When A Meet E
Angelic Tomas
Dahil sa nangyari sa DU academy noong nakaraang linggo ay hindi na muna kami tumanggap ng imbitasyon galing sa ibang pang academy at college festivals. Nanatili ring lihim ang naganap ng gabing iyon.
Napag-alaman din naming na isa sa obsessed fans ko ang DU student na iyon. Ayon sa report ay maraming x-rated pictures ang natagpuan sa kwarto ng bata at ang nakakalilabot ay mukha ko na ang nasa mga larawan pero halata namang edited lang ang lahat.
Dahil sa minor age pa ang lalaki ay hindi namin pwede pang makasohan kaya sa halip ay isinailalim na lamang ito sa isang counseling. Malaki pa naman daw ang chance na mabago pa ang behavior ng bata.
Hindi ko rin maiwasang ma-guilty knowing na ako ang dahilan kung bakit nagkaganon ang batang iyon. Yes, wala akong kasalanan pero nakakasama lang ng loob dahil ganon ang epekto ko sa mental health nito.
Sa ngayon ay busy kami sa preparation para sa bago naming ilalabas na album. Wala pa namang schedule kung kailan sisimulan ang shoot ng music video. Hindi pa rin naman kami nakapag-audio record. Nasa stage palang kami kung saan in-organize pa namin ang lyrics ng kanta na kami mismo ang nag-compose.
Tinutulungan na rin kami ng CEO namin na i-plot ang konsepto ng MV ng kanta. Pwede naman sanang huwag na kaming makialam sa MV concept, iyon nga lang ay wala talaga kaming tiwala hangga't hindi namin alam ang plano nila. Conscious kami pagdating sa inilalabas naming kanta. Well, kahit sino namang artist eh.
"Eionn, pasok!" malakas na saad ni Yejin. Simula rin ng gabing iyon ay feeling ko naging malapit na sa lalaki ang tatlong kugtong kong kasama.
"Hello, want something to eat?" usisa rin ng lalaki. Para namang mga bata na nagsitayuan ang tatlo at tumatango na lumapit sa lalaki. Nakikita ko lamang sila sa reflection sa salamin. Hindi ako nag-abalang makisali sa kanila kahit pa pagkain ang usapan.
"We want pizza, last week pa kami nakakain no'n eh," angil ni Moonah na pizza maniac. Konti na lang at magmumukha na itong pizza.
"Okay, bili tayo. How about her?" Naramdaman kong ako ang tinutukoy nito pero nagpatay malisya na lang ako.
"Let's just buy her one too," sabat ni Solar at nagsitawanan pa sila.
"Okay, I'll order hawaiian and cheese pizza, uhm... How about drinks?"
"I want milk tea, cookies 'n cream."
"Lahat kayo?"
"May isang chocolate maniac dito kaya tatlong cookies 'n cream lang at isang chocolate," ani Yejin na alam kong ako ang tinutukoy at pinaparinggan.
"I want mint melon..."
"Ohhh! I wanna try that one too," pamumutol ni Moonah sa linya ni Eionn, napailing na lang ako at ipinukos ang atensyon sa sinusulat ko.
"Me too," sabay na saad ni Solar at Yejin.
"So, 4 mint melon and 1 chocolate?"
"No, gawin mo ng 5. Iinom din naman ang isa diyan kapag andiyan na eh," nang-aasar na asik ni Yejin. Hindi na talaga ako nakatiis at napairap na sabay lingon sa kanila
"Ya! You can ask me, you know. Desisyon din kayo 'no?" asik ko rin. Halata namang pigil tawa sila.
"Ya! Ililibre nga lang tayo ni Eionn eh, galit ka pa diyan?"
"Meron naman akong pera, marami akong pera," ani sabay irap at balik ulit sa pagsusulat. Tanging tawanan lang ng tatlo ang narinig ko.
Nang natapos na ako sa pagsusulat ng lyrics ay ipinasa ko na agad iyon sa song writer namin. Ito kasi ang nagpa-final organize ng lyrics. Pinagsasama-sama niya ang ideya namin nina Solar at Yejin samantalang solo lang talaga na ginagawa ni Moonah ang rap part niya. Pinapa-aprubahan niya lang ito sa CEO namin.
Ilang minuto ring nawala si Eionn at pagbalik nito ay dala na nito ang pizza at teas. Dumulog din sila sa mesa na kinaroroonan ko.
"Let's eat! Baka huling kain na lang natin ito since magiging dieters na naman us para sa promotion ng album natin," may halong maktol na saad ni Yejin.
"Korak ka diyan."
"Kailan ang release ng album ninyo?" usisa ni Eionn.
"There's no exact date yet but probably 3 to 4 months from now."
"Oh, 6 months from now din ang estimated release date ng album ko."
"Really? Buti na lang hindi tayo nagkasabay," komento ni Moonah.
"Kung magsabay man tayo, malamang may isang magbaback-out muna," sabat ko.
"Who?"
"Ikaw, hindi naman pwedeng kami," mataray kong asik. Nakanganga lang naman ang tatlo.
"Ya, huwag kang magsungit diyan. Nilibre niya tayo," bulong ni Solar na narinig naman ng lahat.
"Nililibre ko rin naman kayo ah?" sumbat ko bagay na ikinatawa nila.
"Nagseselos ka ba kay Eionn ha? Don't worry, ikaw pa rin ang the best leader in the world, Ate Angelic in and out!"
Sa halip na makipag-asaran sa kanila ay mas pinili ko na lang na manahimik. Hindi ako komportableng makipagkulitan lalo pa at may kasama kaming hindi naman talaga namin ka-close.
"Since isang company lang naman tayo, ibig sabihin ba ay may chance talagang magkaroon tayo ng collaboration?" bigla ay bukas sa usapan ni Yejin. Gusto ko itong dagukan para matahimik. Sa dami ba naman ng pwedeng gawing topic ay iyon pa talaga.
"Why not? Okay lang naman sa akin kung mag-collab tayo eh," kaswal na saad ni Eionn. Gusto kong mapataas-kilay pero pinigilan ko lang.
"Pwede ka bang mag-appear sa music video namin?" usisa ni Moonah. Hindi ko naitago ang pagkagulat sa sistema ko.
"Ya! What are you talking about? Mag-appear what?" angil ko. Kung makapagsabi kasi ang babaita ay para bang napakadaling bagay lamang iyon.
"Kidding sister, ito naman. Ang seryoso mo talaga. Kumain ka na nga lang diyan," bawi nito na siyang nagpagaan naman ng kalooban ko.
Kung mag-appear lang din naman ito sa MV ng song namin eh mas mabuting hindi na lang i-release iyon. Kami pa ang magmumukhang user eh.
Alam na alam ko na ang takbo ng utak ng mga tao ngayon. Imposibleng walang mag-isip na ginamit agad namin ang Eionn na ito para mas maging sikat pa kami.
Psss. Mga utak ng mga taong hindi masaya kung walang nahuhusgahan.
Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng tatlo. Panaka-naka rin namang nakikisali si Eionn sa kanila. Ako naman ay sadyang walang gana sa lahat ng bagay sa araw na ito. Marahil ay dahil sa pagod lamang ito.
"Anyway, salamat sa libre," saad ko sabay tayo. Lumabas ako ng practise room at dumiretso ng CR.
Naghugas lang ako kamay at inayos ang buhok kong magulo pa kaysa sa mundo at naglakad na rin pagbalik ng practise room. Nagkasalubong pa kami ni Eionn, papasok ako at siya ay palabas din.
"Magpe-perfrom ba kayo ulit sa NBC studio?" usisa nito sa akin. Buong akala ko nga ay lalagpasan lang ako nito kagaya ng plano kong lagpasan lang din ito.
"Yeah, ang sabi ay baka magiging regular performers na kami ro'n. Hindi ko alam kung bakit naging mabait bigla sila sa amin. Dati eh mukhang allergic sila sa presensiya namin eh," may halong himutok kong saad. Narinig ko ang pasimple nitong pagsinghap.
"Sila o kayo?"
"Kami? Sino ba namang baliw na ayaw magperform sa ganong kalaking stage ha?" may halong irita kong asik. Para kasing hindi ito naniniwala sa akin eh.
"Kung 'yon ang nararamdaman mo eh baka may dahilan din silang maging allergic sa inyo?" patutsada nito sabay alis. Nanliliit ang mga mata ko habang sinusundan ko ito ng tingin.
Yabang mo talagang Santino ka, madapa ka sana!
Double-faced talaga ang isang iyon. Napakabait kapag nandiyan ang mga kasamahan ko pero kapag kami lang eh lumalabas ang maitim na budhi.
Santito nga talaga.
"Ano na namang nangyari sayo sister Angelic at ganyan na naman ang mukha mo?" bungad na usisa sa akin ni Solar. Nagkibit-balikat lang ako sabay sumalampak ng upo.
"Naku 'te, huwag mong seryosohin ang mga bagay na hindi naman dapat siniseryoso eh. Don't worry about Eionn, tingin ko ay hindi naman siya kalaban," lintanya rin ni Yejin. Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon sa aking mukha. Halata ring nahalata nila iyon kaya pareho silang nagtikoman ng bibig.
"Nilibre lang kayo eh nagtitiwala agad kayo? Minsan ay mayroong itim sa puting nakikita mo. Nabubulag ka lamang sa puting parte kaya hindi mo napapansin ang itim na nakakubli," makahulugang saad ko. Ayaw kong magtalo pa kami dahil lang sa lalaking iyon.
"Right. Huwag kang mag-alala mareng Angelic. Hindi naman kami nakikipagkaibigan kay Eionn eh. Kinikilatis lang namin siya at inaalam kung hanggang kailan niya tayo kayang pakisamahan."
Sa sinabing iyon ni Solar ay tila may nabunot na tinik sa aking dibdib. Akala ko ay nakakalimutan na nila ang suspetsa namin sa lalaking iyon.
"He's great in acting, I guess. But still, I can feel that there's something wrong in his action." Napatingin naman ako kay Moonah.
"Like what?" usisa ko. Nagbabakasakaling iisa lang kami ng napapansin at iniisip.
"Like... May kakaiba sa titig niya. Lalo na sayo, Angelic. Para bang kinikilatis lang din niya tayo at pilit na binabasa ang bawat galaw mo bilang leader namin."
Napatango-tango ako. Iba ang napapansin ko kay Eionn pero hindi ko pa iyon pwedeng sabihin sa kanila hangga't hindi ako sigurado. Ayaw kong bandang huli ay magkamali lang ako ng akala at baka magdulot pa iyon ng komplikasyon.
"Feeling ko nasa room tayo kung saan napapaligiran ng puzzle pieces. Simula nang mag-join si ES dito ay para bang nag-iba na rin ang vibes at awra nating QQ," nagmamaktol na saad ni Solar.
Pasimple akong napabuntong-hininga sabay iling. Mukhang isang sumpa talaga para sa amin ang makasama sa isang workplace si Santino eh at obvious naman ang rason. Hindi kami komportable sa presensiya nito at natatakot kami na baka tama ang hinala namin. Pero sa ngayon ay hindi pwedeng manaig ang takot namin. Walang duwag na nakaka-survive sa industriyang ito.
"Anyway, meron pala akong kukuning something kay Windy. Samahan niyo muna ako Solar and Yejin," saad ni Moonah. Ang tinutukoy nitong Windy ay ang isa sa soloists sa company namin at close din sa amin.
Konting tulog na lang din at aalis na si Windy dito at pare-pareho lang ang dahilan namin. Mas nauna siya rito sa amin kaya mas maaga rin siyang makakaalis.
"Alright, how about you Angelic?"
"Dito lang ako, medyo masakit ang ulo ko eh," sagot ko naman kay Solar. Hindi naman nila ako pinilit at sabay-sabay na lang na umalis ng PR.
Naiwan akong mag-isa. Balak ko sanang umidlip kaso bago ko pa man iyon nagawa ay may grupo ng kababaihan na pumasok ng PR.
Nagtama ang paningin namin ng babaeng siyang nangunguna sa pagpasok. May katangkaran ang mga ito at hindi maipagkakailang magaganda. Taglay nila ang sinasabing innocence vibes. Bahagya silang natigilan. Marahil ay kinikilala kung sino ako.
Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa. Tila ba nag-uusap gamit ang mga mata. Mas lalo tuloy akong na curious kung sino-sino sila.
"U-hm, hello po Ate Angelic. Hindi po namin alam na nandito pa rin po kayo," sambit ng babae. May apat itong kasamahan pa.
"Yes? Anong gagawin niyo rito sa PR?" may halong pagtataka kong tanong. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila pero masasabi kong tunay na magaganda sila.
"Magre-rehearse din po sana kami."
"Excuse me? Rehearse? Uhm, here?" intrega kong usisa. Sabay-sabay silang napatango. Nakaramdam ako ng kakaiba. Parang hindi tama.
"Pero babalik na lang po kami, tara na." Pagsabi niyon ng babae ay sabay-sabay din silang nagsilabasan. Naiwan akong bahagyang nakanganga. What was that? What's going on?
Napakurap-kurap ako nang si Eionn na naman ang pumasok. Nagtama ang paningin namin.
"Ang alam ko ay mga bagong trainee dito ang mga 'yon at rinig ko rin ay sila ang susunod sa yapak ninyong QQ," direktang saad nito sa akin. Bigla na lang akong nakaramdam ng kalabog mula sa kalooban ko.
"Susunod sa yapak namin?"
"Hindi pa rin ba malinaw sayo kung sino-sino ang totoong kakompetensiya ninyo rito?" Hindi ko alam kung kaswal ba iyon o may halong pang-iinsulto.
Napatayo ako ng wala sa oras. Limang babae sa isang grupo? Susunod sa yapak ng QQ?
Sounds great but... Something feels not good also. Balak ba talaga kaming pabagsakin ng kompanyang bumuo sa amin?
Gross!
When A Meet EAngelic TomasPasimple akong napairap nang madatnan namin ang bagong grupo at alas laban sa amin ng SKArtists Company na nagwawarm-up na para sa isang dance show dito sa 1BDanceRoom na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na dance instructors ng bansa. Ang pangalan ng grupo nila ay MultiGirls dahil may kanya-kanya umamo silang talento bukod sa pagkanta. Si Hesthia ang leader nila na kasing edad lang din ng youngest members namin. Ang iba ay mas bata pa sa kanya.Kahapon ay nakita ko kung paano sila mag-rehearse at masasabi ko rin namang magagaling silang lima pero hindi pa iyon sapat para matapan nila kami bilang seniors nila.Sa tingin ko rin ay masyadong binibilog ang ulo ng mga ito para magkaroon ng lakas loob na kalabanin kami. I mean, halata namang nagpapa-impress sila lagi eh.Kahapon lang din ay nalaman
When A Meet EAngelic Tomas"I'm fucking tired!" hiyaw ni Moonah. Mabilis pa sa alas-kwatro na natapik ni Solar ang bunganga nito. "What?" irita nitong asik sa isa.Pare-pareho kaming pagod dahil sa audio recording at choreography practice namin sa bago naming ilalabas na song kaya naman hindi maipagkakailang pare-pareho rin kaming sensitive."Stop spitting bad words, dear.""Miss Solar, para namang hindi ka rin nagmumura ah?" bwelta na naman ng isa at pabirong hinawi ang kamay ni Solar na kinakalikot ang cellphone nito. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang kawawang cellphone sa sahig."Omo, my phone, my phone! " hiyaw nito at umakto pang umiiyak habang dinadampot ang cellphone.Kahit pagod na pagod ako ay nagawa ko pa ring makitawanan kila Moonah at Yejin dahil sa kakulitan ng boses ni Solar. Mabilis pa sa hangin na nahalikan ni
When A Meet E Angelic Tomas Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang. "Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad. "You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go." "Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to." "At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!" "Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw." "But it doesn't mean na may karapatan na
When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga
When A Meet EAngelic TomasNagising ako dahil sa kirot na aking nararamdaman. Para akong masusuka na ewan. Marahan lang ang pagdilat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa QQ's condo unit lang naman pala ako.Bumukas ang pinto at pumasok si 'ma Hazel. Naalala kong pumunta kami ng SB kagabi para magparty at kagaya ng inaasahan ko ay nalasing talaga ako."Ma Haze," sambit ko. "Help me, ang sakit ng ulo ko," madrama kong saad. Tinawanan lang ako nito."Sanayin mo kasi ang sarili mo na uminom para naman tumaas ang tolerance mo sa alak. Anyways, nasa kitchen na ang tatlo, lumabas na ka rin para makakain at nang mawala na 'yang hang-over mo. Aalis na rin muna kami nina Cynthia. Kayo na ang bahala rito.""Okay, maghihilamos lang ako," kalmado kong saad at pumunta na ng CR. 
When A Meet EAngelic Tomas"Everyone, come here!" masigla kong saad sa members ko. Agad naman silang lumapit sa akin."5,4,3,2,1 uy!" sabay-sabay naming sambit. Eksaktong 6:00 p.m ay inilabas ang music video ng 'Dont come' song namin. Ito ang pinakabida sa album naming QueenSentimental. Lahat ng kanta na nakapaloob dito ay puro hugot song.Seryoso naming pinanuod ang MV sa YouTube channel namin. Simula bukas ay ire-release din ito sa iba pa naming partnered channels for promotion. Nandito rin kami sa NCB studio para live na magperform mamayang 8:00 p.m."Yow!" hiyaw namin nang matapos na naming mapanuod ito. More than 3 minutes din ang itinagal niyon."Great job, everyone!" sigaw ko. Palakpakan naman ang naging sagot ng lahat. Ito ang sinasabi naming worth it sa pagod at paghihirapa namin during filming. 
When A Meet E Angelic Tomas Pagkatapos ng recording namin ay agad kaming bumalik ng waiting room. Kailangan na rin kasi naming umalis para sa first fan meeting and signing namin para sa album na 'to. "Horay!" sigaw ni Moon nang nasa loob na kami. "Kamusta ang performance namin, bro?" dagdag tanong nito kay Eionn. Napatingin ako sa lalaki. Halos makalimutan kong nandito pa rin pala ito. Sumama ito kanina sa backstage at nanatili roon hanggang sa matapos kaming magperform. Hindi rin sila nagkita pa ni Mariah. "Great," tipid nitong saad sabay thumbs up pa. "Pero totoo ba talagang kami ang ipinunta mo rito, hindi si Mariah?" usisa ni Solar. Mukhang hindi naman alam ng lalaki ang isasagot nito. "Of course, kasama na iyon. Ex-girlfriend niya pa rin iyong tao," singit ko naman. Pasimple ako niton
When A Meet EAngelic Tomas"At iniwan niyo lang talaga akong mag-isa 'no?" angil ko sa tatlo. Prenteng nakaupo na ang mga ito habang naghihintay ng order nilang pagkain."Luh? Mag-isa? Kasama mo naman ang other half ng AE Ship ah?" tugon ni Yejin. Napakunot-noo naman ako."Other half what? Nananaginip ka ba?" asik ko. Bago pa man ito makasagot ay tumayo na ako at naglakad papuntang counter. Pinauna ko na kasi si Eionn na umorder. Ayaw kong kasabay ito."Tapos ka na?" usisa ko rito. Tumango naman ito pero nananatiling nakatayo. "Alis na, ako naman," untag ko."Ang lapad pa ng space, bakit hindi ka umorder?"Natawa lang ang cashier sa amin. "Bagay po kayo.""Tao kami, hindi bagay, hindi hayop, hindi lugar kundi tao," sagot ko naman at umorder na. Bumalik na rin kami sa mesa na kina
Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt
Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo
Matapos ang I*nstag*am live namin ni Eionn ay humupa ang tungkol sa third wheel issue ko sa breakup nila ni Mariah at nabaling ang atensiyon ng lahat sa issue ni Jacxon. Bilang na lang din talaga ang araw para malaman ng lahat kung sino ang totoong villain. Walang sekreto na hindi na bubunyag.Kinabukasan naman ay nag-resume na ang mga group activity namin. Nakatanggap din kami ng mga bagong invitation mula sa mga kilalang music show at universities. Naging matunog ulit ang QuardoQueens sa publiko. Isang buwan na rin naman na may peace of mind kami pare-pareho. Si Eionn naman ay mas napalapit sa amin. Madalas namin siyang makasalamuha sa studio at sa kung saan-saang event. Ngayon ay may saglit na rehearsal kami para sa pupuntahan naming event kung saan magsasama-sama ang mga mang-aawit sa bansa na galing sa iba't-ibang agency. May mga invited ding A-listers actors at actresses. Unicolors Ball kung tawagin. Annual celebration na ito sa industry namin. Magpe-perform din muna kami sa
"Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin."Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar. "Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na."Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya. "Ano? Magtititigan lang ba tal
"I'm sorry," sabay-sabay na paumahin nila sa akin matapos kong iparinig sa kanila ang kabuuang audio record ng usapan namin ni Pauleen."Tsaka kahit naman hindi mo nahanap ang full file nito ay naiintindihan ka naman namin eh," dagdag ni Yejin. "Oo nga, medyo na shook at nag-overract lang talaga kami," sabi naman ni Solar sabay yakap sa akin. Agad namang nakiyakap din sina Yejin at Moon. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sila pwedeng ipagpalit sa kahit ano, kahit sa mga bagay na mas ikabubuti ko bilang artist. Hindi ko sila kayang iwanan sa ere. Kailangan kong masolusyonan ang krisis na kinakaharap namin ngayon, hindi dahil ako ang involved kundi bilang QQ's leader. "Me too, I'm sorry," saad ko naman. Isang minuto lang din siguro at nagsikalasan na sila sa akin."So, ano nga ba ang nangyari sa inyo kahapon? Bakit naman natagpuan ka sa filming site ni Eionn?" usisa ni Moon sakin. Bumuntong-hininga pa ako bago isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang tungkol sa p
Nagising ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Marahan akong napamulat at halos tumalsik ang aking kaluluwa nang bumungad ang pagkalapit-lapit na mukha ni Eionn sa akin.Awtomatikong napalayo ako sa kanya. Bumangon na rin ako dahil batid kung maliwanag na rin naman sa labas. Sa himbing ng tulog ko ay halos nakalimutan ko ng may katabi pala ako. Agad kong sinuri kung ano oras na. It's 8 am, and I find myself unable to look away from Eionn as he sleeps so peacefully. His strong features appear even gentler in slumber, and his dark, tousled hair gracefully falls over his forehead. I notice the steady rhythm of his breathing, accentuating his well-defined physique. Bathed in the soft morning light, he looks almost otherworldly, like a living melody. My heart flutters as I watch him, completely captivated by his tranquil beauty.Tapos na ba ang MV shooting ng isang ito? Ang sarap ng tulog eh. Napagdesisyonan kong gisingin siya, baka may lakad pa ang isang ito. Bahag
Pabaling-baling lang ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Pasado alas y dos na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ang diwa ko.Naiinis akong bumalikwas ng bangon at walang alinlanlangang lumabas ng kwarto. Sumalampak ako ng upo sa sofa at binuksan ang TV ni Eionn. Natuwa pa ako dahil connected din pala ito sa Netflix. Kaagad akong nag-browse ng horror movies at namili ng papanuorin. Nang makapamili na ako ay kaagad kong plinay. Tutok na tutok lang din ako sa bawat eksena kahit na nangangatog ang aking sistema dahil sa takot. "What are you doing?""Jesus!" hiyaw ko dahil sa gulat. Bigla ba namang pumaimbabaw ang boses na iyon eh. "Ano ba naman, Santino! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan eh.""Ano ba kasing trip mo? Nanunuod ka ng horror movie sa ganitong oras?""Leave me alone. Hindi kasi ako makatulog eh. Namamahay yata ako," paliwanag ko pa. "Sorry kung nakinuod ako nang hindi nagpapaalam sayo. Akala ko kasi ay tulog ka na. Hindi ka rin ba makatulog?""Yeah. Paano ako makak
When A Meet EAngelic Tomas"Sa kanang kwarto ka, ako naman dito sa kaliwa. Kung gusto mong magpalit ng damit, pahiramin muna kita. May mga damit dito si Mariah na naiwan." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pangalang kanyang binanggit."What did you just say huh?" paninigurado ko pa. Baka ka'ko mali lang ang pagkarinig ko. Bingi pa naman ako kung minsan."What I mean is... I-yong mga binili kong damit na para dapat kay M-ariah. Hindi niya pa naman iyon nasusuot eh."Psss, may pasabi-sabi pa siyang siya lang daw ang nakakaalam sa lugar na ito, iyon pala ay dinala niya na rito sa Mariah. Tsk, ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang sa malamang ay narating na ng ex nito ang lahat ng lungga nito."Okay lang naman ako, nakapagligo naman ako kanina bago umalis ng hotel eh. Anyway, hindi ka ba babalik doon? Tap
When A Meet EAngelic TomasNang makarating ako ng Tagaytay ay agad akong naghanap ng hotel. Nag check-in muna ako bago napagdesisyonang maggala. In-off ko ang cellphone ko kaya walang makakakontak sa akin.Weird pero pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging malaya. Iba pa rin talaga ang buhay ng isang ordinaryong tao. Makakapunta ka sa kung saan-saang lugar na walang camera na sumusunod sayo, na walang taong makakakilala sayo.Noon ay pinangarap kong maging sikat sa larangan ng musika pero ngayon ay gusto ko na lang magkaroon ng regular na trabaho sa industriyang kinalalagyan ko. Kahit hindi na sikat basta payapa ang bawat segundo ng buhay ko. Imposible man na ngayon pero gusto ko pa ring mangyari iyon.Kailan kaya? Ewan.Sa ngayon ay isang malapad na espasyo muna ang kailangan ko para makahinga nang maayos. I'm