Home / Romance / When A Meet E / KABANATA 3- LIMITED EDITION

Share

KABANATA 3- LIMITED EDITION

Author: LovieNot
last update Last Updated: 2021-10-19 20:01:48

WHEN A MEET E

Angelic Tomas

Maingay ang loob ng waiting room dito sa NCB studio. Linggo ngayon kaya meron na namang variety show at inimbitahan din kaming mag-perform. 

Nakakatawa lang na pati ba naman dito ay kasama pa rin namin si Eionn Santino. Ang awkward nga dahil ang mga manager lang namin ang nag-uusap habang kami ay tahimik lang. Maging si Eionn ay nanatili lang sa kanyang pwesto mula nang dumating ito rito. Mas nauna kasi kaming dumating dito.

"Bakit kinakabahan ako?" angil ni Moonah.

"Ikaw lang ba Moon? Ako rin naman eh," singit ni Solar. Nararamdaman kong magsisimula na namang magkulitan ang dalawa.

"Asus, gaya-gaya ka lang eh."

"Gaya-gaya ka diyan? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang kabahan ha? Hindi lang naman ikaw ang anak ng diyos dito ah?" 

Dahil sa huling lintanya ni Solar ay napuno ng tawanan ang silid. Nakita ko ring tumawa maging ang crew ni Eionn mula sa reflection ng salamin na nasa harapan ko ngayon.

"Ate Angelic, inaaway na naman ako ni Solar oh," parang batang sumbong ni Moonah.

"Wala akong kapatid dito," patutsada ko rin. Ang pagtawag ng Ate ang pang-asar talaga nito sa akin. Nagkasundo kasi kami noon na pangalan na lang ang itatawag namin sa isa't-isa since iisang grupo lang naman kami tapos isang taon lang din ang agwatan namin.

"Ayaw pa kasing tanggapin na matanda na siya," tudyo sa akin ni Yejin.

"Excuse me, buwan lang naman ang tanda ko sayo ah?" angil ko naman. I can't believe na ganito ang usapan namin gayong nasa tabi-tabi lang ang mortal enemy namin.

"Matanda ka pa rin."

"Ya! Tumigil ka na!" may kalakasan kong saad. Nagtawanan na naman sila. 

"Sensitive si Ate," dagdag asar na naman ni Solar sabay hagalpak ng tawa kasama sina Yejin at Moonah. Wala akong nagawa kundi ang matawa na lang din.

"Ewan ko sa inyo, akala niyo ililibre ko pa kayo ha?" maktol ko pa.

"Bunso ang ganda ng damit mo ngayon," biglang puri sa akin ni Yejin. 

"Korek! Ikaw ang pinakamagandang Angelic na nakilala ko," dugtong ni Solar.

"Ahah! Couldn't agree more," singit din ni Moonah.

Pinigilan kong matawa. Minsan talaga hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa mga ito eh.

Matapos kaming maayusan ay sabay-sabay na kaming tumayo. Hinanap ko na ang sneakers ko. 

"Ya! Where's my damn shoes?" usal ko nang hindi ko makita ito. Hinalughog ko na ang lahat na bag na dala namin pero wala. 

Nasapo ko ang aking noo habang inaalala kong nadala ko nga ba o hindi. 

"Matanda na talaga," pang-aasar na naman sa akin ng tatlo. Dahil sensitive ako ay inirapan ko lang silang tatlo at naghanap na lang ulit.

"Damn baby, where are you?" angil ko na naman habang naghahanap. " May extra shoes ba kayo?" tanong ko sa tatlo na kumakain na naman. 

"No, sister." Sabay pa talaga sila.

"Sigurado ka bang nadala mo?" ani 'ma Hazel. Nag-isip na naman ako.

"Yes, I mean... Maybe?"

"Maybe means no," singit na naman ni Yejin. Frustrated ko silang tiningnan. Alam nilang bad trip na ako kay pare-pareho silang nag-peace sign at nanahimik.

"Here," bigla ay saad ni Eionn. Nasa harapan ko na pala ito. Inaabot nito sa akin ang white shoes. Sa tingin ko ay kakasya rin talaga ito sa akin. "Don't worry, hindi ko pa 'yan nasuot at hindi rin naman kasya sa akin, nagkataon lang na nadala pala namin," dagdag paliwanag niya.

"Huwag na, papabili na lang ako kay 'ma Hazel," tanggi ko. Pakiramdam ko ay biglang natahimik ang silid o baka guni-guni ko lang.

"Nagsisimula na ang show at ang alam ko ay malapit na kayong sumalang, mas uunahin mo pa ba ang pride mo kaysa sa performance ninyo?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa lalaking ito o maiinis.

"Ang yabang..." 

"Thank you Eionn. Ito na lang ang ipapasuot ko kay Angelic," pamumutol ni 'ma Hazel sa diyalogo ko. Bitbit ang sapatos ay hinila ako nito papunta sa isang sulok.

"Ma naman? Pwede naman akong mag-heels na lang eh," reklamo ko. Pinanlakihan lang ako nito ng mata.

"Alam mong mas komportable kapag sapatos ang suot mo. Isa pa hindi babagay sa suot mo ang heels. Babayaran ko na lang 'to kay Eionn, okay? Isuot mo na 'yan at mag-ready na kayo." 

Laylay ang balikat na isinuot ko na lang ang sapatos na galing kay Eionn. Hindi lang ito basta sapatos dahil branded talaga ito. 

Kung minamalas ka nga naman! Ang tanga rin kasi Angelic 'no?

Maya-maya lang ay nagsilabasan na kami ng waiting room at pumunta na ng backstage. Marami kaming kakilalang performers din kaya nakipagbatian din muna kami.

"Oh. I like your shoes, girl," biglang puna ni Sharry sa suot kong sapatos. Pinigilan ko namang mapasinghap.

"Tingin?" usyuso rin ni Eros. Bahagyang nanlaki pa ang mata nito.

"Why?" takang tanong ko. Na-curios na rin tuloy ang iba pang kasamahan namin.

"That's a limited edition shoes. Ikaw pala ang nakabili? I thought si Eio..."

"Pareng Eros, ang gwapo mo ngayon ah? Infairness," kwelang saad ni Solar dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat sa sinabi nito. Iyon ang naging simula ng tudyuan nila. Sini-ship din talaga silang dalawa ng Quadros at ng fans ni Eros.

Nakahinga ako nang maluwag at pasimpleng pinasalamatan si Solar. Tumango lang ito at ngumiti. 

Minuto pa ay sumalang din kami ng stage. Kagaya ng nakasanayan ay umaalingawngaw ang boses ng fans namin. Habang nagpe-perform kami ay naririnig namin ang default chant nila na ginawa para sa amin. Agaw pansin din ang hawak nilang banner na may nakasulat na 'never let go QQ'.

Sa tuwing nakikita ko iyon ay tila ba nalulusaw ang puso ko at gusto kong umiyak. Kakaiba talaga ang pagmamahal na ibinibigay sa amin ng Quadros at iyon mismo ang dahilan kung bakit kailangan naming manatili sa kung saan kami ngayon. 

Pagkatapos ng performance namin ay bumalik na kami ng waiting room. May isa pa kaming performance kaya hindi pa kami pwedeng umalis. 

"Anong oras ang schedule natin sa DU academy?" usisa ni Yejin. Napakamot ako sa aking noo dahil nakalimutan ko pala ang tungkol doon.

"7:00 p.m. Invited din pala si Eionn kaya naman nagdesisyon kaming isang sasakyan na lang ang gagamitin natin papunta ro'n."

"What?" gulat kong usal. Napatitig ako sa tatlo. Hindi ko rin kakakitaan ng pagkagusto sa sinabi ni 'ma Daisy ang mga mukha nito.

Hindi ko maintindihan at mas lalong hindi ko matanggap ang nangyayaring ito. Bakit kailangan pareho kaming invited sa iisang event or show?

"Hayaan mo na, bayad na rin iyon sa utang na loob natin sa kanya," bulong sa akin ni Moonah.

"Utang na loob?" taka kong tanong.

"Remember, sa kanya pa rin 'yang limited edition shoes na suot mo," bulong din sa akin ni Solar na halatang may halong pang-iinis.

"Tsaka faith na yata natin ito sa araw na ito. Let's accept it and move-on. Tomorrow is another day, another schedules at sana hindi na natin makasama si Mr. Santino."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabing iyon ni Yejin. Medyo sumang-ayon na rin lang ako at nagsimula ng mamanata na sana last na itong pagkakataong ito.

Alas kwatro ng hapon na rin natapos ang NCB studio variety show. Pagkatapos na pagkatapos ay agad kaming umalis at tinahak na ang daan papuntang DU academy kasama si Eionn. 

Nasa iisang sasakyan kaming lima kasama ang private driver, manager ni Eionn na si Ate Betty at si 'ma Cynthia. Samantalang nasa dalawang sasakyan naman na nakasunod sa amin ang iba pa naming kasamahan.

Ang awkward lang dahil kami pa talaga ni Eionn ang nasa pinakadulo. Nasa front seat si Ate Betty. Nasa unang row naman si Yejin at 'ma Cynthia at ikalawang row naman sina Moonah at Solar.

"I'm hungry, bili tayo ng pizza," suhestiyon ni Yejin. 

"Hawaiian?" dagdag ni Moonah. Agad na sumang-ayon si Solar. Nai-unlock ko ang phone ko na kanina ko pa kinakalikot para lang hindi mas lalong maging awkward kami ni Eionn.

"How about me naman mga mare? Hindi niyo ko tatanungin?" sabat ko. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong saglit na napalingon sa akin si Eionn. Nagulat siguro sa biglaang pagsalita ko. 

"Relax mare, kasabay ka naman sa budget eh. Ikaw pa ba, boss?" tugon ni Yejin na ikinatawa pa nila. 

Bahagya akong napanguso. Mga bully talaga ang mga 'to eh. Minsan hindi ko alam kung ako ba talaga ang pinakamatanda sa amin o ako ang bunso.

"How about you, Eionn? I mean Kuya Eionn? Ano bang itatawag namin sayo?" usisa ni Solar sa lalaki. Nagpanggap akong walang pakialam kahit na nakikinig naman talaga ako.

"Just call me by my name, it's fine."

"You want pizza too? Anong pizza ang gusto mo?" ulit na tanong ni Moonah.  

"Uhm, cheese pizza? If available."

"Ohh," sabay-sabay pang sambit ng tatlo sabay tingin sa akin. 

Damn it! Pati ba naman sa pizza ay pareho kami ng taste?

"Great. Let's order Hawaiian for us and cheese pizza for the two of you," may diin pang saad ni Solar. 

Gusto ko itong batukan pero hindi ko naman ito maabot. Naramdaman ko na naman na napatingin sa akin si Eionn.

"What?" mahina kong tanong.

"Nothing," mahina niya ring sagot. Iyong kami lang ang nakakarinig sa isa't-isa. Nagkukulitan din naman kasi ang tatlo kaya may kaingayan sa loob.

"Maingay talaga kami, sana sa isang sasakyan ka na lang sumabay."

"I know."

"You know what?"

"Na maingay kayo."

"Paano mo nalaman?"

"QQTV," tipid nitong saad na ang tinutukoy ay ang YouTube channel namin. Nadapuan ako ng konting hiya. Lahat pa naman ng uploaded videos namin ay para bang may world war lang palagi dahil sa kakulitan at kalikutan namin. 

Napadapo ang tingin ko sa sapatos kong suot. Naalala ko na naman ang sinabi ni Eros na limited edition ito.

"Limited edition?" diretso kong tanong. Mukha namang naintindihan niya agad ang tinutukoy ko.

"Yes." Pasimple akong napangiwi dahil sa katipiran niya magsalita. Last time ay hindi naman siya ganito katipid magsalita ah?

"Nakatadhana pala talagang papunta ito sa akin," ani ko sa kaswal na paraan. Napalingon na naman siya sa akin habang ako ay nakatitig lang sa screen ng cellphone ko.

"Why? What do you mean by nakatadhana?" 

"Limited edition kamo itong shoes na ito?" 

"Yes."

"Me too."

"You too, what?"

"I'm a limited edition too," halos pabulong ko lang saad. Hindi ko rin sigurado kung narinig niya ako.

"Should I purchase you then?" Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig ko. Marahan akong napalingon sa kanya habang nanliliit ang mga mata.

"Pakiulit ng sinabi mo?" may diin at halong paninindak kong saad.

"Bakit galit ka? Limited edition ka kamo?" puno ng pang-iinis niyang saad. Sa inis ko ay buong lakas ko siyang inapakan sa paa. Napahiyaw siya sa sakit pero umakto akong inosente at walang ginawa.

Natahimik ang buong sasakyan at lahat ay napatingin sa kanya, maging ako at umaktong nagulat din. 

"What's wrong?" maang kong usisa. 

"N-othing," aniya bagay na ikinahinga nang maluwag ng mga kasamahan namin. "Psycho," mariin niyang sambit. 

Nagkibit-balikat lang ako at lihim na napangiti. 

Tingnan natin kung hanggang kailan ka magiging buntot-buntutan sa amin, Mr. Santino.

Related chapters

  • When A Meet E   KABANATA 4- FAMILY-LIKE

    Angelic TomasPagkarating na pagkarating namin sa DU Academy ay hiyawan at palakpakan agad ang sumalubong sa amin.Pinakalma ng school staff ang mga estudyante at pinadiretso kami sa faculty room nila. Todo asikaso rin sila sa amin. Pakiramdam ko ay imposibleng madapuan kami ng lamok dito. Sobrang nakaka-touch ang trato nila sa amin.Napag-alaman din namin na kaibigan pala si Eionn ang Dean dito. Hindi ko tuloy maiwasang magduda na may kinalaman siya sa pag-imbita nito sa amin. Alam kong pare-pareho lang ang nasa isip naming apat."Nag-conduct kami ng survey sa school kung sino ang gusto nilang maging guest sa foundation namin at as expected ay QQ at ES ang nangunguna sa listahan," kwento ng principal na babae na siyang kumakausap sa amin."Buti na lang at kami ang pumangalawa," natatawang sambit ni Yejin. Bahagyang natigilan ang principal.

    Last Updated : 2021-11-04
  • When A Meet E   KABANATA 5- GROSS

    When A Meet EAngelic TomasDahil sa nangyari sa DU academy noong nakaraang linggo ay hindi na muna kami tumanggap ng imbitasyon galing sa ibang pang academy at college festivals. Nanatili ring lihim ang naganap ng gabing iyon.Napag-alaman din naming na isa sa obsessed fans ko ang DU student na iyon. Ayon sa report ay maraming x-rated pictures ang natagpuan sa kwarto ng bata at ang nakakalilabot ay mukha ko na ang nasa mga larawan pero halata namang edited lang ang lahat.Dahil sa minor age pa ang lalaki ay hindi namin pwede pang makasohan kaya sa halip ay isinailalim na lamang ito sa isang counseling. Malaki pa naman daw ang chance na mabago pa ang behavior ng bata.Hindi ko rin maiwasang ma-guilty knowing na ako ang dahilan kung bakit nagkaganon ang batang iyon. Yes, wala akong kasalanan pero nakakasama lang ng loob dahil ganon ang epekto ko sa mental health nito.

    Last Updated : 2021-11-05
  • When A Meet E   KABANATA 6- BATTLE OF THE GROUPS

    When A Meet EAngelic TomasPasimple akong napairap nang madatnan namin ang bagong grupo at alas laban sa amin ng SKArtists Company na nagwawarm-up na para sa isang dance show dito sa 1BDanceRoom na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na dance instructors ng bansa. Ang pangalan ng grupo nila ay MultiGirls dahil may kanya-kanya umamo silang talento bukod sa pagkanta. Si Hesthia ang leader nila na kasing edad lang din ng youngest members namin. Ang iba ay mas bata pa sa kanya.Kahapon ay nakita ko kung paano sila mag-rehearse at masasabi ko rin namang magagaling silang lima pero hindi pa iyon sapat para matapan nila kami bilang seniors nila.Sa tingin ko rin ay masyadong binibilog ang ulo ng mga ito para magkaroon ng lakas loob na kalabanin kami. I mean, halata namang nagpapa-impress sila lagi eh.Kahapon lang din ay nalaman

    Last Updated : 2021-11-06
  • When A Meet E   KABANATA 7- RUMORS

    When A Meet EAngelic Tomas"I'm fucking tired!" hiyaw ni Moonah. Mabilis pa sa alas-kwatro na natapik ni Solar ang bunganga nito. "What?" irita nitong asik sa isa.Pare-pareho kaming pagod dahil sa audio recording at choreography practice namin sa bago naming ilalabas na song kaya naman hindi maipagkakailang pare-pareho rin kaming sensitive."Stop spitting bad words, dear.""Miss Solar, para namang hindi ka rin nagmumura ah?" bwelta na naman ng isa at pabirong hinawi ang kamay ni Solar na kinakalikot ang cellphone nito. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang kawawang cellphone sa sahig."Omo, my phone, my phone! " hiyaw nito at umakto pang umiiyak habang dinadampot ang cellphone.Kahit pagod na pagod ako ay nagawa ko pa ring makitawanan kila Moonah at Yejin dahil sa kakulitan ng boses ni Solar. Mabilis pa sa hangin na nahalikan ni

    Last Updated : 2021-11-07
  • When A Meet E   KABANATA 8- WORST CRITICISM

    When A Meet E Angelic Tomas Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang. "Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad. "You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go." "Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to." "At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!" "Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw." "But it doesn't mean na may karapatan na

    Last Updated : 2021-11-08
  • When A Meet E   KABANATA 9- ANGELIC X MARIAH

    When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga

    Last Updated : 2021-11-09
  • When A Meet E   KABANATA 10 THE REAL BITCH

    When A Meet EAngelic TomasNagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako."Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito."Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito.""Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 

    Last Updated : 2021-11-11
  • When A Meet E   KABANATA 11- COMMAND TO OBEY

    When A Meet EAngelic Tomas"Everyone, come here!" masigla kong saad sa members ko. Agad naman silang lumapit sa akin."5,4,3,2,1 uy!" sabay-sabay naming sambit. Eksaktong 6:00 p.m ay inilabas ang music video ng 'Dont come' song namin. Ito ang pinakabida sa album naming QueenSentimental. Lahat ng kanta na nakapaloob dito ay puro hugot song.Seryoso naming pinanuod ang MV sa YouTube channel namin. Simula bukas ay ire-release din ito sa iba pa naming partnered channels for promotion. Nandito rin kami sa NCB studio para live na magperform mamayang 8:00 p.m."Yow!" hiyaw namin nang matapos na naming mapanuod ito. More than 3 minutes din ang itinagal niyon."Great job, everyone!" sigaw ko. Palakpakan naman ang naging sagot ng lahat. Ito ang sinasabi naming worth it sa pagod at paghihirapa namin during filming. 

    Last Updated : 2021-11-12

Latest chapter

  • When A Meet E   CHAPTER 26- CHASING

    Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt

  • When A Meet E   CHAPTER 25- DEATH THREAT

    Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo

  • When A Meet E   CHAPTER 24- WEIRD FEELING

    Matapos ang I*nstag*am live namin ni Eionn ay humupa ang tungkol sa third wheel issue ko sa breakup nila ni Mariah at nabaling ang atensiyon ng lahat sa issue ni Jacxon. Bilang na lang din talaga ang araw para malaman ng lahat kung sino ang totoong villain. Walang sekreto na hindi na bubunyag.Kinabukasan naman ay nag-resume na ang mga group activity namin. Nakatanggap din kami ng mga bagong invitation mula sa mga kilalang music show at universities. Naging matunog ulit ang QuardoQueens sa publiko. Isang buwan na rin naman na may peace of mind kami pare-pareho. Si Eionn naman ay mas napalapit sa amin. Madalas namin siyang makasalamuha sa studio at sa kung saan-saang event. Ngayon ay may saglit na rehearsal kami para sa pupuntahan naming event kung saan magsasama-sama ang mga mang-aawit sa bansa na galing sa iba't-ibang agency. May mga invited ding A-listers actors at actresses. Unicolors Ball kung tawagin. Annual celebration na ito sa industry namin. Magpe-perform din muna kami sa

  • When A Meet E   CHAPTER 23- AFFAIR AND ALIBI

    "Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin."Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar. "Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na."Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya. "Ano? Magtititigan lang ba tal

  • When A Meet E   CHAPTER 22- REPUTATION

    "I'm sorry," sabay-sabay na paumahin nila sa akin matapos kong iparinig sa kanila ang kabuuang audio record ng usapan namin ni Pauleen."Tsaka kahit naman hindi mo nahanap ang full file nito ay naiintindihan ka naman namin eh," dagdag ni Yejin. "Oo nga, medyo na shook at nag-overract lang talaga kami," sabi naman ni Solar sabay yakap sa akin. Agad namang nakiyakap din sina Yejin at Moon. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sila pwedeng ipagpalit sa kahit ano, kahit sa mga bagay na mas ikabubuti ko bilang artist. Hindi ko sila kayang iwanan sa ere. Kailangan kong masolusyonan ang krisis na kinakaharap namin ngayon, hindi dahil ako ang involved kundi bilang QQ's leader. "Me too, I'm sorry," saad ko naman. Isang minuto lang din siguro at nagsikalasan na sila sa akin."So, ano nga ba ang nangyari sa inyo kahapon? Bakit naman natagpuan ka sa filming site ni Eionn?" usisa ni Moon sakin. Bumuntong-hininga pa ako bago isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang tungkol sa p

  • When A Meet E   CHAPTER 21- REASONS

    Nagising ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Marahan akong napamulat at halos tumalsik ang aking kaluluwa nang bumungad ang pagkalapit-lapit na mukha ni Eionn sa akin.Awtomatikong napalayo ako sa kanya. Bumangon na rin ako dahil batid kung maliwanag na rin naman sa labas. Sa himbing ng tulog ko ay halos nakalimutan ko ng may katabi pala ako. Agad kong sinuri kung ano oras na. It's 8 am, and I find myself unable to look away from Eionn as he sleeps so peacefully. His strong features appear even gentler in slumber, and his dark, tousled hair gracefully falls over his forehead. I notice the steady rhythm of his breathing, accentuating his well-defined physique. Bathed in the soft morning light, he looks almost otherworldly, like a living melody. My heart flutters as I watch him, completely captivated by his tranquil beauty.Tapos na ba ang MV shooting ng isang ito? Ang sarap ng tulog eh. Napagdesisyonan kong gisingin siya, baka may lakad pa ang isang ito. Bahag

  • When A Meet E   CHAPTER 20- E'S FAVOR

    Pabaling-baling lang ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Pasado alas y dos na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ang diwa ko.Naiinis akong bumalikwas ng bangon at walang alinlanlangang lumabas ng kwarto. Sumalampak ako ng upo sa sofa at binuksan ang TV ni Eionn. Natuwa pa ako dahil connected din pala ito sa Netflix. Kaagad akong nag-browse ng horror movies at namili ng papanuorin. Nang makapamili na ako ay kaagad kong plinay. Tutok na tutok lang din ako sa bawat eksena kahit na nangangatog ang aking sistema dahil sa takot. "What are you doing?""Jesus!" hiyaw ko dahil sa gulat. Bigla ba namang pumaimbabaw ang boses na iyon eh. "Ano ba naman, Santino! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan eh.""Ano ba kasing trip mo? Nanunuod ka ng horror movie sa ganitong oras?""Leave me alone. Hindi kasi ako makatulog eh. Namamahay yata ako," paliwanag ko pa. "Sorry kung nakinuod ako nang hindi nagpapaalam sayo. Akala ko kasi ay tulog ka na. Hindi ka rin ba makatulog?""Yeah. Paano ako makak

  • When A Meet E   KABANATA 19- TOGETHER

    When A Meet EAngelic Tomas"Sa kanang kwarto ka, ako naman dito sa kaliwa. Kung gusto mong magpalit ng damit, pahiramin muna kita. May mga damit dito si Mariah na naiwan." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pangalang kanyang binanggit."What did you just say huh?" paninigurado ko pa. Baka ka'ko mali lang ang pagkarinig ko. Bingi pa naman ako kung minsan."What I mean is... I-yong mga binili kong damit na para dapat kay M-ariah. Hindi niya pa naman iyon nasusuot eh."Psss, may pasabi-sabi pa siyang siya lang daw ang nakakaalam sa lugar na ito, iyon pala ay dinala niya na rito sa Mariah. Tsk, ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang sa malamang ay narating na ng ex nito ang lahat ng lungga nito."Okay lang naman ako, nakapagligo naman ako kanina bago umalis ng hotel eh. Anyway, hindi ka ba babalik doon? Tap

  • When A Meet E   KABANATA 18- TOO GOOD TO BE TRUE RUMOR

    When A Meet EAngelic TomasNang makarating ako ng Tagaytay ay agad akong naghanap ng hotel. Nag check-in muna ako bago napagdesisyonang maggala. In-off ko ang cellphone ko kaya walang makakakontak sa akin.Weird pero pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging malaya. Iba pa rin talaga ang buhay ng isang ordinaryong tao. Makakapunta ka sa kung saan-saang lugar na walang camera na sumusunod sayo, na walang taong makakakilala sayo.Noon ay pinangarap kong maging sikat sa larangan ng musika pero ngayon ay gusto ko na lang magkaroon ng regular na trabaho sa industriyang kinalalagyan ko. Kahit hindi na sikat basta payapa ang bawat segundo ng buhay ko. Imposible man na ngayon pero gusto ko pa ring mangyari iyon.Kailan kaya? Ewan.Sa ngayon ay isang malapad na espasyo muna ang kailangan ko para makahinga nang maayos. I'm

DMCA.com Protection Status