3/3 ~ bukas uli
Chapter 14: PredestinedGUSTO niya si Yves. At iyon ang hindi matanggap ni Hanni. Iniisip niya kung paano nangyari iyon na bigla na lang gusto na niya pala ito. Bakit wala man lang pasabi iyong puso niya na nagugustuhan na pala nito si Yves, edi sana napigilan niya, hindi ba? Hindi iyong ganito na hulog na siya, hindi na pwedeng bawiin. Shet. Siya pa itong malakas ang loob magsabi na hindi sila talo kasi magkaibigan sila tapos siya pala ang sisira sa ganoong usapan? E paano na? Napakamot si Hanni sa ulo dahil para sa kanya ang gulo na ng takbo ng utak niya. Ayaw niya sa nararamdaman - hindi ito maharap - pero ayaw niya rin naman na mapunta sa ibang tao si Yves. Iniisip pa lang na may kasamang ibang tao ang lalaking iyon, pakiramdam ni Hanni ay sumasakit at naninikip ang dibdíb niya. Pero paano ang gagawin niya? Ano 'to, aakto siyang ganoon pa rin? Naisip niyang umamin kay Yves… teka hindi pwede! Hindi siya pwedeng umamin! Nahihiya siya at isa pa, baka tawanan lang siya ng lokong i
Chapter 15: Then forget about meUMIIWAS si Yves kay Hanni. Kung kailan gustong-gusto ni Hanni na makasama ito dahil kari-realize niya pa lang ng nararamdaman, saka naman umiiwas si Yves. Nalaman na ba ni Yves ang pagkagusto niya rito? Pero hindi, e. Siya nga na may katawan ay ngayon lang nalaman na gusto o mahal na niya yata ang lalaking iyon kaya paano nito malalaman iyon? Imposible. Pero anong nangyari at nagkaganito? Masaya pa silang naghiwalay noong umuwi sa kanya-kanyang bahay. Dahil nagtampo siya at sinabi na baka iiwas na ito dahil may gusto nang iba, sinabi ni Yves na hindi naman nito gagawin iyon kaya nga kampante siya. Ngunit ngayon… bakit cannot be reached ang cellphone ni Yves? Hindi na rin sila sabay pumasok ng eskwelahan. Hindi ito sumipot doon sa madalas nilang hintayan at malapit na lang mag-time para sa first subject nila kaya ang ginawa ni Hanni ay napilitang pumasok ng eskwelahan. Pero ang tao palang hinihintay niya, matagal nang nasa classroom! Aaminin ni Hanni
Chapter 16: He's my freaking boss??? KUNG ANONG ipinangako ni Hanni kay Yves, ganoon ang ginawa niya. Iniwasan niya ito at siya ang umaktong hindi ito kilala. Nasasaktan siya, oo. Pero mas mataas ang pride niya. Nariyang umiiyak siya gabi-gabi at nangangati ang kamay niyang i-dial ang number ni Yves para i-text ito at makipagbati pero lagi niyang naaalala ang mga sinabi ni Yves na hindi na siya nito kailangan - well, hindi naman tahasang ganoon ang sinabi ni Yves pero ganoon ang pinaramdam nito sa kanya. Ang masakit lang kay Hanni, kung kailan mahal niya na ito, kumukuha siya ng tyempo na aamin dito, ganito pa ang nangyari sa kanya; sa kanila. Pero mas mabuting ganito na rin pala. Kasi kung umamin siya ng tunay na nadarama kay Yves at harap-harapan nitong ipamukha kay Hanni na hindi siya nito magugustuhan ay mas masakit, hindi ba? Mabuti na rin pala ang ganito. Hindi niya pinahiya ang sarili dahil kung ganoon ang nangyari, isusumpa niya si Yves nang mas malala bago ibaon ang saril
Chapter 17: Hindi sila bagayHALOS maputol ang lapis na hawak ni Hanni noong maalala ang senaryong lumipas kanina. Pakshet 'yan. Ang liit-liit naman ng mundo para sa kanila ng Yves na iyon. Kung kailan nalilimot na niya ito, saka niya pa makikita! Ang masama pa, boss niya! Hindi naman pwedeng mag-resign dahil kaka-hire pa lang sa kanya; may pinirmahan siyang kontrata at ayaw naman niyang magbayad ng breach of contract. May pambayad siya, oo. Pero ayaw niyang madungisan ang credentials niya para lang doon. Isa pa, sikat ang SGC at maraming benefits siyang makukuha kaya kahit may bulong sa kanya na umalis doon, hindi niya sinunod. Ang gagawin na lang niya ay aakto bilang subordinate ni Yves - no more, no less. Nunca na pansinin niya ito kapag hindi oras ng trabaho. Oo at ilang taon na rin ang lumipas pero hindi pa rin nakakalimot ang utak ni Hanni lalo na ang puso niya. Bahala ito sa buhay nito at hindi siya magbababa ng pride para lang makipag-ayos dito. Akala ni Hanni ay kakausapin
Chapter 18: She kissed him to shut his mouthHINDI muna lumapit si Hanni kay Yves. Kahit pinatatawag siya nito, si Serena ang pinakikiusapan niyang magpasa ng files na naaayos niya. Sinabihan na nga siya ni Serena kung umiiwas daw ba siya kay Yves dahil gusto niya ito pero syempre todo deny siya. Nakalimutan na niya ang lalaking iyon, 'no! Paanong magiging gusto niya pa iyon kung pakiramdam niya ay iiwan siya nito sa ere? Tulad na lang ng ginawa nito dati sa kanya. Syempre kahit anong sabi niyang nakalimot na siya, may slight pa rin siyang sama ng loob. But then, another rumor reached her ears. Ang sabi-sabi, bakla raw si Yves. Kaya raw pala matagal na itong walang girlfriend ay dahil hindi naman babae ang hanap nito. Doon din parang nag-click kay Hanni ang lahat. Walang kahit na sinong babae ang naging girlfriend ni Yves noong kasama niya ito. Oo at may nali-link pero wala naman siyang nakitang naging 'jowa' nito talaga. Sa isipin na bakla si Yves, kumirot ang puso ni Hanni. Wala
Chapter 19: Who's the girl? KUNG PWEDE lang sapakin ang sarili, iyon na ang ginawa ni Hanni. Bakit ba ang tanga-tanga niya? Siya itong nanhàlik at siya pa itong parang sabik kay Yves! Nasaan na ang sinabi niyang hindi niya ito gusto? Nasaan na ang pangako niya sa sarili na hinding-hindi niya ito papansinin? Eto siya ngayon, katabi sa kama ang lalaking sinasabi niya. Nakakainis naman kasi! Hinàlikan niya lang naman ito para mapatahimik si Yves na bigla na lang umiyak. Maayos ang plano niya sa utak. Pero anong nangyari? Lumapat lang ang labi nito sa labi niya, limot na niya ang lahat! Sinabi lang nitong mahal siya nito, ito siya at binigay na ang sarili rito! Ang harot-harot niya! Dapat sa kanya kinukurot ang singit dahil hindi mapakali! Kinagat ni Hanni ang pang-ibabang labi at sinapo ang noo. Ano nang plano niya ngayon?Palihim siyang sumulyap kay Yves at mahimbing ang tulog nito sa tabi niya. Pero kahit ganoon, nakapulupot ang dalawang braso nito sa kanya. Nakaunan siya sa isa nit
Chapter 20: Ipakikilala kita sa kanyaHANNI guards Yves and she sees how his father arranged dates for him. Walang ginawang aksyon si Hanni dahil nakikita niya na tumatanggi si Yves.For Hanni, she assumes that she still holds Yves' heart. Kahit paano ay kampante siya roon. Nangako siya na oras na makakuha na siya ng signal mula kay Chlyrus, ipakikita na niya ang sarili kay Yves. Sa ngayon ay hindi pa handa si Serena na magpakita at kung si Hanni ay mauuna sa ka nilang dalawa, alam niyang hindi magtatagal ay makakatunog si Kevin na asawa nito kaya pinigil niya ang sarili. Serena's mental health is unstable and they didn't want to aggravate the situation. And while Hanni is waiting at the side, silently guarding Yves and making sure he's safe, a couple of years passed by. Nagawa na ni Serena na lumapit at umamin kay Kevin pero kung kailan ayos na ang lahat, saka naman dinadagsa ng takot ang puso ni Hanni. Paano kung ayaw na sa kanya ni Yves? Paano kung nagbago na pala ang pagmamahal
Chapter 21: She's awakeNANANAKIT ang bawat himaymay ng katawan ni Hanni. Sinubukan niyang buksan ang talukap ng mga mata ngunit sobrang bigat noon na parang may batong nakadagan doon. Puro ingay ang naririnig niya ngunit wala siyang maintindihan kahit anong pilit niya. May mga taong tumatawag ng pangalan niya ngunit kahit pinipilit niyang ibuka ang bibig, may pwersang pumipigil doon. Puro dilim lang din ang nakikita ni Hanni. Kahit anong takbo niya, parang walang katapusan ang madilim na tinatahak niya. Panay siya lingon sa magkabilang gilid, umaasa na may tao siyang makikita ngunit wala. Nasa kawalan siya at nananatili lang siya roon. Ilang beses pang ganoon ang nangyari kay Hanni hanggang parang nanghina siya at nawalan ng malay tao. Nang magising muli ang diwa ni Hanni, katulad ng dati ay sinubok niyang buksan ang mga mata at ngayon, nagtagumpay na siya. Kahit mahina ang katawan at parang hahatakin na naman ng kadiliman si Hanni, pinilit niyang labanan iyon. Gigil na pinaglapa
Chapter 36: You need to get rid of her! “ALAM mong ako lang dapat ang asawa ni Yves! Hindi pwedeng sa iba ang mapupunta sa pwesto ko! Ang tagal kong hinintay na makasama siya at hindi ako papayag na may iba lang na kukuha n'on! I'm his wife! I don't like that there's someone out there that could ruin my life!”Pabalik-balik ang lakad ni Samantha habang nag-ra-rant ito. Hindi nakuntento ay kinuha nito sa clutch bag ang kaha ng sigarilyo, nagsindi at agad na humithit doon. Makailang ulit na ginawa iyon ng babae para mabawasan ang inis na nadarama. Kung makikita lang ni Yves ang ayos ni Samantha, magugulat ito sa makikita. Gone were the innocent Samantha that Yves knew. Samantha right there is wearing a flimsy dress while her stilettos were clicking on the marble floor while she's facing back and forth. Mabuti na lang at wala roon si Yves dahil malamang ay hindi nito makikilala ang babae na kinikilala nitong mahinhin at hindi makabasag pinggan. “Miguel, do something about it! If you
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.
Chapter 28: Yvette is pitiful“HANNI, what's bothering you?”Napakurap si Hanni mula sa pagkatulala sa basong nasa harapan niya at nalipat ang tingin niya kay Serena na nasa kabilang side ng table na pumapagitan sa kanila. Nasa bahay siya ngayon ng mag-asawang sila Serena at Kevin dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yves. Narito rin kasi si Yvette. Sa mag-asawa niya iniwan ang anak dahil alam niyang komportable si Yvette kila Serena. Nilayo na nila ang mga bata sa HQ dahil bumitiw na sila sa kanilang tungkulin. Kaya kung kinakailangan na may bantay ng mga bata, kila Serena niya iniiwan ang anak. “Ayos lang ako, bebs,” sagot niya para hindi ito mag-alala.Hangga't maaari ayaw iparating ni Hanni ang bigat na nararamdaman niya noong iwanan siya ni Yves kanina dahil mag-iisip lang si Serena. Alam niyang hanggang ngayon ay iniisip nito na nagkulang ito dahil nakuha ni Don Juan si Yves sa kanila. “Nakausap mo na ba si Yves? Napaliwanag mo na ang totoo? Isang tao