Bukas ako mag-update sa lahat ng novels ko. For now, ito muna. Nahihilo me sa daming ganap sa school at sa life. Sori sa pagiging inactive.
Chapter 49KANINA pa nakatitig si Leila sa ilaw ng clinic kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa rin buo ang loob niya na gawin ang pinayo ng doktor sa kanya. She was advised to terminate her pregnancy. Noong araw na malaman niyang buntis siya, doon niya rin nalaman na may heart problem siya. Maaaring malagay sa alanganin ang buhay niya kung itutuloy ang pagbubuntis niya.Doctors found out that there's a hole in her heart. Delicate iyon at kailangan ng masusing gamutan para maging maayos siya. Kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis, it will affect her body negatively. Iyong excitement na mayroon siya dahil magkakaanak siya, nawala. Her mother also found out about it and she wanted to get rid of the baby. First, to secure Leila's life. And the second one, ikakasal na si Leila sa lalaking sinasabi ng ina. Hindi siya pwedeng magkaroon ng anak kay Zephyr. Kaya ito si Leila ngayon, nasa private clinic ng isang OB-GYNE. Mabuti na lang at nakapasa na ang batas na legal ang medical abort
Chapter 50“ZEPHYR, aren't you a little harsh on your wife? Taena, hindi nga little iyon, e. You're too harsh on her. Kapapanganak pa lang niya sa anak ninyo pero kinuha mo ang bata. I know you're mad at her but you don't have to do this kind of thing. Kung hindi mo na mahal, ipasa mo na ang divorce papers na pirmado niya. Hindi iyong kinuha mo ang anak niya sa kanya.”Cash ranted on. Mahigpit ang pagkakayakap ni Zephyr sa anak na buhat niya ngayon. This is the first time he got to hold his baby. Sa tant'ya niya ay wala pang month old ang bata dahil mukha talaga itong bagong panganak pa lang. Parang inusig siya ng konsensya lalo pa't naalala niya kung paano nakiusap si Leila sa kanya. Pero galit siya hanggang ngayon. Pagkatapos nitong sabihin sa kanya na nagtaksil ito kasama ang Mark na iyon, halos mamatay siya sa galit. Pero hindi niya sinaktan si Leila. Kinulong niya lang ito habang iniisip kung paano papatayin ang Mark na iyon. Kung talagang mahal nga ni Leila ang lalaking iyon
Chapter 51NANGINGINIG na tinaas ni Zephyr ang kamay at balak hawakan si Leila ngunit noong malapit nang dumampi ang kamay niya sa makinis nitong pisngi, naikuyom niya ang mga kamay at sa huli, nilagay na lang niya iyon sa magkabilang gilid niya. He couldn't hold her. He's not deserving. After what he did to her? He didn't even deserve to see her - to lay his eyes on her. Pero selfish si Zephyr gusto niyang nasa tabi pa rin ni Leila kahit malaki ang pagkakasala niya rito. He will make amends. He will make things right. Babawi siya. Napapikit siya at may luhang tumulo sa mula sa mata niya na mabilis niyang pinunasan. But Zephyr was taken aback when he saw Leila open her eyes. Nagkakatitigan silang dalawa at nabigla si Zephyr nang ngumiti si Leila sa kanya. “L-Lei?”Marahang bumangon sa kama si Leila at pinagkatitigan siya. Binalik din ni Zephyr ang tingin kay Leila at hinihintay ito sa sasabihin. Pero hindi niya inaasahan na itagilid nito ang ulo at tumingin sa kanya na parang hin
Chapter 52“BABY is cute. I wanna kiss him!” Leila exclaimed in happiness. Zephyr smiled as he gazed at Leila who was playing with Baby Eydi. Eydi is soon turning one year old. Hindi akalain ni Zephyr na mabilis ang paglipas ng panahon. Ang dating sanggol na alaga niya lang ay malapit nang mag-isang taon. Nagawi rin ang tingin niya kay Leila na buhat si Eydi. May ngiti sa labi ni Leila habang nakikipagkulitan sa anak nila. Leila still has a child's mind right now. Madalas itong umaktong bata at mabilis ding makalimot ng mga tinuturo dito. Naka-therapy si Leila pero hindi ni Zephyr alam kung nakakatulong ba ito sa asawa. But he also didn't mind if Leila stayed this way. Minsan nga ay nasa isip niyang sana hindi na lang maalala ni Leila ang katotohanan. Hindi dahil natatakot siya na iwan siya nito o layuan siya nito sa oras na bumalik ang dating si Leila. But Zephyr is afraid of Leila's hurting. Alam niyang sa oras na dumating ang panahon makakaalala ito, babalik din dito ang saki
Chapter 53NAKAKAALALA na si Leila. After the row Zephyr had with Kevin, and her trying to rescue Zephyr from her cousin's fist, she lost her consciousness. Nang magising siya, hindi niya alam kung bakit nakakaalala na siya. Maging ang mga panahong lumipas na nasa tabi niya si Zephyr. She remembered it all. Pero kahit na naalala nya ang mga iyon, hindi nakabawas sa sakit iyon. Naaalala niya pa rin ang sakit ng pagkuha ni Zephyr sa anak nila. Ang pagmamakaawa niya, pakiusap na huwag nitong kunin ang anak nila - pero nanatiling bingi sa mga sinasabi niya si Zephyr. She felt like dying that time. She was hopeless. Dahil alam niyang hindi na maibabalik sa kanya ang anak, naisip niya na patàyin ang sarili. She was suffering from PTSD and Post Partum Depression. Kaya nga ayaw siyang iwan noon ni March mag-isa dahil alam nito ang kalagayan pero napilitan ito dahil may nangyari sa kapatid nito kaya nawala sa tabi niya si March. At doon nagsimula ang lahat.Leila blinked her eyes and sta
Chapter 54MATAGAL na tumitig si Leila kay Zephyr bago siya bumuntong hininga at tuluyang itinango ang ulo bilang sagot sa tanong nito. Now, Zephyr didn't know how to approach her. Nang isip bata pa si Leila, madali pa para kay Zephyr ang lapitan ang asawa dahil hindi pa ni Leila naaalala ang lahat ng mga mali nitong ginawa. “L-Leila...”Kinagat ni Leila ang pang-ibabang labi bago binaba ang tingin sa anak nilang si Eydi na inosenteng nakatingin sa kanila. “Mama, Papa?”“Eydi, do you wanna play with your airplane? Mama and Papa will talk. We will be quiet, okay?”Tinagilid ni Eydi ang ulo at parang nagtatanong ito. “Talk? Papa and Mama? Hmm, okay! Eydi play!”Sa puntong iyon, lumapit naman si Zephyr. Tumagal ang titig nito kay Leila at huminto ito sa harapan niya. “Leila...”“I remember everything now.”Sandaling napapikit si Zephyr bago binuksan ang mga mata at ito naman ngayon ang bumuntong hininga. Zephyr sat beside her but there's still a space between them. Parang natatakot
Chapter 55 (LAST CHAPTER FOR ZEPHYR AND LEILA)“YOU WON'T really back down with the wedding? You can still run away, Leila. I can arrange your escape.”Inaayos ang make up ni Leila at nakatitig siya sa salamin, pinupuri ang sarili nang biglang sabihin iyon ni Kevin na nasa loob. Dapat ay puro babae lang ang naroon, tulad ni Serena, March, at ilang bridesmaids. Pero sabi ni Kevin ay may importante itong sasabihin kay Leila kaya pinapasok ito. Natigilan ang make up artist at napalingon silang lahat kay Kevin. Wala namang pakialam si Kevin sa tingin nila at inulit pa nito ang tanong. “Why don't you leave Zephyr? He doesn't deserve you—”Bago pa nito matapos ang sasabihin, nasiko na nito ni Serena sa tiyan na kinaigik ni Kevin. Sinapo ni Kevin ang nasaktang tiyan at nagpapaawang tumingin sa asawa. “Why? I'm only telling the truth. Zephyr doesn't deserve my little cousin—”Siniringan ito ni Serena at humalukipkip. “Kapatid ko pa rin iyon. At teka nga, kung ako sinunod ko talaga ang pay
The Playboy Billionaire's Chubby Wife“Bakit parang kasalanan ko pang gusto mo ako? Sinabi ko bang magustuhan mo ako? Iyo na 'yang pagmamahal mo!”Kumunot ang noo ni Daemon at masamang tingin ang binato kay Patricia. “Do you think I like to feel these feelings for you? Ni wala nga sa isip kong mahulog sa 'yo—”“Edi itigil mo na. Hindi ko rin naman gusto na maramdaman mo sa akin 'yan. Do you see me? Mataba ako, pangit, bobo, at higit sa lahat mahirap ako. Hindi tayo bagay kaya, pasensya na, Sir Daemon, hindi tayo pwede.”Tumalikod si Patricia, ngunit bago pa siya makalayo, hinatak na siya ni Daemon at mahigpit na niyakap. May kayabangan pa rin itong nagsalita kahit na nahahalata na ni Patricia na kabang-kaba ito. Paano niya nalaman? Sa tagal niyang kasama ito, medyo kabisado na niya ang lalaking 'to. “Hindi ka aalis. Mamahalin mo pa ako, Patricia.”***Chapter 1GINISING si Patricia ng alarm clock mula sa kanyang magandang panaginip pabalik sa realidad. Sa panaginip niya, kasama niya
Mabilis na nawala sa paningin ng lahat ang sports car at lumabas ng villa community.Tiningnan ni Patricia ang assistant sa tabi niya, parang tulala: "Umalis na si Mr. Daemon? Paano na ‘yung gusto kong sabihin sa kanya?"Kalma lang na sinenyasan siya ng assistant: "Dadaan tayo sa ibang ruta para makasabay kay Sir. Huwag kang mag-alala, makikita mo rin siya mamaya."Huminga ng malalim si Patricia, medyo nakahinga ng maluwag."Pero kung papayag siya sa hiling mo, ibang usapan na ‘yun." dagdag pa ng assistant, parang nakasanayan na.Napabuntong-hininga si Patricia. Oo nga naman, tuwing may hihingin siya kay Daemon, parang laging may kapalit na hirap… Napaisip siya kung anong panibagong kalokohan nanaman ang naiisip ni Daemon.Pero hindi pa ito ang tamang oras para mag-isip ng kung ano-ano. Sa totoo lang, kahit gaano pa siya pinaglaruan ni Daemon, hindi naman siya nito sinaktan sa totoong paraan.Habang papalayo na ang sasakyan, napansin ni Patricia na papunta sila sa labas ng siyudad at
Chapter 55DINALA si Patricia ng assistant ni Daemon sa isang ibang villa para makapagpalit ng damit.Sa totoo lang, gusto sanang sabihin ni Patricia na malamang wala namang damit para sa kanya doon, kaya mas mabuting ihatid na lang muna siya pauwi. Pero laking gulat niya nang biglang kumuha ng maleta ang assistant mula sa likod ng kotse na nakaparada sa tapat ng villa. Parang magic. May laman itong mga damit pambabae na pang-malaki ang sukat.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Patricia nang makita niya ito...Puro branded pa! Medyo kinabahan siya.Paliwanag ng assistant na parang wala lang: "Ipinahanda ‘to ni Mr. Daemon para sa birthday dinner bukas. Hindi lang inasahan na magagamit ngayon.""...Para sa akin lahat ‘to?" Halos hindi makapaniwala si Patricia. Simula pagkabata, ang tingin niya sa mga magagandang damit na ganito ay para lang sa mga magagandang babae. Hindi niya naisip kahit kailan na pwede pala siyang magsuot ng mga ganito!Pero bigla niyang naalala ‘yung itim na dress
Tiningnan ni Patricia si Chastain na para bang sinasabing "tumigil ka na nga," sabay umiwas sa malamig na tingin ni Daemon... Ano bang nangyayari? Galit ba siya dahil balak niya sanang kunin si Patricia bilang "girlfriend," tapos nakita niyang parang malapit ito sa ibang lalaki?Pero… hindi naman talaga malapit. Inaasar lang siya ni Chastain! Wala siyang intensyon o lakas ng loob para makipaglandian sa lalaking ‘yon. Sa totoo lang, tuwing naiisip niya si Chester at Chastain, parang nagkaka-allergy siya. Lahat ng balahibo niya tumatayo.Pero... napansin din niyang parang iba si Daemon. Nang suntukin nito kanina, grabe 'yung dating, hindi mo talaga mababalewala.“Pfft… Mr. Alejandro, huwag ka naman seryoso masyado, nagbibiro lang naman ako,” tawa ni Chastain habang nakataas ang dalawang kamay, parang walang kasalanan. Tapos, sinipa pa niya ‘yung lalaking walang malay sa sahig, saka tumingin kay Patricia. “Mr. Alejandro, aba’t may oras ka pala para ikaw mismo ang pumunta rito?”Hindi siy
Chapter 54NANG makita ni Chastain ang pagbabago ng mukha ni Patricia, mula sa maputla, namula, tapos naging puti ulit, hindi niya napigilang matawa. “Ang tanga at uto-uto mo talaga.”Hindi na nakaimik si Patricia. Ang tamang tawag doon ay “inosente,” hindi “tanga”! Bakit pag galing sa bibig ni Chastain parang panlalait?Huminga ng malalim si Patricia, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya dapat ibaba ang level niya para makipagtalo sa ganitong mababaw na bagay. Mas mabuting isipin na lang kung anong susunod na hakbang. Anong pwedeng gawin ng kompanya?Tulad ng nakita niya dati, mukhang may magandang relasyon sina Rowie at Daemon, kaya malamang may koneksyon din ang kompanya sa pamilya Alejandro. Pwedeng umasa sa pamilya Alejandro para patahimikin ang balita?Pero sabi ng reporter, hindi na siya bibigyan ng pagkakataon… Kahit pa kilala ang reporter na ‘yon sa paghahanap ng tsismis sa industriya, hindi rin naman siya maglalakas loob na kalabanin ang malalaking pamilya. Kapag nag
Paglingon ni Patricia, nakita niya si Chastain na naka-suot ng sportswear, halatang bagong tapos lang mag-jogging.Saglit siyang naguluhan… Hindi ba penthouse unit ang bahay nito?Napansin ni Chastain ang pagtitig ni Patricia at mukhang naisip na niya kung ano ang iniisip nito kaya agad itong nag-explain. "Dito nakatira ang kapatid kong babae. Paminsan-minsan dumadalaw ako kapag wala akong magawa..."Tumango si Patricia bilang pag-intindi, pero bigla rin siyang tumigil sa galaw. Hindi naman talaga 'yon ang mahalaga ngayon!"Coach Chastain, wala akong oras makipag-usap sa 'yo. Kailangan kong hanapin si Hennessy, ""Eh bakit hindi ka dumaan sa main gate kung may hinahanap ka? Delikado yang ginawa mo sa mga nakatira rito!" sabat ng isang guard na galit na galit.Aaktong sasagot na sana si Patricia, pero nauna na si Chastain magsalita. "Kayo, lumayo muna kayo sandali. Kilala ko siya. Sa talino niya, imposible siyang makagawa ng malaking gulo."Nagkatinginan ang mga guard. Kahit hindi nila
Chapter 53NGAYONG mag-isa na lang si Patricia sa bahay, naging hindi na regular ang pagkain niya ng almusal.Minsan, nami-miss pa rin niya 'yung pritong itlog na gawa ng tatay niya, malutong sa labas pero malambot sa loob, at ‘yung matagal na nilang binibiling bicho-bicho sa may kanto na limang piso lang noon.Pero kahit na nami-miss niya ‘yon, alam niyang may mga bagay na kapag lumipas na, hindi mo na talaga maibabalik pa.Katulad ngayon, parang may pader na sa pagitan nila ng tatay niya. Hindi na siya tulad dati na basta naniniwala sa halaga ng pamilya.Kinabukasan, hirap na hirap gumising si Patricia. Pero pagkagising niya, sunod-sunod na tawag agad ang natanggap niya! Sa sobrang antok pa, sinagot na lang niya, at halos mabitawan niya ang cellphone sa narinig niya!Nagsimula na ang shooting ng bagong drama ni Hennessy, pero wala si Hennessy sa set! Galit na galit ang direktor at pina-trace agad kung nasaan si Hennessy.Kinabahan din si Patricia, kasi kahit pa masungit si Hennessy
Hindi inakala ni Patricia na mas malala pa pala ang susunod na mangyayari.Kakapasok pa lang niya sa apartment at gusto na sanang maligo ng mainit at magpahinga, nang biglang tumunog ang cellphone niya.Pagtingin niya, ang Papa ang tumatawag.Nag-isip siya sandali bago sinagot. Nasabi na naman niya ang lahat noong huling tawag nila, at kilala niya ang ugali ng tatay niya, hindi na ito tatawag ulit kung tungkol lang ulit kay Paris.So bakit kaya ngayon?May masamang kutob si Patricia.At pagkarinig pa lang niya ng boses ng tatay niya, nagulat siya, umiiyak ito. Sa lahat ng nangyari dati, ni minsan hindi pa niya narinig na umiyak ang Papa nang ganito...Agad siyang kinabahan. “Papa, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”“Pat… kasalanan ni Papa… kasalanan ko…” nanginginig ang boses ni Patrick habang umiiyak. Halatang marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.“Wag kang magmadali, dahan-dahan mong ikuwento.” Ayaw na sana niyang makialam sa problema ng pamilya,
Chapter 52AKALA ni Patricia na magpapatuloy pa si Jack sa pagkukuwento, pero tumigil na ito doon. Nang lumaon, nalaman niyang iyon pala ang anibersaryo ng kasal ng taong gusto ni Jack… at mula noon ay nag-hunger strike na ito. Doon lang niya naisip na ang story ng ibong umiibig sa isang isda ay araw-araw na nangyayari sa mundong ito.Araw-araw may nagkakahiwalay dahil sa pag-ibig na hindi nasuklian.Pagdating sa gate ng subdivision, bumaba na si Patricia sa kotse. Nag-park si Jack, at dala ng nakasanayang asal, sinamahan niya si Patricia paakyat sa baba ng building. Matapos marinig ang kwento ni Jack, pakiramdam ni Patricia ay parang mas naging malapit ang loob niya rito. Sa huli, nagkulitan at nagkwentuhan na lang silang dalawa.“Alam mo ba, nag-aral ako ng Tagalog ng dalawang taon. Alam mo ba kung ano ang pinaka-nakakainis na word sa Tagalog para sa akin?”“Ano?”“Bababa! Noon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang ganyan ang salita. Para tuloy minion ang nagsasalita.
"Click..." Tumunog ang shutter at umilaw ang flash. Tinitigan ni Chastain si Patricia sa phone habang halos bumigay na ng hininga si Patricia sa pagod.Kung isesend ko kaya ‘to kay Daemon, ano kayang magiging reaksyon ng lalaking iyon? Pero ngayon, parang wala namang magandang maidudulot ‘to para sa kanya o kay Daemon.Kaya’t sa huli, tinabi na lang ni Chastain ang phone niya.Si Patricia, gamit ang natitirang lakas ng loob, ay patuloy na tinitigan ang screen ng treadmill habang dahan-dahang tumataas ang mga numero. Di alam kung gaano katagal, pero sa wakas umabot din sa sampung kilometro...Tumigil ang treadmill, at napaluhod siya sa track, basang-basa ng pawis ang buong katawan!Tiningnan ni Chastain ang relo niya at bahagyang napakunot-noo. "Dalawang oras para sa ganito kaikling distansya."Wala nang lakas si Patricia para dumilat man lang o sumagot. Hingal na hingal siya at mas lalo pang sumasakit ang tiyan niya sa sobrang gutom.Grabe si Chastain… parang baliw! Ang klase ng train