Devine
Ganoon na lang ang pagkamangha ko nang buksan ko ang malaking pintuan ng mansyon. Napaka engrade ang dekorasyon sa kabuuan ng mansyon.
Lumingon lahat sa akin ang mga bisita ni Lolo. Batid kong tila nagulat sila sa pagdating ko. Sandali kong ikinalat ang paningin ko sa mga taong naroon. Lahat sila ay halatang may kaya at mayayaman. Kilala ko ang iba sa kanila. Marami sa kanila... Mga taong minsan akong hinusgahan at sinaktan. Dumagundong nang husto ang dibdib ko, hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko. parang muli kong naramdaman ang takot na tulad ng kung paano nila ako itinakwil noon.
''Iha...'' Hinanap ko ang boses na iyon.
Si Lolo? Nasa taas siya may hawak na mikropono. Masaya siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nakatitig lang sa kanya. Kita ko sa mga mata ni Lolo kung gaano siya kasaya noong makita niya ako.
''Ipinakikilala ko sa inyong lahat, ang aking nag-iisang apo at kaisa-isang tagapagmana ng pamilya Valdez! Ang akin
DevineMarahan akong tumayo mula sa aking inuupuan. Nanginginig ang mga binti ko naging mabigat din ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na malalakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung na nanadya siya o talagang nagpapansin lang siya.Napansin ko ang paghinga niya ng malalim. Parang humigpit din ang pagkakahawak niya sa batang hawak niya.''Did I disturb the both of you?'' May pagkasarkastikong tanong niya.Hindi ko namamalayang naikuyom ko na pala ang kamay ko.''Anong ginagawa mo dito?'' Walang buhay na tanong ko. Kung hindi ko lang iniisip na may kasama siyang bata, baka hindi ko mapigilan ang sarili na saktan siya.Sarkastiko siyang ngumiti sa akin. Tumaas din ang kabila niyang kilay.''Did nobody told you? I was invited?'' Mayabang niyang sagot sa akin.Napagitgit ako ng aking ngipin sa sinabi niya. Ang kapal naman nang mukha niyang sabihan akong imbitado siya? Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya sa akin noon? O talag
DevineParang sinasaksak ng pauli-ulit ang puso ko sa nakikita ko. The way he took care of Reinver is how he took care of that baby. His eyes were full of love sa tuwing tinitignan at kinakausap niya ang batang hawak niya. Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.Paano niya nagagawang mangako at magsabi ng mahal niya ako. Kami ng anak ko? Sa tuwing sinasabi niyang natatakot siya na baka iwan ko siyang muli. Hindi ba siya nakakaramdam ng konsensya? Nakakapagod kang mahalin Garrett, nakakapagod kang unawain. Hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito? Hanggang kailan mo ako pahihirapan?Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya at sa bata. Kung gaano kasakit ang naramdaman ko kanina ay mas doble ang nararamdaman ko ngayon. Si Janine kasama niya? Nakahawak pa ang malanding babae niya sa balikat niya? Ang galing niyang magpanggap! Ang galing niyang umarte! Kaya ba niya pinaalis si Janine sa party dahil ayaw niyang mabuki
DEVINENapayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na pag-ihip ng hangin. Tumingala ako sa kalangitan. Madilim. Wala ni isang bituin akong nakita mula roon. Tila nagbabadya ang ulan. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng panahon sa nararamdaman ko ngayon. Mula kaninang dumating kami dito sa mansyon ay hindi pa ako pumasok. Kahit anong pilit sa akin nila Lolo at ni Manang na kumain hindi ako gumalaw. Wala akong gana. Ang gusto ko lang ngayon mapag-isa, gusto ko ng katahimikan. Pero kahit saang sulok siguro ako ng mundo magtago hinding-hindi ko mahahanap ang katahimikan na gusto ko. Malumbay akong bumuntonghininga kasabay ng aking pagpikit. Kung pwede lang ipatangay sa hangin ang sakit. Kung pwede lang ipaanod sa alon lahat ng mabibigat na dala ko ngayon. Gagawin ko.''Hindi ka pa ba papasok Iha?"Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Manang Josie. Tamad ko siyang nilingon. Panandalian lang iyon, agad ko ding ibinalik ang tingin sa kalangitan. Na
Third person POV'sMalimig ang simoy ng hangin noong gabing yun. Unti-unti na ring pumapatak ang makakapal na patak ng ulan. Bagsak ang balikat ni Garrett habang paatras na lumalabas sa bakuran ng mansyon. Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nakatingin kay Devine na ngayon ay patuloy pa rin sa paghikbi. Marahil ay hindi na niya kayang tanggapin ang ginawang paglilihim ni Garrett sa kanya.Hindi tinanggal ni Garrett ang tingin kay Devine hanggang sa sumarado ng kusa ang gate. Galit niyang ginulo ang buhok niya kasabay ng pagsipa niya ng kanyang sasakyan. Galit siya sa sarili niya dahil sa maling mga naging desisyon niya. Wala naman siyang balak na ilihim kay Devine ang katotohanan na may anak siya sa iba. Pero natakot siyang amininin iyon ng mas maaga dahil ayaw niyang madagdagan pa ang nagawa nitong kasalanan kay Devine. Pinangunahan siya ng takot na kung malaman ni Devine na may anak siya sa ibang babae ay lalong hindi na niya ito patawarin. Tamad siy
DevineI'm slowy dying. Your love was cruel and painful but my heart keep screaming out your name. Malumbay akong bumuntonghininga kasabay ng mariin kong pagpikit. Nang mapakinggan ang ilang bahagi ng liriko ng kanta. Tamad akong sumandal sa likod ng upuan at walang buhay kong pinagmasdan ang mga bulaklak ng mga orchids. Napakaganda ng mga bulaklak, mula dito sa kinauupuan ko ay naaamoy ko ang halimuyak ng mga iyon. Noon sa tuwing nakikita ko at naaamoy ang mga bulaklak ng mga orchids nagagawa ko pang ngumiti. Pero ngayon ay tila nakalimutan ko na. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng loob ko, pilit kong inuunawa ang lahat pero nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga nasaksihan ko. Kung sinabi na niya lang noon ng mas maaga siguro natanggap ko pa. Hindi iyong ginawa niya akong tanga. Pati ang mga kaibigan niya, si Lolo Fernando. I knew pati siya alam niya iyon. Pero wala man lang nagsabi sa akin kahit isa. Para ano? Magmukha siyang inosente? Ganoon naman ang mga taon
DevineNapatigil ako sa pagtitipa sa aking computer nang nag-appear sa screen ko ang message mula kay Garrett.Del_Valle@gmail.com''Goodmorning honey...''Napahaplos ako ng aking noo at matamis na napangiti sa hangin. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang binabasa iyon. Hindi naging maganda ang araw ko the past days, dahil sa mga nalaman ko. Galit na galit ako sa kanya. Akala ko nga hihiwalayan ko na siya, akala ko nga hindi ko na gugustuhing maka-usap at makita siya. Pero noong na-realized ko na pwede ko naman pala siyang mapatawad kapag inunawa ko ang lahat at kapag tinanggap ko ang lahat. Lahat ng galit ko nawala. Hindi ko naman talaga kailangang pahirapan siya dahil lang sa paglilihim niya sa akin. Tama ang sinabi ni Sam na... We can hurt someone we love by thinking and doing what's best for them. We don't know how much hard they fight that conscience inside them just to protect us. Mas mahirap daw iyon, ang magkimkim ka ng guilt. Per
Devine Active-12 hours-ago. Malungkot akong bumuntonghininga. Sabi niya kapag nasa airport na sila tatawag siya agad. Pero hanggang ngayon wala pa. Walong oras lang naman ang byahe niya galing Dubai. Parang biglang naging sobrang bigat ang pakiramdamdam ko. Parang kinakabahan ako at tila ba pakiramdam ko ay napapagud na ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil sanay naman na ako na ganito ang nararamdaman sa tuwing umaalis siya. Lagi kasi akong nag-iisip ng mali. Na feeling ko may ginawa na naman siya. Na baka nagkita sila ni Janine. Dahan-dahan kong itinuklop ang laptop ko at naglakad papuntang balcony. Napahaplos ako ng aking balikat nang biglang humihip ang malamig na hangin. Pati mga balahibo ko ay nagtayuan na rin. Malapit nang lumubog ang araw. Mula dito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang malawak na damuhan. Ang mala apoy na kulay ng araw ay tumatama sa aking katawan. Muli akong huminga nang
DevinePara akong kandilang unti-unting nauupos. Hindi! Hindi siya iyan! Hindi ako na niniwalang si Garrett ang taong nakita nila. Hindi totoo ito, hindi pa patay ang asawa ko! Hindi! Parang pinipiga ang buo kung katawan, ang puso ko, ang kaluluwa ko! Hindi ko na yata kayang lagpasan ang pagsubok na ito. Ang dami-daming pwedeng mangyari bakit ganito? Bakit siya?''Devine?'' Tumulo ang mga luha ni Sam noong tawagin niya ako. Banayad niyang hinaplos ang likod ko at niyakap niya ako.''Pwede mo na siyang makita...''''Sa ganitong paraan?'' Humikbi ako ng tuluyan. Pinilit kong maging matatag, maging matapang.Inalalayan ako ni Sam. Paisa-isa ako ng hakbang papalapit sa itim na bag kung saan inilagay si Garrett. Nanginginig ang buo kung katawan. Namamanhid ako. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi noon. Habang dahan-dahan nilang binubuksan iyon lalong sumasakit ang dibdib ko. Gustuhin ko mang umasa na buhay pa siya. Heto na! Wala na. Wala na ang asawa ko..