Chapter 38 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:BALIK-MANILA ako.Bumalik agad ako ng Manila kahit hindi pa ayos ang pakiramdam ko.Nakiusap ako sa babaeng tumulong sa akin na samahan ako dahil hindi ko talaga kayang hintayin na mag-umaga. Nanganganib ang buhay ni Michael.Nanganganib ang buhay nito kaya hindi ko matiis na wala siyang kasama.Namatayan na ako ng anak sa tiyan, kaya sobrang bigat sa dibdib ang mawalan.Hindi ko nagawang protektahan si baby dahil mas inatupag ko si David.Kaya ayoko na itong ma-ulit pa. Michael is my life. Nung hindi pa dumating si David sa buhay ko, si Michael na ang nagpapasaya sa akin. So in short, I can't lose him.Hindi naman tumagal ang biyahe sa eroplano dahilan para matunton ko ulit ang Manila.Agad naming tinungo ang hospital na binanggit sa text. Halos hingal na hingal akong huminto sa room na sinabi ng nurse sa amin.Pero hindi pa man ako nakakarating do'n, nasilayan ko agad yaya namin sa mancion ni David.Siya yata ang dumal
CHAPTER 39"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:LUTANG NA LUTANG AKO.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili.Wala na kasi yung taong nagpapalakas lagi ng loob ko.Wala na yung inspirasyon ko para labanan lahat ng problemang dumating sa akin.INIWAN ko muli si Michael dahil inaayusan pa siya para ilagay sa kabaong. Balak ko na kasing pumunta ng Mancion at kunin ang mga gamit ko para umalis na sa demonyong lugar na 'yon.Alam ko kasi na wala pa do'n si David.Ayoko muna siyang makaharap at makita dahil tiyak mandidilim lang ang paningin ko sa lalaki.Pinapasok naman ako ng guard sa loob. Pagkatunton ko roon, nakikita ko agad ang lungkot sa mukha nila.Maging sila kasi, napamahal na rin kay Michael. Patuloy silang nagsosorry at sinisisi ang kanilang sarili dahil hindi nila nagampanan ng mabuti ang trabaho.Kaya ngumiti lang ako ng pilit kahit ang totoo, wasak na wasak na ang dibdib ko.Ayoko rin naman magalit sa kanila dah
CHAPTER 40"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:BINUROL na si Michael.Binural ko siya sa mismong bahay na tinirhan namin dati.Yung bahay na sinalba ni David kasama ang bahay ng mga taga-rito.Oo, hindi ito tuluyang sinira dahil nga binayaran ng lalaki ang lupa para mapaalis ang mga tao.Noon, halos kabutihan lang ang nakita ko sa kanya. Ito ang naging hudyat para mahalin ko siya.Pero dahil sa nangyari sa mga anak ko, yung pagmamahal ko biglang nawala at napalitan ng galit.Nakaupo lang ako malapit sa kabaong ng bata.Pinagmamasdan ko ang nakangiti niyang litrato. Kahit anong pilit ko na maging matatag, kusang pumapatak ang luha ko sa tuwing iniisip ko na hindi na babalik ang anak ko.Hindi na babalik si Michael.Hindi ko na siya makakasama pa.Hindi ko na siya makakausap pa.Hindi ko na siya mahahalikan pa.Hindi ko na maaamoy ang kili-kili niya kapag napapawis ito.Yung mga dati kong nakasanayan, biglang naglaho na parang bula.Tahimik na sana ang burol ni Michael.Ta
CHAPTER 41"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"KATE's POV:"HANDA KA NA BA PARA SA PLASTIC SURGERY MO, KATE?", tanong ni Derick mula sa likuran ko.Nakaharap ako sa malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili.Kahit sa huling sandali, gusto kong makita ang Kate na pinahirapan nila.Isang linggo na rin ang nakalipas, matapos mamatay ang dalawa kong anak.Nailibing na rin namin si Michael sa maayos at mamahalin na cementeryo.Gumaan ng konti ang pakiramdam ko, pero hindi ibig sabihin ay okay na ako.Dahil ang totoo, sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari.Habang naiisip ko si Michael, I can't control my emotion.Bigla akong umiiyak at halos gabi-gabi akong lumuluha bago matulog.Ina ako. Kaya sobrang sakit mawalan ng anak.Yung anak ko, halos siyam na buwan ko siyang dinala.Pinaliguan, binihisan, pinakain, pinalaki at higit sa lahat pinaaral ko siya.Tapos papatayin lang nila?!"Kate?", bigkas ulit ng lalaki.Hinawakan nito ang balikat ko para humarap sa kanya.Pero nagmatiga
CHAPTER 42 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"SANDRA's POV:BUMALIK muna ako sa bahay namin ni Derick.Hindi ko gusto ang hangin sa kompanya.Ang daming bulok na basura.Next time na pupunta ako roon, garbage truck na ang gagamitin ko para ipahakot sila.I can't wait to make them suffer.Matitikman din nila kung gaano kasarap mamuhay sa impyerno.Sinira nila ang buhay ko.Kaya sisirain ko rin ang buhay nila."Hindi na ako dalaga pa. Dahil kasal na ako.", rinig kong sabi ni Katrina sa aking tenga.Paulit-ulit 'tong pumapasok sa isip ko dahilan para madagdagan ang galit ko kay David.Kinasal na sila. Natuloy ang kasal nila. Samantalang ako, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit at poot sa dibdib ko.Ako ang pinangakuan nito na pakasalan, pero sa huli, si Katrina pa rin ang pinili niya.Pero hindi dapat ako magpaapekto sa kanila.Ayokong ipamukha na mahina ako dahil baka mahalata nila na ako si Kate.At oo, patay na si Kate.Pinatay ko na si Kate. Pinalabas ko sa lahat ng tao na
CHAPTER 43"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"SANDRA's POV:TANAW na tanaw ko mula sa bintana si David.Nasa labas siya at nakatayo habang patuloy na humihintay sa akin.Talagang tinotohanan niya ang sinabi kanina. Akala siguro nito, pagbibigyan ko siya.Of course not! I don't want to talk to him.Manigas siya at mangalay sa kakahintay."Hindi mo kakausapin?", tanong ni Derick.Madilim na rin kasi dahil gabi na. At sa palagay ko, dalawang oras na siyang tumatayo. Wala siyang kotse na dala at tanging motor lang na single ang ginamit niya papunta rito.Halatang naghihirap na. Iba talaga kapag si Karma na ang gumagawa.Hindi pa nga ako kumikilos, ganyan na agad ang estado ng buhay niya."Why would I? Nakaka-enjoy kayang panoorin siya.", sagot ko naman na may demonyong ngiti sa labi."Gusto ko 'yan. Hayaan mo siyang magdusa. Panigurado ako, mamaya, aalis din siya.", turan nito habang hinahaplos ang braso ko."Pwede ba, ilayo mo ang kamay mo sa akin? And please, gusto kong mapag-isa.",
CHAPTER 44"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"DAVID's POV:"BAKIT BA KASI ANG KULIT MO, KATRINA?", malakas na sambit ko sa babae.Inis na inis akong lumabas ng kompanya habang siya ay nakabuntot pa rin sa likod ko."Ano bang problema mo? Asawa mo na ako, David. Kaya kahit saan ka pumunta, dapat kasama ako.", tugon nito na ikinainit lalo ng aking dugo.Bagsak na bagsak na ang kompanya ko.Hindi ko na alam kung paano ko ipapalago ito gaya ng dati."IKAW ANG PROBLEMA!", pagduduro ko sa kanya.Pinipigilan ko na 'wag siyang saktan dahil hindi ko hilig ang manakit ng babae."Kasal lang tayo sa papel, Katrina. At hindi na kita mahal. So don't take it seriously. Hindi ako masaya na asawa kita.", muli kong saad."A-anong sabi mo?", tanong niya sa akin."Hindi ko na uulitin pa. Siguro naman, ramdam mo na 'yon.", malamig na pahayag ko.Sumakay na ako sa aking motor at pinaharurot na ito.Wala akong pakialam kay Katrina.I don't love her anymore.Napilitan akong pakasalan siya dahil nilamon ako
CHAPTER 45"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"SANDRA's POV:ISANG meeting lang naman ang ginawa ko ngayong araw.Pasakalye ko lang 'yon para pahirapan si David. Gusto kong maghabol siya hanggang sa mapagod at lumuhod sa harapan ko.Natutuwa kasi ako kapag gano'n ang mangyari.And I can't wait to see him begging on me."Melanie, kapag dumating si Derick na wala pa ako, pakisabi sa kanya na may pinuntahan lang ako na importante.", pagbibilin ko sa Secretary.Balak ko kasing dumalaw sa puntod ni Michael. Gusto ko siyang makausap at sabihin na inuumpisahan ko na ang paghihiganti. Ito kasi ang pangako na binigkas ko nung mamatay siya. At ngayon, sinisimulan ko na ito kay David. Siya muna ang uunahin ko.NAGDRIVE na ako patungo sa cementeryo kung saan nilibing ang anak ko.Katabi no'n ang kabaong na akala nila ay ako. Pero hindi ako 'yon, dahil hindi pa ako patay. Ibang tao ang nakalibing sa lupa. Kaya pagkarating ko do'n, napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko ang isang lalaki na