1/2 mamayang afternoon iyong isa pang update. thank u for reading. —Twinkle ×
ISANG linggo na lang at ikakasal na si Kevin at Serena. Handa na rin ang lahat - mula sa church venue, sa wedding reception, sa mga dadalong tao na parehong galing sa pamilya nila, hanggang sa mga isusuot nila. Wala nang dapat ayusin dahil hands-on si Kevin at Serena sa nalalapit nilang kasalan. Dahil intimate wedding lang ang plano nila, bilang lang din naman ang bisita kaya madaling naayos ang kasal kahit may kabilisan ang pagpaplano nila. Pero kahit excited na sa kasal, hindi nalimutan ni Serena na i-check si Zephyr dahil nag-aalala pa rin siya para sa kapatid. Hindi niya alam kung hanggang saan ang bisa ng antidote na nakuha niya sa lalaking iyon. Alam niya kasi na nasa loob pa ng katawan ni Zephyr ang lason at sabi nga ng mga doktor sa HQ, hindi pwedeng turukan ng gamot si Zephyr na hindi sigurado dahil baka imbes na dormant state ang lason, maging active iyon sa katawan ni Zephyr at mapasama pa ang lagay nito. Kinausap na rin ni Serena si Doctor Mendez, ang doktor na dati niya
“SO ARE you fine there? Who's with you? Aren't you bored?”Kausap ni Kevin si Serena sa kabilang linya dahil hindi sila pwedeng magkita ngayon. Naniniwala pa rin sa pamahiin ang pamilya ni Serena kaya naiwan si Serena sa ancestral house habang si Kevin naman ay bumalik sa sarili niyang bahay para palipasin ang ilang araw para sumunod sa utos at bukas nga, ikakasal na sila ni Serena. Nagkasya na lang si Kevin sa pakikipag-usap kay Serena gamit ang facétime o minsan naman ay audio call. And since Chiles is attached to Kevin, Serena told him to let Chiles accompany him. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero nag-insist si Serena na kailangan din nila ni Chiles mag-bonding na sila lang talagang dalawa. Dahil gusto ni Kevin na bumawi sa mga oras na wala siya sa tabi ng anak, sinama niya si Chiles sa bahay. Nagtataka lang si Kevin na wala siyang nakuha na pagtutol sa pamilya ni Serena gayong alam nila protective sila maging sa anak ni Serena. “Maayos ako rito, Kevin. Kasama ko si Hanni at
Rekindled Marriage: Chasing Forever with Mr. Billionaire(Whirlwind Marriage Season 3)Blurb:“Get ready, Mr. Billionaire, because I'll chase you, even if it takes me forever.”Four years had passed since Serena left Kevin on their supposed wedding day. She had missed Kevin and their son ever since. Now, as she neared the freedom she craved, she believed that upon her return, everything would be just as it was before.Pero hindi pala ganoon iyon dahil noong makabalik na si Serena sa Pilipinas, nalaman niyang ikakasal na sa ibang babae si Kevin at ang babae ding iyon ang kinikilalang ina ni Chiles. That tore her heart into pieces but she'll get them back, she promised. Ngunit paano niya ba babawiin ang pamilyang minsan na niyang iniwan kung ngayon, pinararamdam ni Kevin sa kanya na wala na siyang dapat balikan pa? • EXCERPT •“BREAKING News! Sa isang nakagugulat na anunsyo na nagpagulo sa mundo ng showbiz, inihayag ng kilalang aktres na si Ashianna Lopez ang kanyang engagement sa enig
PINAGMAMASDAN ni Serena ang photo ni Kevin at Chiles na nakatago sa cellphone niya. Ilang ulit niyang hinaplos iyon, pinananalangin na sana ay abot kamay niya ang mag-ama niya. She really misses them. Hindi bale, oras na matapos na talaga siya rito, makakatakas na rin siya rito. Makakaalis na sila ni Helios dito basta matapos na ang misyon nilang dalawa. Oras na bumagsak ang organisasyon, makakawala na rin siya. Nasa komportableng upo si Serena noong makarinig siya ng kaluskos kaya mabilis siyang umayos ng upo at binura ang picture ni Kevin at Chiles sa cellphone. Mabuti na lang at may saved pictures siya sa gdrive na naka-protective firewall kaya hindi maha-hack kaagad ng kung sino. Kabado si Serena na nakatingin sa pintuan at noong bumukas iyon, nahigit niya ang hininga. Napawalan niya lang ang hininga nang maayos noong nakita niyang si Helios ang pumasok ng kwarto. “Why are you so uptight?” bulong nito. Tumitig siya kay Helios bilang senyas at nang maintindihan ng lalaki, nakak
INAYOS ni Kevin ang uniform na suot ni Chiles. He's been going to kindergarten since he's already five. Kevin caressed his son's head and kissed his forehead that made Chiles laugh. “Dada, kikiliti ako,” anito. Kevin chuckled and patted his son's head. Muli niya pang inayos ang white polo nito na suot dahil may kaunti pang gusot ang damit. Nang tingin ni Kevin ay maayos na si Chiles, tumayo siya at nilahad ang kamay. “Let's go?”Tumango si Chiles at nilagay ang kamay pasakop sa kamay niya. Nakaalalay siya sa anak habang pababa sila ng hagdan ng bahay. Nakasukbit din ang bag ni Chiles sa balikat ni Kevin at ipasusuot na lang iyon sa anak kapag nasa school na sila. Nang makarating sa first floor, inabot na ng househelp kay Kevin ang food box ni Chiles na baon nito sa school. Kinuha iyon ni Kevin at tumango sa katulong bago marahang lumabas ng bahay bitbit ang anak. Sumakay sila sa SUV at dahil naroon na si Marlon na driver niya, sa likod sila umupo ni Chiles. Chiles is excitedly sh
“P-PAANO mo ako nahanap?”Napaurong si Serena ng hakbang noong makita sa harapan si Kevin at Chlyrus. Nasa Spain na siya at sisikapin niya na mamuhay na roon pero ano't narito si Kevin sa harapan niya ngayon? Kasama pa nito si Chlyrus! What if someone saw them and hurt them? She couldn't make a gamble with their lives! Halata sa mukha ni Kevin ang pagod at kita rin na nabawasan ang timbang nito dahil medyo pumayat si Kevin. Pinigil ni Serena ang lumapit kay Kevin para mahawakan ito dahil alam niyang bawat kilos niya ay may taong nakabantay sa kanya. Isang maling kilos lang, baka may mangyaring masama kay Kevin. Alam niyang kayang protektahan ni Chlyrus ang sarili at siguro maging si Kevin, pero malakas ang kapangyarihan ng Alejandro Clan dito at hindi sigurado si Serena kung makakauwi ba ng Pilipinas ang dalawa kung kalalabanin nila ang Alejandro Clan. Kaya sa ganoong naisip, pinilit ni Serena na gawing blangko ang ekspresyon. “Umalis na kayo. Hindi na ninyo ako dapat hinanap pa.”
“TITA, the cookies you baked taste good! I love it!” masayang ani Chiles. Inabot naman ito ni Ashianna para punasan ang pawis. Nasa Ocean Park sila dahil weekend ngayon at walang klase si Chiles. Iniwan muna ni Kevin ang mga trabaho na mayroon siya para maglaan ng oras kay Chiles. Ayaw niyang maramdaman nitong inuuna niya ang trabaho kaya kahit kulang ang oras, pinipilit niyang isiksik ang pagpasyal kay Chiles. Ashianna accompanied them to the Ocean Park since she likes to spend time with his son. Aliw na aliw ito kay Chiles at kita naman na gusto rin ni Chiles si Ashianna. Well, Chiles is welcoming and nice to all people so it's not really special. “You like that? Then I'll give you some more, baby. Pa-kiss nga!” Ashianna leaned and tried to kiss Chiles and the kid giggled.“Tita, I'm pawis! Later na lang!”Ashianna smiled and resumed to wipe Chiles' sweat. Nakamasid naman si Kevin sa dalawa habang kausap niya sa cellphone si Secretary Lim. Binalita nito sa kanya na may bagong na-
NAKATAGO lang si Serena sa loob ng kwarto dahil nagkakagulo sa labas noon. Alam niyang galit na galit ang ama ni Helios dahil nalaman nitong may ebidensya na na magdidiin dito at sa ilang mga miyembro pa ng organisasyon nila. Maging ang Alejandro Clan ay walang kawala. Pero hindi na iyon kailangan pang pagtuonan ni Serena ng atensyon dahil una pa lang naman, iyon na ang plano nila ni Helios. Mali na pinilit siya ng mga taong iyon na papuntahin dito. Ngayon, dapat lang na masira ang organisasyon na mayroon sila. They were guilty of human traffícking, selling human organs to wealthy people, próstitution, and illegal drúg trafficking. Alam niya na ang drug na tinurok kay Zephyr ay isa sa mga bagong drúg na imbento ng samahan nila na Realeza en la Sombra, o kung isasalin sa Tagalog, Royalty in the Shadows ang kahulugan noon. Maraming makapangyarihan na pamilya sa buong mundo ang kasapi sa organisasyon na ito at sa Spain ang balwarte nila at kilala at front ng RLS ay ang Alejandro Clan
Chapter 39: Erasing herNAKAPATONG ang ulo ni Hanni sa braso ni Yves at nakayakap ang babae sa kanya. Si Yves ay nakayakap din kay Hanni. Tulog ang babae habang tulala naman si Yves dahil sa mga nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Noong makita niya ito kaninang sugatan, hindi niya inisip kung bakit nagkaganito si Hanni o kung anong ginawa nito at nagkasugat. Ang tanging nasa isip niya, gamutin ito at siguraduhin na maging safe ito. He was also thinking of bringing her to the hospital if her wound won't stop bleeding. Mabuti na lang at huminto rin ang pagdurugo nito at mukhang hindi rin ganoon kalalim ang tinamong sugat ni Hanni kaya nakahinga nang maluwag si Yves. Bumalik sa balintanaw niya ang tagpo na siya ang nanghàlik sa babae. He didn't regret what he did back then. May mga alaalang pumapasok sa utak niya at pakiramdam niya ay totoo ang mga iyon.Alam na niya ngayon na hindi lang panaginip iyon; may mga naalala na rin siya. Gusto niyang humingi ng tawad
Chapter 38: She's here in his condoHAWAK-HAWAK ni Hanni ang may tama ng bala na balikat at tahimik siyang naglalakad sa madilim na daan. Natakasan niya ang mag tauhan ni Don Juan Miguel dahil lahat sila ay nawalan nang malay noong dumaan sa palad niya.She could kill them, yes, but she's just a civilian now. Alam niyang labag sa batas ang pagpatày dahil hindi na siya saklaw ng proteksyon ng HQ. Sarili na lang niya ang kumikilos ngayon at malaking kasalanan kung ilalagay niya ang batas sa mga kamay. So in the end, she didn't kill those men but she just left an injury around their bodies. Maging si Don Juan ay hindi nakatakas sa kanya at binaril niya ito sa balikat. Amanos sila, natamaan siya sa balikat at binaril niya rin ito roon. Nalapatan na niya ng paunang lunas ang balikat at dahil itim ang suot niya at naka-jacket din siya, hindi pansin ang sugat sa katawan. Hanni went to the condo unit of Yves. May susi siya ng condo ni Yves dahil inabot sa kanya iyon ng lalaki noong nagsimu
Chapter 37: You won't get to leave hereBECAUSE of a thorough investigation, Hanni found out what caused Yves to forget about her and Yvette. Alam niyang hindi lang dahil sa gamot o drúgs lang ang magiging dahilan noon. At ngayon nga ay nalaman niya na ang totoo! Yves was being mind-controlled! May doktor na nagpapanggap na psychologist at imbes na talk therapy ang ialok kay Yves, pasimple nitong hinihipnotismo si Yves. Magaling ang illegal doctor na iyon dahil may kaugnayan din ang lalaking iyon sa RLS. Dahil hindi ganoon kaimportante ang lalaki kaya nakalusot ito sa imbestigasyon ng HQ. Nahuli na halos lahat ng matataas na opisyal ng RLS at puro underlings na lang ang pagala-gala sa kung saan-saang bansa na nagtatago pa rin sa HQ. Hindi akalain ni Hanni na may hindi pa nahuhuli ang HQ at ngayon ay naghahasik ng lagim pa rin dito sa Pilipinas! That person is gifted in terms of psychological warfare. He could hypnotize people just with his words. Samahan mo pa ng mga drúgs na gali
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng