariling pinunasan ko pa 'yon na ikinatawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Binawi ko ang kamay kong hawak niya pero hindi niya 'yon binitawan. Napatitig na naman ako doon ng pagsalikupin pa niya ang mga daliri naming dalawa. Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na tumatagos sa aking balat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.He smiled at me. "Ilang taon ka na Jillian?""Bakit mo naman naitanong?""Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang?""Bakit pati edad ko gusto mong malaman?""Bakit bawal ba? Edad lang naman 'yan pinagdadamot mo pa talaga.""Pinagdadamot... alalahanin mo muna ang buong pangalan--""Sabihin mo na. 'Pag may naalala ako tungkol sa sarili ko ikaw mismo ang pinakaunang makakaalam.""Talaga lang ha.""Ilan nga?""Twenty-five.""Twenty-five lang?" gulat na ulit pa niya.I rolled my eyes. "Oo.
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k