Wish me luck para sa last stretch ng exam huhu ayoko talaga ng warehousing kaso major subs huhu. Thank you for reading and leaving comments. 🫶 —Twinkle ×
HININTAY ni Serena na maging maayos si Helios at noong kaya na nga nito, saka ito nagsabi ng lahat ng nangyari kay Serena. Pagkatapos mahuli ng international police ang ilan sa mga myembro ng RLS, bilang amnesty kay Helios, binigyan ito ng bagong katauhan at kasama rin si Catherine at Hezekiah roon. May magiging bantay rin sila at dalawa ang purpose noon, para bantayan ang kilos nila at protektahan sila sa mga natitira pang myembro ng RLS na hindi pa rin nadadakip. Dahil secret agent si Serena bago napasok sa RLS at wala naman siyang nilabag na batas, mabilis na nakuha ni Serena ang kalayaan. The FBI even commended them for their exceptional work in dismantling the RLS Organization, which had been a major headache for both the FBI and CIA.Dahil sa pagiging protektado, kahit alam ni Serena at Helios na may banta pa rin sa buhay nila, naging maayos ang pag-aasikaso ni Serena para makauwi habang si Helios naman ay pinag-iisipan kung saan na ba pupunta pagkatapos ng lahat. Helios surre
“NATHAN, tama ba ang nakarating na balita sa akin? Xavier's going to marry that celebrity?!”Halos tumili si Maeve sa kabilang linya na kulang na lang magtakip ng tainga si Nathan. Tumingin siya kay Raysen na nasa tabi at nagtaas lang ito ng kilay sa kanya. “You talk to her,” aniya. Umiling ito. “That's your cousin. You explain things to her, Nate.”Napangiwi si Nathan. Paano niya ba ipapaliwanag kung maging siya ay nangangapa sa desisyong ginawa ni Xavier? They were just informed that he's ‘marrying’ his girlfriend via news. Ni hindi nga nila alam na nag-propose si Xavier. They didn't hate or like that girl. What they felt for her is indifference. Siguro, kung tatanungin man sila kung sino ang gusto nila - ito ba o si Serena - Nathan would still prefer Serena. Not that he's biased. Okay — he's kind of biased but Nathan knew that Serena is the best for Xavier. Hindi niya nakikita sa mga mata ni Xavier na mahal nito ang girlfriend nito ngayon at sa heartbreak lang mauuwi ang lahat k
PANAY ang punas ni Serena sa mukha niya dahil hindi pa rin maampat ang luha na nasa magkabilang pisngi niya. Panay pa rin ang tulo noon at kahit anong pilit na tumahan, hindi niya magawa. Kahit na sinabi na sa kanya ni Chlyrus na ikakasal na si Kevin sa ibang babae, ayaw niya pa ring maniwala dahil para sa kanya, hihintayin siya ni Kevin. That's what she feels. Kaya nga naglakas-loob siyang puntahan ito sa bahay na tinitirhan nito ngayon. Iyong dating bahay na tinitirhan nila dati ay mukhang wala na nakatira. Ang tinutuluyan ngayon ni Kevin sa pagkakaalam niya ay iyong una nilang bahay noong kinasal siya rito. Matagal siyang naghintay sa loob ng bakuran dahil inakyat niya pa ang pader na nakapalibot sa buong bahay dahil nakakandado ang gate. Kung siguro malalaki ang lamok na kumakagat sa kanya ay naubos na siya roon. Inaantok na sumandal si Serena sa pader ng carport habang hinihintay si Kevin at nakaidlip na rin siya. Halos malapit nang maghating gabi noong nakarinig siya ng kalus
“KEV, this is your food for lunch, ha? Pinagluto kita. How's Chiles? Is he good?”Nasa loob ng opisina ngayon ni Kevin si Ashianna at may dala itong insulated bag kung saan may laman iyong lunch. Pinagluto siya nito at nagkukwento ng nangyari dito sa nakalipas na mga araw. “You know, I'll be going away once again. Malapit na ang movie premiere ng new movie ko kaya pupunta kami sa kung saan-saang lugar para sa mall tours. Kahit guess TV shows kasi ay gagawin namin kaya mawawalan ako ng oras sa iyo at kay Chiles.”Tumango lang si Kevin bilang sagot sa kwento ni Ashianna. Hindi naman alintana ng babae ang malamig na pakikitungo ni Kevin dito at imbes, nagpatuloy pa rin sa pagkukwento. Halos inabot ng isang oras ang walang humpay nitong pagsasalita na inurong na ni Kevin ang tea na nasa mesa niya patungo kay Ashianna. “Drink that to soothe your throat.”Ngiting-ngiti si Ashianna na kinuha ang tea, uminom doon at masayang bumaling kay Kevin para magpatak ng halík sa pisngi ni Kevin. “Yo
SERENA is currently reading the reports she gathered about the girl Kevin is dating right now. Hindi niya ito pagpaplanuhan ng kung anuman. Gusto niya lang malaman kung sino ba ang babae na iyon. Gusto niyang malaman kung ano ang nakita ni Kevin para maging girlfriend nito. Masakit, oo. Pero gusto niyang malaman. Her name is Ashianna Willow Villamor. Sikat na sikat na movie queen dito sa Pilipinas. Mahilig din ito mag-donate sa mga orphanage at charity na naging ambassador ito para sa pagsuporta sa mga charity. Sa nababasa pa lang ni Serena, mahal ng masa si Ashianna na girlfriend ni Kevin. And while she's looking at her photos, she couldn't hide that Ashianna's so beautiful. Hindi ito kaputian na tulad niya pero head-turner ang kagandahan nito. She has this suntanned complexion that suits her face and body. She's also tall. Kaya nagmo-model din ito kapag invited ito sa national runway. Minsan na rin itong naimbitahan para sa Paris Runway Fashion Show. Kung itatabi siguro si Seren
KAHIT na kumikirot ang dibdíb ni Serena, sinubukan niyang ngumiti kay Chiles at ngumiti pabalik si Chiles sa kanya. Hindi niya napigil na abutin ang anak at haplusin ang malambot nitong pisngi. Nagulat si Chiles sa ginawa niya ngunit hindi umiwas ang bata. Bagkus, kiniskis pa nito ang pisngi sa kamay ni Serena. Naningkit din ang mga mata ni Chiles na tulad sa isang kuting na napapapikit kapag hinahaplos. Napangiti nang malawak si Serena sa ginawa ni Chiles. Binaba niya ang kamay at sinilip si Chiles. “C-Can I hug you?”Tinagilid ni Chiles ang ulo at parang nagtaka sa sinabi niya. Saka naisip ni Serena na sobra yata ang gusto niyang hilingin kay Chiles. Halos tatlong taon lang si Chiles noong umalis siya kaya tama lang na hindi siya maalala ng anak. At kung titingnan nga ngayon, stranger siya para kay Chiles. Ngunit nagulat siya noong tumayo si Chiles at lumapit sa kanya. Umamba ng yakap si Chiles kaya mabilis namang yumakap si Serena kay Chiles. Noong hawak at yakap na niya ang a
ILANG segundo yata na hindi maapuhap ni Serena ang boses. Nanatili ang mga mata niya kay Kevin at mas lalo siyang nasasaktan dahil dito niya mismo narinig na parang itinakwil niya si Chiles. Hindi iyon ang intensyon niya ngunit dahil sinabi niya iyon at hindi na mababawi pa, mali pa rin ni Serena iyon kahit na gusto niya lang naman protektahan ang mga taong mahal niya. Umiling si Serena. “S-Sinabi ko lang iyon dahil kailangan, Kevin. H-Hindi ko gusto iyon pero noong panahong iyon, iyon ang dapat kong gawin.”Kung sinama niya si Chiles, alam niyang hindi niya mapoprotektahan si Chiles nang maayos. Alam niya kung gaano katuso ang mga taong nakasama niya sa Spain at bawat kilos niya ay naka-monitor. Sandali lang niyang nakausap ang biological parents at pagkatapos noon, pinadala na agad siya sa pamilya ng Fortalejo para pilit na ipakasal kay Helios. Alam ng Alejandro Clan na may anak at asawa siyang naiwan sa Pilipinas at kung ipipilit niyang umuwi, hindi magiging maganda ang kalalaba
NANLAKI ang mga mata ni Serena noong mapagbuksan ng pinto si Hanni kasama si Zephyr. “Walanghiya ka! Dalawang taon kang nawala tapos ngayon ka lang babalik?” halos lumabas ang litid sa leeg ni Hanni noong sabihin iyon. “…Hanni, a-andito kayo…”Mabilis na lumapit si Hanni sa direksyon ni Serena at naisip ni Serena na masasampal siya ng matalik na kaibigan kaya napapikit siya. Pero imbes na sampal, isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman niya. Hanni was hugging her. Mabilis niyang binuksan ang mga mata at niyakap din pabalik ang kaibigan. Dumapo rin ang mga mata niya kay Zephyr at pinanonood siya ng kapatid. Tuon ang atensyon sa kanya. She motioned for him to go to her and Zephyr obliged. Humiwalay si Serena kay Hanni at niyakap din si Zephyr. “I missed you, Ate,” bulong ni Zephyr. Tinapik ni Serena ang likod ni Zephyr. Ngayon niya napansin na bahagyang lumaki ang katawan ni Zephyr at mas lalo pang tumangkad sa kanya. Noong humiwalay siya sa kapatid, hinatak siya ni Hanni
Chapter 40: I hate you to the coreNAKATITIG si Hanni sa sticky note na hawak niya ngayon. It contains Yves' handwriting. May message doon na inumin niya ang medicine na nakapatong sa side table. May glass of water din doon na alam niyang hinanda ni Yves. When she woke up, the first thing she looked for was Yves. Pero hindi niya nakita ang lalaki sa condo unit nito kahit nilibot na ni Hanni ang buong lugar. Nang bumalik siya sa kwarto kung saan sila natulog magkatabi, saka niya lang napansin na may gamot pala na hinanda para sa kanya si Yves. Dinampot niya ang note at napangiti sa nakita dahil kay Yves nga talaga galing iyon dahil kilala niya ang sulat nito. Hindi pa sila nakakapag-usap ni Yves ngunit ramdam niya ang pagbabago ng ugali nito mula noong huli silang dalawa. Imbes na galit ang sumalubong sa kanya at pagtataboy nito na parati nitong ginagawa dahil nga hindi siya nito maalala, ang ugali ni Yves kagabi ay parang si Yves na kilala niya noong hindi pa ito nawawalan ng memor
Chapter 39: Erasing herNAKAPATONG ang ulo ni Hanni sa braso ni Yves at nakayakap ang babae sa kanya. Si Yves ay nakayakap din kay Hanni. Tulog ang babae habang tulala naman si Yves dahil sa mga nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Noong makita niya ito kaninang sugatan, hindi niya inisip kung bakit nagkaganito si Hanni o kung anong ginawa nito at nagkasugat. Ang tanging nasa isip niya, gamutin ito at siguraduhin na maging safe ito. He was also thinking of bringing her to the hospital if her wound won't stop bleeding. Mabuti na lang at huminto rin ang pagdurugo nito at mukhang hindi rin ganoon kalalim ang tinamong sugat ni Hanni kaya nakahinga nang maluwag si Yves. Bumalik sa balintanaw niya ang tagpo na siya ang nanghàlik sa babae. He didn't regret what he did back then. May mga alaalang pumapasok sa utak niya at pakiramdam niya ay totoo ang mga iyon.Alam na niya ngayon na hindi lang panaginip iyon; may mga naalala na rin siya. Gusto niyang humingi ng tawad
Chapter 38: She's here in his condoHAWAK-HAWAK ni Hanni ang may tama ng bala na balikat at tahimik siyang naglalakad sa madilim na daan. Natakasan niya ang mag tauhan ni Don Juan Miguel dahil lahat sila ay nawalan nang malay noong dumaan sa palad niya.She could kill them, yes, but she's just a civilian now. Alam niyang labag sa batas ang pagpatày dahil hindi na siya saklaw ng proteksyon ng HQ. Sarili na lang niya ang kumikilos ngayon at malaking kasalanan kung ilalagay niya ang batas sa mga kamay. So in the end, she didn't kill those men but she just left an injury around their bodies. Maging si Don Juan ay hindi nakatakas sa kanya at binaril niya ito sa balikat. Amanos sila, natamaan siya sa balikat at binaril niya rin ito roon. Nalapatan na niya ng paunang lunas ang balikat at dahil itim ang suot niya at naka-jacket din siya, hindi pansin ang sugat sa katawan. Hanni went to the condo unit of Yves. May susi siya ng condo ni Yves dahil inabot sa kanya iyon ng lalaki noong nagsimu
Chapter 37: You won't get to leave hereBECAUSE of a thorough investigation, Hanni found out what caused Yves to forget about her and Yvette. Alam niyang hindi lang dahil sa gamot o drúgs lang ang magiging dahilan noon. At ngayon nga ay nalaman niya na ang totoo! Yves was being mind-controlled! May doktor na nagpapanggap na psychologist at imbes na talk therapy ang ialok kay Yves, pasimple nitong hinihipnotismo si Yves. Magaling ang illegal doctor na iyon dahil may kaugnayan din ang lalaking iyon sa RLS. Dahil hindi ganoon kaimportante ang lalaki kaya nakalusot ito sa imbestigasyon ng HQ. Nahuli na halos lahat ng matataas na opisyal ng RLS at puro underlings na lang ang pagala-gala sa kung saan-saang bansa na nagtatago pa rin sa HQ. Hindi akalain ni Hanni na may hindi pa nahuhuli ang HQ at ngayon ay naghahasik ng lagim pa rin dito sa Pilipinas! That person is gifted in terms of psychological warfare. He could hypnotize people just with his words. Samahan mo pa ng mga drúgs na gali
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag