Kasabay ng paglikot ng kamay ko ay ang malakas na dagundong ng puso ko. Marami na akong naikama, maraming babae na eksperto at kayang-kaya akong dalhin sa langit sa sarili nilang paraan, pero iba itong nararamdaman ko ngayon, kasama si Aya. Halik, yakap, at haplos palang ang nagagawa ko at hindi ko pa siya nakukuha, pero ang saya ko na. Parang nasa langit na ako. Kakaibang saya at pagnanasa ang nararamdam ko habang iginagala ko ang mga kamay at labi ko sa buong katawan niya. “Ancel…” ayon na naman ang ungol niya na ang sarap pakinggan. Hinaplos ko ang pisngi niya habang ang dila at labi ko ay naglalaro sa dibdib niya. Buong pagmamahal ko siyang pinasasaya sa pamamagitan ng mga haplos at halik ko. Kapa ko na ang malambot niyang labi at maingat ni inilabas masok sa bibig niya daliri ko kasabay ang pagbaba ng halik ko sa puson niya hanggang sa matunton ko ang hiyas niya. Hinubad ko ang panty niya gamit bibig ko. “Ancel…” Akala ko aawatin niya ang ginagawa ko nang humawak siya sa buhok
CAHAYA POVHindi mawala ang ngiti ko habang papalapit sa kinaroroonan nina Ancel at Belle. Pakiramdam ko nakalutang ako sa ere. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Kung may makakakita nga sa akin ngayon, siguradong iisipin nilang nababaliw na ako. Matapos ang isang linggong pagmumukmok sa kubo, heto na nga at lumabas na rin ako. Syempre, bati na kasi kami ng mahal ko. Kaya kahit pagod, and feeling sore, ang sigla ko pa rin. Ang saya ko pa rin. Nakarating nga kasi ako sa langit kagabi kasama ang mahal ko. Panay pa ang tingin ko sa bitbit kong basket na naglalaman ng pagkaing hinanda ko para sa amin ni Ancel. Noon ko pa kasi sana gustong gawin 'to. Noon ko pa siya gustong pagsilbihan, pero panay naman ang iwas niya, at sa tuwing magising ako, wala na siya. Umalis na at nakahanda na lahat ng kailangan ko. Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa kabila ng papaging siya—sa kabila ng pagiging masamang tao niya. Wala naman akong pakialam kun
“Ay naku, Olga, hindi na nakapagtataka kung pati anak mo ay mabaliw sa lalaking ‘yan. Kita mo naman, mukha at katawan palang, siguradong pagkakaguluhan na ng mga babae,” umiismid na sabi ng kaibigan ni Manang Olga. “At saka, anong masama kung mabaliw man si Telay sa kanya. Binata naman si Ancel at nasa tamang edad na sila pareho.” Bumilog ang mga mata ni Ancel habang ako, nanliit at gusto siyang kurutin. “Oo nga naman, Olga. Hindi naman siguro, tututol si Aya, sakaling magkamabutihan ang tiyuhin niya at si Telay,” dagdag sabi ng isang kaibigan ni Manang Olga na medyo ikinainis ko. Hindi lang pala medyo ang inis ko. Inis na inis pala ako. Ramdam ko kasi ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo ko. Nag-init bigla ang bumbunan ko. “Anong hindi tututol?” gigil at pabulong kong sabi. “Maghunos dili ka, Aya—” pabulong din na sita ni Belle sa akin na sinabayan ng ngiting aso. Ramdam ko pa nga ang bahagyang pagkurot niya sa likod ko. Mapigil niya lang ako. Bumusangot ako at sinamaan siya ng tingin
"Ancel, bakit nangyari sa'yo 'yon? Kilala mo ba ang mga walang puso na bumugbog sa'yo?" wala sa isip kong tanong habang nakatingin sa lugar kung saan siya namin nakita noon. “Parang basura ka lang kung itapon nila,” dagdag ko pa. Nakagat ko ang labi ko at ngumiti kalaunan. Hinaplos-haplos ko rin ang braso niya na yakap-yakap ko na. Daldal kasi ako ng daldal. Nakakahiya. Lalo't hindi siya sumagot. Nakalimutan ko din naman kasi na nangako ako na hindi na magtatanong pa tungkol sa dati niyang buhay. Pero heto ako, parang tanga na nagtatanong na naman. "Aya—""Ancel, okay lang, 'wag mo na sagutin at kalimutan mo na lang ang tanong ko. Hindi na naman 'yon mahalaga. At saka, kahit takot na takot ako noon nang makita ka naming nakahandusay d'yan,” turo ko ang ilalim ng puno. “Bawi na naman lahat ng 'yon, kasi pinalitan mo naman ang takot ko noon ng pagmamahal ngayon," malambing kong sabi sabay sandal ng ulo ko sa dibdib niya.Mahina siyang tumawa saka, marahang nilapat ang labi niya sa noo
"Ahh... ray..." Imbes na mahabang ungol ang lumabas sa bibig ni Ancel, d***g at napahinto pa sa pagkaldag. "Ah.. ya naman e," reklamo niya nang sapilitan kong binaba ang hita ko, at inayos ang panty ko. Napapailing na lamang ako habang tanaw ang mga binatang nagkatisod-tisod sa katatakbo dahil sa takot. Abnorman kasi itong si Ancel. Ewan ko na lang talaga. Lahat nasa kanya niya. "Aya hoy, hintayin mo naman ako," lambing niyang tawag sa akin nang iniwan ko siya. Ang bagal kasi magsuot ng pantalon, pero kapag naghubad, ang bilis. Tinutok ko flashlight sa mukha niya. Bitbitin mo na 'yan, at umuwi na tayo!" Nakasimangot siyang dinampot ang basket at sinundan na nga ako. ****Lumipas ang mga araw, mas lalo pa naming minahal ang isa't-isa. Kahit patago pa kami kong maglambingan at maglandian, hindi naman 'yon naging hadlang na maging masaya kami. Wala nga akong ibang maipipintas sa kanya. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa salita man o sa gawa. "Ancel… " Yakap mula sa likod ang kasa
“Aya, buksan mo ang pinto,” sikmat ni Ancel na sinabayan ng malakas na katok. “Mag-usap naman tayo ng maayos, please,” buntong-hininga ang tumapos sa pagsasalita niya. Hindi ako sumagot. Sinikap ko rin na tumigil na sa pag-iyak. Ayoko nga na isipin niya palagi na mahina ako. Na iiyak lang ako kapag nasasaktan at hindi na lalaban. "Aya, papasukin mo na ako, please. Kausapin mo ako, sigawan mo ako o hindi kaya sampalin mo ako para mawala ang galit mo. 'Wag ganito, Aya."Sira-ulo siya! Maayos nga kaming nag-usap kanina, pero dahil sa makitid ang utak niya, nauwi kami sa away. Tapos ngayon, lungkot-lungkutan na siya. Manigas siya sa labas. "Aya, sorry na, hindi ko naman intention na magalit." Hampas sa pinto na ang kasabay ng pagsasalita niya. "Pero hindi mo rin maalis sa akin na magtaka—na maghinala. Lagi tayong magkasama sa tuwing aalis ka. Bakit biglang ayaw mo na ngayon?" Kung kanina ay galit siya at halos sirain na pinto, ngayon ay bakas na ang lungkot at tampo sa boses niya. Nili
"Ancel, halika na," sabay kaming dumungaw sa bintana nang marinig ang pagtawag mula sa labas. Kasamahan sa trabaho ni Ancel ang tumawag sa kanya, may motor siya kaya sinasabay na lang niya Ancel sa trabaho. "Alis na ako, mamaya na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan pag-uwi ko," matamlay niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko. Tipid akong ngumiti, sabay sabing, "mag-iingat ka.” Kahit pinipilit kong ngumiti, alam ko, ramdam pa rin niya ang lungkot ko. Kahit naman ako, ramdam ko rin na malungkot pa rin siya, kahit pa medyo nagkaayos na kami. "Ikaw rin, ingat sa trabaho. Sorry ulit, ha," matamis siyang ngumiti sabay ang mabilis na halik sa labi ko. Hinatid ko lang siya sa may pinto at kumaway na rin ako sa kapitbahay namin na kakaiba na nga kung ngumiti, kakaiba pa tumingin. Hindi ko alam kung nagpaparamdam sa akin o may naamoy siya sa amin ni Ancel. Napabuga ako ng hangin nang hindi ko na tanaw sila Ancel, mas ramdam ko na kasi ang lungkot ngayong mag-isa na lang ako. At hindi ko
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nagulat kasi ako sa biglang pagsasalita ni Ancel. Akala ko rin ay nasa trabaho pa siya, kasi sarado pa lahat ang bintana pero nasa loob na pala siya ng kwarto. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. “A-ancel… sa bayan, sumama ako kay Belle,” pag-amin ko kahit kabadong-kabado ako.Nakakakaba kasi ang tingin niya. Ang lamig at ang dilim. Hindi ko na nakikita at maramdaman ang malambing na si Ancel. Ang dating hayop at bato na ang nakikita at nararamdaman ko ngayon. Napayuko ako, hindi ko na kasi matagalan ang klase ng mga titig niya. Alam kong hindi ako dapat umakto ng ganito, kasi wala naman akong ginawang masama—wala akong kalokohang ginawa. Kaya lang, alam ko nga kung anong utak mayro’n ‘to si Ancel, seloso at mabilis magduda. "Ancel, sorry may—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Walang salitang umalis kasi siya sa harap ko at dumiretso sa pinto. Napahikbi ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang lamig na nga niya. Hindi man lang niya ako hinayaan
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi
“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab