Chapter 31"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:BWISIT! Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik si David. Siguro nag-enjoy na siyang kasama si Katrina.Naiinis na ako!Kanina pa ako nilalamon ng selos, pero pinipigilan ko lang. Ayoko kasing makita ng mga tao na nababaliw ako dito.Mag-isa pa naman akong naka-upo sa buhangin habang nakatingin kay Michael na lumalangoy sa mababaw.Mga negatibo na rin ang tumatakbo sa isipan ko dahilan para mapagbuntungan ko ng galit ang buhangin sa aking kamay."Hayss! Talagang inaabuso mo ang kabaitan ko!", sambit ko sa sarili.I always check the time on my cellphone, para malaman ko kung ilang minuto na lang.And bullshit, five minutes left at matatapos na ang binigay kong oras sa kanya."Tsk. I hate you, David! Paasa ka!", muli kong bigkas.Tumayo na ako at nilapitan si Michael para patigilin na ito sa paglangoy.Hindi ko na kayang maghintay pa sa wala.Masyado na siyang abusado!"Umahon ka na dyan, Michael! Uuwi na tayo!", sigaw ko sa
Chapter 32"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"David's POV:OVERNIGHT. Ito agad ang desisyon na binitawan ko kanina habang enjoy na enjoy si Michael sa beach.Sinabi ko sa kanila na dito kami magpapalipas ng gabi, para sa gano'n maging sulit ang pagpunta namin sa lugar na 'to.But the truth is, may pinaplano ako ngayong gabi.Balak kong magpropose kay Kate.Balak kong hingin ang kamay niya para maging asawa ko na siya.Hindi ko na kasi hahayaan na tumagal pa ang lahat. Alam kong mabilis dahil hindi pa nag-iisang buwan ang relasyon namin, pero gusto kong makasal kami.Napatitig ako ngayon sa maliit na box na hawak ko.Singsing ito na binili ko kanina. Kaya nga ako natagalan sa pagbalik dahil dumaan pa ako sa jewelry para bumili nito. And happy to say, napili ko ang maganda at mamahalin na singsing. A diamond ring that cost million. Ganyan ko kamahal si Kate."Papa, ano po 'yang hawak mo?", sulpot na tanong ni Michael.Muntik ko pang malaglag ang singsing dahil sa biglaang pagsulpo
Chapter 33 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:ABOT LANGIT ang saya ko nang lumuhod sa harapan ko si David.Isa ito sa kahilingan ko kay Lord na gusto kong maranasan.Ang sarap lang sa pakiramdam dahil tinanggap ako ni David.Tinanggap at minahal niya ako sa kabila ng pagiging single mom ko.Tama nga sila, sa mata ng lalaking seryoso, perpekto ka sa paningin nila.At ganito nga ang pinaparamdam ng binata sa akin.Hindi niya ako binigo kahit dumating si Katrina.Pinili niya ako. Pinili niya kami ni Michael.Kaya kampante na ang kalooban ko na hindi niya ako sasaktan."N-naduduwal ako.", bigkas ko sa kanila.Nasa hapag-kainan kami, at si David mismo ang nagluto ng ulam. Kaso nung hinain niya ito at nilagay sa mesa, bigla akong nasusuka.Hindi ko nagustuhan ang amoy. Parang panis na eh. Kaya mabilis akong lumayo sa mahabang mesa at tumakbo sa may lababo.Nga pala, it's been two months since magpropose si David. At oo, sa sunod na buwan, ikakasal na kami.Minamadali ng lal
CHAPTER 34 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:Si DAVID, siya yung excited na lumabas ang baby sa tiyan ko. Hindi pa nga lumulobo ito, panay isip na agad siya ng pangalan.At oo, iniingatan niya ako ng husto. Masyado siyang protective sa pagbubuntis ko. Ayaw niya akong gumalaw ng gumalaw para hindi maalog at malaglag ang bata.Kaya lumipat na ako ng kwarto sa baba para hindi ako mahirapan sa pag-akyat.Mahirap na, baka daw kasi madulas ako.Hindi lang sapat si David sa akin, kundi sobrang blessing siya na binigay ni God.Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng lalaking ganito. Ang swerte ko dahil nasa tamang tao na ako. Hindi man ako naging masaya sa una kong karelasyon. But this time, halos minu-minuto akong nakangiti."Sabay na tayong maligo, honey.", bigkas nito habang naghahanap ako ng damit sa closet.Niyakap niya ako mula sa aking likod at bahagyang kinagat ang leeg ko."David, ang baho ko pa.", pagsisita ko sa lalaki."So what? Asawa na kita, Kate. At ang mag-asawa,
CHAPTER 35 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:ANG kausap at kaharap ko palang babae ay magulang ni David. Hindi ko lubos-maisip na ganito ang itsura ng nanay niya. Tila dalaga kasi ito kung titingnan kaya wala akong kaalam-alam.Syempre, medyo nahiya ako dahil nawalan ako ng galang. So I was about to say sorry, kaso hindi ko na nasabi dahil mas tinaas nito ang kilay niya nang lumabas si Michael."Mama, sino po siya?", pagtatanong nito.Yung reaksyon ng Ginang, halos umapaw ang katarayan."My ghad! May anak ka na? Ibig sabihin, disgrasyada kang babae nung nakilala ka ni David? Shit! Siguro ginayuma mo siya, ano?", mapanghusga na sambit niya."Hindi ho. Hindi ako gano'n na tao para gawin 'yan sa anak niyo. Kung ako sayo, tanungin mo na lang si David kung paano kami nagkakilala.", wika ko naman.Ayoko sa lahat na binabastos ako sa mismong harapan ng anak ko. At lalong ayoko sa lahat yung dinadamayan ang bata sa away."Wala kang ugali. Ako ang nanay ni David na kinakasama m
Chapter 36 Kate's POV:HINDI umuwi si David.Hindi siya umuwi at dalawang araw na rin simula nang tawagan ko siya.Ang sabi niya, isang gabi lang siya doon sa Cebu. Pero hanggang ngayon, wala pa ang lalaki.Hindi ako manhid. At lalong hindi ako tanga. Alam ko na meron silang usapan ni Katrina. Usapan na magkita sila at magsama.Nandito kasi ako sa kompanya ni David at tinanong ko ang mga empleyado doon.And they said, walang meeting na naganap sa Cebu. So after hearing that words, nanghina ako bigla.Napaupo ako habang hawak-hawak ko ang aking tiyan.Pinipilit ko na maging matatag para sa anak namin dahil ayokong maapektuhan ang pagbubuntis ko. Pero si David, gumagawa siya ng kamalian para saktan ako.At oo, tagos na tagos sa damdamin ko ang sakit na dinulot niya.Hindi sila nagmeeting ni Mr. Xiao.Hindi sila nagkita at nag-usap.Dahil ang totoong dahilan ng pag-alis niya ay si Katrina.Umalis siya para puntahan at samahan ang babae.Ex-girlfriend niya 'yon. Minahal niya 'yon ng bu
Chapter 37"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"Kate's POV:NAKATULALA akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Buong akala ko kasi, hahabulin ako ni David at susundan para sabihin na hindi totoo ang iniisip ko.Pero hindi eh. Hindi niya ako hinabol. Pinabayaan niya ako. Hinayaan niya akong masaktan ng husto.Naiwan siya sa loob at pinili pa rin na samahan si Katrina.Sa oras na 'to, lutang na lutang ang isip ko at tila nawawala ako sa sarili.Medyo sumasakit na rin ang tiyan ko at nahihirapan ako na huminga.Kaso hindi ko pinansin ang sakit at patuloy lang ako sa paglalakad."Ate, dinudugo ka.", wika ng babae nang hawakan nito ang braso ko dahilan para matigilan ako.Talagang linapitan niya ako para ipaabot ang nangyari sa akin.Kaya dahan-dahan akong napatingin sa bandang ibaba ko at nasilayan doon ang dugo na umaagos sa mismong legs ko."A-ang baby ko.", utal na sambit ko na may takot sa dibdib."T-tulungan mo ako, ang baby ko
Chapter 38 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:BALIK-MANILA ako.Bumalik agad ako ng Manila kahit hindi pa ayos ang pakiramdam ko.Nakiusap ako sa babaeng tumulong sa akin na samahan ako dahil hindi ko talaga kayang hintayin na mag-umaga. Nanganganib ang buhay ni Michael.Nanganganib ang buhay nito kaya hindi ko matiis na wala siyang kasama.Namatayan na ako ng anak sa tiyan, kaya sobrang bigat sa dibdib ang mawalan.Hindi ko nagawang protektahan si baby dahil mas inatupag ko si David.Kaya ayoko na itong ma-ulit pa. Michael is my life. Nung hindi pa dumating si David sa buhay ko, si Michael na ang nagpapasaya sa akin. So in short, I can't lose him.Hindi naman tumagal ang biyahe sa eroplano dahilan para matunton ko ulit ang Manila.Agad naming tinungo ang hospital na binanggit sa text. Halos hingal na hingal akong huminto sa room na sinabi ng nurse sa amin.Pero hindi pa man ako nakakarating do'n, nasilayan ko agad yaya namin sa mancion ni David.Siya yata ang dumal
EPILOGUE KATE's POV:TODAY is our wedding day.Annulled na ang kasal nila David at Katrina, kaya tinuloy na ulit namin ang kasal na pinangarap naming dalawa.Ang daming nangyari sa love story namin ng lalaki.But still, kami pa rin hanggang dulo.Marami man ang sumira sa amin.Pero kaakibat no'n, lahat sila nagbago.Si Derick, he contiue his passion.Pinalago niya ang kompanya kahit siya lang mag-isa. Hindi ko naman pinagdamot sa kanya si Michael dahil may karapatan siya sa bata.Si Edward naman, nagpapagaling pa siya sa hospital.Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil maayos ang trato niya sa anak ko, nung wala ako sa tabi nito.May mabuting kalooban din pala ang binata na ngayon ay kapatid na rin ang turing ko.So here I am, walking in the red carpet patungo sa mismong altar.Suot ko ang mahabang gown habang hawak ko ang bulaklak.Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak mula sa aking mata.This is the tears of joy na sinasabi nila.At legit nga na ganito ang mararamdaman mo kapag i
CHAPTER 70 KATE's POV: SINABI na sa amin ni Katrina kung saan na location nagtatago si Edward habang kasama si Michael.Edward is also my brother.Pero hindi talaga kami magkadugo dahil anak ito ng asawa ni papa sa ibang lalaki.In short, single mom na talaga yung pinalit ni papa sa mama ko.Naging klarado na sa akin ang lahat dahil mismong si Katrina ang nagsabi nito.She cleared everything to us. At humingi na rin ito ng tawad sa harapan namin ni David.So at this point, patungo na kami sa hide out para kunin si Michael.Gusto ko ng makita ang anak ko.Gusto ko na siyang pupugin ng halik gaya ng ginagawa ko noon sa kanya."Ikanan mo ang kotse.", pagtuturo ni Kat.Sinama namin siya para hindi kami maligaw at hindi matagalan ang paghanap namin.Sinunod naman ni David ang winika ng babae kaya agad niyang iniliko sa kanan ang sasakyan.Medyo liblib nga ang lugar. Pero sobrang ganda at mahangin sa kalooban dala ng mga puno.The car stopped in front of the gate."Teka, bakit bukas?", sa
CHAPTER 69 DAVID's POV:"SO WHAT'S YOUR NEXT PLAN, BRO?", tanong ni Deo sa akin.Nasa bar kami at kasalukuyan na umiinom ng wine.Umalis na kami sa bahay at dito namin ninais na pumunta."Kakasuhan ko siya, kung ayon ang nararapat.", turan ko sabay lapag ng alak sa mesa."Tama 'yan. I'll support you. Handa ako maging testigo laban sa kanya. At handa rin akong harapin ang mga kasalanan ko, kung sakali man na may nilabag ako.", wika nito at pilit na ngumiti.Medyo kampante na ako ngayon dahil tuluyan na ngang nagbago si Deo.Sa kabila ng ginawa niyang mali sa akin, handa siyang linisin ito para lang mabalik sa maayos ang lahat.For the last time, nilagok namin ang alak bago kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay.Umuwi si Deo sa condo. Samantalang ako, balak kong silipin si Katrina. Halos hindi ko na kasi siya nakakausap pa, kaya titingnan ko kung okay lang ba ang kalagayan nito.Hindi pa rin mapawi sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kate.Magkapatid sila at katulad namin ni
CHAPTER 68SANDRA's POV:NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng ebidensiya.I need to do something to know the whole story.Litong-lito ako sa mga nangyayari. Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito.Yung papa ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin.Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ako.At dahil do'n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael sa buhay ko.Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko.Namatay siya sa mismong kamay ni Katrina.All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan."Shit! Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!", I said.I'm facing the mirror while talking to myself.I don't know how to start my new plan.Plano ko kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery."Bahala na!", sambit ko muli.Kinuha ko n
CHAPTER 67DAVID's POV:ALAM kong galit na galit kahapon si Sandra dahil sa biglaang desisyon ko.I trust my brother again. And gave him another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Michael.--FLASHBACK:"Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.", bigkas nito habang nakaupo ako sa gilid.Tahimik kaming dalawa kanina.Walang sino man ang gustong magsalita, pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin.Gabing-gabi na at pinapapak na rin ako ng lamok. Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.I really feel the pain that she's suffering right now. Lalo pa't sinabi ni Deo na kapatid ni Kate si Katrina.Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya ito.I can't imagine na magkadugo silang dalawa."Kung aalisin mo ang tali sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni Katrina.", aniya ng kambal ko.Umiigting na ang aking panga dahil sa mga sinasabi nito."Shut the f
CHAPTER 66 SANDRA's POV:"I WANT DNA TEST.", madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to.Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?Kaya oo, ito ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina."10,000 pesos. Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.", turan ko sa binata sabay labas ko ng pera."Opo Ma'am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.For almost one month, napamahal na ri
CHAPTER 65SANDRA's POV:Hindi pwede! Hindi maaari!Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng 'yon.NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.Halos ilang minuto ko 'tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.She told me that I don't have a sibling. So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she's not my twin.Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.He's a liar!"Ikulong mo ng mabuti 'yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na 'yan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.", utos ko rito.Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki."Saan ka ba pupunta?","I hav
CHAPTER 64 SANDRA's POV:I already know the truth. Si Derick, pinaikot niya ako. Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya.Masyado siyang plastik sa mga ginawa niya.Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal.I'm done with him.Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo, alam ang totoong nangyari.Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon.How can he do this to me?Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin. Hindi ko maiwasan na magalit sa kanya.Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael."Calm down. Walang madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.", mahinang wika ni David.Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.Kaya medyo lumambot ang puso ko."Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.", muli niyang saad.Bahagya kong inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata.Kaso sa hindi sinasadya, napunta
CHAPTER 63SANDRA's POV:"SAAN natin dadalhin si Deo?", tanong ni David habang nagmamaneho siya.Nagawa na rin namin na igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at makasigaw.This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.I know that there is a story behind this.May dahilan din ang lahat kung bakit umaakto si Deo bilang David.At ito ang gusto kong malaman."Ikaw ang bahala kung saan. Basta walang tao.", aniya ko bilang sagot."Okay. May alam akong lugar.", tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan.Hindi ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David.Simula nung umamin ako sa kanya na ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata.Pero hindi maalis sa mata ni David na medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari."Buti na lang matalino ka. Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung napano ka na.", wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic."Ilang beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautaka