Tila napaisip si Manager Yen, pero hindi pa rin siya agad-agad na sumang-ayon: "Eh ano naman kung maagaw ang role? Hindi naman nasusukat ang career ng isang artista sa isang pelikula lang.""Narinig ko na may lumabas na tsismis tungkol kay Sunshine at isang direktor. Dahil doon, hindi na siya makapagtrabaho sa mga movies, hindi ba. Sira na ang reputasyon niya at inuulan siya ng pambabatikos online.""Alam kong pwede naman siyang maghanap ng ibang pelikula, pero sa totoo lang, kailangan niyang kunin ang project na ito. Kung hindi niya gagamitin ang talento niya para bumawi sa audience, tuluyan siyang mawawala sa industriya. Hindi na siya pwedeng makipagtrabaho sa dating direktor niya, at hindi rin madaling makapasok sa malalaking projects. Maraming kompetisyon. Pero madali nating samantalahin ang sitwasyon ni Director Molina, gets mo naman siguro..."Sinabi ito ni Patricia nang dire-diretso, parang ayaw niyang bigyan ng kahit anong puwang para magduda ang kausap niya.Sa katunayan, hind
Chapter 25KINABUKASAN, natanggap ni Patricia ang kontrata sa kumpanya ng Star Ent. gaya ng inaasahan. Nakaimpake ito sa isang ordinaryong express package, mukhang maingat ang pagkakagawa.Ipinadala rin ni Patricia ang address at oras ayon sa kanilang napagkasunduan, at pagkatapos ay naghintay na lang siya sa kung anong mangyayari.Pero hindi niya inaasahan, pagdating ng tanghali, biglang pumasok si Manager Wenceslao na seryoso ang mukha at dumiretso sa kanyang mesa. "Nagbago ang sitwasyon, sumama ka sa akin."Kumunot ang noo ni Patricia. Ano na naman ang nangyari? Pinagplanuhan niyang mabuti ang lahat, paano pa ito nagkagulo?Sinundan niya si Manager Wenceslao papunta sa opisina nito. Hindi pa rin nagbago ang seryosong ekspresyon nito. "Sa audition para sa lead role, mukhang makikisali rin si Lorraine!"Nagulat si Patricia. "Bakit? Hindi ba second-tier actress pa lang siya? Kahit marami siyang endorsements, hindi pa naman siya naging bida sa isang pelikula. Paano siya nakapasok sa ga
Chapter 26NGAYON, madalas na si Patricia nagpupuyat o minsan ay hindi na natutulog para lang maghanap ng iba’t ibang materials at gumawa ng mga plano. Nagbabasa pa siya ng mga nobelang tungkol sa business wars and office wars para matuto at maihanda ang sarili sa promosyon at pagtaas ng sahod. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya walang kwenta gaya ng sinasabi ng iba. Kung ikukumpara, ang mga award na napanalunan niya noong kolehiyo ay malayong mas marami kaysa sa mga kasamahan niya ngayon. Pero dati, mas pinipili niyang manahimik at magparaya para lang mapanatili ang katahimikan. Si Daemon ang nagsabi sa kanya na kailangan niyang lumaban at makipagsabayan! Bigla niyang naisip na kung lagi siyang magpaparaya, hindi siya rerespetuhin ng iba at hindi siya makakaangat kailanman. Kaya ngayon, kailangan niyang lumaban... at lumaban nang todo! At siyempre, dahil sa sobrang pagpupursigi, nauwi siya sa pagtulog sa harap ng magarbong bahay ni Daemon! Natulog siyang nakangiwi, may law
Chapter 27HINDI nI Patricia alam kung gaano katagal tumagal ang "karera" na ito. Nang huminto ang sasakyan at tumigil ang mabilis na pagbabago ng tanawin sa paligid, saka lang dahan-dahang iminulat ni Patricia ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya kanina, parang lalabas na ang kaluluwa niya sa katawan. Buti na lang at walang nangyaring masama... Ang bilis ng takbo ng kotse, parang sa mga pelikula tungkol sa car racing. Matagal muna siyang nakaupo sa loob ng sasakyan bago naalala niyang tanggalin ang seatbelt niya. Nilingon siya ni Daemon at nang makita ang maputla niyang mukha at takot na ekspresyon, bahagyang kumurba ang labi nito sa isang ngiti. "Masaya ba?" "Masaya... Masaya..." Paulit-ulit na tumango si Patricia, ayaw niyang sumalungat. "Kung gano'n... gusto mong ulitin?" May bahid ng panunukso ang ngiti ni Daemon. Agad na umiling si Patricia, parang laruan na ginawang maracas: "Ayoko na!" Baka atakihin siya sa puso kung mauulit pa ‘yon! "Kung gano'n, bakit hindi k
Chapter 28BAHAGYANG tinaas ni Daemon ang kilay. "Manang Tina, sapat na na narinig ko na ‘yan mula sa kanila..." "Alam kong ayaw mong marinig ito, pero wala na akong magagawa!" "Alam mo namang matagal nang gustong kunin ng malayong pinsan mo at ng mga tauhan niya ang kayamanan ng pamilya Alejandro. Simula nang mawala ang mga magulang mo at lolo't lola mo, pinilit nilang kunin ka, hindi para alagaan ko kundi dahil sa yaman na tinatamasa mo. Kung hindi ka susunod ngayon at kung sa galit ng matanda ay ibigay niya talaga sa pinsan mo ang mga shares..." Napapikit nang mariin si Daemon, halatang naiinis. "Ang matandang ‘yon..." Hindi na nagsalita pa si Manang Tina at yumuko na lang, hindi na makatingin nang diretso. Si Patricia naman ay tahimik lang sa isang tabi… Lubos siyang nalito sa usapan nila. Parang may namatay sa kapamilya ni Daemon base sa narinig niya. Pero sa tono at kilos nito, hindi ito mukhang nagdadalamhati. Bagkus, parang kalaban niya ang namatay. Mayamaya, dumil
Chapter 29"TUMIGIL ka na!" Mabilis na pinigilan si Inez ni Patrick, ang ama ni Patricia, at saka hinarap si Patricia. "Pamilya tayong lahat. Walang dapat na samaan ng loob nang matagal. Kahit ano pa ang nangyari, matagal na tayong nagsama. Si Inez din naman ang nagpalaki sa’yo. Ngayon na may ganitong problema, wala namang may gusto nito… Patricia, ikaw na lang ang pag-asa namin." Hindi nagalit o nainis si Patricia, at lalo siyang hindi natinag sa tono ng kanyang ama. Sa halip, direkta lang siyang nagtanong, "Nasaan si Paris?" "Ah..." Napabuntong-hininga ang ama niya. "Yan din ang isa pang bagay na gusto kong ipakiusap sa'yo... Matagal nang nililihim ni Paris kay Simon na nagtatrabaho siya sa isang malaking kumpanya. Noong una, pinalusot niya na ayaw lang niyang makatawag-pansin kaya hindi niya pinapasundo si Simon sa opisina..." "...Pero hindi mo naman kayang ilihim ang totoo habang buhay. Kapag lumabas ang totoo, siguradong mas malaking gulo ang mangyayari. Ginamit niya ang p
Pagbalik ni Patricia sa kumpanya mula sa bahay, napansin niyang may natanggap akong text message mula sa isang hindi pamilyar na numero. Pagbukas niya nito at pagtingin, bigla siyang natauhan. "Ano ang maitutulong ko sa'yo?" Ayon sa message. Mula kay Daemon. Mabilis siyang sumagot tungkol sa agawan nina Lisa at Hennessy para sa papel ng female lead. Ewan niya kung bakit, pero nag-type siya ng isa pang mensahe at sinend iyon. "Mr. Alejandro, pwede mo ba akong pautangin ng 500,000?" Kahit gaano pa niya kamuhian si Inez, ama niya pa rin ang kasama nila sa pamilyang iyon. Hindi rin naman magandang hayaan silang gamitin ang bahay bilang pambayad ng utang. Matagal na walang sagot mula sa kabila. Napabuntong-hininga siya Tama lang naman, kahit gaano kayaman ang isang tao, hindi naman si Daemon parang diwata sa engkanto na basta-basta lang namimigay ng pera. Walang dahilan para ipahiram ang 500,000 nang ganoon lang. Pero ang unang bagay na ipinangako ni Daemon ay mabilis niyang ti
Chapter 30NAROON lang sina Hennessy at Manager Wenceslao para dumalo sa meeting kasama si Director Molina. Hindi marunong mag-ayos o mag-makeup si Patricia, kaya hindi na siya sumama at umuwi siya sa normal niyang oras pagkatapos ng trabaho.Pero hindi niya inaasahan na pagkalabas pa lang niya ng pinto ng kumpanya, may maririnig siyang pamilyar na boses ng babae: "Ayan siya! Anak ko 'yan! Kung kailangan niyo ng pera, sa kanya kayo lumapit. Malaki ang sahod niya, siguradong kaya niyang bayaran!"Nag-alala si Patricia at lumingon siya sa direksyon ng boses. Nakita niyang si Inez, kasama ang ilang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket ay papalapit sa kanya na may masamang tingin.Biglang naguluhan ang isip ni Patricia… Sobrang kapal talaga ng mukha ni Inez! Dinala pa niya mismo ang mga nagpapautang sa mismong harapan ng kumpanya para harangin siya!Pero halata sa tingin ng mga lalaking naka-itim na siya talaga ang target nila.Gusto sanang tumakbo ni Patricia, pero hindi niya kaya
Binabantayan ba siya nitong lalaking 'to?Ibig sabihin, kitang-kita siya sa CCTV? Kahit na naka-damit naman siya habang natutulog at lumabas lang ng kwarto nang hindi nagpapalit, hindi niya alam kung gumalaw siya o kung ano man ang ginawa niya sa kwarto nung gabi. Paano kung pangit pala siyang matulog? Pero, nung naisip niya 'yon, napahinto siya…Siguradong sanay na si Daemon sa ganung itsura ng mga natutulog. Baka ilang beses na niyang nakita 'yon, kaya hindi na rin siya nabibigla.Kaya, nang humarap si Daemon, nakita niyang pabago-bago ang expression ni Patricia. Ang dami niyang naiisip sa mukha pa lang at natawa si Daemon nang bahagya, medyo kumurba ang labi niya.Nang makita ni Patricia na ngumiti si Daemon, parang natulala siya. Kahit seryoso at malamig si Daemon, hindi naman siya ‘yung tipong hindi marunong ngumiti. Pero madalas, parang peke lang ang mga ngiti niya, hindi galing sa puso.Pero ‘tong ngiti na ‘to, parang totoo. Galing sa puso. Maganda ang mukha niya, maayos ang mg
Chapter 78KARAPAT DAPAT naman talaga si Chastain na manalo. Kasi karamihan sa mga tao sa Beltran family, ipinagmamalaki pa ‘yung pagiging walang puso. Hindi nila alam na ang totoong damdamin ay hindi dapat maging sagabal. Kapag handa kang magsakripisyo para sa ibang tao, magbabalik din sila ng katapatan. Pero kung puro interes lang ang pinagbabatayan, internal conflict ang labas, parang buhaghag na buhangin. Kapag dumating ang araw na magkaiba na ang interes, siguradong maghihiwalay-hiwalay at tuluyang babagsak.Nang paalis na si Daemon habang buhat si Patricia, nagkasalubong sila ni Chastain.Hindi nagsalita si Daemon at dumiretso lang sa paglalakad. Si Patricia, tulog pa rin sa bisig niya, nakasandal ang ulo sa dibdib ni Daemon at mukhang panatag na panatag.Gusto sanang magsalita ni Chastain pero napangiti na lang siya ng pilit habang pinapanood silang umalis.Nanalo siya sa laban na 'to at panalong-panalo talaga. Malamang wala nang magtatangkang lumaban sa kanya sa Beltran family
Samantala, sa basement sa kabila.Kakakalabas lang ni Chastain sa kwarto habang hawak si Chase bilang bihag nang makita niya si Daemon na papalapit na parang isang halimaw. Ang mga mata nito ay parang kayang sunugin lahat ng tao sa paligid. Wala siyang pakialam kahit sinong makita. Lumapit lang siya sa kanila at malamig na tinanong, “Nasaan si Patricia?”“Nasa kaliwa ng third floor, unang kwarto,” sagot agad ni Chastain. Sa ngayon, mukhang halos tapos na ang pagharap sa mga tao ng Beltran family. Si Patricia na lang ang inaalala niya.Pero ang pagkakakulong kay Patricia sa baptism room ay nangangahulugang ligtas pa rin siya. Siguro natakot lang siya nang kaunti, pero hindi naman nasaktan.Pagkatapos niyang makuha ang sagot, agad na umalis si Daemon nang hindi man lang lumingon kay Chastain.Napangiti ng mapait si Chastain. Sana man lang tinanggalan siya ng posas ni Dasmon. Nasa itaas pa ang mga tao niya at nakikipagsagupaan kina Jester. Sinabihan na niya ang mga kasama niyang huwag na
Chapter 77HINDI nagsalita si Chastain. May pasa na ang isa niyang mata. Medyo nakadilat ang isa pa niyang mata na hindi pa nasasaktan at nakatingin siya kay Chase na parang naaaliw. "Alam mo ba... hindi ka na naglalaro ng apoy ngayon... bomba na ang hawak mo."Natawa pa siya kahit na halos wasak na ang mukha niya sa bugbog. Kumunot ang noo ni Chase. "Anong kinakatawa mo?! Anong nakakatawa?!"Bago pa makasagot si Chastain, isa pang malakas na suntok ang tinanggap niya sa tiyan. Napayuko siya sa sakit, pero may ngiti pa rin sa gilid ng labi niya.Halos mabaliw si Chase sa ngiting 'yon. Siya na nga ang nakakulong, pero bakit parang kalmado pa rin siya?Bigla siyang sumugod at sinuntok si Chastain sa mukha nang sobrang lakas, kaya napalingon ang ulo nito.Pero sa puntong 'yon, biglang gumalaw si Chastain sa isang hindi normal na posisyon at tinaas ang mga kamay niyang may posas para biglang dumakma kay Chase. Bago pa man makagalaw ang iba, nakapalupot na ang kadena sa leeg ni Chase. Sa k
"...So, anong ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga si Chase pero halatang kinakabahan pa rin nang tanungin niya ito."Bakit hindi na lang natin hayaang manatili ang Young Master sa East Africa habang-buhay at wag nang pabalikin? Wala nang gulo, mabuti para sa lahat." Tumatapik ang daliri ni Ghost Blade sa mesa na parang wala lang, "Matanda na ako, ayoko na ng kaguluhan. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yung dapat umalis, umalis na. Yung dapat manatili, manatili na. Tapos na ang gulo, ayos na ako.""Tama si Uncle Gido!" Halos lumiwanag ang mga mata ni Chase nang marinig niya 'to!Pero si Jester, nanatiling kalmado… Kahit parang sang-ayon si Ghost Blade sa plano, malinaw naman na tinutuligsa niya rin ang pagiging peke ng meeting nila.Mayamaya, may isa pang boses na sumabat, medyo masaya ang tono at parang sinamantala ang pagkakataon. "Since sinabi na 'yan ni Uncle Gido, may tututol pa ba sa plano para kay Second Young Master? Ako, si Tiu, unang sumasang-ayon!"Pagkasabi ni Tiu, may isa
Chapter 76SA RESTAURANT ng Beltran family, lahat ng mata ay nakatingin kay Chastain nung dumating siya. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao. Ang mga Elders roon ay parang mga ministro sa panahon ng mga imperyo kaya natural lang na sobrang importante sa kanila kung sino ang magiging susunod na tagapagmana ng pamilya.Itong “trial” na ‘to, kahit tawagin pa nilang paglilitis, totoo niyan ay parang pagpapaalis na lang kay Chastain. Sa dami ng gulo na ginawa niya nitong mga huling araw, kahit pa siya ang pinaka-may kakayahan sa tatlong anak ni Jester, masyado siyang mahirap kontrolin.Lumaki si Chastain sa labas ng pamilya at sobrang tibay na ng pundasyon ng kapangyarihan niya. Kapag siya ang naging tagapagmana, hindi malabong tanggalin niya lahat ng kasalukuyang tao sa puwesto at palitan ng sarili niyang mga tao.Kaya naman confident si Chase na siya ang susuportahan ng mga Elders sa paligid. Si Chastain ay itinuturing na pasaway at mas ligtas daw kung siya ang pipiliin. Pero kahit ganoon,
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa