Chapter 43NAGISING si Leila na nananakit ang buong katawan. Nag-e-exercise siya at may workout routine kaya nagtataka siya kung bakit masakit ang lahat sa kanya? Scam ang movie at TV series na nakikita niya na nakakatakbo ang mga babae pagkatapos gawin ang bagay na iyon! Napakagat si Leila ng pang-ibabang labi. Ngayon yata siya nakakaramdam ng hiya pagkatapos ng lahat. Kagabi, noong halîkan siya ni Zephyr at unti-unting lumalalim iyon, alam na agad ni Leila kung saan hahantong ang tagpong iyon. Wala naman siyang makapang tutol sa sarili at imbes, hinihintay niya pa nga 'yon. Walang masama dahil mag-asawa silang dalawa ni Zephyr. Pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi at ngayon siya pinamulahan ng mga pisngi. Zephyr was very gentle last night... Well at first. Iyong first time niya ay hindi sobrang sakit. Pero dahil nakailang hirit si Zephyr sa kanya, eto siya ngayon, masakit nga ang katawan. Kung after care naman ang usapan... Zephyr took care of her last night. Parang han
Chapter 44“ANONG pag-uusapan nating dalawa, mommy?”Tinitigan si Leila ng mommy niya mga ilang minuto bago ito nagsalita. Pero hindi agad sagot sa tanong niya. “You looked happy.”Sa sinabi nito, napangiti rin s'ya. “Maayos kaming magkasama ni Zephyr, mommy. That's why I'm happy.”Nakita ni Leila ang pagbabago ng itsura ng ina at parang hindi ito natuwa sa tinuran niya. Her mother should be happy now that her marriage is working, right? Alam niyang bata siya nag-asawa pero hindi naman siya pinabayaan ni Zephyr. Isa pa, kahit nag-aaral pa silang dalawa, may trabaho si Zephyr at siya naman, natuto na siyang mag-invest sa mga company kaya kahit paano ay may nakukuha siyang dividends buwan-buwan. Hindi man sobrang laki tulad ng allowance niya dati, kaya siyang buhayin ng sarili niyang pera. But maybe, her mother is still having doubts about Zephyr. Idagdag pa na hindi talaga nito gusto ang lalaki para sa kanya. Ang nakumbinse niya lang sa ganito ay ang daddy niya. Dati pa talaga, pina
Chapter 45NAKAUWI na si Leila pero hanggang ngayon, ang gumugulo sa isipan niya ay ang naging usapan nila ng kanyang ina. Hindi niya alam ang gagawin. She doesn't want to give up Zephyr. But her father is in danger. Hindi man niya matanggap ang mga ginawa nito na labag sa batas, ama niya pa rin ito. Mas matimbang ang pagiging ama nito kaysa sa kasalanan nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin ngayon. Gusto niyang iligtas ang ama. God knows she really wants to save her father. Pero hindi siya sang-ayon sa gusto ng ina niya na ipagkakasundo siya sa kakilala nitong maaaring tumulong sa ama niya. Bukod sa pakiramdam niya ay pinagbibili siya ng ina, hindi niya kayang iwan si Zephyr dahil mahal na mahal niya ito.Napakagat labi si Leila at hindi mapigilang umiyak. Pinilit niyang huwag humagulgol pero may iilang hikbi na umalpas sa bibig niya. ‘God, I don't know what to do. I wanna save my father but I don't want to divorce Zephyr. Pareho silang importante sa akin at pareho ko rin silang
Chapter 46UMALIS si Leila ng tahimik sa condo. Habang lulan ng sasakyang inarkila, nagpaulit-ulit sa utak niya ang mga katagang binitiwan ni Zephyr. Kahit na gusto niyang kalimutan iyon kahit sandali, hindi niya magawa dahil pakiramdam niya, bumaon at tumimo iyon sa kasulok-sulukan ng puso't isip niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon pero ang alam niya lang sa sarili, gusto muna niyang lumayo at mag-isip isip muna.Habang nasa daan, biglang nag-ring ang cellphone niya. Wala siyang balak na sagutin iyon dahil ang nasa isip niya ay si Zephyr ang tumatawag sa kanya. Pero nang tingnan, ang ama niya pala ang tumatawag sa kanya! Pinalis ni Leila ang luha sa mga mata at nagmamadaling pinindot ang answer icon para makausap ang ama. “Daddy...”Hindi pa man ito nakakapagsalita, agad na siyang tumawag dito. Narinig niya ang marahas na hinga ng ama sa kabilang linya at saka ito nagtanong sa kanya. “Princess, what happened? Are you crying? Who made you cry?”“Daddy, a-are you saf
Chapter 47HINDI PA rin makapaniwala si Leila sa mga nalaman sa kambal. Pinadala sila ng ama niya para protektahan siya. Inutusan sila na bantayan siya dahil sa tingin nito ay hindi magtatagal at magugulo ang buhay nila at ayaw ng ama niya na madamay siya sa gulo. At hindi nga ito nagkamali. Ngayon ay hindi alam ni Leila kung nasaan ang ama, ang ina niya ay naghahanap ng paraan para mailigtas ang daddy niya at siya naman, narito, hindi alam ang gagawin sa buhay. Gulong-gulo si Leila sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Galit siya kay Zephyr dahil pakiramdam niya at niloko siya nito. He told her, he's falling for her - that he's trying and learning to love her. Pero ang marinig mula mismo sa bibig nito na hirap itong mahalin siya pagkatapos ng lahat, iyon ang masakit kay Leila. Sa isang pagsasama, hindi lang pag-ibig ang mahalaga, hindi ba? Mas mahalaga ang tiwala para kay Leila. Kaya ang patuloy na panloloko ni Zephyr sa kanya, masakit iyon. Masakit na masakit sa kanya. Kasi bini
Chapter 48“ZEPHYR! ZEPHYR, buksan mo 'tong pintong 'to!”Kanina pa sinusubukan ni Leila na buksan ang pinto pero nanatili iyong nakapinid. Ang tao naman sa labas noon ay parang hindi siya naririnig. Pagkatapos niyang sabihin kay Zephyr na may namamagitan sa kanila ni Mark, dumilim ang mukha nito at bigla, natakot si Leila para sa sarili niya. Ngunit hindi na niya mababawi ang sinabi rito kaya hindi na siya umimik. Para iwan talaga siya ni Zephyr, kung kailangan na siya ang magmukhang masama at cheater, gagawin niya, maghiwalay lang silang dalawa. Pero wala sa hinagap ni Leila na imbes na i-confront siya ni Zephyr, ang gagawin nito ay kakaladkarin siya patungo sa kwarto at kinulong siya roon. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya nito pinalalabas. Halos mamaos na rin ang boses niya kakasigaw at nananakit ang mga kamay sa pagsuntok sa pinto pero walang galaw sa kabilang pinto. Leila bit her lips. Anong gagawin niya ngayon? Kailangan na niyang umalis dito. She paced back
Chapter 49KANINA pa nakatitig si Leila sa ilaw ng clinic kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa rin buo ang loob niya na gawin ang pinayo ng doktor sa kanya. She was advised to terminate her pregnancy. Noong araw na malaman niyang buntis siya, doon niya rin nalaman na may heart problem siya. Maaaring malagay sa alanganin ang buhay niya kung itutuloy ang pagbubuntis niya.Doctors found out that there's a hole in her heart. Delicate iyon at kailangan ng masusing gamutan para maging maayos siya. Kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis, it will affect her body negatively. Iyong excitement na mayroon siya dahil magkakaanak siya, nawala. Her mother also found out about it and she wanted to get rid of the baby. First, to secure Leila's life. And the second one, ikakasal na si Leila sa lalaking sinasabi ng ina. Hindi siya pwedeng magkaroon ng anak kay Zephyr. Kaya ito si Leila ngayon, nasa private clinic ng isang OB-GYNE. Mabuti na lang at nakapasa na ang batas na legal ang medical abort
Chapter 50“ZEPHYR, aren't you a little harsh on your wife? Taena, hindi nga little iyon, e. You're too harsh on her. Kapapanganak pa lang niya sa anak ninyo pero kinuha mo ang bata. I know you're mad at her but you don't have to do this kind of thing. Kung hindi mo na mahal, ipasa mo na ang divorce papers na pirmado niya. Hindi iyong kinuha mo ang anak niya sa kanya.”Cash ranted on. Mahigpit ang pagkakayakap ni Zephyr sa anak na buhat niya ngayon. This is the first time he got to hold his baby. Sa tant'ya niya ay wala pang month old ang bata dahil mukha talaga itong bagong panganak pa lang. Parang inusig siya ng konsensya lalo pa't naalala niya kung paano nakiusap si Leila sa kanya. Pero galit siya hanggang ngayon. Pagkatapos nitong sabihin sa kanya na nagtaksil ito kasama ang Mark na iyon, halos mamatay siya sa galit. Pero hindi niya sinaktan si Leila. Kinulong niya lang ito habang iniisip kung paano papatayin ang Mark na iyon. Kung talagang mahal nga ni Leila ang lalaking iyon
Kailangan talagang aminin, parang robot si Chastain. Mas mabilis ang takbo ng treadmill niya kaysa kay Patricia. Parang ang gaan ng katawan niya habang tumatakbo, may ngiti pa sa mukha. Walang ka-pressure-pressure.Habang tumatakbo, lumingon pa siya kay Patricia na halos mamatay na sa pagod, “Tuloy lang ha, naka-1 kilometer na ako.”Galit na galit si Patricia kay Chastain, parang gusto niyang nguyain ang ngipin sa sobrang inis. Totoo ngang nakakainis ang taong ito, parang gusto mong suntukin palagi!Habang lumilipas ang minuto, lalong lumalakas si Chastain tumakbo. Habang si Patricia, halos lampas lang sa isang kilometro ang narating… Sobrang layo ng agwat nila. Sinubukan niyang dagdagan ang bilis, pero konting bilis lang, parang hindi na kaya ng katawan niya.Lalong sumakit ang tiyan niya.Yung sakit na natigil lang sandali nung huling punta niya sa ospital, parang bumalik na naman.Oo, totoo. Hindi lang kasi hindi ayos ang pagkain niya, pero grabe rin ang workout niya kahit wala siy
Chapter 57PAGBALIK ni Patricia sa kumpanya, halos gumuho na siya pagkatapos sumagot ng sangkatutak na tawag mula sa mga reporter buong hapon. Sa gitna ng lahat ng ito, bigla siyang nakatanggap ng tawag sa cellphone...Si Zaldy ang tumatawag!Nagulat si Patricia at naalala niya bigla ang tungkol sa fitness at pagpapapayat! Napailing siya... Kumain lang siya ng kung anu-ano kanina sa almusal at tanghalian at ngayon gutom na gutom na siya na parang didikit na ang likod niya sa dibdib!Pero pinaalalahanan siya ng nutritionist niya na bawal ang mga pagkaing mataas sa calories! Bawal ang instant noodles at tinapay! Pati mga siopao at siomai, masyadong maraming starch kaya madaling makapagpataba, kaya bawal din. Ni hindi nga siya puwedeng kumain sa mga noodle shop...Pwede siyang kumain ng baka, pero ‘yung nilaga lang sa tubig, walang lasa!Naisip niya, napaka-depressing naman ng future niya."Pat, makakarating ka ba on time sa training mamaya, 7 PM?" tanong ni Zaldy sa telepono."Oo... oo.
Nang marinig ni Patricia ang pagbabanta ng isang tao, parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya.Lumapit sa kanya si Daemon, halos magkadikit na ang mukha nila sa dibdib nito! Naamoy niya ang bango ng katawan nito at biglang bumilis ang tibok ng puso niya! Sa sobrang kaba niya, biglang tumunog ang cellphone niya at pinutol ang tensyon sa pagitan nila.Napabuntong-hininga si Patricia, umatras ng bahagya at sinagot ang tawag.Galit na sigaw sa kabilang linya. "Patricia! Bumalik na si Hennessy, ikaw hindi pa rin? Gusto mo bang bigyan kita ng bakasyon?"Napalayo si Patricia sa cellphone niya. Halos mabingi siya sa lakas ng boses.Alam niyang dahil sa mga eskandalo ni Hennessy ngayon, siguradong abalang-abala ang buong kumpanya. Pero siya? Biglang nawala..."Sorry, babalik na ako ngayon." Paalis na sana si Patricia habang hawak pa ang cellphone niya, pero bigla itong kinuha ni Daemon."Ako si Daemon Alejandro. Binabayaran ako ni Patricia para sa appearance ko."Nanlaki ang mga m
Chapter 56NGAYON na nakaalis na si Hennessy at ang assistant, saan naman kaya siya dadalhin ni Daemon?Napatigil si Patricia sandali... Matapos siguraduhin na wala na siyang ibang pagkakataong makiusap kay Daemon tungkol sa reporter, sumunod na rin siya sa lalaki. Hindi naman kalakihan ang sea-view villa, pero moderno ang disenyo. May hiwalay na area para sa pagtanggap ng bisita sa harapan, at sa likod naman ay may viewing platform na tanaw ang dagat. Mula sa living room, kita agad ang malalaking floor-to-ceiling window na diretso ang tanaw sa karagatan.Sa isang iglap, bumungad ang araw, ang buhanginan, at ang mahabang baybayin.Nakaupo si Daemon sa isang reclining chair na mukhang sobrang kumportable. Nakapikit ang lalaki at bakas sa mukha ang pagod, parang ayaw niya na talagang dumilat pa.Tumayo lang si Patricia sa tabi, hindi alam kung lalapit ba siya o mananatiling nakatayo. Lahat ng inihanda niyang sasabihin ay tila nawala na sa isip niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang
Mabilis na nawala sa paningin ng lahat ang sports car at lumabas ng villa community.Tiningnan ni Patricia ang assistant sa tabi niya, parang tulala: "Umalis na si Mr. Daemon? Paano na ‘yung gusto kong sabihin sa kanya?"Kalma lang na sinenyasan siya ng assistant: "Dadaan tayo sa ibang ruta para makasabay kay Sir. Huwag kang mag-alala, makikita mo rin siya mamaya."Huminga ng malalim si Patricia, medyo nakahinga ng maluwag."Pero kung papayag siya sa hiling mo, ibang usapan na ‘yun." dagdag pa ng assistant, parang nakasanayan na.Napabuntong-hininga si Patricia. Oo nga naman, tuwing may hihingin siya kay Daemon, parang laging may kapalit na hirap… Napaisip siya kung anong panibagong kalokohan nanaman ang naiisip ni Daemon.Pero hindi pa ito ang tamang oras para mag-isip ng kung ano-ano. Sa totoo lang, kahit gaano pa siya pinaglaruan ni Daemon, hindi naman siya nito sinaktan sa totoong paraan.Habang papalayo na ang sasakyan, napansin ni Patricia na papunta sila sa labas ng siyudad at
Chapter 55DINALA si Patricia ng assistant ni Daemon sa isang ibang villa para makapagpalit ng damit.Sa totoo lang, gusto sanang sabihin ni Patricia na malamang wala namang damit para sa kanya doon, kaya mas mabuting ihatid na lang muna siya pauwi. Pero laking gulat niya nang biglang kumuha ng maleta ang assistant mula sa likod ng kotse na nakaparada sa tapat ng villa. Parang magic. May laman itong mga damit pambabae na pang-malaki ang sukat.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Patricia nang makita niya ito...Puro branded pa! Medyo kinabahan siya.Paliwanag ng assistant na parang wala lang: "Ipinahanda ‘to ni Mr. Daemon para sa birthday dinner bukas. Hindi lang inasahan na magagamit ngayon.""...Para sa akin lahat ‘to?" Halos hindi makapaniwala si Patricia. Simula pagkabata, ang tingin niya sa mga magagandang damit na ganito ay para lang sa mga magagandang babae. Hindi niya naisip kahit kailan na pwede pala siyang magsuot ng mga ganito!Pero bigla niyang naalala ‘yung itim na dress
Tiningnan ni Patricia si Chastain na para bang sinasabing "tumigil ka na nga," sabay umiwas sa malamig na tingin ni Daemon... Ano bang nangyayari? Galit ba siya dahil balak niya sanang kunin si Patricia bilang "girlfriend," tapos nakita niyang parang malapit ito sa ibang lalaki?Pero… hindi naman talaga malapit. Inaasar lang siya ni Chastain! Wala siyang intensyon o lakas ng loob para makipaglandian sa lalaking ‘yon. Sa totoo lang, tuwing naiisip niya si Chester at Chastain, parang nagkaka-allergy siya. Lahat ng balahibo niya tumatayo.Pero... napansin din niyang parang iba si Daemon. Nang suntukin nito kanina, grabe 'yung dating, hindi mo talaga mababalewala.“Pfft… Mr. Alejandro, huwag ka naman seryoso masyado, nagbibiro lang naman ako,” tawa ni Chastain habang nakataas ang dalawang kamay, parang walang kasalanan. Tapos, sinipa pa niya ‘yung lalaking walang malay sa sahig, saka tumingin kay Patricia. “Mr. Alejandro, aba’t may oras ka pala para ikaw mismo ang pumunta rito?”Hindi siy
Chapter 54NANG makita ni Chastain ang pagbabago ng mukha ni Patricia, mula sa maputla, namula, tapos naging puti ulit, hindi niya napigilang matawa. “Ang tanga at uto-uto mo talaga.”Hindi na nakaimik si Patricia. Ang tamang tawag doon ay “inosente,” hindi “tanga”! Bakit pag galing sa bibig ni Chastain parang panlalait?Huminga ng malalim si Patricia, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya dapat ibaba ang level niya para makipagtalo sa ganitong mababaw na bagay. Mas mabuting isipin na lang kung anong susunod na hakbang. Anong pwedeng gawin ng kompanya?Tulad ng nakita niya dati, mukhang may magandang relasyon sina Rowie at Daemon, kaya malamang may koneksyon din ang kompanya sa pamilya Alejandro. Pwedeng umasa sa pamilya Alejandro para patahimikin ang balita?Pero sabi ng reporter, hindi na siya bibigyan ng pagkakataon… Kahit pa kilala ang reporter na ‘yon sa paghahanap ng tsismis sa industriya, hindi rin naman siya maglalakas loob na kalabanin ang malalaking pamilya. Kapag nag
Paglingon ni Patricia, nakita niya si Chastain na naka-suot ng sportswear, halatang bagong tapos lang mag-jogging.Saglit siyang naguluhan… Hindi ba penthouse unit ang bahay nito?Napansin ni Chastain ang pagtitig ni Patricia at mukhang naisip na niya kung ano ang iniisip nito kaya agad itong nag-explain. "Dito nakatira ang kapatid kong babae. Paminsan-minsan dumadalaw ako kapag wala akong magawa..."Tumango si Patricia bilang pag-intindi, pero bigla rin siyang tumigil sa galaw. Hindi naman talaga 'yon ang mahalaga ngayon!"Coach Chastain, wala akong oras makipag-usap sa 'yo. Kailangan kong hanapin si Hennessy, ""Eh bakit hindi ka dumaan sa main gate kung may hinahanap ka? Delikado yang ginawa mo sa mga nakatira rito!" sabat ng isang guard na galit na galit.Aaktong sasagot na sana si Patricia, pero nauna na si Chastain magsalita. "Kayo, lumayo muna kayo sandali. Kilala ko siya. Sa talino niya, imposible siyang makagawa ng malaking gulo."Nagkatinginan ang mga guard. Kahit hindi nila