"KAINIS, kainis, kainis! Bakit kasi ang bait niya? hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya."
"Ano?! nabaliw ka na ba d'yan?" Lumingon ako sa kaibigan ko. Si Maricar.
Nakilala niya si Maricar nung minsan siyang isama ng mga katrabaho niya dito sa bar kung saan nagtatrabaho ito bilang waitress. Actually Restobar ito. Restaurant sa umaga, Bar naman sa gabi.
Mahina kasi ang tolerance ko sa alcoholic drinks kaya nalasing agad ako nung time na iyon. Sa sobrang kalasingan naming lahat inabot na kami ng closing. Si Maricar ang nag asikaso sa'kin, ginamit din nito ang phone ko para tawagan si Lorenzo na siyang nasa speed dial. Naalala ko galit na galit si Lorenzo nang malaman nitong nakainom ako. Wala kasi akong natatandaan pagkatapos ko uminom. Kaya naman alalang-alala si Lorenzo. Doon din nagkakilala sila Lorenzo at Maricar. Napagbuntunan kasi ni Lorenzo si Maricar at inakalang siya ang kasama kong mag-inom.
Kay Maricar ako nagkukwento sa mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin kay Lorenzo, lalong lalo na sa feelings ko para rito.
"Kamusta naman ang pagiging kaibigan mo sa pagibig ng Lorenzo mo?" Pang-aasar nito na may pakunwaring quotation gamit ang kanyang kamay.
"Ayun nilalakad ko si Lorenzo kay Cristine. Ako pa minsan nagdadala ng bulaklak. Bwiset!" Tinawanan naman siya ni Maricar.
"Ang Martir mo friend." Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga.
"Bakit kasi hindi mo nalang patulan yung blind date na naset ng mama mo? Malay mo yung taong makikilala mo sa blind date na yun. Yun na pala yung taong magmamahal sayo." Hindi niya kayang isipin na wala na talaga siyang pag asa kay Lorenzo.
"Try mo lang girl. para maka-move-on kana d'yan. Saka tama ng 'yang pag-inom mo, baka ako sisisihin ng Lorenzo mo dahil hinayaan kitang mag-inom." Inagaw nito sa kanya ang bote ng alak. Pero kinuha niya ulit iyon mula kay Maricar.
"Tsk. Hayaan mo siya magsama silang dalawa. Bwiset siya!" Sigaw niya.
"Wow ha! may kayo? may kayo? kung magmaktol ka d'yan." Tinungga ko pa ang alak.
Maya-maya ay tinawag si Maricar ng katrabaho niya.
"Kara, dito ka lang muna ha. Aasikasuhin ko lang yung customer. Saka tama na 'yang pag-inom mo ha. Babalik ako." Umalis ito at tinungo ang Customer na inassigned sa kanya ng katrabaho nito.
---
Pagbalik ni Maricar ay napanganga na lamang siya sa tatlong bote na wala ng laman.
Napalingon si Maricar sa'kin nang marinig niya ang hikbi ko.
"Oh bakit umiiyak ka dyan? lasing ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumungo ako sa counter. Nagdadalawa na ang paningin ko. Dalawang Maricar na ang nakikita ko.
"Hindi ako *hik* lasing... Maricar bakit kasi hindi niya ako magustuhan? *hik* Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? then why?" Naramdaman ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko.
"Tsk! di daw lasing pero nagdrama na dyan. Ginaya mo pa yung isa sa movie na napanood mo, wala kang originality," nilapitan niya ito, "kara tumayo ka na nga dyan, umuwi ka na."
Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Napatakip ako ng bibig, parang babaliktad ang sikmura ko.
"Teka! mag-ingat ka nga muntik ka ng sumubsob, saan na ba phone mo. Tawagan natin ang Lorenzo mo. iinom inom di naman kaya."
Agad naman napatingin si Kara sa kasama niya. Kumunot ang kanyang noo.
"Sinong Lorenzo? yung bestfriend kong babaero?"
"Oo." Kinalkal nito ang gamit at nang mahanap nito ang phone ay pumunta lang ito sa speed dial at pinindot ang call button.
Pilit kong inabot ang phone ko nahawak ni Maricar pero nilalayo lang nito.
Ang phone ko!
Kinurap-kurap ko ang aking mata, parang bumibigat ata ang talukap ng mata ko?
Nilingon ko si Maricar.
"Phone ko yan. Ba't di mo gamitin ang iyo." Masamang tingin ko dito.
Pero hindi ako pinansin nito.
"Hello.. pwede ka ba pumunta dito?" Sumagot na 'ata ang tinatawagan nito.
"Bakit ba parang umiikot ang paligid?" Napahawak ako sa aking noo.
Nakita ko ang stage sa harapan at ang microphone na nakalagay sa stand. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa stage.
"Oo kasama ko siya... Hindi ko siya hinayaang mag-inom pero hindi ko siya mabantayan because I'm working. Okay- hey! Kara san ka pupunta. Just hurry up, I'll follow her." Agad nitong binaba ang tawag para sundan ako.
"Kara wait," sinundan nito ang tinitingnan ko. "No... No... Not the stage Kara!" Naabutan niya ang kaibigan at hinila ito pabalik sa bar counter.
"Let me go.. I want to sing." Pagpupumiglas ko.
"No. Let's go back Kara."
"But i want to sing," kanina pa ako tinatawag ng mikropono..
"Kara, Baka mawalan ako ng trabaho dahil dito. Let's go." Hinawakan ako nito sa braso at hinila ulit pabalik sa counter.
"No! I want to- " pagtalikod ko ay bumangga ako sa isang lalaki.
Nakahinga naman nang maluwag si Maricar dahil dumating na si Lorenzo. "Thank god! dumating ka na. Itong bestfriend mo lasing."
Agad akong hinarap ni Lorenzo sa kanya,
"kara, I told you to stop drinking alcohol. Now, look at you. You look a mess." Inayos nito ang buhok na tumatabing sa mukha ko.
Kunot noo kong kinikilala ang kaharap. Pamilyar ang ang boses niya.
Namilog ang mata ko dahil sa kaharap.
"Kamuha mo yung Lorenzo ko. pareho din kayo ng boses." Ngumiti ako at lumapit dito.
"Kaso yung Lorenzo ko may ibang mahal. Bwiset 'yon, mahal na mahal ko siya pero di ako ang mahal niya." Inangat ko ang aking tingin at hinawakan ang mukha ng lalaki. "Pwede bang ikaw na lang ang Lorenzo ko?" Hindi naman makapaniwala ang lalaki sa mga narinig.
Nagulat na lang si Lorenzo ng mawalan na ito ng malay dahil sa kalasingan. Mabilis niya itong sinalo upang hindi ito tuluyang malalaglag.
Napatakip ng bibig si Maricar dahil sa biglaang pag-amin ng kaibigan.
----
"Arrghh!" Nagising ako sa sakit ng ulo.
Napatingin ako sa kaliwa bahagi ng kama at namataan ang orasan.
10:30 Am
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong tinanghali na ako nagising. Dali-dali akong tumayo pero napatigil dahil sa pagpintig ng aking ulo.
Shit! ang sakit. Naparami ata ang inom ko kagabi.
Nang medyo nawala na ang hangover ko, tumayo na ako't dumeretso sa cr para maligo. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba ako papunta sa kusina upang hanapin si Mama.
"Ma tanghali na, bakit di niyo man lang ako gini-" Nabitin ang sasabihin ko ng makita si Lorenzo na kumain kaharap si Mama.
"Kara, why are you dress like that? it's Sunday." Nagtatakang tanong ng kanyang ina. Agad kong hinanap ang kalendaryo na nilagay namin dito sa kusina. Nakita kong Sunday nga pala ngayon.
Nanlulumong umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ni Lorenzo. Tiningnan ko si Lorenzo pero hindi man lang ko nito nilingon. Napahawak ako sa pumipintig kong sintido.
Napansin naman ito ng kanyang ina. "Kara. Ano na naman ba ang naisipan mo at nag-inom ka ha? Alam mo naman na hindi ka sanay sa alak."
Nilingon ko si Mama, "pano nga po pala ako nakauwi?"
Tumingin si Mama kay Lorenzo na patuloy lang na kumakain.
"Sinundo ka ni Lorenzo doon sa restobar. Buti na lang si Lorenzo ang naghatid sa'yo pauwi, paano kung may nangyari sa'yong masama."
Sa pagkakaalala ko ay kasama ko Maricar at nangangamusta tungkol sa panliligaw ni Lorenzo. Pero bukod dun ay wala na akong ibang maalala.
"Ma, kasama ko naman po si Maricar."
"Kahit pa, may trabaho yung kaibigan mo dumagdag ka pa," pangaral nito. "Saka Anak kung mag iinom ka, dito na lang sa bahay, atleast alam ko dito safe ka. Alalang-alala ako sa'yo." Hindi ko maiwasang makonsensya sa nangyari kagabi.
"I'm sorry ma. Don't worry that will be the last one. Promise!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay.
"You should be." Mataray na wika ng kanyang ina.
She bit her lower lip. Her mom is not on the mood so she better stay quiet.
"Kumain ka na d'yan. Uminom ka ng maraming sabaw ha. Aalis muna ako. Pupunta ako sa office."
"Why?"
"May inutos sakin ang dad mo. Yung files niya sa office pinapasend niya sa'kin. Nakalimutan niya bago siya pumuntang Singapore." Napatango-tango naman siya sa sinabi ng ina.
Nang makaalis si Mama ay binalingan ko ang kaibigan kong tahimik na kumakain at wala 'atang balak na kausapin ako.
"Oyy!" Kalabit ko dito, pero hindi ako pinansin nito.
"Lorenzo," kinalabit ko ulit. Pero dedma pa rin ang beauty ko.
"Lorenzo, galit ka ba? oyy!"
Lumingon ito at tinitigan ako ng masama.
"I told you to stop drinking." Mahina pero madiin nabigkas nito.
Nakagat ko ang labi ko, umiwas ako ng tingin.
"Sorry na. Hindi ko na uulitin. Iinom na lang ako pag kasama ka." Hindi pa rin ako nito pinapansin.
Tumayo ako sa kanyang upuan at mula sa likod ng lalaki ay niyakap ko ito. Naestatwa naman si Lorenzo sa ginawa ko.
"Sorry na Lorenzo. Promise hindi na ako mag-iinom hmm." At niyakap ko pa ito ng mahigpit.
Ganito ako maglambing pag may tampuhan kami. Bagay na maaring magbago pag umamin ako sa kanya.
"Dapat lang. Kung anu-ano sinasabi mo pag nalalasing." Kumalas siya sa yakap ko.
"Bakit ano ba sinabi ko?" Nanlaki ang mata ko saka napatakip ng bibig.
"Omg! Did I do so something wrong? did I make a scene?"
Inirapan naman siya nito. Kalalaking tao marunong mang-irap.
"Wala." Nag-iwas naman ito ng tingin.
"Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka?" Pinaningkitan ko ito ng mata.
Natawa naman ito sa kanya. "Wala nga. Ang kulit!" Tumayo na ito at lumabas ng kusina. Hinabol ko ito.
"Pero di nga Lorenzo. Wala ba talaga akong nasabi na kahit ano?" Tinitigan lang ako nito ng maiigi bago umiling.
"Wala nga." Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito bago ako lagpasan.
Wala ba talaga akong ginawa o sinabi? pero bakit pakiramdam ko meron.
Arrghh! hindi na ko iinom ng alak.
may nangyayaring di maganda.
"MARICAR wala ba talaga akong ginawa o sinabi nung gabing nalasing ako? para kasing meron eh."Tanong ko kay Maricar.Tinitigan lang ako ni Maricar habang nagpupunas ito ng baso.Nandito ako sa Restobar na pinagtatrabahuhan nito at kung saan din siya huling naglasing. Makikigulo muna siya dito tutal maaga pa naman kaya wala pa gaanong customer."I swear Kara, don't ever drink again." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito."Edi may ginawa nga ako? Shit! anong ginawa ko? Tell me." Lumapit ako kay Maricar at niyugyog ito.Sinasabi ko na eh! may nangyari talaga eh."Teka nga. Aray ko Kara." Itinigil ko ang pagyugyog sa kanya.Itinigil nito ang ginagawa at tinitigan si Kara, naalala niya ang huling sinabi ni Lorenzo ng gabing iyon."Don't tell her anything about her confession.""Bakit?" Hindi maiwas
NAGISING ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Rinig na rinig ko ang halakhak ng kanyang ina. May bisita ba kami?Pagkatapos maligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Nasa hagdan pa lang ako ay napansin ko na agad ang mga tao sa baba."Oh anak! come here, I will introduce you to my friend."Lumapit ako sa mga ito. May kasamang babae ang kanyang ina na hindi nalalayo sa edad nito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa."Kara I want you to meet my dearest friend, Micaela Buenavista. Mica this is my only daughter, Kara."Ngumiti ako sa babae at nakipag beso-beso. "Nice to meet you po, tita.""Me too, iha. Gina, you have a beautiful daughter. I wish i have a daughter like you iha."Ngumiti ako sa ginang. She's so humble."Thank you po."Humarap ako kay Mama. "Ma, i'll go ahead na. Nice
HINDI ko magawang tumingin kay Josh dahil nasaksihan nito ang pag-iyak ko. Nakakahiya man ang nangyari kanina, pero gumaan ang pakiramdam ko.Namumula pa rin ang pisngi ko pero tumigil na ang pagtulo ng luha ko. Dinala ako ni Josh sa isang park malapit sa Restaurant. Malawak ito at may nagtatayugang mga puno na siyang nag papalamig sa lugar. Dumagdag pa ang malakas na hangin kaya lalo pang lumamig ito.Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Inabot ni Josh sakin ang Icecream na binili nito."Ayos ka na ba?"Tumango ako dito at napatingin sa Icecream. Chocolate Flavor."Salamat.. salamat dahil sinamahan mo ko. Kahit na pinagtitinginan na tayo kanina dahil sa kakangawa ko." Bahagya naman akong natawa sa sarili. Siguro iniisip ng mga tao na pinaiyak ako ni Josh. Hindi nila alam na ito pa ang nga ang nagpapatahan sa'kin.Ngumiti ito sa'kin. "Paano ba ako mak
"CRISTINE, anong ginagawa mo dito?" Lumakad ako palapit dito.Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Cristine. Hindi naman kasi kami close. Ako lang ang nagmistulang messanger nilang dalawa ni Lorenzo. Kaya nagkakapagtaka kung bakit ito nandito."Pasensya na at nakaabala pa ako. I'm just so excited to talk to you."Kuno't noo'ng tiningnan ko siya. "Talk to me? bakit ano bang sasabihin mo?"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah, may kutob ako na hindi ko magugustuhan ang ano mang sasabihin nito. Sana mali ang naiisip ko na tungkol kay Lorenzo ang sasabihin niya. Pero ano pa bang ibang sasabihin nito bukod kay Lorenzo. Naging konektado lang naman ako sa babae ng dahil kay Lorenzo."I want you to be the first one to know. Since you're one of the reason why i met Lorenzo." Hindi ko na gusto pang marinig ang mga sunod pa nitong sasabihin pero hindi ko naman mapatigil ito sa pa
"ANG sarap talaga ng sawsawan niyo Aling Ising!" Kumuha pa ako ng isang fishball mula sa hawak kong plastic cup."Naku! syempre naman, minsan ko lang kayo makita eh. Magmula noong grumaduate kayo ay bihira na lamang kayong mapadaan dito."Napangiti naman ako rito. "Alam kong busy na kayo sa mga trabaho niyo kaya naman sinusulit ko ang pagkakataon na ito. Wag niyo ng bayaran 'yan. Malaki rin ang naitulong n'yo sa'kin lalo na ng nagsisimula palang ang karinderya ko.""Hindi po puwede Aling Ising, negosyo niyo po ito. Dapat lang na magbayad kami."Pagkatapos namin sa Arcade ay naisipan namin na dito na lang kumain.Ising Eatery ang pangalan ng karinderya ni Aling Ising. Dito kami madalas tumambay ni Lorenzo noong nasa kolehiyo pa kami. Hindi kasi namin gusto ang nilulutong ulam sa university. Kaya nang matuklasan namin ang nag-uumpisa pa lang na karinderyang ito ay sinubukan agad na
"PA welcome home, i missed you so much." Sabik na niyakap ko si papa. Mahigit apat na buwan ko rin itong hindi nakita.Meet Oscar Villena, my ever lovable, caring and sweet father in the world. Well for me it is.Palagi nag-a-out of the country si papa kahit nu'ng highschool pa lamang ako. Madalas pa ako noong magtampo kasi lagi itong wala.Naalala ko nagrebelde pa ako dahil gusto kong pauwiin si papa. Naglayas ako at kila Lorenzo tumuloy, pero nang malaman ni Lorenzo na nagrerebelde ako ay kinaladkad ako nito pabalik sa amin para makapag-usap kaming pamilya.Bully talaga ang lalaking iyon, hindi ako kinampihan. Anyway, nagkaayos rin naman kami dahil ipinaintindi nila sa'kin na para saykin lang din ang ginagawa nila, for my future.Matapos kong yakapin si papa ay nakita ko ang mga gamit nito sa sala kasama ang mga shopping bags.Nanlalaki sa tuwa na tumingin
ILANG araw na ang lumipas magmula ng magresign ako sa dati kong trabaho. May sarili kaming business pero nagtatrabaho pa ako sa ibang kumpanya. I have reason, gusto kong matuto ng hindi binibigyan ng special treatment. Sa company kasi namin konti na lang ang ginagawa ko since kay Papa pa rin naman manggagaling ang approval ng mga projects.Sa ngayon, ako ang tumatayong acting CEO ng Villena Builders Inc. Our company is one of the top 20 most trusted house builders. But now many of our investors had back out whenever they heard the unpaid debts to CM Corp.Iniisip ng mga ito na hindi na kayang makabangon ng kumpanya. Kaya mas lalo kong pinagbubutihan ang pagtatrabaho sa aming kumpanya while papa went back to Singapore to calm our remaining investors.I press the intercom. "Jenny.. what is my schedule tonight?"Agad namang pumasok sa office ang aking secretary."You only have one M
HINDI ko mapigilang haplusin ang tela ng aking wedding gown. Napakaganda nito.Ang sabi ni Mama ay ipinasadyan pa ito sa kakilala niyang wedding gown designer. My gown is a deep V-neckline with organic lace edging and long lace sleeves. Aakalain mong may nakadikit na bulaklak sa braso ko dahil sa hindi mo mahahalata ang tela na talaga namang nagblend sa kulay ng skin ko. Talagang mabusisi ang pagkakagawa nito, mapapathumbs up ka talaga.Nakakamangha kasi ang ganda nito.Dati ini-imagine ko lang na ikakasal kami ni Lorenzo sa simbahan. Di halatang-halata na patay na patay ako kay Lorenzo na kahit highschool pa lang kami ay naisip ko na ito. Natawa ako sa mga naisip pero napalitan din agad ito ng lungkot.Nakakamangha na sa loob lamang ng dalawang linggo ay nagawang maisaayos ang lahat ng kailangan sa kasal. Halos wala akong itinulong sa pag-aayos nito pero maganda pa rin ang kinalabasan.
HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi
NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya. Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message. Sender: Unregistered Number Kara, can we talk? It's me Cristine. Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. &
PAIN. That's what I feel right now.Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa
"MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila. "Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara." "Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig
"HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya."Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin."Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool."Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo."Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."
ALAM kong nakita ko si Cristine. Agad akong humabol dito nang mapansin ko na paalis na ito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maricar pero hindi ko siya pinansin at sinundan si Cristine. Dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ko si Cristine pero agad ko rin itong nahanap sa harap ng counter. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya kaya lumingon siya sa'kin.Pero nabigo ako."Yes?" Tanong ng babaeng inakala kong si Cristine. Umiling ako at humingi ng pasensya."I'm sorry, I thought your someone I knew." Ngumiti lang ang babae at bumalik na sa kanyang ginagawa.Namalikmata lang ba ako?Baka nga nagkamali lang ako. Pero paano nga kung naabutan ko siya, anong sasabihin ko?Bakit ko nga ba siya hinabol? Dahil ba gusto ko lang makasigurado na siya nga ang nakita ko?Alam kong nangingibabaw ang takot ko sa mga oras
MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad kami ni Lorenzo. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin."Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon lang siya saglit sa'kin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pasimple kong kinurot ang braso ko para makasigurado na hindi nga ako nananaginip, nang makaramdam ako ng sakit saka ko lang napatunayan na totoo ang lahat ng ito. Madalas lang ako noon mag-day dream pero ngayon abot kamay ko na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng mahal mo. Para akong lumulutang sa saya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kapag naaalala ko ang mga linya ni Lorenzo. Sana pala nirecord ko.Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil at humarap sa akin si Lorenzo. Nagtaka ako nang maglabas ito ng panyo mula sa kana
"SHEENA?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito. Alam mo 'yung pakiramdam na nabitin ka sa isang bagay na dapat ay malalaman mo na pero mapuputol dahil may dumating na asungot. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Paano nakarating ang babaeng ito dito? Sheena is wearing a seductive red bikini that showcase her sexy curves. Gumamit lang siya ng manipis na tela para ilagay sa baywang, pero parang wala rin naman itong silbi dahil hindi naman kayang takpan ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Lorenzo, what a coincidence! You're also here, right Dad?" Masayang kumapit ito kay Lorenzo. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng bulagta sa buhangin ang babaeng ito. Lumipat ang tingin ko sa kasama nito na siyang ama ni Sheena. Siya pala si Mr. Jose Corpuz. May Edad na rin ito, may karamihan na rin ang puting buhok. Mukha rin itong mabait hindi katulad ng anak nito na parang linta kung makadik