Chapter 36“WHY DO you look so glum, dude? Anong nangyari? We're in the middle of the mission when you open your fire and kill one of their men. Dati naman, hindi ka ganyan, Zeph. What happened?” litanya ni Cash. Instead of answering him, pinunasan ni Zephyr ang hawak na baril. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nakita sa likod ni Leila. Alam niyang walang ginagawang mali si Leila. He knows how crazy his wife for him. Pero hindi niya maiwasan na hindi mainis dahil nararamdaman niya na habang wala siya ay may pumoporma sa asawa niya. Paano kung mas magtagal siya rito sa misyon na ginagawa at unti-unting mawala sa kanya si Leila? Damn it. Bakit niya ba naiisip iyon? Leila won't love anyone other than him. Kung mayroon man, he will make sure he will shoot that person first. Leila's his. Sa kanya lang. Ang pagtapik sa balikat niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Zephyr. Matalim ang tinging binigay niya kay Cash na parang sinasabi na tigilan siya nito. Kung hindi niya map
Chapter 37“I'LL BE DONE AFTER A WEEK HERE. Wait for me, hmm? Listen to me, Leila, okay? Stay away from guys. I don't want to see guys hovering around you.”Napalingon si Leila sa magkabilang gilid, hinahanap ang lalaking sinasabi ni Zephyr pero wala naman siyang nakita. Nagulat siya nang tumawag muli si Zephyr at imbes na manatili ito ng dalawang buwan sa importante nitong ginagawa, sinabi nito sa kanya na sa isang linggo na lang ang lilipas at uuwi na ito. Syempre, natuwa siya. Miss na miss na niya si Zephyr, e. Nasanay na siyang kasama ito kaya nang marinig niyang pauwi na ito, halos pumalakpak ang tenga niya.Pero natigil ang tuwa niya nang sabihin iyon ni Zephyr. Lalaki? Tsaka niya naalala na noong huling videocall ni Zephyr sa kanya, nakita nito sa likuran niya si Mark na kapatid ni March. Before she could explain things to Zephyr, the call was cut. At ngayon, ito ang sumunod na tawag ni Zephyr sa kanya. “Guys? Wala namang lumalapit sa akin, Zephyr. Kulang na nga lang magin
Chapter 38“AT SINO ka para paalisin kami? Hindi ako papayag na umalis kami rito! Yaya ako ni Zephyr mula pa pagkabata at parang ina na niya ako! Mas close pa nga siya sa akin kaysa sa ina niya kaya siya rin ang magagalit sa gagawin mo! Hah! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!”Hinarangan ni Manang Gina si Leila na papasok sana sa loob. Tumalim ang tingin niya sa matandang babae at pinagkrus niya ang mga braso. Tumikwas ang kilay niya habang nakatitig dito. Hindi na siya ang Leila na magpapaapi rito. Ngayong alam niyang may importansya na siya kay Zephyr, may tapang na rin siya na harapin ito. At oras na saktan siya nito, ihaharap niya si Zephyr sa mag-titang si Gina at Sienna. Kung kaya nilang magpanggap na inosente at walang kasalanan na ginawa, kayang-kaya niya rin iyong gawin. “Ako ang may kapal ng mukha? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Manang Gina? Ako ang asawa ng 'amo' mo. Yes, you were his yaya and you watched him grow up. But that doesn't mean you ca
Chapter 39“LET ME GO! Bitawan mo ako, ano ba? Isusumbong kita kay Zephyr! Sinabi nang bitawan mo ako, eh! Masama ka talaga!”Panay ang sigaw ni Sienna habang hatak-hatak ni Leila ang buhok nito. At imbes na maawa, mas lalo pang nanggigil si Leila sa babaeng ito. Hindi siya nakakalimot na sa utos nito, ilang beses na siyang napapahamak. Hindi lang ni Leila masabihan si Zephyr sa totoong ugali ng kaibigan nito dahil nakikita naman ni Leila na sa kanya kampi si Zephyr at hindi ito nagbubulag-bulagan kay Sienna. “Bitawan mo ang pamangkin ko!” Pilit na hinahatak ni Manang Gina si Leila palayo sa pamangkin pero malakas ang kapit ni Leila sa buhok ni Sienna. Sa isang mabilis na kilos din, naitulak ni Leila si Manang Gina kaya halos mapahiga ito sa sementadong sahig. “Anong tinitingin tingin ninyo diyan? Tulungan n'yo ako at turuan n'yo ng leksyon ang babaeng 'yan!” sigaw ni Manang Gina sa mga katulong na nakatanaw lang sa kanila. Nag-alangan at nagkatinginan ang mga katulong at may isan
Chapter 40“YOU'RE—YOU'RE here? You're really here!” Tinakbo ni Leila ang distansya sa pagitan nila ni Zephyr at nang malapit na siya rito, tumalon siya at sinalo naman siya ni Zephyr habang humahalakhak ito. Kinapit pa ni Leila ang mga binti sa beywang ng asawa at saka kinawit ang dalawang braso sa leeg nito. Kung titingnan, nakalambitin siya kay Zephyr. “Hey, be careful.” Zephyr said that as he let out a hearty laughter once again. “Zephyr, na-miss kita kahit na two weeks lang tayong hindi nagkita,” himutok niya. Napailing si Zephyr sa inakto niya at binaba rin siya. Pagkatapos, pinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya at tinitigan siya. “Let me check you,” anito at tinitigan siya. Pinasadahan nga siya ng tingin ni Zephyr at nang masiguro na maayos nga siya, parang nakahinga ito nang maluwag. Niyakag ni Leila si Zephyr sa loob para makapagpahinga ito. Nagpaalam si Zephyr na magpapalit muna ito ng damit dahil galing ito sa labas. Gusto nga ni Leila na sumuno
Chapter 41DAHIL ISANG BUWAN pa bago matapos ang academic semester nila at ilang linggo lang din ang paalam ni Zephyr sa school, kinabukasan ay sabay na silang pumasok ni Leila sa school. Hindi na nag-commute si Leila kundi kasa-kasama niya si Zephyr at nasa passenger's seat siya habang si Zephyr ang driver. Mabilis ang naging biyahe nila dahil inagahan nila. Ayaw ni Zephyr na maipit sila sa matinding traffic flow kapag nagkasabay-sabay ang lahat ng vehicle owners sa highway. Nang makarating sila sa eskwelahan, huminto ang sasakyan at pinagbuksan ni Zephyr ng pinto si Leila. Katulad ng dati, nakaagaw na naman sila ng atensyon at ang iba ay kinuha pa ang cellphone para mag-picture. Siguro ay ia-upload na naman nila ito sa school forum. Zephyr, like what he always does, didn't glance at their way. Nakapulupot ang braso nito sa beywang ni Leila at sa mga nakatinging tao, tuloy-tuloy silang naglakad. Pero hindi pa sila nakakapasok sa building ng department ay may taong humarang sa k
Chapter 42ISANG MALAKAS na sampal ang nakuha ni Sienna kasabay ng pagtulak ni Zephyr sa kanya. Hindi makapaniwala si Sienna noong gawin sa kanya iyon ng kababata dahil para sa kanya, hindi siya nito kayang tiisin. Pero mukhang mali siya. “Z-Zephyr!” aniya at hawak ang nasaktang pisngi. Bakas pa roon ang lakas ng pagkakasampal dahil bakat ang mga mahahabang daliri ni Zephyr doon. “N-Nagawa mo akong saktan! Nagawa mo sa akin 'to?!”“Why did you kiss me? Tangina. May asawa na ako, Sienna! Anong hindi mo maintindihan sa katotohanang iyon?”“K-Kung wala ka bang asawa, hindi ka magagalit sa paghàlik ko? Zephyr, ako dapat ang nasa posisyon ni Leila. Ako ang dati pa sa tabi mo. Ako ang madalas mong ipagtanggol. Ako ang inalagaan mo noon. Ako iyong inuuna mo sa lahat ng bagay. Pero ngayon, puro na lang siya! Zephyr, nasasaktan ako! Ako dapat ang nasa posisyon niya, ako! Ako dapat ang asawa mo. Bakit ba kampi ka pa sa kanya samantalang pinikot ka lang naman niya?! Ako, ako ang matagal na nagh
Chapter 43NAGISING si Leila na nananakit ang buong katawan. Nag-e-exercise siya at may workout routine kaya nagtataka siya kung bakit masakit ang lahat sa kanya? Scam ang movie at TV series na nakikita niya na nakakatakbo ang mga babae pagkatapos gawin ang bagay na iyon! Napakagat si Leila ng pang-ibabang labi. Ngayon yata siya nakakaramdam ng hiya pagkatapos ng lahat. Kagabi, noong halîkan siya ni Zephyr at unti-unting lumalalim iyon, alam na agad ni Leila kung saan hahantong ang tagpong iyon. Wala naman siyang makapang tutol sa sarili at imbes, hinihintay niya pa nga 'yon. Walang masama dahil mag-asawa silang dalawa ni Zephyr. Pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi at ngayon siya pinamulahan ng mga pisngi. Zephyr was very gentle last night... Well at first. Iyong first time niya ay hindi sobrang sakit. Pero dahil nakailang hirit si Zephyr sa kanya, eto siya ngayon, masakit nga ang katawan. Kung after care naman ang usapan... Zephyr took care of her last night. Parang han
Chapter 23KINABUKASAN, ipinakita ni Patricia kay Manager Wenceslao ang script na pinili niya.Isang sulyap lang ang ginawa ni Manager Wenceslao bago ito napakunot-noo. "Historical theme? Hindi pa yata nakakagawa si Hennessy ng ganoong drama. Isa pa, masyado nang nakatatak sa isip ng tao ang imahe niya bilang modern queen. Kung bigla siyang gagawa ng ganitong palabas, baka hindi ito mag-work. At saka, mukhang kontrabida pa ang role niya rito? Hindi man lang siya ang female lead!"Alam na ni Patricia na ganito ang magiging reaksyon nito kaya agad siyang nagpaliwanag. "Binasa ko itong script nang mabuti. Totoo, mahal ng mga karakter ang female lead sa ending, pero kung tutuusin, ordinaryo lang siya. Walang masyadong dating ang role niya. Samantalang itong second female villain, kahit kontrabida, may parehas na bigat sa kwento tulad ng bida. Matapang siya, straightforward at sa dulo ng palabas, ipapakita kung gaano siya kaapi-api. Siya ang may pinakamalalim at pinaka-totoong karakter dit
Chapter 22"WALANG silbi ang makisama lang sa mundo. Dapat mong matutunang lumaban at gawing mas kawawa sa 'yo ang kalaban mo. Saka ka lang panalo kung kahit anong gawin nila, hindi ka nila kayang palitan."Napakislot ang puso ni Patricia. Parang nahawa siya sa kakaibang energy na dala nito. Tinitigan niya ito nang malalim. "Bakit... bakit mo sinasabi sa akin 'to?"Nang marinig ito, sandaling kumurap si Daemon at parang hindi komportable ang ekspresyon nito sa mukha. Matagal bago ito sumagot at nang ginawa nito, mahina lang ang boses nito. "Hindi ko rin alam...""Siguro... kasi kamukha mo siya..." Walang gaanong pag-iisip na sagot ni Daemon.Sa totoo lang, kung sasabihin ni Daemon na naaawa lang siya at hindi niya matiis na hindi si Patricia tulungan tuwing nakikita niya itong ganito... malamang hindi rin maniniwala si Patricia. Kahit siya mismo, hindi rin niya kayang paniwalaan yun.Dahil ang pinaka-katangian ni Daemon ay wala siyang konsensya!Mukhang hindi rin ni Daemon nagustuhan
Chapter 21PAGDATING ni Patricia sa ibaba ng kumpanya, luminga-linga siya, iniisip kung ano ang kakainin.Sa huli, matapos pag-isipang mabuti, nagdesisyon siyang pumunta sa isang murang fast food restaurant. Kahit na nakatanggap siya ng money gift ngayon, hindi pa rin ito sapat para mabayaran ang gastusin sa pagpapagamot.Kung magpapa-check-up siya ngayon, halos lahat ng sweldo niya ngayong buwan ay mauubos kaya mas mabuti nang magtipid.Pumasok siya sa fast food restaurant, umorder ng ilang paborito niyang pagkain, at umupo para kumain. Kahit medyo nahihilo siya, mas hindi niya matiis ang kumakalam niyang sikmura.Habang nakatutok siya sa pagkain, biglang may lumitaw na anino sa harapan niya at may umupo sa tapat niya.Nagulat si Patricia at napatingala, nagtama ang mata nila ni Daemon na may malamig na tingin.Halos malaglag ang kutsara niya sa gulat, at inabot siya ng ilang segundo bago makabawi. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"Hindi siya sinagot ni Daemon, bagkus ay nagtanong it
Chapter 20NAKITA rin ni Daemon si Patricia. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at may isang emosyon sa kanyang mga mata na mahirap maintindihan. Pero sa huli, nagkasalubong lang silang dalawa sa isa’t isa na parang magkaibang mundo.Ang tingin ni Patricia sa kanya ay parang isang boss lang, walang kahit anong emosyon.Sa hindi malamang dahilan, medyo nainis si Daemon.Sa normal na pagkakataon, ang isang babae na ilang beses nang nagkita at nakasalamuha siya, kahit hindi naman siya habulin, dapat kahit paano ay may nararamdaman na o kaya ay nagkakaroon ng ilusyon tungkol sa kanya.Pero itong si Patricia, na hindi naman kagandahan, parang wala lang? Ni hindi man lang siya naapektuhan?Mas lalong kumunot ang noo ni Daemon at humigpit ang hawak niya sa balikat ni Lorraine.Napairap si Lorraine sa sakit. "Ang sakit! Ang higpit mong humawak!"Hindi siya sinagot ni Daemon. Sa halip, hinigpitan pa niya ang kanyang kamao at nagdesisyon, sa susunod na makita niya ulit ang babaeng ‘yun, hindi n
Chapter 19"MISS, ano pong pangalan niyo?" tanong ng babaeng may hawak na recorder, halatang gustong malaman ang buong pangyayari."Patricia Scarlett De Jesus.""Sige, Ms. De Jesus, ikuwento mo lang nang maikli kung paano ka hinimatay at paano ka nailigtas, tapos ipahayag mo ang pasasalamat mo kay Andrei.""Pero hindi ko na masyadong maalala..." Hinimatay nga siya! Paano niya malalaman kung paano siya nailigtas?"Hindi mo maalala? Wala ‘yon, gawin mo na lang. May mga handa akong script dito, pwede mong gamitin bilang reference."Kinuha ni Patricia ang isang stack ng A4 papers at binasa ang title: "100 ways to say thank you... How to show gratefulness.. Lines to make people cry..."Napangiwi siya. Wala talaga siyang talent sa ganitong bagay… Hindi siya marunong umarte at hindi rin sanay magsinungaling.Pero wala siyang choice...Binasa niya ang impormasyon, pinag-isipan ang buong nangyari, at sa huli, nakabuo siya ng mahabang monologue. Sa totoo lang, magaling siyang mag-ayos ng mga s
Chapter 18NAPAILING si Andrei. "Uy, kahit man lang magpasalamat ka. Hindi lahat ng mabubuting gawa ay nasusuklian. Ang daming babae diyan ang gustong yumakap sa akin, pero ni hindi ko sila pinansin...""Thank you..." Sa wakas ay nasabi rin ni Patricia ang dalawang salitang iyon. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang pumasok sa banyo habang mahigpit na humahawak sa pader.Sandaling nag-alinlangan si Andrei sa labas.Sa totoo lang, lumabas lang siya saglit habang nagpapahinga ang manager niya para libutin ang kumpanya at tingnan kung okay bang manatili doon. Pero dahil sa hindi niya maayos na pakiramdam ng direksyon, naligaw siya.Nagkataong nagtanong siya kung saan ang banyo, tapos ang natagpuan niya ay si Patricia na sobrang putla na parang malapit nang mawalan ng malay...Mukha bang malas siya?Pagkalabas niya ng banyo, napansin niyang wala nang tao sa hallway. Pero base sa lagay ni Patricia kanina, malabo siyang makalabas nang mas mabilis sa kanya. Ibig sabihin, nasa loob pa siya ng ban
Chapter 17KINABUKASAN, medyo bumaba na ang lagnat ni Patricia, pero masakit pa rin ang tiyan niya at parang hindi niya matanggap.Mabilis siyang tumakbo papunta sa banyo at nagsuka, pero wala namang lumabas. Saka niya naalala na hindi pa pala siya kumakain kagabi dahil sobrang abala siya sa party.Pero ngayon, pagkatapos kunin ni Paris ang labinlimang libo mula sa suweldo niya, halos wala nang natira sa pera niya. Simula pa lang ng buwan pero hindi na sapat para sa mga gastusin niya kaya dali-dali niyang inayos ang sarili, kinuha ang bag niya at lumabas.Bumili siya ng dalawang siopao at isang bote ng soya milk sa tindahan sa baba.Sa totoo lang, medyo magastos ang siopao, dalawa kada one hundred pesos sobrang mahal. At nang kumagat siya, wala naman halos laman sa loob, parang kumakain lang siya ng tinapay. Ang soya milk naman, parang sinabawan ng tubig, halos walang lasa.Matapos ang simpleng almusal, naglakad na siya papunta sa kumpanya.Wala siyang kailangang asikasuhin sa labas n
Chapter 16Tumagal ng tatlo’t kalahating oras ang party, pero dalawang oras pa lang ay lumabas na sina Daemon at Rowie sa VIP exit. Bihira silang magtagal nang ganito sa mga event, lalo na si Daemon.Habang naglalakad, mukhang nag-enjoy si Rowie sa party. May tusong ngiti sa labi niya, "Sa totoo lang, maganda rin ang bagong artist natin na si Lisa. Maganda ang katawan niya sa lahat ng aspeto."Bahagyang ngumiti si Daemon. "Ano? Ipipilit mo na naman ang mga artista mo sa akin?"Natawa si Rowie na parang nahuli sa akto. "Aba, nadiskubre mo agad. Gusto ko talaga ibigay sa’yo. Ang saya siguro ‘nun. Tingnan mo na lang si Hennessy ngayon, ang init ng ulo, parang toro! Lalo lang siyang nagiging mas magagalitin araw-araw. Hindi ko na siya kayang pigilan!"Umiling lang si Daemon at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang nagpasiklab sa toro, ayoko na makakita ng babaeng naghahagis ng baso sa harap ko ulit.""Grabe ba talaga si Hennessy?" Nagulat si Rowie. Alam niyang mahirap pakisamahan si Hennessy, p
Chapter 15MABILIS lang dumaan ang tsismis at napansin nilang si Patricia ay pareho pa rin, tahimik na binu-bully tulad ng dati. Kahit na inaapi siya, parang wala siyang magawa para magreklamo.Bihira dumalaw ang young master na si Rowie sa kumpanya, at si Daemon naman ay parang multo, hindi mahagilap. Kaya kahit sabihin pang may “backer” si Patricia, parang wala rin. At ‘yung sinabi ni Manager Wenceslao noon na irerekomenda siyang ma-promote? Wala ring nangyari.Kaya siya pa rin ang binibigyan ng pinakamabibigat na gawain, madalas, puro pisikal na trabaho at mga utos lang.Ngayong gabi, may cultural performance ang Glev Travel Company, kung saan si Hennessy ang image ambassador. Hindi lang siya kakanta, magsasayaw din siya.May ilang patong ang suot ni Hennessy na kasuotan, kakanta siyang suot ang lahat ng ito, at unti-unting huhubarin ang mga patong habang kumakanta, hanggang sa lumabas ang makinang niyang gintong damit-panayaw.Ipinapakita nito na ang bagong proyekto ng Glev ay nag