2/2 ~ tomorrow uli ~
Chapter 16: He's my freaking boss??? KUNG ANONG ipinangako ni Hanni kay Yves, ganoon ang ginawa niya. Iniwasan niya ito at siya ang umaktong hindi ito kilala. Nasasaktan siya, oo. Pero mas mataas ang pride niya. Nariyang umiiyak siya gabi-gabi at nangangati ang kamay niyang i-dial ang number ni Yves para i-text ito at makipagbati pero lagi niyang naaalala ang mga sinabi ni Yves na hindi na siya nito kailangan - well, hindi naman tahasang ganoon ang sinabi ni Yves pero ganoon ang pinaramdam nito sa kanya. Ang masakit lang kay Hanni, kung kailan mahal niya na ito, kumukuha siya ng tyempo na aamin dito, ganito pa ang nangyari sa kanya; sa kanila. Pero mas mabuting ganito na rin pala. Kasi kung umamin siya ng tunay na nadarama kay Yves at harap-harapan nitong ipamukha kay Hanni na hindi siya nito magugustuhan ay mas masakit, hindi ba? Mabuti na rin pala ang ganito. Hindi niya pinahiya ang sarili dahil kung ganoon ang nangyari, isusumpa niya si Yves nang mas malala bago ibaon ang saril
Chapter 17: Hindi sila bagayHALOS maputol ang lapis na hawak ni Hanni noong maalala ang senaryong lumipas kanina. Pakshet 'yan. Ang liit-liit naman ng mundo para sa kanila ng Yves na iyon. Kung kailan nalilimot na niya ito, saka niya pa makikita! Ang masama pa, boss niya! Hindi naman pwedeng mag-resign dahil kaka-hire pa lang sa kanya; may pinirmahan siyang kontrata at ayaw naman niyang magbayad ng breach of contract. May pambayad siya, oo. Pero ayaw niyang madungisan ang credentials niya para lang doon. Isa pa, sikat ang SGC at maraming benefits siyang makukuha kaya kahit may bulong sa kanya na umalis doon, hindi niya sinunod. Ang gagawin na lang niya ay aakto bilang subordinate ni Yves - no more, no less. Nunca na pansinin niya ito kapag hindi oras ng trabaho. Oo at ilang taon na rin ang lumipas pero hindi pa rin nakakalimot ang utak ni Hanni lalo na ang puso niya. Bahala ito sa buhay nito at hindi siya magbababa ng pride para lang makipag-ayos dito. Akala ni Hanni ay kakausapin
Chapter 18: She kissed him to shut his mouthHINDI muna lumapit si Hanni kay Yves. Kahit pinatatawag siya nito, si Serena ang pinakikiusapan niyang magpasa ng files na naaayos niya. Sinabihan na nga siya ni Serena kung umiiwas daw ba siya kay Yves dahil gusto niya ito pero syempre todo deny siya. Nakalimutan na niya ang lalaking iyon, 'no! Paanong magiging gusto niya pa iyon kung pakiramdam niya ay iiwan siya nito sa ere? Tulad na lang ng ginawa nito dati sa kanya. Syempre kahit anong sabi niyang nakalimot na siya, may slight pa rin siyang sama ng loob. But then, another rumor reached her ears. Ang sabi-sabi, bakla raw si Yves. Kaya raw pala matagal na itong walang girlfriend ay dahil hindi naman babae ang hanap nito. Doon din parang nag-click kay Hanni ang lahat. Walang kahit na sinong babae ang naging girlfriend ni Yves noong kasama niya ito. Oo at may nali-link pero wala naman siyang nakitang naging 'jowa' nito talaga. Sa isipin na bakla si Yves, kumirot ang puso ni Hanni. Wala
Chapter 19: Who's the girl? KUNG PWEDE lang sapakin ang sarili, iyon na ang ginawa ni Hanni. Bakit ba ang tanga-tanga niya? Siya itong nanhàlik at siya pa itong parang sabik kay Yves! Nasaan na ang sinabi niyang hindi niya ito gusto? Nasaan na ang pangako niya sa sarili na hinding-hindi niya ito papansinin? Eto siya ngayon, katabi sa kama ang lalaking sinasabi niya. Nakakainis naman kasi! Hinàlikan niya lang naman ito para mapatahimik si Yves na bigla na lang umiyak. Maayos ang plano niya sa utak. Pero anong nangyari? Lumapat lang ang labi nito sa labi niya, limot na niya ang lahat! Sinabi lang nitong mahal siya nito, ito siya at binigay na ang sarili rito! Ang harot-harot niya! Dapat sa kanya kinukurot ang singit dahil hindi mapakali! Kinagat ni Hanni ang pang-ibabang labi at sinapo ang noo. Ano nang plano niya ngayon?Palihim siyang sumulyap kay Yves at mahimbing ang tulog nito sa tabi niya. Pero kahit ganoon, nakapulupot ang dalawang braso nito sa kanya. Nakaunan siya sa isa nit
Chapter 20: Ipakikilala kita sa kanyaHANNI guards Yves and she sees how his father arranged dates for him. Walang ginawang aksyon si Hanni dahil nakikita niya na tumatanggi si Yves.For Hanni, she assumes that she still holds Yves' heart. Kahit paano ay kampante siya roon. Nangako siya na oras na makakuha na siya ng signal mula kay Chlyrus, ipakikita na niya ang sarili kay Yves. Sa ngayon ay hindi pa handa si Serena na magpakita at kung si Hanni ay mauuna sa ka nilang dalawa, alam niyang hindi magtatagal ay makakatunog si Kevin na asawa nito kaya pinigil niya ang sarili. Serena's mental health is unstable and they didn't want to aggravate the situation. And while Hanni is waiting at the side, silently guarding Yves and making sure he's safe, a couple of years passed by. Nagawa na ni Serena na lumapit at umamin kay Kevin pero kung kailan ayos na ang lahat, saka naman dinadagsa ng takot ang puso ni Hanni. Paano kung ayaw na sa kanya ni Yves? Paano kung nagbago na pala ang pagmamahal
Chapter 21: She's awakeNANANAKIT ang bawat himaymay ng katawan ni Hanni. Sinubukan niyang buksan ang talukap ng mga mata ngunit sobrang bigat noon na parang may batong nakadagan doon. Puro ingay ang naririnig niya ngunit wala siyang maintindihan kahit anong pilit niya. May mga taong tumatawag ng pangalan niya ngunit kahit pinipilit niyang ibuka ang bibig, may pwersang pumipigil doon. Puro dilim lang din ang nakikita ni Hanni. Kahit anong takbo niya, parang walang katapusan ang madilim na tinatahak niya. Panay siya lingon sa magkabilang gilid, umaasa na may tao siyang makikita ngunit wala. Nasa kawalan siya at nananatili lang siya roon. Ilang beses pang ganoon ang nangyari kay Hanni hanggang parang nanghina siya at nawalan ng malay tao. Nang magising muli ang diwa ni Hanni, katulad ng dati ay sinubok niyang buksan ang mga mata at ngayon, nagtagumpay na siya. Kahit mahina ang katawan at parang hahatakin na naman ng kadiliman si Hanni, pinilit niyang labanan iyon. Gigil na pinaglapa
Chapter 22: Hahanapin ko siyaILANG buwan ding nilihim kay Hanni ang totoong sitwasyon ni Yves. May sama man ng loob at nagtatampo kay Serena, binigyan ito ni Hanni ng pagkakataon na ipaliwanag kung bakit ganito ang desisyon nito. Then Serena really explained things to her in detail. Noong makuha si Hanni sa mga kamay ng RLS at dinala siya sa ospital dahil sa mga tinamong tama ng bala at bugbog sa buong katawan, ay siya namang pwersahang pagkuha kay Yves ng ama nito. Dahil immediate family ang ama ni Yves, hindi pwedeng tanggihan ang pagkuha nito sa anak sa ospital. Kevin tried to talk to Don Juan Miguel, Yves' father, but the old man declined Kevin's plea. Pinagpilitan nitong kunin si Yves na kagagaling pa lang sa operasyon sa ulo nito dahil kinuha ang bala na bumaon sa skull nito. Mabuti raw at hindi sobrang malala ang tama ni Yves at hindi tumama ang bala sa mismong loob ng ulo ni Yves kundi ay patay na ito. Nailigtas ito dahil sa mga doktor na dinala ni Chlyrus sa HQ bago ito s
Chapter 23: Who are youHINDI na umasa pa si Hanni sa ama ni Yves. Pero ang ginawa niya ay minanmanan niya ang bawat kilos nito at kung may inaasikaso siyang iba, nag-utos din siya ng taong pwedeng magbantay ng gagawin nito. Maging si Serena at Kevin ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap kay Yves na sobrang pinagpasalamat ni Hanni. Naisip niya lang, kung sana kasa-kasama pa nila si Chlyrus, malamang ay agad nilang nakita na si Yves dahil maraming koneksyon si Chlyrus sa iba't ibang tao hindi lang dito sa Pilipinas kundi mula sa ibang bansa. Pero wala na si Chlyrus na maaari din nilang hingan ng tulong. Ilang buwan pa ang nakalipas bago nakatanggap si Hanni ng magandang balita. Nasa Austria pala ito at dahil maliit na bansa lang ito, hindi agad nila naisip na naroon si Yves. Binago rin ang pangalan ni Yves at inalis ang una nitong pangalan kaya't ang nasa papers lang nito ay Andrew Magalona. Ngunit bago pa man matuwa si Hanni dahil nahanap na niya ang asawa na matagal nang hinahan
Chapter 42ISANG MALAKAS na sampal ang nakuha ni Sienna kasabay ng pagtulak ni Zephyr sa kanya. Hindi makapaniwala si Sienna noong gawin sa kanya iyon ng kababata dahil para sa kanya, hindi siya nito kayang tiisin. Pero mukhang mali siya. “Z-Zephyr!” aniya at hawak ang nasaktang pisngi. Bakas pa roon ang lakas ng pagkakasampal dahil bakat ang mga mahahabang daliri ni Zephyr doon. “N-Nagawa mo akong saktan! Nagawa mo sa akin 'to?!”“Why did you kiss me? Tangina. May asawa na ako, Sienna! Anong hindi mo maintindihan sa katotohanang iyon?”“K-Kung wala ka bang asawa, hindi ka magagalit sa paghàlik ko? Zephyr, ako dapat ang nasa posisyon ni Leila. Ako ang dati pa sa tabi mo. Ako ang madalas mong ipagtanggol. Ako ang inalagaan mo noon. Ako iyong inuuna mo sa lahat ng bagay. Pero ngayon, puro na lang siya! Zephyr, nasasaktan ako! Ako dapat ang nasa posisyon niya, ako! Ako dapat ang asawa mo. Bakit ba kampi ka pa sa kanya samantalang pinikot ka lang naman niya?! Ako, ako ang matagal na nagh
Chapter 41DAHIL ISANG BUWAN pa bago matapos ang academic semester nila at ilang linggo lang din ang paalam ni Zephyr sa school, kinabukasan ay sabay na silang pumasok ni Leila sa school. Hindi na nag-commute si Leila kundi kasa-kasama niya si Zephyr at nasa passenger's seat siya habang si Zephyr ang driver. Mabilis ang naging biyahe nila dahil inagahan nila. Ayaw ni Zephyr na maipit sila sa matinding traffic flow kapag nagkasabay-sabay ang lahat ng vehicle owners sa highway. Nang makarating sila sa eskwelahan, huminto ang sasakyan at pinagbuksan ni Zephyr ng pinto si Leila. Katulad ng dati, nakaagaw na naman sila ng atensyon at ang iba ay kinuha pa ang cellphone para mag-picture. Siguro ay ia-upload na naman nila ito sa school forum. Zephyr, like what he always does, didn't glance at their way. Nakapulupot ang braso nito sa beywang ni Leila at sa mga nakatinging tao, tuloy-tuloy silang naglakad. Pero hindi pa sila nakakapasok sa building ng department ay may taong humarang sa k
Chapter 40“YOU'RE—YOU'RE here? You're really here!” Tinakbo ni Leila ang distansya sa pagitan nila ni Zephyr at nang malapit na siya rito, tumalon siya at sinalo naman siya ni Zephyr habang humahalakhak ito. Kinapit pa ni Leila ang mga binti sa beywang ng asawa at saka kinawit ang dalawang braso sa leeg nito. Kung titingnan, nakalambitin siya kay Zephyr. “Hey, be careful.” Zephyr said that as he let out a hearty laughter once again. “Zephyr, na-miss kita kahit na two weeks lang tayong hindi nagkita,” himutok niya. Napailing si Zephyr sa inakto niya at binaba rin siya. Pagkatapos, pinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya at tinitigan siya. “Let me check you,” anito at tinitigan siya. Pinasadahan nga siya ng tingin ni Zephyr at nang masiguro na maayos nga siya, parang nakahinga ito nang maluwag. Niyakag ni Leila si Zephyr sa loob para makapagpahinga ito. Nagpaalam si Zephyr na magpapalit muna ito ng damit dahil galing ito sa labas. Gusto nga ni Leila na sumuno
Chapter 39“LET ME GO! Bitawan mo ako, ano ba? Isusumbong kita kay Zephyr! Sinabi nang bitawan mo ako, eh! Masama ka talaga!”Panay ang sigaw ni Sienna habang hatak-hatak ni Leila ang buhok nito. At imbes na maawa, mas lalo pang nanggigil si Leila sa babaeng ito. Hindi siya nakakalimot na sa utos nito, ilang beses na siyang napapahamak. Hindi lang ni Leila masabihan si Zephyr sa totoong ugali ng kaibigan nito dahil nakikita naman ni Leila na sa kanya kampi si Zephyr at hindi ito nagbubulag-bulagan kay Sienna. “Bitawan mo ang pamangkin ko!” Pilit na hinahatak ni Manang Gina si Leila palayo sa pamangkin pero malakas ang kapit ni Leila sa buhok ni Sienna. Sa isang mabilis na kilos din, naitulak ni Leila si Manang Gina kaya halos mapahiga ito sa sementadong sahig. “Anong tinitingin tingin ninyo diyan? Tulungan n'yo ako at turuan n'yo ng leksyon ang babaeng 'yan!” sigaw ni Manang Gina sa mga katulong na nakatanaw lang sa kanila. Nag-alangan at nagkatinginan ang mga katulong at may isan
Chapter 38“AT SINO ka para paalisin kami? Hindi ako papayag na umalis kami rito! Yaya ako ni Zephyr mula pa pagkabata at parang ina na niya ako! Mas close pa nga siya sa akin kaysa sa ina niya kaya siya rin ang magagalit sa gagawin mo! Hah! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!”Hinarangan ni Manang Gina si Leila na papasok sana sa loob. Tumalim ang tingin niya sa matandang babae at pinagkrus niya ang mga braso. Tumikwas ang kilay niya habang nakatitig dito. Hindi na siya ang Leila na magpapaapi rito. Ngayong alam niyang may importansya na siya kay Zephyr, may tapang na rin siya na harapin ito. At oras na saktan siya nito, ihaharap niya si Zephyr sa mag-titang si Gina at Sienna. Kung kaya nilang magpanggap na inosente at walang kasalanan na ginawa, kayang-kaya niya rin iyong gawin. “Ako ang may kapal ng mukha? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Manang Gina? Ako ang asawa ng 'amo' mo. Yes, you were his yaya and you watched him grow up. But that doesn't mean you ca
Chapter 37“I'LL BE DONE AFTER A WEEK HERE. Wait for me, hmm? Listen to me, Leila, okay? Stay away from guys. I don't want to see guys hovering around you.”Napalingon si Leila sa magkabilang gilid, hinahanap ang lalaking sinasabi ni Zephyr pero wala naman siyang nakita. Nagulat siya nang tumawag muli si Zephyr at imbes na manatili ito ng dalawang buwan sa importante nitong ginagawa, sinabi nito sa kanya na sa isang linggo na lang ang lilipas at uuwi na ito. Syempre, natuwa siya. Miss na miss na niya si Zephyr, e. Nasanay na siyang kasama ito kaya nang marinig niyang pauwi na ito, halos pumalakpak ang tenga niya.Pero natigil ang tuwa niya nang sabihin iyon ni Zephyr. Lalaki? Tsaka niya naalala na noong huling videocall ni Zephyr sa kanya, nakita nito sa likuran niya si Mark na kapatid ni March. Before she could explain things to Zephyr, the call was cut. At ngayon, ito ang sumunod na tawag ni Zephyr sa kanya. “Guys? Wala namang lumalapit sa akin, Zephyr. Kulang na nga lang magin
Chapter 36“WHY DO you look so glum, dude? Anong nangyari? We're in the middle of the mission when you open your fire and kill one of their men. Dati naman, hindi ka ganyan, Zeph. What happened?” litanya ni Cash. Instead of answering him, pinunasan ni Zephyr ang hawak na baril. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nakita sa likod ni Leila. Alam niyang walang ginagawang mali si Leila. He knows how crazy his wife for him. Pero hindi niya maiwasan na hindi mainis dahil nararamdaman niya na habang wala siya ay may pumoporma sa asawa niya. Paano kung mas magtagal siya rito sa misyon na ginagawa at unti-unting mawala sa kanya si Leila? Damn it. Bakit niya ba naiisip iyon? Leila won't love anyone other than him. Kung mayroon man, he will make sure he will shoot that person first. Leila's his. Sa kanya lang. Ang pagtapik sa balikat niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Zephyr. Matalim ang tinging binigay niya kay Cash na parang sinasabi na tigilan siya nito. Kung hindi niya map
Chapter 35SA TULONG ni March at Mark, nai-report ang mga taong nagtangkang gawan ng masama si Leila. Pero hindi bago pakantahin ni March ang mga babaeng iyon ng binabalak nila kay Leila at nang malaman ang totoong balak nila na pagkatapos bugbugin ay gusto nilang dalhin sa kung saan si Leila at hayaan kung ano ang mangyari sa kanya, halos manlamig ang buong katawan ni Leila. Sa isip niya, paano kung nagtagumpay sila sa balak nila? Saan na lang siya pupulutin? Paano kung sa masasamang tao siya napasakamay? Paano kung na-rapé siya sa balak nilang pag-iwan sa kanya? Ano na lang ang magiging kapalaran nya? Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ni Leila kay Sienna. Kung nasa harap niya lang ang babae, ipapakita niya ang kaya niyang gawin dito. Pero maghintay lang ito, matitikman nito ang bagsik niya. Pinapangako niya iyon. Sa gulong kinasangkutan nila, nagharap-harap sila sa dean's office. May mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga babaeng gustong saktan si Leila ha
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkaka