แชร์

Chapter 57

ผู้แต่ง: Bukangliwayway18
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-10-29 19:42:56

Devine

Marahan akong tumayo mula sa aking inuupuan. Nanginginig ang mga binti ko naging mabigat din ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na malalakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung na nanadya siya o talagang nagpapansin lang siya.

Napansin ko ang paghinga niya ng malalim. Parang humigpit din ang pagkakahawak niya sa batang hawak niya.

''Did I disturb the both of you?'' May pagkasarkastikong tanong niya.

Hindi ko namamalayang naikuyom ko na pala ang kamay ko.

''Anong ginagawa mo dito?'' Walang buhay na tanong ko. Kung hindi ko lang iniisip na may kasama siyang bata, baka hindi ko mapigilan ang sarili na saktan siya.

Sarkastiko siyang ngumiti sa akin. Tumaas din ang kabila niyang kilay.

''Did nobody told you? I was invited?'' Mayabang niyang sagot sa akin.

Napagitgit ako ng aking ngipin sa sinabi niya. Ang kapal naman nang mukha niyang sabihan akong imbitado siya? Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya sa akin noon? O talag

บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Whisper of the heart   Chapter 58

    DevineParang sinasaksak ng pauli-ulit ang puso ko sa nakikita ko. The way he took care of Reinver is how he took care of that baby. His eyes were full of love sa tuwing tinitignan at kinakausap niya ang batang hawak niya. Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.Paano niya nagagawang mangako at magsabi ng mahal niya ako. Kami ng anak ko? Sa tuwing sinasabi niyang natatakot siya na baka iwan ko siyang muli. Hindi ba siya nakakaramdam ng konsensya? Nakakapagod kang mahalin Garrett, nakakapagod kang unawain. Hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito? Hanggang kailan mo ako pahihirapan?Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya at sa bata. Kung gaano kasakit ang naramdaman ko kanina ay mas doble ang nararamdaman ko ngayon. Si Janine kasama niya? Nakahawak pa ang malanding babae niya sa balikat niya? Ang galing niyang magpanggap! Ang galing niyang umarte! Kaya ba niya pinaalis si Janine sa party dahil ayaw niyang mabuki

  • Whisper of the heart   Chapter 59

    DEVINENapayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na pag-ihip ng hangin. Tumingala ako sa kalangitan. Madilim. Wala ni isang bituin akong nakita mula roon. Tila nagbabadya ang ulan. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng panahon sa nararamdaman ko ngayon. Mula kaninang dumating kami dito sa mansyon ay hindi pa ako pumasok. Kahit anong pilit sa akin nila Lolo at ni Manang na kumain hindi ako gumalaw. Wala akong gana. Ang gusto ko lang ngayon mapag-isa, gusto ko ng katahimikan. Pero kahit saang sulok siguro ako ng mundo magtago hinding-hindi ko mahahanap ang katahimikan na gusto ko. Malumbay akong bumuntonghininga kasabay ng aking pagpikit. Kung pwede lang ipatangay sa hangin ang sakit. Kung pwede lang ipaanod sa alon lahat ng mabibigat na dala ko ngayon. Gagawin ko.''Hindi ka pa ba papasok Iha?"Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Manang Josie. Tamad ko siyang nilingon. Panandalian lang iyon, agad ko ding ibinalik ang tingin sa kalangitan. Na

  • Whisper of the heart   Chapter 60

    Third person POV'sMalimig ang simoy ng hangin noong gabing yun. Unti-unti na ring pumapatak ang makakapal na patak ng ulan. Bagsak ang balikat ni Garrett habang paatras na lumalabas sa bakuran ng mansyon. Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nakatingin kay Devine na ngayon ay patuloy pa rin sa paghikbi. Marahil ay hindi na niya kayang tanggapin ang ginawang paglilihim ni Garrett sa kanya.Hindi tinanggal ni Garrett ang tingin kay Devine hanggang sa sumarado ng kusa ang gate. Galit niyang ginulo ang buhok niya kasabay ng pagsipa niya ng kanyang sasakyan. Galit siya sa sarili niya dahil sa maling mga naging desisyon niya. Wala naman siyang balak na ilihim kay Devine ang katotohanan na may anak siya sa iba. Pero natakot siyang amininin iyon ng mas maaga dahil ayaw niyang madagdagan pa ang nagawa nitong kasalanan kay Devine. Pinangunahan siya ng takot na kung malaman ni Devine na may anak siya sa ibang babae ay lalong hindi na niya ito patawarin. Tamad siy

  • Whisper of the heart   Chapter 61

    DevineI'm slowy dying. Your love was cruel and painful but my heart keep screaming out your name. Malumbay akong bumuntonghininga kasabay ng mariin kong pagpikit. Nang mapakinggan ang ilang bahagi ng liriko ng kanta. Tamad akong sumandal sa likod ng upuan at walang buhay kong pinagmasdan ang mga bulaklak ng mga orchids. Napakaganda ng mga bulaklak, mula dito sa kinauupuan ko ay naaamoy ko ang halimuyak ng mga iyon. Noon sa tuwing nakikita ko at naaamoy ang mga bulaklak ng mga orchids nagagawa ko pang ngumiti. Pero ngayon ay tila nakalimutan ko na. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng loob ko, pilit kong inuunawa ang lahat pero nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga nasaksihan ko. Kung sinabi na niya lang noon ng mas maaga siguro natanggap ko pa. Hindi iyong ginawa niya akong tanga. Pati ang mga kaibigan niya, si Lolo Fernando. I knew pati siya alam niya iyon. Pero wala man lang nagsabi sa akin kahit isa. Para ano? Magmukha siyang inosente? Ganoon naman ang mga taon

  • Whisper of the heart   Chapter 62

    DevineNapatigil ako sa pagtitipa sa aking computer nang nag-appear sa screen ko ang message mula kay Garrett.Del_Valle@gmail.com''Goodmorning honey...''Napahaplos ako ng aking noo at matamis na napangiti sa hangin. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang binabasa iyon. Hindi naging maganda ang araw ko the past days, dahil sa mga nalaman ko. Galit na galit ako sa kanya. Akala ko nga hihiwalayan ko na siya, akala ko nga hindi ko na gugustuhing maka-usap at makita siya. Pero noong na-realized ko na pwede ko naman pala siyang mapatawad kapag inunawa ko ang lahat at kapag tinanggap ko ang lahat. Lahat ng galit ko nawala. Hindi ko naman talaga kailangang pahirapan siya dahil lang sa paglilihim niya sa akin. Tama ang sinabi ni Sam na... We can hurt someone we love by thinking and doing what's best for them. We don't know how much hard they fight that conscience inside them just to protect us. Mas mahirap daw iyon, ang magkimkim ka ng guilt. Per

  • Whisper of the heart   Chapter 63

    Devine Active-12 hours-ago. Malungkot akong bumuntonghininga. Sabi niya kapag nasa airport na sila tatawag siya agad. Pero hanggang ngayon wala pa. Walong oras lang naman ang byahe niya galing Dubai. Parang biglang naging sobrang bigat ang pakiramdamdam ko. Parang kinakabahan ako at tila ba pakiramdam ko ay napapagud na ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil sanay naman na ako na ganito ang nararamdaman sa tuwing umaalis siya. Lagi kasi akong nag-iisip ng mali. Na feeling ko may ginawa na naman siya. Na baka nagkita sila ni Janine. Dahan-dahan kong itinuklop ang laptop ko at naglakad papuntang balcony. Napahaplos ako ng aking balikat nang biglang humihip ang malamig na hangin. Pati mga balahibo ko ay nagtayuan na rin. Malapit nang lumubog ang araw. Mula dito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang malawak na damuhan. Ang mala apoy na kulay ng araw ay tumatama sa aking katawan. Muli akong huminga nang

  • Whisper of the heart   Chapter 64

    DevinePara akong kandilang unti-unting nauupos. Hindi! Hindi siya iyan! Hindi ako na niniwalang si Garrett ang taong nakita nila. Hindi totoo ito, hindi pa patay ang asawa ko! Hindi! Parang pinipiga ang buo kung katawan, ang puso ko, ang kaluluwa ko! Hindi ko na yata kayang lagpasan ang pagsubok na ito. Ang dami-daming pwedeng mangyari bakit ganito? Bakit siya?''Devine?'' Tumulo ang mga luha ni Sam noong tawagin niya ako. Banayad niyang hinaplos ang likod ko at niyakap niya ako.''Pwede mo na siyang makita...''''Sa ganitong paraan?'' Humikbi ako ng tuluyan. Pinilit kong maging matatag, maging matapang.Inalalayan ako ni Sam. Paisa-isa ako ng hakbang papalapit sa itim na bag kung saan inilagay si Garrett. Nanginginig ang buo kung katawan. Namamanhid ako. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi noon. Habang dahan-dahan nilang binubuksan iyon lalong sumasakit ang dibdib ko. Gustuhin ko mang umasa na buhay pa siya. Heto na! Wala na. Wala na ang asawa ko..

  • Whisper of the heart   Chapter 65

    Devine''Iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa,'' Walang buhay na sinabi ko kay Sam. Ilang linggo na ang nakaraan noong mailibing si Garrett. Hanggang ngayon sobrang bigat at sobrang sakit pa rin. Hindi ko magawang tapusin ang isang buong araw na hindi ako umiiyak. Walang gabi na hindi ko hinanap ang mga yakap niya. Walang umaga na hindi tumulo ang aking mga luha. Kung pwede ko lang ibalik ang mga araw na nandito siya. Gagawin ko.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. ''Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka o kaya si Erika.'' malumanay na sinabi niya.Tamad akong tumango.Hindi naman na sana niya kailangan na manatili pa dito sa mansyon pero ginawa pa rin niya. Siguro iniisip niya na pababayaan ko ang sarili ko o kaya baka magpakamatay ako. Which is minsan ko nang tinangka pero nakita lang ako ni Erika.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko noon, dalawang gabi matapos mailibing si Garrett. Basta sobrang bigat at sobrang sakit iyong hind

บทล่าสุด

  • Whisper of the heart   ENDING

    Devine''Parang malalim ang iniisip mo ah?'' mahinang tanong ko kay Garrett. Humawak ako sa kanyang braso at sumandal sa kanyang balikat.Malungkot siyang bumuntonghininga at tumingala sa kalangitan. Nasa balcony kami ngayon ng mansyon, hindi na kami bumalik sa dating bahay na binigay ni Sam dahil hindi na gusto ni Lolo na iwan pa namin siya.''Matagal na panahon na hindi ko nagawang pagmasdan ang mga tala at buwan sa kalangitan. Sabi ni Dr. Fuentes ang buwan at mga tala daw ang talagang paborito ko. Hindi ang katahimikan sa dilim...'' Sagot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya doon.''Simula noong naaksidente ako hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang buwan at mga tala sa gabi. Ang gusto ko lang noon, magpakain sa dilim. Hanggang makita ko muli ang liwanag kinabukasan.'' Malungkot na dagdag niya.''Alam mo ba... Sa mga panahon na wala ka, lagi akong humihiling sa mga tala na ibalik ka na sa ak

  • Whisper of the heart   Chapter 75

    Devine"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila.Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko."Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d

  • Whisper of the heart   Chapter 74

    Third Person's POV'sGulong-gulo si Garrett noong makita ang ginawa ng nagpakilalang Mama ni Janine kay Janine. Napatulala siya dahil galit nitong sinalubong ng sampal si Janine. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng babae. Gusto niyang ipagtanggol sana si Janine subalit alam niyang wala siyang karapatan. And besides he respect that old woman...Lalo pang nagpagulo sa isip niya ang sinabi ng babae na may ibang pamilya na siya. Ganoon pa man kahit gulon-gulo na siya. Pinilit niya pa ring aninagin ang pinag-uuspan ng mag-ina. They were fighting kaya kahit mahina iyon ay naaaninagan niya dahil mataas ang boses nila sa isa't-isa.Hindi man niya maunawaan kung bakit ganoon ang pinagsasabi ng matanda kay Janine. Nakaramdam pa rin ito ng malaking duda. Noong napansin niyang lalong lumalala ang tensiyon sa dalawa ay minabuti niyang umalis na lang doon."Garrett…!" Tawag sa kanya ni J

  • Whisper of the heart   Chapter 73

    Janine"Sa bahay mo na lang ako magkakape.""No!" Sigaw ko. Halong takot at inis ang naramdaman ko. Ano bang pumasok sa isip niya at kailangan na yayahin pa niya akong magkape.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa linya. "Ooookay..." Mahabang saad niya sa akin.Nakahinga ako nang malalim. Nilingon ko si Garrett na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Kunot din ang kanyang noo."Is someone bothering you?" Tanong niya. Kinuha pa niya ang unan na nasa pagitan namin. Inilapag niya iyon sa kanyang likuran tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin.Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Wala... Iyong si Kris. Nakakainis, kasi ang kulit niya gusto niyang lumabas na naman kami. It was my day off and I don't want to go anywhere. Mag-isa mo lang dito kaya kailangan ay samahan kita.Nagtaas siya ng kanyang dalawang makakapal na kilay sinabayan niya iyon ng malalim na buntonghininga. "Sasamah

  • Whisper of the heart   Chapter 72

    Janine''What?! How come you can't approve his visa? You should do something! Mga bwesit kayo!'' Galit na bulyaw ko sa kausap ko ngayon sa agency. They must approve his visa sa lalong madaling panahon. Hindi kami pwedeng manatili dito sa Pilipinas. It's been Six months since nag-apply ako. And there's nothing happened.Mariing napailing ang matabang lalaking kaharap ko ngayon. Hinilot rin niya ang kanyang sintido.''Ma'am... Hindi po pumasa sa evaluation si Sir.'' mahinahong pakiusap niya.Napagitgit ako ng aking mga ngipin. Malakas kong hinampas ang mesa. Dahilan para mapaiktad siya.''You f**king tell me the reason! Ilang buwan na akong naghihintay. Ilang milyon ba ang dapat isuhol sa iyo? Mukhang pera ka!'' Galit na sigaw ko.''I don't need your money. If you have a millions I have that too... Don't you dare be littling me. You may go, or else you will be scourted by the guards.''Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. ''F**k yo

  • Whisper of the heart   Chapter 71

    Janine''Sino ka? At nasaan ako?'' Hindi mapakaling tanong ni Garrett noong tuluyan na siyang magkaroon ng malay. Napakuyom pa ito ng kanyang kamay at mariing napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Marahil dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likuran.Lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang dalawa kong palad para pigilan siyang gumalaw. Hindi iyon nakakabubuti sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.''Love... Calm down,'' Pag-aalo ko sa kanya.Pansin na pansin ko ang malakas na pagtaas baba ng kanyang baga.''Nasaan ako? Sino ka?'' Ulit niyang muli.Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.''Tumingin ka sa akin...'' malunay na pakiusap ko. ''Wala ka ba talagang naalala?'' Tanong ko.Marahan siyang umiling. Napangiwi pa siya, marahil ay sumakit ang kanyang ulo.''Love... Ako si Janine... At asawa mo ako. Hindi mo ba naalala?'' malungkot na tanong ko sa kanya. I even fake to cry para

  • Whisper of the heart   Chapter 70

    Devine"How's your day?" Nakangiti at patango-tango na tanong ni Sam sa akin.Katatapos ko lang ng trabaho ko sa opisina. Medyo mahirap pa para sa akin ang lahat dahil naninibago pa lang ako. Mula kasi noong mamatay si Garrett ako na ang nagpatakbo ng kumpanya niya. It was hard and so tiring. Mabuti na lang at nandiyan si Sam na umaalalay sa akin. Kung wala siya ewan ko na."Mabuti naman..." Sagot ko. Saka ako ngumiti ng tipid sa kanya.Nginitian niya rin ako matagal bago iyon nawala. Tapos iyong titig niya parang may ibig sabihin."Bakit?" Halos sumimangot na ako sa tanong ko.Bahagya siyang humalakhak. "I am just happy seeing you smiling again. Ang tagal kasing walang gumuhit na ngiti sa iyong labi." Nakangiti niyang sabi sa akin, tapos ay tumalikod.Sumandal siya sa aking mesa. Saka pinag- Cross ang kanyang mga braso sa dibdib. Tumingala din siya sa kisame na akala mo ay may kung ano siyang pinapanuod doon.Narinig ko

  • Whisper of the heart   Chapter 69

    JanineMahinang ungol ni Garrett ang gumising sa akin. Nakatulugan ko na pala ang pagbabantay ko sa kanya. Marahan akong nag-angat ng tingin at sandaling hinawi ang aking buhok na tumakip sa aking mukha. I just slept beside him dito sa upuan. Medyo nahilo pa ako dala ng bigla kong pagtayo upang tignan siya.Nakapikit naman siya pero ang itsura niya ay tila nasasaktan siya. Dahil nakakunot ng husto ang kanyang noo. Marahan kong hinaplos ang noo niya. Saka yumuko ako at hinalikan iyon.''May masakit ba Love?'' Mahinang tanong ko sa kanya. Marahan at maingat kong hinaplos ang balikat niya gamit ang aking hinlalaki.''Hmmm...mmmm...'' Ungol niyang muli. Parang nasasaktan siya.Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan ang hahawakan ko para maibsan kung ano man ang masakit sa kanya.''Shhhh...'' mahinang saad ko sa kanya. Kasabay ng maingat na paghaplos sa balikat niya. Marahil ay doon banda ang masakit dahil doon mismo

  • Whisper of the heart   Chapter 68

    JanineAgad kong tinawagan si Dr. Fuentes nang magmulat nang mata si Garrett. Tulala siya ng ilang minuto, walang kahit anong imik.Muli kong hinaplos ang kanyang mukha at hinagkan ang kanyang noo. ''Kumusta na ang pakiramdam mo Love?'' malambing na tanong ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig mula sa bibig niya. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling pumikit.Naging emosyonal ako sa mga nangyayari. Swerte pa rin siya... Actually ako kasi kahit sobrang mapanganib ang naging sitwasyon niya ay nakaligtas pa rin siya. Makaraan ang ilang sandali ay may kumatok sa may pintuan. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan iyon.''How is he now?'' malumanay na tanong sa akin ni Dr. Fuentes. Pagkabukas ko pa lang ng pinto.Bumuntonghininga ako at tipid na nginitian siya. ''Come... Check on him,'' Iginiya ko siya papalapit kay Garrett.Agad niyang hinawakan ang noo ni Garrett. Pagkuwan ay sinuri ang iba't-ibang bahagi ng kanyang kataw

DMCA.com Protection Status