"mama papa asan po kayo!" malakas na sigaw ni Zaira pagkagising mula sa ilang araw nitong pagtulog.
Nilibot niya ang buong bahay ngunit walang ingay na naririnig.Pagkabukas niya sa kwarto ng mga magulang ay malinis at walang kalat. "mom ,dad" naiiyak siyang umupo habang yakap yakap ang kanyang tuhod. "zaira gising kana pala" tanong sa kanya ng katulong. "ate asan si mommy at daddy ." pumunta agad si Jane kay Zaira at niyakap ito. "shhhh .Wala na sila. Zaira .hindi na sila babalik dahil patay na sila. Zaira move on .please! tulungan mo ang sarili mo tignan mo yang katawan mo nangangayayat kana dahil ilang araw ka makakatulog dahil sa epekto ng gamot sayo." mahigpit niyang niyakap ang among dalaga dahil hindi niya matanggap ang naririnig at sinasabunutan ang buhok. "No!!! Ate I need my parents" lalong umiyak ang dalaga dahil walang siyang matandaaan na wala na ang mga magulang nito. Kinuha ni Jane ang gamot na nireseta ng doktor para sa sakit ni Zaira .Malaki ang trauma niya sa nangyari sa magulang kaya hanggang ngaun isang taon na lumipas ay naging ganito ang anak ng amo. Tuwing nasosobrahan niya umiyak ay nanghihina ito at nawawalan ng malay .Kaya bago umatake ang sakit ay pinapainum muna niya ito para makatulog ng maayos. Tinawagan niya ang doktor ni Zaira para tanungin kung bakit hanggang ngaun hindi parin maayos ang lagay. "Yes.my nangyari ba kay Zaira" agad na tanong ng doktora. "opo .umaatake na naman ang sakit at nagkaka hallucination po siya na nandito parin ang mga magulang!" nilingon niya ang amo at mahimbing ito na natutulog. "poor zaira.! basta painum mo lang lagi yang gamot para gumaling na siya.Kamusta kayo jan balita ko kay daddy .Bankrupt ang business ng ama ni Zaira dahil sa dami nitong utang.Kaya kailangan magpull out ang ibang investor at ang ibang kailangan pa ay nabenta na ng attorney ni Tito Christ ang gamit na pwedeng pakinabangan sa kompanya para mabayaran ang ibang utang ni Tito" huminga ng malalim si Jane dahil sa sinapit ng pamilya ng pinagtratrabahuan .Wala na siyang sahod dahil walang pera na naiwan para kay Zaira at baka mabenta na din ang Bahay nila pag dumating ang ibang nagkautangan ng Amo. "Tinuring na kitang kapatid Zai kaya hindi kita maiwan iwan At kumakayod ako para sa atin.Wala na akong pamilya at tayo nalang ang natitira" hinaplos ni Jane ang buhok ng dalaga at naluluha na rin dahil sa sinapit nito. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Zaira. 15 years ang pagitan ng taon nila kaya ngaun si Zaira ay kinse anyos palang habang siya ay trena na ito. Habang tulog ang dalaga ay pumunta naman siya sa sala dahil nandoon ang computer desk na gamit sa pagtratrabaho. Nagwowork siya online bilang call center pasalamat niya dahil homebase ang binigay sa kanya .Kaya ang ginagawa ay nagwowork at pinagsisilbihan si Zaira. Kahit sinasabi ng iba na ilagay nalang sa pagamutan ang alaga ay ayaw niya dahil mas kampante siya kung siya mismo ang magaalaga at masilayan ang paggaling. Malalim ang kanyang iniisip habang nagulat siya sa doorbell. Nagtataka siya dahil may nagdoorbell ng paulit ulit.Kaya bilis siyang bumaba at tinignan kung sino . "sino po kayo?" tanong ni Jane sa mga lalaking nakatayo sa harap ng gate may takot siyang nadarama kaya hindi niya muna ito pinagbuksan ng gate. "dito kami para palayasin kayo dito" binigay ng isang lalaki ang isang papel at nakasaad dito na nabili na ang bahay at lupa para pangbayad sa ibang utang ng amo. Huminga muna siya ng malalim at nag isip. "pwede po bang bukas na.Biglaan po kasi at saka kailangan ko pa maghanap ng malilipatan lalot may sakit ngaun yung anak nila sir Chua. " pinapanalangin niya na sana pumayag . "okey 1 week dapat wala na kayo sa lunes!"nagpasalamat siya dito. Umalis ang mga lalaki at tinawagan ang doktora na gumagabay sa kanila. "help me po .Aalis na po kami dito sa bahay ni sir dahil nabenta na daw po .Ang problema ko po si Zaira yung sakit niya po !" naiiyak na naman siya dahil kung hindi niya lang mahal at tinuring na kapatid si Zaira ay iniwan na niya ito at pabayaan. "okey okey .!! magligpit kana ng gamit niyo ni Zaira .Make sure aalis kayong walang makakakita sa inyo.Ipapasundo ko kayo jan tatawag sa inyo ang magsusundo sa inyo ." nagpasalamat siya sa doktora may pagtataka man sa kanyang isip dahil sa kabaitan nito ngunit kailangan niyang samantalahin ang tulong na naialok dahil kaligtasan ng alaga ang nakasalalay dito. Nagpaalam na siya sa doktora at mabilis siyang nag ayos ng gamit Kinuha niya kahat ng gamit ng alaga at mga alahas na din ng kanyang amo at ganon din sa dalaga dahil balang araw magagamit niya ang mga to pag nagsawa pag nagipit sila. Pumunta siya sa kwarto ng alaga at tinitigan niya ito habang mahimbing ang tulog. Naisip niya suriin ang kabinet ng dalaga na baka may naiwan pa siyang pwedeng gamitin ni Zaira ng may mapansin siyang box na maliit binuksan niya ito .Isang necklace ang narito at may batong kulay pula .Ngunit nagtataka siya dahil parang may sulat sa loon ng bato ngunit hindi niya pinansin kung para saan doon ang akala ni Jane ay style lang ng bato ng kwintas kaya binalik niya ito sa lagayan at inilagay niya ang box sa maliit na sling bag ng kanyang alaga. Inilapag niya ang lahat ng gamit nila sa sala at inaantay niya lang magising ang alaga bago tumawag sa doktora na maayos na at pwede na silang umalis. Nagtataka siya dahil tumawatawag ang doktora sa kanya at balak pa niya ay tatawagan niya ito. "doktora !" nagtataka siya dahil walang ingay sa paligid. "a--alis na kayo jan ...delikado kayo ni Zai aa please!" hirap na hirap ang doktora sa pagbigkas ng salita kaya hindi naintindihan ni Jane kung ano ang sinasabi nito .Ngunit nabigla siya ng may biglang pumasok na lalaki . "kunin mo ang mahalagang gamit at umalis na tayo dito.Binilin ako ni doktora na umalis kunin ko kayo dito .bilis galaw na..." sa sobrang gulat niya ay hindi ito nakagalaw agad sa inutos ng lalaki. "ano ba .wag mabagal dahil malapit na sila dito" .saka lang natauhan si Jane dahil itunalak siya ng lalaki para puntahan ang kwarto ni Zaira na mahimbing parin ang tulog. "yung mahawakan mo lang na gamit ang kunin mo " sigaw ng lalaki at binuhat si Zaira habang tulog . Sa sobrang taranta ni Jane ay tanging isang bagpack lang kung saan andoon ang mahalagang papeles na kinuha niya sa kwarto ng amo at mga alahas ng mga ito .Mabigat man ngunit kailangan niyang tiisin dahil kakailanganin nila lahat yon,kinuha niya din ang isang sling bag na paborito ni Zaira nandoon din ang kwintas na nakita niya kanina.Sumunod siya sa lalaki at dumaan sila mula sa likuran ng mansion .Sinunod muna niya ang bilin ng lalaki na dapat malock niya ang buong bahay at hayaan ang ilaw na nakailaw ."pasok" utos ng lalaki sa mga tauhan .Bilis na umakyat ang isang tauhan at pinagbuksan ang mga kasama mula sa gate .Pagkapasok nila sa gate ay mabilis silang pumasok sa loob ng mansion ng dahan dahan.Akala nila may tao parin sa loob ng mansion kaya animo parang magnanakaw ang mga to na dahan dahan pumasok at hindi nakakagawa ng ingay .Nilibot nila ang paningin ay tahimik at maayos kaya pumunta sila sa kwarto kung saan may hahanapin sila."shit naunahan nila tayo wala na sila dito at nakaalis na" "halughugin ang buong bahay hanapin ang hinahanap ng dokumento!" sigaw ng lalaking nakatayo sa harap ng hagdan . Halos magintigan ang mga ngipin dahil sa inis na nawala ang mga target ."boss mukhang nadala nila pati mga alahas ng mga chua ay nawawala ganun din po sa mga kwarto dito .May mga natirang dokumento sa opisina ngunit wala doon ang pakay boss" .tikom ang kamao ng pinaboss dahil sa galit.Nagtataka siya kung sino ang tumulong sa kanila gayong walang alam ang katulong at batang kas
Nagluluto ng malasadong itlog si Aling martha ng may nauligan siyang tunog ng sasakyan na palapit sa kanilang kubong bahay ."tonyo ! tonyo! meron na ang anak mo .siya na ata tong parating!" hananao niya ang kanyang asawa na abala sa ginagawang lambat ."meron na ba .!!tara salubungin natin ang anak natin!" tumayo ang si Tonyo saka pumunta sila sa labas ng bahay dahil tumigil ang kotse sa harap ng bahay nila. Bumalik muna si Martha sa loob ng kusina para takpan ang mga ulam dahil baka itakbo ng mga pusa nilang alaga lalo .Isda ang ibang niluto niya. Kinarga niya muna ang isa sa pusa na kumukiskis sa paanan niya at nilagay sa loob ng kwarto nila. "martha ! martha halika !" sa sobrang taranta ng asawa ay bilis siyang lumabas para makita ang anak. "nay tay!" nakangiti si Jackson sa kanyang magulang dahil nagtataka ang mukha nila sa kasamang babae .Nakanganga ang mga ito at gulat na gulat."hello po magandang umaga po!" lumapit si Jane sa magulang ng lalaking kasama. Nagmano ito sa kan
Nagngingitngit ang kalooban ni Alice dahil sa itsura ng asawa ng kaibigan. Maganda at maputi ito .Samantalang siya ay morena lamang maganda siya sa paningin ng taga sa kanila ngunit baka maagawan siya ng spot light pag nakita nila ang babaeng asawa ng kaibigan at ikumpara ito sa kanya. "nay ,tay, alice, maiwan ko muna namin kayo at mag papahinga na kami dahil pagod na tong asawa ko sa byahe.Baka makagawa pa kami ng bagong an... awwww!" siniko ni Jane si Jackson habang nagpapaalam sa magulang dahil sa sobrang daldal ay nakatikim ito. Namimilipit si Jackson sa sakit mula sa tagiliran niya hindi niya akalain na ganon pala kasadista ang babae.Naunang pumasok si Jane sa loob ng kwarto at nakita niyang nakatulala si Zaira .Mabilis siyang lumapit sa alaga ."zaira are you okey !" pag aalalang tanong niya sa dalagitang nakatulala parin."asan tayo .nanaginip akong may humabahabol at papatayin nila tayo!" nangangapa ang isip ni Jane kung ano ang pwedeng ipaliwanag sa alaga kung ano ang n
Pagkatapos kumain si Zaira ay siya na ang naghugas ng pinagkainan nito at saka niya inutusang lumabas muna sa sala ang bata."ang ganda mo namang bata ka.Para kang artista!" namamanghang lumapit si Alice kay Zaira at hinaplos ang mga malambot nitong balat saka tinitigan ang mukha."kamukha mo nga ang panika..Para kang manika.Sana pag nagkaroon din ako ng anak .Ipaglilihi ko siya sa manika" hindi na nagawang mahiya ni Alice sa bata na anak ng minamahal na lalaki dahil sa kilig niyang iniisip na magkakaroon siya ng anak at maging mukhang manika din ito pag pinaglihi ."salamat po .Papa .Lo,la maiwan ko muna kayo jan .It because i Feel sleep!" tulalang nakatingin na naman ang tatlo sa batang nasa harapan nila. Samantalang si Jackson ay natatawa at napapailing dahil sa bata. "yes baby ..Sleep well..go na!"ngumiti siya sa bata at tumuloy si Zaira sa kwarto kung saan sila galing kanina. "si Zai...?" tanong ni Jane pagkalabas si kusina.Nakita niyang nakatingin si Jackson sa damit niyang ba
Walang siyang alam sa mga papel na nagkalat sa sahig .Ngunit agaw pansin sa kanya ang maliin na envelop . "pwedeng buksan!" tinignan ni Jane ang hawak ng kaharap at hinablot niya ito at siya na ang nagbukas. "passbook ..!" namangha siya sa laman ng passbook at nakita niyang malaking halaga ang nadeposit dito. "ba--bakit hindi nalang nila pinambayad to sa utang nila .." naiinis niyang inaalala ang nakaraan kung saan sunod sunod ang naniningil sa pamilya ng chua. "naniniwala ka bang bago mamatay ang mag asawa .ay nagkautang ang mga .Look tignan mo tong papel na to..Ito ang hinahabol nila at hinahanap noong patakas na tayo!" tinignan ni Jane ang isang papel at nakasaad doon na may nakasaad ang account nila na trillion ang laman at sila lang ang makakabukas or pag meron na 25 years old ang anak nila ay doon na ipapasa ang pangalan ng anak ang halaga na nakasaad sa banko .Pirmado ng president ng bangko at limang attorney .Hindi basta basta ang nakasaad sa papel mukhang pangalawang
Pagkatapos ng kanilang usapan ay nag impake muna sila at saka nag paalam si Jackson papuntang bayan para bumili ng kulungan ng mga pusa . "ayy aalis po kayo!" tanong ni Alice na may hawak na bowl na may lamang ulam nakita niya ang mga maleta at malalaking bag na nasa sala. "Alice ikaw pala yan!. oo aalis muna kami sasama muna kila Jane dahil gusto naman namin papasyal .Pasok ka!" sumimangot si Alice dahil hindi na niya makikita si Jackson at ganun din ang magulang nito.Napamahal na siya sa magulang ng mahal niyang lalaki .Kaya kahit may asawa na ito ay hindi niya magawang magalit dahil mas tinuring siyang anak nito. "pwede bang sumama?" malungkot niyang saad. Nagkatinginan ang mag asawa . "Hindi pwede ...!" matigas niyang sagot sa dalaga. Kararating lang ni Jackson na may dalang kulungan ng pusa at pagkain nito . "bakit hindi pwede .Gusto ko lang umalis na dito!.feeling ko kasi walang future dito at alam mo naman mga magulang ko parang mainit ang mata nila sa akin .Kung pagbubuk
Bandang Northen visayas naisipan nila Jackson at Jane pumunta .Habang nasa byahe sila ay lumingon muna sa Jane sa mga kasamang natutulog .Kailangan niyang sa harapan siya umupo dahil kailangan ni Jackson ang kapalit sa pagdrive.Marunong siya sa pagmamaneho dahil inutusan siya ng mga magulang ni Zaira dahil tuwing hinatid niya sa paraalan noon ang alaga ay siya ang sumusundo nito noon . "tulog kana.Gisingin nalang kita pagkailangan ko ng kapalit or else hanap tayo ng hotel dahil ako lang naman ang nakakaalam ng pupuntahan natin" tumango lamang siya at sakto naman may nakita silanv hotel kung saan nasa highway lang kaya kinabig ni Jackson ang sasakyan saka siya tumigil sa harap ng hotel .Si Jane lang ang bumababa at nagsuot ng Jacket na may hood saka nagsumbrero.Hindi niya pinahalatang nagtatago siya sa suot ng Jacket dahil akala ng mga staff ng hotel ag porma lang niya dahil sa byahe. Kumuha siya ng dalawang kwarto na pang family ngunit hindi siya nakakuha dahil iisang kwarto ang avai
Makalipas ang dalawang taon ay naging magaan ang buhay ni Jackson at Jane sa tulong ng perang iniwan ng doktora sa kanila. Nagpatayo sila ng negosyo na malapit sa bayan .Nagpatayo sila ng grosarry store na siyang naging patok at masagana.Si Alice at Jane ang nagbabantay ng Store habang sina Diego at Jackson ay nagtratrabaho sa isang pabrika. Naging driver sila ng delivery track ng kompanya kaya naging madali sa kanila ang buhay .Pinag aral na din nila si Zaira at hindi Chua ang ginamit na apelyedo dahil alam nilang pwede siyang mahanap ng gustong makuha siya .Kaya lumuwas ng manila sina Jackson at Diego para magpagawa ng pekeng pagkatao ni Zaira sa abogado ng Doktora na siyang alam din nito ang totoong pangyayari. Sinadya nilang kamustahin ang doktora ngunit hindi ito makaalala at nakatulala lang habang may bantay siyang dalawang nurse sa kwarto nito.Kaya nagpasya silang bumalik dala ang bagong pagkatao ni Zaira."maayos na to .pwede ng mag aral ang anak ni Doktora " saad ni Diego h
Nagkalat ang mga pulis sa paligid ng isang park kung saan magkikita ang dalawa .Ang akala ni Jerry ay mga tao parin na namamasyak gayong gabi na .Ang mga ibang pulis ay kunwaring nagdadate at ang mga iba ay kunwaring nag zuzumba ang mga ito .Sa kalayuan ng kanilang kinaroroonan ay naroon si Arden na nanonood hindi siya lumabas kasama ng mga kasamahan niya sa presinto nila dahil baka makilala sila ni Jerry . ''dala mo ba ang sinabi ko sayo pare '' nakajacket at naka sumbrero si Jerry habang nakasuot ng facemask sa mukha . ''oo dala ko pare. Bakit pala hindi kana susuko ?'' alam niyang walang plano si Jerry sumuko pero kunwaring tanong lang niya para malibang ito .Hindi man lang nagtaka ito na ang bilis niyang dumating gayong may kalayuan ang kinaroonan nila . ''sinong sira ang susuko .Hindi ako tang* na magpabulok sa kulungan .Bigay mo nalang ang pera pare wala ng madaming satsat .Bayad kana sa utang mo '' inilahad ang palad nito sa harap ni Smith at tinignan sa mata .Wa
'' Nes ... look This isn't true, is it? Why did they do this?" pinakita ni Coline sa kakambal nito ang litrato ng mga magulang nilang pinaghahanap ng autoridad sa kanilang bansa . Tulalang napatingin si Nesline sa kapatid niya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita .Mabuti nalang at umalis na sila sa kanilang bansa .Kahihiyan ang nagawa ng kanilang mga magulang . ''Coline makinig ka wag na wag kang tatanggap ng kahit anong tawag galing sa ating bansa .Maayos na tayo dito at hindi nila mahahanap ang kinaroroonan natin .Tahimik ang buhay natin dito kaya yang social media mo you better de activate ..okey '' naiiyak na tumango si Coline sa sinabi ng kambal niya .Naawa siya sa kapatid niya dahil ito ang nagtatrabaho para sa kanilang dalawa . Hindi siya pwedeng magtrabaho dahil mahina ang katawan niya sa malamig kaya bihira lang siya lumalabas. Iniwan muna ni Nesline ang kapatid niya sa kwarto nito .May sakit ang kakambal niya at malala na ito kaya kahit hindi siya sanay sa pagtatra
Lihim na umalis ng bansa si Franco kinaumagahan nalaman niya sa kaibigan nitong abogado na may inihandang kaso laban sa kanila . Nagtataka siya kung saan sila nakahanap ng ebidensya para makapg ahin sila ng warrant of arrest. Kampante naman na nagkakape sina Jerry at Veronica habang tahimik na nagpaplano sa kanilang gagawin .Balak nilang lumayo muna ng bansa para magtago . Abalang nalilinis ang katulong sa gilid ng bahay at narinig niyang may nagdoorbell kaya sinilip niya muna ito kung sino .Gulat siya ng makita niyang mga pulis ang nasa labas ng gate .Alam niya ang gawain ng kanyang mga amo kaya nagmadaling pumunta sa loob ng bahay ang katulong para sabihan ang mga ito na may mga pulis sa labas . ''maam may mga pulis po sa labas '' hingal na hingal siyang nakarating sa taas .Alam niyang naroon ang dalawa dahil doon niya dinala ang mga natimpla niyang mga kape nila kanina . ''anong pulis na pinagsasabi mo?'' galit na saad ni Jerry sa katulong . ''nasa labas po sir hindi ko
Sinamantala naman ng pamilya ni Celine ang pumunta na sa likod .Ang Mc na ang bahala sa magpapaliwanag kung bakit natapos agad ang event . Tumigil sa paglalakad si Kyler at hinila si Zaira niyakap niya ito ng mahigpit . Sobrang namiss niya ang asawa nito ''salamat at bumalik ka akala ko tuluyan ka ng mawawala sa piling ko '' hindi niya makakaya na hindi makasama si Zaira habang buhay . ''hinding hindi ako mawawala sa piling mo Kyler maayos na ang lahat .Patawarin mo ako sa nagawang kong pagtago sa aking katauhan '' naiyak na tumitig si Zaira sa mga mata ni Kyler .Ito ang pagkakataon na humingi siya ng tawad . ''dati ko ng alam na ang babaeng ninakawan ko noon ng halik at nahawakan ko ang perlas at ang asawa ko ngayon ay iisa '' lumayo si Zaira kay Kyler nagtatakang tumingin sa asawa niyang nakangisi . ''ano ibig mong sabihin ?'' tanong nito . '' bago mo sinabing buntis ka nalaman ko ang lahat tungkol sa sayong pagkatao '' napangangang hindi makapaniwala si Zaira sana
Binigyan ng Mc ng Mic sina Celine at Amelia .Una ng nagsalita si Amelia na kanina pa siya nakatingin sa gawi ni Jerry . '' nagtataka kayo siguro kung bakit nandito ako sa inyong harapan .Kilala niyo ako bilang gobernadora dito sa ating lungsod at gusto ko ipakilala sa inyo ang aking anak na si Celine .You may be wondering why my daughter is alive. She is not really dead because she is not registered as dead right .Nagtago siya kasama ang totoo niyang ama dahil sa mga taong gusto siyang patayin '' parang nawawalan na ng hininga si Veronica sa mga naririnig .Alam niyang sila ang tinutukoy ni Amelia pero sigurado siyang malinis ang pagkagawa ng plano nila noon kaya walang imbestigasyon na nangyari . Hindi niya dapat ipahalata na guilty siya sa naririnig . "I want to give my daughter a chance to speak and I'm happy because behind this successful company ang anak ko pala ang may ari nito .Yes tama ang narinig niyo hindi ko alam na ang anak ko ang may ari nito dahil tulad niyo akala ko
''good evening to everyone .The CEO would like to apologize for taking so long.Alam ko hindi na kayo makapag hintay but I just want to say that the CEO is not the only one here because she will also be introduced tonight her daughter na maging CEO ngayong gabi '' nagbulong bulongan ang lahat ng naroon . ''mom ano ibig sabihin nun ?'' nagtaka rin si Zaira sa narinig niyang sinabi ng Mc .Akala niya ipapakilala lang siya ng kanyang ina at gagawin ang plano kila Jerry at Veronica. ''nagbago ang isip ko iha gusto kong enjoyin ang gabing ito .Gusto ko makita ang pagmumukha ng mga taong gusto akong mawala .Pero ang balak kila Jerry gagawin natin kina umagahan sa tulong ng prescone .'' ''tama ang sinabi ng mommy mo Zai ngayong gabi ang moment ay para sayo '' hindi siya makapaniwala na ang bilis magbago ang isip ng lola at ina niya hindi man lang siya na inform na mag iiba ang plano pero wala na siyang magagawa at may tiwala naman siya sa mga ito . ''tama ba yong narinig ko may anak a
Nasa event na ang pamilya ng Ocampo kasunod si Jerry na mag isang dumating at ganon din si Veronica na kasama ang driver nitong dumating .Lahat ng taong dumadating ay pinagmamasdan ni Kyler nagbabasakali na dumating si Zaira . ''hi !'' lumapit sa kanya ang isang babae nakasuot ng itim na dress .Kilala niya ito dahil anak ng vise gobenador sa kanilang lungsod .Isang magaling na doktor si Sofie sa kanilang lungsod at sa ibang bansa nag aral para maging doktor kaya lahat ng hospital ay pinag aagawan dahil experto ito sa sakit sa puso . ''Sofie your here '' isang matamis na ngiti ang ginanti ni Sofie kay Kyler .Nagalak siya dahil kilala parin siya nito . ''yes at hindi ako nagsisisi na sumama dito dahil nandito ka .Kamusta ka pala .Wala na akong balita after our break up '' napakamot ng kilay si Kyler dahil pinaalala na naman niya ang nakaraan nilang dalaw .Isang buwan lang naging sila dahil napag alaman niyang hindi seryoso sa kanya si Sofie .Pustahan lang ang meron sila noon at
''We are all invited to the welcome party of the owner of the jewelry sa bukas ng gabi'' malungkot silang tumitig sa hapag kainan .Dati rati ang Don ang nagsasabi sa kanila kung may pupuntahan silang party kasama sila . ''hindi po ako pupunta kasi pupunta ako bukas sa ibang bansa .Gusto ko mag move on muna sa pagkawala ni lolo '' ''how about you Kyler ?'' hindi na umalis pa si Kyler sa mansion dahil umaasa siyang uuwi si Zaira .Hindi siya nawawalan ng pag asa na babalik ito kahit wala pang kasiguraduhan kung maayos lang ba ang lagay niya o nasa kapahamakan na. Lahat ginawa niya mahanap lang siya pero ayon sa kaibigan niyang si Arden baka nagtatago lang ito at hindi na nagpapahanap dahil nga sa totoong katauhan niya . ''pupunta ako '' wala parin siyang ganang makipag usap sa kanila .Pilit lang siya nakikibagay dahil tulad niya nangangapa pa sa pagkawala ng kanilang lolo . Tahimik lang sila at walang nag uusap sa kanila habang kumakain .Pagkatapos ni Kyler kumain ay pumunta mu
''hindi totoo ito '' nagwawalang pumunta sa kabilang bahay si Franco kung saan doon na sila titira .Mataas ang kanyang pride kaya niyaya niya agad ang anak niya na umalis na sa mansion dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ng mga kapatid niya. ''alin ang hindi totoo dad ang may ilegal kang gawain o ang nalaman mo tungkol kay Shaira ..I mean Zaira ?" kanina pa nagmamasid si Zoey sa ama niyang mainit ang ulo alam niya ang dahilan pero hindi muna siya umimik dahil ayaw niyang ipakita sa ibang tao na may hidwaan silang mag ama . ''nagkakamali ka ng iniisip Zoey wala akong ibang gawain '' ngumisi lang ang anak niya sa sinabi nito .Hindi naniniwala si Zoey sa sinasabi ng ama alam niya noon pa man na may kakaibang ginagawa ang ama niya dahil wala na itong time sa kanila . ''okey kung yan ang sinabi niyo '' hindi na siya bata para mauto pa niya sa lahat ng bagay .She knows everything at kumpirma nalang ang kulang sana pero dahil namatay ang lolo niya nalaman niya ang buong katotohana