"CRISTINE, anong ginagawa mo dito?" Lumakad ako palapit dito.
Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Cristine. Hindi naman kasi kami close. Ako lang ang nagmistulang messanger nilang dalawa ni Lorenzo. Kaya nagkakapagtaka kung bakit ito nandito.
"Pasensya na at nakaabala pa ako. I'm just so excited to talk to you."
Kuno't noo'ng tiningnan ko siya. "Talk to me? bakit ano bang sasabihin mo?"
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah, may kutob ako na hindi ko magugustuhan ang ano mang sasabihin nito. Sana mali ang naiisip ko na tungkol kay Lorenzo ang sasabihin niya. Pero ano pa bang ibang sasabihin nito bukod kay Lorenzo. Naging konektado lang naman ako sa babae ng dahil kay Lorenzo.
"I want you to be the first one to know. Since you're one of the reason why i met Lorenzo." Hindi ko na gusto pang marinig ang mga sunod pa nitong sasabihin pero hindi ko naman mapatigil ito sa pagsasalita.
Ngumiti si Cristine sa kanya bago ito nagpatuloy. "I think I'm ready to give him a chance, I think I'm falling for him."
- - -
ILANG araw na ang nakalipas matapos ang pagbisita ni Cristine sa bahay. Nang gabi rin iyon ay nakailang tawag sakin si Lorenzo pero hinayaan ko lang na mauwi lahat ito sa missed calls. Gusto ko munang lumayo rito para hindi na lumalim pa ang feelings ko para sa kanya. Kailangan ko na talaga ibaon sa limot ang feelings ko para kay Lorenzo para next time na magkita kami nito ay magiging natural na lang ang lahat.
Sa mga nakalipas na araw, ang mas madalas kong kasama at kausap ay si Josh. May time na tatawagan ako nito at papupuntahin sa Restaurant nito para gawing Critic sa mga bagong putaheng maari nilang idagdag sa menu. O kaya naman minsan ay ako naman ang tatawag dito at magpapasamang mamili sa mall.
Papunta ako ngayon sa Restobar na pinagtatrabahuhan ni Maricar. Namimiss ko na kasi ang babaeng 'yun. Masyadong nagpapayaman.
Pagpasok niya sa loob ay as usual maraming tao, pero dahil hapon na mas maraming tao ang nasa loob ngayon. Mukang mahihirapan akong nakawin saglit si Maricar dahil busy ang Restobar.
Pumunta ako sa Counter at nakita doon si Maricar.
"Dami niyong customer ahh."
Napalingon naman sakin si Maricar kaya kinawayan ko ito.
Inasikaso muna nito ang order ng customer, pagkatapos ay humarap sa akin. "Oh, buhay ka pa pala!"
Napasimangot naman ako dito. "Syempre naman. Still alive and kicking."
"Kumusta ka naman. Walang paramdam. Akala ko nilibing ka na hindi ko man lang alam." Ngumisi naman ang bruha.
"Babaita ka! ano tingin mo sakin ngayon multo?"
"Tsk! nga pala pumunta rito si Lorenzo 'nung isang araw. Tinatanong niya kung kilala ko raw ba ang ka-blind date mo. Aba'y natural hindi, kaya nga blind date eh! hindi mo siya knows." Natawa naman ako sa reaksyon nito.
"Eh bakit highblood ka?"
"Wag kang tumawa. Tinanong niya rin kung iniiwasan mo raw ba siya."
Natigilan ako sa sinabi nito. Iniiwasan ko nga ba si Lorenzo? gusto ko lang naman na mawala muna ang feelings ko para dito.
"Seriously, am I your messanger to Lorenzo? bakit hindi na lang siya diretso magtanong sa'yo–" Natigilan ito saglit. "Wait! Nag-away ba kayo?"
Maricar then move her arms over her chest. Animo'y imbestigador na nag-iimbestiga at ako ang suspect.
Humihinga muna ako ng malalim. "Nagtampo lang naman ako sakanya. I'm not mad and.."
"And?.."
Napatingin ako kay Maricar na naghihintay sa sunod kong sasabihin. "And... I just need space para kalimutan yung feelings ko sa kanya."
Pinaningkitan ako nito. "Effective naman ba?"
Iniwas ko ang tingin kay Maricar. Sa totoo lang parang wala lang rin kwenta ang pag iwas ko dito. Hindi ko nga nakikita ang lalaki pero lagi ko naman ito naiisip.
"Alam mo Kara, naisip ko lang bakit hindi mo na lang sabihin kay Lorenzo na gusto mo siya? malay mo magustuhan ka rin niya." Suggest nito.
"Talaga bang pinapaasa mo ako. Di ba nililigawan niya si Cristine? kaya balewala rin kung magtatapat ako sa kanya."
Ayoko ng umasa.
Masakit umasa lalo na kung sa umpisa pa lang ay talo ka na.
"Well, malay mo madaan sa dasal." Malakas na tinawanan ako nito.
kling.. kling...
Pareho kaming napatingin sa pinto ng tumunog ang bell na nakasabit sa taas ng pinto. Senyales na may pumasok.
Agad na nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang pumasok.
"Speaking of.." Natatawang tumingin sa'kin si Maricar.
"Shet!.. Maricar itago mo ako dali!" Nagmamadaling pumunta ako sa loob ng counter at naghanap ng puwedeng mataguan.
"Bakit ka pa magtatago? Harapin mo na lang siya."
"No. Hindi pa ako ready."
Dumiretso ako sa ilalim ng table kung nasaan si Maricar, doon ako nagtago. Hindi naman siguro papasok sa loob si Lorenzo. Napatingin sa'kin ang ibang kasamahan ni Maricar pero dahil madalas akong tumambay dito ay sanay na sa'kin ang mga ito.
Nginitian ko ang mga ito at sinenyasan na wag titingin sa pwesto ko.
Rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Ayan ka na naman heart kalma ka lang!
Then I heard his voice. How I miss him...
"Hi Maricar, napadaan ba dito si Kara?" Pasimple naman na tumingin sa'kin si Maricar.
Pinanlakihan ko ito ng mata at sinabihan itong wag lumingon sa'kin. Alam kong hindi ito maririnig ni Lorenzo dahil hindi naman niya isinaboses iyon para lamang siyang nag-lip sync.
"Bakit? TINATAGUAN ka ba niya?" Aba't balak pa 'ata ako ibuking ng babae ito. Kinurot ko ito sa binti para matigil ito sa paglaglag sa'kin.
"Aw-!"
"What happened?" Nagtatakang tinignan ni Lorenzo si Maricar.
"Ha? ah wala.. wala may lamok lang kinagat ako." Pagdadahilan nito at bahagyang yumuko para alisin ang kamay kong pumipisil sa binti niya.
"Ha?"
"May lamok.. malaking lamok."
Seriously, lamok pa ang idinahilan niya. Does she think he will buy that.
"Ah okay. Kung sakaling mapadaan siya, please tell her to call me."
"Okay noted." Tumango-tango si Maricar.
"Sige salamat." Tumalikod ito.
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na ito. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan.
"O narinig mo naman lahat kaya hindi ko na uulitin pa."
"Oo." Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya iiwasan.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpasya na akong umalis dahil parami na ng parami ang mga tao, kelangan ng tumulong ni Maricar. Matapos makapagpaalam ay lumabas na ako.
Pero napatigil ako ng pagharap ko ay nasa gilid ng pinto si Lorenzo at nakatingin sakin.
"L-Lorenzo.." Nakagat ko ang labi ko. Akala ko ay tuluyan na itong nakaalis.
"Iniiwasan mo ba ako Kara?"
Nag-iwas ako ng tingin dito at nag-umpisang maglakad.
Sinundan naman ako nito.
"Nagtatampo ka pa rin ba dahil iniwan kita?"
Kapantay ko na ito sa paglalakad. "Hindi 'no! Bakit naman ako magtatampo."
Tumingin ito sa akin pero diretso lang ang tingin ko.
"Nagtatampo ka nga. Sorry na emergency lang kasi, kailangan ako ni Cristine."
Nilingon ko ito bago inirapan. "Whatever."
Mas binilisan ko pa ang paglalakad baka sakaling hindi na ako nito maabutan pero imposible 'yon. Sa tangkad nito, di hamak na mas malalaki ang hakbang nito kumpara sa akin.
Pero nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa likod.
"Sorry na.. Wag ka ng magtampo sa'kin, alam mo naman na hindi ko kayang hindi mo ako pinapansin." Ganito ito lagi sa tuwing nagagalit siya dito o kaya ay may pinag-awayan sila. Palagi siya nitong niyayakap mula sa likod. Dahil ayaw nitong nakikita siyang galit sa kanya. Kaya imbes na yakapin siya paharap ay sa likod siya nito niyayakap. Yayakapin lamang daw siya nito paharap kapag hindi na siya galit dito.
"Sorry na.. sorry na Kara." Hinawakan ko ang kamay nito nakayakap sa akin upang alisin, pero lalo lamang itong humigpit.
"Sorry na.."
Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman kayang tiisin si Lorenzo. Kaya nga hindi ako nagpapakita dito dahil siguradong mapapatawad ko agad ito.
"Oo na. Hindi na ako nagtatampo." Umalis na ito sa likod ko at pumunta sa harap ko. Nakangiti na ito ngayon.
"Talaga?.. Ikaw talaga ang tampuhin mo." Pinisil nito ang magkabila kong pisngi.
"Aray! masakit ah!" Tumawa naman ito at niyakap siya.
"Na-miss kita eh."
"Halata nga!"
"KAASAR! ayaw nila mamatay! Lorenzo.. palapit na sila.."
Nandito kami ngayon sa arcade. Bumabawi ang loko. Nagpapalit kami ng maraming token. Napili namin maglaro ng isang game kung saan kailangan mong patayin ang mga monster na papalapit sayo. Kaya lang palagi akong nakakain ng monster dahil hindi ko matamaan ng maayos ang mga ito.
Natatawa naman ito. "Paano mo naman sila matatamaan ng maayos kung nakapikit ka dyan."
"Kasi naman! Nakakatakot yung itsura nila. Feeling ko malalapitan talaga nila ako-" napatigil ako ng biglang lumitaw ang isang payat na halimaw at lumapit sakin.
"Ahh! Shit! papatayin nila ako!" Halos napapatingin na ang ibang mga naglalaro sa'min.
Lumapit na sa'kin si Lorenzo. Tawang-tawa ito.
"Saya mo ah!" Asik ko dito.
"Tama na nga 'yan. Hindi mo mapapatay 'yan ng nakapikit." Tumawa ito bago kinuha ang Fake gun sa kamay ko. Ito na ang tatapos ng laro. Inasinta nito ang mga monsters na para bang na master niya na ang larong ito.
Napasimangot ako, "lugi ako ah... ikaw lang ata nag-eenjoy kasi sanay ka maglaro ng game."
Lumingon ito saglit sa'kin. "Ano bang gusto mo?"
Hindi naman ako mahilig sa arcade, madalas pumupunta lang ako dito para panoorin si Lorenzo.
"So ayos na tayo? hindi ka na galit?" Nag-aalangang tanong nito, napahawak pa ito sa batok.
Lumingon ako dito. "Alam mo naman na di ko naman kayang magtampo sa'yo ng matagal." Napangiti si Lorenzo sa narinig.
"Okay, nagugutom ka na ba?" Tanong nito.
"Ililibre mo ba ako?"
Naglalakad na sila palabas. "Oo, alam ko namang kuripot ka eh!" lumakas ang tawa nito.
"Edi, wow!"
"Tara na,"
Hinila naman siya nito palabas. "Saan tayo pupunta?"
"Magde-date."
Nak ka ng pating! Pafall talaga ang isang toh!
"ANG sarap talaga ng sawsawan niyo Aling Ising!" Kumuha pa ako ng isang fishball mula sa hawak kong plastic cup."Naku! syempre naman, minsan ko lang kayo makita eh. Magmula noong grumaduate kayo ay bihira na lamang kayong mapadaan dito."Napangiti naman ako rito. "Alam kong busy na kayo sa mga trabaho niyo kaya naman sinusulit ko ang pagkakataon na ito. Wag niyo ng bayaran 'yan. Malaki rin ang naitulong n'yo sa'kin lalo na ng nagsisimula palang ang karinderya ko.""Hindi po puwede Aling Ising, negosyo niyo po ito. Dapat lang na magbayad kami."Pagkatapos namin sa Arcade ay naisipan namin na dito na lang kumain.Ising Eatery ang pangalan ng karinderya ni Aling Ising. Dito kami madalas tumambay ni Lorenzo noong nasa kolehiyo pa kami. Hindi kasi namin gusto ang nilulutong ulam sa university. Kaya nang matuklasan namin ang nag-uumpisa pa lang na karinderyang ito ay sinubukan agad na
"PA welcome home, i missed you so much." Sabik na niyakap ko si papa. Mahigit apat na buwan ko rin itong hindi nakita.Meet Oscar Villena, my ever lovable, caring and sweet father in the world. Well for me it is.Palagi nag-a-out of the country si papa kahit nu'ng highschool pa lamang ako. Madalas pa ako noong magtampo kasi lagi itong wala.Naalala ko nagrebelde pa ako dahil gusto kong pauwiin si papa. Naglayas ako at kila Lorenzo tumuloy, pero nang malaman ni Lorenzo na nagrerebelde ako ay kinaladkad ako nito pabalik sa amin para makapag-usap kaming pamilya.Bully talaga ang lalaking iyon, hindi ako kinampihan. Anyway, nagkaayos rin naman kami dahil ipinaintindi nila sa'kin na para saykin lang din ang ginagawa nila, for my future.Matapos kong yakapin si papa ay nakita ko ang mga gamit nito sa sala kasama ang mga shopping bags.Nanlalaki sa tuwa na tumingin
ILANG araw na ang lumipas magmula ng magresign ako sa dati kong trabaho. May sarili kaming business pero nagtatrabaho pa ako sa ibang kumpanya. I have reason, gusto kong matuto ng hindi binibigyan ng special treatment. Sa company kasi namin konti na lang ang ginagawa ko since kay Papa pa rin naman manggagaling ang approval ng mga projects.Sa ngayon, ako ang tumatayong acting CEO ng Villena Builders Inc. Our company is one of the top 20 most trusted house builders. But now many of our investors had back out whenever they heard the unpaid debts to CM Corp.Iniisip ng mga ito na hindi na kayang makabangon ng kumpanya. Kaya mas lalo kong pinagbubutihan ang pagtatrabaho sa aming kumpanya while papa went back to Singapore to calm our remaining investors.I press the intercom. "Jenny.. what is my schedule tonight?"Agad namang pumasok sa office ang aking secretary."You only have one M
HINDI ko mapigilang haplusin ang tela ng aking wedding gown. Napakaganda nito.Ang sabi ni Mama ay ipinasadyan pa ito sa kakilala niyang wedding gown designer. My gown is a deep V-neckline with organic lace edging and long lace sleeves. Aakalain mong may nakadikit na bulaklak sa braso ko dahil sa hindi mo mahahalata ang tela na talaga namang nagblend sa kulay ng skin ko. Talagang mabusisi ang pagkakagawa nito, mapapathumbs up ka talaga.Nakakamangha kasi ang ganda nito.Dati ini-imagine ko lang na ikakasal kami ni Lorenzo sa simbahan. Di halatang-halata na patay na patay ako kay Lorenzo na kahit highschool pa lang kami ay naisip ko na ito. Natawa ako sa mga naisip pero napalitan din agad ito ng lungkot.Nakakamangha na sa loob lamang ng dalawang linggo ay nagawang maisaayos ang lahat ng kailangan sa kasal. Halos wala akong itinulong sa pag-aayos nito pero maganda pa rin ang kinalabasan.
HINDI ko alam kung ano ang idadahilan ko ngayong ang pamilya ko, ang pamilya ni Lorenzo at maging ang pamilya ni Josh ay matiyagang naghihintay sa mga sasabihin ko.Si Papa ay matiimtim pa ring nag-iisip at hindi ako magawang tingnan. Si Mama ay nasa tabi ni Tita Mikaela na patuloy pa ring nag-sosorry.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Malaking abala ang nagawa namin sa pamilya Buenavista. Nakakahiya talaga kila Josh.Nasa loob na kami ng Hotel. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero agad ko din itong itinikom nang wala akong maisip na dahilan.Ang gusto ko lang naman ay mapakalma silang lahat at hindi sila magkasakitan, pero mukang pinalala ko pa ang lahat.Napahilamos ako ng mukha, buti na lang waterproof ang make-up ko kaya hindi ito masyadong masisira.Tumingin ako sa katabi kong si Lorenzo upang humingi ng tulong, pero mukang wrong move. Nang tingnan ko
"CONGRATULATIONS iha.. sabi ko na nga ba't kayo rin magkakatuluyan." Masayang bati nito sa'min ng former teacher namin na si Sir Bryle.Matapos ang kasal ay nandito naman kami ngayon sa isa sa mga kilalang hotel dito sa Tagaytay. Ito kasi ang napiling lugar ng magulang namin para pagdausan ng reception since wala naman talaga akong itinulong sa preparation.Pero hindi sa mismong hotel ang reception, doon lamang kami tutuloy pagkatapos ng reception. Outdoor wedding reception kasi ang naisip ng magulang namin kaya naman nandito kami sa likod ng hotel kung saan makikita ang mga nagkikinangang mga ilaw na nakasabit sa mga puno.May mahahabang table na nakapalibot sa magkabilang gilid, nakapatong dito ang mga puting bulalak. Sa harap naman nakapwesto ang table namin ni Lorenzo. Sa gitna naman ang nagmistulang stage ng reception."Salamat Sir Bryle, hindi ko alam na inimbitahan po pala kayo ni Mama. Thank
HATING GABI nang magising ako sa kalabog na parang may bumagsak na mabigat na bagay sa sahig. Agad kong binuksan ang ilaw.Nanlalaki ang matang nakita ko si Lorenzo na nakahiga sa sahig nakasuot pa rin ito ng tuxedo. Nilapitan ko ito."Lorenzo, are you okay? san ka ba nanggaling- " Napatigil ako ng mapatakip ako ng ilong. Nangangamoy alak ito."Lorenzo, bakit ka nag-inom? paano kung nakita ka ng parents natin?" Umungol lamang ito at maya-maya ay naghihilik na ito.Nakatulog na nga ang loko.Ano bang nangyari sa'yo Lorenzo?Kinabukasan ay nagliligpit na ako ng mga gamit namin ni Lorenzo dahil lilipat na kami sa tutuluyan naming bahay."Lorenzo, wala ka na bang naiwan d'yan?" tanong ko. Nasa loob kasi ito ng banyo."Yes, wala na." Lumabas ito at binitbit ang mga gamit na kinuha nito sa CR.
KINABUKASAN maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin. Excited akong i-arrange ang lahat ng gamit na niregalo at binili nila Mama at Mommy Karen para samin.Kumain muna ako ng breakfast. Buti na lang pala may malapit na convenient store dito. Binilhan ko na din si Lorenzo at siguradong gutom na ito.Pagkatapos kumain ay inumpisahan ko na ang pagbukas ng mga box. Meron kaming Microwave, Blender, Plate with spoon and fork, Oven and iba pang kitchen utensils.Lumipat naman ako ng pwesto kung saan nakalagay ang iba pang box.Ang dami pala nito.Napalingon ako ng marinig ko ang yabag na nanggaling sa hagdan. Gising na si Lorenzo.Nang magising kasi ito kaninang madaling araw ay pinalipat ko ito sa kwarto para mas makatulog siya ng maayos. Hindi kami tabi natulog dahil alam kung hindi yon magugustuhan ni Lorenzo. Kahit na mas gusto ko iyon.
HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi
NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya. Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message. Sender: Unregistered Number Kara, can we talk? It's me Cristine. Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. &
PAIN. That's what I feel right now.Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa
"MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila. "Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara." "Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig
"HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya."Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin."Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool."Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo."Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."
ALAM kong nakita ko si Cristine. Agad akong humabol dito nang mapansin ko na paalis na ito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maricar pero hindi ko siya pinansin at sinundan si Cristine. Dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ko si Cristine pero agad ko rin itong nahanap sa harap ng counter. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya kaya lumingon siya sa'kin.Pero nabigo ako."Yes?" Tanong ng babaeng inakala kong si Cristine. Umiling ako at humingi ng pasensya."I'm sorry, I thought your someone I knew." Ngumiti lang ang babae at bumalik na sa kanyang ginagawa.Namalikmata lang ba ako?Baka nga nagkamali lang ako. Pero paano nga kung naabutan ko siya, anong sasabihin ko?Bakit ko nga ba siya hinabol? Dahil ba gusto ko lang makasigurado na siya nga ang nakita ko?Alam kong nangingibabaw ang takot ko sa mga oras
MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad kami ni Lorenzo. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin."Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon lang siya saglit sa'kin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pasimple kong kinurot ang braso ko para makasigurado na hindi nga ako nananaginip, nang makaramdam ako ng sakit saka ko lang napatunayan na totoo ang lahat ng ito. Madalas lang ako noon mag-day dream pero ngayon abot kamay ko na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng mahal mo. Para akong lumulutang sa saya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kapag naaalala ko ang mga linya ni Lorenzo. Sana pala nirecord ko.Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil at humarap sa akin si Lorenzo. Nagtaka ako nang maglabas ito ng panyo mula sa kana
"SHEENA?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito. Alam mo 'yung pakiramdam na nabitin ka sa isang bagay na dapat ay malalaman mo na pero mapuputol dahil may dumating na asungot. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Paano nakarating ang babaeng ito dito? Sheena is wearing a seductive red bikini that showcase her sexy curves. Gumamit lang siya ng manipis na tela para ilagay sa baywang, pero parang wala rin naman itong silbi dahil hindi naman kayang takpan ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Lorenzo, what a coincidence! You're also here, right Dad?" Masayang kumapit ito kay Lorenzo. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng bulagta sa buhangin ang babaeng ito. Lumipat ang tingin ko sa kasama nito na siyang ama ni Sheena. Siya pala si Mr. Jose Corpuz. May Edad na rin ito, may karamihan na rin ang puting buhok. Mukha rin itong mabait hindi katulad ng anak nito na parang linta kung makadik