Chapter 14Kumilos ako ng normal pagkabangon ko, ni hindi ko ipinakita sa kapatid ko na masakit ang sikmura ko dahil sa natamo kong malakas na suntok galing sa client ko. "Y-you're also drin-king v-vitamins to stay healthy, Ma-nang?"Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong aluminum na baso dahil sa bigla niyang pagsulpot sa likod ko. Niyakap niya ang braso ko at bahagyang dinampian ng halik gaya ng ginagawa niya tuwing naglalambing sa akin."Oo, para strong si Manang palagi," sagot ko sabay lagay ng capsule sa bibig ko. Gamot iyon upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng tiyan ko. "Kumain ka na ba?" Umupo ako sa harap ng hapag. He nodded quickly and sat in front of me. "Ikaw? Ba-kit hindi ka kakain?" Alala niyang tanong. Ngumiti ako, tumayo at ginulo ang buhok niya. "Diet si Manang ngayon.""Diet? Pa-yat na nga ang Ma-nang ko, ba't diet?" Pangungulit niya habang nakatingin sa akin. Milo jumps up next to his chair and casts a glance my way. Sa araw-araw na nakikita ko siya rito
Chapter 15"Miss Jen, shall we?" The butler extended his right hand and guided us along. We started walking, but I paused to lift my head to check if Jacques was still in watching us from the top-to-ceiling window. When I saw that Miss Faith was already standing by his side, I suddenly felt my heart twitch. Nakahawak pa siya sa balikat ng binata at may sinasabi siya rito. The butler clarified my confusion by saying, "If you're wondering who they're talking to, Miss Faith is asking why are you here.""Why even do you know? You're strange." I continued focusing on those two."I can read lips from a distance."I cast him a sidelong glance because I couldn't believe what he had said, and he responded with a smile that had a hint of arrogance. "That stare has something in it," turo niya sa mukha ko. Nakakunot na kasi ako at hindi maipinta ang mukha ko. Sinimangutan ko siya kaya tumawa siya. "You're jealous..." I frowned while drawing my brows closer together. "I'm not. Why would I be j
Chapter 16I was gradually lowering my guard around him, and I was starting to enjoy it. I feel comfortable with him now. Kapag papasok ako o uuwi galing trabaho, bulto niya agad ang hinahanap ng mga mata ko. His presence can immediately calms my spirit, and I can tell that I'm the only one receiving his undivided love and attention. "Ate Jen, sundo mo...." Inginuso ni Elaine ang lalaking tinutukoy niya na agad ko ring naispatan. Sa halos gabi-gabi at tuwing madaling-araw na paghahatid-sundo niya sa akin ay sanay na ang mga katrabaho kong nakikita siyang naghihintay sa akin. He was dressed comfortably and was leaning against his car with his arms crossed. Naka-white t-shirt lang siya, black sweatpants at black sneakers. Simple lang ang mga iyon ngunit alam kung mamahalin ang bawat suot niya. Nang makita niya ako, naglakad siya palapit sa amin.His admiring gaze at me alone caused my face to flush. I bowed my head and pretended to look inside my bag because I didn't want to show how
Chapter 17"Iniisip mo pa rin iyong kanina?" tanong ni Jacques nang makasakay na kami sa kotse niya. Ako ang nasa tabi niya, si Josue naman ay nasa likuran, naglalaro sa ipad na iniregalo sa kanya ng binatang kasama namin. "Ang alin?" pagpapatay-malisya ko. Ngumiti siya at hinuli ang kamay kong nasa hita ko. He wrapped his fingers around mine while shifting into second gear. "'Yong kalmahan mo lang, baka mahulog ka na sa'kin," pang-aasar niya. Tumawa pa siya ng mahina at pinisil ng marahan ang kamay kong hawak niya. "Pinaalala mo pa talaga. Nakalimutan ko na nga." Sumimangot ako at umirap sa kanya kahit sa daan ang pokus ng tingin niya. "Totoo ang nararamdaman ko sa 'yo, Alyn. My emotions have recently burst in place. Parang gusto na nga kitang iuwi sa bahay at huwag nang pabalikin sa Tita mo."My heart began to pound out of my chest as my eyes widened in shock. Hindi ako nakasagot kaagad. "Nambibigla ka na naman," reklamo ko. He smiled amusingly while sticking his tongue into
Chapter 18"Puwede na siyang maging videographer," puri ni Jacques nang panoorin namin ang video na kinuhanan ni Josue kanina. Kapwa kami napapangiti dahil pati ang paghalik ni Jacques sa akin ay na-videohan din niya pati ang mga maningning na bituin na nakalinya sa kalangitan. "I had a good time with you." I told him. "Me, too," he replied. Magpapaalam na sana siya ngunit pinigilan siya ni Josue dahil pundido raw ang ilaw sa kaniyang kuwarto."Ako na," sabi ko ngunit naunahan na ako ni Jacques. He went into the kitchen to find a chair. Ako naman ay kumuha ng spare bulb sa kabinet na nasa sala. "Kaya ko naman magpalit. Ako nga ang gumagawa ng mga sira dito sa bahay," pakikipagtalo ko pa. He chuckled amusedly. "You really know how to make someone believe that you can do everything on your own, Alyn. Allow me to do this. Maliit lang naman na bagay 'to.""Your mom will probably criticize me on letting you do this."He tsked. "I also do maintenance at our house, so this isn't a big de
Chapter 19Ang mga unang sinag ng bukang-liwayway ay hindi pa tumitingkad sa paligid noong gumising ako kinabukasan. Tinakpan ko ang aking mukha dahil nahuli ko si Jacques na matamang nakatingin sa akin. His left arm is splayed across my stomach, gently caressing it, causing me to shiver. "Good morning," his bedroom voice said, making me close my eyes. "I'd like to watch the sunrise with you, but I know you still want to sleep." Tumango ako dahil totoong inaantok pa talaga ako. "I need to visit my grandma Nangako kasi akong sasamahan ko siya ngayong almusal." Ipinagpatuloy niya ang banayad na paghawak sa tiyan ko dahilan para mas lalo akong panindigan ng balahibo. "Ayos lang. Matutulog din naman ako," kaswal na sabi ko pero deep inside, parang kinikiliti ang tiyan ko. Pinatakan niya ako ng halik sa sentido pagkatapos ay bumangon na. "Imbitado ako sa Christmas party ng Serene & Loud. Uuwi ka pa ba mamaya o doon ka na magbibihis?" Dumilat ako at tumingin sa kanya. "Uuwi pa ako.
Chapter 20Nanatili kami roon habang nakatingala sa ganda ng bilog na buwan. It was shining so exquisitely that it appeared as though the Heavens were cheering us on from above.When I'm with him, I enjoy doing this. Every time he is by my side, I feel at peace. Pakiramdam ko panatag ako kapag nariyan siya. "Sayang walang mga bituin," bulong niya sa akin. "Bakit? Maganda rin naman ang buwan, a!" He rubbed his brow. "May sasabihin sana ako sa 'yo kaya kita dinala rito.""So? Anong kinalaman ng bituin sa sasabihin mo?" I make fun of him. "Stand up," he ordered. He appeared to be very serious kaya sinunod ko naman. Baka uuwi na kami at ihahatid na niya ako. Sayang. Wala nang sexy time? 'Yon na 'yon? Nabitin ako, sa totoo lang. Nang kapwa na kami nakatayo ay may dinukot siyang maliit na kahon sa bulsa niya. Bigla siyang lumuhod sa harap ko, his left knee is resting on the sand. I helped him stand up as my eyes slightly widened. Umiling siya at serysong tumingin sa akin. "Even if
Chapter 21Palalayasin sila kapag hindi kami sumama?Hearing that, my lips formed a thin line pero hindi na ako nagulat. Donya Thylane is clearly dominant, and she knows how to grasp people in her mighty hand, malaking tao man o hindi. She comes from a wealthy family and was formerly known as the Binibining Pilipinas. Dati rin siyang runway model at kasalukuyan ay dumadalo sa mga charitable institutions na siya rin ang nagtatag. Pero dahil narito sa Cebu si Jacques, siya ngayon ang pansamantalang tumatayo bilang CEO ng Almerino TV Network sa Manila. Kilala ang ama niya dahil ito ang may-ari ng Wright Law Firm, isa sa pinagkakatiwalaang tagapagtanggol ng mga mayayaman at maimpluwensiyang tao rito sa Pilipinas. Idagdag pa ang napangasawa niyang si Don Jackson na isang Bilyonaryo rin kaya hindi na nakapagtatakang kaya niyang paikutin ang mga tao sa palad niya. But not me. "Hindi pa rin ako makakapunta," sabi ko na ikinamaang ng tatlong kasambahay. Bahagya silang natigilan at nakita
I am so grateful that you've reached this point. Thank you so much. May we all realize, especially the young generation, that anchoring yourself into positivity and self-growth is never selfish.Epilogue "How about you, Jacq? Naniniwala ka ba sa 'love at first sight'?" tanong ni Maximus habang inaabot sa akin ang isang shot ng Jack Daniels.I am doing my thesis in my study room, and here they are, invading my privacy. But it is fine with me; bihira na lang kaming magkita. They are all studying in Cebu; I am here in Manila.I scoffed. "That's bullshit." Nag-pass ako sa alak. Seryoso ako sa pagtatype ng conclusion sa laptop na nasa harap ko."Sinasabi mo lang 'yan, pero baka kapag tinamaan ka, wala ka nang kawala," Maximus said as he passed the glass shot to Miles, my half-Irish friend."I also don't believe it; crush at first sight, puwede pa," si Leon."Who believes in that? We belong to the new generation now; more girls, more fun!" Miles, who's beside me, takes a look at what I'm
Chapter 47This is the final chapter. Thank you for being with me on the journey with my babies. Please also support me in my next series! Abangan ang epilogue!"You look nervous, baby." Jacques tilted his head while gently holding my hands. "Come here." Hinila niya ako upang kumandong sa kanya."I am..." Yumuko at pinaglaruan ang engagement ring na nasa daliri ko. Isinuot ko iyon kanina pagkatapos kong maligo. Jacques also touched my ring. I could hear his breathing in my ear, and it tickled me."I promise you everything will be okay, hmm?"I pouted, trying to push back the fear that was threatening to overwhelm me. "I'm nervous. I don't know what to expect.""I'm here for you, sasamahan kita hanggang sa loob."We just arrived at the airport and boarded our special flight to Manila to visit my mother. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabalisa."What if I trigger her emotions? Baka kung ano na naman ang sabihin niya sa akin Jacques..." Tiningnan ko ang kanang kamay kong magaling na
Chapter 46"I love you, too, Jacques. Nagsinungaling ako noong sinabi kong hindi na kita mahal. Ang totoo, mahal na mahal pa rin kita nadaig lang ako ng galit noong makita ulit kita," I sniffed, and he held my hand gently. "I'm sorry if I push you away. I wasn't there for you; I'm really sorry."I still couldn't stop myself from crying while my breath came in ragged gasps. Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko.Jacques tenderly held me close and soothed my back. "I'm doing great now, baby. It was a lot to take in, but I healed myself for you; I healed myself because I want to be strong for you."I sniffled as I drew away from the hug. Jacques stared at me intently as he wiped the tears from my eyes. "I love you so much, Jacques," halos pabulong kong sabi."I know, and I love you too," he replied, placing a kiss on my forehead. "I'm so grateful to be back with you now."Jacques' touch was gentle and soothing, a balm to our wounded hearts. His words were like a magic wand, soothing
Chapter 45Nanginginig ang kaliwang kamay ko nang pulutin ko sa sahig ang nahulog kong mobile phone. The words from Leon bring a thud to my heart. Hindi pa iyon agad rumihistro sa utak ko."This can't be. You are lying," halos pabulong kong sabi sa kanya. "I'm telling you the truth. Jacques was kidnapped when your family was killed. Dalawang taon siyang pinaghahahanap ng mga tauhan nina Auntie Thylane. She never announced it to the media because it would jeopardize all of their businesses."Napaupo ako sa sofa sa sobrang panghihina. Niyakap ko ang dilaw na throw pillow, umaasang makaaamot ako roon ng suporta.Umiling ako ng maraming beses. No! This can't be, nagbibiro lang si Leon! Jacques was healthy when I saw him. Pumayat lang siya ngunit maayos pa rin naman ang anyo niya."He was so thin when Clytius and Deukalíōn finally found him tightly tied up in a dessert building somewhere in Santander, Cebu. Halos hindi na siya makilala dahil mukha siyang pinaglaruan ng mga taong kumuha sa
Chapter 44Kinakabahan ako habang paupo kami sa right-side balcony. I saw many familiar faces while we were entering the concert hall a while ago. Almost all of the royalties from all over the world attended."Sis, umayos ka nga!" Nala pinched my side.Ngumuso ako. Hindi ko siya sinagot bagkus luminga ako sa paligid namin. Wala naman akong nakikitang bantay ni Jacques. May isa akong napansin kanina, pero hindi niya ako nakilala dahil nakasalamin na itim at may balabal pa ang aking ulo."Parang hindi ka pa sanay manood ng concert niya, e halos siya nga ang pinupuntahan mo tuwing dumadaong ang barko sa mga concert events niya," dagdag pa niya. She then held me the binoculars. Medyo malayo kasi ang puwesto namin. "Baka nga mahuli ako," sagot ko."Bakit ba kasi ayaw mo pang magpakita? Ilang taon na rin, ah?""Wala lang. I'm still enjoying watching him from a distance." Sumilip ako sa binoculars. "Sus! Ang sabihin mo, na-enjoy mo na ang pagiging single. Mukhang ayos ka na kahit hindi ka
Chapter 43"Nag-usap na kayo?" Lucas whispered at me as we fell in line to board the cruise ship. Malayo sa amin si Jacques, nasa pinakadulo siyang pila. Sinadya yatang magpahuli."Hindi," maikli kong tugon. Marami nang passengers at napaaga ang balik nila kaya nakapila na rin sila para mag check-in. Some were so loud that I even put on my airpods to not hear them. Naintindihan naman agad ni Lucas na ayaw ko ng kausap, kaya tinigilan niya ako.I fight the urge to look back again and search for him.Nang matapos ay dumiretso agad ako sa cabin. I went to the bathroom to brush my teeth and take a bath. Natulog ako pagkatapos na matuyo ang aking buhok. Pang-gabi ako ngayon, kaya gigising ako mamayang hapon.When it was time, I got up and took a shower. As usual, ay marami nang customer noong magclock-in ako. As soon as I entered the restaurant, I immediately stepped back into the mode of working under excessive pressure. I love mingling with passengers and serving them.It's never a dull
"Ukininana kitdi ti kastoy nga biag, makauma!"Umirap ako sa hangin habang sinusundan ko si Avril, ang waitress namin paakyat ng VIP floor kung nasaan ang sinasabi niyang mga bisita. Habang naglalakad kami ay nadadaanan namin ang ilan sa aming mga patron dito sa Serene & Loud Restobar.Binabati nila ako, at kumakaway naman ako na nakangiti. Sa halos mahabang panahon na pagtatrabaho rito ay kilala na ako ng halos lahat ng mga customers."Sino ba iyon? Bakit ako pinatatawag?" tanong ko sa kanya."Si Sir Almerino," maikli niyang sagot. Lumingon siya sa akin at bakas sa ngiti niya ang panunudyo."S-sinong Almerino. Si Koko?" nauutal kong tanong. Biglang sinakmal ng kaba ang dibdib ko.Nagningning ang mga mata niya at sinabing, "Bakit naman mapupunta si Koko sa VIP Room, e, nag-out na siya kanina pa?""Sino nga?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Ang daming hanash nitong babaeng 'to, hindi pa sabihin kung sino. Natataranta na ako sa loob-loob ko."Si, Sir Jacques!" Napahawak pa ang dala
Chapter 41Tinupad nga niya ang mga binitiwan niyang salita kanina. He didn't come near me, but he visited and dined in our restaurant around 7 a.m.Halos matulala ako sa kaguwapuhan niya nang makita ko siyang prenteng naka-dekuwatro sa labas ng restaurant. Doon daw niya mas piniling kumain ayon sa waiter na nag-assist sa kanya.Simpleng puting t-shirt at itim na boardshorts ang suot niya ngunit bakit ganoon? His hair was slicked back, which made him more striking. His neatly shaven beard gave him an impeccable look as well. Idagdag mo pa ang shades niyang itim, you could mistake him for a celebrity.A coffee was in front of him while he was typing on his laptop. A turkey patty, a sunny side-up egg, and one slice of Spanish tortilla were on his plate. Tutok na tutok ang pansin niya sa laptop, hindi namamalayang halos lahat ng kababaihan ay nakatitig na sa kanya."Baka matunaw, sis," Nala said, giving me a teasing look.Inirapan ko siya. Pumasok akong muli sa kusina. Sumunod siya haban
Chapter 40"Nala naman! Hindi mo man lang tiningnan! Inubos na ang alak, o!"I can hear Tina's voice in the background as I lay my face on the table. Umiikot na kasi ang mundo at paningin ko. Mabilis akong tinamaan ng rum na ininom ko. Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa akin. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko."Are you okay?" She asked, gently cupping my face and making me face her.Nakapikit ako, pero tumango ako. "I'm okay," I mumbled.Narinig ko ang isang tunog ngunit hindi ko alam kung sino ang hinampas ng kung sino. "Ikaw kasi! Nakatutok lang siguro kay Sir Almerino ang mga mata mo!" si Tina.I couldn't stop myself from curving my brow."Wait! You know him?" Nala asked excitedly. "Ipakilala mo ako dali! Kanina pa siya tumitingin dito sa gawi namin! Feeling ko, na-love at first sight sa akin..."Nagmulat ako ng mga mata. Inaninag ang kanilang mga mukha. Nakita kong hinampas ni Tina si Nala sa braso, hawak pa rin niya ako sa kaliwa niyang kamay. "Puro ka pogi kaya walang nagses