TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Nagulat pa ako ng mukha agad ni Paul ang una kong nasilayan. Dali-dali akong bumangon, subalit muli rin akong napahiga ng bigla ay makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Halos isang linggo na rin na ganito palagi ang pakiramdam ko tuwing umaga.
Patuloy ko lang itong binabalewala dahil ayoko rin naman na magpatingin sa doctor at baka kung ano pang maging findings. Ayoko rin na mag-alala sa'kin ang aking mga magulang at kapatid if ever na may malalang sakit na pala ako. Kaya't mas mainam na sarilihin ko na lang ito."Hey! Good morning gorgeous!" Nakangiting bati saakin ni Paul. Nagulat pa ako ng mapansin kong may dala pala siyang tray na puno ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng malanghap ko ang mabangong aroma ng kape na naroon sa gilid ng tray habang pumapailanlang sa ere ang usok nito.
"Good morning din." Nakangiwing bati ko rin sa
TIIM bagang lang na tinitigan ako ni Paul matapos akong ihatid sa bahay ni Mr. Ledesma. Buong akala ko ay mag-aaway na naman sila subalit nagkamali ako. Labis ang aking pagtataka sa kanilang ikinikilos. Lalo pa ng tanguan ito ni Paul bago tuluyang umalis. Tila ang bilis naman yata nilang magkabati gayo'ng halos magbugbugan pa nga sila ng huli silang magkita.Nanatiling tahimik lang si Paul habang binabalot ako ng tuwalya.Medyo nakaramdam na rin ako ng panginginig. Halos isang oras din kasi akong nagtampisaw sa ulan. Mabuti na lang at dumating si Mr. Ledesma.Dumiretso na 'ko sa banyo para maligo samantalang ito naman ay nag tuloy-tuloy na sa aming silid.Nahagip ng tingin ko ang wall clock na nakasabit. Nagulat pa ako ng mapagtanto kong alas siyete na pala ng gabi. Marahil ay nagpapahinga na ang impaktang biye
MABILIS na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin simula ng bumalik ako sa kompanya ni dad. Dalawang linggo na rin ang walang sawang iringan at gantihan namin ng hilaw kong biyenan. Madalas ay napapailing na lang si Paul sa tuwing nalalaman nito ang ginawa namin ng kanyang ina.Hindi ko na rin inungkat kay Paul ang tungkol sa mga natanggap kong larawan. Inisip ko na baka pakana lang 'yon ni Daisy upang hiwalayan ko si Paul.Subalit isang umaga ay hindi ko na talaga kinaya pa ang panibagong balita na aking natanggap.Eksaktong pagkababa ko ng kotse ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong saakin.Wala sana akong balak na pansinin siya subalit mukhang may balak itong patirin ako. Mabuti na lang at kasunod ko pala si Kuya Andrew. Kaagad itong lumapit saamin at pinigilan si Daisy sa maitim nitong balak.
HINDI pa man ako nakakalayo sa bahay ay nagdesisyon na akong tawagan si Nanay Meding upang ipaalam sa kanya ang biglaan kong pagdating.Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang sinagot ang aking tawag at mabilis naman itong sumang-ayon saaking kagustuhan.Ilang oras din ang lumipas. Pinaghalong gutom, pagod at sama ng loob na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan upang pansamantalang mgpahinga at kumain subalit mas nanaig ang hangarin kong makarating agad sa aking paroroonan.Alas tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinu
HAPON na ng magising ako. Nagulat pa ako ng wala na sa tabi ko si Paul, kaya naman dali-dali akong lumabas ng kuwarto.Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay si Nanay Meding ang una kong nabungaran. Bitbit niya ang tray na puno ng pagkain."Uhm, naku! Nag-abala pa ho kayo 'nay! Lalabas naman po ako eh." Nakangiti kong saad habang kinukuha dito ang tray."Nak!" Pagtawag niya sa'kin."Hmm?""Eh kasi 'nak-" Nagtaka ako kung bakit bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni 'Nay Meding. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng tila pagkabahala."Ma-may problema ho ba? Nasa'n nga pala si Paul?"Napakamot muna ito sa kanyang ulo bago muling sinagot ang mga katanungan ko."Uhm, umalis kasi 'nak si Paul eh.""Saan ho nagpunta ang asawa ko?" Usisa kong mu
One year later.......... "HAPPY first birthday baby Zoe!" Nakangiti at sabay-sabay na pagbati ng mga kabataang dumalo sa celebrasyon ng pinakaunang kaarawan ng aking munting anghel.Gaya ng dati, si Yaya Meding lang din ang kapamilya ko na naroon. Sina mommy at daddy, maging ang Ate Czyrah at Kuya Andrew na nangakong dadalo ay hindi naman sumipot.Si Paul naman ay hanggang ngayon sa messenger ko pa rin nakakausap. Sa loob ng isang taon ay hindi man lang ito nagpakita o tumawag man lang saakin. Panay chat lang ang aming naging sistema ng komunikasyon. Oo nga't tuloy-tuloy ang kanyang pagbibigay ng sustento, subalit hindi pa rin iyon sapat na batayan upang mapatunayan ang lintik na pagmamahal niya para saakin.Ang daming katanungan na nabuo sa aking isip
SIMULA pa kahapon ay hindi na ako lumabas ng kuwarto. Ilang beses na rin sinubukan ni Nay Meding na katukin ako. Subalit hindi ko ito pinapansin. Maging si ate ay sumubok rin na maghatid sa'kin ng pagkain kagabi ngunit hindi ko rin ito pinagbuksan ng pinto. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang kahit na sino sa kanila. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para kausapin sila. Pakiramdam ko ay napaka sama' kong tao para ganituhin nila ako. Wala na akong kakampi! Dahil ang kaisa-isang 'Nay Meding na pinagkatiwalaan ko ay kinasabwat rin nila.Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na nagkaisa silang lahat para lang itago saakin ang tungkol kina Daisy at Paul. Thanks to Andrei. Dahil sa kadaldalan niya ay nalaman ko ang totoo.Mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa maghapon at magdamag kong pag-iyak. Ngunit, kahit paano ay naibsan naman ang bigat ng aking kalooban.Gusto kong matawa sa saril
HININTAY ko lang na makaalis sina ate. At pagkatapos ay nag-impake na rin ako ng gamit namin ni Zoe.Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang sumulpot sa kuwarto si 'Nay Meding. Hindi agad ako nakakibo lalo pa't nakapamaywang ito habang nakasandal sa hamba ng pintuan at mariing nakamasid sa ginagawa ko."Anong ibig sabihin nito Czarina?" Wika niya na halata ang pagkadisgusto sa kanyang tinig."We're leaving 'nay!" Mapakla kong tugon."Ilang beses mong pinag-isipan ang plano mong ito?" Dagdag pa ni nanay."Maraming beses 'nay!""Tsk! Kawawa naman ang anak mo kung madadamay lang sa mga padalus-dalos mong desisyon.""Ako ho ang ina niya. Kaya sa tingin ko ay ako ang nararapat na magdesisyon para sa kanya." Sa totoo lang ay kahapon pa talaga akong napipikon sa mga salita ni nanay. Hindi ko alam kung may malasakit pa ba siya saakin o tuluyan na nga siyang
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni mommy ay napagdesisyunan kong bumalik na sa kompanya. Kailangan ko ng magsimula ulit ng panibagong pagkakaabalahan upang matuon sa ibang bagay ang aking isip nang sa gayo'n ay hindi ako ma-stress ng walang kuwentang dahilan.Mommy told me na siya na lang ang mag-aalaga kay baby Zoe. Thanks to my beautiful daughter dahil kahit paano ay mapapadalas na ang pagkikita ng kanyang lolo't lola. Pumayag kasi si mom na bumalik sa mansiyon upang maalagaan niya ng maayos ang kanyang apo. Maging si dad ay napansin kong natuwa rin sa desisyon ni mommy. Kaya naman muling umusbong ang pag-asa kong magkabalikan pa sila ni daddy.Sinubukan kong magluto ng almusal. These past few months kasi ay nagpursigi na akong matuto kung paano ba magluto. Kaya naman si 'Nay Meding ay hindi magkanda
NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k
NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag
ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano
MAG-ASAWANG sampal ang sumalubong saakin pagdating ko sa bahay."Where have you been?" Singhal saakin ni mommy habang hawak ko ang aking pisnging namumula dulot ng pagkakasampal niya."Alam mo bang labis kaming nag-alala sa'yo! Hindi ako nakatulog sa buong magdamag dahil sa kaiisip sa'yo!Tapos ano? Kasama mo lang pala si Mr. Ledesma!" Nanggagalaiti niyang sigaw."Mom! I'm sorry kung pinag-alala ko kayo, pero sana naman huwag niyo akong paratangan! Hindi ho si Mr. Ledesma ang kasama ko kagabi." Pangangatwiran ko pa ngunit tila hindi man lang nakumbinsi si mommy."Kung gano'n sino pala? May bago na naman ba Czarina?" Puno ng pang-iinsultong sambit niya."Mom! Nagkakamali ho-." Protesta kong muli ngunit hindi na ako nito pinatapos pa sa pagsasalita."Huwag mo akong gaguhin!Puntahan mo si Zoe! Kagabi pa nilalagnat ang anak mo!" Patuloy na sermon ni Mommy. Patakbo
PAULIT-ulit na umaalingawngaw sa dalawa kong tainga ang tanong na iyon ni Paul. Natulos na rin ako sa aking kinatatayuan at pakiramdam ko ay pingsakluban na ako ng langit at lupa."Bulag na siya Czarina!" Bigla akong nahimasmasan ng tuluyan ng makalapit sa'kin si Daisy at banggitin nito ang kalagayan ni Paul."What!?"Gulat kong tanong."Pa-paanong nangyari 'yon?" Gumagaralgal ang tinig na muli kong tanong sa kanya."Tutal ay naririto ka na at nalaman mo na rin ang kalagayan ni Paul, mabuti pa siguro ay pumasok na muna tayo sa loob." Ani Daisy sa mahinahon na pananalita. Napansin kong napangiwi pa ito matapos igalaw ang kanan niyang kamay. Bahagya naman akong nakonsensiya subalit bandang huli ay nanaig pa rin ang kabaliwan ko. Naisip ko rin kaagad na kung hindi ko pinilipit ang kamay niya ay baka nasampal niya na ang maganda kong mukha. Marahil rin ay hindi siya aamin kung nasaa
KINAGABIHAN ay ihinatid ako ni Mr. Ledesma pauwi. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay nanlilisik na mata ni mommy ang kaagad na sumalubong saakin."What's with that look mom?" Naiinis kong sabi."Ano, siya na ba ang ipinalit mo kay Paul?""Mom, masyado kang judgemental." Reklamo ko. Nilagpasan ko ito subalit mabilis niya akong napigilan. Hinatak niya ang aking braso at mariing pinaharap ako sa kanya."Nahihibang ka na ba?" Ani mom na bakas ang galit sa mukha niya."Mom, wala kaming ginagawang masama! Nag-usap lang ho kmi ng masinsinan."Liar!""Bahala ho kayo mom.""Mag-isip ka nga! May asawa kang tao pero nakikipagdate ka sa iba!" Singhal niya dahilan upang marinig ni dad ang aming usapan.Patakbong tinungo ko ang hagdan ng matanaw kong pababa si daddy."Daddy!" Parang bata na yumakap ako rito."Sige, kunsin