Kinda late ang update kasi may trangkaso na naman ang ferson pero daily update pa rin ito (sasabihin ko pag walang update). Salamat sa pagbabasa. 🫶 —Twinkle ×
HINDI pa rin kumikilos si Nathan, nanatiling nakatitig kay Chiles kaya si Chiles naman, nagtaka sa mariing titig sa kanya ng lalaki. Bumaling si Chiles kay Kevin, nilagay ang isa sa maliit nitong kamay sa mukha ng ama at tinuro si Nathan. “Dada, he stares at Chiles. Why?”Sinasabi ni Chiles na nakatitig si Nathan kay Chiles kaya nagtaka ito. Hinawakan naman ni Kevin ang maliit na kamay ni Chiles na nakadapo sa pisngi nito at hinalíkan iyon, ngumiti sa anak, bago nagsalita at hinarap si Nathan. “He's Chiles. He's my son. You already know him, right?”Napalunok si Nathan at umiling. “N-No, I don't. This is a surprise, really. The one I'm talking about was the tiger. May nakapagsabi sa akin na halos ituring mo nang anak ang alaga mo na iyon na imbes na bumalik ka sa trabaho, nag-aalaga ka ng hayop. He's your son? He's my nephew?”Bakas sa mukha ni Nathan ang excitement at nagtangka itong kunin si Chiles kay Kevin. Lumingon naman si Chiles kay Kevin at noong makita ng bata na hindi umalm
LUMAPIT si Hanni kay Yves at buti na lang ganoon ang ginawa niya dahil noong saktong paglapit niya, nawalan ito ng malay! Mabilis na sinalo ni Hanni si Yves at kahit nabigla ang mga braso niya sa bigat ng lalaki, hindi niya iyon alintana. Maingat niyang niyakap si Yves, sinuri ito gamit ang tingin at mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdíb niya nang makita na may bahid pa ng dugo sa gilid ng labi nito. “Y-Yves, what happened to you?” aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig nito sa kawalan ng malay. Kinagat ni Hanni ang labi at tinaas ang nanginginig na kamay para punasan ang medyo basa pang dugo sa mukha ni Yves. Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. “ACUTE gastroenteritis ang sakit ng patient, Miss. For now, we give him intravenous rehydration because he has severe dehydration. May ilan pang test na gagawin sa kanya. Kapag na-confirm namin na wala nang iba pang komplikasyon sa kanya, bibigyan kita ng reseta para sa mga gamot na kailangan niyang inumin k
AYAW pa rin bitiwan ni Yves si Hanni na nangalay na siya dahil halos kanina pa sila roon. “Yves, let me go, hmm?” aniya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit sa kanya nito at ramdam niya ang pag-iling ng ulo nito “Hindi. Dito ka lang.”Pumikit si Hanni, nagbilang ng hanggang sampu ngunit hindi pa rin siya pinawawalan ni Yves kaya nag-decide na siya na itulak ito. Nabigla naman si Yves na halos mapahiga ito sa hospital bed. “H-Hanna?”Tumayo si Hanni at nagpameywang sa harap ni Yves. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki na halatang gulat pa rin. Dahil hindi suot ang salamin sa mata, mas maamo ang itsura ni Yves at para itong inosenteng bata na napagalitan. “Mukha bang aalis ako, ha? Sabi kong bitawan mo ako kasi hindi na ako makahinga! Tsaka tingnan mo nga 'yang sarili mo, ang hina mo pa! Tingin mo makakaalis ako na ganyan ka? Sumuka ka ng dugo at maysakit tapos iiwan kita rito? Hindi ako gan'on kasama, ah!”Akala niya ay magagalit si Yves sa sermon niya ngunit nakita niya na may
DUMAAN ang sakit sa mukha ni Yves at parang gustong bawiin ni Hanni ang mga nasabi. Pero sa huli, hindi niya iyon ginawa dahil gusto niyang maging honest dito. Ngayong nakabuo na siya ng desisyon na mananatili siya, ayaw niyang lokohin si Yves; na isisi lang sa ama nito ang ginawa niyang paglayo dahil malaking factor pa rin naman ng pag-alis niya ang estado nila sa buhay. Isa pa, walang alam si Yves sa totoong siya. Paano kung nabubulag lang ito sa dahilan na akala nito kilala na siya nito talaga? Pero ngayong nakapag-desisyon na siyang mananatili sa tabi ni Yves, huli na para lumayo pa ito sa kanya. She will make sure he will stay with her. But first, she needs to warn him about the real her. She's not nice. She's not good like what Yves thinks she is. “Iniwan mo ba ako dahil hindi mo ako mahal? Is that it, Hanna?”Naputol ang iniisip ni Hanni noong magsalita si Yves. Napatingin siya sa lalaki at kita pa rin na nasasaktan ang ekspresyon nito. Pero siya ang naguluhan ngayon. Sina
SA APARTMENT na tinitirhan dati ni Hanni sila bumagsak. Nang makarating doon, nilibot ni Hanni ng tingin ang buong lugar at nagulat siya noong mapansin na kung anong ayos ng apartment noong iwan niya ay ganoon din ang kanyang dinatnan. Napatitig siya kay Yves na inaalalayan niya at bumaling ito sa kanya. “I didn't change a thing when I bought this apartment. Dahil alam ko balang araw na babalik ka at ayaw kong manibago ka kapag bumalik ka rito tapos iba na ang ayos ng mga gamit.”Hindi siya nagsalita ngunit parang may mainit na bagay na humaplos sa dibdíb niya. He really cares about her. Napapaisip tuloy si Hanni kung bakit ang swerte niya sa lalaki. She left him years ago after breaking his heart but instead of getting angry at her, Yves welcomed her with open arms.Hindi ito nagtanong kung saan siya nagpunta. Ang mahalaga lang dito ay nakabalik siya rito, sapat na iyon kay Yves. Gusto niya tuloy maiyak kahit na wala naman siyang dapat ikaiyak. Siguro ay dahil masaya siya, na sa so
HINDI mawari ni Hanni kung ano ba ang reaksyon na meron sa mukha ni Yves. Nakatulala ito sa kanya na nakaawang ang bibig at unti-unting nanunubig ang mga mata. Dahil wala itong suot na salamin, kitang-kita niya iyon. “Y-Yves?”“T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Hanna? We-we have a baby? B-But—” Pinutol nito ang sinasabi at napasabunot ng buhok. Nabitiwan ni Hanni ang kamay nito noong iyon ang gawin ni Yves. Nagpabalik-balik naman ito sa harap ni Hanni at halata ang pagkaaligaga nito. “Yves, hindi ako nagbibiro sa ganoong bagay. M-May anak na tayong dalawa.”Nanunuyo ang lalamunan ni Hanni at hindi alam kung paano ba ang gagawin sa sitwasyon niya na iyon ngayon. Pero dahil naroon na at nasabi na niya kay Yves, hindi na siya pwede pang umurong.Pumihit si Yves paharap muli sa kanya at ngayon, humawak na ito sa magkabilang balikat niya. “T-Then where is our baby? M-May nangyari bang masama sa kanya kaya hindi mo kasama ang anak natin? D-Did the baby die and it made you stay away from me be
NANATILING tulala si Yves sa anak. She really is beautiful! And maybe a beautiful description for her is an understatement. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa anak. She's what he's really imagining her would be! His lovely daughter has this wavy black hair that she got from Hanna, she got her eyes from him but her small pointed nose is also from Hanna while her smiling lips are from him. Hindi akalain ni Yves na ganito pala kaganda ang genes nila ni Hanna kapag naghalo. She really is beautiful and his heart is so full while he's staring at her! “Papa?” Yvette moved her head to the side while she stared at Yves. Halatang nagtataka ang bata dahil hindi kumikilos si Yves. Lumingon pa ito kay Antigone na may buhat dito at tinuro si Yves. “He's Papa?”Sandaling sumulyap si Antigone kay Hanni na nasa gilid bago bumaling kay Yvette at tumango. “Well, according to your Mama, he is.”Parang nagtataka pa rin si Yvette samantalang si Yves naman, hindi malaman kung aab
MUKHANG alam ni Chlyrus ang nangyayari sa buhay ni Hanni kaya hindi siya nito hinahanap kahit may naiwan siyang trabaho sa agency. Mabuti na lang at may partner siya at malamang ay iyon ang sumalo ng trabaho niya. Isa rin sigurong tulong doon ay tagamanman lang si Hanni sa isang pulitiko na under investigation at mabilis lang na ipasa ang gawain sa ibang agent. She's living at her apartment slash apartment owned by Yves now with their daughter. Nakikita niyang masaya si Yvette na kasama nito si Yves - na kahit hindi sobrang showy ni Yvette sa feelings, kitang kita naman sa mata ng anak na gusto nitong kasama si Yves. May nagging feeling tuloy siya na naging mali ang desisyon niya dati. But in her defense, at that time, she thought she was making a wise decision. Alam niya na oras na bumalik siya sa HQ, puputulin niya ang koneksyon na mayroon siya sa labas. Hindi pwedeng hindi. At isa pa, iniwan niya na noon si Yves kaya bakit pa siya babalik dahil lang nalaman niyang buntis siya sa
Binabantayan ba siya nitong lalaking 'to?Ibig sabihin, kitang-kita siya sa CCTV? Kahit na naka-damit naman siya habang natutulog at lumabas lang ng kwarto nang hindi nagpapalit, hindi niya alam kung gumalaw siya o kung ano man ang ginawa niya sa kwarto nung gabi. Paano kung pangit pala siyang matulog? Pero, nung naisip niya 'yon, napahinto siya…Siguradong sanay na si Daemon sa ganung itsura ng mga natutulog. Baka ilang beses na niyang nakita 'yon, kaya hindi na rin siya nabibigla.Kaya, nang humarap si Daemon, nakita niyang pabago-bago ang expression ni Patricia. Ang dami niyang naiisip sa mukha pa lang at natawa si Daemon nang bahagya, medyo kumurba ang labi niya.Nang makita ni Patricia na ngumiti si Daemon, parang natulala siya. Kahit seryoso at malamig si Daemon, hindi naman siya ‘yung tipong hindi marunong ngumiti. Pero madalas, parang peke lang ang mga ngiti niya, hindi galing sa puso.Pero ‘tong ngiti na ‘to, parang totoo. Galing sa puso. Maganda ang mukha niya, maayos ang mg
Chapter 78KARAPAT DAPAT naman talaga si Chastain na manalo. Kasi karamihan sa mga tao sa Beltran family, ipinagmamalaki pa ‘yung pagiging walang puso. Hindi nila alam na ang totoong damdamin ay hindi dapat maging sagabal. Kapag handa kang magsakripisyo para sa ibang tao, magbabalik din sila ng katapatan. Pero kung puro interes lang ang pinagbabatayan, internal conflict ang labas, parang buhaghag na buhangin. Kapag dumating ang araw na magkaiba na ang interes, siguradong maghihiwalay-hiwalay at tuluyang babagsak.Nang paalis na si Daemon habang buhat si Patricia, nagkasalubong sila ni Chastain.Hindi nagsalita si Daemon at dumiretso lang sa paglalakad. Si Patricia, tulog pa rin sa bisig niya, nakasandal ang ulo sa dibdib ni Daemon at mukhang panatag na panatag.Gusto sanang magsalita ni Chastain pero napangiti na lang siya ng pilit habang pinapanood silang umalis.Nanalo siya sa laban na 'to at panalong-panalo talaga. Malamang wala nang magtatangkang lumaban sa kanya sa Beltran family
Samantala, sa basement sa kabila.Kakakalabas lang ni Chastain sa kwarto habang hawak si Chase bilang bihag nang makita niya si Daemon na papalapit na parang isang halimaw. Ang mga mata nito ay parang kayang sunugin lahat ng tao sa paligid. Wala siyang pakialam kahit sinong makita. Lumapit lang siya sa kanila at malamig na tinanong, “Nasaan si Patricia?”“Nasa kaliwa ng third floor, unang kwarto,” sagot agad ni Chastain. Sa ngayon, mukhang halos tapos na ang pagharap sa mga tao ng Beltran family. Si Patricia na lang ang inaalala niya.Pero ang pagkakakulong kay Patricia sa baptism room ay nangangahulugang ligtas pa rin siya. Siguro natakot lang siya nang kaunti, pero hindi naman nasaktan.Pagkatapos niyang makuha ang sagot, agad na umalis si Daemon nang hindi man lang lumingon kay Chastain.Napangiti ng mapait si Chastain. Sana man lang tinanggalan siya ng posas ni Dasmon. Nasa itaas pa ang mga tao niya at nakikipagsagupaan kina Jester. Sinabihan na niya ang mga kasama niyang huwag na
Chapter 77HINDI nagsalita si Chastain. May pasa na ang isa niyang mata. Medyo nakadilat ang isa pa niyang mata na hindi pa nasasaktan at nakatingin siya kay Chase na parang naaaliw. "Alam mo ba... hindi ka na naglalaro ng apoy ngayon... bomba na ang hawak mo."Natawa pa siya kahit na halos wasak na ang mukha niya sa bugbog. Kumunot ang noo ni Chase. "Anong kinakatawa mo?! Anong nakakatawa?!"Bago pa makasagot si Chastain, isa pang malakas na suntok ang tinanggap niya sa tiyan. Napayuko siya sa sakit, pero may ngiti pa rin sa gilid ng labi niya.Halos mabaliw si Chase sa ngiting 'yon. Siya na nga ang nakakulong, pero bakit parang kalmado pa rin siya?Bigla siyang sumugod at sinuntok si Chastain sa mukha nang sobrang lakas, kaya napalingon ang ulo nito.Pero sa puntong 'yon, biglang gumalaw si Chastain sa isang hindi normal na posisyon at tinaas ang mga kamay niyang may posas para biglang dumakma kay Chase. Bago pa man makagalaw ang iba, nakapalupot na ang kadena sa leeg ni Chase. Sa k
"...So, anong ibig mong sabihin?" Napabuntong-hininga si Chase pero halatang kinakabahan pa rin nang tanungin niya ito."Bakit hindi na lang natin hayaang manatili ang Young Master sa East Africa habang-buhay at wag nang pabalikin? Wala nang gulo, mabuti para sa lahat." Tumatapik ang daliri ni Ghost Blade sa mesa na parang wala lang, "Matanda na ako, ayoko na ng kaguluhan. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yung dapat umalis, umalis na. Yung dapat manatili, manatili na. Tapos na ang gulo, ayos na ako.""Tama si Uncle Gido!" Halos lumiwanag ang mga mata ni Chase nang marinig niya 'to!Pero si Jester, nanatiling kalmado… Kahit parang sang-ayon si Ghost Blade sa plano, malinaw naman na tinutuligsa niya rin ang pagiging peke ng meeting nila.Mayamaya, may isa pang boses na sumabat, medyo masaya ang tono at parang sinamantala ang pagkakataon. "Since sinabi na 'yan ni Uncle Gido, may tututol pa ba sa plano para kay Second Young Master? Ako, si Tiu, unang sumasang-ayon!"Pagkasabi ni Tiu, may isa
Chapter 76SA RESTAURANT ng Beltran family, lahat ng mata ay nakatingin kay Chastain nung dumating siya. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao. Ang mga Elders roon ay parang mga ministro sa panahon ng mga imperyo kaya natural lang na sobrang importante sa kanila kung sino ang magiging susunod na tagapagmana ng pamilya.Itong “trial” na ‘to, kahit tawagin pa nilang paglilitis, totoo niyan ay parang pagpapaalis na lang kay Chastain. Sa dami ng gulo na ginawa niya nitong mga huling araw, kahit pa siya ang pinaka-may kakayahan sa tatlong anak ni Jester, masyado siyang mahirap kontrolin.Lumaki si Chastain sa labas ng pamilya at sobrang tibay na ng pundasyon ng kapangyarihan niya. Kapag siya ang naging tagapagmana, hindi malabong tanggalin niya lahat ng kasalukuyang tao sa puwesto at palitan ng sarili niyang mga tao.Kaya naman confident si Chase na siya ang susuportahan ng mga Elders sa paligid. Si Chastain ay itinuturing na pasaway at mas ligtas daw kung siya ang pipiliin. Pero kahit ganoon,
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa