JILLIAN
Napakurap-kurap ako sabay tikom ng aking bibig. Wala sa sariling pinunasan ko pa 'yon na ikinatawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Binawi ko ang kamay kong hawak niya pero hindi niya 'yon binitawan. Napatitig na naman ako doon ng pagsalikupin pa niya ang mga daliri naming dalawa. Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na tumatagos sa aking balat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.He smiled at me. "Ilang taon ka na Jillian?""Bakit mo naman naitanong?""Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang?""Bakit pati edad ko gusto mong malaman?""Bakit bawal ba? Edad lang naman 'yan pinagdadamot mo pa talaga.""Pinagdadamot... alalahanin mo muna ang buong pangalan--""Sabihin mo na. 'Pag may naalala ako tungkol sa sarili ko ikaw mismo ang pinakaunang makakaalam.""Talaga lang ha.""Ilan nga?""Twenty-five.""Twenty-five lang?" gulat na ulit pa niya.I rolled my eyes. "Oo.MARCOIlang araw pa ang lumipas ay tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko. Natuyo na din at humilom na ang mga sugat sa aking buong katawan. 'Yung sa mukha ko nawala na rin lahat. Kahit visible pa 'yung mga pasa at peklat, hindi naman na masakit. Ang galing kasi mag-alaga ng ubod sungit kong Caregiver. Napangiti ako sa aking naisip.Though may mangilan-ngilan pang dumudugo dahil pilit kong pinagtatanggal 'yung mga itim-itim sa ibabaw ng mga sugat, still kaya ko na ang sarili ko. 'Yung bunganga lang ni Jillian ang hindi ko kaya. Araw-araw na lang ako sinesermunan. Mas maingay pa sa mga manok sa labas. Bigla ko tuloy namiss 'yong mga araw na para siyang maamong tupa. Tinatanong pa ako at sinusunod lahat ng gusto ko. Pamper na pamper ako sa kanya. Kaso no'ng medyo gumagaling na ako, unti-unti na rin lumalabas ang sungay niya. Iwan ko ba kung bakit laging mainit ang ulo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya maliban sa pagpupumilit kong lumabas ng kwarto. Bu
MARCO"Marco, saan ka pupunta?" habol na tanong sa akin ni Jillian pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paghakbang."Pupunta muna ako sa opisina ni Dad, pero babalik ako mamayang hapon ha." narinig ko pang sabi no'ng lalaki."Ikaw bahala. Salamat ulit dito sa bigay mo.""No problem. Basta ikaw."Tss. Basta ikaw..Nagdadabog na ulit ko pa sa sinabi no'ng lalaki. Pagdating ko sa unahan nagpalinga-linga ako. Naghahanap ng pwede kong matambayan. Nakakita akong malaking puno. Humakbang ako palapit doon saka naupo sa malaking ugat nito. Sumandal ako sa katawan nito saka pumikit.Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit ng may biglang sumundot ng anong bagay sa aking tainga. Kaagad akong napadilat at marahas na nilingon ang istorbo. Nakangising mukha ni Jillian ang sumalubong sa akin. Kinunutan ko siya ng noo saka muling bumalik sa pagkakasandal sa katawan ng punong kahoy."Pinapauwi ka na ni Inay
JILLIAN"Kailan ka pa ba dumating Iho?" tanong ni Inay kay Kevin. "Mukhang nahiyang ka ata sa Manila ah."Kasalukuyan kaming apat kumakain ng agahan sa hapag-kainan. Nakaupo sa gitnang dulo ng mesa si Inay. Sa kanan si Marco at sa kaliwa naman ako naupo. Tumabi sa akin si Kevin. Tahimik at ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kahit si Inay nakahalata rin sa uri ng titigan ng dalawa kaya siya itong gumagawa ng paraan para lang magkaroon ng ingay sa harapan ng hapag.Hindi ko inaasahan na pupunta ngayong umaga si Kevin. Siguro dahil hindi siya nakabalik kahapon? I'm not sure. At wala ding kaso 'yon sa akin kung pumunta man siya dito o hindi.Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina at mukhang manok na isasabong itong dalawa. Nagulat pa nga ako paglabas ko ng bahay para sana tawagin si Marco na kakain na ay matiim na titigan nilang dalawa ang nabungaran ko. Nakakuyom pa ang kamao ni Marco samantalang chill lang si Kevin kahit matalim ang tin
JILLIANNaitulos ako sa aking kinatatayuan matapos ko marinig ang tinawag sa akin ni Marco. Kaagad din uminit ang aking mukha ng sabay-sabay pang napaubo ang tatlo. Naibuga naman ni Kevin ang kinakain niya. Kaagad naman itong inabutan ni Inay ng tubig. Inabot nito iyon sabay inom."Naks kamahalan talaga." nakatawang kantiyaw pa no'ng dalawa sa akin matapos mahimasmasan."Tumigil nga kayong dalawa."Muli silang tumawa. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi man lang natinag ang mga bwesit na 'to. Sarap sipain palabas ng kusina."So kamahalan, pwede ba namin isama si Kuya Pogi sa bukid?" abot taingang ngiti na tanong sa akin ni Cheena.Sinimangutan ko siya sabay talikod. Bumalik ako sa aking upuan sa kabilang mesa. Nakasunod ang tingin nilang lahat sa akin.Pupunta lang pala ng bukid ganun ang ayos nila?Naka-yellow long sleeve si Cheena na tinernuhan ng above the knee na black miniskirt. Tapos si Blessie naman nak
MARCOHindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Nagkakandahaba na rin ang leeg ko kakatanaw kung nasaan na ba sila. Kanina pa kami dito sa bukid nagha-harvest ng carrots pero ang bwesit na dalawang 'yon ang tagal dumating. Tapos hinayaan pa ni Nay Julie maiwan mag-isa sa bahay si Jillian kasama ang lalaking 'yon! Ganun ba kalaki ng tiwala nila kay Kevin? Sino ba kasi 'yon sa buhay ni Jillian?Umuusok ang ilong na tanong ko pa sa aking sarili habang kaliwat kanan na binubunot at tinatapon ang carrots.Pa'no kung gawan ng masama no'n si Jillian? F*ck... Lalaki siya. Magandang dalaga naman si Jillian. Tapos silang dalawa lang nandun!Hep... they've known each other for a long time and they're best friends.Bigla akong natigilan.Korek. Tsaka isa pa ano naman ang pakialam mo sa kanila? Boto naman sa lalaking 'yon si Nay Julie.Oo nga. Baka nga mag-dyowa sila e.Arrgh! Tinanggal ko ang bonnet na suot ko ng
MARCO"Kamukha naman kasi ni Kuya Marco 'yong lead singer no'n e." sabi ni Blessie saka pinasadahan ako ng tingin. "Kung mahaba lang ang buhok niya tsaka may tattoo at earing, siyang-siya talaga 'yon e.""Pero napaka-imposible naman na mapadpad 'yon dito sa bundok. Ang sosyal no'n."Tumango-tango si Blessie. "Sabagay--HUY! Saan ka pupunta Kuya Marco?"Sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Malalaking hakbang na nilapitan ko si Jillian ng makita kong pumunta siyang mag-isa sa puno ng santol bitbit ang isang maliit na basket."Bakit ang tagal niyo ni Kevin pumunta dito sa bukid? Ano bang ginawa niyo?" bungad ko sa kanya paghinto ko sa likuran niya."Ayy-Kabayo ka!" tili niya sabay lingon sa akin. "Bakit ka ba nanggugulat diyan?!" singhal niya sa akin. Napahawak pa ang isang kamay niya sa kanyang dibdib sa subrang pagkagulat. Napatingin ako doon. Natigilan ako ng masilip ko ang kanyang itim na bra pero kaagad din
JILLIANHaist... ano bang pumasok sa utak ko at pati 'yon sinabi ko pa sa kanya?Makailang ulit kong pinagtatampal ng kamay ko ang aking ulo bago pumasok sa aking kwarto. Lumapit ako sa drawer saka naghalungkat ng pwede kong ipalit sa suot ko. Nakakita akong isang malaking dilaw na t-shirt. Kinuha ko iyon pati ang isang maong shorts sa kabilang drawer. Nilapag ko iyon sa papag. Umayos ako ng tayo at akmang maghuhubad na sana ng damit ng malingunan ko si Marco na nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto ko. Bahagya pa akong napaatras sa subrang pagkagulat."Anak ng... anong ginagawa mo dito?!" sighal ko sa kanya.Pero hindi siya natinag. Ni hindi niya nga ako pinansin. Nakanganga at nanlalaki pa ang mga matang pumasok sa loob ng kwarto ko habang walang kurap-kurap na nakatitig sa mga ginupit kong larawan sa magazine na nakadikit sa dingding. Matagal niya iyon tinitigan animo'y gulat na gulat at hindi makapaniwalang meron ako ng mga ganun saka ako bi
JILLIAN"W-What do you mean?""Akala ko kasi dati may sira ang utak--""What the..." bulalas na sabad ko sa kanya sabay tulak sa kanya. Nabitawan niya ako. Sabay pa kaming napaatras. "Inakala mo palang nababaliw na ako noon, ganun?"He laughed.Napikon ako sa kanya kaya malakas ko siyang sinuntok sa kanyang balikat. Aw! Daing niya habang hinihimas ang tinamaan ko. Pero ang lapad pa rin ng ngiti niya sa akin. Sinuntok ko siyang muli pero nasalo niya ito ng kanyang kamay. Hinatak niya ako palapit sa kanya saka muling niyakap. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan."Bitiwan mo ako. Bwesit ka.""Sorry na. Ito naman. I'm just being honest with you." sabi niya. "Inamin ko naman sayo na nagkamali nga ako diba.""Sabagay napagkamalan nga din naman kitang miyembro ng budol gang at manyak." nakatawang sabi ko. "Amanos na tayo."Hindi siya umimik sa sinabi ko. Napatingala ako sa kanya. Kaagad sumalubong
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k