(continue flash back)''buntis kaba Clarissa ?" tanong ni Haris sa kanya .Nasa banyo siya ngayon dahil kanina pa siya sukang suka pero wala siyang nailalabas kundi tubig lang . ''hindi ko alam '' sagot nito .Patayo na sana siya ng bigla itong nawalan ng malay .Dali daling sinugod siya sa hospital dahil ilang minuto na itong hindi nagkamalay . ''over fatigue ang dahilan ng kanyang pagkahilo at sinamahan pa ng kanyang pagbubuntis .Ang asawa mo Harisay buntis ng apat na linggo .Pwede niyo na siyang iuwi mamaya kung magkamalay na siya .Ang reseta ng asawa mo ay ibibigay ko mamaya '' gulat na tumingin si Haris sa doktor .Alam niyang sa kanya na ang bata dahil may mga nangyayari na sa kanila ni Clarissa .Masayang masaya si Clarissa sa nalaman nitong buntis na siya at totoong galing na kay Haris . Binalita nilang lahat ang tungkol sa pagdadalang tao nito lahat ay masaya sa nalaman . Masayang nag uusap sina Haris at Clarissa tungkol sa gender ng kanilang magiging anak .Laking pasalamat n
''kaarawan ngayon ni Don .Ocampo '' nagpasya si Celine na umattend ang ina nito para biglahin si Jerry .Pero may mga ipapasama siyang mga tauhan para bantayan ang ina dahil hanggat nakakalaya palang si Jerry ay magiging delikado ang buhay ng ina . ''inayos kona lahat mama kailangan niyong magpakita sigurado ako naroon ang dalawa ngayon '' sumang ayon si Amelia sa plano ng anak gusto niyang ipakita sa dalawa na nagkamali sila ng nakalaban .''dont worry ma! nasa tabi mo lang ako '' tumango lang siya at bumaba na ng kotse .Naroon na loob ang mga lihim na tauhan ni Celine para bantayan sina Zaira at ina nito .Kailangan niyang maging maingat dahil pag oras naisapakamay nila ang dalawa masisira lahat ng kanilang plano at mapapahamak ang anak nito at ina . Sila nalang ang tanging naiwan sa kanya .Hindi na rin siya umaasa na magkabalikan sila ng ama ni Zaira dahil noon pa niya pinagsisihan ang pakikipagrelasyon nito. (flash back)''tita buntis ako " naluluha nitong salita sa asawa ng tito
''lintik akala ko patay na yang matandang yan '' galit na pinatong ni Veronica ang wine glass nito sa mesa .Nakita niyang papasok sa entrance si Amelia at mag isa lang ito . Nakangiting lumapit sa Don at may hawak pa itong regalo . Mabilis siyang lumapit kay Jerry na parehas niyang gulat sa nakikita . ''paanong !!!'' saad ni Jerry saka siya hinila ni Veronica . ''wag kang ganyan umasta .Nandito ang asawa ko '' bulong nito sa kanya . ''sira ka ba hindi kaba nagtataka tignan mo bakit nandito yan gayong sinabi ng mga tauhan ko na may kumuha sa kanya '' ''yan nga din ang iniisip ko .'' sagot nito . ''sige maiwan na kita at lapitan ko lang siya dapat walang makaalam na nag uusap tayo '' iniwan na niya ito at pumunta sa kinaroonan ni Amelia . ''bakit ngayon ka lang nagpakita ?" hinila niya ito papunta sa kanya at pabulong nitong tinanong .Hindi niya pwedeng ipakita na galit siya . ''bitiwan mo ako Jerry .Wala ako dapat paliwanag sayo .Hindi ikaw ang pinunta ko dito '' mas hini
''nasaan si mama?" mabilis kinuha ng katulong ang dalang bag at pinulot agad ang sandals ni Celine.Ito ang dahilan kung bakit hindi na siya nagtagal pa sa party at makasama man lang ang anak sana ang nito kanina .Pero ang isip ay nasa ina niyang nasaktan at kinuha ng mga taong halang ang bituka .Mabuti nalang at may mga tauhan siyang nakaabang parin sa kanila sa labas para bantayan ang mga bawat galaw ng kalaban .Nag sisisi siyang pina labas ulit ang ina nito .Alam niyang delikado parin sa labas dahil malaya parin ang mga kalaban nila . ''nasa kwarto na po ma'am '' sagot nito.Agad siyang tumungo sa kwarto ng ina at tulog parin .Umupo siya sa tabi sabay halik sa kamay ng ina. Naalala niya ulit kung paano nawalan ng malay ang ina niya matapos pukpokin kaya nanggagalaiti na naman siya sa galit . ''mama I am sorry kung alam ko lang masasaktan kayo hindi ko na sana kayo hinayaan na magpakita pa sa kanila .Dont worry mama ilalayo na kita dito '' hinalikan niya ito sa noo .Muntik na ulit m
''hmmm '' halos hindi maigalaw ni Veronica ang katawan dahil sa mga sugat na natamo niya sa latigo . ''maam wag po kayo masyadong gumalaw '' nag aalalang lumapit ang assistant niyang si Alma .''hindi ba tumawag ang mga anak ko Alma ?" mahinang boses lang ang kaya niyang ilabas dahil pakiramdam niya napupunit ang balat pag gumalaw ang katawan o kahit mag salita ay parang nabibinat ang balat niya sa likod . ''hindi pa maam seen lang po ang ginawa nila sa message ko na nandito ka sa hospital.Pinadala ko na rin ang larawan niyo kaso wala parin'' naluha nalang siya sa narinig .Ang sakit para sa kanya na balewalahin ng mga anak niya .''hayaan mo nalang sila baka hanggang ngayon galit parin sila at hindi ko naman sila masisi dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanila '' naawang tumingin si Alma sa amo na puno ng benda ang katawan dahil halos mahaplos ang balat na dinapuan ng latigo . ''ano ba kasi nangyari maam?" hindi na siya nagpigil pang tanungin .Hindi na sumagot si Veronica at mas gu
''hello baby !!'' malambing na yakap sana ang gagawin ni Kyler sa asawang abala sa paghuhugas ng hilaw na mangga nang bigla itong lumihis at kumuha ng plato .''hmm!!'' nagtaka si Kyler dahil bigla biglang pag iwas sa kanya si Zaira .Napapaisip siya kung may nagawa ba siyang kasalanan o may gusto ba itong hindi niya naibigay . ''babe may problema ba?" tanong nito .Nakatalikod parin si Zaira sa kanya habang naglalagay ng bagoong sa manggang hilaw . ''wala '' umalis siya sa harap niya dala dala ang mangga na hinuhugasan niya kanina .Sumunod siya kay Zaira papunta sa sala .Kukuha na sana siya ng mangga nang biglang paluin ni Zaira ang kamay para pigilan na wag kumuha .''ganyan ba ang buntis madamot " natatawa niyang saad dati dati naman kung ano ang pagkain niya ay sa kanya na rin . ''gawa ka ng sayo '' inirapan niya si Kyler sabay kinuha ang plato na may lamang mangga at tumalikod kay Kyler .Hanggang ngayon nagtatampo parin siya dahil hindi man lang sinabi sa kanya na nilandi p
''bitawan niyo ako tulong !" pilit hinila si Jasmine ng dalawang lalaki papunta sa madilim na parte ng isang iskinita .''Jackpot tayo dito pre ang bango '' inamoy ng isang lalaki ang buhok ni Jasmine parang adik na adik ito sa masinghot ng bango . ''please parang awa niyo na '' naiiyak na pagmamakaawa ni Jasmine sa dalawa .Wala na siyang matatakbuhan dahil pader nalang ang nasa likuran .Nasa madilim at liblib siya dinala at sigurado siyang wala na siya ligtas dahil kahit anong sigaw niya walang makakarinig sa kanya .''sarap ito '' pinagmasdan muna siya mula ulo hanggang paa .Nakashort lang siya ng maong at nakajacket .Balak niya sana pumunta sa isa niyang empleyado na nagresign dahil nagkasakit at kamalas malasan nasira ang kotse niya sa kabilang daan kaya naglakad nalang siya . ''tulong '' sinamantala niya tumakbo habang abala sa pagtitig ang mga lalaki sa kanyang legs .''aba ito ang gusto ko malikot '' hinila siya ulit at nagsisigawa parin siya at sana may makarinig sa kanya
"what happened Jasmine?" umiiyak na yumakap siya kay Zaira parang hindi niya kayang ipaliwanag ang nangyari sa kanya .Nasa isip niya parin ang muntikan niyang pagkapahamak mabuti nalang at may nagligtas sa kanya .''gusto ko lang naman bisitahin ang isa nating empleyado dahil may sakit daw '' parang batang inapi habang nagsusumbong kay Zaira .Hindi niya magawang tumingin sa lolo at kuya niya dahil siguradong papagalitan siya .''sana inutos mo nalang sa iba kesa ikaw paano kung hindi dumating si Arden or hindi ka niya narinig '' gusto pa niya sermonan ang kapatid niya pero tumingin sa kanya si Zaira at pinandilatan siya . "I want to punish them, grandpa, please, I want to make them feel what they made them feel to me" tumango lang si Don Ocampo at agad naman umalis ang assistant niya .Alam na niya kung ano ang dapat gawin sa tingin palang ng Don .Tahimik lang din si Zaira na nakayakap kay Jasmine .Gusto niya din parusahan ang mga lalaking gumawa ng masama kay Jasmine ." wag ka mag
Muli nagpapasalamat ako sa masigasig niyong pagtangkilik sa aking akda .Tinapos kuna ito dahil may mga libro akong kailangan tapusin . Maraming salamat sa mga coins at gems na pinapadala niyo sa akin hopefully makita ko pa kayo sa mga iba kong libro . Subukan niyo pong basahin ang ''THE PRICE OF PLEASURE '' ''MR.CEO SILENT MISTRESS '' ''PAST SHADOW '' ''MISSING SEED OF LIFE '' enjoy niyo lang po ang mag basa at huwag kayong ma stress .Tignan ko kung makakagawa ako soon ng book 2 nito dahil marami pang characters na gusto kong gawan ng love story pero sa ngayon I need to end na this book . comment niyo nalang po kung ano ang mga natutunan niyo sa aking akda . Hopefully may mga natutunan kayong aral sa akin ..Ayiiihhh kilig ako nito sa mga comment niyo . Maraming salamat po AUTHOR: LHYN :-)
Makalipas ng dalawang linggo doon lamang nagising si Arden labis ang tuwa ng lahat dahil nagiging maayos na ang kalagayan nito at pwede na siyang umuwi . Alam na din niya na wala na ang kanilang baby at naiintindihan naman niya dahil wala naman may gusto ang importante nasa harap niya parin ang ina ng kanyang anak . ''huwag mo ako titigan ng ganyan kumain kana '' nasa loob sila ng kwarto niya ngayon at natutuwa siya dahil sa pagiging caring ni Jasmine sa kanya . ''mahal na mahal kita Jas aaminin ko naging duwag akong hindi aminin ang katotohanan sayo .Pero ang totoo matagal na kitang mahal '' naiyak na naman si Jasmine sa narinig . Niyakap niya ito ng mahigpit . ''ngayong sinabi ko sa iyo na mahal kita totoo ito Jas .Naging duwag lang ako umamin dahil lagi mong tinatanggihan noon na wala lang ang mga nangyayari sa atin . Pero ngayon asawa na kita gusto ulit kita pakasalan '' ''silly .. huwag na sapat na sa akin ang nabuhay tayong dalawa at masaya tama na yung isang beses ikasa
Nagising si Jasmine at agad niyang hinanap si Arden . Ilang araw na pala siyang tulog dala ng trauma ay nanatili itong bilang sleeping beauty .Agad hinanap ng kanyang mata si Arden ngunit wala ito . ''si Arden nasaan siya ?" tanong niya sa mga ito .Walang imik ang kanyang mga magulang habang nakatingin parin sa kanya . ''bakit hindi po kayo nagsasalita .Nasaan siya '' naluluha niyang saad . Naalala niya natamaan pala ito ng baril ''still in coma parin anak dahil dalawang bala ang tumama sa kanyang likuran .Nasa hospital at hindi alam ng mga doktor kung makakaligtas parin ito o hindi na '' umiyak na naman siya habang nakatingin sa kanyang mga magulang . ''ang anak ko po ?" hinawakan niya ang tyan niya nagtataka siya dahil lumiit ito . ''nakunan ka anak '' lalo siyang umiyak sa nalaman . Pakiramdam niya napakamalas naman niya . Kailangan niyang puntahan si Arden ayaw niyang mawala ito hindi niya kakayanin pag ito ang nawala . Pagkarating nila sa hospital nasa ICU parin si Ar
Buong pwersa ang ginawa ni Arden sa pagbukas ng pintuan . Kasama niya ang ina pumunta dahil ito ang utos ng hilaw niyang tiyahin . Kailangan niyang makuha agad si Jasmine sobra na siyang nag aalala sa mag ina niya . Isang malaking hakbang ang ginawa niya sabay linga sa buong paligid ng abondnadong bahay . ''natatakot naman dito anak '' saad ni Lilia habang nakahawak sa braso ni Arden .''huwag niyong ipakita ang takot na meron kayo mama dahil lalong matutuwa si Tasha pag nakikita niyang natatakot kayo '' tumango lang siya at tulad ni Arden luminga linga rin siya . Napahinto siya nang makita si Jasmine .Nakaupo ito at nakatali ang kamay nito sa likod . Nakatayo rin si Tasha sa tabi nito at lumabas ang ibang mga tauhan na kanina wala lang ang mga ito pero nagtatago pala . ''ano ang kailangan mo ?" sambit niya . Ngumisi lang si Tasha at kinuha ang papel sa isa niyang tauhan habang nakatutok ang baril sa ulo ni Jasmine . ''isa lang naman ang gusto ko ..Ngayon Lilia matapang kapa
Dalawang araw ang nakalipas nakatanggap ng sulat sina Lilia na lahat ng kanilang pera at assets ay nailipat na sa kanilang pangalan .Hindi natuwa ang mag ina dahil alam nilang gagamitin ito ni Tasha . ''ibigay natin kung iyang ang gusto niya anak para kay Jasmine at sa apo ko .Wala ng mas mahalaga kundi sila '' tumango lang si Arden pero ang isip niya nanatili parin napapaisip kung bakit pati anak ni Tasha ay kailangan ikulong nito dahil sa pagiging gahaman niya . ''hello sino ito ?" tanong niya sa tawag .Ibang numero ito at alam na niya na ito ang dumukot sa asawa niya . ''kung gusto mong makuha ang asawa mo pumunta kayo dito sa lugar na sasabihin ko .Huwag kayong magdadala ng mga parak kung gusto mong buhay pa ang asawa mo tanging ang ina mo lang ang dapat mong kasama . Naiintindihan mo '' pinatay na ng caller ang tawag at alam niyang gumamit iyon ng boses na iba para hindi makilala . Nanlulumong binulsa niya ang cellphone saka umupo . ''anong kailangan niya sa atin anak ?"
Tulad ng pagpasok niya nanatili parin siyang tahimik at maingat umalis sa bahay ng tiyahin niyang hilaw . ''kamusta nagawa mo ?" tanong ni Calix na matyagang naghintay sa kanya . '' ayos lang .Sana may makuhang imposmasyon bukas ,Kailangan ko ng mahanap ang asawa ko bro '''naiintindihan ni Calix ang kaibigan kaya tinapik niya ito sa balikat . Kinaumagahan nagising sina Tasha kasama ang boyfriend nito .Agad niyang ginising para umalis na dahil baka darating ang anak niya .Wala pang alam si Carl tungkol sa kalokohan niya . "uwi kaba ngayon iho?" " yes ma dahil may aayusin akong mahalagang'' Ilang oras lang nakalipas dumating na si Carl galing sa resthouse . ''ano balak mo ngayon kay Jasmine ?" tanong nito . ''wala tayong balak ma,kundi kausapin natin sina Arden .Para matapos na ang lahat '' kunot noong napatitig si Tasha sa anak nito .Hindi niya gustong mabuhay pa ang mag ina kung mahahawakan pa niya ang mga ito . ''bakit ganyan po kayo makatingin ?" tanong nito
''mahahanap din natin siya anak ,'' dalawang araw ng walang magandang impormasyon kung saan dinala si Jasmine .Nag aalala siya sa mag ina niya . ''hindi kaya yung mag inang iyon ang kumuha kay Jasmine ?" tanong ni Arden .Wala naman ideya si Lilia kung anong dahilan para gawin nila iyon . ''iyan ang dapat nating malaman .Kaso mahigpit ang siguridad ng bahay nila ayon sa katulong na pinadala ko doon anak '' medyo nabuhayan si Arden ng magkaroon siya ng ideya . Ilang minuto lang ang hinintay ni Arden hating gabi ng maisipan niyang gawin ang plano niya .Napag alaman niya sa katulong na naroon sa bahay nila Tasha na tulog na ang kanyang amo na babae .Pero ang anak nito ay wala sa kanilang bahay . ''sure kaba bro na papasukin mo ang bahay ng hilaw mong tiyahin ?" tanong ni Calix sa kanya .Nasa loob sila ng sasakyan ngayon habang nag hihintay ng pagkakataon .Nagpatulong siya sa kanyang kaibigan para in case of emergency may tutulong sa kanya pagkakataon . ''kailangan ko ng magdali ma
''nasaan ako ?" palinga linga si Jasmine at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan niya .Muli niyang pinikit ang mata at naalala niyang may isang lalakeng nagtakip sa kanyang ilong .Tumayo siya para tignan kung may hindi bang kaaya ayang nangyari . ''nag aalala na si Arden ,Nasa panganib ba ako ?" kinakausap niya mismo ang kanyang sarili .Maayos naman ang kwartong pinagdalhan sa kanya dahil parang nasa loob lang siya ng isang hotel .Pinatay niya ang ilaw para makita kung may cctv at boom lima ang nakita niyang pulang ilaw sa bawat sulok ng kwarto . Nagsisisi siyang hindi nagpasama kay Arden . ''so ano kasalanan ko sa mga taong ito ?" tanong niya sa kanyang sarili ,wala pa naman nakakaaalam na isa siyang hacker dahil ilang buwan na siyang tumigil sa ganoong gawain .Kahit alam niyang marami paring scammer sa mundo . Kailangan niyang mag relax huwag dapat siya mag mabahala dahil buhay nila ng anak niya ang nakataya dito .Alam niyang may dahilan kung bakit nakidnap siya at iyon ay kail
'' now you are misis Chua na Jasmine ano ang nafefeel mo ngayong may asawa kana ?" papunta na sila sa honeymoon ngayong araw at flight na nila mamaya .Simple lang ang wedding na naganap sa kanila dahil nga garden wedding lang ito ''ayos lang naman sis ,Siguro nabibigla lang ako you know me .I just want to explore more kaso hindi na dahil nga may baby na dito ''tinuro niya ang maliit niyang tyan .Kahit apat na buwan na ang kanyang tyan ay hindi parin halata parang normal na bilbil lang ito .Natawa nalang si Zaira masaya siya para sa kanyang kapatid .Hindi niya akalain na ikakasal si Arden lang pala na nasa tabi tabi lang ang magiging asawa niya . ''mahal mo ba siya ?" ito ang kinatatakutan ni Jasmine na tanong .Nagpakasal sila hindi dahil sa kanila kundi para sa magiging anak nila . Hanggat hindi umaamin si Arden kung mahal siya nito ay mananatiling nakakulong parin ang nararamdaman niya sa kanyang puso .''oo naman '' sagot nalang niya . ''good luck sa honeymoon niyo .,,be carefu