NAGISING si Serena na kumakalam ang sikmura. Nag-usap sila ni Kevin na kakain sila pagkatapos lumusong sa hot spring pero hindi iyon nangyari dahil sa pagiging pasaway ng lalaki! Sa sobrang pagod dahil halos ayaw siyang bitiwan ng asawa, pagtulog na lang ang tangi niyang ginawa. Kung susumahin, halos isang buong araw na yata siyang hindi kumakain! Nilibot niya ang buong kwarto ngunit hindi niya makita kung nasaan ang lalaki.Nagbihis ng sundress si Serena. Sinuri niya ang sarili at mabuti naman at nakinig si Kevin na huwag siyang lagyan ng kung ano sa katawan kaya malaya siyang makapagsuot nang ganito. Lumabas siya ng kwarto at mabuti na lang ay may nakasalubong siyang staff ng hot spring. Itinuro nito kung saan siya pupunta at may japanese restaurant sa loob ng hot spring. Dahil iilan lang naman ang kilala niyang japanese food, udon ramen at pork tonkatsu ang in-order niya. Mangilan-ngilan lang din ang laman ng restaurant at dahil tahimik, mabilis na natapos kumain si Serena. Hin
“JOAQUIN, tingin mo, hindi ka babalikan ng asawa ng babaeng iyon?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Joaquin.Sumandal si Joaquin sa edge ng hot spring at niyakap ang dalawang babae na nakapwesto magkabilaan. Sinulyapan niya ang lalaking nagsabi noon at umiling. Isa ito sa kaibigan ni Joaquin at sinama niya rito para ipakita na kaya niyang makapasok sa isa sa mga high end place tulad nito. “Tingin mo magagalaw nila ako? Puro dada lang ang lalaki na tulad ng lalaking iyon. Wala nga siyang nagawa noong marinig niya ang pangalan ko.”Ngunit nawala ang ngisi sa mukha ni Joaquin noong may mga hindi kilalang tao na bigla na lang pumasok sa private hot spring lounge nila at palibutan sila. “Sino kayo? We already rented this place! Hindi n'yo ba alam na trespassing kayo?”Pitong lalaki ang pumasok at kapwa malalaki ang katawan ng mga lalaking iyon na lihim na kinalunok ni Joaquin. “Umalis kayo rito. Kung hindi kayo aalis, kakaladkarin namin kayong lahat. Bibigyan lang namin kayo ng limang m
WHILE Kevin stepped down as the CEO of SGC, Dylan still checks on him from time to time since that's what Miss Maeve wants. Kaya noong nalaman nito mula kay Secretary Lim na may planong i-acquire na malaking kompanya si Kevin, agad itong nagtanong kay Kevin ngunit ang sagot lang ng boss, magandang plano ito. Dylan investigated what happened that made him do this decision and he found out that Yves and the son of the owner of Galvez Technology had a row. Doon na siya nag-report kay Maeve. Akala niya ay magugulat ang babae pero hindi. “Do you know what Xavier did yesterday? He punished that guy and made him have a trip to the hospital.”Umawang ang bibig ni Dylan. Bakit parang mas may alam si Miss Maeve sa kanya?Dito na nagkwento si Maeve kay Dylan na mukhang clueless pa rin sa nangyayari. “Xavier went to a hot spring resort yesterday. You know who accompanied him? It's not Yves Magalona. He's with a woman.”“Akala ko ba boyfriend niya si Yves?” nagtatakang ani Dylan. Sinulyapan siy
SINABI ni Serena kung saang subdivision siya ihahatid. Balak niya na bumaba kapag nasa labas na ng subdivision at lalakarin na lang paloob dahil hindi nagpapapasok ng outsiders ang management ng subdivision. Ngunit hindi kaagad siya nakaimik noong sabihin ni Maeve na sa mismong subdivision na rin pala ito nakatira at ilang streets lang ang layo mula sa bahay nila.“You're also living there. It's a coincidence na doon din ako nakatira. Iyo ba ang bahay? Looks like na bata ka pa, established ka na. I heard na mahal ang bumili ng property sa subdivision na tinitirhan natin, ha? Even a small bungalow style house costs around tens of millions.”Tanong iyon ni Maeve habang nagmamaneho pauwi. Umiling naman si Serena. “Hindi ako ang gumastos doon. Bahay ng asawa ko iyon.”“Asawa?” A crack appeared on Maeve's face as she said that in disbelief. “A-Ang bata mo pa para magpakasal? I think you're only in your early twenties. Hindi ba't parang ang bilis naman? Oh, sorry kung ganito ang tanong ko
NAGISING si Serena na wala na si Kevin sa tabi. Noong tanungin si Butler Gregory kung nasaan ito, sinabi ng matanda na may inaayos na naman ito. Noong nakita ni Butler Gregory na kailangan niya ng paliwanag, doon ito nagsabi na maraming investment si Kevin at kahit hindi tahasang nagma-manage ng business, pinupuntahan pa rin ni Kevin ang mga negosyo nito kapag gusto nitong sumilip. Naghanda na lang siyang pumasok at katulad ng dati, pinaghanda siya ng baon na breakfast ni Butler Gregory. Noong dumating sa opisina, agad siyang na-notify na pumunta sa office ni Manager Nathan.“Pack your things up because we're leaving this afternoon. We're going out of town for a business trip.”“Sir? B-Bakit parang ang bilis naman? Hindi pa po ako handa.”Blangkong tingin ang binigay sa kanya ni Nathan. “Time is gold, Miss Garcia. What else is there to prepare? Wala kang anak na kailangang asikasuhin, hindi ba?”“Pero... pero, Sir, 'di pa ako nakakapagpaalam sa asawa ko.”Dumilim ang mukha ni Nathan
PALAKAD-LAKAD si Kevin sa kanyang study room habang makailang ulit nang sinusubukang tawagan si Serena ngunit cannot be reached ang cellphone nito. Nang umuwi siya ay sinabi sa kanya ni Butler Gregory na umuwi si Serena at kumuha ng gamit dahil may out of town business ang asawa.Dahil hindi man lang siya sinabihan ni Serena ay si Yves na lang ang tanging tao na maaari niyang tanungin tungkol kay Serena, agad namang sinagot ni Yves ang tawag niya. “Do you know where my wife is? I was informed that she left with her baggage. Where is she?”[“Hindi mo alam kung nasaan siya? I thought Miss Garcia already talked to you. May flight sila ngayong alas tres ng hapon. Nasa biyahe na siguro iyon. Assistant siya ni Nathan.”]Halos magbuhol ang kilay ni Kevin sa narinig. That Nathan made his wife as his assistant? The héll?! “Didn't he have a secretary?”[“Kapapanganak pa lang ng secretary ni Nathan kaya hindi pwede sa out of town business. You know what, hindi sana maghahanap ng project si Na
“WHY are you looking at me like that?” nagtatakang ani Kevin. Kung tumingin sa kanya si Serena ay parang kaaway ang kaharap nito. Did he do something wrong that's why Serena was mad at him? “Sino bang natutuwang makita ka?” Halos umusok ang ilong ni Serena noong sabihin iyon kay Kevin. “Wait, I'm the one who should be upset because you left without saying anything to me. If I didn't call your department head, I wouldn't know you're here. And you're alone with your boss. Aren't you afraid I'll get mad because of that?”Namumula ang mga mata na hinarap siya ni Serena at dinuro-duro pa nito ang dibdíb niya gamit ang hintuturo. “Then get mad! Nagtatrabaho ako, Kevin, kaya bakit ka magagalit, ha? At isa pa, kung magre-resign ako, susuportahan mo ba ako?”When Kevin heard that, instead of getting mad just like what's on her imagination, Kevin's eyes lit up and seemed visibly happy. “You're quitting? Then, I'll support you. You don't need to work, wife.”Hindi na maipinta ang mukha ni Se
INSTEAD of answering Kevin's question, Serena shook her head. Naalala niya bigla si Nathan na basta na lang niya iniwan dahil hinatak siya ni Kevin. For sure, hinahanap na siya ng boss! “Mamaya na tayo mag-usap! Hinahanap na yata ako ni Manager Nathan! Magkita na lang tayo mamaya sa hotel room!”Hindi na niya hinintay pang pigilan siya ni Kevin, tumakbo siya palayo at bumalik sa perfume store kung nasaan si Nathan. She saw him looking around and now she's sure he was looking for her! “Manager Nathan!” tawag niya sa atensyon nito. “Saan ka galing?” malamig at kunot ang noo na tanong ng lalaki. “A-Ah, Manager, 'di na ako nakapagpaalam kasi ihing-ihi na ako kaya dumeretso na ako sa banyo. Sorry kung 'di ako nakapagpaalam agad.”“You should still message me. It made me think you got abducted.”Doon niya napansin na may katabing babae si Nathan. Teka... hindi ba't ito ang sinasabi ni Kevin na pinsan nito? Napansin ni Nathan na nakatingin siya sa babae kaya pinakilala nito ang katabi.
Pagbalik ni Patricia sa kumpanya mula sa bahay, napansin niyang may natanggap akong text message mula sa isang hindi pamilyar na numero. Pagbukas niya nito at pagtingin, bigla siyang natauhan. "Ano ang maitutulong ko sa'yo?" Ayon sa message. Mula kay Daemon. Mabilis siyang sumagot tungkol sa agawan nina Lisa at Hennessy para sa papel ng female lead. Ewan niya kung bakit, pero nag-type siya ng isa pang mensahe at sinend iyon. "Mr. Alejandro, pwede mo ba akong pautangin ng 500,000?" Kahit gaano pa niya kamuhian si Inez, ama niya pa rin ang kasama nila sa pamilyang iyon. Hindi rin naman magandang hayaan silang gamitin ang bahay bilang pambayad ng utang. Matagal na walang sagot mula sa kabila. Napabuntong-hininga siya Tama lang naman, kahit gaano kayaman ang isang tao, hindi naman si Daemon parang diwata sa engkanto na basta-basta lang namimigay ng pera. Walang dahilan para ipahiram ang 500,000 nang ganoon lang. Pero ang unang bagay na ipinangako ni Daemon ay mabilis niyang ti
Chapter 29"TUMIGIL ka na!" Mabilis na pinigilan si Inez ni Patrick, ang ama ni Patricia, at saka hinarap si Patricia. "Pamilya tayong lahat. Walang dapat na samaan ng loob nang matagal. Kahit ano pa ang nangyari, matagal na tayong nagsama. Si Inez din naman ang nagpalaki sa’yo. Ngayon na may ganitong problema, wala namang may gusto nito… Patricia, ikaw na lang ang pag-asa namin." Hindi nagalit o nainis si Patricia, at lalo siyang hindi natinag sa tono ng kanyang ama. Sa halip, direkta lang siyang nagtanong, "Nasaan si Paris?" "Ah..." Napabuntong-hininga ang ama niya. "Yan din ang isa pang bagay na gusto kong ipakiusap sa'yo... Matagal nang nililihim ni Paris kay Simon na nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya. Noong una, pinalusot niya na ayaw lang niyang makatawag-pansin kaya hindi niya pinapasundo si Simon sa opisina..." "...Pero hindi mo naman kayang ilihim ang totoo habang buhay. Kapag lumabas ang totoo, siguradong mas malaking gulo ang mangyayari. Ginamit niya ang p
Chapter 28BAHAGYANG tinaas ni Daemon ang kilay. "Manang Tina, sapat na na narinig ko na ‘yan mula sa kanila..." "Alam kong ayaw mong marinig ito, pero wala na akong magagawa!" "Alam mo namang matagal nang gustong kunin ng malayong pinsan mo at ng mga tauhan niya ang kayamanan ng pamilya Alejandro. Simula nang mawala ang mga magulang mo at lolo't lola mo, pinilit nilang kunin ka, hindi para alagaan ko kundi dahil sa yaman na tinatamasa mo. Kung hindi ka susunod ngayon at kung sa galit ng matanda ay ibigay niya talaga sa pinsan mo ang mga shares..." Napapikit nang mariin si Daemon, halatang naiinis. "Ang matandang ‘yon..." Hindi na nagsalita pa si Manang Tina at yumuko na lang, hindi na makatingin nang diretso. Si Patricia naman ay tahimik lang sa isang tabi… Lubos siyang nalito sa usapan nila. Parang may namatay sa kapamilya ni Daemon base sa narinig niya. Pero sa tono at kilos nito, hindi ito mukhang nagdadalamhati. Bagkus, parang kalaban niya ang namatay. Mayamaya, dumil
Chapter 27HINDI nI Patricia alam kung gaano katagal tumagal ang "karera" na ito. Nang huminto ang sasakyan at tumigil ang mabilis na pagbabago ng tanawin sa paligid, saka lang dahan-dahang iminulat ni Patricia ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya kanina, parang lalabas na ang kaluluwa niya sa katawan. Buti na lang at walang nangyaring masama... Ang bilis ng takbo ng kotse, parang sa mga pelikula tungkol sa car racing. Matagal muna siyang nakaupo sa loob ng sasakyan bago naalala niyang tanggalin ang seatbelt niya. Nilingon siya ni Daemon at nang makita ang maputla niyang mukha at takot na ekspresyon, bahagyang kumurba ang labi nito sa isang ngiti. "Masaya ba?" "Masaya... Masaya..." Paulit-ulit na tumango si Patricia, ayaw niyang sumalungat. "Kung gano'n... gusto mong ulitin?" May bahid ng panunukso ang ngiti ni Daemon. Agad na umiling si Patricia, parang laruan na ginawang maracas: "Ayoko na!" Baka atakihin siya sa puso kung mauulit pa ‘yon! "Kung gano'n, bakit hindi k
Chapter 26NGAYON, madalas na si Patricia nagpupuyat o minsan ay hindi na natutulog para lang maghanap ng iba’t ibang materials at gumawa ng mga plano. Nagbabasa pa siya ng mga nobelang tungkol sa business wars and office wars para matuto at maihanda ang sarili sa promosyon at pagtaas ng sahod. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya walang kwenta gaya ng sinasabi ng iba. Kung ikukumpara, ang mga award na napanalunan niya noong kolehiyo ay malayong mas marami kaysa sa mga kasamahan niya ngayon. Pero dati, mas pinipili niyang manahimik at magparaya para lang mapanatili ang katahimikan. Si Daemon ang nagsabi sa kanya na kailangan niyang lumaban at makipagsabayan! Bigla niyang naisip na kung lagi siyang magpaparaya, hindi siya rerespetuhin ng iba at hindi siya makakaangat kailanman. Kaya ngayon, kailangan niyang lumaban... at lumaban nang todo! At siyempre, dahil sa sobrang pagpupursigi, nauwi siya sa pagtulog sa harap ng magarbong bahay ni Daemon! Natulog siyang nakangiwi, may law
Chapter 25KINABUKASAN, natanggap ni Patricia ang kontrata sa kumpanya ng Star Ent. gaya ng inaasahan. Nakaimpake ito sa isang ordinaryong express package, mukhang maingat ang pagkakagawa.Ipinadala rin ni Patricia ang address at oras ayon sa kanilang napagkasunduan, at pagkatapos ay naghintay na lang siya sa kung anong mangyayari.Pero hindi niya inaasahan, pagdating ng tanghali, biglang pumasok si Manager Wenceslao na seryoso ang mukha at dumiretso sa kanyang mesa. "Nagbago ang sitwasyon, sumama ka sa akin."Kumunot ang noo ni Patricia. Ano na naman ang nangyari? Pinagplanuhan niyang mabuti ang lahat, paano pa ito nagkagulo?Sinundan niya si Manager Wenceslao papunta sa opisina nito. Hindi pa rin nagbago ang seryosong ekspresyon nito. "Sa audition para sa lead role, mukhang makikisali rin si Lorraine!"Nagulat si Patricia. "Bakit? Hindi ba second-tier actress pa lang siya? Kahit marami siyang endorsements, hindi pa naman siya naging bida sa isang pelikula. Paano siya nakapasok sa ga
Tila napaisip si Manager Yen, pero hindi pa rin siya agad-agad na sumang-ayon: "Eh ano naman kung maagaw ang role? Hindi naman nasusukat ang career ng isang artista sa isang pelikula lang.""Narinig ko na may lumabas na tsismis tungkol kay Sunshine at isang direktor. Dahil doon, hindi na siya makapagtrabaho sa mga movies, hindi ba. Sira na ang reputasyon niya at inuulan siya ng pambabatikos online.""Alam kong pwede naman siyang maghanap ng ibang pelikula, pero sa totoo lang, kailangan niyang kunin ang project na ito. Kung hindi niya gagamitin ang talento niya para bumawi sa audience, tuluyan siyang mawawala sa industriya. Hindi na siya pwedeng makipagtrabaho sa dating direktor niya, at hindi rin madaling makapasok sa malalaking projects. Maraming kompetisyon. Pero madali nating samantalahin ang sitwasyon ni Director Molina, gets mo naman siguro..."Sinabi ito ni Patricia nang dire-diretso, parang ayaw niyang bigyan ng kahit anong puwang para magduda ang kausap niya.Sa katunayan, hind
Chapter 24TININGNAN si Hennessy ni Manager Wenceslao at saka nagsalita, "Hindi mo pwedeng paglaruan ang bagay na ito! Akala mo ba habang buhay kang bata? Ilang artista na ang biglang nawala sa kasikatan? Kung gusto mong manatili bilang number one, kailangan mong pumunta! Kung hindi, kapag may ibang umangat at nalampasan ka, iiyak ka na lang!"Natigilan si Hennessy at hindi agad nakasagot.Simula nang sumikat siya, bihira siyang pagalitan ni Manager Wenceslao. Kahit gaano katigas ang ulo niya, hindi siya kailanman sinabihan ng ganito. Pero ngayon, natakot siya sa seryoso at matigas na tono nito.Nang makita ni Manager Wenceslao na hindi na siya nakapagsalita, binitiwan nito ang huling dagok: "Alam mo bang 'yang si Lisa na bagong debut, malapit na ngayon kay Daemon? Nakuha na niya ang ilang endorsement mula sa mga kumpanya ng mga Alejandro. Ayokong mangyari dito sa WG ang nangyayari sa kanya."Napakagat-labi si Hennessy at hindi na sumagot.Alam niya kung kailan dapat umatras.Pero pag
Chapter 23KINABUKASAN, ipinakita ni Patricia kay Manager Wenceslao ang script na pinili niya.Isang sulyap lang ang ginawa ni Manager Wenceslao bago ito napakunot-noo. "Historical theme? Hindi pa yata nakakagawa si Hennessy ng ganoong drama. Isa pa, masyado nang nakatatak sa isip ng tao ang imahe niya bilang modern queen. Kung bigla siyang gagawa ng ganitong palabas, baka hindi ito mag-work. At saka, mukhang kontrabida pa ang role niya rito? Hindi man lang siya ang female lead!"Alam na ni Patricia na ganito ang magiging reaksyon nito kaya agad siyang nagpaliwanag. "Binasa ko itong script nang mabuti. Totoo, mahal ng mga karakter ang female lead sa ending, pero kung tutuusin, ordinaryo lang siya. Walang masyadong dating ang role niya. Samantalang itong second female villain, kahit kontrabida, may parehas na bigat sa kwento tulad ng bida. Matapang siya, straightforward at sa dulo ng palabas, ipapakita kung gaano siya kaapi-api. Siya ang may pinakamalalim at pinaka-totoong karakter dit