Share

Chapter 1 (Arrival)

Author: FrostySnow
last update Last Updated: 2023-03-08 14:06:37

Chapter 1

"Naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo, hija? Nariyan na ang driver na maghahatid sa iyo sa airport," ani Mama na naglalakad palapit sa akin.

Hindi miminsang ninais kong magtanong at magalit sa kaniya sa nangyayaring ito. Bakit niya ako ipadadala sa lupalop ng mundong simula pagkasilang at magkaisip ako'y hindi ko pa naririnig?

The place they called Bella Esperanza. That was too mysterious if someone will put it as their address on a resume or anything that needed it. Wala pa ang barangay, purok at kung saang probinsiya ito. Tila ito pangalan ng napakagandang babae. At mas nakalulula ang katotohanang ngayon ko lang ito na batid na nag-e-exist pala sa bansa. Oh, well, sa laki ba naman ng mundo!

Two months after my crucial operation in Washington ay lumipad kami ng Los Angeles upang doon manirahan habang ako ay nagpapagaling. Makalipas ang isang buwan ay lumipad na kami pauwi rito sa Pilipinas. Bagay na ipinagtataka naming magkapatid. Kung uuwi man kami rito ay para makapamasyal kami at hindi ang manirahan.

Lumaki kaming dalawang magkapatid at tumira sa isang kilalang village sa Castle Combe, Wiltshire, England. Doon kami nag-aral ng preschool hanggang high School. Ipinadala lang ako sa United States nang tumuntong sa kolehiyo. All in all, nagkaisip at namulat kami sa bansang the United Kingdom.

"Mama..." Nagtatanong ang tinig ko.

Tiningnan niya ako upang muli rin namang mag-iwas ng tingin. Guilt is screaming down her face, kahit saglit ko lang iyong napagmasdan.

"I am really sorry, hija, for what is happening." Hirap na hirap ang ginawa niyang paglunok na tila may malaking bagay na nakabara sa lalamunan nito. "Lagi mo akong tinatanong tungkol sa pamilya ng Papa mo, natatandaan mo pa ba? You were so young those times na kahit gusto kong magkuwento'y hindi mo rin maiintindihan," malumanay niyang patuloy sa banayad na tinig.

Bumungtong-hininga ako at isinandag ang likod dito sa headboard ng kama. Iyon ang mga katanungang kusang naibaon sa hindi ko na matukoy na parte ng pagkatao ko dahil hindi rin naman nasasagot. Ni hindi makatingin ang Mama diretso sa aking mga mata tuwing pinagkukuwento ko siya tungkol sa pamilya ng Papa.

Naibaon sa kaisipan naming hindi na namin iyon malalaman pa. Sapat na ang paninirahan namin nang matagal na panahon sa England para masabi kong may nangyari mali sa nakaraan. Para kaming malaya na hindi sa ibang banda.

Ang Mama ay Latina, American Spanish, na napadpad lang sa UK. Ang dahilan ay nandoon ang trabaho niya. Isa siyang in demand scientist noong araw. Doon na rin sila nagkakilala ni Papa na kasalukuyang Manager sa isang hotel naman doon noon. Nang maging sila, tinuruan siya nang tinuruan ni Papang magsalita ng Tagalog. Ngayon, dalubhasa na siya sa bahaging iyon.

"This is the right time para malaman mo ang totoo, anak, Astrid Fiore..."

Mabilis ang paglipad ng tingin ko sa kaniya at hindi na ito naalis pa sa pagkakatuon sa kaniyang mukha.

"Mama," untag ko sa kaniya nang matulala siya sa sahig.

"Sa Bella Esperanza lumaki at nagkaisip ang iyong ama," simula niya na tila nagkukuwento, sa naiiyak na paraan habang nakatitig pa rin sa makintab na tiles na flooring sa ibaba. "Ang Lolo, mga Tita, mga Tito at mga pinsan mo ay hinihintay ka na roon..."

Kumunot ako ng noo. Bakit biglang ganito ang lumalabas sa kaniyang bibig? Wala siyang nabanggit sa nakaraang mga linggo tungkol sa plano niyang ito.

"Mama, kung gusto ko mang magpunta sa lugar na iyon ay sinabi ko na noon pang magkaisip ako," mariin kong sinabi. "Why now? Bakit hindi noong gusto at nananabik kami ni Diore na umuwi rito para makilala sila?" Marahas ang ginawa kong paghinga, nagtitimping huwag magtaas ng tinig.

Call me walang-utang-na-loob or what pero I had made up my mind a few years ago. Gusto kong sa England tumira after college hanggang sa pagtanda ko, namin... Iyon ang bansang kinamulatan namin. The village between rolling mountains and rivers. Ang walang katapusang paraiso sa maberdeng lupaing iyon.

"Hija, hindi mo naiintindihan," mabilis niyang sinabi habang naiiling. Pagkuwa'y ginagap ako sa kamay at dinala ito sa pisngi na tila pusang nanlalambing. "You need to go home, hija.... sa mga taong nagbigay sa iyo nang panibagong buhay, ang mga de Silvar, ang pamilya ng iyong Papa," nasasaktan man ang mga mata ngunit nakahihigit ang desididong tinig nitong pahayag.

"Ano ang sinasabi mo, Mama?" Nananakit ang ulo ko sa ginagawang pagtatahi nito sa mga sinasabi niya. "Biglaan naman yata ito. You won't let me go feeling confused like this, won't you?"

"Ilang beses ko mang pigilin ang posibilidad na magtagpo kayo... pero dito tayo dinadala ng kapalaran," aniya, hindi pinansin ang huli kong tanong.

Natatakot na ako at nalulungkot habang patagal nang patagal akong nakatitig sa mukha niya. One more word from her and she'll cry. Those threatening tears around her eyes made me feel in distress.

"Mama..." Dinaluhan ko siya at niyakap nang mahigpit. Kung puwede ko lang pasanin ang sakit na nararamdaman niya, papasanin ko agad-agad. "Kung gusto mo talaga akong umuwi roon, bakit ka naiiyak?" masuyo kong pabulong na tanong.

"Huwag mo akong pansinin, hija. I'm just being emotional because you'll be leaving an hour soon. Hindi ako sanay mawalay sa kahit sino sa inyo ni Diore. Feels like a part of me is missing every time I have to see you go away."

Natawa ako nang mahina. Noong umalis ako patungong US ay ganito rin siya pero ewan ko ba, iba ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Mas malakas iyong hatak ng kuryosidad ko ngayon. Dahil ba pamilya ng Papa ang pupuntahan ko ngayon at hindi na ang umalis para mag-aral sa ibang bansa? Sana ay mali ako.

"I'm willing to stay here until we come home to the UK. I just don't want to see you this sad."

"Gusto kitang umuwi roon, anak... Iyon ang totoo. Ang mga luhang ito'y nagpapapansin lang."

Marahan siyang tumawa bago kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya. Ikinulong niyang muli ang mga kamay ko sa mga palad niya.

"Kapag nandoon ka na, extend my full thanksgiving and gratitude sa buong angkan ng de Silvar. Tell them how much we appreciate their help. Utang-na-loob ko sa kanila ang pangalawang buhay mong ito, anak," lumuluha niyang sinabi. "Kung tatanungin nila ang tungkol kay Rafael, sabihin mong mabuti na ang kalagayan niya. Malaki ang posibilidad na gumaling siyang muli dahil nag-re-response ang katawan niya sa mga gamot at therapy..."

Two months after Dad sought help from his clan, he had an accident while on his way home back to England. He earned traumatic brain injuries from the accident which led to comatose.

Kasalukuyan akong nasa ospital sa US noon, walang kaalam-alam sa nangyari sa kaniya. Hanggang sa dumating ang magandang balitang may bone marrow donor na 'ko hanggang sa successful operation ko ay walang Papa na nagpakita. Mama just said he's busy working. Hindi biro ang perang nagastos ko sa matagal kong pananatili sa ospital, idagdag pa ang pabalik-balik kong check-ups bago ko matuklasan ang tungkol sa sakit ko.

Three weeks passed before Mom confessed everything to me. Ikinadurog ng puso ko ang araw na iyon. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang nangyari sa kaniya. Sa malaking pagmamahal niya sa akin, umuwi siya sa Pilipinas para yakagin ang pamilya nitong tulungan ako. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa isiping iyon. Naiwan siya sa UK kasama ang dalawang private nurses niya.

Nagbabalak na ang Mama na manirahan kami rito pero mukhang imposible iyon. Hindi kakayanin ni Papa ang bumiyahe sa sitwasyon niya. Sinasabi lang niya siguro iyon para hindi ako malungkot at hindi ko sila hanapin kapag nasa Bella Esperanza na 'ko.

"Opo..." Bumuntong-hininga ako. Ang sinabi ko ay pagpayag ko na ring umuwi nga roon.

Nanlalaki ang mga mata ni Mama. Marahil gulat na gulat sa sinabi ko. Mahinang ngiti ang ipinakita ko sa kaniya.

"Tama po kayo... Utang ko sa kanila ang buhay ko. If it weren't for Dad's situation, I'm sure he would say the same thing and ask me to do the same thing too, to pay them back by thanking them personally..."

Ngumiti siya at muli akong niyakap. "That's my girl," she said proudly. "Mag-iingat ka roon, anak. We'll stay connected! Hihintayin namin ang muli mong pagbabalik..."

Tumango ako sa ibabaw ng balikat niya. "I can't wait for that day," naibulong ko na lang sa hindi pa rin buong pusong pagpayag.

"Hell no!" natatawa niyang usal at pagkatapos ay muli akong hinarap. "Baka pagsisihan mo iyan kapag nakita mo na ang ganda ng Bella Esperanza," kumikislap ang mga matang aniya.

My eyebrows rose at what she said and at the mystery I could read in her eyes. Is the place as fascinating as the name itself? Bella Esperanza...

"Nakapunta ka na ba roon, Mama? Maganda ba roon?" nasasabik ko na rin tuloy na tanong, sa umaasam na tinig at tingin.

Umiling siya ngunit nakangiti pa rin. "Sobrang ganda, hija..."

Kumunot-noo ako at pinaikot ang mga mata. "Ang gulo mong kausap, Mama. How would you say that? You haven't even been there yet."

"The way Rafael described the place a long time ago, it's where you can find the most beautiful hidden paradise. But what I will never forget is the look on your Dad's face as he told me the story. His eyes were laughing and smiling in delight the whole time," she explained genuinely and with sprinkles of nostalgia on her eyes.

"Maybe he misses the place where he grew up," I guessed, nangingiti na rin sa nakikitang saya sa aura niya.

"For sure!" She agreed faster than my thoughts.

"Bakit kasi hindi siya umuwi sa kanila?" wala sa loob kong tanong.

Natahimik siya at nagbuka ng bibig ngunit isinara din ulit, tila may binawing sasabihin sana. "Your Dad's story didn't go into detail. All he said was that they had misunderstandings with your Grandfather. Lumayo na lang siya para walang gulo."

"Maybe they had a serious quarrel. He never showed up to his family again, eh. He also never told Diore and me about them."

Bahagyan siyang nagbaba ng mukha at mahinang napabuntong-hininga.

"Maybe there was," she added as a weak smile appeared on her lips. "At hindi malayong malaman mo iyon pagkarating mo roon," she told wearily and with a pinch of fear. "Kung ano man ang marinig at malaman mo, huwag na huwag mong kalilimutan kung gaano kabuting ama si Rafael. They might still hate him or still be angry at him, hija. Hindi natin alam. Pero ang mahalaga ay kilala natin ang Papa ninyo. Alam natin ang totoo kaya walang dapat ikatakot at ikahiya, anak... Lagi mong tatandaan iyan, lalong-lalo na kapag nandoon ka na." Sinabi niyang lahat iyon sa matatag at nagpapatapang na tinig.

Matiim ang mukhang tumango ako. "I will never forget that, Mama."

Alas-nuebe nang makarating kami ng airport. Si Diore na masayang-masaya lang kanina sa biyahe ay nagsimula nang mag-iiyak nang bumaba ako ng sasakyan. Lumunok ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa harapan ng airport. Tahimik namang sumunod silang dalawa ni Mama.

"Hindi ako natutuwa sa pag-alis mong ito," matapang pero lumuluhang sambit niya nang tumila siya sa gilid ko. "Why do you have to leave?" tanong niya sa tonong British accent.

Xanthia Diore is 9 months older than me. Madalang ko siyang tawaging "ate" kasi pakiramdam ko, sabay lang kaming lumabas at lumaki. Nine months old siya nang sundan siya nila Mama at Papa.

They said I inherited the beauty of Latina from Mama but with mixed strong traits of fierceness from my father. I am often mistaken for Selena Gomez by my acquaintances and even the person who sees me, especially at a sudden glance. I once unconsciously confused people when I ate alone at a restaurant in Cambridge. There were lots of paparazzi everywhere outside when I came out. Fortunately, the police came immediately to assist and rescue me.

Nakatulong din naman ang pagiging magkahawig namin sa mga opportunities ko sa buhay. That is when I auditioned as the next wonder woman of the upcoming Marvel film last year. Ako ang nakuha. I went through the needle hole first before getting the role. The processes and training are definitely not a joke. I lost a lot of weight and my body became more mature, just to fit the role.

Everything was just right and fixed until I discovered my health condition. I was diagnosed with aplastic anemia. My body stopped producing enough new blood cells that led me to feel fatigued, easily catching an infection and uncontrollably bleeding. That was also the reason why I let go of the role I worked so hard for.

Yes, I hate acting but my obsession with marvel heroes and movies push me to have a try. Gusto kong maranasan o mapanood man lang kung paano gawin ang mga favorite hero movies ko. And there's no other way but to audition. The first thing they liked and noticed about me was my face, tame but becoming fiercer as it lasts. Passing their training, seminars and processes are enough for me to learn a lot, be fit, and embrace acting.

Sayang... Pero may mas magandang plano ang Diyos sa akin. Iyon lang ang alam ko sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa nakalipas na taon.

"Hey!"

Nagising ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Diore. "Yes, are you saying something?" tanong ko sa gising na gising na tono.

"Rude!" aniya sabay kibit ng balikat. Obvious namang kanina pa siya may sinasabi pero nasa kabilang planeta ko during that time. "I am asking you," sinabi niya sa nanlalaking mga mata.

"I received the excerpt of what you are saying. Ulitin mo na lang," napapakamot kong sagot.

"Ang haba no'n!" reklamo naman niya at napamaang na lang habang nakatitig sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw na ayaw pa naman niya ang inuulit-ulit ang sarili niya.

Mabilis kong pinagana ang utak ko para makalusot. "You promised me you'll be submissive to me after my operation," pagpapaalala ko sa kaniya and smiled as charming as a kitten.

"Oh, gosh! Yeah, you won!" pagsuko niya sa mababang tinig. "Maybe you are nervous right now." Tiningnan niya ako sa nananantiyang mga mata. "Oh, well, you shouldn't. Ikaw si wonder woman, 'di ba?"

From there, I smiled. Noong nalaman niyang ako ang susunod na millennial wonder woman ay lumipad agad siya papuntang Massachusetts. We celebrated in advance. That day, I had my number one fan, and it's her, my only sister I had. I'm so lucky to have her in my life. Kahit pa nang isuko ko ang ipinunta niya, which is I got the role, she's the one who insisted to have a second celebration because according to her, I'll take down the role to be the best! At iyon ay para gumaling ako.

"Oo nga, 'no? I almost forgot!" bulalas ko habang natatawa.

"That's my sister! Sexy, beautiful, fierce and genius!" she screams and holds me to hug. "The best wonder woman they never had by now but soon!" punong-puno ng certainty niyang sinabi sa tapat ng tainga ko. "Kaya magpagaling ka. Always remember that you'll be the forever wonder woman of our family!"

Dinoble ko ang higpit ng yakap ko sa kaniya. "Thank you so much, Ate Diore! It helps a lot!"

"Corny! Stop calling me "ate" will you!" sita niya sa akin na sinundan ng pagbunghalit ng tawa.

"I meant what I said." Pinaikot ko ang mga mata ko. Muli akong kumapit sa handle ng luggage bag ko.

"Alam mo namang hindi ako sanay."

"Mag-iingat ka rin, okay? Tumawag ka lang sa akin kapag may problema."

Nagdikit ang mga kilay niya at muling natawa. "Do you even have signals there?" patuya niyang tanong. "Mama said, you're going to a faraway and hidden hacienda and ranch. Usually, the area of the land is near the sea or after, center or end of countless mountains."

"Okay lang 'yon... Lumaki naman tayo sa village where life was very simple."

"Iba naman sa Castle Combe, 'no! Kahit makaluma ang mga bahay, modern naman ang mga gamit. Saka hindi ko ipagpapalit ang village kung saan tayo lumaki sa kahit na anong lugar kahit anumang ganda niyon."

Tahimik akong sumang-ayon sa sinabi niyang iyon. "Ikaw na bahala sa mga modules ko."

"Sure!"

"Girls, let's go inside."

Sabay kaming napalingon kay Mama na ngayo'y papasok sa loob ng airport. Nag-unahan naman kaming tumakbo pasunod sa kaniya na parang mga bata.

Alas-nuebe nang makasakay ako ng airplane. Ang isang oras na paghihintay ng flight ko ay tila naging segundo lang. Ngayon, nakaupo na ako rito sa puwesto ko habang nakatanaw sa tila walang hanggang mga ulap sa labas. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at pinilit ang sariling makatulog.

Mahigit tatlong oras ang lumipas bago lumapag ang plane. Nagpalipas ako ng natitirang mga oras bago magliwanag sa isang hotel malapit sa airport.

Related chapters

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 2 (El Katanchel)

    Chapter 2Ang sabi ni Mama may na-hired na siyang mapagkakatiwalaang taong magda-drive sa akin papunta sa Hacienda. She sent me his contact number and his name. According to her, he's a trusted friend of hers. By seven o'clock ko balak magbiyahe kaya natulog muna ako.Pagka-contact sa akin ng driver, nag-checkout ako agad. Makalipas ang sampung minutos na paghihintay rito sa tapat ng hotel, tumigil ang isang ford ranger at bumaba ang sakay nitong matandang nakasuot ng pang-cowboy. Seems like he's in his fifties or sixties. Ako lang naman ang tao rito kaya obvious namang ako ang pakay niya."Astrid Fiore?" he asked while smiling lively.Nag-aalangan pa ako kung kukumpirmahin kong ako iyon o hindi. Estranghera ako sa lugar na ito kaya hindi ko mapigilang kabahan sa mga taong makasasalamuha, katulad na lang niya.Nakahinga ako nang maluwag nang may bumabang babae mula sa sasakyan na sa tingin ko'y kaedad lang niya. She's wearing a Hawaiian dress. Bagaman may edad na pero lumilitaw pa rin

    Last Updated : 2023-03-08
  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Prologue

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Plagiarism is a CRIME!❗WARNING: Contained matured contents.My imaginary characters:*Astrid Fiore Gellar de Silvar- Selena Gomez *Zephyr Kalen Sorkin Alviajano- Chris Evans ——————————————————————————————————————————————————————————————————PrologueMasyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang mal

    Last Updated : 2023-03-08

Latest chapter

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 2 (El Katanchel)

    Chapter 2Ang sabi ni Mama may na-hired na siyang mapagkakatiwalaang taong magda-drive sa akin papunta sa Hacienda. She sent me his contact number and his name. According to her, he's a trusted friend of hers. By seven o'clock ko balak magbiyahe kaya natulog muna ako.Pagka-contact sa akin ng driver, nag-checkout ako agad. Makalipas ang sampung minutos na paghihintay rito sa tapat ng hotel, tumigil ang isang ford ranger at bumaba ang sakay nitong matandang nakasuot ng pang-cowboy. Seems like he's in his fifties or sixties. Ako lang naman ang tao rito kaya obvious namang ako ang pakay niya."Astrid Fiore?" he asked while smiling lively.Nag-aalangan pa ako kung kukumpirmahin kong ako iyon o hindi. Estranghera ako sa lugar na ito kaya hindi ko mapigilang kabahan sa mga taong makasasalamuha, katulad na lang niya.Nakahinga ako nang maluwag nang may bumabang babae mula sa sasakyan na sa tingin ko'y kaedad lang niya. She's wearing a Hawaiian dress. Bagaman may edad na pero lumilitaw pa rin

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Chapter 1 (Arrival)

    Chapter 1"Naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo, hija? Nariyan na ang driver na maghahatid sa iyo sa airport," ani Mama na naglalakad palapit sa akin.Hindi miminsang ninais kong magtanong at magalit sa kaniya sa nangyayaring ito. Bakit niya ako ipadadala sa lupalop ng mundong simula pagkasilang at magkaisip ako'y hindi ko pa naririnig?The place they called Bella Esperanza. That was too mysterious if someone will put it as their address on a resume or anything that needed it. Wala pa ang barangay, purok at kung saang probinsiya ito. Tila ito pangalan ng napakagandang babae. At mas nakalulula ang katotohanang ngayon ko lang ito na batid na nag-e-exist pala sa bansa. Oh, well, sa laki ba naman ng mundo!Two months after my crucial operation in Washington ay lumipad kami ng Los Angeles upang doon manirahan habang ako ay nagpapagaling. Makalipas ang isang buwan ay lumipad na kami pauwi rito sa Pilipinas. Bagay na ipinagtataka naming magkapatid. Kung uuwi man kami rito ay para makapamasya

  • When Moon Kisses the Sun (Bella Esperanza #1)   Prologue

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Plagiarism is a CRIME!❗WARNING: Contained matured contents.My imaginary characters:*Astrid Fiore Gellar de Silvar- Selena Gomez *Zephyr Kalen Sorkin Alviajano- Chris Evans ——————————————————————————————————————————————————————————————————PrologueMasyado akong nabihag sa ganda ng paligid para mapansin ang nagraragasang bagay patungo sa likuran ko. Isang mal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status