Share

Chapter 10

Penulis: Katrengracia
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-02 08:00:00

HINDI ko mapigilang haplusin ang tela ng aking wedding gown. Napakaganda nito. 

Ang sabi ni Mama ay ipinasadyan pa ito sa kakilala niyang wedding gown designer. My gown is a deep V-neckline with organic lace edging and long lace sleeves. Aakalain mong may nakadikit na bulaklak sa braso ko dahil sa hindi mo mahahalata ang tela na talaga namang nagblend sa kulay ng skin ko. Talagang mabusisi ang pagkakagawa nito, mapapathumbs up ka talaga.

Nakakamangha kasi ang ganda nito.

Dati ini-imagine ko lang na ikakasal kami ni Lorenzo sa simbahan. Di halatang-halata na patay na patay ako kay Lorenzo na kahit highschool pa lang kami ay naisip ko na ito. Natawa ako sa mga naisip pero napalitan din agad ito ng lungkot.

Nakakamangha na sa loob lamang ng dalawang linggo ay nagawang maisaayos ang lahat ng kailangan sa kasal. Halos wala akong itinulong sa pag-aayos nito pero maganda pa rin ang kinalabasan.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Akhira Phytoon Bacalso
lagibg lock,mahal na nga wifi may bayad pa story nila,mahal pa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku lorenzo lagot ka kaya ikaw magbayad ng utang ng comp nila kara
goodnovel comment avatar
Cheene Lay Viloria
wala bang free to ? ang mahal naman kasi ng bayad
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 11

    HINDI ko alam kung ano ang idadahilan ko ngayong ang pamilya ko, ang pamilya ni Lorenzo at maging ang pamilya ni Josh ay matiyagang naghihintay sa mga sasabihin ko.Si Papa ay matiimtim pa ring nag-iisip at hindi ako magawang tingnan. Si Mama ay nasa tabi ni Tita Mikaela na patuloy pa ring nag-sosorry.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Malaking abala ang nagawa namin sa pamilya Buenavista. Nakakahiya talaga kila Josh.Nasa loob na kami ng Hotel. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero agad ko din itong itinikom nang wala akong maisip na dahilan.Ang gusto ko lang naman ay mapakalma silang lahat at hindi sila magkasakitan, pero mukang pinalala ko pa ang lahat.Napahilamos ako ng mukha, buti na lang waterproof ang make-up ko kaya hindi ito masyadong masisira.Tumingin ako sa katabi kong si Lorenzo upang humingi ng tulong, pero mukang wrong move. Nang tingnan ko

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-03
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 12

    "CONGRATULATIONS iha.. sabi ko na nga ba't kayo rin magkakatuluyan." Masayang bati nito sa'min ng former teacher namin na si Sir Bryle.Matapos ang kasal ay nandito naman kami ngayon sa isa sa mga kilalang hotel dito sa Tagaytay. Ito kasi ang napiling lugar ng magulang namin para pagdausan ng reception since wala naman talaga akong itinulong sa preparation.Pero hindi sa mismong hotel ang reception, doon lamang kami tutuloy pagkatapos ng reception. Outdoor wedding reception kasi ang naisip ng magulang namin kaya naman nandito kami sa likod ng hotel kung saan makikita ang mga nagkikinangang mga ilaw na nakasabit sa mga puno.May mahahabang table na nakapalibot sa magkabilang gilid, nakapatong dito ang mga puting bulalak. Sa harap naman nakapwesto ang table namin ni Lorenzo. Sa gitna naman ang nagmistulang stage ng reception."Salamat Sir Bryle, hindi ko alam na inimbitahan po pala kayo ni Mama. Thank

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-04
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 13

    HATING GABI nang magising ako sa kalabog na parang may bumagsak na mabigat na bagay sa sahig. Agad kong binuksan ang ilaw.Nanlalaki ang matang nakita ko si Lorenzo na nakahiga sa sahig nakasuot pa rin ito ng tuxedo. Nilapitan ko ito."Lorenzo, are you okay? san ka ba nanggaling- " Napatigil ako ng mapatakip ako ng ilong. Nangangamoy alak ito."Lorenzo, bakit ka nag-inom? paano kung nakita ka ng parents natin?" Umungol lamang ito at maya-maya ay naghihilik na ito.Nakatulog na nga ang loko.Ano bang nangyari sa'yo Lorenzo?Kinabukasan ay nagliligpit na ako ng mga gamit namin ni Lorenzo dahil lilipat na kami sa tutuluyan naming bahay."Lorenzo, wala ka na bang naiwan d'yan?" tanong ko. Nasa loob kasi ito ng banyo."Yes, wala na." Lumabas ito at binitbit ang mga gamit na kinuha nito sa CR.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-05
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 14

    KINABUKASAN maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin. Excited akong i-arrange ang lahat ng gamit na niregalo at binili nila Mama at Mommy Karen para samin.Kumain muna ako ng breakfast. Buti na lang pala may malapit na convenient store dito. Binilhan ko na din si Lorenzo at siguradong gutom na ito.Pagkatapos kumain ay inumpisahan ko na ang pagbukas ng mga box. Meron kaming Microwave, Blender, Plate with spoon and fork, Oven and iba pang kitchen utensils.Lumipat naman ako ng pwesto kung saan nakalagay ang iba pang box.Ang dami pala nito.Napalingon ako ng marinig ko ang yabag na nanggaling sa hagdan. Gising na si Lorenzo.Nang magising kasi ito kaninang madaling araw ay pinalipat ko ito sa kwarto para mas makatulog siya ng maayos. Hindi kami tabi natulog dahil alam kung hindi yon magugustuhan ni Lorenzo. Kahit na mas gusto ko iyon.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-06
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 15

    HINDI ko na nagawang kausapin si Lorenzo ngayong himbing na himbing ang tulog nito. Bukas ko na lang siguro ito kakausapin.Naisipan kong kumuha na lamang ng kumot at hayaang dito na lang ito matulog dahil hindi ko kayang buhatin ito sa sariling kwarto.Inayos ko ang pagkakalagay ko ng kumot at siniguradong hindi ito lalamigin. Akmang tatayo na ako ng biglang magmulat ang mga mata ni Lorenzo at titigan ako. Nagulat ako ng bigla na lamang akong hinila nito pahiga at yakapin. Pansamantalang hindi ako nakahinga sa ikinilos nito.Napaka-higpit ng yakap nito na para bang mawawala ako pag bumitiw ito. Ilang sandaling hindi muna ako gumalaw. Hinintay ko munang maging steady na ang paghinga nito at dahan-dahang inangat ang braso nito na nakadantay sa aking baywang. Pigil ang aking paghinga habang inaangat ko ito pero nagulat ako nang kusang bumalik ang braso nito sa aking baywang. Hindi na ako nakakilos pa lalo na't ramdam na ra

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-07
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 16

    MATAPOS ang pag-uusap namin ni Lorenzo ay nagbago na ang lahat. Bumalik na ito sa dati. Madalas na ulit itong nakangiti at makipag-asaran sa akin.Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang may marining ako na parang may masayang nag uusap sa aming sala. Pababa pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila Lorenzo at tawa ng isang bata.Bata? may bata sa bahay?Nanlaki ang aking mga mata nang marealized ko kung sino ang taong nagtatawanan sa baba. Binilisan ko ang paghakbang sa hagdan. Pagdating ko sa kusina ay di ko inaasahan kung sino ang nakita ko."Ate Carla!" Sigaw ko."Kara, nice to see you again."Agad akong lumapit dito at niyakap ito. "OMG! I missed you, Ate. Buti naman bumisita ka dito." I'm so happy na binisita kami nito."Pagkadating na pagkadating ko ay kayo agad ang naisip ko na una kong bisitahin." masayang paliwanag n

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-08
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 17

    PAGKTAPOS kumain ay napagdesisyunan muna namin na mag stay sa bahay nila. Alam ko kasing namiss din ni Lorenzo ang bahay kung saan siya lumaki."Mommy, pinalawakan n'yo pala ang garden? Maganda.""Yes. Recently kasi may mga nadiscovered kasi akong mga flowers na talaga naman ang ganda sa paningin. So I told your dad about this."Napangiti ako sa mag-ina. Ang sarap nilang tingnan. They are catching up."Oh, wait your dad is calling." Sinagot agad nito ang tawag."Oh, hello Hon! Your son is here together with his wife." Lumingon naman ito sa kanila at masayang nagkwento.Lumingon sa akin si Lorenzo."Are you bored?" Tumabi ito sa akin."No. Actually namiss ko din 'tong house n'yo." Nakangiting sagot ko."My house is your house too." Saglit itong napaisip. "Come on let's go upstairs."Hinila ako nito para t

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-09
  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 18

    "KARA I'm sorry talaga at naabala ko kayong dalawa." kalalabas lang nito ng sasakyan."It's okay Ate Carla, Come in."Napatingin naman ako sa cute na cute na si Dylan. Nakatitig lang ito sa mommy niya. Parang pinakikiramdam ang nangyayari. Medyo nakakunot ang noo nito, mukhang kakagising lang.Naku, sana maganda ang gising nito.Bumalik ang tingin ko kay Ate Carla."Wala kasing tao ngayon sa bahay. Gustuhin man isama ni mommy si Dylan sa pupuntahan nila, hindi naman pwede kasi mapapagod si Dylan sa byahe." Inhiga ni Ate Carla si Dylan sa sofa at hinarangan ng mga unan.Lumabas si Lorenzo na may dala-dalang tinapay galing sa kusina."Ate, I have prepared breakfast. Sumabay ka na muna samin." Alok niya.Saglit itong tumingin kay Lorenzo bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ni Baby Dylan."Hin

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17

Bab terbaru

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Epilogue

    HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 28

    NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 27

    AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya. Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message. Sender: Unregistered Number Kara, can we talk? It's me Cristine. Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. &

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 26

    PAIN. That's what I feel right now.Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 25

    "MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila. "Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara." "Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 24

    "HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya."Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin."Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool."Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo."Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 23

    ALAM kong nakita ko si Cristine. Agad akong humabol dito nang mapansin ko na paalis na ito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maricar pero hindi ko siya pinansin at sinundan si Cristine. Dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ko si Cristine pero agad ko rin itong nahanap sa harap ng counter. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya kaya lumingon siya sa'kin.Pero nabigo ako."Yes?" Tanong ng babaeng inakala kong si Cristine. Umiling ako at humingi ng pasensya."I'm sorry, I thought your someone I knew." Ngumiti lang ang babae at bumalik na sa kanyang ginagawa.Namalikmata lang ba ako?Baka nga nagkamali lang ako. Pero paano nga kung naabutan ko siya, anong sasabihin ko?Bakit ko nga ba siya hinabol? Dahil ba gusto ko lang makasigurado na siya nga ang nakita ko?Alam kong nangingibabaw ang takot ko sa mga oras

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 22

    MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad kami ni Lorenzo. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin."Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon lang siya saglit sa'kin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pasimple kong kinurot ang braso ko para makasigurado na hindi nga ako nananaginip, nang makaramdam ako ng sakit saka ko lang napatunayan na totoo ang lahat ng ito. Madalas lang ako noon mag-day dream pero ngayon abot kamay ko na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng mahal mo. Para akong lumulutang sa saya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kapag naaalala ko ang mga linya ni Lorenzo. Sana pala nirecord ko.Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil at humarap sa akin si Lorenzo. Nagtaka ako nang maglabas ito ng panyo mula sa kana

  • Wedding in Trouble (Tagalog)   Chapter 21

    "SHEENA?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito. Alam mo 'yung pakiramdam na nabitin ka sa isang bagay na dapat ay malalaman mo na pero mapuputol dahil may dumating na asungot. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Paano nakarating ang babaeng ito dito? Sheena is wearing a seductive red bikini that showcase her sexy curves. Gumamit lang siya ng manipis na tela para ilagay sa baywang, pero parang wala rin naman itong silbi dahil hindi naman kayang takpan ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Lorenzo, what a coincidence! You're also here, right Dad?" Masayang kumapit ito kay Lorenzo. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng bulagta sa buhangin ang babaeng ito. Lumipat ang tingin ko sa kasama nito na siyang ama ni Sheena. Siya pala si Mr. Jose Corpuz. May Edad na rin ito, may karamihan na rin ang puting buhok. Mukha rin itong mabait hindi katulad ng anak nito na parang linta kung makadik

DMCA.com Protection Status