Here's my UD for today. Wait lang kayo for Hanni and Yves kasi may glimpse sila for the next chapters hihi. 'Di pa 'to pa-end na novel, ha? Marami pang ganap pero light sweet story lang ang novel ni Kevin at Serena; pambawi sa stressed na readers. Medyo heavy kasi ang continuation novel like Chlyrus, Zephyr, etc., kaya ready sana kayo charot. Hindi po ako mahilig manakit ng readers hahaha. Thank you for reading! —Twinkle ×
NILIBOT ni Maeve ng tingin ang buong lugar at napasinghap ito noong dumapo ang mga mata nito kay Serena. Nakita ni Serena ang pamumutla ng mukha ni Maeve. “S-Serena?” halos bulong na anito; natulos sa kinatatayuan. Tumayo si Kevin at agad na tinakpan ang pwesto niya. Madilim ang mukha nito na nakatingin kay Maeve. “What are you doing here? Sinabi ko nang hindi na ako babalik. I don't care about him. Iyong araw na pilitin niya akong pakasalan ang babaeng iyon, pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa kanya.”Nasasaktan ang ekspresyon na hinarap ni Maeve si Kevin. “Kahit ba ako, Xavier, hindi mo na tinututuring na pamilya? I was the one who took care of you. I treat you as my younger brother, Xavier.”Naikuyom ni Kevin ang mga kamao. “If you really treat me like what you said, you won't hurt my wife like that. You removed those people I paid to protect her and it messed up everything!”Tumayo si Nathan sa pagkakaupo para hawakan si Kevin dahil mukhang nawawala na ang kalmado nito. Hinawa
HINDI pa rin kumikilos si Nathan, nanatiling nakatitig kay Chiles kaya si Chiles naman, nagtaka sa mariing titig sa kanya ng lalaki. Bumaling si Chiles kay Kevin, nilagay ang isa sa maliit nitong kamay sa mukha ng ama at tinuro si Nathan. “Dada, he stares at Chiles. Why?”Sinasabi ni Chiles na nakatitig si Nathan kay Chiles kaya nagtaka ito. Hinawakan naman ni Kevin ang maliit na kamay ni Chiles na nakadapo sa pisngi nito at hinalíkan iyon, ngumiti sa anak, bago nagsalita at hinarap si Nathan. “He's Chiles. He's my son. You already know him, right?”Napalunok si Nathan at umiling. “N-No, I don't. This is a surprise, really. The one I'm talking about was the tiger. May nakapagsabi sa akin na halos ituring mo nang anak ang alaga mo na iyon na imbes na bumalik ka sa trabaho, nag-aalaga ka ng hayop. He's your son? He's my nephew?”Bakas sa mukha ni Nathan ang excitement at nagtangka itong kunin si Chiles kay Kevin. Lumingon naman si Chiles kay Kevin at noong makita ng bata na hindi umalm
LUMAPIT si Hanni kay Yves at buti na lang ganoon ang ginawa niya dahil noong saktong paglapit niya, nawalan ito ng malay! Mabilis na sinalo ni Hanni si Yves at kahit nabigla ang mga braso niya sa bigat ng lalaki, hindi niya iyon alintana. Maingat niyang niyakap si Yves, sinuri ito gamit ang tingin at mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdíb niya nang makita na may bahid pa ng dugo sa gilid ng labi nito. “Y-Yves, what happened to you?” aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig nito sa kawalan ng malay. Kinagat ni Hanni ang labi at tinaas ang nanginginig na kamay para punasan ang medyo basa pang dugo sa mukha ni Yves. Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. “ACUTE gastroenteritis ang sakit ng patient, Miss. For now, we give him intravenous rehydration because he has severe dehydration. May ilan pang test na gagawin sa kanya. Kapag na-confirm namin na wala nang iba pang komplikasyon sa kanya, bibigyan kita ng reseta para sa mga gamot na kailangan niyang inumin k
AYAW pa rin bitiwan ni Yves si Hanni na nangalay na siya dahil halos kanina pa sila roon. “Yves, let me go, hmm?” aniya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit sa kanya nito at ramdam niya ang pag-iling ng ulo nito “Hindi. Dito ka lang.”Pumikit si Hanni, nagbilang ng hanggang sampu ngunit hindi pa rin siya pinawawalan ni Yves kaya nag-decide na siya na itulak ito. Nabigla naman si Yves na halos mapahiga ito sa hospital bed. “H-Hanna?”Tumayo si Hanni at nagpameywang sa harap ni Yves. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki na halatang gulat pa rin. Dahil hindi suot ang salamin sa mata, mas maamo ang itsura ni Yves at para itong inosenteng bata na napagalitan. “Mukha bang aalis ako, ha? Sabi kong bitawan mo ako kasi hindi na ako makahinga! Tsaka tingnan mo nga 'yang sarili mo, ang hina mo pa! Tingin mo makakaalis ako na ganyan ka? Sumuka ka ng dugo at maysakit tapos iiwan kita rito? Hindi ako gan'on kasama, ah!”Akala niya ay magagalit si Yves sa sermon niya ngunit nakita niya na may
DUMAAN ang sakit sa mukha ni Yves at parang gustong bawiin ni Hanni ang mga nasabi. Pero sa huli, hindi niya iyon ginawa dahil gusto niyang maging honest dito. Ngayong nakabuo na siya ng desisyon na mananatili siya, ayaw niyang lokohin si Yves; na isisi lang sa ama nito ang ginawa niyang paglayo dahil malaking factor pa rin naman ng pag-alis niya ang estado nila sa buhay. Isa pa, walang alam si Yves sa totoong siya. Paano kung nabubulag lang ito sa dahilan na akala nito kilala na siya nito talaga? Pero ngayong nakapag-desisyon na siyang mananatili sa tabi ni Yves, huli na para lumayo pa ito sa kanya. She will make sure he will stay with her. But first, she needs to warn him about the real her. She's not nice. She's not good like what Yves thinks she is. “Iniwan mo ba ako dahil hindi mo ako mahal? Is that it, Hanna?”Naputol ang iniisip ni Hanni noong magsalita si Yves. Napatingin siya sa lalaki at kita pa rin na nasasaktan ang ekspresyon nito. Pero siya ang naguluhan ngayon. Sina
SA APARTMENT na tinitirhan dati ni Hanni sila bumagsak. Nang makarating doon, nilibot ni Hanni ng tingin ang buong lugar at nagulat siya noong mapansin na kung anong ayos ng apartment noong iwan niya ay ganoon din ang kanyang dinatnan. Napatitig siya kay Yves na inaalalayan niya at bumaling ito sa kanya. “I didn't change a thing when I bought this apartment. Dahil alam ko balang araw na babalik ka at ayaw kong manibago ka kapag bumalik ka rito tapos iba na ang ayos ng mga gamit.”Hindi siya nagsalita ngunit parang may mainit na bagay na humaplos sa dibdíb niya. He really cares about her. Napapaisip tuloy si Hanni kung bakit ang swerte niya sa lalaki. She left him years ago after breaking his heart but instead of getting angry at her, Yves welcomed her with open arms.Hindi ito nagtanong kung saan siya nagpunta. Ang mahalaga lang dito ay nakabalik siya rito, sapat na iyon kay Yves. Gusto niya tuloy maiyak kahit na wala naman siyang dapat ikaiyak. Siguro ay dahil masaya siya, na sa s
HINDI mawari ni Hanni kung ano ba ang reaksyon na meron sa mukha ni Yves. Nakatulala ito sa kanya na nakaawang ang bibig at unti-unting nanunubig ang mga mata. Dahil wala itong suot na salamin, kitang-kita niya iyon. “Y-Yves?”“T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Hanna? We-we have a baby? B-But—” Pinutol nito ang sinasabi at napasabunot ng buhok. Nabitiwan ni Hanni ang kamay nito noong iyon ang gawin ni Yves. Nagpabalik-balik naman ito sa harap ni Hanni at halata ang pagkaaligaga nito. “Yves, hindi ako nagbibiro sa ganoong bagay. M-May anak na tayong dalawa.”Nanunuyo ang lalamunan ni Hanni at hindi alam kung paano ba ang gagawin sa sitwasyon niya na iyon ngayon. Pero dahil naroon na at nasabi na niya kay Yves, hindi na siya pwede pang umurong.Pumihit si Yves paharap muli sa kanya at ngayon, humawak na ito sa magkabilang balikat niya. “T-Then where is our baby? M-May nangyari bang masama sa kanya kaya hindi mo kasama ang anak natin? D-Did the baby die and it made you stay away from me b
NANATILING tulala si Yves sa anak. She really is beautiful! And maybe a beautiful description for her is an understatement. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa anak. She's what he's really imagining her would be! His lovely daughter has this wavy black hair that she got from Hanna, she got her eyes from him but her small pointed nose is also from Hanna while her smiling lips are from him. Hindi akalain ni Yves na ganito pala kaganda ang genes nila ni Hanna kapag naghalo. She really is beautiful and his heart is so full while he's staring at her! “Papa?” Yvette moved her head to the side while she stared at Yves. Halatang nagtataka ang bata dahil hindi kumikilos si Yves. Lumingon pa ito kay Antigone na may buhat dito at tinuro si Yves. “He's Papa?”Sandaling sumulyap si Antigone kay Hanni na nasa gilid bago bumaling kay Yvette at tumango. “Well, according to your Mama, he is.”Parang nagtataka pa rin si Yvette samantalang si Yves naman, hindi malaman kung aa