Home / Romance / When A Meet E / KABANATA 6- BATTLE OF THE GROUPS

Share

KABANATA 6- BATTLE OF THE GROUPS

Author: LovieNot
last update Huling Na-update: 2021-11-06 14:55:16

When A Meet E 

Angelic Tomas 

Pasimple akong napairap nang madatnan namin ang bagong grupo at alas laban sa amin ng SKArtists Company na nagwawarm-up na para sa isang dance show dito sa 1BDanceRoom na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na dance instructors ng bansa.   

Ang pangalan ng grupo nila ay MultiGirls dahil may kanya-kanya umamo silang talento bukod sa pagkanta. Si Hesthia ang leader nila na kasing edad lang din ng youngest members namin. Ang iba ay mas bata pa sa kanya. 

Kahapon ay nakita ko kung paano sila mag-rehearse at masasabi ko rin namang magagaling silang lima pero hindi pa iyon sapat para matapan nila kami bilang seniors nila. 

Sa tingin ko rin ay masyadong binibilog ang ulo ng mga ito para magkaroon ng lakas loob na kalabanin kami. I mean, halata namang nagpapa-impress sila lagi eh.

Kahapon lang din ay nalaman namin mula sa mga manager namin na taon na rin palang trainees ang MG, ang kaso ay ngayon lang talaga sila ipinakilala ng sa amin. 

Siguro ay ganon na nga talaga ang galit sa amin ng CEO namin. I'm just wondering kung bakit ganito ang nangyayari sa amin gayong kapag nakikita namin ito ay mabait at nakikisama naman ito sa amin. She's a great woman sa point of view ko noon pero nabago iyon nang nagsimula silang bigyan kami ng obvious na kakompetensiya sa mismong loob ng bilog na pare-pareho naming kinalalagyan. 

Well, dalawa lang naman ang hinala namin eh. It's either ang CEO talaga ang may pakana nito o meron pang iba na hindi namin nakikilala pa. 

"Look at these kids," may halong iritang saad ni Yejin. Hindi hamak na mas bata ang mga ito sa amin maliban sa lider pero kung umasta ay para bang kasing level lang namin ang mga ito. 

"Sarap pagtitirisin, diba?" himutok naman ni Moonah na ikinatawa lang ni Solar. 

Isang dance routine lang ang sasayawin ng lahat ng indibdwal o grupo na nandidito ngayon. Parte lang naman ito ng dance lesson namin pero parang nagmumukhang dance show talaga. Nasa labas din glass wall studio ang mga fan ng mga participant kabilang na ang ilan sa fans namin. 

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nahagip ng aking paningin si Eionn. Kasama nito ang mga singer na naging ka-close niya sa dati nitong kompanya.

Habang parami nang parami ay hindi maiwasang magkasiksikan sa loob. Umabot sa punto na naging kahanay na namin ang grupo nila Eionn. To be exact ay nasa tabi ko na siya. 

"Goodluck," rinig kong saad nito. Nag-angat naman ako ng tingin para sigurohin kung para sa akin ba iyon. Nagtama ang paningin namin kaya sure akong ako nga ang kausap niya.

"Luck? May talent kami, you know," pabiro kong saad at palihim na napairap. 

"Ang humble mo rin talaga 'no?" sarkastiko niyang asik. Nagkibit-balikat lang ako. Sa kanya lang naman ako nagiging sarkastiko eh. 

Nang dumating si Teacher Shara ay nagsimula na nga ang showdown. As expected at talagang magagaling sumayaw ang mga nauna. Karamihan din ay solo lang. Lahat sila ay regular students umano rito.

"Okay, how about this group?" turo ni Teacher Shara sa grupo ng MultiGirls. Sa mga company trainees kasi na nandidito ay sila ang nasa unang hanay. 

"Okay!"

"Fighting!" Cheers pa nila at pumagitna na. 

Nagkadikitan kaming apat at pare-parehong mataman na nakatitig sa kanila. Smooth ang bawat galaw at nasa kanila pa rin iyong nag-aalab na determinasyon, 'ika nga nila. Kung sa bagay ay trainees palang, hindi pa nila nararanasan ang pressure at suffering bilang isang professional performers.

And to be honest, hindi lang talaga ganda ang pambato nila kundi maging talento rin. Bilang performers ay na-appreciate ko ang energy nila na ibinibigay at ipinapakita. Halos karamihan din na nandidito ay nakanganga lang sa buong performance nila. 

At kung kinakakitaan ko sana sila ng pagrespito sa amin bilang seniors nila ay baka matuwa pa ako sa kanila at tulungan pa silang umangat. Pero hindi eh. Wala akong pagrespito na nakikita at nararamdaman sa kanila. 

Nang matapos naman ang performance nila ay tudo hiyawan at palakpakan ang natanggap nila. Mas malakas pa kaysa sa mga nauna.

"They're the newest trainees of SKA company, right?" rinig ko pang tanong mula sa bandang likuran namin.

"Yeah, the next QQ perhaps?"

"Iyan din ang narinig ko kanina."

"Is that even possible? I mean, QuadroQueens is no joke. They're the living monster when it comes to the stage performance, either live or recorded."

"Of course. Nakita mo naman ang galing nila. Konting training pa, pwede na silang maging official group."

"So kapag sumikat sila, does it mean na... Goodbye QQ na?"

"Well... Parang gano'n na nga? You know... That's the default rule." 

"The so-called unspoken rule."

Narinig ko lang ang tawanan sa huling patutsada na iyon. Palibhasa ay nakamask at cap pa kaming apat kaya hindi nila alam na nandidito lang kami sa tabi-tabi. Sa tingin ko ay si Eionn at ang fans lang namin ang nakakakilala sa amin. 

Hindi na ako nagsayang ng oras para tapunan ng tingin ang tatlo kong kasamahan dahil alam kong katulad ko ay bad trip na rin ang mga ito.

"You can't lose to those kids, right?" rinig ko na namang saad ni Eionn. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. 

Obvious naman ang sagot eh, magtatanong pa. Nang-aasar ba ang isang ito?

"Well, they're all good. Kapag wala kayong ginawa ay baka magkatotoo ang goodbye QQ speculation." 

"Will you please shut your mouth up?" saad ko rin. Sa hina ng boses namin ay kaming dalawa lang talaga ang nakakarinig ng usapan namin.

"How about a showdown with me?" Napatitig na talaga ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Showdown with him? What the hell with this man?

"Come out," pautos nitong saad at pasimpleng lumabas ng room. Minuto pa akong nag-isip kung susunod ba o hindi pero dahil curious ako sa mga pinagsasabi nito ay nagpaalam muna ako sa tatlo na mag-c-cr lang. 

Nang matagumpay ako na nakalabas ng room ay agad na hinanap ko agad ang lalaki. Luckily ay nakita ko naman agad ito.

"Let's dance together. I mean, ako at kayong apat... In one."

"Are you kidding me?" may diin kong asik.

"Nope.. I'm serious." 

"Funny."

"A showdown or QQ's shut down, you choose." Naiirita ko itong tinitigan.

"So you really think na trainees lang ang magpapabagsak sa amin?"

"Sa tingin mo?" 

Hindi ko alam kung bakit natameme ako. Wala akong mahitang sagot bagay na mas ikinainis ko pa sa lalaking ito. Bini-brainwash ba ako nito?

"Look, career ng grupo ninyo ang nakasalalay dito. Hindi lang sayo kundi grupo. I'm just here extending my hands to help you overcome this crisis us the QQ' s leader."

"Paano kita pagkakatiwalaan kung una sa lahat ay hindi ka naman namin kilala pa? "

"The choice is yours." Pagkasabi niya niyon ay bumalik na siya ng room. Ano na naman kaya ang nasa isip ng lalaking iyon para mag-offer ng ganon. Talaga bang nag-aalala siya sa amin o gusto niya lang ipakita kung gaano siya ka-powerful? 

Nailing na lang ako at bumalik na rin sa loob. Napakunot-noo ako nang mapansing ang MG na naman ang nasa gitna. This time ay ibang song ang pini-perform nila kasama si Teacher Shara. Halos mabingi na ako sa sigawan at palakpakan.

"This is bad," tila wala sa sariling sambit ni Yejin.

"Tell me about it... No, don't ever tell me how good they're," tugon ni Solar. Ako naman ay walang masabi.

"Ang lakas ng trainees na ito na hamonin si Teacher Shara, grabi," usapan na naman ng mga chismosang nasa likuran namin.

"Sinabi mo pa, pero in fairness ang gagaling nila."

"Mas magaling sa famous seniors nila?" tila nang-iinis na sambit ng isa.

At doon na naputol ang maiksi kong pasensiya. Bakit ba ikinukumpara nila kami sa trainees lang? I mean QQ is QQ and MG is MG. Hindi nila kailangan ikumpara ang dalawa grupo. 

"Mukhang may battle of groups sa iisang company lang ah? This is quite exciting," sambit na naman ng isa sa nasa likuran namin. 

Hindi ba talaga nila alam na nandito kami o sadyang nang-iinis lang sila? Ganito na ba talaga kawalang galang ang mga junior artist ngayon?

"Ha!" asik ni Solar na kami lang ang nakarinig.  Parang gusto kong matawa na lang na ewan.

"Let's do it," saad ko kay Eionn.

"Ang alin?"painosente pa nitong saad, halatang nang-aasar.

"Our first unplanned collab."

"Okay."

"Let's dance with Eionn," deklara ko sa tatlo kahit kinakabahan ako at nag-aalinlangan pa rin. Saktong natapos ang performance ng MG at ni Teacher Shara.

"What?" reak ng tatlo pero wala na silang nagawa pa kundi ang sundan ako sa gitna. Sabay-sabay naming tinanggal ang mask na suot namin. Nagsimula ring pumaimbabaw ang musika.

Mababakas sa mukha ng lahat ang gulat nang makitang nasa gitna kaming QQ ngayon kasama ang isang legend performer na si Eionn Santino. Nagsimula kaming umindak at napangiti ako sa reaction ng lahat. Maging si Teacher Shara ay malinaw sa pandinig ko ang hiyaw at palakpak nito.

Walang makakapagpabagsak sa QQ. Wala.

Ngayon lang yata kami humataw ng ganito. Idagdag pa na hindi naman ito importanteng event eh. Katuwaan lang nga sabi nila pero kapag hindi namin ito ginawa ngayon ay pakiramdam ko pagsisisihan namin ito sa buong buhay namin.

"Wow! QQ and ES in one floor!"

"QQ is the best!"

"Queens, indeed!"

"ES is a great dancer too!" 

"Angelic!"

"Yejin!"

"Solar!"

"Moonah!"

"QuadroQueens!"

"Let's get it! Come on!" sigaw ni Solar habang sumasayaw sa ritmo. Maging ako ay humahanga talaga sa galing nitong sumayaw. Hiyawan naman ang naging tugon.

Ang mga chant na iyon ang mas nagbigay sa amin ng lakas para humataw pa at sumabay sa ritmo ng kanta. Aksidenteng nagkadikit ang likurang bahagi namin ni Eionn. Saglit kaming nagkatinginan.  Akmang pipihit na ako papalayo sa kanya nang hapitin niya ang bewang ko at may ibinulong sa akin.

"1st collab, success..."

"Stay away from me," asik ko pabalik at itinulak siya sa pabirong paraan. Ang totoo ay gusto ko pa sana siyang tadyakan at ilampaso sa sahig lalo at nakita ko ang nakakaasar niyang smirk.

Ang lakas ng loob na hawakan ako, psss. Sayaw lang ang usapan dito. Skin ship is a no for me.

Wala na akong ibang narinig kundi nakakabinging hiyawan at palakpakan. Hindi na nakontento ang iba at nagtatalon at nanghahampas pa ng katabi. Ang grupo na nasa likuran namin kanina ay mukhang naging fans na rin namin. 

"QQ's Angelic and Eionn shippers! Anyone?" biglang sigaw ng isa sa microphone.

"Me!" Sigawan naman ng karamihan. Pati ang nasa labas ng studio ay nagkakagulo na dahil sa ginawang iyon ni Eionn sa akin. 

Ang tatlo kong kasama ay mukhang nag-e-enjoy din sa pangbubwiset sa akin ng kugtong na Eionn. Hindi rin naman ako nagpatalo dahil mas naging determinado ako na tapatan ang kasaltikan ni Eionn na lalong nagpawala sa mga manunuod.

"I think, the new ship is born here at 1BDANCEROOM!"

"A&E ship! Oh, yes!"

Natapos ang sayaw namin na hindi maawat-awat ang sigawan. Nag-bow lang kami at sabay-sabay na lumabas ng room. Pero bago pa kami tuluyang nakalabas ay tinapunan ko pa muna ng tingin ang MG na may kasamang paninindak.

Kung kasalanan man na protektahan ang career naming apat at kung kasalanan man na labanan ang mga bagohang iyon ay tatanggapin ko ang pagkakasalang iyon bilang lider ng QQ. 

"Saan tayo?" tanong ng driver namin. Kasama pa rin namin si Eionn na ngayon ay tahimik na ulit. 

"Company," tipid kong sagot. Agad naman na umusad ng van na sinasakyan namin. 

"Aish, is MG will be okay after this?" tanong ni Yejin. Bakas ang pag-alala sa boses nito. After all ay trainees and juniors pa rin naman namin sila.

"They were trying all their best to impress everyone here but for sure they'll feel a lot of pressure starting from now," tugon ni Solar.

"Exactly. By the way, you two. Bakit bigla-bigla na lang kayong nagde-declare ng showdown ha? Hindi niyo lang alam kung gaano ako nanginig kanina," reklamo ni Moonah. 

"Wala akong choice kundi ang magpabitag," matabang kong sagot. 

"It's okay, as long as magiging okay tayo," wala man lang kaemo-emosyong singit ni Eionn. Napasinghap ako at pasimpleng napailing. 

"Mga baklang ito. Mabuti na lang talaga at palaging handa ang mga cell ko sa katawan na makipagbardagulan," angil ni Yejin na ikinatawa naming lahat. Nagtama pa ang paningin namin ni Eionn pero pareho kaming napabawi ng tingin. 

Saglit akong napaisip nang malalim. Bakit ba tinutulungan kami ng isang ito? Tsaka bakit tila kami ang lumalabas ng manggagamit ngayon? Kami pa yata ang may utang na loo sa kanya. Shit! 

Kaugnay na kabanata

  • When A Meet E   KABANATA 7- RUMORS

    When A Meet EAngelic Tomas"I'm fucking tired!" hiyaw ni Moonah. Mabilis pa sa alas-kwatro na natapik ni Solar ang bunganga nito. "What?" irita nitong asik sa isa.Pare-pareho kaming pagod dahil sa audio recording at choreography practice namin sa bago naming ilalabas na song kaya naman hindi maipagkakailang pare-pareho rin kaming sensitive."Stop spitting bad words, dear.""Miss Solar, para namang hindi ka rin nagmumura ah?" bwelta na naman ng isa at pabirong hinawi ang kamay ni Solar na kinakalikot ang cellphone nito. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang kawawang cellphone sa sahig."Omo, my phone, my phone! " hiyaw nito at umakto pang umiiyak habang dinadampot ang cellphone.Kahit pagod na pagod ako ay nagawa ko pa ring makitawanan kila Moonah at Yejin dahil sa kakulitan ng boses ni Solar. Mabilis pa sa hangin na nahalikan ni

    Huling Na-update : 2021-11-07
  • When A Meet E   KABANATA 8- WORST CRITICISM

    When A Meet E Angelic Tomas Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang. "Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad. "You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go." "Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to." "At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!" "Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw." "But it doesn't mean na may karapatan na

    Huling Na-update : 2021-11-08
  • When A Meet E   KABANATA 9- ANGELIC X MARIAH

    When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga

    Huling Na-update : 2021-11-09
  • When A Meet E   KABANATA 10 THE REAL BITCH

    When A Meet EAngelic TomasNagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako."Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito."Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito.""Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • When A Meet E   KABANATA 11- COMMAND TO OBEY

    When A Meet EAngelic Tomas"Everyone, come here!" masigla kong saad sa members ko. Agad naman silang lumapit sa akin."5,4,3,2,1 uy!" sabay-sabay naming sambit. Eksaktong 6:00 p.m ay inilabas ang music video ng 'Dont come' song namin. Ito ang pinakabida sa album naming QueenSentimental. Lahat ng kanta na nakapaloob dito ay puro hugot song.Seryoso naming pinanuod ang MV sa YouTube channel namin. Simula bukas ay ire-release din ito sa iba pa naming partnered channels for promotion. Nandito rin kami sa NCB studio para live na magperform mamayang 8:00 p.m."Yow!" hiyaw namin nang matapos na naming mapanuod ito. More than 3 minutes din ang itinagal niyon."Great job, everyone!" sigaw ko. Palakpakan naman ang naging sagot ng lahat. Ito ang sinasabi naming worth it sa pagod at paghihirapa namin during filming. 

    Huling Na-update : 2021-11-12
  • When A Meet E   KABANATA 12- QQ'S SUPPORT

    When A Meet E Angelic Tomas Pagkatapos ng recording namin ay agad kaming bumalik ng waiting room. Kailangan na rin kasi naming umalis para sa first fan meeting and signing namin para sa album na 'to. "Horay!" sigaw ni Moon nang nasa loob na kami. "Kamusta ang performance namin, bro?" dagdag tanong nito kay Eionn. Napatingin ako sa lalaki. Halos makalimutan kong nandito pa rin pala ito. Sumama ito kanina sa backstage at nanatili roon hanggang sa matapos kaming magperform. Hindi rin sila nagkita pa ni Mariah. "Great," tipid nitong saad sabay thumbs up pa. "Pero totoo ba talagang kami ang ipinunta mo rito, hindi si Mariah?" usisa ni Solar. Mukhang hindi naman alam ng lalaki ang isasagot nito. "Of course, kasama na iyon. Ex-girlfriend niya pa rin iyong tao," singit ko naman. Pasimple ako niton

    Huling Na-update : 2021-11-15
  • When A Meet E   KABANATA 13- APOLOGY

    When A Meet EAngelic Tomas"At iniwan niyo lang talaga akong mag-isa 'no?" angil ko sa tatlo. Prenteng nakaupo na ang mga ito habang naghihintay ng order nilang pagkain."Luh? Mag-isa? Kasama mo naman ang other half ng AE Ship ah?" tugon ni Yejin. Napakunot-noo naman ako."Other half what? Nananaginip ka ba?" asik ko. Bago pa man ito makasagot ay tumayo na ako at naglakad papuntang counter. Pinauna ko na kasi si Eionn na umorder. Ayaw kong kasabay ito."Tapos ka na?" usisa ko rito. Tumango naman ito pero nananatiling nakatayo. "Alis na, ako naman," untag ko."Ang lapad pa ng space, bakit hindi ka umorder?"Natawa lang ang cashier sa amin. "Bagay po kayo.""Tao kami, hindi bagay, hindi hayop, hindi lugar kundi tao," sagot ko naman at umorder na. Bumalik na rin kami sa mesa na kina

    Huling Na-update : 2021-11-16
  • When A Meet E   KABANATA 14- PROTECTION

    When A Meet EAngelic TomasNakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay pauwi na rin kami. Kanina ay sobrang kapal ng tensiyon sa pagitan naming QQ, Eionn at Mariah. Lalo na noong pare-pareho kaming nakatayo sa stage."Hindi man lang ako masyadong nag-enjoy. Ang ganda pa naman ng stage doon. Sarap paliparin sa ere ng tatlo eh," rinig kong reklamo ni Yejin."Sinong tatlo?" usisa ni Solar."Sino pa ba? Eh di yong mag-ex at ang the best leader natin.""Why me?" paasik kong tanong. Wala naman akong ginagawa ha?"Dahil obvious naman na hindi ka komportable kanina kaya pati kami ay ganon na rin tuloy ang nararamdaman.""Bakit? Iisang katawan lang ba tayo? Tsaka kahit wala naman ako eh paniguradong maiilang din kayo sa dalawang iyon.""Truth. Since napunta ako sa SKA company ay kanina ko lang naman ulit na kasam

    Huling Na-update : 2021-11-16

Pinakabagong kabanata

  • When A Meet E   CHAPTER 26- CHASING

    Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt

  • When A Meet E   CHAPTER 25- DEATH THREAT

    Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo

  • When A Meet E   CHAPTER 24- WEIRD FEELING

    Matapos ang I*nstag*am live namin ni Eionn ay humupa ang tungkol sa third wheel issue ko sa breakup nila ni Mariah at nabaling ang atensiyon ng lahat sa issue ni Jacxon. Bilang na lang din talaga ang araw para malaman ng lahat kung sino ang totoong villain. Walang sekreto na hindi na bubunyag.Kinabukasan naman ay nag-resume na ang mga group activity namin. Nakatanggap din kami ng mga bagong invitation mula sa mga kilalang music show at universities. Naging matunog ulit ang QuardoQueens sa publiko. Isang buwan na rin naman na may peace of mind kami pare-pareho. Si Eionn naman ay mas napalapit sa amin. Madalas namin siyang makasalamuha sa studio at sa kung saan-saang event. Ngayon ay may saglit na rehearsal kami para sa pupuntahan naming event kung saan magsasama-sama ang mga mang-aawit sa bansa na galing sa iba't-ibang agency. May mga invited ding A-listers actors at actresses. Unicolors Ball kung tawagin. Annual celebration na ito sa industry namin. Magpe-perform din muna kami sa

  • When A Meet E   CHAPTER 23- AFFAIR AND ALIBI

    "Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin."Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar. "Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na."Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya. "Ano? Magtititigan lang ba tal

  • When A Meet E   CHAPTER 22- REPUTATION

    "I'm sorry," sabay-sabay na paumahin nila sa akin matapos kong iparinig sa kanila ang kabuuang audio record ng usapan namin ni Pauleen."Tsaka kahit naman hindi mo nahanap ang full file nito ay naiintindihan ka naman namin eh," dagdag ni Yejin. "Oo nga, medyo na shook at nag-overract lang talaga kami," sabi naman ni Solar sabay yakap sa akin. Agad namang nakiyakap din sina Yejin at Moon. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sila pwedeng ipagpalit sa kahit ano, kahit sa mga bagay na mas ikabubuti ko bilang artist. Hindi ko sila kayang iwanan sa ere. Kailangan kong masolusyonan ang krisis na kinakaharap namin ngayon, hindi dahil ako ang involved kundi bilang QQ's leader. "Me too, I'm sorry," saad ko naman. Isang minuto lang din siguro at nagsikalasan na sila sa akin."So, ano nga ba ang nangyari sa inyo kahapon? Bakit naman natagpuan ka sa filming site ni Eionn?" usisa ni Moon sakin. Bumuntong-hininga pa ako bago isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang tungkol sa p

  • When A Meet E   CHAPTER 21- REASONS

    Nagising ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Marahan akong napamulat at halos tumalsik ang aking kaluluwa nang bumungad ang pagkalapit-lapit na mukha ni Eionn sa akin.Awtomatikong napalayo ako sa kanya. Bumangon na rin ako dahil batid kung maliwanag na rin naman sa labas. Sa himbing ng tulog ko ay halos nakalimutan ko ng may katabi pala ako. Agad kong sinuri kung ano oras na. It's 8 am, and I find myself unable to look away from Eionn as he sleeps so peacefully. His strong features appear even gentler in slumber, and his dark, tousled hair gracefully falls over his forehead. I notice the steady rhythm of his breathing, accentuating his well-defined physique. Bathed in the soft morning light, he looks almost otherworldly, like a living melody. My heart flutters as I watch him, completely captivated by his tranquil beauty.Tapos na ba ang MV shooting ng isang ito? Ang sarap ng tulog eh. Napagdesisyonan kong gisingin siya, baka may lakad pa ang isang ito. Bahag

  • When A Meet E   CHAPTER 20- E'S FAVOR

    Pabaling-baling lang ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Pasado alas y dos na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ang diwa ko.Naiinis akong bumalikwas ng bangon at walang alinlanlangang lumabas ng kwarto. Sumalampak ako ng upo sa sofa at binuksan ang TV ni Eionn. Natuwa pa ako dahil connected din pala ito sa Netflix. Kaagad akong nag-browse ng horror movies at namili ng papanuorin. Nang makapamili na ako ay kaagad kong plinay. Tutok na tutok lang din ako sa bawat eksena kahit na nangangatog ang aking sistema dahil sa takot. "What are you doing?""Jesus!" hiyaw ko dahil sa gulat. Bigla ba namang pumaimbabaw ang boses na iyon eh. "Ano ba naman, Santino! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan eh.""Ano ba kasing trip mo? Nanunuod ka ng horror movie sa ganitong oras?""Leave me alone. Hindi kasi ako makatulog eh. Namamahay yata ako," paliwanag ko pa. "Sorry kung nakinuod ako nang hindi nagpapaalam sayo. Akala ko kasi ay tulog ka na. Hindi ka rin ba makatulog?""Yeah. Paano ako makak

  • When A Meet E   KABANATA 19- TOGETHER

    When A Meet EAngelic Tomas"Sa kanang kwarto ka, ako naman dito sa kaliwa. Kung gusto mong magpalit ng damit, pahiramin muna kita. May mga damit dito si Mariah na naiwan." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pangalang kanyang binanggit."What did you just say huh?" paninigurado ko pa. Baka ka'ko mali lang ang pagkarinig ko. Bingi pa naman ako kung minsan."What I mean is... I-yong mga binili kong damit na para dapat kay M-ariah. Hindi niya pa naman iyon nasusuot eh."Psss, may pasabi-sabi pa siyang siya lang daw ang nakakaalam sa lugar na ito, iyon pala ay dinala niya na rito sa Mariah. Tsk, ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang sa malamang ay narating na ng ex nito ang lahat ng lungga nito."Okay lang naman ako, nakapagligo naman ako kanina bago umalis ng hotel eh. Anyway, hindi ka ba babalik doon? Tap

  • When A Meet E   KABANATA 18- TOO GOOD TO BE TRUE RUMOR

    When A Meet EAngelic TomasNang makarating ako ng Tagaytay ay agad akong naghanap ng hotel. Nag check-in muna ako bago napagdesisyonang maggala. In-off ko ang cellphone ko kaya walang makakakontak sa akin.Weird pero pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging malaya. Iba pa rin talaga ang buhay ng isang ordinaryong tao. Makakapunta ka sa kung saan-saang lugar na walang camera na sumusunod sayo, na walang taong makakakilala sayo.Noon ay pinangarap kong maging sikat sa larangan ng musika pero ngayon ay gusto ko na lang magkaroon ng regular na trabaho sa industriyang kinalalagyan ko. Kahit hindi na sikat basta payapa ang bawat segundo ng buhay ko. Imposible man na ngayon pero gusto ko pa ring mangyari iyon.Kailan kaya? Ewan.Sa ngayon ay isang malapad na espasyo muna ang kailangan ko para makahinga nang maayos. I'm

DMCA.com Protection Status