NANG sumunod na mga araw ay mas napapadalas na ang pagsasama namin ni Paul. Halos lahat ng lakad niya ay parating nakabuntot ako at ipinangangalandakan niya pa sa buong mundo na fiancee niya ako. Wala naman akong magawa kundi ang sumuporta at sumang-ayon sa lahat ng kagustuhan at kahilingan niya.
Pansamantalang isinantabi muna namin ni Paul ang aming mga walang kuwentang bangayan. Hanggang sa dumating na sa puntong napapangiti na pala niya ako kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para saakin.
Nakatakdang ganapin ang aming kasal sa susunod na linggo. Maayos na sana ang lahat. Maliban nga lang sa mommy ni Paul na hanggang ngayon ay tutol pa rin sa relasyon namin ng anak niya.
Si daddy ay hindi maipaliwanag ang sayang nadarama nang minsang kausapin ito ni Paul tungkol sa aming pag-iisang dibdib. Buong akala ko ay tatanggi ito subalit taliwas ito sa inaasahan ko. Maging si m
KINABUKASAN ay kumakanta pa ako habang naliligo. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti sa tuwing naiisip kong pinagseselosan ni Paul si Mr. Ledesma.Maya-maya pa ay hindi na naman ako magkandaugaga sa pag-aayos ng aking sarili. Nasa kalagitnaan ako ng pagboblower ng aking buhok nang biglang tumunog ang maganda kong cellphone. Dali-dali ko iyon na dinampot ng makita kong pangalan ni Kupal ang rumihestro sa screen."Oh!" Kunwari ay tinatamad kong sagot."Good morning my gorgeous attorney!" Masigla niyang bati sa kabilang linya."Haist! Good morning din Mr. Kupal!" Napipilitan kong sagot. "Don't tell me na nasa labas kana kaagad?" Naiinis ako dahil paniguradong pagmamadaliin niya na naman ako."Nope! Actually, tumawag ako para ipaalam sa'yo na hindi kita masusundo ngayon.""Huh? Bakit?"Dismayado kong tanong. Ang kaninang pagkainis ko ay&nb
MAMAYANG alas tres ng hapon ay nakatakdang ganapin ang aming wedding sa Wedgewood Resort dito sa Fairbank, Alaska USA. Kaya naman kahit alas diyes pa lang ng umaga ay hindi na magkandaugaga ang lahat sa pag-aasikaso maliban nga lang sa hilaw kong biyenan.Sa katunayan ay kanina pa ako napapagod sa kakasunod sa kanya. Simula ng dumating kasi kami ay sinadya niya talaga akong isama sa paglilibot para mayroon siyang alalay. Syempre bilang pekeng manugang ay kailangan kong makipagplastikan sa kanya. Kahit pa nga sobrang inis na inis na ako ay nagawa ko pa ring bitbitin ang kanyang handbag na puro make- up lang naman ang laman.Masakit na rin ang panga ko sa pag ngiti at pakikipag-usap sa mga receptionist na kanina pang tinatarayan ng mommy ni Paul. Kaunti na lang talaga at sasabog na ang ulo ko dahil sa mga kaartehan ng matapobreng hilaw kong biyenan.Nang mapa
SIMULA pa kahapon hanggang sa makabalik na kami ng Pilipinas ay wala pa rin kaming pormal na usapan ni Paul.Ni hindi rin naman niya nagawang banggitin man lang ang nangyari no'ng nakaraang gabi matapos ang aming kasal. Marahil ay nahihiya siya sa'kin o di naman kaya'y sadyang balewala lang 'yon sa kanya.Pagkagaling sa airport ay sa bagong bahay na kami tumuloy. Hindi na ako nagtaka pa kung pa'no nakarating do'n ang aking mga gamit. Marahil ay hinakot na iyon ni Nay Meding. Nakakabilib talaga ang matandang 'yon dahil halos twenty years na din siyang matiyagang naninilbihan sa aming pamilya. Napalapit na rin ang loob ko sa kanya lalo pa't parang anak na rin ang turing niya saamin ng ate ko.Nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay ay tv kaagad ang unang nilapitan ni Paul. Sa halip na magpahinga ay pabagsak pa itong naupo sa couch at kaag
DALAWANG buwan na rin buhat ng ikinasal kami ni Paul. Gaya ng dati ay lingid pa rin sa kaalaman ng lahat ang patuloy naming pagpapanggap bilang mag-asawa.Oo nga't magkahiwalay kami ni Paul ng silid-tulugan subalit magkasabay at magkasalo naman kami pagdating sa hapag kainan. Maging sa pagpasok sa opisina at pag-uwi ng bahay ay magkapanabay rin kami sa araw-araw. Kaya naman hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa tuwing naiisip kong darating sa puntong kailangan na namin itigil ang aming pagpapanggap. Lalo pa't nasanay na ako na nariyan siya sa lahat ng oras at pagkakataon."Baby, can we talk?"Malambing na pagkausap saakin ni Paul nang isang umaga'y sabay kaming nagkakape sa kanyang opisina."Yeah! What is it all about?" Seryosong umayos ako ng pagkakaupo sa kaharap niyang swivel chair habang hawak ko ang tasa ng kape na pa unti-unti kong s
TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Nagulat pa ako ng mukha agad ni Paul ang una kong nasilayan. Dali-dali akong bumangon, subalit muli rin akong napahiga ng bigla ay makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Halos isang linggo na rin na ganito palagi ang pakiramdam ko tuwing umaga.Patuloy ko lang itong binabalewala dahil ayoko rin naman na magpatingin sa doctor at baka kung ano pang maging findings. Ayoko rin na mag-alala sa'kin ang aking mga magulang at kapatid if ever na may malalang sakit na pala ako. Kaya't mas mainam na sarilihin ko na lang ito."Hey! Good morning gorgeous!" Nakangiting bati saakin ni Paul. Nagulat pa ako ng mapansin kong may dala pala siyang tray na puno ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng malanghap ko ang mabangong aroma ng kape na naroon sa gilid ng tray habang pumapailanlang sa ere ang usok nito."Good morning din." Nakangiwing bati ko rin sa
TIIM bagang lang na tinitigan ako ni Paul matapos akong ihatid sa bahay ni Mr. Ledesma. Buong akala ko ay mag-aaway na naman sila subalit nagkamali ako. Labis ang aking pagtataka sa kanilang ikinikilos. Lalo pa ng tanguan ito ni Paul bago tuluyang umalis. Tila ang bilis naman yata nilang magkabati gayo'ng halos magbugbugan pa nga sila ng huli silang magkita.Nanatiling tahimik lang si Paul habang binabalot ako ng tuwalya.Medyo nakaramdam na rin ako ng panginginig. Halos isang oras din kasi akong nagtampisaw sa ulan. Mabuti na lang at dumating si Mr. Ledesma.Dumiretso na 'ko sa banyo para maligo samantalang ito naman ay nag tuloy-tuloy na sa aming silid.Nahagip ng tingin ko ang wall clock na nakasabit. Nagulat pa ako ng mapagtanto kong alas siyete na pala ng gabi. Marahil ay nagpapahinga na ang impaktang biye
MABILIS na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin simula ng bumalik ako sa kompanya ni dad. Dalawang linggo na rin ang walang sawang iringan at gantihan namin ng hilaw kong biyenan. Madalas ay napapailing na lang si Paul sa tuwing nalalaman nito ang ginawa namin ng kanyang ina.Hindi ko na rin inungkat kay Paul ang tungkol sa mga natanggap kong larawan. Inisip ko na baka pakana lang 'yon ni Daisy upang hiwalayan ko si Paul.Subalit isang umaga ay hindi ko na talaga kinaya pa ang panibagong balita na aking natanggap.Eksaktong pagkababa ko ng kotse ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong saakin.Wala sana akong balak na pansinin siya subalit mukhang may balak itong patirin ako. Mabuti na lang at kasunod ko pala si Kuya Andrew. Kaagad itong lumapit saamin at pinigilan si Daisy sa maitim nitong balak.
HINDI pa man ako nakakalayo sa bahay ay nagdesisyon na akong tawagan si Nanay Meding upang ipaalam sa kanya ang biglaan kong pagdating.Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang sinagot ang aking tawag at mabilis naman itong sumang-ayon saaking kagustuhan.Ilang oras din ang lumipas. Pinaghalong gutom, pagod at sama ng loob na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan upang pansamantalang mgpahinga at kumain subalit mas nanaig ang hangarin kong makarating agad sa aking paroroonan.Alas tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinu
NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k
NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag
ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano
MAG-ASAWANG sampal ang sumalubong saakin pagdating ko sa bahay."Where have you been?" Singhal saakin ni mommy habang hawak ko ang aking pisnging namumula dulot ng pagkakasampal niya."Alam mo bang labis kaming nag-alala sa'yo! Hindi ako nakatulog sa buong magdamag dahil sa kaiisip sa'yo!Tapos ano? Kasama mo lang pala si Mr. Ledesma!" Nanggagalaiti niyang sigaw."Mom! I'm sorry kung pinag-alala ko kayo, pero sana naman huwag niyo akong paratangan! Hindi ho si Mr. Ledesma ang kasama ko kagabi." Pangangatwiran ko pa ngunit tila hindi man lang nakumbinsi si mommy."Kung gano'n sino pala? May bago na naman ba Czarina?" Puno ng pang-iinsultong sambit niya."Mom! Nagkakamali ho-." Protesta kong muli ngunit hindi na ako nito pinatapos pa sa pagsasalita."Huwag mo akong gaguhin!Puntahan mo si Zoe! Kagabi pa nilalagnat ang anak mo!" Patuloy na sermon ni Mommy. Patakbo
PAULIT-ulit na umaalingawngaw sa dalawa kong tainga ang tanong na iyon ni Paul. Natulos na rin ako sa aking kinatatayuan at pakiramdam ko ay pingsakluban na ako ng langit at lupa."Bulag na siya Czarina!" Bigla akong nahimasmasan ng tuluyan ng makalapit sa'kin si Daisy at banggitin nito ang kalagayan ni Paul."What!?"Gulat kong tanong."Pa-paanong nangyari 'yon?" Gumagaralgal ang tinig na muli kong tanong sa kanya."Tutal ay naririto ka na at nalaman mo na rin ang kalagayan ni Paul, mabuti pa siguro ay pumasok na muna tayo sa loob." Ani Daisy sa mahinahon na pananalita. Napansin kong napangiwi pa ito matapos igalaw ang kanan niyang kamay. Bahagya naman akong nakonsensiya subalit bandang huli ay nanaig pa rin ang kabaliwan ko. Naisip ko rin kaagad na kung hindi ko pinilipit ang kamay niya ay baka nasampal niya na ang maganda kong mukha. Marahil rin ay hindi siya aamin kung nasaa
KINAGABIHAN ay ihinatid ako ni Mr. Ledesma pauwi. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay nanlilisik na mata ni mommy ang kaagad na sumalubong saakin."What's with that look mom?" Naiinis kong sabi."Ano, siya na ba ang ipinalit mo kay Paul?""Mom, masyado kang judgemental." Reklamo ko. Nilagpasan ko ito subalit mabilis niya akong napigilan. Hinatak niya ang aking braso at mariing pinaharap ako sa kanya."Nahihibang ka na ba?" Ani mom na bakas ang galit sa mukha niya."Mom, wala kaming ginagawang masama! Nag-usap lang ho kmi ng masinsinan."Liar!""Bahala ho kayo mom.""Mag-isip ka nga! May asawa kang tao pero nakikipagdate ka sa iba!" Singhal niya dahilan upang marinig ni dad ang aming usapan.Patakbong tinungo ko ang hagdan ng matanaw kong pababa si daddy."Daddy!" Parang bata na yumakap ako rito."Sige, kunsin