Ten, twenty, thirty minutes na nakatayo si Adrian sa labas ng ladies restroom. Nagdesisyon na siyang pasukin ang restroom, dahil sa pag-alala na baka may nangyari kay Luna sa loob. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang makasalubong niya si Luna. Halatang galing ito sa pag-iyak. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Don't worry, I'm fine."Alam ni Adrian na tinatago lang nito ang nararamdaman. Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang nito at giniya pabalik sa kanilang mesa. "Where is she?" tanong nito sa kanya nang hindi nito naabutan si Arianna sa table nila. "She already left, why?"Umiling si Luna. "Nothing," she sat down and breathe a sigh of relief. Kumuha si Adrian nang isang kopita ng wine sa dumaang waiter at iniabot kay Luna, dahil alam niyang kailangan nito iyon. Nakangiti namang tinanggap nito. "Thanks!"Pagkatapos nang speech ni Lucas Saavedra. Nag-umpisa ng dumami ang nagsasayawan sa gitna. Napatingin si A
Habang naglalakad papasok sa main entrance ng building. Walang pakialam si Luna sa mga nakakasabayan n'ya. Pagkatapos niyang itapat ang kanyang ID sa Automated Gate Pass System ng company, dali-dali s'yang tumakbo upang makahabol sa elevator.Sakay ng elevator pataas, nagtataka s'ya sa biglang pagtahimik ng mga kasamahan. Ang isa sumulyap sa gawi n'ya habang sinisiko ang isa. Hindi niya ito pinansin. "Lumalabas na ang tunay na kulay." bulong ng isa na naka-bangs. "Haler! Mukha n'ya papatulan ni Sir Adrian?" sagot naman ng isa. Hindi n'ya lang ito pinansin, dahil hindi s'ya sure kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Mayamaya nagsilabasan na ang mga ito, hanggang sa s'ya nalang ang naiwan sa loob ng elevator. Pagdating niya sa taas, nang masilayan siya ni Josie ay agad s'ya nitong nilapitan kahit hindi pa sila nakakaupo sa kanilang upuan. "May problema ba Josie?" nagtatakang tanong n'ya.Tinitigan s'ya ni Josie. "Hindi ka ba nag-open ng social media account mo? Trending ka kasama si
Time flies so fast, they were getting ready for the company retreat na gaganapin sa isang resort na pag-aari nang pamilya ng kaibigan ni Adrian. While packing her important stuff, Luna recall what happened the other day. *** Habang kumakain sila ni Josie sa cafeteria narinig n'ya ang bulungan ng tatlong empleyadong babae na nasa kanyang likuran. "Ambisyosa kasi, kaya tingnan n'yo parang basang-sisiw sa tabi. Wala na s'yang maipagmamalaki ngayon dahil wala na ang ama n'ya maging ang mga kayamanan nila." as usual ang tatlong bruha sa elevator pa rin. Napailing siya habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Wish lang niya na hindi s'ya makarinig nang magpapakulo ng kanyang dugo. "You know her?" tanong ng isa. "Of course, ka-batch n'ya ang kapatid ko sa De La Paz University. Hindi naman yan nakatapos mula noong pinalayas yan sa mansion nila, pero bakit tinanggap pa rin siya ni Sir Adrian dito sa company." hindi na n'ya nilingon kung sino ang nagsalita, dahil sa boses palang n
Matagal na natulala si Luna habang nakatitig sa kawalan. Isang katok sa pinto ang pumukaw sa kanyang lumulutang na katinuan. Napatingin siya sa relo na nasa kanyang bisig. Mag-ala-una na pala nang madaling araw. Mabilis s'yang tumayo upang silipin kung sino ang nasa labas ng kwarto n'ya. Muntik pa s'yang nadapa dahil sa pagkasabit ng kanyang paa sa nakalaylay na kumot sa sahig na kanyang naapakan at tuluyan pa s'yang natapilok. "Aruy!" impit n'ya sa sakit, papilay-pilay na nagtungo siya sa pintuan. "Luna, okay kalang?" tawag sa kanya ng tao sa labas. "Yes, I'm fine," sagot n'ya at unti-unting binuksan ang pinto. "You need anythi...?" "Happy birthday!" hindi na n'ya natapos ang sasabihin sana, dahil nasorpresa s'ya sa mga kasamahan sa bahay maging si Tita Mel na may dalang cake. Sobra s'yang na-touch sa ginawa ng mga ito kaya napaiyak siya nang todo. Niyakap naman siya ng mga ito. Kahit ang kanyang ama ay hindi nagagawa ang ganito, kaya ito ang unang pagkakataon na mag-blo
It was as if someone had pinched her pointed nose. Is this real or she's dreaming. But, I feel the warm fingers on my nose... "Oh my goodness..."Bigla siyang napatuwid nang upo. Paglingon niya sa kanan, open ang bintana ng sasakyan. Nakatayo si Adrian sa labas habang nakatingin sa kanya. "Miss. Salvacion, how long do you plan to sleep?" tanong nito sa kanya.Mabilis ang galaw na nag-ayos nang sarili saka siya bumaba ng sasakyan. "I'm sorry sir, I did not sleep well last night." nakayukong sagot niya. "It's not my problem." sagot nito bago siya tinalikuran. "Don't forget your luggage Luna." paalala ni Nikko sa kanya.She nodded. "Thanks!"Pagkakuha niya ng kanyang suitcase, sumunod siya sa mga ito. "Antipolo!" nausal niya habang matiyagang pinagmasdan ang tahimik na kapaligiran. This was the first time she had explore herself in nature, ever since she was child. Far from the bustling city, she can do a meditation here and let the negativity out of her soul. She take
Ang lakas nang tibok ng kanyang puso. Bigla nalang siyang napapikit sa pag-aakalang hahalikan siya nito dahil unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. Ngunit nakaramdam si Luna nang pitik sa kanyang noo. Bigla siyang napamulat ng mata. Mukha nang nakangiting si Adrian ang kanyang namulatan. Nanatili pa rin itong nakayakap sa baywang niya. Naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa hiya, buti nalang at nakainom siya kaya may rason siya na hindi alam ang kanyang ginagawa. Nag-enjoy ang kanyang mga kasamahan sa pagtampisaw sa malamig na tubig sa swimming pool, samantalang siya hindi pa nga nakakaligo lasing na. Nakakaloka naman kasi tong lalaking 'to, lakas maka-trip. Sigaw ng kanyang isipan. Nagpumiglas siya upang makawala rito ngunit mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "What are you thinking?" nakangising tanong nito. She pouted her lips. "Lakas mo mang-trip ano?!" singhal niya rito. Nangangatog ang kanyang tuhod dahil sa reaction ng kanyang katawa
Umagang kay ganda ang sumalubong kay Luna. Kahit masakit ang kanyang ulo nagawa niya pa ring gumising nang maaga. Nais niyang mag-ikot sa buong resort habang maaga palang, upang ma-refresh ang kanyang utak. Pagbukas niya ng kurtina, napatigil siya sa biglang pagsagi sa kanyang isipan tungkol sa nangyari kagabi. Tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi habang napapangiti. Mayamaya bigla naman siyang huminto. 'Ano ka ba Luna, ang bilis mong ma-fall, paano kung trip niya lang iyon.' saway ng kanyang isipan. Pilit niyang kinalimutan iyon dahil ayaw niyang umasa. Agad siyang nagpalit ng damit na pang-exercise at nagdala ng isang boteng tubig.Nakasalapak ang headphones sa kanyang tainga at nakikinig ng meditation podcasts habang naglalakad sa pababa at paakyat na daan sa palibot ng resort. Habang abala siya sa paglalakad, hindi niya napansin ang lalaking kanina pa nakasunod sa kanya.Masarap sa pakiramdam habang pinapanood ang pagsikat ni haring araw. Tagaktak ang pawis sa kanyang katawan, n
At the forest in Antipolo The wind whistling around trunks, birds singing, insects humming, branches creaking. Iilan lamang sa maririnig at mapapansin mo kapag nasa gitna ka ng kagubatan. Malamig na simoy ng hangin. The air smells good, too, it's totally relaxing. Ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata, to feel the soothing sound of the forest. Bago ito sa kanya, siya na lumaki sa city. "Parang masarap mamuhay rito." nakangiti niyang bulong.Kinalabit siya ni Josie sa kanyang tagiliran. "Handa ka na ba?" tanong nito sa kanya.Ngumiti siya rito. "Just go on Josie, I'm not interested in thier games. Ito ang hinahabol ko rito, ang maka-bonding si Mother Nature. I want to stay longer." "Nako bebe, laking Manila ka kasi kaya ayan uhaw ka sa kagubatan. Ako na lumaki sa probinsya, parang naumay na rin." nakangiti nitong wika. "Huwag gano'n, Josie. If you try to appreciate the breathtaking beauty of nature, promise hindi ka mauumay." masayang sagot niya. "Oo na, joke lang naman
Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka
Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika
Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B
Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata
4 years laterMamasa-masa pa ang kapaligiran dahil sa magdamag na ulan. Parang tinatamad na maligo si Luna sa likuran ng bahay. Kung hindi lang dahil sa trabaho siguro makikita mo pa rin siya sa higaan ng mga oras na iyon. Kasabay ang malamig na ihip ng hangin sa bukid ay ang lamig na galing sa makapal na fogs na bumalot sa paligid. Kaya ang inaantok pa na si Luna ay nakaupo pa rin sa harapan ng lumang poso habang nagtatalo ang isip kung maliligo ba o hindi. Kasalanan talaga ng kanyang kaibigan kung bakit s'ya tinatamad bumangon ngayon. Nag-aalburutong sigaw ng kanyang isipan. "Sus maryosep na batang 'to. Alam mong napakalamig pipilitin mong maligo. Hindi naman siguro matsutsuge ang mga makakasalamuha mo kung wala kang ligo ngayong araw. Maghilamos kalang at maghugas para hindi ka ma-late sa trabaho." nagulat s'ya sa maagang sermon sa kanya ng kanyang lola Sonia. Naabutan kasi siya nitong yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod habang nakatitig sa kawalan. "Lola naman, kumukuha la
"C'mon, Adrian! Huwag kang masyadong paapekto riyan. Akala ko ba walang kayo! Bakit mukhang broken hearted ka!" natatawang biro ni Kyle sa kanya.Tinungga niya ang vodka sa kanyang baso. Dahil sa nangyari ngayong araw humantong siya sa bar at inaya ang kanyang tropa. "Ikaw ba ay naniniwala sa mga larawan?" tanong sa kanya ni Zedric. Napatingin siya rito. Naalala niya ang mga nakitang tagpo sa larawan. Ang paghawak ni Nolan sa kamay ni Luna at magkasabay silang naglakad patungo sa sasakyan ng lalaki. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Of course! Sino ba naman ang hindi maniniwala roon? Malamang magkasama sila ngayon. And they are living happily ever after." napipilitan niyang sagot.Biglang tumawa si Kyle sa tinuran niya. "Yun naman pala eh! Bakit parang sinakloban ka ng langit at lupa riyan. Akala ko ba okay lang sayo na makipag-date siya sa iba." tumatawang sabi ni Kyle sa kanya. Palibhasa playboy kaya walang pakialam sa serious relationship. Hindi pa k
Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang ina nang hawakan nito ang kanyang braso. "What's wrong, son?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito, ang balak niya sanang sisihin ito sa lahat ay naudlot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinisil ang pagitan nito. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Bad news, mom." matipid niyang sagot. Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama. "Are you okay, son? Parang may bumabagabag saiyo." "She left, dad. Maybe, I need to leave now. Baka sakaling maabutan ko pa siya. Bye, mom, dad!" dahan-dahan na siyang humakbang sa direksyon ng short cut na daan mula sa garden patungo sa malaking gate ng kanilang bahay. Naiwan sina Jenny at Dennis na walang imikan sa garden. --Balisa si Josie nang maabutan niya ito sa cubicle nito. Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mesa. Agad niyang namataan ang papel sa mesa nito