Home / All / When We Collide / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Author: its_urmami
last update Last Updated: 2021-09-08 11:20:31

“Ate,” rinig kong tawag sa aking bunsong kapatid na ngayon ay malungkot na nakatingin sa mga mata ko.

Nakaka—miss ‘yong dating ngiti ng kapatid ko. Ang tagal na rin noong huli ko siyang nakitang nakangiti ng hindi pinipilit.

Agad ko itong ginawaran ng tingin at saka ko inilagay ang aking mga palad sa kaniyang pisngi. “Hmm?” I said, while looking at her eyes.

Ngumuso ito sa akin at nagsimulang umiyak. “Ate, miss na miss ko na po si nanay. Kailan pa po ba siya babalik?” Humagulgol na sambit nito habang nakatingin sa akin ng direkta.

Hindi ko na mabilang kung pang—ilang beses na niyang itinanong sa akin ‘yon. Halos minu—minuto itong nagtatanong. Pero hindi ko siya masisisi kung bakit tanong ito ng tanong sa akin tungkol sa nanay namin. She’s too young when she left us.

I wiped her tears from her cheeks. “Carmila, alam mo naman na kailangan mag trabaho ni nanay sa Maynila, ‘di ba?”

Tumango ito habang tumutulo pa rin ‘yong kaniyang mga luha pabagsak sa kaniyang pisngi. “Opo, ate. Pero po ate, bakit sa Maynila pa? Bakit hindi dito sa probinsiya na’tin? Marami naman pong trabaho dito, ate. Bakit po kailangan sa Maynila e sobrang layo no’n?” Sunod-sunod nitong tanong sa ‘kin.

“Margaux!”

Kunot-noo kong hinanap ‘yong pinanggalingan ng boses na tumatawag sa aking pangalan. At doon ko nakita ang isang babae na hingal na hingal na tumatakbo papalit sa kinaroroonan ko.

Si Clarisse, kapitbahay ko. Hindi kami close pero nagpapansinan lang kapag may kailangan o may gustong sabihin. Kumbaga plastik na may konsensiya. Ilang beses na kaming nag—away niyan dahil napaka—plastik niya pagdating niya sa akin. Pero kinaibigan ko pa rin. Hindi nga lang kami gano’n ka close.

Nang makalapit na ito ay doon ko lang ito tinanong kung bakit niya ako tinawag at kung bakit ay ito tumatakbo.

“Oh? Bakit Clarz?” I asked while my forehead creased.

Hingal na hingal pa rin ito habang ang kanyang kanang kamay ay nasa kanyang dibdib at ang kanyang kaliwa naman ay nasa tuhod nito.

“S-Si...” Hingal na hingal nitong saad.

Nakakunot pa rin ‘yong noo ko habang tinignan siyang humihingal—hingal. Habang tinignan siya ay humahakbang din ang aking dalawang paa papalit sa kanya para sana ay hawakan ang kanyang magkabilang balikat at para din sana gabayan itong tumayo at umupo sa inuupuan ko kanina. Ngunit bigla niyang hinawakan ‘yong kamay ko. At nauutal na nagsalita.

“U-Umuwi ka m-muna... k-ka muna s-sa b-bahay niyo. Ako na b-bahala kay miss.” Utal-utal nitong saad.

When she mentioned our house I immediately grab my bag and look Clarrise’s face who’s now calm than the few seconds ago. Imbes na magtanong kung bakit ay agad kong nginitian si Clarisse and whispered, “Thank you” and when she nodded I immediately run.

I know what she’s talking about. But that’s not important. Ang importante ngayon ay dapat makarating ako sa bahay as soon as possible.

Tangina. Heto na naman siya. Bumabalik na naman ‘yong mga sakit na dinanas ko nitong nakaraang araw. Pero imbes na mag-alala sa sarili ay mas nag-alala ako sa kapatid ko na ngayon ay alam kong takot na takot ito.

“Sorry...” sambit ko sa lalaking nakabangga ko. Urgh, Margaux! Tumingin ka kasi sa dinaanan mo!

Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay tinignan ko lamang ito at umiling at saka tumakbo ulit. Hindi ko makita ng maayos ‘yong buong mukha niya dahil sa luha na patuloy na dumadaloy sa aking mga mata. Pero sobrang kisig ng kaniyang katawan. Ilang pandesal kaya ang meron siya? Nag-gi-gym ba siya?

Huy, Margaux Andrea! Ang bastos ng isip mo! At hindi ang tamang oras para lumandi! At alam mong wala kang oras sa mga landi—landi na ‘yan! Kaya isantabi mo muna ‘yang pagiging malandi mo!

Bago pa man ako nakarating sa bahay ay rinig ko na ‘yong mga sigaw sa labas ng bahay namin. Andaming tao sa labas. Napapaligiran na ‘yong bahay namin. Itinabig ko ‘yong mga taong nanonood at mabuti nalang ay binigyan nila ako ng daan para makapasok agad sa loob ng bahay namin.

“Bilisan mo! At baka dumating pa ‘yong panganay mo!” rinig kong sigaw ng isang lalaki.

I was stunned when I heard my Mom’s sobs and voice but I immediately shook my head and ignored it. “Oo na! Saglit lang! Magpapaalam muna ako sa bunso ko!” sigaw pabalik ni nanay sa kausap niyang lalaki.

“Bilisan mo!”

“Grabe, iiwan talaga niya mga anak niya para lang sa isang lalaking katulad niya, ano?” Rinig kong sabi ni aling Mercedita at agad namang umo-o ‘yong kausap niya.

Alam na alam ko na ‘yong boses niya dahil alam ng lahat kung gaano ito ka chismosa. Pati ulam niyo ichichismis.

I just rolled my eyes after hearing aling Mercedita’s said. Instead, pumasok na ako sa loob at doon nakita ko kung paano umiyak ‘yong kapatid ko sa takot. Nakatingala ito sa lalaking katabi ni nanay. Habang si nanay naman ay patuloy sa pagsasalita kahit alam niya na hindi ito nakikinig.

“A-Anak, pagpasensiyahan mo na si nanay, ha. Kailangan umalis ni nanay dahil kailangan magtrabaho ni nanay sa Maynila para pangtustos sa pag-aaral niyo ni ate M-Margaux mo. Pasensiya na, anak. M-Mahal na m-mahal ka ni n-nanay...” Umiiyak na sambit nito habang kinakapa ‘yong dalawang pisngi ng kapatid ko gamit ang dalawang kamay niya.

No, this can’t be. Carmila is too young to understand these kind of situation. Oh god, Carmila, baby, you don’t deserve this.

“Nay!” Tawag ko nito bago pa man makasagot si Carmila.

“Ate!” agad kong tinapunan ng tingin ang aking kapatid na ngayon ay takot na takot ang mukha at sobrang pula ng mata halatang galing siya sa pag—iyak. Ngunit wala na ‘yong luha sa mga pisngi niya dahil inalis ni nanay no’ng nag-usap sila.

“Putangina… eto na nga ba sinasabi ko.” rinig kong bulong ng lalaki.

Agad akong yumuko at ibinuka ang aking dalawang kamay para bigyan ng isang yakap ang aking kapatid.

“Oh my, Carmila. Shh... nandito na si ate. ‘Wag ka ng matakot, hmm?” Pag-aalo ko nito.

Tumango ito at saka nakangiwi akong tinignan. “A-Ate, nakakatakot po ‘yong lalaki, ate. S-Sinigawan niya po si nanay. ‘Di ba po bad po ‘yon?” inosenteng tanong nito.

Rinig kong napasinghap ‘yong lalaki sa likuran ko ngunit binalewala ko lang ito at tinignan ang anghel na nasa harapan ko. Tumango na lamang ako bilang sagot nito. May sasabihin pa sana ako ng tinawag ako ni nanay.

“Margaux,”

Mariin akong pumikit at saka tumingala para tinignan ito ng masama. Nagkatitigan lang kami ng sampung segundo at agad tinanggal ang titig sa akin. Tinignan niyo ‘yong kapatid ko at saka nagsalita ulit habang dahan-dahang humahakbang papalit sa lalaki na malapit lang din sa pintuan.

Sa labas ay kitang-kita kung gaano kadami ‘yong tao na nanonood. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit at kung saan nakuha ni nanay ‘yong kapal ng kaniyang mukha. Hindi na siya nahiya sa kapitbahay na pinagtitignan siya at pinagchi-chismisan.

Dinala pa talaga ‘yong lalaki niya sa maliit na apartment na ito. The audacity of this woman! Nakakawalang respeto. Oh jesus christ, please forgive me.

“P-Pasensiya na... s-sana mapatawad niyo si nanay...” mahinang sambit nito habang inaalis nito ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang dalawang kamay at tuluyan na nga itong umalis pagkatapos nitong paalisin ang mga luha na nasa pisngi nito.

Grabe, hindi man lang nagpaliwanag kung bakit siya umalis. Kahit sa akin man lang. Maiintindihan ko naman siya, e. Galit ako, oo. Galit na galit ako sa kanya. Sa galit na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano pang mga salita ang bagay para lang e describe ‘yong galit na meron ako.

Umalis ng walang kahit anong iniwan kundi kapatid ko. Kung sana ay sinabi niya na aalis siya, naghanap na lang ako ng trabaho ng mas maaga. Para kapag iwan niya kami ay hindi na ako mamomroblema kung saan kukuha ng pera.

Kaya pala... kaya pala ay palagi itong humihingi ng tawad minu-minuto sa akin kahit wala naman itong kasalanan sa ‘kin. Tinatanong ko ito palagi kung bakit. Pero ang sagot lamang nito palagi ay “Maiintindihan mo rin kung bakit. Sa tamang panahon.” Kaya pala. Now I understand. Alam ko na kung bakit.

Nasasaktan akong tumitig sa aking bunsong kapatid. Hindi ko alam kung kailan ako titigil sa pagsisinungaling sa kapatid ko kung nasaan talaga si nanay. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kapatid ko na mahina ako. Kaming dalawa nalang ang natira, kaya hindi ko pwedeng ipakita sa kaniya na mahina ako. Paano nalang kapag naging mahina din ako nitong mga nagdaang taon? Ano nalang nangyari sa ‘min ng kapatid ko?

Mula noong tumungtong ng sampung taon ang kapatid ko ay iniwan na kami ng nanay namin. ‘Yong tatay naman namin ay iniwan kami noong nabuntis pa lang si nanay sa bunso namin. It’s been a two years since she left. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng pera pang gastos sa pag-aaral ng kapatid ko. Minsan lang ako makakita ng trabaho na tatagal at malaki ‘yong sahod. Dahil walang nagtatagal na trabaho sa akin kasi walang magbabantay sa nakakabata kong kapatid.

‘Yong mga kamag-anak namin ay nagbibigay rin naman sila ng pera at pagkain sa ‘min. Ngunit hindi namin tinatanggap ‘yong binibigay nila sa ‘min. Hindi sa nagpaka-pride ako, ngunit ayoko lang na magka-utang sa kanila. Kahit maghirap kaming dalawa ng kapatid ko, hinding-hindi ako tatanggap ng kahit ano sa kanila.

Kilala ko ang mga kamag-anak namin.

‘Yong akala mo talaga ay ibinigay nila pero sa huli ay maniningil naman. Naalala ko pa noong sinabi ni nanay sa akin na huwag na huwag raw ako/kami magtiwala o hihingi sa kanila.

Ayaw niya kaming magtiwala sa kanila dahil noong nangutang raw si nanay, limang libo ‘yong inutang ni nanay pangtustos sa pag-aaral ko. ‘Yong usapan nila ay babayaran niya ‘yon sa susunod na suweldo niya pero iyong tiyahin ko na pinagkakautangan ni nanay ay pumunta sa bahay namin at nagwala. Kesyo raw hindi kami bumabayad sa utang. E wala pang isang buwan no’n tapos pinabarangay pa si nanay no’n pero naging maayos din naman. Simula no’n ‘di na nangutang si nanay sa kanila. Pwera nalang sa isang pinsan ko na si Jhen at sa pamilya niya.

Jhen is one of a kind and so her parents. Sobrang matulungin nila pagdating sa amin, well hindi lang naman sa amin, ngunit iba ‘yong pagtrato nila sa amin. At higit sa lahat ay sobrang landi ng anak nila na si Jhen. Nilalandi nga niya isa sa mga kaklase ko noong high school pa lang kami. Hanggang ngayon ay nilalandi pa rin niya. Eka pa niya noong nag-usap kaming dalawa na she think she’s in love with him. Ewan ko ba sa pinsan ko na iyon.

She did help us, big time. Hindi rin siya katulad namin na walang magulang. Siya, kompleto ‘yong pamilya niya. At sobrang rangya ng kaniyang buhay. Isa din siya sa mga tumutulong sa akin upang maghanap ng marangyang trabaho. Hindi naman sila mayaman. Hindi rin naman sila mahirap, sadyang nakakain lang talaga sila ng tatlong beses sa isang araw, minsan pa nga ay apat.

I was taken a back when my sister hugged me. “A-Ate, sawa na ako k-kakahintay sa kanya, ate.” she whispered pertaining our mom.

I wiped the tears from my cheeks and hold my sisters shoulder and faced her. “You should’ve sleep, Carmila. Bukas nalang ulit tayong mag-uusap. Dumidilim na ang gabi, kailangan mo ng matulog dahil maaga ka pa bukas.” sambit ko nito sa gitna ng pagka-miss niya sa aming ina.

Gusto ko mang sabihin sa kanya na hindi na babalik ang nanay naming ngunit hindi pa ako handa, lalo na’t sobrang bata pa niya para malaman ang katotohanan. Alam kong mali ang magsinungaling pero hindi ko naman sinasadya na magsinungaling sa kanya, ayoko lang siyang masaktan.

Sabi nga nila, kailangan magsinungaling para sa ikakabuti ng taong mahal natin.

Dahil kapag sasabihin ko ang totoo sa kanya, alam kong titigil ito sa pag-aaral para hindi na ako mamomroblema. Ayoko ng gano’n. Ayokong tumigil siya sa pag-aaral.

Ipinangako ko sa aking sarili noong iniwan kami ng aming ina na papatapusin ko ang siya ng kolehiyo ng walang kahit anong tulong galing sa aming magulang.

Humagulgol lang ng humagulgol ‘yong kapatid ko but she managed to nod her head. “O-Ok po, ate. Goodnight po. S-Sumunod ka po sa akin, ha?” Nauutal nitong sabi habang inaalis niya ang luha na nasa pisngi niya. Tumango lamang ako.

Pagka-alis ng pagka-alis ng aking kapatid ay doon lamang tumulo ng tuluyan ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan pababa sa aking pisngi. Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa c.r. Ayokong makita ng kapatid ko na umiiyak ako. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ‘yong ate niya.

Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko at bakit pa kailangan na maghirap ako sa ganito. Naging mabait naman ako noong nandito pa si nanay. Hindi naman ako nagpapasaway sa kaniya dahil ‘yon ang hiling niya sa ‘kin na huwag magpasaway sa kanya dahil hindi niya kayang alagaan kaming dalawa ng kapatid ko sa iisang oras. I just agreed for what she wants.

I was seventeen back then when she left us. Noong una ay hindi ko alam kung paano kukuha ng pera pero buti nalang at may tulong din itong kinuha ko na strand na ABM. Naging madali lang sa akin ang lahat dahil pagkain, pamasahe at baon lang ang pinoproblema ko, hanggang sa nakita ko sa aming bahay ‘yong may-ari ng inuupuhan namin. Isang buwan pa lang umalis si nanay noong naniningil siya sa ‘kin. I begged her just to make us stay in that small apartment. I even remember what she said that time.

“Ilang buwan na kayong hindi nagbabayad ng upa, palagi nalang nangangako ‘yang magaling niyong nanay sa akin. Kailangan sa susunod na nandito ako ay mabayaran niyo na lahat ng utang niyo sa akin kung hindi ay mapipilitan kayong umalis dito.” ramdam ko ‘yong galit niya sa tono ng pananalita nito.

After she said that, para akong binuhusan ng isang balde ng yelo. Doon ako nagsimulang umiyak ng umiyak. I was so devasted that time dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Labing—pito pa lang ako no’n. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na’t wala ka pa sa tamang edad. Halos gabi-gabi nalang akong umiiyak. There was one time, I was crying that time but my sister saw me. She asked me why did I cry, I just told her that I was so lucky to have a sister like her. A sister who’s smart and kind at the same time. We’re both crying that time and after a few minutes of crying, we were just laughing at each other because we look stupid and ugly after seeing each others eyes na namumula, halatang galing sa iyak.

Pagkatapos no’n ay hindi na ako nagpapakita sa kanya na umiiyak. Ayoko ring makita ‘yong kapatid ko na umiyak dahil lang sa nakita niya akong umiyak.

“Hey, Carms.” I softly waked her up.

“Hmm…” she hummed. Hindi man lang ito gumalaw sa kinaroroonan.

“You have to wake up. Anong oras na oh, kailangan mo pang maligo at kumain. Baka ma-late ka pa.” I carefully said.

After a few minutes ay bumangon na ito at ginawaran ako ng tingin and there, I saw again her bright smile. Para akong nakakita ng isang anghel. Well, araw—araw naman akong nakakita ng anghel dahil araw—araw ko namang kasama ang kapatid ko. Pero iba ngayon. Iba ‘yong ngiti niya ngayon.

“Magandang umaga, po, ate.” Bati nito sa akin habang kinukusot nito ang kaniyang dalawang mata gamit ang dalawa nitong kamay.

Umupo ako sa kaniyang tabi at saka pinisil ang dalawang pisngi niya. “Magandang umaga din pinakamamahal kong prinsesa.” Nakangiti kong bati nito.

“Ano ba ‘yan, ate. Pang-bata lang po ‘yang prinsesa, ate. High school na po ako, ate. Ibig sabihin ay matanda na ako kasi high school na po ako.” Sabay nguso ng kaniyang labi.

Aw, my baby grow too fast. Akalain mo ‘yon. High school na siya. Proud ako sa sarili ko ngayon dahil napag—aral ko ‘yong kapatid ko. Pero mas proud ako kapag makapag—tapos ito ng kolehiyo. ‘Yon lang naman ang nag—iisang pangarap ko. ‘Yong mapag—aral ko ‘yong kapatid ko at makapag—tapos.

I pinched her cheeks while looking at her face, showing a bright smile to her. “Bakit, baby ka pa rin naman, ah?” takang tanong ko nito.

Ngumuso ulit ito sa akin. “Ate! I’m not a baby anymost!”

Humalakhak ako sa huling sinabi niya habang siya naman ay takang naka-tingin sa akin. She looked at me, confused while pouting her lips. Itong batang ‘to. I wonder, when did I laughed liked this?

“Bakit po?” she asked.

I just smiled at her. Sana ganito nalang kami parati. ‘Yong walang iniisip na probema. ‘Yong masaya lang. Hinihiling ko na sana ay tumigil ‘yong oras, na sana ay kami lang dalawa ‘yong makagalaw dito at masaya lang.

Umiling ako. “Baby, it’s anymore not anymost, okay? And I’m just happy. Maligo ka na nga. Baka ma-late ka pa.” I said and she nodded but she immediately stopped when I called her once again.

Tinignan niya akong muli at saka ako ngumisi ng hanggang tainga. “At ang baho mo na!” saad ko nito.

“Ate!” sigaw nito at nagsimulang tumakbo papunta sa c.r.

I heaved a sighed. I wiped the tears coming from my eyes down to my cheeks Pinapalangin ko sa panginoon na sana ganito lang kami parati. Sana wala ng darating na problema pa. Hindi ko na kayang pasanin pa ‘yong ibang problema. Pero gaya nga ng sabi nila. Walang araw na wala kang problema pero nakadepende lamang ito kung malaki o maliit ‘yong problema mo.

Kung hindi lang siguro dahil sa kapatid ko ay baka wala na ako sa mundong ito. Masaya na siguro ako na namumuhay sa ibang mundo. Hindi dito na magulo. Sobrang gulo. Doon sa ibang mundo kung saan tinatawag nilang internal life.

But I’m not blaming my sister. Instead, I am so thankful dahil kapag wala siya dito, baka talaga nasa internal life na ako.

Alam ko na wala siyang kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito. Ako nalang ang meron siya at siya nalang ang meron ako. Isa pa, ayokong iwan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko kaya ‘yan kahit na palaging hinahanap si nanay. Well, hahanapin niya talaga si nanay, pa’no mama’s girl itong kapatid ko noong andito pa si nanay, siya palaging hinahanap hanggang ngayon rin naman, si nanay pa rin ang hinahanap.

Pero napa-isip ako bigla. Kung siguro wala akong kapatid tapos iniwan ako ng aking mga magulang ay baka wala na ako ngayon. I can’t stand seeing this apartment empty. Hindi ko kakayanin na walang magulang na mag-gagabay sa akin sa buhay. But because of my sister, this apartment if full of happiness and hope kahit na maraming problema ang dumating sa amin nitong nagdaang taon.

Pero, gaya nga ng sabi nila, hindi mapapantayan ng problema ‘yong kaligayahan natin. Ay, ewan, problema ba ‘yon o pera?

Right now, my one and only motivation and inspiration is my sister.

“Mag-ingat ka, ah!” sabi ko nito habang tignan siya na nakasakay sa isang tricycle kasama ‘yong best friend niya.

“Opo, ate!” sagot nito at saka nagsimulang ipaandar ni kuya Vin ‘yong tricycle niya.

Kitang-kita ko kung gaano ka saya ‘yong kapatid ko na kumakaway sa akin. Tumango lamang ako habang kumakaway pabalik.

Namiss ko tuloy mag-aral. Kung siguro, hindi kami iniwan ni mama, baka nasa ikalawang taon ko na sa kolehiyo ngayon at sabay na sana kaming pumasok ng kapatid ko ngayon.

Napapaisip lang ako. Ang susuwerte siguro ng mga mayayaman, ano? ‘Yong tipong kapag iniwan sila ng magulang nila ay may maiiwan na pera para sa pag-aaral nila. ‘Yong kaya mong bilhin kung anong gusto mo, even luxurious things. ‘Yong tipong hindi ka na mamomoblema kung magkano ang halaga ng gusto mong bilhin dahil may pera ka naman.

Sa ‘min kasing mahihirap ay kailangan pa naming mag—kayod at mag—tipid para may makain kami sa susunod na araw. Kailangan pa naming magtrabaho para may pang-bayad sa tuition fee na sobrang mahal.

Siguro kapag mayaman ka ay sobrang liit pa ng limang libo. Sa ‘min kasing mahihirap ay sobrang laking halaga na no’n. Pang isang buwan na ata naming pang-gastos ni Carmila. Lalo na’t dalawa lang kami.

Bakit kaya nila nasasabi na, ayos lang na mahirap at least masaya at kumpleto. Kaysa sa mga mayayaman pero hindi naman masaya ang buhay. Pero paano naman kaming nga iniwan ng magulang? Matatawag pa rin ba ‘yon na masaya at kumpleto gayong iniwan ka naman ng nga taong imbes na mag-gagabay sa’yo sa lahat.

“Putangina.” rinig kong malutong na mura sa aking likuran.

Gulat akong napaharap sa taong nagsalita sa likuran ko. I glared at her. She’s here again. What the fuck is she doing here?

“Umagang-umaga, Jhen.” Mariin kong sambit nito.

Nakasuot ito ng uniporme. It’s a uniform for those nursing student. It’s all white. Syempre, nursing, e.

I saw the smirked on her face. Napangiwi nalang ako dahil sa ginagawa ng babaeng ito. Unang-una ay nag—mumura ng sobrang aga. Pangalawa naman ay tinignan ako ng nakakalokong tingin.

After seeing the smirked on her face. She change it into her usual face.

Lumapit ito sa akin. “Bakit, may pinipili ba’ng oras ang pagmumura?” she fired back while showing her evil smiles.

I just rolled my eyes at saka nag—lakad pabalik sa bahay namin. Hindi ko alam kung saan galing itong babaeng ito at bigla-bigla nalang sumusulpot. Akala mo talaga ay kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot sa kung saan. At saka, malayo ‘yong sa kanila sa bahay namin. Pano’t hindi ko nakita ‘yong sasakyan nila gayong nasa labas lang naman ako?

Bakit ba andito ‘to? Alas siete na at malapit ng magsimula ‘yong klase nila. Teka...

“Ano na naman kailangan mo? Bilisan mo dahil may gagawin pa ako.” I said while opening the door.

Naglakad ako papunta sa kusina at saka iniligpit ang mga pinggan na pinagkain naming magkapatid. Inilagay ko sa lababo ‘yong pinggan at saka kinuha ‘yong sabon at hinugasan ito. Rinig ko ang mga yabag ni Jhen sa aking likuran papalapit sa akin.

“Ano... anong k-kailangan ang sinasabi mo—” I cut her off.

“Sige nga, kung wala, bakit andito ka?” While raising my brow.

Saglit itong napatigil sa palakad-lakad na ginawa niya kanina at saka lumapit sa akin. Kahit na nakatalikod ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ‘yong presensiya niya.

Naka ngiwi itong humarap sa akin. “Grabe naman ‘yan, babe. Umagang-umaga ang init ng ulo mo.” she said and let out her evil laughed.

I rolled my eyes again. “Hindi pa mainit ulo ko sa oras na ito, Jhen. Sinasabi ko sa’yo, Jhen.”

Pagkatapos kong hugasan ang pinggan ay agad ako humarap sa kanya. Gulat pa niya akong tignan pero agad namang binawi.

“Bakit ka ba andito, ha? May klase ka pa mamayang alas otso, Jhen Haruku.” mariin kong saad nito.

“Wala kaming pasok sa una at pangalawang subject. Kaya’t napapunta ako dito. Sobrang boring kaya sa school, lalo na’t dalawang oras ‘yong bakanteng oras namin.” she honestly said.

Ayon naman pala. Pero pwede pala silang makalabas ng campus, ano? Ano kaya feeling ng nag-aaral? Matagal-tagal na rin kasi noong huling pasok ko. Nakakamiss talaga mag-aral. Ipinapangako ko, kapag napagtapos ko na sa pag-aaral ang bunso ay ako naman ang mag-aaral. Wala naman kasi sa edad ‘yon. Kaya’t malaya akong makakapag-aral.

“Akala ko pa naman ay may kailangan ka.” Dismayadong saad ko habang nakayuko.

Minsan kasi kapag ganitong oras pumupunta si Jhen sa bahay, ibig sabihin no’n ay may kailangan ito. Pero hindi naman sobrang hirap ng kailangan niya. Madali lang naman. Gaya ng thesis or mga projects niya. Pero sinu—suhulan niya ako pagkatapos. Noong una ay hindi ko ‘yon tinanggap noong nagpa—gawa ito ng thesis sa akin. But she insist. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin iyon.

Ewan ko ba sa babaeng ‘yon. Matalino naman talaga ‘yon pero nagpapagawa pa ng thesis. Medyo malapit lang kaya IQ naming dalawa.

Dismayado ako ngayon, oo. Hindi dahil wala siyang pinapagawa sa akin, kundi ay gusto kong tumulong sa kanya. Sobrang stress na kasi nitong babaeng ‘to. Hindj man niya sinasabi pero alam kong stress ito dahil namamaga ang kaniyang nga mata.

Alas diez pa ‘yong trabaho ko at may isang oras nalang ako para maghanda. Tinignan ko si Jhen na ngayon ay nagtitipa sa kanyang laptop. Agad akong naglakad papunta sa kanyang likuran at saka tinignan ‘yong tinitipa niya. My forehead creased after seeing what she typed. Research pala nila.

Pagkatapos kong tignan ay saka ako naglakad papunta sa kasilyas at saka naligo.

Ilang minuto nalang ang natira para maghanda ako sa trabaho ko. Ayokong ma-late dahil alam kong papagalitan na naman ako. Kahapon, late ako kasi andaming orders na hinatid ko. Ilang minuto lang naman akong late pero pinagalitan pa rin ako.

“Naalala mo ‘yong lalaking palagi kong kinukwento sa ‘yo?” she asked out of nowhere.

Napatigil ako sa pagsuklay sa harap ng salamin at saka siya hinarap. Naglakad ako papunta sa lamesa at umupo sa harapan nito.

“You mean that walking broccoli?” Instead of answering her question, I asked.

She nodded and heaved a sighed. “Yeah...” she whispered.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay ng buhok ko at saka nagsalita ng ‘di siya tinitignan.

“Anong meron sa kanya?” Kunot—noo kong tanong.

Pagkatapos kong suklayan ang buhok ko ay agad kong tinignan ang mukha niyang mukhang dismayado.

Ano kayang meron at bakit parang dismayado ito?

“He... he rejected my invitation for this coming Saturday. I think this would be my worst birthday ever.” she whispered the last sentence pero rinig na rinig ko pa rin.

Oo nga pala’t birthday na pala niya ngayong darating na sabado. Wala pa akong regalo sa kaniya dahil wala pa akong pera. But I think she would understand that. Well, Jhen is also a understanding person. That’s why I like her so damn much. Babawi nalang siguro ako kapag may pera na ako.

“Babe, why the fuck are you chasing that walking broccoli? You’re indeed gorgeous, no, you’re so freaking hot. You look like a model of a Victoria’s Secret, no, mas maganda at sexy ka pa sa mga model ng Victoria’s Secret. But, why him? Bakit sa taong wala namang gusto sa’yo ka pa naghahabol?” I said.

Sana naman ay malaman mo kung gaano ka ganda para maghabol sa isang katulad niya. Sa isang katulad niya na hindi man lang nakikita ‘yong worth mo bilang isang babae na walang ibang ginusto kundi ang mahalin siya.

“Oh, babe. T-Thank you. Thank you for making me feel better. I will. Hinding-hindi ko na talaga siya hahabulin! Pangako ‘yan! Duh, tama ka doon sa sinabi mo na mas maganda pa ako sa model ng Victoria’s Secret. Hindi ka nagkakamali doon. Hinding hindi ko na talaga siya hahabulin! Tangina ‘yan, ilang taon na akong naghabol sa kanya. Bakit ngayon pa ako natauhan?” she said while her tears are slowly falling down to her cheeks.

Alam ko naman na kabaliktaran ‘yong sinabi niya. Hindi man niya sinasabi pero ramdam ko ‘yon. Lalo na’t unti—unti itong umiiyak.

Oh, Jhen. You deserve someone better. Someone better than that walking broccoli. That fucking Johnllyod! Hah! How dare him hurting my cousin?

“Iba talaga magagawa ng pagmamahal. Nagiging tanga talaga ‘yong tao.” I whispered.

Naalala ko tuloy ‘yong libro na binasa ko. Sabi doon, ‘Fall, seven. Stand up, eight.’ Urgh, namiss ko tuloy magbasa ng libro. ‘Yan lang ‘yong pinaghahawakan kong linya simula noong iniwan kami ni nanay. Senior high pa lang ako noon noong binasa ko ‘yong libro na ‘yon. Dalawang taon na ang nakalipas at ‘yon pa rin ang pinanghahawakan ko hanggang ngayon.

I grabbed my bag and then I looked at my wrist watch that Jhen gave to me. Binigay niya ito sa akin noong pagka-graduate ko ng senior high. Wala na si nanay no’n. Kaming dalawa nalang ng kapatid ko. Dalawang taon na pala ang lumipas simula noong binigay niya ito sa akin. Hanggang ngayon ay suot-suot ko pa rin.

“Una na ako sa’yo, Lira.” sabi ko sa isang ka trabaho ko at saka naglalakad papaalis.

Ngunit napatigil ako nang tawagin ako ni Lira. Hinarap ko ito at kitang-kita ko ang kaniyang mukha na halatang tumatakbo ito para lang lapitan ako.

“Oh, bakit?” Takang tanong ko.

She smiled and so I am. “May recommend sana ako na trabaho.” Dahan-dahan nitong sabi.

“Anong trabaho ba ‘yan? Saktong-sakto at naghahanap ako ng sideline. Hindi na kasi sapat ‘yong sweldo na meron ako dito sa pinagtatrabahuan natin, ih.” Saad ko nito.

She smiled brightly. “Tamang-tama, malaki ang sahod na ibibigay nila do’n.”

“Ano ba ang gagawin?” kuryoso kong tanong nito.

She raised her left hand and then put it to my shoulder. “Later. Seven pm. Itetext ko nalang sa’yo ‘yong address. Balik muna ako roon at tatapusin ko muna ‘yon.” she winked at me before leaving me dumfounded.

Asa’n na ba si Lira? Kanina pa ako nandito sa Bane’s Restaurant. Mag-iisang oras na akong nandito. Nag-alala ako sa kapatid ko. Wala pa naman siyang kasama sa bahay. Jusko po, bakit ang tagal ni Lira?

“Margaux!” I heard someone called my name.

I immediately search that voice who called me and there! I saw Lira. But... why is she wearing that kind of dress? She’s wearing a sexy orange cut out single sleeve glitter bodycon party mini dress. Putangina ang sexy niya! Hindi ko alam na may tinatago palang ganito katawan si Lira! I mean, she always wear a sweater sometimes a baggy shirt. Tapos pina—paresan pa niya ng pants.

“Kanina ka pa ba dito? Sorry natagalan, ang tagal kasi no’ng iba kong kasama, e.” she said while looking at me with her apologetic face.

I shook my head. “No, it’s ok. Ano bang gagawin natin? A-At... at bakit ganyan ‘yong suot mo Lira?” takang tanong ko.

Don’t tell me?

“Yes, you’re right. Sorry hindi ko agad nasabi sa’yo kanina kasi alam kong hindi ka tutuloy. Pero diba gusto mo ng pera? Pwede ka raw magsimula ngayon sabi no’ng manager namin.” Anito.

Nakangiwi ko siyang tinignan. Kaya pala palagi din siyang late. Gusto kong magalit sa kanya dahil bakit ngayon pa niya sinabi? Sana man lang sinabi niya kanina para man lang mahabilin ko si Carmila sa kina Jhen. Pero kahit sabihin pa man niya agad ay hindi pa rin naman ako tutuloy. Ayokong pumasok sa ganyan. Kahit magkanda hirap-hirap man kami, hinding-hindi ako papasok diyan.

“Bakit hindi mo sinabi agad sa akin kanina? Kung sana sinabi mo agad, baka ‘di na sana ako nagsayang ng pera pamasahe papunta dito. Alam mo naman na ayaw kong pumasok sa ganyan, Lira. Sinabi ko na ‘yan sa’yo noong nakaraang araw. Kahit magkanda—hirap ako, hinding-hindi ako papasok sa ganyan.” Matamaan kong sabi nito.

Imbes na ay magalit ay napangiwi nalang ako dahil sa kaniyang mga ngiti. Oo, nakangiti lang siyang tumingin sa akin.

“Ayos lang. Pasensya na, Margaux. Tamang-tama rin kasi at kulang kami ng isa kaya na-recommend ko sa’yo. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi na ulit kita kukulitin dahil diyan. Pero kapag gusto mo, feel free to message me.” And then she put her right hand to her pocket and after a few seconds she withdraw her hand and I saw a calling card.

Agad niya itong binigay sa akin. Tinignan ko muna ito ng ilang segundo bago tinanggap. Walang choice. Alangan naman mag-iinarte pa ako. Wala namang ginawa si Lira kundi ang tulungan ako. Ngunit ibang pamamaraan kasi ‘yong tulong na binigay niya sa akin.

Gusto niyang pumasok ako bilang stripper para lang maka-ahon kami sa paghihirap? Nahihibang na ba siya?

“Sige, Margaux. Una na ako sa’yo, ha. May trabaho pa kasi, you know.” And then she winked at me before she leave.

Napasinghap nalang ako sa kawalan. Akala ko talaga ay magkaroon na ako ng sideline na trabaho, ngunit ibang trabaho pala ‘yon.

Ang hirap talaga maging mahirap. Ay teka, ba’t na rhyme? Pero totoo, ang hirap maging mahirap. Lalo na’t wala ka namang magulang na gagabay sa lahat.

“Ate!”

Kunot noo akong tignan si Carmila na ngayon ay nasa labas ng bahay.

Ano’t bakit nandito ito sa labas? At anong oras na, ah?

“Carmila! Bakit ka andito sa labas at anong oras na, oh!” Saad ko nito sabay takbo papalapit sa kanya.

Nang makalapit na ako ay agad ko itong yinakap. Ilang minuto pa kaming nagyakapan ay saka ko na tinanggal ‘yong yakap ng makontento na ako.

“Anong ginagawa ng maganda kong kapatid dito sa labas, hmm?” I asked.

“Ate, may sasabihin po sana ako, e. Ayokong matulog ng hindi ko ito sinasabi sa ‘yo, ate.” she answered, instead.

Kunot—noo ko itong tinignan. “What is it? Tungkol saan ba ‘yan? Sabihin mo kay ate.”

“Tungkol po ‘yon sa school, ate.” she almost whispered.

“Bakit? Ano bang meron?” sunod-sunod kong tanong.

Napapikit ng mariin si Carmila at saka ako tinignang muli. Nahihiya ata ito, e.

“Sa foundation day po kasi, ate. Sa Friday na po iyon gaganapin at kailangan makapagbayad na ako hindi pa darating ‘yong foundation day dahil may bibilhin pa kami.”

“Magkano ba? Para mapag—ipunan ko—” she cut me off.

“Pero ayokong pumunta, ate. Ayokong mapagod ka sa trabaho mo dahil lang sa foundation day na ‘yon, ate. At  isa pa, nakakatamad din—” I cut her off, too.

“No, you have to go, Carmila. Sobrang memorable ng foundation day, Carmila. Lalo na’t sa inyong mga grade seven. You shouldn’t miss that day.” Dahan—dahan kong sambit.

“Pero—” I cut her off again.

“Walang pero—pero, Carms. Sabihin mo kay ate magkano at pag—iipunan ko. Lalo na’t may bagong trabaho na nakuha si ate.” Mapait akong nakangiti sa kapatid ko na ngayon ay lumiliwanag ang kaniyang mata.

Siguro wala akong choice kundi ang tanggapin ‘yong inaalok na trabaho ni Lira sa akin. Totoo nga ang sabi nila. Hindi lahat ng mga trabahante ay ginusto ‘yong trabaho. Minsan ‘yong iba ay napilitan lang dahil gusto nilang kumita para sa kinabukasan nila. ‘Yong iba ay napipilitan lang para makaahon sa kahirapan. Labag man sa loob nila ngunit wala silang magawa dahil wala silang makakain kung hindi sila magtatrabaho.

I dialed Lira’s calling card on the same day that Lira gave me that calling card.

“Hello,” sagot sa kabilang linya.

Napabuntong hinga ako nang marinig ko ‘yong boses ni Lira sa kabilang linya.

“Pwede na ba akong magsimula bukas?” Mapait kong sabi.

Desidido na talaga ako. Kahit ayaw ko mang mag—trabaho doon ay wala akong magawa kundi ang ipilit ang sarili. Total ay handa naman din ako. Para ito sa kapatid ko. Para ito sa kapatid mo, Margaux. Hindi ka lang aahon sa kahirapan, Margaux. Mabibigyan mo pa ng normal na pamumuhay ang kapatid mo. Pwede mo na siyang dalhin sa kung saan nito gusto.

But you know what I’m scared of? Mabuntis. Takot ako na mabuntis. Lalo na’t delikado itong papasukan ko. Pero para ito sa kapatid ko. Wala akong pakialam kung mabuntis man ako. Desidido na ako. Mapapa—aral ko ng mabuti ‘yong kapatid ko. Mabibigay ko na sa kanya ‘yong gusto niya. Wala naman atang mawawala kapag susubukan ko. Well, expected na 'yong v-card ko.

Related chapters

  • When We Collide   Kabanata 2

    “Buti at naisipan mong tanggapin ang alok ko, Margaux? Gayong marami namang magagandang trabaho diyan?” Nagtatakang tanong ni Lira sa akin.I just shrugged. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat gusali na aming nadadaanan. Ang ganda tignan ng city kapag gabi dahil sa mga ilaw na lumiliwanag nito. Para itong mga bituin sa sobrang ganda.City lights is my favorite view. Kapag may problema ako, palagi akong pumupunta sa rooftop ng mga gusali dito. Hindi naman sila gano’n kahigpit na magpapasok sa mga taong katulad ko na hindi nag—checheck in. Kaya isa ito sa mga paborito kong lugar. Lalo na’t ‘pag gabi.Tinapunan ko ng tingin si Lira ba ngayon ay nakatingin na rin sa mga gusali na aming nadadaanan at saka sinagot ang tanong.“I’m not obligated to answer that question.” Mariin kong saad nito. Matapos kong sagutin ang tanong ni Lira ay agad kong ibinalik

    Last Updated : 2021-10-05
  • When We Collide   Kabanata 3

    They said, one of the main purpose in our life is to be happy. Pero bakit hindi ko man lang ‘yon kailan man naramdaman? Naiingit ako sa iba na kompleto ang pamilya. Naiingit ako sa ibang kaedad ko ngayon na unti—unti ng nakakamit ang kanilang pangarap. Habang ako, nasa mababa pa rin. Kumakayod para sa kinabukasan namin ng kapatid ko. Kumakayod para may ma—kain. Pero sabi nga nila, ‘wag kang mawalan ng pag—asa dahil darating din tayo diyan. Darating din ang panahon at makamit natin ang pangarap natin. Hindi man ngayon pero darating din ‘yan. Let’s trust the process and let’s trust Him. Nandito ako ngayon sa bar, nakaupo sa may counter habang naghahanap ng magiging customer. Ika—limang araw ko na ngayon. Everything went smoothly. May kaunting ipon na rin ako. Si Carmila ay hindi na nagtanong sa akin kung saan galing ‘yong pera na pinambili ko sa mga bagong damit niya. I even buy a new cellphone

    Last Updated : 2021-10-28
  • When We Collide   Kabanata 4

    Kabanata 4 What do you want to be in the future? Ang daling sagutin pero napakahirap gawin. Ang daling sabihin na, gusto mo maging doctor, lawyer, teacher o kung ano pang gusto mo sa buhay. Pero ang hirap gawin, ang hirap abutin. Noon, akala ko ‘yong taong gusto mo ang pinakamahirap abutin pero habang tumatagal ay lalo mong nari—realize na noong bata ka pa ay hindi mo pa nahaharap ang katotohanan. Habang tumatagal, patanda ng patanda ang edad mo ay doon mo na unti-unting nakikita kung ano ang totoong kahulugan ng buhay. Doon mo na rin ma—realize kung ano talaga ang gusto mo. Kasi ‘yong iba, gusto nila maging isang ganap na guro pero habang tumatagal ay unti—unti itong napapalitan ng ibang kurso dahil ito ay unti-unti mong narealize kung ano ba talaga ang gusto mo. Pero kahit bata ka pa, pag—isipan mo ng maigi kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, hindi ‘yong hihinta

    Last Updated : 2021-11-13
  • When We Collide   Kabanata 5

    Kabanata 5 “Sorry,” mahinang sambit ko nito at tinignan lamang itong mahimbing na natutulog. Nandito na kami sa sala ng condo niya. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako at kung bakit hindi man lang ako nagpupumiglas sa kaniyang habang hawak niya ang aking braso at dinarag papunta dito.

    Last Updated : 2021-12-12
  • When We Collide   Kabanata 6

    Kabanata 6 Third Person’s POV: “Margaux?” tanong ng isang babae. Naglalakad ngayon si Margaux papunta sa mall para maghanap ng bagong damit ng kaniyang kapatid nang makita niya ang kaniyang kaklase noong grade 10. Kunot-noong humarap si Margaux nang marinig nito ang kaniyang pangalan. Ngunit agad naman itong napalitan ng isang mala-demonyong ngiti. Na-miss niya kasi ang babaeng ito. Ito ang kasama niya noong mga panahon na tumatakas ito sa klase. Well, tumatakas lang naman ito kapag hindi nila gusto ang subject teacher nila. Ngunit naghiwalay lang sila noong grade 11 dahil magkaiba ‘yong strand na kinuha ni Margaux. “Shaira!” Natatawang tawag ni Margaux sa pangalan nito. Tinignan ng babae si Margaux mula ulo hanggang paa. Napansin nito na parang tumaba ito kumpara noong high school days nila. “You didn

    Last Updated : 2022-01-28
  • When We Collide   Kabanata 7

    Kabanata 7 Sa mundo, iba’t-ibang klase ng pamumuhay ang makikita o masasaksihan mo. Merong masaya sa kung ano man ang kanilang narating sa buhay. Merong gustong tumigil sa kanilang pag-aaral, dahil lang sa hindi ito kayang tustusan ang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral. Meron ding kinikitil ang kanilang buhay, dahil hindi na nito kayang namnamin ang sakit na kanilang nararamdaman dito sa mundong ginagalawan nila. Meron ding iba’t-ibang mga klase ng tao ang makakasalamuha mo araw-araw. Hindi mo alam kung ito ba ay tunay mong kaibigan mo. O baka ginamit ka lang dahil may kailangan sila sa ‘yo. May mga tao ding talagang tumigil sa pag-aaral dahil iniwan ng kanilang mga magulang. The latter. I’m one of them. I mean, it’s not my choice na nabuhay ako dito sa mundong ito, it’s my parents choice. But they didn’t take their responsibility to us. To me and my little sister. Nakakasama lang talaga sa loob na nakayana

    Last Updated : 2022-02-26
  • When We Collide   Prologue

    WHEN WE COLLIDEDMargaux Andrea dela Paz, mapag-mahal at mabait na ate sa kaniyang kapatid. Iniwan sila sa kanilang magulang kaya kailangan tumigil ni Margaux sa pag-aaral para mag-trabaho upang may pang-tustos sa pang araw-araw na kakainin nila at sa pag-aaral ng kaniyang kapatid. Hanggang sa hindi na sapat ang kaniyang suweldo at kailangan niyang humanap ng trabaho na malaki ang sahod. Isa sa mga ka-trabaho niya ay nag-suggest na mag-trabaho bilang stripper. Noong una ay nag-alinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag din. Naging maganda naman ang unang linggo niya hanggang sa isang gabi ay may bigla nalang lumapit sa kaniya na lalaki. Hindi niya alam na 'yon pala ang gugulo sa kaniyang buhay. Araw-araw silang nagkikita sa bar. Hanggang sa nagkakamabutihan ang dalawa at hindi nagtagal ay naging sila na nga. Isang araw, nagulat nalang si Margaux nang mabalitaan na may nakatakda na palang magiging asawa ang kaniyang nobyo. At sa araw din na iyon ay nalaman niya b

    Last Updated : 2021-09-08

Latest chapter

  • When We Collide   Kabanata 7

    Kabanata 7 Sa mundo, iba’t-ibang klase ng pamumuhay ang makikita o masasaksihan mo. Merong masaya sa kung ano man ang kanilang narating sa buhay. Merong gustong tumigil sa kanilang pag-aaral, dahil lang sa hindi ito kayang tustusan ang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral. Meron ding kinikitil ang kanilang buhay, dahil hindi na nito kayang namnamin ang sakit na kanilang nararamdaman dito sa mundong ginagalawan nila. Meron ding iba’t-ibang mga klase ng tao ang makakasalamuha mo araw-araw. Hindi mo alam kung ito ba ay tunay mong kaibigan mo. O baka ginamit ka lang dahil may kailangan sila sa ‘yo. May mga tao ding talagang tumigil sa pag-aaral dahil iniwan ng kanilang mga magulang. The latter. I’m one of them. I mean, it’s not my choice na nabuhay ako dito sa mundong ito, it’s my parents choice. But they didn’t take their responsibility to us. To me and my little sister. Nakakasama lang talaga sa loob na nakayana

  • When We Collide   Kabanata 6

    Kabanata 6 Third Person’s POV: “Margaux?” tanong ng isang babae. Naglalakad ngayon si Margaux papunta sa mall para maghanap ng bagong damit ng kaniyang kapatid nang makita niya ang kaniyang kaklase noong grade 10. Kunot-noong humarap si Margaux nang marinig nito ang kaniyang pangalan. Ngunit agad naman itong napalitan ng isang mala-demonyong ngiti. Na-miss niya kasi ang babaeng ito. Ito ang kasama niya noong mga panahon na tumatakas ito sa klase. Well, tumatakas lang naman ito kapag hindi nila gusto ang subject teacher nila. Ngunit naghiwalay lang sila noong grade 11 dahil magkaiba ‘yong strand na kinuha ni Margaux. “Shaira!” Natatawang tawag ni Margaux sa pangalan nito. Tinignan ng babae si Margaux mula ulo hanggang paa. Napansin nito na parang tumaba ito kumpara noong high school days nila. “You didn

  • When We Collide   Kabanata 5

    Kabanata 5 “Sorry,” mahinang sambit ko nito at tinignan lamang itong mahimbing na natutulog. Nandito na kami sa sala ng condo niya. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako at kung bakit hindi man lang ako nagpupumiglas sa kaniyang habang hawak niya ang aking braso at dinarag papunta dito.

  • When We Collide   Kabanata 4

    Kabanata 4 What do you want to be in the future? Ang daling sagutin pero napakahirap gawin. Ang daling sabihin na, gusto mo maging doctor, lawyer, teacher o kung ano pang gusto mo sa buhay. Pero ang hirap gawin, ang hirap abutin. Noon, akala ko ‘yong taong gusto mo ang pinakamahirap abutin pero habang tumatagal ay lalo mong nari—realize na noong bata ka pa ay hindi mo pa nahaharap ang katotohanan. Habang tumatagal, patanda ng patanda ang edad mo ay doon mo na unti-unting nakikita kung ano ang totoong kahulugan ng buhay. Doon mo na rin ma—realize kung ano talaga ang gusto mo. Kasi ‘yong iba, gusto nila maging isang ganap na guro pero habang tumatagal ay unti—unti itong napapalitan ng ibang kurso dahil ito ay unti-unti mong narealize kung ano ba talaga ang gusto mo. Pero kahit bata ka pa, pag—isipan mo ng maigi kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, hindi ‘yong hihinta

  • When We Collide   Kabanata 3

    They said, one of the main purpose in our life is to be happy. Pero bakit hindi ko man lang ‘yon kailan man naramdaman? Naiingit ako sa iba na kompleto ang pamilya. Naiingit ako sa ibang kaedad ko ngayon na unti—unti ng nakakamit ang kanilang pangarap. Habang ako, nasa mababa pa rin. Kumakayod para sa kinabukasan namin ng kapatid ko. Kumakayod para may ma—kain. Pero sabi nga nila, ‘wag kang mawalan ng pag—asa dahil darating din tayo diyan. Darating din ang panahon at makamit natin ang pangarap natin. Hindi man ngayon pero darating din ‘yan. Let’s trust the process and let’s trust Him. Nandito ako ngayon sa bar, nakaupo sa may counter habang naghahanap ng magiging customer. Ika—limang araw ko na ngayon. Everything went smoothly. May kaunting ipon na rin ako. Si Carmila ay hindi na nagtanong sa akin kung saan galing ‘yong pera na pinambili ko sa mga bagong damit niya. I even buy a new cellphone

  • When We Collide   Kabanata 2

    “Buti at naisipan mong tanggapin ang alok ko, Margaux? Gayong marami namang magagandang trabaho diyan?” Nagtatakang tanong ni Lira sa akin.I just shrugged. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat gusali na aming nadadaanan. Ang ganda tignan ng city kapag gabi dahil sa mga ilaw na lumiliwanag nito. Para itong mga bituin sa sobrang ganda.City lights is my favorite view. Kapag may problema ako, palagi akong pumupunta sa rooftop ng mga gusali dito. Hindi naman sila gano’n kahigpit na magpapasok sa mga taong katulad ko na hindi nag—checheck in. Kaya isa ito sa mga paborito kong lugar. Lalo na’t ‘pag gabi.Tinapunan ko ng tingin si Lira ba ngayon ay nakatingin na rin sa mga gusali na aming nadadaanan at saka sinagot ang tanong.“I’m not obligated to answer that question.” Mariin kong saad nito. Matapos kong sagutin ang tanong ni Lira ay agad kong ibinalik

  • When We Collide   Kabanata 1

    “Ate,” rinig kong tawag sa aking bunsong kapatid na ngayon ay malungkot na nakatingin sa mga mata ko.Nakaka—miss ‘yong dating ngiti ng kapatid ko. Ang tagal na rin noong huli ko siyang nakitang nakangiti ng hindi pinipilit.

  • When We Collide   Prologue

    WHEN WE COLLIDEDMargaux Andrea dela Paz, mapag-mahal at mabait na ate sa kaniyang kapatid. Iniwan sila sa kanilang magulang kaya kailangan tumigil ni Margaux sa pag-aaral para mag-trabaho upang may pang-tustos sa pang araw-araw na kakainin nila at sa pag-aaral ng kaniyang kapatid. Hanggang sa hindi na sapat ang kaniyang suweldo at kailangan niyang humanap ng trabaho na malaki ang sahod. Isa sa mga ka-trabaho niya ay nag-suggest na mag-trabaho bilang stripper. Noong una ay nag-alinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag din. Naging maganda naman ang unang linggo niya hanggang sa isang gabi ay may bigla nalang lumapit sa kaniya na lalaki. Hindi niya alam na 'yon pala ang gugulo sa kaniyang buhay. Araw-araw silang nagkikita sa bar. Hanggang sa nagkakamabutihan ang dalawa at hindi nagtagal ay naging sila na nga. Isang araw, nagulat nalang si Margaux nang mabalitaan na may nakatakda na palang magiging asawa ang kaniyang nobyo. At sa araw din na iyon ay nalaman niya b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status