Share

Chapter 2 (El Katanchel)

Author: FrostySnow
last update Huling Na-update: 2023-03-08 14:07:16

Chapter 2

Ang sabi ni Mama may na-hired na siyang mapagkakatiwalaang taong magda-drive sa akin papunta sa Hacienda. She sent me his contact number and his name. According to her, he's a trusted friend of hers. By seven o'clock ko balak magbiyahe kaya natulog muna ako.

Pagka-contact sa akin ng driver, nag-checkout ako agad. Makalipas ang sampung minutos na paghihintay rito sa tapat ng hotel, tumigil ang isang ford ranger at bumaba ang sakay nitong matandang nakasuot ng pang-cowboy. Seems like he's in his fifties or sixties. Ako lang naman ang tao rito kaya obvious namang ako ang pakay niya.

"Astrid Fiore?" he asked while smiling lively.

Nag-aalangan pa ako kung kukumpirmahin kong ako iyon o hindi. Estranghera ako sa lugar na ito kaya hindi ko mapigilang kabahan sa mga taong makasasalamuha, katulad na lang niya.

Nakahinga ako nang maluwag nang may bumabang babae mula sa sasakyan na sa tingin ko'y kaedad lang niya. She's wearing a Hawaiian dress. Bagaman may edad na pero lumilitaw pa rin ang ganda nito. Napansin agad ito ng matandang lalaki at ura-uradang binalingan.

"Asawa ko, ang sabi ko naman ay sa loob ka lang," nagulat man ay mahinahon pa rin nitong sita rito.

"Si Astrid na ba iyan?" tanong niya, hindi pinansin ang pinupunto ng asawa. Linapitan niya ako at nginitian. "Ikaw nga! Walang duda! Kamukha mo ang Mama mong si Aviona!" nasisiyahan niyang sinabi na kung hindi lang ako nag-anyong question mark dito sa gilid, baka niyakap na ako at hinawak-hawakan katulad ng magkaibigang muling nagkita pagkatapos ng maraming taon.

Nangingimi akong ngumiti at tumango. "Opo. Ako nga po si Astrid Fiore," pagkumpirma ko. Mukha naman siyang mabait at alam niya ang pangalan ni Mama.

"Sinasabi ko na nga ba!" tuwang-tuwa niyang usal. "See, honey? I don't need pictures to recognize your best friend's daughter!" anito sa asawa sa nagpapasikat na himig. "Noong sinabi mo pa lang na kamukha niya si Aviona, alam ko na." Muli niya akong binalingan. "I'm Lineth and he's my husband, Simon Montique," tukoy nito sa asawa. "She's your mother's best friend."

Tumango-tango ako while smiling. "I'm Astrid Fiore Gellar de Silvar... Nice meeting you po." Inilahad ko ang palad ko na malugod naman niyang tinanggap.

I was about to put the back of her hand on my forehead but she preceded me by repeatedly shaking my hand. Dad explained to us that what I'm supposed to do is called "mano" to show respect to elders. One of the popular traditional Filipino values. Natawa na lang ako sa isip sa naudlot na balak.

"Napakagandang dalaginding at magalang pa!"

I blushed unknowingly. Hindi naman masyado. Sadyang pinalaki lang kaming maayos ng mga magulang namin. Ipinaranas at ipinakilala nila ang mga kagawian, kaugalian at tradisyon sa kani-kanilang mga bansang kinalakihan.

"Thank you po, Tita... Kayo raw po ang makakasama ko sa biyahe papunta sa hacienda?"

"Yes, hija... And, oh! Sumakay ka na sa sasakyan. Hayaan mo na ang Tito Simon mo sa mga dala mo. Siya na ang bahala riyan." Hindi na niya binitiwan ang kamay ko bagkus ay hinila pa papasok sa backseat ng sasakyan.

Nakangiti lang si Tito nang lingunin ko, tila naaaliw sa asawa. Dinala niya ang mga bagahe ko, iniayos sa likod ng sasakyan at pagkatapos ay lumarga na sa driver's seat.

"Magkaklase ang asawa ko at Mama mo noon sa Harvard University. Doon sila nagtapos ng pagiging scientist" kuwento ng ginang nang paandarin na ni Tito ang sasakyan.

"Talaga po?" Namangha ako sa roon.

"Yes, hija. Matagal lang kaming hindi nagkita noong ma-assigned siya sa UK," sabat naman ni Tito na tiningnan pa kami sa rear mirror. "Kaya pala hindi na umuwi, nakapag-asawa na pala siya roon." Sinundan niya ang sinabi nang marahang tawa. "I am very happy for her..."

Nakahihiyang wala man lang akong masabi o maikuwento sa kanila. Never nabanggit ni Mama ang tungkol sa kahit sino sa kanila.

"Pasensiya na po kayo, but Mama quite a reserve person sometimes."

"One of her annoying yet amazing qualities, hija," balik naman ng matanda sa tonong kilalang-kilala na niya ang Mama.

"Mabuti po narito po kayo ngayon sa Pilipinas?" segway ko, umaasang mapupunta ang usapan sa lugar na ito. "Maybe you are one of the habitue tourists of this island..."

"You're wrong, hija. This is our first time here," si Tita na ngayon lang muling nagsalita.

Gustong manlaki ng mga mata ko sa sinabi niya pero mabilis kong kinastigo ang sarili.

"Today is our sixth day here. We're going home tomorrow," dagdag pa niya hindi nagtagal.

I shifted right and left to my seat. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin o susunod na sasabihin. Sa ikling panahong narito sila, did Mama believe that they knew every corner of the island already? Posibleng oo. Puwede naman iyon. I answered my own question to at least reduce my hesitation.

"Kabisado n'yo na po ba ang lugar, Tito," wala sa loob kong naitanong.

"Don't worry, I familiarized my sight to this place, hija. Maihahatid kita nang maayos sa destinasyon mo," tugon naman niya na tila nagkaroon ng ideya sa ikinilos ko kanina at nakumpirma pa lalo dahil sa tanong ko.

"Magaling iyan sa pasikot-sikot, hija. Hayaan mo siya. Talent niya iyan kahit unang beses pa lang niya sa isang lugar."

Kahit papaano'y naduyan ang puso at ulirat ko sa nahimay kong katiyakan sa magkasunod na pahayag ng mag-asawa.

"Thank you po sa inyo... Kahit busy kayo sa pamamasyal, nagkaroon pa rin kayo ng time para pagbigyan ang pabor ni Mama..."

Ngumiti ang ginang at ganoon din si Tito sa rear mirror. "Wala ito, hija. Mabuti na lang dahil nagkukumustahan na kami ng Mama mo simula noong mag-aral ka sa US. I always invite her and Rafael to go on vacation with me and my wife but she is always busy. The last time I invited her was two weeks before our vacation here. Nagulat pa siya nang sinabi kong dito sa Pilipinas. Mas nagulat na naman nang sabihin kong sa hidden paradise na tinatawag nilang "Bella Esperanza" mismo kami magbabakasyon. And then there, she off to go and told me about your visiting here."

"That's a beautiful coincidence, Tito."

"Yes, absolutely. Sayang nga lang dahil last day na namin bukas dito. Sana'y inagahan mo ang pagpunta rito, hija. We could have accompanied you on a tour of the whole island." Nasa tono nito ang panghihinayang.

Nasa ilalim ng utak ko ang pagsang-ayon sa sinabi nito. Nahahati lang ang saloobin ko dahil hindi ko pa sila lubusang kilala pero ramdam ko namang mabubuti silang mga tao. If only Mama had introduced them to me ahead, I would have enjoyed their company more, no doubt be blown away in the air.

As hours consumed us, I had learned to admire this couple. Yes, they are old, but I can see their unwavering love for each other, just like a fine wine fermented for years, the taste will improve as it ages. Naalala ko tuloy ang bonding ng mga magulang ko. Ganito rin sila noon...

The view from the private link way to the main heart of the hacienda was simply breathtaking. Habang binabaybay namin ang daan ay masisilayan mo ang kumikislap sa asul na karagatan sa ibaba. Nalalatagan ng tila pantay-pantay na grass carpet ang ibabaw ng mga burol, napakalinis at maaliwalas ang dating nito. Sumasalubong sa iyo ang mayayabong na mga punong-kahoy sa pare-parehong agwat ng mga ito.

Castle Combe is indeed a utopia for me but this place won't resist and will fight for its rights. The place is roaring its own wealth and beauty in a very peaceful and humble manner. If this is Bella Esperanza, then I'm confiding in my defeat. Isinisigaw nito ang katangian niyang hindi kayang itatwa o i-deny ng nino man.

There are landscapes everywhere, on the way to the relic mansion on top of the hill, planted with bushes and flowering plants like roses, daisies and more. Nakatutuwang pagmasdan kung papaano sila magpaligsan sa kani-kanilang kulay at ganda.

Napabuntong-hinga ako at napangiti. "This is the place next to heaven," I murmured to myself softly.

Nagpatuloy ang biyahe na ang atensiyon ko'y nasa magandang tanawin sa labas. Paminsan-minsan ay iniimik at kinukuwentuhan ako ng mag-asawa.

"Narito na tayo, hija," malakas na anunsiyo ni Tito. Bumaba siya at umikot papunta sa likod ng sasakyan para ibaba ang mga bagahe ko.

Mula rito sa kanatatayuan ko ay kitang-kita ko ang napakalaking antique na mansion sa loob ng hacienda. I'm sure this isn't the main entrance going inside of the hacienda. We stopped at a simple black gate, one of the entrances into the hacienda perhaps.

"Ito lang naman ang alam kong hacienda rito, hija. Ang sabi ng mama mo ay ihatid kita sa pinakakilalang hacienda rito sa isla. Hindi niya nabanggit kung ano'ng pangalan ng hacienda. Hindi rin daw niya alam dahil nga sa sitwasyon ng Papa mo, wala siyang mapagtanungan." Tumigil siya sa pagbababa ng mga gamit ko at nakangiting tumanaw sa napakaluwang na hacienda sa loob. "Walang dudang ito ang tinutukoy ni Aviona. Galing kami riyan nang ika-tatlong araw namin rito."

Ngumiti naman si Tita Lineth na tila sumasang-ayon sa sinabi ng asawa. "It's true, hija. We rode a horse and stroll the wide and green pasture going to their ranch. There are exclusively spots for tourists to roam inside. The workers and staffs there are kind and friendly too. Wala akong masabi sa pagiging hospitable nila kaya tiwala akong ito na nga ang destinasyon mo. That is the Hacienda El Katanchel..."

"Kung hindi lang kami sabik for the island more to offer, maybe we had stayed for another two days here." Buong pagmamahal niyang kinindatan ang asawa bago ako muling tiningnan. "Ang Tita mo'y mahilig mag-discover ng mga nakabibighaning lugar. Talagang sinusulit niya ang bakasyong ito nang walang sinasayang na pagkakataon at oras. We ride and go one place into another place."

"You're exposing me too much, honey!" si Tita na sinundan nang mahinhing hagikgik ang pagpuna sa asawa.

"Salamat po sa inyo, Tito at Tita," taos sa puso kong pasasalamat. "I would love to treat you both something if only we have time."

"No need, hija. You're welcome. We wish you to enjoy this paradise. Hacienda El Katanchel is only the margin of the whole island. Marami ka pang mapupuntahan at makikita outside. You have my number, call us anytime..." Tinapik-tapik ako ni Tito sa balikat.

Sa ilang oras ko lang na pagkakakilala sa kanila ay gumaan agad ang loob ko sa kanila.

"Anyway, dito ka namin ibinaba, hija, para makapasok ka agad without following a long line at the main gate. Hindi alam ng iba na bukas ang ibang mga gates." Tita grinned cleverly. "Marami kasing nagpupunta talagang tourists dito. Limited pa nga ang pinapapasok kung minsan."

Tumango-tango lang ako. Marami pa silang mga sinabi at bilin bago ako tuluyang pumasok ng gate. Nang makalayo kaunti ay muli akong humarap para kumaway sa kanila. Sakto namang papasok na ang mag-asawa sa loob ng sasakyan at nang makita ako'y kinawayan din ako pabalik. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko mula sa ere nang umaandar na ang sasakyan paalis.

Humarap muli ako at nagpatuloy sa paghakbang. Wide grass ground is what I am treading now. The smell of grass wafted around my nose is kinda replenishing that made my lungs work jovially. There are still traces of weeds cut on the ground.

The mansion was made of white stucco walls, red clay roof tiles, and use of heavy, rustic wood accents mixed with accented Filipino architecture styles. Hacienda-style homes have been extremely popular across the southwestern United States-as well as California and Florida-for decades. Kaya namamangha ako ngayon dahil world-class style iyon pero na-adapt pala ng ibang mga infrastructures dito sa Pilipinas. Isang patunay lang iyon na hindi nagpapahuli ang Pilipinas when it comes to arts, they can even enhance it better.

Masyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang malaki at nagngangalit na toro ang ngayon ay mabilis na tumatakbo patungo sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa tila nagbabagang usok na lumalabas sa mga butas ng ilong at mga mata nito. Kasunod nito ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo na tila hinahabol ang toro. Hindi ko siya maaaninag dahil medyo malayo pa siya. Isa lang ang natitiyak ko, hubad ang pang-itaas na bahagi nitong katawan.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng maleta ko. Dadaliin ako ng torong iyon bago pa makalapit ang taong iyon, kung sino man siya. Hinanda ko ang katawan, pinatigas ito at ikinalma. Wearing my fitted high-waist skinny jeans, black fitted crew neck t-shirt tucked in my jeans and sneakers, I'll try my best to get away from this beast. Or maybe to get even, at least. My hair is in a half ponytail, walang sagabal na mga hibla ng buhok sa harapan ng mukha ko.

Mabilis kong hinubad ang leather jacket kong suot, hinugot ang folding knife sa bulsa nito at inihagis sa malayo. Isinuksok ko ang knife sa likod ng bulsa ng pantalon ko bago buong puwersang binuhat ang isang maleta ko.

Nang tuluyang makalapit ang toro ay ubod-lakas ko itong inihampas sa mukha niya. Saglit itong nahilo ngunit muli ring nakabawi ng lakas. Gamit ang natitira ko pang lakas, inihampas kong muli ang maleta ko sa kaniya. Tumilapon ang maleta ko sa malayo. Napilitan akong kumuha ng buwelo, lumundag nang mataas at malakas na ipinadapo ang flying kick ala-Fiore sa gilid ng ulo niya. Hindi pa ako nakuntento, nilundagan ko ang ibabaw ng ulo niya at nag-thumbing papunta sa likuran nito. Kapag hindi pa siya napuruhan sa ginawa ko, katapusan ko na talaga!

Pagkalapat ng mga sapatos ko sa lupa ay hinihingal akong napatitig sa kaniya. I noticed that his legs seemed to be swivelling but still standing firmly on the ground. Nahilo lang siguro ito pero taglay pa rin ang lakas. I'm dead! Marahas kong hinugot ang kutsilyo sa likuran ko, ang kahuli-hulihang alas ng buhay ko, at inilabas ang talim. I was about to stab him when I heard a precedes running horse's footsteps coming towards me.

"Hey! Hang on! Don't kill her, please! She's pregnant." The man's baritone and deep voice stopped me.

I turned violently, not caring for anyone or anything but myself, my life, that if I hadn't just been thoroughly trained then in my role as a wonder woman I would be dead by now! That idiot doesn't know what he's saying!

Sa kabila ng nanghihina at nanginginig kong katawan ay hindi ko lubos akalaing nagkaroon pa ng time ang mga mata kong manyakin saglit ang malapad at masel-maselan nitong dibdib. What a big disgrace of you, eyes! Or me?

Ang nag-uumapaw kong takot kanina ay napalitan ng init. Kung kailan ako nagtanggal ng jacket, saka pa ako nainitan nang ganito! He's damn gorgeous with his faded jeans na hapit na hapit sa mga binti at mga hita nito!

This is not the first time I saw a man half-naked but this human is way savage than them!

And when my eyes crawled on his face it was as if I was about to stumble on the grass. Am I just looking at hot, sexy and heartthrob Chris Evans? He's slightly familiar to me. Seems like I've seen him before...

Nagising na lang ako nang tila may kumalabog sa kung saan man. Paglingon ko ay nakabulagta na ang matapang na toro sa damuhan.

Crisp and loud waves of laughter echoes all over the lawn. I no longer wonder who that came from. Muli kong binalingan ng tingin ang lalaki sa likuran ko sa naniningkit na mga mata. Dapat mainis ako pero tila musika ang halakhak nito sa panrinig ko!

"I don't know to whom I will ask this question, "Are you okay?" To you or the pregnant bull?" nagpipigil sa tawa niyang sinabi.

Bahagyan siyang tumingala sa kalangitan habang tawang-tawa pa rin. Isinasabay nito ang bawat tawa sa pagtapik-tapik sa batok ng stallion nitong kabayo.

"This is the first time I've seen a bull used as a punching bag," he added with mixed amusement and exhilaration.

Kung ako lang iyong kabayo, sinipa ko na siya hanggang sa ika-pitong bundok! Kung puwede lang makipagpalit ng kaluluwa sa kabayo para magawa 'yon, gagawin ko talaga gaano man siya kaguwapo! Letcheng 'to!

Muntik na akong ma-murder ng bull pero nagawa pa akong pagtawanan!

I can sue him for what happened. The bull is not a pet to let her roam in the hacienda!

Tinakasan ako ng lakas sa ginawa kong pakikipaglaban sa torong iyon kaya hinayaan at pinagsawa ko na lang muna ang sariling pagmasdan siya habang bumabawi ng panibagong lakas.

I don't feel relaxed. My panting chest coincides with the rapid beating of my heart as it communicates to the sight of the person in front of me.

"I don't find it funny, Mister," inis kong sinabi sa pinaghalong inis at pagkadismaya. "I almost died!" idinagdag ko sa tinging matiim at nagtatagis na mga bagang.

Dahan-dahan naman ang ginawang pagtigil nito sa katatawa. Bakat na bakat ang Adam's apple nito sa ginawang paglunok. Napahugot ako nang malalim na hinga nang humakbang siya palapit sa kanatatayuan ko.

"Now you're honestly familiar with a closer look," he said as he looked at me with narrowing eyes.

"I am Selena Gomez," I joked in a serious attitude.

Kaugnay na kabanata

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Prologue

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Plagiarism is a CRIME!❗WARNING: Contained matured contents.My imaginary characters:*Astrid Fiore Gellar de Silvar- Selena Gomez *Zephyr Kalen Sorkin Alviajano- Chris Evans ——————————————————————————————————————————————————————————————————PrologueMasyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang mal

    Huling Na-update : 2023-03-08
  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 1 (Arrival)

    Chapter 1"Naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo, hija? Nariyan na ang driver na maghahatid sa iyo sa airport," ani Mama na naglalakad palapit sa akin.Hindi miminsang ninais kong magtanong at magalit sa kaniya sa nangyayaring ito. Bakit niya ako ipadadala sa lupalop ng mundong simula pagkasilang at magkaisip ako'y hindi ko pa naririnig?The place they called Bella Esperanza. That was too mysterious if someone will put it as their address on a resume or anything that needed it. Wala pa ang barangay, purok at kung saang probinsiya ito. Tila ito pangalan ng napakagandang babae. At mas nakalulula ang katotohanang ngayon ko lang ito na batid na nag-e-exist pala sa bansa. Oh, well, sa laki ba naman ng mundo!Two months after my crucial operation in Washington ay lumipad kami ng Los Angeles upang doon manirahan habang ako ay nagpapagaling. Makalipas ang isang buwan ay lumipad na kami pauwi rito sa Pilipinas. Bagay na ipinagtataka naming magkapatid. Kung uuwi man kami rito ay para makapamasya

    Huling Na-update : 2023-03-08

Pinakabagong kabanata

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 2 (El Katanchel)

    Chapter 2Ang sabi ni Mama may na-hired na siyang mapagkakatiwalaang taong magda-drive sa akin papunta sa Hacienda. She sent me his contact number and his name. According to her, he's a trusted friend of hers. By seven o'clock ko balak magbiyahe kaya natulog muna ako.Pagka-contact sa akin ng driver, nag-checkout ako agad. Makalipas ang sampung minutos na paghihintay rito sa tapat ng hotel, tumigil ang isang ford ranger at bumaba ang sakay nitong matandang nakasuot ng pang-cowboy. Seems like he's in his fifties or sixties. Ako lang naman ang tao rito kaya obvious namang ako ang pakay niya."Astrid Fiore?" he asked while smiling lively.Nag-aalangan pa ako kung kukumpirmahin kong ako iyon o hindi. Estranghera ako sa lugar na ito kaya hindi ko mapigilang kabahan sa mga taong makasasalamuha, katulad na lang niya.Nakahinga ako nang maluwag nang may bumabang babae mula sa sasakyan na sa tingin ko'y kaedad lang niya. She's wearing a Hawaiian dress. Bagaman may edad na pero lumilitaw pa rin

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 1 (Arrival)

    Chapter 1"Naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo, hija? Nariyan na ang driver na maghahatid sa iyo sa airport," ani Mama na naglalakad palapit sa akin.Hindi miminsang ninais kong magtanong at magalit sa kaniya sa nangyayaring ito. Bakit niya ako ipadadala sa lupalop ng mundong simula pagkasilang at magkaisip ako'y hindi ko pa naririnig?The place they called Bella Esperanza. That was too mysterious if someone will put it as their address on a resume or anything that needed it. Wala pa ang barangay, purok at kung saang probinsiya ito. Tila ito pangalan ng napakagandang babae. At mas nakalulula ang katotohanang ngayon ko lang ito na batid na nag-e-exist pala sa bansa. Oh, well, sa laki ba naman ng mundo!Two months after my crucial operation in Washington ay lumipad kami ng Los Angeles upang doon manirahan habang ako ay nagpapagaling. Makalipas ang isang buwan ay lumipad na kami pauwi rito sa Pilipinas. Bagay na ipinagtataka naming magkapatid. Kung uuwi man kami rito ay para makapamasya

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Prologue

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Plagiarism is a CRIME!❗WARNING: Contained matured contents.My imaginary characters:*Astrid Fiore Gellar de Silvar- Selena Gomez *Zephyr Kalen Sorkin Alviajano- Chris Evans ——————————————————————————————————————————————————————————————————PrologueMasyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang mal

DMCA.com Protection Status