author-banner
Katrengracia
Katrengracia
Author

Novels by Katrengracia

Wedding in Trouble (Tagalog)

Wedding in Trouble (Tagalog)

NO boyfriend since birth ang peg ni Kara kaya naman sa edad na 25 ay pilit siyang nirereto ng ina sa mga anak ng amiga nito. Kaya lang naman wala siyang boyfriend ay dahil hinihintay niya ang lalaking lihim niyang minamahal. Ito ay ang kanyang bestfriend na si Lorenzo. Ang kaso may mahal na iba ang lalaki. Kaya nang malaman niyang liligawan na nito ang babaeng gusto nito ay gumuho ang mundo niya. Naisip niya tutal wala naman ng pag-asa ang lovelife niya ay papayag na lang siya sa kagustuhan ng ina na pakasalan ang anak ng isa sa amiga nito. Pero nagulat siya dahil sa araw ng kasal niya ay bigla na lang sumulpot si Lorenzo at sinabing ilalayo siya nito, na hindi ito pumapayag sa kasal. Matutupad na ba ang matagal niyang hiling o isa lamang itong panaginip?
Read
Chapter: Epilogue
HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi
Last Updated: 2022-02-27
Chapter: Chapter 28
NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
Last Updated: 2022-02-01
Chapter: Chapter 27
AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya. Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message. Sender: Unregistered Number Kara, can we talk? It's me Cristine. Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. &
Last Updated: 2021-12-09
Chapter: Chapter 26
PAIN. That's what I feel right now.Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa
Last Updated: 2021-12-04
Chapter: Chapter 25
"MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila. "Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara." "Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig
Last Updated: 2021-12-01
Chapter: Chapter 24
"HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya."Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin."Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool."Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo."Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."
Last Updated: 2021-11-28
You may also like
THE DEVIL'S VOW
THE DEVIL'S VOW
Romance · Katrengracia
16.7K views
Can I call you Honey
Can I call you Honey
Romance · Katrengracia
16.7K views
When the Bosses Meet
When the Bosses Meet
Romance · Katrengracia
16.6K views
LOVE IN TEXAS
LOVE IN TEXAS
Romance · Katrengracia
16.6K views
BOSS AND ME [ENGLISH]
BOSS AND ME [ENGLISH]
Romance · Katrengracia
16.6K views
DMCA.com Protection Status