2/2 bukas uli. may major class uli ako. thank u for reading —Twinkle ××
NAPATAKIP ng bibig si Serena dahil ayaw niyang kumawala ang hikbi sa bibig niya. Nanlalabo ang mga mata dahil sa luha, hindi niya alam kung ano ba dapat ang sabihin. “W-Wife?” tanong ni Kevin sa kanya. “Mama? Yes or No?” sunod din na tanong ni Chiles. Dahil doon, nakarinig sila ng tawanan sa paligid. Nang ilibot ni Serena ng tingin ang buong lugar, doon niya lang napansin na naroon din pala ang pamilya niya. From Chlyrus to her grandfather, down to her cousins and other relatives. They were all there. “Chiles, huwag mong bigyan ng ideya ang mama mo na tumanggi. Baka mamaya biglang mag-no 'yan,” biro ni Raysen sa gilid. “She shouldn't say yes,” nakasimangot na ani Zephyr. Nakahalukipkip ang lalaki at ito lang yata ang bukod-tanging hindi masaya sa okasyon na iyon. Siniko ito ni Chlyrus para manahimik ito. Nalito ang ekspresyon ni Chiles dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ni Raysen at Zephyr. “Yes, no?”Kevin glanced at Serena and his face was tense with emotions. Bumaling si
ISANG linggo nang hindi nakakausap ni Serena si Zephyr. Hindi niya rin ito ma-contact. Kahit si Chlyrus ay tinanong niya na at ang sagot ng pinsan, iniwan ni Zephyr ang tracking device na nakakabít sa phone nito. Even his dogtag necklace nito ay naiwan lang sa pad nito. Doon na kinabahan si Serena. Hindi ganito ang ugali ni Zephyr dahil lagi itong naka-message sa kanya kapag may ginagawa ito. Kung may pupuntahan man ito, alam niya. Zephyr is an inactive member of HQ but Serena knows that Zephyr knows how to protect himself. Pero hindi niya maiwasang mag-isip nang masama. Nagsimula kasi ito noong mapanaginipan niya si Zephyr na duguat at tinatawag ang pangalan niya. Para itong nasa isang tagong lugar at napapalibutan ng mga lalaking bumubugbog dito. Nang magising, umiiyak na tinawagan niya si Zephyr ngunit cannot be reached ang kapatid niya. It took a while for Kevin to calm Serena down. Pero dahil sa panaginip na iyon, halos lahat na yata ng kakilala ni Zephyr, tinawagan ni Serena
HINDI napaghandaan ni Helia ang pagsugod ni Serena kaya noong natapos itong magsalita, binigyan ni Serena ng straight jab sa mukha si Helia na kinatumba nito. Nang mapahiga ang babae, sinipa-sipa ni Serena si Helia habang tumitili ito sa sakit. Ngunit dahil naisip si Zephyr, tinigil din ni Serena ang ginagawa at lumapit kay Zephyr na bugbog sarado at wala nang malay-tao. “Z-Zephyr…? Zephyr, gumising ka, please. Zephyr—”“Kíll her now! Kíll her! Did you people see what she did to me?! She attacked me and yet you just stand there! Mga walang kwenta! Para saan pa't nandito kayo?! Patáyin ninyo ang babaeng iyan!” galit na galit na sigaw ni Helia noong makatayo ito. Nagkatinginan ang mga tauhan na naroon dahil naalala pa nila ang istriktong bilin ni Helia na manood lang sila dahil ito raw anv magpaparusa sa darating na tao na si Serena pala. Hindi pa rin nakakalimot si Helia sa ilang beses na pananakit ni Serena rito. Gustung-gusto na nitong gumanti kaya tamang-tama ang oras na pumunta
HINANAP ni Serena ang cellphone at doon niya lang naalala na tawagan si Chlyrus. Hindi niya alam kung maliligtas niya ba si Zephyr pero gagawin niya ang lahat para maging maayos ang kapatid. Wala nang natirang tao roon at talagang sila na lamang ang naroon. Chlyrus answered the phone. [“Cinder? Did you find Zephyr?”]“C-Chly, locate my location, please. We need to save Zephyr. He's dying, Chlyrus! Hindi ko na alam ang gagawin ko!”Narinig niya ang sunod-sunod na pagmumura nito sa kabilang line at hindi na nagsalita pa si Chlyrus pero alam niyang nilo-locate siya ng pinsan. [“Try to wake Zephyr, Cinder. I'm on my way. Don't be nervous, okay? Just stay calm.”]Hindi pinutol ni Chlyrus ang tawag ngunit alam niyang mabilis na itong kumikilos para puntahan sila ni Zephyr. Binalikan niyang muli si Zephyr at gamit ang kamay, pinunasan niya ang duguan at madungis nitong mukha. Pumapatak na ang luha mula sa mga mata ni Serena dahil awang-awa siya sa itsura nito. Nanginginig ang kamay dahil
SERENA was grounded. Nang makita ni Kevin ang sugat sa balikat niya at nalaman nitong tama iyon ng baril, sobrang dilim ng ekspresyon nito na ilang beses napalunok ng laway si Serena. Parang isang maling salita niya lang, malalaman niya ang kalalagyan niya. Hindi pa nakatulong na dahil nasa ancestral house pa rin sila ng lolo, nagkampihan si Kevin at ang pamilya ni Serena na pagalitan siya. Siya ang mali pero sumama rin ang loob niya dahil sa tuloy-tuloy nilang sermon sa kanya. Kahit na alam niyang kasalanan niya, mabigat pa rin ang loob niya. But Kevin is also upset with her. Hindi pa rin nito alam ang totoong pagkatao niya bilang isang secret agent pero alam nitong may security agency sila at siguro sa isip ni Kevin, kumuha siya ng misyon at doon nga nasangkot sa isang enkwentro. He really didn't have an idea that Helia kidnapped Zephyr and almost killed the two of them. And she won't tell him that. Hindi niya rin naman sinisisi si Kevin dahil sadyang baliw lang talaga si Helia at
ISANG linggo na lang at ikakasal na si Kevin at Serena. Handa na rin ang lahat - mula sa church venue, sa wedding reception, sa mga dadalong tao na parehong galing sa pamilya nila, hanggang sa mga isusuot nila. Wala nang dapat ayusin dahil hands-on si Kevin at Serena sa nalalapit nilang kasalan. Dahil intimate wedding lang ang plano nila, bilang lang din naman ang bisita kaya madaling naayos ang kasal kahit may kabilisan ang pagpaplano nila. Pero kahit excited na sa kasal, hindi nalimutan ni Serena na i-check si Zephyr dahil nag-aalala pa rin siya para sa kapatid. Hindi niya alam kung hanggang saan ang bisa ng antidote na nakuha niya sa lalaking iyon. Alam niya kasi na nasa loob pa ng katawan ni Zephyr ang lason at sabi nga ng mga doktor sa HQ, hindi pwedeng turukan ng gamot si Zephyr na hindi sigurado dahil baka imbes na dormant state ang lason, maging active iyon sa katawan ni Zephyr at mapasama pa ang lagay nito. Kinausap na rin ni Serena si Doctor Mendez, ang doktor na dati niya
“SO ARE you fine there? Who's with you? Aren't you bored?”Kausap ni Kevin si Serena sa kabilang linya dahil hindi sila pwedeng magkita ngayon. Naniniwala pa rin sa pamahiin ang pamilya ni Serena kaya naiwan si Serena sa ancestral house habang si Kevin naman ay bumalik sa sarili niyang bahay para palipasin ang ilang araw para sumunod sa utos at bukas nga, ikakasal na sila ni Serena. Nagkasya na lang si Kevin sa pakikipag-usap kay Serena gamit ang facétime o minsan naman ay audio call. And since Chiles is attached to Kevin, Serena told him to let Chiles accompany him. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero nag-insist si Serena na kailangan din nila ni Chiles mag-bonding na sila lang talagang dalawa. Dahil gusto ni Kevin na bumawi sa mga oras na wala siya sa tabi ng anak, sinama niya si Chiles sa bahay. Nagtataka lang si Kevin na wala siyang nakuha na pagtutol sa pamilya ni Serena gayong alam nila protective sila maging sa anak ni Serena. “Maayos ako rito, Kevin. Kasama ko si Hanni at
Rekindled Marriage: Chasing Forever with Mr. Billionaire(Whirlwind Marriage Season 3)Blurb:“Get ready, Mr. Billionaire, because I'll chase you, even if it takes me forever.”Four years had passed since Serena left Kevin on their supposed wedding day. She had missed Kevin and their son ever since. Now, as she neared the freedom she craved, she believed that upon her return, everything would be just as it was before.Pero hindi pala ganoon iyon dahil noong makabalik na si Serena sa Pilipinas, nalaman niyang ikakasal na sa ibang babae si Kevin at ang babae ding iyon ang kinikilalang ina ni Chiles. That tore her heart into pieces but she'll get them back, she promised. Ngunit paano niya ba babawiin ang pamilyang minsan na niyang iniwan kung ngayon, pinararamdam ni Kevin sa kanya na wala na siyang dapat balikan pa? • EXCERPT •“BREAKING News! Sa isang nakagugulat na anunsyo na nagpagulo sa mundo ng showbiz, inihayag ng kilalang aktres na si Ashianna Lopez ang kanyang engagement sa enig
Binabantayan ba siya nitong lalaking 'to?Ibig sabihin, kitang-kita siya sa CCTV? Kahit na naka-damit naman siya habang natutulog at lumabas lang ng kwarto nang hindi nagpapalit, hindi niya alam kung gumalaw siya o kung ano man ang ginawa niya sa kwarto nung gabi. Paano kung pangit pala siyang matulog? Pero, nung naisip niya 'yon, napahinto siya…Siguradong sanay na si Daemon sa ganung itsura ng mga natutulog. Baka ilang beses na niyang nakita 'yon, kaya hindi na rin siya nabibigla.Kaya, nang humarap si Daemon, nakita niyang pabago-bago ang expression ni Patricia. Ang dami niyang naiisip sa mukha pa lang at natawa si Daemon nang bahagya, medyo kumurba ang labi niya.Nang makita ni Patricia na ngumiti si Daemon, parang natulala siya. Kahit seryoso at malamig si Daemon, hindi naman siya ‘yung tipong hindi marunong ngumiti. Pero madalas, parang peke lang ang mga ngiti niya, hindi galing sa puso.Pero ‘tong ngiti na ‘to, parang totoo. Galing sa puso. Maganda ang mukha niya, maayos ang mg
Chapter 78KARAPAT DAPAT naman talaga si Chastain na manalo. Kasi karamihan sa mga tao sa Beltran family, ipinagmamalaki pa ‘yung pagiging walang puso. Hindi nila alam na ang totoong damdamin ay hindi dapat maging sagabal. Kapag handa kang magsakripisyo para sa ibang tao, magbabalik din sila ng katapatan. Pero kung puro interes lang ang pinagbabatayan, internal conflict ang labas, parang buhaghag na buhangin. Kapag dumating ang araw na magkaiba na ang interes, siguradong maghihiwalay-hiwalay at tuluyang babagsak.Nang paalis na si Daemon habang buhat si Patricia, nagkasalubong sila ni Chastain.Hindi nagsalita si Daemon at dumiretso lang sa paglalakad. Si Patricia, tulog pa rin sa bisig niya, nakasandal ang ulo sa dibdib ni Daemon at mukhang panatag na panatag.Gusto sanang magsalita ni Chastain pero napangiti na lang siya ng pilit habang pinapanood silang umalis.Nanalo siya sa laban na 'to at panalong-panalo talaga. Malamang wala nang magtatangkang lumaban sa kanya sa Beltran family
Samantala, sa basement sa kabila.Kakakalabas lang ni Chastain sa kwarto habang hawak si Chase bilang bihag nang makita niya si Daemon na papalapit na parang isang halimaw. Ang mga mata nito ay parang kayang sunugin lahat ng tao sa paligid. Wala siyang pakialam kahit sinong makita. Lumapit lang siya sa kanila at malamig na tinanong, “Nasaan si Patricia?”“Nasa kaliwa ng third floor, unang kwarto,” sagot agad ni Chastain. Sa ngayon, mukhang halos tapos na ang pagharap sa mga tao ng Beltran family. Si Patricia na lang ang inaalala niya.Pero ang pagkakakulong kay Patricia sa baptism room ay nangangahulugang ligtas pa rin siya. Siguro natakot lang siya nang kaunti, pero hindi naman nasaktan.Pagkatapos niyang makuha ang sagot, agad na umalis si Daemon nang hindi man lang lumingon kay Chastain.Napangiti ng mapait si Chastain. Sana man lang tinanggalan siya ng posas ni Dasmon. Nasa itaas pa ang mga tao niya at nakikipagsagupaan kina Jester. Sinabihan na niya ang mga kasama niyang huwag na
Chapter 77HINDI nagsalita si Chastain. May pasa na ang isa niyang mata. Medyo nakadilat ang isa pa niyang mata na hindi pa nasasaktan at nakatingin siya kay Chase na parang naaaliw. "Alam mo ba... hindi ka na naglalaro ng apoy ngayon... bomba na ang hawak mo."Natawa pa siya kahit na halos wasak na ang mukha niya sa bugbog. Kumunot ang noo ni Chase. "Anong kinakatawa mo?! Anong nakakatawa?!"Bago pa makasagot si Chastain, isa pang malakas na suntok ang tinanggap niya sa tiyan. Napayuko siya sa sakit, pero may ngiti pa rin sa gilid ng labi niya.Halos mabaliw si Chase sa ngiting 'yon. Siya na nga ang nakakulong, pero bakit parang kalmado pa rin siya?Bigla siyang sumugod at sinuntok si Chastain sa mukha nang sobrang lakas, kaya napalingon ang ulo nito.Pero sa puntong 'yon, biglang gumalaw si Chastain sa isang hindi normal na posisyon at tinaas ang mga kamay niyang may posas para biglang dumakma kay Chase. Bago pa man makagalaw ang iba, nakapalupot na ang kadena sa leeg ni Chase. Sa k
"...So, anong ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga si Chase pero halatang kinakabahan pa rin nang tanungin niya ito."Bakit hindi na lang natin hayaang manatili ang Young Master sa East Africa habang-buhay at wag nang pabalikin? Wala nang gulo, mabuti para sa lahat." Tumatapik ang daliri ni Ghost Blade sa mesa na parang wala lang, "Matanda na ako, ayoko na ng kaguluhan. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yung dapat umalis, umalis na. Yung dapat manatili, manatili na. Tapos na ang gulo, ayos na ako.""Tama si Uncle Gido!" Halos lumiwanag ang mga mata ni Chase nang marinig niya 'to!Pero si Jester, nanatiling kalmado… Kahit parang sang-ayon si Ghost Blade sa plano, malinaw naman na tinutuligsa niya rin ang pagiging peke ng meeting nila.Mayamaya, may isa pang boses na sumabat, medyo masaya ang tono at parang sinamantala ang pagkakataon. "Since sinabi na 'yan ni Uncle Gido, may tututol pa ba sa plano para kay Second Young Master? Ako, si Tiu, unang sumasang-ayon!"Pagkasabi ni Tiu, may isa
Chapter 76SA RESTAURANT ng Beltran family, lahat ng mata ay nakatingin kay Chastain nung dumating siya. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao. Ang mga Elders roon ay parang mga ministro sa panahon ng mga imperyo kaya natural lang na sobrang importante sa kanila kung sino ang magiging susunod na tagapagmana ng pamilya.Itong “trial” na ‘to, kahit tawagin pa nilang paglilitis, totoo niyan ay parang pagpapaalis na lang kay Chastain. Sa dami ng gulo na ginawa niya nitong mga huling araw, kahit pa siya ang pinaka-may kakayahan sa tatlong anak ni Jester, masyado siyang mahirap kontrolin.Lumaki si Chastain sa labas ng pamilya at sobrang tibay na ng pundasyon ng kapangyarihan niya. Kapag siya ang naging tagapagmana, hindi malabong tanggalin niya lahat ng kasalukuyang tao sa puwesto at palitan ng sarili niyang mga tao.Kaya naman confident si Chase na siya ang susuportahan ng mga Elders sa paligid. Si Chastain ay itinuturing na pasaway at mas ligtas daw kung siya ang pipiliin. Pero kahit ganoon,
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa